23 : Mark my words
23
Mark my words
Kleya
"Cosima gave you everything you could ever need! Protection, food, shelter! The least you could do is thank python, which none of you has ever done! How could you just leave Cosima like that?! And how did you even leave cosima?!"
Wala sa amin ang nagsasalita. Hinahayaan muna namin si Lauren na maglabas ng galit. Actually, mukhang hindi siya galit—galit na galit talaga siya sa amin. Sobrang bilis pa ng pagmamaneho niya kaya pasimple akong humawak sa seatbelt na nakakabit sa akin. Sana naman may airbag 'tong kotse niya.
Nasa tabi ako ni Lauren dito sa driver's seat samantalang nagsisiksikan naman sa likod sina Cloud, Tasha, at Wolfgang. Sa likod naman talaga sana ako uupo para malayo ako kay Lauren kaso naunahan ako ni Wolfgang. Gusto ko sana siyang sapakin para lang umalis kaso mukhang hindi kakayanin ng estado ng katawan niya kung sasapakin ko pa siya kaya hinayaan ko na lamang siyang manatili sa tabi ni Tasha.
Nang tumigil si Lauren sa paglalabas ng kanyang galit. Ako naman ang nagsalita. "Kilala mo ba kung sino yung umatake sa amin kasi base sa tono—"
"Hindi niyo man lang ba inisip ang kahihinatnan ng pagtakas niyo? Blah blah blah blah—" Well that's how I heard it. Lauren's still really furious. I can't blame her. It was our fault. It was our fault why we were attacked. Lauren and Python have every right to be mad at us.
Wala kaming ibang ginawa kundi makinig sa sermon ni Lauren. Hindi ko tuloy maiwasang magsisi, sana pala ako nalang ang nagpaiwang magbantay kay Ruth at Aaron, hindi si Eva. Napagdesisyunan kasi ni Eva na magpaiwan muna kasama ang dalawa sa ospital.
Habang pinapakinggan ang sermon ni Lauren, nakakaramdam na ako ng antok, umeepekto narin sa akin ang sobrang pagod at sakit sa katawan. Hinayaan ko na lamang ang sarili kong makatulog sabay sandal ng ulo ko sa salamin ng pinto.
***
Nagising ang diwa ko dahil sa malakas na pwersang tumulak sa akin paabante, hindi nakatulong ang seatbelt na suot ko dahil sumakit pa tuloy ang dibdib ko. Nag-aagaw man ang kamalayan at antok sa sistema ko, pilit kong kinurapkurap ang mga mata ko. Malabo man ang nakikita ko, malinaw naman ang naririnig ko—nagkakagulo sila.
"Lauren anong nangyayari?!" Narinig kong sumigaw si Tasha. Actually hindi lang siya, pati narin si Cloud. Mukha silang natataranta at takot na takot.
Bago ko pa man magawang magtanong, mabilis na binuksan ni Lauren ang glove compartment at kinuha ang dalawang baril mula sa loob nito. Mabilis niyang pinahawak sa akin ang isa sa mga baril. Habang hawak ang kamay ko, tinitigan niya ako sa mga mata na para bang hinihimok niya akong pakinggan ang bawat salita niya. "Stay here! If I don't come out in 15 minutes, get the hell out of here! Call your Mom! She'll know what to do!"
Gulat man at naguguluhan, hindi ko narin magawang magtanong dahil mabilis na lumabas si Lauren mula sa sasakyan. Gusto ko sanang igiit na wala naman akong nanay kaso masyadong mabilis si Lauren.
"Lauren!" sigaw ni Tasha.
"Lauren, sandali!" sigaw naman ni Cloud at lumabas din mula sa sasakyan saka hinabol si Lauren.
"Cloud!" sigaw naman ni Tasha pero nanatili lang siya sa backseat kasama ang tulog pang si Wolfgang.
Litong-lito na ako sa nangyayari at sigawan nila kaya nasapo ko na ang noo ko. "Ano ba! Ba't kayo sumisigaw! Ano bang nangyayari?!" sigaw ko at binuksan na lamang ang bintana at dumungaw sa labas.
Parang huminto ang mundo para sa akin. Hindi na ako nakapagsalita pa. Napalunok na lamang ako nang mapagtantong nasa labas na kami ng Cosima. Nakabukas ang gate, nakapatay ang lahat ng mga ilaw, at nagliliyab na ang maliit na bahagi ng napakalaking mansyon ng Cosima.
"Goodnight." Biglang rumehistro sa isipan ko ang mukha ni Miller at ang naging huling pag-uusap namin; ang paghihintay niya sa akin sa labas ng silid; ang paglalakad niya nang paatras habang may ngiti sa kanyang mukha.
Si Miller... Nasa loob pa si Miller....
"My Home..." Narinig ko ang bulong ni Tasha kaya muli akong napalingon sa kanya. Pumapatak ang luha mula sa kanyang mga mata at para bang napupunit ang puso niya habang nakikita ang Cosima. Napabuntong-hininga na lamang ako at ibinaling ang tingin ko sa relo ko. 15 minutes. 15 minutes at aalis kami. Sa loob ng labing-limang minuto, kailangang lumabas nina Lauren at Cloud mula sa Cosima. Kailangan may kasama sila.... Kailangan kasama nila si Miller na lumabas.
Napahawak ako sa seatbelt na nakakabit parin sa akin at huminga ako nang malalim. Mula sa rearview mirror, nakita kong tulog na tulog parin si Wolfgang samantalang si Tasha ay nakatulala at luhaan. Huminga ako muli nang malalim at pinagmasdan na lamang ang baril na iniabot sa akin ni Lauren.
Sa isang iglap ay bigla kong narinig ang pagbukas ng pinto sa likod. Agad akong napalingon at laking gulat ko nang makita ang paglabas ni Tasha—kumaripas ito ng takbo patungo sa loob ng Cosima!
"Nababaliw ka na ba?!" mabilis kong bulalas pero ni hindi niya ako nilingon. Nang maglaho siya sa dilim, napabuntong-hininga ulit ako at napasandal sa kinauupuan ko. Idinaan ko na lamang sa tawa ang inis ko sa kanya. "Nababaliw na nga siya! Sabing dito lang kami! Bahala siya sa buhay niya kung gusto niyang mamatay! Basta ako, ayoko pang mamatay kaya dito lang ako!" giit ko sa sarili ko. Hindi ko tuloy maiwasang matawa nang sarcastic dahil sa kabobohan ni Tasha.
Huminga ako ng malalim at hinayaan ang sarili kong mabalot sa gitna ng tila ba walang hanggang katahimikan sa loob ng sasakyan. Ibinalik ko ang tingin sa direksyon ng Cosima at hindi ko na talaga nakikita si Tasha o kung sino man sa kanila.
"Nope," umiling-uling ako at ngumisi. "It's her choice to leave. Lauren warned us to stay in the car but she's too dumb so if she dies, it's all her fault."
"Kung mamamatay man si Tasha, kasalanan niya talaga," tumawa ko nang pilit pero para bang naninikip ang dibdib ko. Naiinis ako na ewan. Sa sobrang kalituhan, napasipa na lamang ako. Tinanggal ko ang seatbelt para naman gumaan-gaan ang pakiramdam ko ngunit kahit wala na ito, hindi parin ako mapakali.
"Leche ka talaga!" napasigaw ako at sa di malamang dahilan, lumabas ako mula sa sasakyan at hinabol si Tasha.
***
Wala paring kuryente sa pagpasok ko sa Cosima ngunit sa kabila nito ay umaandar ang maliliit na emergency lights sa kisame ng bawat pasilyo. Umaandar ang emergency lights pero bakit nakabukas ang mga pinto at bintana? Dapat naka emergency lockdown ang buong Cosima sa mga ganitong pagkakataon. Masyado ring tahimik ang bawat paligid, sa sobrang tahimik pakiramdam ko tuloy hindi lang kami ang inatake sa gabing ito—pakiramdam ko konektado ito sa nangyari sa amin.
Maingat ako sa bawat hakbang, pigil ang bawat hininga. Ayokong gumawa ng kahit na anong ingay. May napapansin akong mga bahid ng dugo sa sahig at kisame, lalong tumitindi ang kabog sa dibdib ko. Maaari kayang ang mga kabataang iyon rin ang may kagagawan nito?
"Lauren? Cloud?"
Nanlaki ang mga mata ko nang maulinigan ko ang boses ni Tasha. Gusto na ba talaga niyang mamatay o sadyang tanga lang siya?!
Sinundan ko ang boses niya hanggang sa mahanap ko siya. Dali-dali ko siyang nilapitan at hinigit sa braso, bagay na ikinagulat niya. "Ano ba?!" aniya.
"Lauren told us to wait in the car!" pabulong kong giit saka pinanlisikan siya ng mga mata.
"Then you should've stayed there!" pabulong naman niyang giit, hindi nagpapatinag. Muli siyang nagsimulang maglakad ngunit sa pagkakataong ito ay mabilis, parang tatakbo na.
"Saan ka ba pupunta?" bulalas ko habang sinusundan siya paakyat sa malapad na hagdan paatungo sa pangatlong palapag.
"None of your business!" giit niya kaya nahinto ako sa pagsunod sa kanya. Oo nga naman, kleya! None of your business! Ba't mo pa siya sinusundan?!
Umikot ako at babalik sana sa pinanggalingan ngunit laking gulat ko nang makitang may tatlo na palang mga kabataang lalake na nakatayo sa likuran ko. Nakaharang sila sa dinadaanan ko; duguan ang kanilang mga damit at ang isa sa kanila ay may hawak pang isang baseball bat na may bahid nang dugo.
"Shit!" Narinig kong suminghap si Tasha at nang bahagya akong lumingon ay nakita kong may humarang narin sa kanyang dalawang kabataan, pawang mga babae.
"Nasabi ko na ba sayong bwisit na bwisit na bwisit na ako sa'yo?" mahinahon kong tanong kay Tasha habang umaatras. Tumigil lamang ako sa pag-atras nang magtama ang mga likod namin ni Tasha.
"Th-the feeling is mutual," mahina niyang sambit habang nakatalikod kami mula sa isa't-isa; siya, nakaharap sa dalawang dalagita, samantalang ako'y nakaharap sa tatlong kalalakihan. Wala na kaming matatakbuhan ni Tasha, na-corner na nila kami sa pasilyong ito.
"What are you waiting for? Shoot them," bulong muli ni Tasha kaya sarcastic akong tumawa.
"If I shoot them, I'll just attract the others. We have to fight this one out," giit ko.
"I.. I'm not good at fighting," mahinang sambit ni Tasha na para bang nanlulumo. Sa unang pagkakataon, nagpakita siya ng kahinaan sa akin.
"You're good at fighting me. Just imagine I'm them and—" natigil ako sa pagsasalita nang magsimula silang humakbang papalapit sa amin. Hindi na ako nag-aksaya ng oras pa at agad kong sinugod ang lalakeng may hawak ng baseball bat. Tinangka ko siyang sipain at agawin mula sa kanya ang hawak na baseball bat ngunit mabilis niya akong naitulak at naibatbat sa pader. Tinangka kong magpumiglas ngunit wala na akong lakas. Naubos na ang lakas ko kanina.
"No!" Narinig kong tumili si Tasha at nakita kong kahit siya'y bagsak na sa sahig at inaapakan na siya ng isa sa mga dalagitang may hawak na kutsilyo. Itinutok niya ang talim kay Tasha na para bang sinisindak ito.
Pilit akong nagpumiglas ngunit sadyang marahas at malakas ang hawak sa akin ng dalawa sa tatlong mga binatang nakaharang sa akin. Binitawan ng pangatlong lalake ang hawak niyang baseball bat at ibinuka ang kanyang bibig dahilan para makita ko ang metal niyang mga ngiping may bahid pa ng dugo.
"G-get your gross mouth away from me! Dude stop! Not again! That's gross!" lalo pa akong nagpumiglas. Masyadong masakit ang nangyari sa akin kanina, ayoko na iyong maulit pa.
Laking gulat ko nang sa isang iglap ay bigla na lamang akong binitawan ng isa sa mga lalakeng nakahawak sa akin. Nagsimula siyang humakbang paatras habang nakatulala kaya kahit ang dalawa niyang kasamahan ay napatingin din sa kanya.
"Oh fork," napasinghap ako nang nagsimulang umagos ang dugo mula sa kanyang bibig hanggang sa bigla na lamang itong bumulagta sa sahig; wala nang buhay. Bago ko pa man malaman ang dahilan ng kanyang pagbagsak, bigla na lamang may sumugod sa dalawang binata. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, ni hindi na nila nagawang umilag sa bawat saksak at palong kanilang natatanggap.
Napatulala ako nang bumagsak ang dalawang mga lalake at humandusay, wala naring buhay. Nag-angat ako ng tingin at para akong nabunutan ng napakalaking tinik nang makita ko si Miller na humahangos. Wala siyang suot na pang-itaas na damit, pawisan siya at may bahid ng dugo sa mukha at katawan. May umaagos ding dugo mula sa kanyang noo. Hawak-hawak niya ang dalawang stick na ginagamit namin sa arnis ngunit naka-tape sa ibabaw nito ang dalawang nagtatalimang kutsilyo.
Binitawan ni Miller ang hawak at bigla na lamang siyang lumapit sa akin saka niyakap ako nang mahigpit. "Thank God you're okay!"
Natagpuan ko ang sarili kong tumutugon sa yakap niya. Yumakap ako sa kanya nang mahigpit, masaya akong makita siyang buhay kahit na minsan ay gustong-gusto ko siyang patayin. I've lost so many people. I don't want to lose him too.
Napalingon ako sa direksyon ni Tasha at nakita kong inaalalayan narin siyang tumayo ni Shaun. Gaya ni Miller ay duguan din si Shaun habang hawak ang isang itak na may bahid ng dugo. Bagsak narin ang dalawang babaeng umatake kanina kay Tasha.
"Asan ang kapatid ko?" tanong ni Miller nang humiwalay siya mula sa akin.
"She's in the hospital but she's okay, Eva's with her," paniniguro ko ngunit sa kabila nito ay nakita ko ang matinding pag-aalala sa mukha ni Miller.
"Anong nangyari sa kanya?!" bulalas ni Miller na mukhang abot-langit na ang pag-aalala.
"We were attacked by the same freaks," sabi ko sabay turo sa bangkay ng mga umatake sa amin. "We've lost Punk, Shey—" nahinto ako sa pagsasalita nang bigla na lamang sumenyas si Shaun na tumahimik kami. Itinaas ni Shaun ang kanyang kamay sabay wasiwas nito na para bang sinasabi sa aming tumakbo na.
Hinigit ni Miller ang kamay ko at pinulot niya ang mga stick ng arnis. Nagsimula siyang maglakad kaya agad kaming sumunod sa kanya. Mabilis ang naging galaw namin at wala sa amin ang umiimik.
"We have to leave," giit ko.
"Hindi natin sila pwedeng iwan," giit ni Shaun bagay na ikinairita ko.
"When will you stop—" hindi ko na natapos pa ang sinasabi ko nang biglang binuksan ni Miller ang isang pinto. Pumasok siya rito kaya wala akong nagawa kundi sumunod.
Dali-daling ini-lock ni Miller ang pinto nang makapasok kaming apat. Sapat ang emergency lights na nagmumula sa kisame upang makitang nasa loob kami ng isang pamilyar na silid na gawa sa salamin ang sahig--naalala ko na! Dinala ako dito noon ni Baldwin! Nasa ilalim namin ang practice room.
"Kami 'to," biglang sambit ni Shaun at laking gulat namin ni Tasha nang bigla na lamang umangat ang isang panel mula sa kisame at dumungaw mula rito ang ilang mga crowned at wretched. Duguan din sila at nakasuot pa ng pantulog. Apat sila, pawang mga babae. Agad silang bumaba nang masigurong hindi kami mga kalaban.
Sa di malamang dahilan, napayuko ako at nakita kong may mga crowned at wretched din sa practice room na nasa ilalim namin. Mukhang takot na takot din sila at hindi makaalis. Wala silang kaide-ideya na nakikita namin sila. Mukhang higit sampu naman ata sila.
"Nagkalat ang mga kalaban. Masyado nang maraming nawala," giit ni Miller.
"We have to help them," giit ni Tasha na gaya ko ay nakayuko rin at pinagmamasdan ang mga tao sa ilalim.
"Do you want to die?!" sarcastic kong bulalas kaya nag-angat ng tingin si Tasha at agad niya akong tiningnan nang masama.
"Why are you so selfish?!" aniya.
"I'm not being selfish, i'm doing what it takes to survive! I'm a wretched not a hero," giit ko naman.
"Shhh! Sa ginagawa niyong 'yan matutunton nila tayo," giit ng isa sa mga babae. Ewan ko sino siya. Maikli ang buhok at makapal ang bangs. Kulang nalang ng backpack at mukha na siyang si Dora.
"Tama si Ruella," giit ni Shaun. Okay, so Dora's name is Ruella.
"We have to go, we can't just hide here," giit ko na lamang.
"No, I think its best if we stay here. Those freaks just suddenly left us right? Maybe they'll just leave all of a sudden too," giit ni Tasha.
May punto naman si Tasha. Bigla nalang kasi kaming iniwan ni Ninang at ng mga baliw niyang kasama pero iba 'to... nasusunog ang Cosima at baka mas lumala ito. Baka ma-trap kami dito at ito pa ang maging dahilan ng pagkamatay namin. "Cosima is on fire, we can't stay here any longer," giit ko.
"Get them and the others to safety," biglang hinawakan ni Miller ang balikat ko at mariin niya akong tinitigan sa mga mata. "Kleya, ilayo mo sila rito," aniya pa.
"Ano?" bulalas ko.
"Shit! Nalintikan na!" biglang bulalas ni Shaun kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Napansin naming nakadungo siya sa direksyon ng sahig kaya kahit kami ay napadungo narin. Mula sa sahig na gawa sa two-way mirror ay kitang-kita namin ang nangyayari sa practice room--kasalukuyan na silang inaatake ng mga kalaban sa baba!
"Oh my God!" nag-iyakan ang mga babaeng kasama ko lalo na si Tasha.
Sinusubukang tumakbo ng mga wretched at crowned ngunit sadyang mas marami ang mga kalabang sumalakay sa kanila. Pilit silang lumalaban ngunit sadyang mas marami ang mga ito. Nakakapanlumo ang nakikita namin; pinapatay na sila nang walang kalaban-laban, ang ilan ay pinagtataga at pinagsasaksak, ang ilan naman ay pinagkakagat sa leeg gaya ng nangyari kay Punk.
Ibinaling ko ang tingin kay Miller at nakita kong pumapatak na ang butil ng luha mula sa kanyang mata dahil sa labis na panlulumo. Napapatingala si Miller sabay takip ng braso sa kanyang mga mata. Nanginginig si Miller at hindi siya mapakali. Pilit niyang binabalewala pero sa huli ay nakita kong marahas siyang napasuntok sa kisame.
"Fuck, fuck," si Shaun naman ay panay na lamang ang pagmumura. Panay ang kanyang pagsinghap. Gaya ni Miller ay hindi rin siya mapakali. Gusto nilang tumulong. Gustong-gusto nilang saklolohan ang mga tao sa baba ngunit wala silang magawa.
"W-we have to go. Kahit hindi tayo nila mahanap, mamamatay parin tayo dahil nasusunog na ang Cosima," paalala ko sa kanila habang pilit ding binabalewala ang nangyayari sa baba.
Duguan ang kamao, lumapit sa akin si Miller. Balisa siya at mukhang desperado. "Kleya, umalis na kayo dito. Dumaan kayo sa mga airvents dahil mas ligtas doon. Ilayo mo sila dito," giit niya sabay turo kay Tasha at sa mga babaeng kasama namin.
"W-wait, don't tell me magpapaiwan ka?" agad kong naikuyom ang kamao ko.
"Kleya, marami pang mga crowned at wretched dito. Kailangan namin silang tulungan," giit ni Miller at agad naman siyang sinang-ayunan ni Shaun.
"Maaring nagtatago lang sila sa kung saan-saan at naghihintay ng tutulong sa kanila," giit naman ni Shaun.
"A-ano?! Nababaliw na ba kayo!" hindi ko na napigilan pa ang sarili kong maglabas ng hinaing. Heroes die and that's that. Agad akong napahawak sa braso ni Miller at mariin siyang tinitigan sa mga mata, "Your sister is out there! Do you want her to lose her brother? Miller, think about your sister! Ano nalang ang iisipin ng kapatid mo?!"
"SIgurado akong kung nandito si Ruth, gugustuhin niya ring tumulong sa iba!" giit ni Miller kaya natigilan ako at sa puntong iyon ay unti-unti akong napabitaw sa kanya.
Napatingin ako kay Shaun at siya naman ang sinubukan kong kumbinsihin. "Shaun this is stupid, you're both being stupid!"
"Hindi pa namin napupuntahan ang kwarto ng mga babae, siguradong may mga nakaligtas at naghihintay sila ng tutulong sa kanila," giit naman ni Shaun.
"We were already trained to survive! If they can't survive then its their fault! You don't have to save them," giit kong muli ngunit ayaw nila akong pakinggan. Ni isa sa kanila ay walang pumapanig o naniniwala sa akin.
Inabot ni Miller sa akin ang isa sa dalawang piraso ng arnis stick niya na may kutsilyo. Hinawakan niya ang kamay ko at pinahawak ito sa akin. "Ihahatid namin kayo sa airvent at doon kayo dadaan. Kleya, alam ko ang kakayanan mo. Huwag mo silang pababayaan. Alam kong sa kabila ng pinapakita mo, alam kong handa mo ring gawin ang gagawin namin."
"W-what if you die?" kusang lumabas ang mga salita mula sa bibig ko.
"I won't," paniniguro niya.
"Don't sacrifice yourself for anyone," giit ko. "You have to promise me," hinawakan ko nang mahigpit ang braso niya at tinitigan siya sa mga mata.
"I won't sacrifice myself for just anyone," paniniguro niyang muli habang nakatitig sa mga mata ko pero hindi parin sapat ang mga salita niya upang paniwalaan ko siya.
"You can't die," umiling-iling ako.
"I promise I won't," giit niyang muli. Gusto ko pang magsalita. Gusto ko pang kumbinsihin siyang sumama sa amin. Gusto ko pang ipagpilitan sa kanyang kabaliwan ang iniisip niya ngunit mukhang buo na ang pasya niya. Masyado siyang mabait sa napakapait na mundong 'to.
Unti-unting lumuwag ang hawak ko sa mga kamay niya hanggang sa tuluyan ko siyang bitawan. Habang nakatitig parin sa kanya, muli ko siyang pinaalalahanan. "Don't die."
Tumango-tango siya at nilingon si Shaun. Tiningnan ni Shaun ang mga kasama naming babae na para bang sinasabi niyang maghanda ang mga ito.
Nanguna sina Shaun at Miller sa pinto. Nakita kong unti-unting inabot ni Miller ang pinto ngunit bago pa man niya ito tuluyang buksan ay bigla siyang lumingon at lumapit sa akin. Naging mabilis ang paggalaw niya at wala akong nagawa kundi tumingala sa kanya.
Hindi na ako nakagalaw pa nang bigla na lamang niyang hinawakan ang pisngi ko't hinalikan ako sa labi. Gulat man, napapikit na lamang ako. Nang maghiwalay ang mga labi namin ay agad akong napadilat.
"B-bullspit," napasinghap ako sa sobrang gulat. Kahit wala akong masyadong lakas, pilit kong ikinuyom ang kamao ko at itinaas ito.
Ngumiti si Miller nang tipid at hinawakan ang nakakuyom kong kamao. "Mabubuhay ako kasi susuntukin mo pa ako dahil sa ginawa ko. Ito ang panghawakan mo."
END OF CHAPTER 23
Note: Hello guyses! Sorry for this super delayed update. I'm still not done with my thesis and i'm still working on it so bear with me please :)
THANKS FOR READING!
VOTE AND COMMENT <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro