Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

18 : Behind enemy lines



18

Behind enemy lines

Tasha


I couldn't help but sigh when I noticed how Aaron's eyes followed Kleya as she left. Aaron returned to his seat and continued to eat but I can't take my eyes off him. I kept staring at him for awhile, my mind's a mess. Different scenarios kept playing in my head, what if he gets hurt again? What if he falls for her and she doesn't? Damn it, I have to do something. I can't take this anymore. I have to give him a piece of my mind once and for all.


I occupied Kleya's seat and sat right next to him. He didn't even notice me. What's new?


"Give her your heart and she'll break it, after breaking your bones," pasimple kong sambit habang deretso ang tingin sa bakanteng upuan sa tapat ko.


"Ha?" tanong ni Aaron at mula sa gilid ng mga mata ko, nakita ko siyang lumingon.


"You like her, it's obvious. But you should know, Miller likes her too," banta ko sa kanya, payong kaibigan kumbaga. I like Aaron but I'm saying this as a friend, not to have him for myself, but for him not to get hurt. Kleya may be a moron but I know deep down, part of her is already attached to Miller.


"Ano bang pinagsasabi mo?" tanong ni Aaron kaya ngumiti na lamang ako.


"I see the way you look at her. You don't have to lie," giit ko. Tumikhim ako at ngumiti. Lumingon ako sa kanyang direksyon at kahit mahirap, nilakasan ko ang kalooban kong titigan siya sa mga mata. "I know how it feels to love someone without being loved back. One-sided love is tough, I know because that's how I am with you. And let me tell you one thing about one-sided love—it's tough, and I don't want you to suffer the way I do."


And for the first time, I finally got to say the words I've been dying to say for the last few months.


"T-tasha..." Bakas ang gulat sa mukha ni Aaron kaya umiwas nalang ako ng tingin.


"Hindi mo alam no?" natawa ako. "Okay lang, hindi ko rin naman sinasabi. 'Wag kang mag-alala, hindi naman kita inoobligang gustohin ako. That's not how love works."


"Tasha, sorry..." mahinang sambit ni Aaron. He sounded to concerned and worried so I just laughed and nodded.


"You don't have to apologize. You have nothing to be sorry for," giit ko habang tinititigan ang mesa. Ayoko nang tingnan si Aaron sa mukha, baka mamaya maiyak pa ako.


"Jesus Christ, this is so awkward," bigla kong narinig ang boses ni Wolfgang kaya lumingon ako. Hindi ko alam na nasa tabi ko pala siya at narinig niya ang lahat. Wolfgang is looking straight ahead with an awkward smile on his face. "Soooooo fucking awkward," dagdag pa nito na para bang kulang nalang eh magdasal sa kalangitan ng kamatayan niya.


"Shut up, Wolfgang," inirapan ko na lamang siya. Why did this guy choose the name Wolfgang? He looks like a giraffe! Well a giraffe with tattoos and piercing! A giraffe na member ng isang member ng gang!


Lumingon ako sa lalakeng nagpa-piano sa stage at nang matapos ang kanyang pyesa, bigla akong nakarinig ng para bang isang tili. Malabo ito at mukhang nanggagaling sa malayo pero malakas ang kutob kong tili ito.


Napatayo ako sa gulat.


"Problema mo?" tanong ni Wolfgang.


"Did you hear that?" tanong ko sa kanilang lahat sa mesa.


"Hear what, sweetie?" tanong ni Ninang.


"I heard a scream," giit ko.


"Ate narinig ko rin!" Napatayo si Ruth at nakita ko ang takot sa mukha niya.


"Ano? Wala naman akong narinig ah?" bulalas ni Cloud.


"Meron!" giit ni Ruth kay Cloud.


"Shhhh!" giit ko ngunit nagsimula ulit sa pagp-piano ang lalake. Dali-dali akong tumayo at lumapit sa stage, sumunod din naman agad sa akin sina Wolfgang, Aaron, Cloud, at Ruth .


"Sir, please stop playing po muna," pakiusap ko sa lalake kaya huminto siya sa pagp-piano. Mukhang magka-edad lang kami. Actually mukhang mga teenagers lang din ang lahat ng mga narito sa restaurant.


Lumingon ako sa direksyon nina Wolfgang sinenyasan ko silang pakinggan ng mabuti ang paligid. Makaraan ang ilang sandali, muli akong nakarinig ng tili at sa pagkakataong ito ay sunod sunod na. Magsasalita sana ako pero biglang umalingawngaw ang tunog ng mga upuan kasabay ng pagtayo ng lahat ng mga customer.


Biglang nagtayuan ang lahat, maliban lamang kay Ninang at Ninong na nakaupo parin sa mesa.


Sa gitna ng nakabibinging katahimikan, labis akong kinilabutan nang unti-unting humarap sa amin ang lahat. Mula sa mga waiter hanggang sa mga customer, huminto sila sa ginagawa at tiningnan kami.


"Tangina," bulalas ni Wolfgang at agad niyang hinila si Ruth patungo sa kanyang likuran na para bang pinapatago at pino-protektahan ito. Cloud and Aaron also made us hide behind them. The three of them positioned themselves as if they were protecting Ruth and I.


Everyone was staring at us with emotionless expression. They seemed mindless. Shit.


I turned to look at the pianist and he was also staring at us with a blank expression prompting me to hold Ruth's hand.


"Look, we don't want trouble. We just want to leave," Aaron pleaded calmly like the good guy he is. Suddenly, Ninang laughed loudly. Her high pitched laugh made my heart pound faster. From being a nice woman, she suddenly became this really creepy lady in my eyes.


"'Wag muna, nagsisimula pa lang ang gabi. Maupo kayo't kumain pa, nagpakahirap ang mga batang lutuin ang mga pagkain dito para lang sa inyo," sabi pa ni Ninang gamit ang malambing na tono ng pananalita.


"May Dinuguan at Giniling pa sa kusina, patapos na 'yon. Espesyal na putahe dahil gawa sa napaka-espesyal na sangkap," sabi naman ni Ninong na patuloy lang na kumakain. Lalo akong kinilabutan dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko'y babaliktad na ang sikmura ko.


Biglang sumuka si Cloud dahilan para magtawanan sina Ninang at Ninong. Tawang-tawa silang lahat samantalang kami ay mas lalo pang tumitindi ang takot at tensyon sa paglipas ng bawat sandali.


"Biro lang, hindi pa kami nakakuha ng espesyal na sangkap. Ngayon pa lang kami kukuha ng espesyal na sangkap," sabi ni Ninong sabay hilig ng kanyang ulo. Biglang nagtama ang tingin namin ni Ninong at sa puntong iyon ay nanigas na ako sa takot. "Gusto ko ang kulay ng balat mo hija, makinis at porselana. Wala ka naman sigurong sakit diba?"


Naghiwalay lamang ang tingin namin nang itinaas ni Wolgang ang kanyang braso na para bang tinatakpan niya ako. "Nice joke. Thank you for the free ride and meal, now we have to go. God bless your creepy hearts!" Anunsyo ni Wolgang at dahan-dahang humakbang kaya napahakbang din kami.


Sa takot ko ay napahawak ako sa likod ng jacket ni Wolfgang. Magkakadikit kaming lahat habang naglalakad, mabilis ang mga hakbang namin habang palinga-linga. There's just five of us and there's too many of them. We have to be alert. We have to be quick.


Pigil ang hininga ko sa bawat hakbang. Hindi ko mapirmi sa isang direksyon ang paningin ko. Pakiramdam ko kasi biglang may aatake sa amin. Alam kong ito rin ang nararamdaman ng mga kasama ko.


Pinapalibutan kami ni Ruth nina Wolfgang, Aaron at Wolfgang habang naglalakad. Napapalibutan din kami ng napakaraming mga wirdong taong nakatingin sa amin. Pero ang hindi ko maintindihan, kusa silang humahakbang palayo sa nilalakaran namin na para bang gusto nila kaming bigyan ng daan.


Kahit nang nasa tapat na kami ng pinto, nakatingin parin silang lahat sa amin. Pero kahit papaano, para kaming nakahinga nang maluwag nang tuluyan kaming nakalabas sa restaurant. Wala mang nagsasalita sa amin, otomatiko kaming nagtakbuhan nang mabilis patungo sa parking lot.


Kahit nasa labas na kami, napakabilis parin ng tibok ng puso ko dahil sa takot. Lumingon ako at nakita kong nakadungaw si Ninang sa bintana kaya naman mas lalo pa akong napatakbo.


Sapilitang pinagbubuksan nina Aaron ang bawat sasakyang malapitan nila ngunit naka-lock ang mga ito. Dahil din sa kanilang ginagawa ay malakas na tumutunog ang alarm ng mga sasakyan kaya mas lalo pang tumitindi ang takot at kaba ko.


Nakita kong pumulot si Cloud ng isang malaking bato at hinagis niya ito sa bintana ng isa sa mga sasakyan. Binuksan niya ang sasakyan ngunit agad na sumalubong sa amin ang napakasangsang na amoy mula sa loob at nalaglag mula sa driver's seat ang isang naaagnas na bangkay.


Diring-diri man, mabilis na naupo si Wolfgang sa driver's seat pero mabilis din naman siyang lumabas. "Walang gas! Walang gas!"


"Teka anong nangyayari?!" Bigla naming narinig ang boses ni Punk at nang lumingon kami ay nakita namin siyang lumabas mula sa likod ng isang L300 van—ang van nina Ninong at Ninang na sinakyan namin kanina. Walang suot na t-shirt si Punk at kasalukuyan niyang inaayos ang kanyang sinturon. Sumunod naman na lumabas si Eva mula sa van na kasalukuyan ding binubutones ang kanyang blusa.


"Wait what the fuck?!" sigaw ni Cloud. "We were almost slaughtered by weirdos inside the restaurant while the two of you are just out here, fucking?!" nagpupuyos sa galit si Cloud. Hanggang ngayon, labis parin ang kanyang pamumutla gaya namin.


"Ano?! Teka ano bang nangyari?!" tanong naman ni Eva na labis na naguguluhan.


"Hindi niyo ba narinig yung sigawan?!" Giit ni Ruth pero nagkatinginan lamang sina Eva at Punk na para bang naguguluhan.


Shit! Maybe the van was soundproof! Ba't di namin yon napansin kanina?! The van is likely soundproof because that's where they keep their victims! The only logical explanation here is that those two are serial killers! Shit! We fell in a serial killers' trap!


"We have to leave now! Where's the key?!" taranta kong bulalas pero walang nasagot si Punk.


"I'm on it!" sigaw ni Wolfgang at agad siyang nagtatakbo sa front seat upang I-hotwire ito.


Sa isang iglap bigla na lamang may malalamig na kamay na humawak sa akin dahilan para mapatili ako nang pagkalakas-lakas. Natigil lamang ako sa pagtili ng mapagtantong si Kleya pala ito.


"Let's go! Everyone's dead! Shey's dead! We have to go, now!" mabilis na sigaw ni Kleya at sakto namang umalingawngaw ang makina ng van, hudyat na nagawa itong paandarin ni Wolfgang.


Hindi kami nag-aksaya ng sandali, mabilis kaming pumasok sa van at nag-lock ng pinto. Nasa likod kaming lahat maliban lamang kay Wolfgang na nasa harapan.


"Anak ng! Nasaan sina Botyok at Willly?!" bulalas ni Punk nang magsimulang umandar ang sasakyan.


"Bahala sila! Umalis na tayo rito!" sigaw ni Kleya at sa puntong iyon ay natigilan ako. Tama ba yung narinig ko? Okay lang sa kanyang may maiwan kaming kasamahan dito?!


"We're just going to leave them?!" bulalas ko.


"Do you want to die?!" sigaw sa akin ni Kleya nang pagkalakas-lakas.


Ilang sandali matapos umandar ang sasakyan, nagulat kaming lahat nang bigla itong huminto. Nagkatinginan kaming lahat.


"Why did we stop?" mangiyak-ngiyak na sambit ni Ruth na mahigpit parin ang hawak sa akin.


"Wolfgang! Speed it up!" sigaw ni Kleya at itinaas ang maliit na bintanang naghihiwalay sa amin sa driver's seat. "Wolfgang anong problema?!" sigaw pa ni Kleya.


Unti-unting lumingon sa amin si Wolfgang. Wala akong ibang nakita sa mukha niya kundi takot. "Ayaw nang umandar ng sasakyan!"


Sa isang iglap bigla na lamang umalingawngaw ang napakalakas na tili ni Ruth habang nakatingin at nakaturo sa likuran ko. Dali-dali kaming napalingon at kahit ako ay napasigaw din nang makita si Ninang na ngayo'y nakatayo na sa tapat ng bintana na para bang sinisilip kami habang may malapad na ngiti sa kanyang mukha.


Kinatok niya ang bintana. Gumagalaw ang labi niya pero hindi namin naririnig ang kanyang sinasabi.


Sa takot, napayakap ako nang mahigpit kay Ruth. Ngunit patuloy lang din akong napasigaw dahil sa kabilang bintana ay naaninag ko ang mga kabataang nakapalibot sa amin. Sila rin yong mga nasa loob ng restaurant.


Wala kaming magawa kundi magsigawan nang mapagtantong napapalibutan na ang sasakyan ng napakaraming mga kalaban.


END OF CHAPTER 18!

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro