Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

45 : The Missing Piece

No time to proofread. Sorry for the typos :(

Chapter Theme :

Broken Ones - Jacquie Lee

TASHA


         RUN. SHOOT. GASP. My chest is in a lot of pain from receiving the kicks of the crossbow every time I pull the trigger but I can't bear to stop knowing that if i'll do, the children of Milcom will get to attack me first.

        I was gasping for air but I can't stop because a group of them are still chasing me. I've been passing and entering different corridors but I can't find anyone nor a way out. It's like i'm running in circles and all I have left is a couple of arrows to fend myself.

       Growing desperate, I entered a door and locked myself in and I was surprised to find myself in another corridor so I had no choice but to run again. I'm so tired of running and fighting but I can't help but think about Kleya and Wolfgang. I want to see them again. I really really want to see them again. I don't know why but that's just what my heart longs for.

     Running for my life, I can't help but think... maybe everything that's happening is my karma for leaving Alicia behind. Maybe the universe is punishing me for leaving my sister behind to die at the hands of that maniac that's why my adoptive family was killed, why my friends died, why i'm on the edge of losing everyone I ever cared for. If this is the universe' punishment then i'd be glad to accept it, all I ask is for my friends to be spared from the pain... they don't deserve this, but I do.

        

       "Alison!"

        Umiiyak si Alicia habang isinisigaw ang pangalan ko. Nagpupumiglas siya habang hawak ng lalakeng gustong kumuha sa aming dalawa. Takot na takot ako at wala akong ibang magawa kundi umiyak at sumigaw.

        Gusto kong iligtas si Alicia pero masyado akong takot at mahina kaya naisip ko ang mga tao sa loob ng convenience store na pinanggalingan namin. Matatanda na sila kumpara sa amin kaya tiyak matutulungan nila kami. Takot na takot ako para kay Alicia pero mas nanaig sa puso ang kagustuhan kong makahingi ng tulong. 

        Gusto kong magsalita, gusto kong magpaalam kay Alicia na hihingi ako ng tulong ngunit di ko na nagawa. Sa sobrang takot ko, nagtatakbo ako palayo, ni isang beses hindi ko siya nilingon.

        Humahangos akong dumating sa convenience store. Humingi ako ng tulong sa guardya ngunit sa pagbalik namin, wala na ang van, wala na si Alicia.

         Araw-araw akong umiiyak. Kasalan ko ang lahat, alam ko iyon at araw-araw akong nagsisisi sa pag-iwan kay Alicia. Lagi akong pinapatahan ng madreng naging nanay-nanayan namin ni Alicia, ngunit gabi-gabi ko rin siyang naririnig na umiiyak. Gaya ko, mahal na mahal niya rin si Alicia. Hindi ko alam pero kahit na anong gawin ko, hindi ko maalala ang mukha at pangalan niya.

        Napakaraming mga pulis na dumarating sa ampunan, nadagdagan din ang mga guwardya. Sabi ng madre, tumutulong daw sila sa paghahanap kay Alicia kaya kahit papaano ay nagkaroon ako ng pag-asa. Araw-araw akong nakatanaw sa bintana, naghihintay sa pagbabalik ng kakambal ko.

        Ngunit ang pag-asa ko ay tuluyang nawala nang isang araw, sinabi sa akin ng madre na patay na si Alicia. Galit na galit siya sa akin at sinisisi niya ako sa pagkawala ni Alicia. Napakasakit para sa akin ng nangyari kasi nawala si Alicia at nawala narin ang nanay-nanayan ko sa akin, at kasalanan ko itong lahat.

        Ayaw na raw akong makita ng madreng naging nanay-nanayan ko kaya naman ipinaampon niya ako sa ibang pamilya. Minahal ako ng bago kong pamilya, nagkaroon ako ng bagong pangalan, bagong mga magulang, at bagong mga kapatid... pero sa puso ko, si Alicia parin ang kapatid ko at ni minsan ay hindi siya nawala sa isipan ko. Araw-araw ipinapaalala ko sa sarili ko na kasalanan ko kung bakit namatay ang kakambal ko.

       Ngunit mapagbiro ang tadhana, isang araw natagpuan ko ang sarili ko sa isang mesa kasama ang pamilya ko. Nakatali at duguan. Pinatay sila sa mismong harapan ko. Sa totoo lang natuwa ako nang pakiramdam ko'y mamamatay ako, makakasama ko na kasi si Alicia at ang pangalawa kong pamilya na pinatay sa mismong harapan ko.... Ngunit nabuhay ako. Nang magising ako sa ospital na mag-isa nalang sa buhay, naisip ko na baka ito rin ang pakiramdam ni Alicia nang iwan ko siya. Siguro ito na ang simula ng karma ko.

        Pero matapos akong makaligtas, ipinasok ako sa Cosima at dito ay nakilala ko ang mga bago kong pamilya. Pinangako ko sa sarili ko na kahit na anong mangyari, hinding-hindi ko na uulitin sa iba ang ginawa ko kay Alicia kaya sa bawat pagkakataon hinding-hindi ko sila iniiwan.

       Sa totoo lang hindi ko narin talaga maaalala ang pagkabata ko, ang naalala ko lang ay si Alicia at ang mga pinagdaanan namin. Pero nang araw na magtungo kami sa ampunan, at makita ko ang madreng nagpalaki kay Kleya, bigla kong naalala na may madre palang umaruga sa amin ni Alicia ngunit hindi ko maalala ang mukha at pangalan niya.  Ang alam ko lang mahal na mahal ko siya, silang dalawa ni Alicia... ngunit nawala sila sa akin dahil sa sarili ko ring kagagawan.


        Lumiko ako sa isang pasilyo at bigla akong nakapansin ng mga patak ng dugo sa sahig. Sinundan ko ito hanggang sa bigla kong natanaw si Miller na duguan, hinang-hina habang pilit na naglalakad habang nakasandal sa pader.

        "Miller?!" Agad akong nagtatakbo patungo sa kanya at inalalayan siya. "Asan si Kleya?! Asan siya?!" Otomatikong lumuha ang mga mata ko at mas tumindi pa ang takot ko.

        "W-wall.. Glass wall," napasinghap si Miller dahil sa labi na sakit. "We have to find her before he finds her," aniya kaya agad akong tumango-tango at ipinatong ang braso niya sa balikat ko. Miller's losing a lot of blood, his face is really pale and I could tell that he's fighting hard no to pass out.

       "W-who's he?! Anong gagawin niya kay Kleya?" tanong ko pero sa isang iglap bigla kaming nakarinig ng tila ba sumisigaw.

       Bigla akong kinilabutan, pakiramdam ko'y biglang nanikip ang dibdib ko. Malabo ang sigaw pero sigurado ako sa naririnig ko. 

       Nagkatinginan kami ni Miller at otomatiko naming sinundan ito.



***

        

      Habang papalapit kami nang papalapit, palakas nang palakas ang bawat sigaw na nauuwi sa isang napakalakas na palahaw. Kusang pumapatak ang mga luha ko, siguro ko kasi nararamdaman ko ang matinding pagdurusa mula sa boses niya pa lang.

       Mukhang nanggagaling sa isang kalapit na pinto ang bawat palahaw at nang buksan ko ito ay parang huminto ang mundo ko nang makita ang isang glass cage sa gitna ng malawak na silid, nasa loob nito si Kleya. Nakaupo sa isang bakal na upuan, humihiyaw at umiiyak, kasabay nito ang ingay na para bang pagdaloy ng napakalakas na boltahe ng kuryente.

      "Kleya!" Kapwa kami napasigaw ni Miller.

      Natagpuan ko ang sarili kong humihiyaw at umiiyak habang kinakalampag ang salamin. Parang dinudurog ang puso ko habang nakikita si Kleya na nagdurusa. Parang ako rin ang sinasaktan. Gusto kong wasakin ang salamin, gusto ko siyang iligtas, gusto ko siyang yakapin.

       "Tama na! Tama na!" Halos hindi na ako makahinga sa kakaiyak at kakasigaw pero hindi ko magawang hinto. Sobrang sakit. Sobrang sakit na makita siyang pinapahirapan at wala man lang akong magawa.

       My eyes met Kleya's and all I can see in her eyes is nothing but pain and vulnerability. She's crying helplessly, as if she's begging us to put a stop at her suffering, begging us to help her. My heart felt like being rippe to shreds, it feels like losing Alicia all over again.  

      I want to tell her that everything will be okay. I want to switch places with her. If only I can take away the pain even if i'd have to suffer with it myself. I just want to save her. 

       "Matatapos lamang ito sa isang kundisyon."  

        I looked at the speaker, where the voice was coming from, and I've felt nothing but desperation.

         "Ano?! Ano?! Utang na loob kahit na ano!" I screamed in between my cries as I continued banging on the glass. I'd do anything to save Kleya, even if I have to take her place I will do it in a heartbeat. I just want her suffering to end.

       "Sabihin niyo sa akin sino si Alison." 

        "Ako! Ako si Alison! Ako ang hinahanap mo kaya parang awa mo na, tama na!"  I admitted without hesitation. "Ako si Alison! Ako ang hinahanap niyo kaya pakawalan niyo na siya! Wala siyang kinalaman dito! Tama na!" I screamed over and over and over again as memories came back flooding my mind.

  

        Naalala ko ang gabing dinukot kaming tatlo nina Kleya at Ruella.

        "Pakakawalan ko lang kayo oras na malaman ko kung sino sa inyo si Alison," sambit ng babaeng may pangalang Angelia nang ikulongniya kami sa kanyang truck.

         "W-we don't know her! Just let us go!" Sa unang pagkakataon matapos ang napakatagal na panahon, narinig ko uli ang pangalang iyon. Natakot ako at labis na naguluhan kaya hindi ako agad umamin.

       "Ako! Ako si Alison!" Nagulat ako nang bigla itong inako ni Ruela at nagimbal ako nang barilin siya sa mismong harapan namin ni Kleya.

//

       "All I want is to find Alison and I believe that Alison is among you. Whoever is Alison, please speak up otherwise, you'll be facing some very deadly consequences!"

       "Guys sino si Alison?!"

        "Alison don't tell them who you are! They will still kill all of you! If you tell them who you are, you'll just be giving everyone an earlier death sentence!" 

        Wala akong magawa kundi manahimik habang nakatali sa kinauupuan ko. Alam kong ako ang hinahanap ni Paula. Gustong-gusto ko nang sabihin sa kanilang lahat na ako ang Alison na hinahanap ni Paula ngunit tama si Lauren, papatayin lang ni Paula ang lahat oras na makuha niya ako. 

//

        Nang lumapit si Lauren kay Cloud as mga huling sandali ng buhay nito, nagwala ako ng nagwala pero ngumiti lamang sa akin si Cloud na para bang sinasabi niyang magiging maayos ang lahat. Na magiging okay siya. 

         "To Alison... whoever you are..." Ipinikit ni Cloud ang mga mata. "Don't tell them who you are and none of this will ever be your fault."  Idinilat ni Cloud ang mga matang nakatingin parin sa akin. He knew... he knew I was Alison all along but he still sacrificed himself.

          

       From that moment on, I vowed never to tell anyone that I was Alison all along knowing Ruela, Lauren, Cloud and more have died just because I didn't tell them who I was all along. But now it's different. I'm desperate. I just want Kleya to survive.

       "H-hindi..." Nakita ko kung paano umiling si Kleya na para bang naguguluhan dahil sa pag-amin ko na ako si Alison.

        A-alicia..."

       Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig ng marinig ang kakambal ko. Agad akong napalingon kay Miller na siyang nagsalita.

      "A-ano?" halos hangin ang lumabas mula sa bibig ko.

       Habang nakaluhod, nakita kong pilit na tumayo si Miller habang patuloy ang pag-agos ng kanyang dugo sa sahig. Nakatingin lang siya kay Kleya habang lumuluha. "K-kleya, you're not Alison. You're Alicia..."

       "Hindi! Ako si Alison! Ako si Alison! Iniwan ko si Alicia! Pinabayaan ko siya kasi napakasama kong tao!"   

       Wala sa sarili akong napaharap kay Kleya at napatakip ako sa bibig ko dahil sa narinig. Napatitig ako sa kanyang luhaan niyang mga mata at sa isang kisapmata, nagbago ang kanyang anyo... naging isang bata... ang batang si Alicia.. ang kakambal ko.

     "A-alicia sobrang sama ng pinagdaanan mo kaya nang ma-rescue ka nakiusap ang mama mo sa daddy ko na burahin ang alaala ng pagdurusa mo kaya pinaniwala ka naming ikaw si Alison at hindi si Kleya..."

       Para akong tuluyang tinakasan ng lakas nang marinig ang paliwanag ni Miller. Napahagulgol ako at napatakip sa bibig ko. Hindi man magkamayaw ang mga luha ko, kusang lumilitaw ang isang ngiti sa mukha ko dahil sa labis na tuwa.

         Alicia's alive! She's alive and she's been with me all along!


       Humarap akong muli sa direksyon ni Kleya at kasabay nito ang biglang pagbukas ng maliit na bahagi ng salamin sa harapan ko. Lumalakas lalo ang tibok ng puso ko. Nagkumahog akong makapasok agad.

      "Alicia!" Napahagulgol ako lalo nang malapitan ko siya. Napaluhod ako sa kanyang harapan. Gamit ang nanginginig kong mga kamay, hinawan ko agad nang marahan ang magkabila niyan pisngi pero pilit siyang umiwas, pikit mata habang humihiyaw.

      "Alicia! Alicia ako 'to! Si Alison 'to!" My voice kept breaking into loud sobs as I desperately tried to get her attention. 

      My lips were trembling. My tears just won't stop and my breathing was unstable. My heart won't calm down knowing my twin is right in front of me. I want her to recognize me. I want us to be family again. I love and missed her so much, not a day went by that I didn't think of her. 

      Sa isang iglap, huminto si Kleya sa pagpupumiglas. Para akong nabuhayan ng loob ng unti-unti niyang idinilat ang kanyang mga mata at napatingin sa akin. Gaya ko patuloy din ang pagpatak ng kanyang mga luha kasabay ng kanyang panginginig.

     She looked at me with emotions I could not understand. Her trembling lips moved.

     "Bakit mo ako iniwan?"

      And at that moment, my legs weakened. I could not speak nor think of anything, I cried and cried over the regret that has haunted me from the moment I ran away from her. 

      Punong-puno ng kalungkutan at panunumbat ang kanyang mga mata. Nasaktan ko siya. Sobra ko siyang nasaktan at kasalanan ko ang lahat.

      "I.." umiling ako habang humahangos. "A-alicia I didn't want to leave you. I got scared and ran away to ask for help. I was scared and weak. I know I couldn't help you so I ran away and tried to find those who can. Alicia walang araw na hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko. Walang araw na hindi ko hiniling na ako nalang ang nawala at hindi ikaw. Mahal na mahal kita."

      She looked at me with crying eyes. She didn't say anything, she just looked at me and cried her heart out.

     Alicia and I both sobbed and cried out loud. I kissed her cheek over and over again and reached for the belt that keeps her tied to the chair. My hands were trembling but I was quick to untie her, even taking off he metallic apparatus strapped at her temples.

    And by the time she was completely free, she suddenly got up and pulled me into a tight hug. I never thought that I would find Alicia and get to hug her like this. I thought she was dead. And I never expected her to the girl I once treated as an enemy.

      "I'm sorry for being such a bitch. I'm sorry for calling you a loser. I'm sorry for everything. I'm sorry for not recognizing you sooner. I love you. I really really love you." I said as I hugged her tight. She was too weak to move, her temples had burn marks, and her body is still trembling from the torture she went through.

       I guided her towards the opened glass but to our surprise it suddenly went down, trapping us inside the glass cage.

      "H-hindi!" I heard Miller scream from outside.

       "It's okay!" I quickly hugged Alicia before she could react. "I'm here with you, Alicia and i'm not leaving you behind again." I whispered as I caressed her hair from the back of her head. 

       "My beautiful twins are finally together again... It's good to have finally found you Alison."

       Kapwa kami napatingala ni Kleya nang marinig ang boses na nanggagaling sa speaker na nasa ibabaw namin. Napahawak ako nang mahigpit sa kamay niya at ganun din siya sa akin.

      "B-bullspit," I heard Kleya gasp. She may be my Alicia but she's still the Kleya I loved to bicker with.

      "Only one of you will be able to come out alive from the glass cage."

      Nagkatinginan kaming dalawa ni Kleya, kapwa may takot sa mga mata.

     "This is my only rule and if you break it.. well just look behind you."

      Kapwa kami napalingon ni Kleya. 

      "No! Aaron, no!" Iyak ni Kleya nang makita namin si Miller na nakadapa sa sahig. Nakatayo si Aaron sa likuran habang nakaapak ang isang paa nito sa likod ni Miller. May hawak si Aaron na baril at nakatutok ito sa ulo ni Miller.

      "There's a knife under the chair. Take it and make me proud."



END OF CHAPTER 45!

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro