Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

42 : The Truth that hurts



KLEYA


      I crept out of the mirror and found myself coming out from a normal looking closet. Python was a genius to put trapdoors and secret passages here, it's a good thing Muerte and his monsters haven't figured this out yet.

       I took a deep breath and stood with my head held high, trying to ignore the intensity of my heartbeat and the worry of what will go down from this moment onwards. This is gonna be a forking long night.

      I walked and moved like I always do, like I didn't just learned that my Mother was a nun that got abducted and raped by a psychotic midget with a sick obsession with twins, like this entire place isn't invaded by brainwashed teenagers with metal blades for teeth.

     I  don't want to die, I still want to hug my Mom... I suddenly thought when I saw two teenage boys guarding a room. It's the room where they are kept, as what Ledory said.

     My breathing hitched when one of them suddenly looked at my direction. He was alarmed. He was about to attack me so I smirked and tried hard not to show my fear.

      "Ganyan niyo ba tratuhin ang anak ni Dr. Muerte?" Para akong nakahinga nang maluwag nang hindi ako nautal. Napangisi ako lalo at mas nagkaroon ng lakas ng loob.

       "Ali?" Sambit nito kaya bigla akong nanlamig. 

       Lumitaw ang ngiti sa mukha nilang dalawa na para bang natutuwa silang makita ako kaya naman natagpuan ko ang sarili kong tumatango. Bakit nila ako tinawag na Ali? Kilala ba nila ako?

       Imbes na magtanong, pilit kong itinuon ang atensyon ko sa totoo kong pakay.

       "Kakausapin ko si Paula dahil may inuutos si Dr. M-- si Papa." Gusto kong kutusan ang sarili ko dahil sa sobrang pandidiri pero wala akong magagawa, kailangan kong magpanggap.

       Nagkatinginan ang dalawa. Kinabahan ako bigla. Tumingin sila pabalik sa akin at sa pagkakataong ito'y kapwa sila tumango. 

       "Good," sabi ko at ako na mismo ang naunang lumapit sa pinto habang sila ay nakasuno sa amin.

        "Masaya kaming makita ka ulit, Alicia. Sana hindi mo na kami iwan ulit," wika ng isa sa kanila habang nakatayo sa likod ko. Bago ko pa man magawang magtanong, nabuksan ko na ang pinto at nagtama ang mga tingin namin ni Paula, ang kakambal ni Lauren.


****

       

      "THAT WAS FUN!" 

        That was not fun, but I have to admit, Nina deserved that from me after all she's the reason why we're trapped here again.

         Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak padin ang kutsilyong may bahid ng dugo ni Nina, pero hindi ko maintindihan bakit ito nanginginig; adrenaline? galit? desperasyon? ewan. Basta ang alam ko, paraan ko 'to upang makuha ang kahit katiting na tiwala ni Paula. Pero mukhang dahil sa ginawa ko, nawala na ang tiwala nilang lahat sa akin.

       They all looked at me with shock and anger. Tasha looked at me like i'm the worst person in the world, well mukhang ganito naman talaga ang tingin niya sa akin mula noon pa. Pero nang saglit na magtama ang mga tingin namin ni Miller, para akong nanghina nang makita ang panlulumo sa kanyang mga mata.

       All of them looked at me furiously, except for Miller. He doesn't seem mad at me but there's something else in his expression... pain.

       "Do you really think your stupid act will convince me, Ali?" 

        Parang napanting ang tenga ko nang marinig kong magsalita muli si Paula. Tumingin na lamang ako ulit sa kanya at ngumisi. "Nope, just wanted to get close to you so I could do this!" At sa pagkakataong iyon ay mabilis kong sinaksak sa sikmura niya ang kutsilyong ginamit ko rin kay Nina. "Hurts so bad huh?!" Sarcastic kong sigaw sabay hugot sa kutsilyo at kasunod nito ang pagsirit ng dugo niya. Wala sa sarili kong nabitawan ang kutsilyo.

        Mabilis na napahawak si Paula sa sikmura niyang nagdurugo. Namula agad ang kanyang mukha at paulit-ulit siyang napasinghap habang nanlalaki ang mga mata. 

        "'Hindi! Wag niyo siyang sasaktan!"

        Narinig kong may sumigaw kaya napalingon agad ako sa dalawang binata na naghatid sa akin dito sa silid. Akala ko aatakihin nila ako pero nakatingin sila sa mga upuan kung saan nakatali sina Shawn. Kanino ba sila nakatingin?

       Sinamantala ko na lamang ang pagkakataon at mabilis kong kinuha ang baril na itinago ko sa gilid ng pantalon ko at mabilis iyong itinaas. Dahil sa adrenaline, namalayan ko na lamang na nakahandusay na ang dalawang binata sa harapan ko matapos ko silang barilin sa kanilang mga ulo.

     Napatingin ako sa mga kamay kong nanginginig habang hawak ang baril. Para akong nabingi dahil sa putok ng baril, para akong naligaw sa sarili kong pag-iisip. Naging napakalabo nang isipan ko hanggang sa maulinigan ko ang mga boses nila.

     "Kleya! Kleya!"

     Their screams pulled me out of my daze. Napasinghap ako na para bang nakaahon ako mula sa pagkalunod sa sarili kong isipan. Napatingin ako sa kanila.

      "Remote! Remote!" Sigawan nilang lahat habang nakatingin kay Paula kaya mabilis kong hinugot ang remote mula sa kanyang bulsa. Hindi ko alam kung paano ito inoperate pero nakita ko ang katagang open kaya pinindot ko na lamang ito at sa isang iglap ay narinig ko ang sunod-sunod na pagkalas ng mga posas.

       Nakita kong nakatingin parin sa akin si Miller na para bang naguguluhan kaya napabuntong-hininga ako.

     "Before you accuse me of anything! Nina was a traitor!" Paliwanag ko agad bago pa man nila ako akusahan ng kung ano-ano. "Now we have to go! Hurry up!"

      Sa kanilang lahat, si Shawn ang unang nakatayo. Akala ko aalalayan niya ang iba sa pagtayo pero naguluhan ako nang nagtatakbo siyang lumapit sa hinang-hinang si Paula at kinaladkad ito patungo sa glass cage.

       "What the hell?" bulalas ko pero hindi kumibo si Shawn. Matapos niyang maipasok si Paula sa loob ng glass cage, inagaw niya mula sa akin ang remote. Kung ano-ano ang pinindot ni Shawn, halatang hindi niya alam anong ginagawa.

       "We have to hurry up!" Paalala ko.

       "No, this bitch has to pay," walang kaemo-emosyong sambit ni Shawn. 

        Bigla akong kinilabutan nang makita ko ang isang ngisi na lumitaw sa mukha ni Shawn. Sinundan ko kung saan siya nakatingin at nakita kong lumalaki lalo ang apoy sa paligid ng glass cage, mas lumalaki ang lagablab at naririnig ko na ang mga palahaw ni Paula. 

        May pinindot muli si Shawn at kitang-kita ko kung paano nagsimulang gumalaw ang mga dingding ng glass cage. The walls! The walls are closing in on each other! 

        "Oh shit...." Napasinghap ako. I can already tell what's going to happen, the walls are closing in so the bodies inside the glass cage will be squished together... and so will Paula.

        Together with the dead bodies of the crowned and wretched, Paula will be slowly crushed to death as she will bathe in the blood and flesh of those who died because of her. She will feel everything as the glass walls crush her skin and bones, until she's nothing but a flat carcass. As much as I want to watch her demise, we all have to go now.

      "You came back!" Nagulat ako nang biglang may yumakap sa akin. Ngunit mas nagulat ako nang mapagtantong ito ay si Tasha. Umiiyak siya at mas lalo pang humihigpit ang yakap niya sa akin na parang ayaw niya akong bitawan. Itinago ko muli ang baril sa gilid ng pantalon ko at natagpuan ko ang sarili kong yumayakap oabalik kay Tasha.

      There was something different about her hug, something about the way it made me feel. I don't understand but it felt comfortable, like we belonged in each others arms.

      Napangiti na lamang ako at yumakap sa kanya pabalik. Hindi ko alam bakit pero ito ang gusto kong gawin, ang yakapin siya nang mahigpit. "Y-you're still wearing your flower crown," pataray ko sana itong sasabihin pero nagulat ako sa sarili ko nang mautal ako at kasabay nito ang pagpatak ng mga luha ko.

        "Tara na!"

        Naramdaman ko ang isang kamay na humawak at humila sa akin dahilan para mapahiwalay ako kay Tasha. Nag-angat ako ng tingin at nakita kong si Aaron ito. Mukhang nahihirapang gumalaw si Aaron habang hawak ang sikmurang nagsisimula palang sa paggaling. Yumakap na lamang ako sa bewang niya upang maalalayan siya habang mabilis kaming naglalakad paalis ng silid. Mabilis kong nilingon si Tasha at hinawakan nang mahigpit ang kamay niya, humawak naman agad siya pabalik sa akin.

        Napalingon ako sa iba at nagtama ang mga tingin namin ni Miller. Hawak-hawak niya ang kamay ni Ruth habang nakasunod sa amin. Tumango siya na para bang sinasabi sa aking magpatuloy na kaya tumango rin ako pabalik.


****


       Mabibilis ang bawat galaw at hininga namin habang dumadaan kami sa bawat pasilyo. Wala akong makitang salamin kaya hindi ko alam kung paano sila dadalhin doon sa pinagtataguan ni Ledory, hindi ko narin maalala kung saan ako dumaan kanina!

      "Shit!" Biglang sumigaw si Wolfgang na siyang nasa unahan namin. Ako man ang nakahawak sa kamay ni Tasha, hindi parin humihiwalay si Wolfgang sa kanya. 

       Napasinghap ako nang mapagtanto kung bakit sumigaw si Wolfgang, may mga makakasalubong na naman pala kaming mga halimaw na gawa ng sarili kong ama; mga kabataang na-brainwash at ginawang halimaw.

       Napabitaw ako kay Tasha at mabilis na kinuha ang baril mula sa gilid ng pantalon ko, habang ang isa kong kamay ay nakaalalay parin sa bewang ni Aaron. 

       Dahil siya ang nasa unahan, mabilis kong inabot kay Wolfgang ang baril. Ngunit bago niya pa makalabit ang gatilyo, biglang lumitaw ang mas marami pang mga kalabang paparating. Balewala ang baril sa dami nila!

      "Takbo!" Hiyaw ni Ruth at nagtakbuhan na lamang kami pabalik sa dinaaanan namin kanina.

       Habang tumatakbo kaming lahat sa mahaba at paliko-likong pasilyo, bigla na lamang namatay ang ilaw. Naramdaman kong may bumangga sa akin kaya napabitaw ako kay Aaron.

      "Kleya!" Narinig kong sumigaw si Aaron, nasa malapit lang siya!

      "Kleya! Wolfgang!" Narinig ko namang sumigaw si Tasha. 

      "Kuya Miller!" Narinig kong tumili si Ruth.

       "Ruth! Ruth andito lang ako!" Narinig ko ang boses ni Miller na parang malapit lang sa akin kaya agad akong napahawak sa pinakamalapit sa akin. Parang isang balikat ang nahawakan ko.

       "Miller?!" Sigaw ko sa gitna ng kadiliman.

       "Kleya!" Narinig kong sumigaw ang taong hinahawakan ko, kumpirmasyong ito ay si Miller. Humawak siya kamay ko kaya humawak ako sa kanya pabalik.

        Sa isang iglap, bigla na lamang bumalik ang ilaw at nakita kong magkahawak kamay kami ni Miller, nakahawak naman sa kabilang kamay ni Miller si Ruth. Nasa harapan namin ang lahat ngunit may distansya sa pagitan namin. 

       "Kleya!" sigaw ni Aaron. Akmang tatawirin niya ang distansya sa pagitan namin nang bigla na lamang bumagsak sa harapan namin ang isang makapal na salamin sa gitna namin. Nahiwalay kami mula sa kanila!

        "Shit!" Napamura ako at mabilis kong sinugod ang salamin ngunit sadyang napakakapal nito. Kapwa namin pinaghahampas nina Miller at Ruth ang salaming humihiwalay sa amin mula sa kanila.

         "Kleya!" Nakita ko kung paano nagtatakbo si Tasha patungo sa salamin at pinaghahampas din ito. 

        "H-he wants us to split apart," napasinghap ako sa napagtanto.

         Humawak ako muli sa braso ni Miller dahilan para mapalingon siya sa akin at mahinto sa paghampas.

        "Shawn! Shawn we have to keep going separately!" Sigaw ni Miller at humawak pabalik sa akin at kay Ruth.

         "Miller! Miller take care of her!" biglang nagsisigaw at nag-iiyak si Tasha bagay na ikinagulat ko.

       Tumango si Miller at hinila kami ni Ruth patakbo. Nagtakbuhan narin sina Tasha sa kabilang direksyon.


****


         "S-sandali!" Humahangos akong napahinto sa pagtakbo. Nanginginig na ang mga paa ko't nahihirapan na akong huminga at para bang nasusuka ako. Ito talaga ang ayaw ko kapag takbuhan ang usapan!

       "Ate, okay ka lang?!" Bulalas ni Ruth.

        Halos mapaluhod ako sa sahig kaya naman mabilis akong inalalayan ni Miller. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi habang nakatingin sa mga mata ko. "Ali, breathe! It's okay, just breathe!"

       "What did you just call me?!" humahangos man, mabilis ko siyang naitulak palayo at napaatras mula sa kanya. Kusang nangungunot ang noo ko at nanlalamig ang mga kamay ko.

       Miller looked at me with pleading eyes, like he was begging for me to listen and believe him. I could tell by the look of his eyes that he's sorry, that he's sincerely sorry. "I know who you really are and i'm sorry for lying all this time. I did what I had to do to protect you."

      "W-why are you telling me this now?" nagsimulang mangilid ang luha sa mga mata ko.

      "K-kuya just tell her the truth..." sabi ni Ruth kaya mas lalo akong naguluhan.

      "Because we failed to keep him away from you... We're in the territory of the monsters now. Dr. Muerte might manipulate you into hating us, into hating your family and friends. He might manipulate you and turn you into a monster. We don't want that to happen, Ali. I don't want that to happen." And in that moment all I could see in his eyes was fear and worry.

       "That won't happen. Umiling ako habang nakatitig sa mga mata niya. "That will never happen because no matter what he says, I will always believe you." I smiled as I continued looking at his eyes. "I choose to believe you."

        "Ali..." sambit ni Miller.

       "A heart of gold right?" Paalala ko sa sinabi niya sa akin noon. "You once told me that I have a heart of gold. You kept telling me how kind I am deep inside so now i'm going to believe everything that you said even if I think that was bullspit... even if I'm the daughter of a monster."

      "You know?" nakita ko ang gulat sa mga mata ni Miller.

       Tipid akong ngumiti. "I don't know everything yet, but what I learned was so horrible that I'm beginning to understand why all of you lied and kept secrets from me."

     Miller walked towards me and held my face gently while looking at my eyes. I could so worry in his eyes. "Ali, nagsinungaling at naglihim kami para sa kapakanan mo."

     "I know and I thank you for that." I assured him with a smile. "You're keeping secrets to protect me, I guess that means the truth must be really painful. Oras na makaalis tayo sa lugar na'to, you can continue to protect me by keeping the truth from me.... but I have to know about us... You have to tell me why you know my real name. If we were friends back then or what."

       A gentle smile appeared on Miller's face as he nodded. He leaned closer towards me and kissed my forehead, making me close my eyes. His kiss gave me great comfort, what i needed the most.

       "If we get out of here alive, lets go on a date and--"

        I opened my eyes when Miller suddenly stopped talking. I looked at his face my heart dropped when I saw nothing but pain in his eyes. His body stilled as he fell towards me. 

        "Miller!" I screamed when I caught him in my arms and saw blood on his back.

        "Dapat talaga matagal ko na 'tong ginawa, Kuya."

        Napasinghap ako nang makita kong hawak ni Ruth ang isang kutsilyong may bahid ng dugo habang may ngisi sa kanyang mukha.



END OF CHAPTER 42!

THANKS FOR READING! 

VOTE AND COMMENT <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro