Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

43 : Family ties

Hi! Feel free to join our growing family in Facebook! Just search up "The Serialreaders", hit join, and don't forget to answer the security questions para ma approve! Also feel free to follow me on my twitter and insta, my usernames are serialsleeperwp and serialsleepuh respectively :)


TO THE SR FAM, please guys I am begging you, NO SPOILERS LALO NA SA GROUP CHATS PLEASE. I've worked so hard for this so I really hope that you'll respect my hard work and your fellow readers right to a spoiler-free reading experience.



KLEYA


        Natagpuan ko ang sarili kong nakaupo sa sahig habang hawak ang duguang katawan ni Miller. Nagsisimula na siyang umubo ng dugo at lumalabas ito mula sa bibig niya. I can see pain in his eyes, pain from knife that struck his back, pain from the truth of his sister's betrayal.

       "P-paano mo 'to nagawa sa sarili mong kapatid?!" I screamed at Ruth. I could feel my neck tightening from screaming and my heart beating faster than it ever did. 

        Nag-angat ako ng tingin at wala akong  ibang nararadaman kundi matinding galit habang nakatingin kay Ruth na nakangisi parin at animo'y hindi man lang apektado sa ginawa. She's just standing right in front of us, holding a knife like a heartless psycho.  All along there's been another psycho next door and I didn't even know!

       "Ang totoo niyan, hindi ko kapatid si Miller. Kasi ang totoo kong kapatid," itinuro niya ako at pabulong na nagsalita sa hangin habang nakatingin sa akin. "Ikaw."

        Hindi ako nakapagsalita sa sobrang gulat at kalituhan.

       Ruth giggled and waved her hand playfully. "Hey Sis.."

      "W-what?" napasinghap ako. She can't be Alicia.

      "Ask my fake kuya over there," natatawang sambit ni Ruth kay Miller kaya otomatiko akong nagbaba ng tingin kay Miller na ngayon ay hinang-hina at namimilipit sa sakit. Pero nakikita ko ang pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata habang nakatingin sa direksyon ni Ruth.

      "R-ruth kapatid kita.." Garagal ang boses ni Miller habang sumisinghap. Nanginginig ang kanyang mga kamay kaya hinawakan ko ito nang mahigpit. 

      "You're not fooling anyone, Miller!" Umalingawngaw ang matinis na sigaw ni Ruth kaya mariin akong napapikit habang dinadama ang matinding galit na sumasakop sa puso ko.

      "Well since, my fake bro is too weak to tell the truth. Allow me to spill the tea!" Humalahak si Ruth. "Everything that he told you, they were all lies! Lies! Lies! Lies! He's so good at telling lies! Just like his Mom and Dad! They were all--"

     "Mom and Dad loved you, Ruth! I love you! You're my sister!" sigaw pabalik ni Miller sa kabila nang labis na panghihina. Naramdaman kong sinubukan niyang bumangon kaya naman idinilat ko ang mga mata ko. Awang-awa ako nang makita ko ang luhang tumatakas mula sa mga mata niya. He looked so torn, like his life crumbled down in a snap.

     "Love?! Love ba yung tawag niyo sa paglayo niyo sa akin mula sa ama ko?! I was just a kid but you took me away from him! Dad said I could've been a good leader to the Children of Milcom if only I grew up with them!" Pagwawala ni Ruth na para bang isang batang nagta-tantrums.

      "Nababaliw ka na!" Sigaw ko sa sobrang pandidiri sa mga pinagsasabi niya.

     "No! I'm just embracing our family's blood! Continuing Dad's legacy! You're older than me, dapat ikaw ang mas gumagawa nito eh! Ate, stop being such a black sheep!" She stomped and raised the dagger she's holding towards my direction.

     "Ruth! Listen to me!" I want to strangle Ruth with my bare hands but I have to put some sense into her. "Your mom was raped--"

     "No Ate! It's you who needs to listen!" giit niya. "My Mom gave herself up to Dad wholeheartedly. Unlike your holy fucking Mom, my Mom understood Dad's idealogy! My Mom even died for Dad when our pathetic uncle ransacked our home to rescue us!" Ruth rolled her eyes when she uttered the word rescue indicating sarcasm, indicating that she was just as messed up as them. 

     "R-ruth, tayo ang pamilya." Luhaang giit ni Miller. I could sense the desperation in his voice as he tries to stand up.

     "Can you still consider me a family after what I did to Mom and Dad?" Panghahamon ni Ruth at muling ngumisi, at sa sandaling iyon ay nakita ko ang unti-unting paglaho ng sakit sa mga mata ni Miller at unti-unti itong napalitan ng kalituhan.

      "R-ruth anong ginawa mo?" Miller's breathing hitched and it was as if his world stopped spinnning. 

      Tumingin sa akin si Ruth. "He lied to you, Ate. He wasn't kidnapped and kept in a fridge. He was out there practicing soccer when Dad and his army went to the house to take me. At first I was scared, like really really scared especially when they beat up Mom--I mean Miller's Mom and Dad. But then I realized, my biological Father isn't that bad. He's actually pretty cool you know? I mean Miller's Dad is a child psychiatrist but my--no, our Dad is way better since he's a mad scientist! A visionary!" Humalakhak si Ruth.

     "Ruth, he brainwashed you!" Sinubukan kong igiit nguni umiling-iling lang si Ruth.

     "No brainwashing happened, sis. On the contrary, he actually made me realize why i've always had fascination in strangling cats and dissecting their carcass." Pagmamalaki niya.

     "I was enjoying my life with the children of Milcom but Dad told me, I served a better purpose. We made Python believe that he rescued me so I could infiltrate his safehouse and  so I could look for you, sis. But imagine my shock when I saw this guy again in Cosima," wika pa ni Ruth sabay turo kay Miller.

      "I... I wanted to find you. Y-you're my sister Ruth. I knew Python could rescue you and we'd be reu--"

      "Oh stop being so dramatic!" Sigaw ni Ruth. "We both know you also stayed in Cosima because you knew that Python was secretly taking care and monitoring your puppy love! You must have been so happy when you saw her again after all those years." Natatawang tumingin sa akin si Ruth. "You forgot about him but he never forgot about you, Ate. Unfortunately, I think Dad won't approve of Miller because--"

      "Ruth, listen! Dad is crazy! You don't have to be a psycho like him!" sigaw ko.

     "Do you want me to know what I did to your Mom and Dad, Miller?" malambing na saad ni Ruth.

      "Ruth, anong ginawa mo?!" lumuluhang sambit ng nanlulumong si Miller. Hinang-hina siya at muli siyang napapaubo ng dugo pero hindi niya ito iniinda.

      Ngumisi si Ruth. "I used a really sharp knife to stab Dad in the--" hindi na ako nakapagpigil pa sa galit ko. Agad kong sinugod si Ruth, sinunggaban nang mahigpit na hawak ang kamay niyang may hawak sa kutsilyo.

      Nadala ako sa sobra kong galit. Napakabilis ng mga pangyayari. Namalayan ko na lamang na nakahiga na si Ruth sa sahig, dinadaganan ko siya at hawak-hawak ng dalawang kamay ko ang leeg niya.

      She was gasping and struggling but she's no match for me. Her face is red as she tries to mumble words. "A-ate..."

      I could tell she was playing the pity card but she should know by now that I won't fall or it. I'm not a psycho like her. I will never be a psycho like her. But there's no way in hell I will tolerate her for everything that she did and everything that she will do.

     I noticed how Ruth's hand was making way on the floor. Like she's trying to grab something. And then I saw it. The dagger with Miller's blood.

      Bago pa man niya ito makuha, inunahan ko na siya at sa isang kurap lang, naisaksak ko sa sentido niya ang kutsilyo dahilan para mapasinghap siya at tumirik ang mga mata kasabay ng nang pag-agos ng dugo sa sahig.

     Her body jerked for the last time and that's when I loosened my grip on her neck. I kissed her forehead as I closed her unresponding eyes using my hand. I whispered in her ear, "I'm sorry for not regretting what I did... I  did what I had to do, Ruthy. I had to stop you from hurting others." 

      "Impressive, my child."

      Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang isang malalim na boses mula sa speaker na nasa kisame. Hindi ko na kailangang magtanong dahil malakas ang kutob ko kung sino iyon.

      "I'm not your child!" Sumigaw ako kahit hindi ko siya nakikita. Kinilabutan ako sa napagtanto ko, all this time pinapanood niya lang kami. Ngayon ko lang napansin ang maliliit na camera sa kisame.

      Nilingon ko si Miller at nakita ko siyang lumuluha habang nakadapa sa sahig at nakatingin sa direksyon ni Ruth. He's lying on his own pool of blood, pain and misery etched on his face.

     "We have to go!" Agad ko siyang inalalayan sa pagbangon. Ngayong alam ko nang nakikita ni Dr. Muerte ang bawat galaw namin, hindi ko na alam kung may magagawa 'tong mga kilos namin. Pero hindi ako pwedeng mawalan ng pag-asa. I still want to hug my mom, my real mom who's been with me all these years.

      Suminghap si Miller dahil sa labis na sakit kaya mabilis kong iniyakap ang braso ko sa katawan niya at inangkla ang braso niya sa balikat ko. Bigla kong naalala ang kutsilyong ginamit ko kay Ruth. Nakasaksak padin pala ito sa sentido niya.

     "Sandali lang." Isinandal ko si Miller hamba ng isang pintong nakasara. Lumapit akong muli sa ngayong bangkay nang si Ruth at hinugot mula rito ang patalim dahilan para agad bumulwak ang napakaraming dugo at maliliit na laman sa sahig. 

     Hindi ko ito ininda at sa halip ay lumingon ako muli kay Miller. Lalapitan ko sana siya nang bigla na namang may bumagsak na salamin sa harap ko.

    "Kleya!" Hinang-hina man, mabilis na lumapit si Miller sa salamin at hinampas ito dahilan para maiwan ang duguang bakas ng kanyang kamay dito.

     "Miller!" Pinaghahampas ko rin ang salamin ngunit sadyang napakakapal nito. Sa puntong ito, naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko at mas lalong pagbayo ng puso ko.

     "I..I'll find you..." Hindi ko marinig nang maayos ang boses niya pero nababasa ko ang galaw ng labi niya kaya tumango-tango ako at napahawak sa salamin. Hinawaan rin niya ito dahilan para magtagpo ang mga kamay namin sa salamin.

      

***


    Humahangos ako habang tumatakbo sa gitna ng pasilyong tila ba walang hanggan. Naliligaw ako sa sarili kong pag-iisip. Hindi ko alam kung sino ang una kong hahanapin. Habang lumiliko-liko ako sa mga pasilyo, muli na namang may bumagsak na salamin sa dinadaanan ko. Wala na akong madadaanan kaya umikot na lamang ako ngunit laking gulat ko nang makita silang naglalakad na papalapit sa akin.... mga kabataang may matatalas na metal bilang ngipin.

     Napakarami nila at nag-iisa lang ako. Napalunok ako at sinubukang manatiling taas-noo sa kabila ng takot ko. "Anak ako ni Dr. Muerte kaya 'wag na 'wag--"

     Nahinto ako sa pagsasalita nang makita ko ang isang pamilyar na mukha na nauunang maglakad patungo sa akin. Si Ninang.

     "Buhay ka pa pala?" pang-iinis ko sabay halakhak kahit pa sa totoo lang ay para nang bibigay ang mga tuhod ko sa pagod at kaba. Handa akong lumaban. Handang-handa. Pero hindi ako tanga para maniwalang may chansa pa akong malusutan ang gulong 'to.

     "Hija, sasama ka sa amin nang matiwasay kung ayaw mong may mangyaring masama sa sugatan mong kaibigan. Ano nga ulit ang pangalan niya?" Pang-uudyo niya kaya naikuyom ko ang kamao ko. Bahala na.

    "'Wag mo siyang sasaktan!" Agad ko siyang sinugod at sinunggaban ng suntok kahit pa sa huli ay naramdaman ko ang pagsugod nilang lahat sa akin.



***

( Chapter theme above :: World gone mad - Bastille )



     Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Napakasakit ng ulo ko at malabo pa ang lahat sa akin, nahihilo ako. Kinurapkurap ko ang mga mata ko at sinubukan kong gumalaw ngunit hindi ko magawa. 

     "Bullspit!" Napasinghap ako nang mapagtanto kong nakaupo ako sa isang bakal na upuan. Nakapatong ang mga braso at kamay ko sa magkabilang arm rest at nakatali ako rito sa pamamagitan ng parang leather na sinturon. Kahit ang bewang ko ay nakasinturon sa upuan. Nahihirapan akong huminga, napakasikip. Hindi rin ako makapagsalita dahil sa busal na nasa bibig ko.

     Sinubukan kong magpumiglas nang magpumiglas ngunit mistulang nakakabit na ang upuan sa sahig. Lumalakas lalo ang kaba at takot ko sa bawat paglipas ng sandali.

      Inilibot ko ang paningin sa paligid at parang naubos ang lahat ng lakas ng loob ko nang mapagtanto kung nasaan ako; sa loob ng isang glass cage. Nakapanlumo, nakakapanghina. Mamamatay na ba ako nang hindi man lang nayayakap uli si Sister Marge? Ang tunay kong ina..

     Nag-angat ako ng tingin at mula sa repleksyon ng salamin, nakita kong may nakakabit na animo'y bakal na aparato palibot sa noo at sentido ko. Mas lalo akong natakot at mas nagpumiglas pa. Shit! Anong gagawin nila sa akin?!

    "Shhh... this won't hurt.." Napalunok ako sa takot nang marinig ang boses ni Ninang. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko siya sa labas ng glass cage. Nakatayo siya sa harap ng isang mesa at biglang may pinindot.

      Sakit. Sobrang sakit. Sa sobrang sakit wala akong ibang magawa kundi idaan sa sigaw ang sakit na nararadaman ko kasabay ng maalong mga patalim na tila ba sumasaksak sa bawat bahagi ng katawan ko, lalo na sa ulo ko. Boltahe ng kuryente, sigurado akong ito ang umaatake sa katawan ko ngayon.

      Tama na! Gusto kong sumigaw, gusto kong magmakaawa, ngunit sa sobrang sakit ay ni hindi ko man lang maigalaw ang labi ko. Gusto kong humingi ng tulong kay Sister Marge ngunit alam kong kahit na anong gawin ko, hinding-hindi niya ako maririnig.

       Nakagat ko nang mariin ang telang ibinusal sa bibig ko dahil sa sobrang sakit.

      Sa unang pagkakataon sa loob ng napakatagal na panahon, napahagulgol ako. Humagulgol ako nang humagulgol nang huminto ang napakasakit na boltahe ng kuryenteng lumatay sa buong katawan ko.  

     "Not so tough now are you?" Narinig kong nagsalita si Ninang kaya mas lalo pa akong napaiyak.  Awang-awa ako sa sarili ko. Wala na akong kalaban-laban. Wala na akong matatakbuhan.

     Napatili ako nang muli ko na namang maramdaman ang napakasakit na boltahe ng kuryenteng lumatay sa katawan ko. Paulit-ulit itong nangyayari. Humihinto ng ilang sandali at muli na naang bumabalik.

      Sumigaw, umiyak, tumili, at magmakaawa. Parang naging isang nakakamatay na sikolo ito para sa akin. Sa sobrang pagsigaw ko, nailuwa ko nang tuluyan ang telang ibinusal sa akin at kasamang umagos pababa sa bibig ko ang dugo.

     "Kleya!!!"

     Parang may naririnig akong mga sigaw pero dahil sa sobrang sakit ay humihiyaw parin ako. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang paghinto ng kuryente kaya umiyak ako nang umiyak. Parang may nag-uudyok sa akin na mag-angat ng tingin kaya kahit parang namamanhid na ang katawan ko ay ginawa ko parin ito.

      Napatulala ko nang makita ko si Tasha at Miller. Inaalalayan ni Tasha ang duguan at hinang-hinang si Miller. Nakatingin sila sa direksyon ko. Umiiyak si Tasha at si Miller naman ay sumisigaw. Parang pinupunit ang puso ko, gusto kong tumakbo patungo sa kanila at yakapin sila ngunit hindi ako makagalaw. 

      Gusto kong idaan nalang sa iyak ang lahat ngunit wala nang luhang lumalabas mula sa mga mata ko. Idinaan ko na lamang sa ngiti ang sobrang sakit na nararamdaman ko habang nakatingin sa direksyon nila.

     Muli akong napahiyaw sa sobrang sakit nang maramdaman ko na naman ang boltahe ng kuryente ngunit mas tumindi pa ito ngayon. Para akong nabingi sa sobrang sakit. Wala akong ibang naririnig kundi ang sarili kong mga sigaw hanggang sa biglang humalo rito ang isang iyak.

     Nag-angat ako muli ng tingin at nakita ko si Tasha na humahagulgol habang paulit-ulit na kinakalampag ang salaming nasa harapan ko. "Tama na! Tama na!" Walang humpay siya sa pagmamakaawa habang nakatingin sa speaker na nasa dingding.

     "Matatapos lamang ito sa isang kundisyon."

      Para akong nanghina nang bigla kong narinig ang isang boses mula sa speaker. Hinang-hina man at hindi na halos makahinga, tumingin ako kay Tasha at mukhang naririnig din niya ito.

     "Ano?! Ano?! Utang na loob kahit na ano!" Nagsisigaw muli si Tasha at mas lalo pang kinakalampag ang salamin habang humahagulgol.

      "Sabihin niyo sa akin sino si Alison."

        Gamit ang natitira kong lakas, pilit kong iginalaw ang labi ko.

       "Ako! Ako si Alison! Ako ang hinahanap mo kaya parang awa mo na, tama na!"  Hindi ako nakagalaw nang marinig ko ito mula kay Tasha. Sigaw siya ng sigaw habang humahagulgol at sa pagkakataong ito'y nakatingin lamang siya sa akin. "Ako si Alison! Ako ang hinahanap niyo kaya pakawalan niyo na siya! Wala siyang kinalaman dito! Tama na!"

     "H-hindi... A-ako si Alison..." Kahit mahirap, pinilit kong magsalita. Napatingin ako sa direksyon ng luhaang si Miller at nakikita ko siyang hindi na halos makatayo pero nakatingin parin sa akin.

      "Alicia..." Hindi ko man marinig ang boses niya, nababasa ko ang galaw ng labi niya habang nakatingin sa direksyon ko, sa mga mata ko. 

    

       Natagpuan ko ang sarili kong sumisigaw habang nakaangat sa ere. May matigas na kamay na pumupulupot sa bewang ko at pilit akong tinatangay.

       "Alison!" Kusang gumagalaw ang bibig ko habang nakatingin sa isang batang babae sa harapan ko.

       "Sumakay ka sa van kung ayaw mong baliin ko ang leeg nitong kakambal mo!" Narinig kong banta ng lalakeng may hawak sa bewang ko.

       Napapikit ako sa sobrang takot at nang idinilat ko ang mga mata ko, nakita kong hindi na ang batang babae ang nasa harapan ko kundi si Tasha. Umiiyak siya, humahagulgol, gaya ko ay takot na takot din siya.

      Bigla siyang tumakbo palayo kaya mas lalo akong napahiyaw.

      "Alison!"



END OF CHAPTER 43!

Note: I think by now nabubuo niyo na ang puzzle since the biggest pieces are already laid on the table and attached by 84 % hihihi

THANKS FOR READING!

VOTE AN COMMENT <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro