41 : Army of evil
KLEYA'S POV
Darkness. All I see is darkness as I ran through the cold tunnels leading me back to the place that I tried to escape from. I want to punch myself for running back to them, but I'd rather kill myself if they'll die knowing I could've done something to help them. I don't know why I feel this way, I just do.
Next thing I know I was crawling up the tight air vents again, breathing hot air along the tight space. I crawled and crawled until I heard something... like a tin cover being opened. Oh shit someone's coming!
I know that sound. Sigurado akong tunog iyon ng takip ng entrada ng airvent na tinatanggal. Handa akong makipaglaban pero sa sobrang sikip ng kinaroroonan ko, tiyak mahihirapan akong sumuntok.
Huminga na lamang ako nang malalim at pinakiramdaman ang paligid. Mas mabuti nang depensahan ko nalang ang sarili ko kesa ako ang umatake.
Sa bawat paglipas ng sandali, lumalakas ang mga naririnig ko, kumpirmasyon na may gumagapang nga sa airvent gaya ko at mukhang patungo na ito sa diresyon ko. Huminga muli ako nang malalim nang kalaunay matanaw ko ang isang anino... hanggang sa bumulaga sa akin ang isang pamilyar na mukha.
"L-ledory?" Napasinghap ako nang makita ko siya.
"Shhh..." Mabilis niyang itinaas ang daliri niya at idinampi ito sa kanyang labi. Walang kaemo-emosyon ang mukha nito, mukhang balisa parin. Sinenyasan niya akong sundan siya kaya naguguluhan man, sumunod na lamang ako sa kanya.
***
"You've still been here all this time?" Gulat na bulalas ko nang makababa kami mula sa airvent at mapunta sa isang masikip ngunit pagkahaba-habang silid. Sa parehong silid kung saan ko siya huling nakita at iniwan. Sa silid na may salamin bilang dingding.
We're inside Cosima's walls, the walls which are made of mirror allowing us to see everything that goes on in Cosima while everyone can't see us. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang pasilyo na lagi kong nilalakaran. Sa tuwing ako'y nasa pasilyong iyon, may nakikita akong salamin, ang hindi ko alam two way mirror pala ito.
"Who put you here Ledory?" hindi ko ito nagawang maitanong sa kanya noon.
Napakagat si Ledory sa kanyang kuko habang nililibot ang paningin sa paligid. "P-python wanted me to not be afraid s-so he put me in a place where I can hide but still see everything. I- I saw everything because I never left.. how they invaded..how they took over... how they pretended... how you arrived, how you were fooled."
At sa puntong iyon, biglang sumiklab ang galit ko. Mabilis kong hinawaan nang marahas ang magkabila niyang pulso dahilan para mapaigik siya sa takot. "You knew we walked into a trap and you didn't told us?!" I gritted my teeth as my eyes blazed furiously.
"T-they will see me... they can't see me.." Parang wala sa sariling sambit ni Ledory habang pumapatak ang mga luha niya. I could see nothing but fear in Ledory's eyes as her lips trembled. My grip on her hand loosened upon realizing how unstable she is...
"Tell me what you know..." sambit ko pero napatulala lamang si Ledory habang umiiyak. Gumagalaw ang mga labi niya na para bang may sinasabi siya pero walang boses na lumalabas mula sa kanyang bibig at hindi ko rin mabasa ang galaw ng labi niya.
"Ledory, listen to me..." Marahan kong hinawakan ang magkabila niyang pisngi at pili siyang pinatingin sa akin. "I know you still have sanity left in you because you helped me and took me here, twice. Now I need you to tell me what you know... Ledory, tell me everything that you know."
Umiling-iling si Ledory at unti-unting humarap sa akin. "They told me not to..."
"What?" I gasped as my forehead creased.
Unti-unting napatingin si Ledory sa mga mata ko kasabay ng lalong pagpatak ng kanyang mga luha. Mula sa takot, ngayo'y wala na akong nababasa sa kanyang mga mata kundi awa. Awa para... para sakin?
"They just want to protect you..." pabulong na sambit ni Ledory.
"Protect me from what?" uminit ang pakiramdam ko sa mga mata ko. Pakiradam koy luluha ang mga ito kaya napakagat ako sa labi ko at muling hinigpitan ang hawak sa kanyang mga pulso.
"From the truth..." aniya at sa isang iglap, bigla kong naalala ang mga unang sinabi ni Sister Marge nang sagutin niya ang tawag ko kanina.
"Muerte, asan ang anak ko?! 'Wag na 'wag mo siyang sasaktan parang awa mo na! Anak mo rin siya!"
Napabitaw ako kay Ledory at napahakbang paatras. Ipinilig ko ang ulo ko at napapikit. Lumalakas ang tibok ng puso ko habang pabigat nang pabigat ang bawat hininga ko. Unti-unting nagtatagpi-tagpi ang lahat sa isip ko na para bang isang jigsaw puzzle na nabubuo.
"Am I.. Am I Dr. Muerte's daughter? Am I a daughter of a monster?" pikit mata kong sambit habang mas lalo ko pang naikukuyom ang kamao ko. I tried to keep my voice firm but it's starting to crack along with my tears that's beginning to drop.
"Dr. Muerte abducted and raped your Mom, Ali..."
Agad akong napadilat dahil sa pangalang tinawag ni Ledory sa akin.
"Y-you know who I am?" tanong ko.
Napayakap si Ledory sa kanyang sarili, umiiyak na tumango-tango.
"Python wanted to protect you so he asked Shawn to abduct you, so you could be here with us. Python asked me to help but I can't.." umiling-iling si Ledory. "I can't fool you like that, Ali. After all you've done for me."
"Why do you keep calling me, Ali?!" hindi ko napigilang mapataas ng boses. Ayoko sa pangalang iyon. Binabalik lamang nito ang mga alalaang matagal ko nang sinikap na ibaon sa limot.
"Because that's your name, not Kleya. Your Mom asked us to call you Kle--"
"My Mom?" parang nanikip ang dibdib ko. May ideya na ako sino ang totoo kong ina.
"She loves you Kleya and she just wanted to protect you... your uncle just wanted to protect you from your dad too," wika pa ni Ledory kaya napapikit na lamang ako't tumango-tango habang hinahabol ang hininga kong napakalalim. Pilit kong pinunasan ang luha ko habang taas-noo parin.
"Sina Miller? Asan sila?" tanong ko na lamang upang bumalik sa tunay kong pakay. Bahala na. Ang importane makaalis kaming lahat dito. Saka ko na iisipin 'tong letse kong pinagmulan.
"Lauren's twin took them to the white room... Sh-she already killed Lauren and Cloud." Bulalas ni Ledory at sa puntong iyon ay para akong nabingi. Otomatikong rumehistro sa isipan ko ang maotoridad na si Lauren at ang nakangiting mukha ni Cloud.
Para akong tinakasan ng lakas pero pilit akong nanatiling taas-noo.
"W-where are they?" hindi ko na napigilan pa ang pagtakas ng mga luha ko.
Nagsimulang maglakad si Ledory kaya naman agad ko siyang sinundan.
****
"No..." Tuluyang pumiyok ang boses ko't halos banggain ko ang salamin nang makita ko ang bangkay ni Cloud sa isang upuan. Katabi nito ang mga upuan kung saan nakatali sina Tasha. Ngunit ang dumurog sa puso ko ay ang glass cage na nasa gitna dahil kitang-kita ko ang bangkay ni Eva sa loob kasama ang iba pang bangkay.
"Shhh... Shhh.." Mabilis akong niyakap ni Ledory mula sa likuran at pinigilan.
"Shit..." Napasinghap ako't napatakip na lamang sa bibig ko nang makitang nasa loob din sinaa Nikel at Nina, umiiyak habang nakatayo sa harap ng isa't-isa. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko nang makita ang biglang pagsaksak ni Nina kay Nikel.
"That traitor..." narinig kong sambit ni Ledory kaya agad akong napalingon sa kanya.
"What?" pabulong kong sambit.
"I can see and hear everything from the walls, Kleya. I saw her and Paula... Paula thanked Nina for leading her towards your location." Humawak si Ledory sa magkabila kong balikat, desperadong paniwalaan ko siya. "Paula asked her if she already figured out who Alison could be... Paula then told her to find those who are in a relationship among you."
Parang na-blanko ang isip ko nang maalala ang huling pag-uusap namin ni Nina. She was asking us about our relationships. "H-how about Nikel?" tanong ko na lamang.
Kapwa kami napalingon ni Ledory sa direksyon ng glass cage nang makarinig nang napakalakas na sigawan. Napasinghap ako nang nakahandusay na si Nikel sa sahig at parang wala na sa sarili si Nina kaiiyak.
"I should've known she was already corrupted" sambit ni Ledory na para bang may napagtanto.
"W-what?" Pabulong kong sambit.
"Listen to me Kleya," pabulong na sambit ni Ledory saka hinila ako malayo sa salamin kung saan namin pinapanood ang mga kasamahan namin. Ledory looked at me with so much intensity as tears dripped from her eyes, I could tell she was hesitating.
"I can handle the truth, Ledory..." I whispered.
"Dr. Muerte has this obsession over twins that's why he kept on abducting twins and kept on conducting vile experiments on them...."
"Why?" kinakabahan kong tanong lalo pa't bigla kong naalala si Alicia.
"B-because he's obsessed with the idea that among twins, there's good and evil... He wants to figure out which one is the good twin and the evil twin, to do this he subjects them into numerous torture and experimentsso he could get rid of the good twin and keep the bad twin as part of his army. Once he figures out who's the bad twin, he does this..." iniyuko ni Ledory ang kanyang ulo at para siyang may tinanggal mula sa kanyang bibig. Iniangat ni Ledory ang kanyang mukha at para akong natulos sa kinatatayuan nang makita ang matatalim na metal sa kanyang bibig bilang kanyang ngipin.
Napatakip ako sa bibig ko dahil sa labis na panlulumo. Imbes na takot, matinding awa ang nararamdaman ko para kay Ledory.
"Before Python rescued us... My twin had already died because of the torture she was put through so I was automatically categorized as the evil twin. Nina was categorized as the evil twin too and was transformed. But before they could execute Nikel for being the good twin, Python's group rescued---"
"M-my Alicia.." Tuluyang pumiyok ang boses ko kasabay ng pagpatak ng mga luha ko. "Was she there with you? She was abducted by a man in a welder's mask, i'm not sure if Dr. Muerte was behind her disappearance or was it a different serial killer--" Huminto ako sa pagsasalita at umiling-iling na lamang. Ayoko nang malaman ang tungkol sa paghihirap ng kakambal ko kasi sa huli, wala na akong magagawa pa.
"Focus on the present," bulong ko sa sarili ko saka huminga nang malalim. "You can still save the rest of them."
"Does the children of Milcom know i'm the Daughter of their crazy leader?" tanong ko.
Umiling si Ledory. "Alicia and Alison; they know the names of his twin daughters."
Hinawakan ko ang kamay ni Ledory nang biglang mabuo ang isang ideya sa isipan ko. "I can't do this alone, you gotta help me on this.."
Mabilis na inagaw ni Ledory ang kamay niya at umiiyak na naupo sa sahig na tila ba naubusan ng lakas. "I'm scared... I'm sorry... I don't want to die, I don't want to get hurt by them again."
Huminga ako nang malalim at tumango na lamang. "I need the gun that I gave you before... I'm also gonna need your dagger."
END OF CHAPTER 41!
THANKS FOR READING!
VOTE AND COMMENT <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro