17 : The Wake
17
The Wake
Kleya
"Why did we stop?" Agad akong napatanong nang bigla kong mapansin ang paghinto ng sasakyan.
"Yan kasi, masyadong iniisip si Kuya," biglang pahayag ni Ruth dahilan para magtawanan ang lahat. Pinanlisikan ko ng mga mata si Ruth kaya agad siyang nag-peace sign sabay tago sa likod ni Eva.
"Owww! Our psycho next door has a crush!" Biglang bulalas ni Wolfgang na siyang nakaupo sa tabi ko. Ginulo pa niya ang buhok ko na parang kung sino kaya agad ko siyang pinanlisikan ng mga mata. Naglaho ang ngiti sa mukha ni Wolfgang at dahan-dahan siyang bumitaw sa akin.
"Magbiro ka nalang sa lasing, 'wag lang sa kulot na babaeng may pagka aning," biro ni Aaron na nasa kabilang gilid ko kaya siya naman ang pinanlisikan ko ng mga mata. I hate it when I'm between these fools. I'd love to beat them up mercilessly but I never really get to do it, I think I'm getting rusty.
Biglang bumukas ang pinto at sumambulat sa amin si Botyok na may malapad na ngiti sa kanyang mukha. "Hoy ano ba! Bumaba na kayo diyan sabi! May libreng hapunan tayo!"
Dali-dali kaming nagsilabasan mula sa sasakyan. Libre daw kasi.
"Ravishing," bulong ko sa sarili ko nang makita ang isang malaking restaurant sa tapat namin. Mayroon yata itong dalawa o tatlong floor? Ewan, may kalakihan kasi. Mula sa bintana ay natatanaw naman ang mga taong kumakain sa loob, may banda rin na tumutugtog. Tumingala ako at binasa ang pangalan ng restaurant na nakasulat sa isang neon red sign... The Wake
Nilibot ko ang paningin ko at napagtanto kong nasa isa kaming parking lot. Napakaraming mga sasakyang nakaparada, siguro pang sosyal 'tong restaurant na'to. Meron ding mga kalapit na establishmento, may mga coffee shop, gas station, rest stop, at 7/11 pero mukhang sarado ang lahat ng mga ito. Marami ring mga poste sa daan kaya medyo maliwanag, yun nga lang wala kaming napapansing mga sasakyang dumadaan. It's like a small market in the middle of nowhere. I've been to a place like this, it's usually for travelers.
"Where are we?" tanong ni Ruth.
"I guess we're not too far from Cosima since we've only been travelling for over an hour," sagot ni Eva saka inakbayan si Ruth. Inakbayan din naman ni Punk si Eva at kaswal na hinalikan ito sa noo habang nililibot ang paningin sa paligid. Eww.
"Sayang sarado na yung computer shop," narinig kong nagreklamo si Cloud.
"Or we could just break in," pabulong na sambit ni Wolfgang habang bumubungisngis.
"Tangina, hindi ako magnanakaw pero miss na miss ko nang mag-dota," tila ba wala sa sariling sambit ni Aaron habang nakatingin sa direksyon ng computer shop.
"Ano? Pasukin na natin?" sambit ni Willy habang may pilyong ngisi sa kanyang mukha.
"Mga hijo, magbubukas ang computer shop bukas. Hintayin niyo nalang," biglang sabat ng babaeng nagpasakay sa amin. Narinig pala niya ang usapan ng mga loko pero mukhang hindi naman siya galit. Sa katunayan, nakangiti pa nga siya.
"Oh siya. Alam kong pagod kayo sa byahe. Pumasok muna kayo sa restaurant namin," dagdag pa niya kaya nagsimula kaming maglakad nang sama-sama papasok rito, sa pangunguna ng babae. Ang asawa naman niya ay nagpaiwan at mukhang naghahanap pa ng maayos na parking space.
"Ano po palang pwede naming itawag sa'yo? Maraming salamat po sa pagtulong sa amin," tanong ni Shey sa babae. Respectful naman pala ang isang 'to, pareho lang pala kaming hindi trip si Tasha.
"Tawagin niyo nalang akong Ninang, tutal yan naman ang tawag sa akin ng lahat dito. Ninong naman sa asawa ko," sabi pa niya at saka binuksan ang pinto dahilan para sumalubong sa amin ang kulay dilaw na liwanag na nagmumula sa loob at pati narin ang lumang musika na pinapatugtog sa loob.
Sa isang iglap, tumigil ang musika at tumahimik ang paligid. Nagtinginan sa amin ang lahat, mula sa mga waiter, performer at mga customer na nasa kani-kanilang mesa. Mabilis din naman nilang tinanggal ang kanilang tingin sa amin at nagpatuloy na sila sa kani-kanilang ginagawa.
"Weird," natatawang sambit ni Tasha na mukhang nailing dahil sa nangyari.
"Nagsalita ang babaeng araw-araw na may flower crown sa ulo," pagpaparinig ko dahilan para irapan niya ako.
"Oh, wag nang mag-away. I-enjoy na natin ang libre," bulalas ni Aaron sabay hila sa akin patungo sa bakanteng mesa sa nasa gitna ng silid. May kalakihan ito at mukhang kakasya kaming lahat.
"I like it, this place seems so vintage," pahayag ni Shey nang maupo kaming lahat sa mahabang mesa. I tried to sit next to Eva since she's the one I could tolerate the most but unfortunately, naunahan ako ni Punk at Ruth. Unfortunately, I ended up sitting between the two tall idiots again—Wolfgang and Aaron.
"Puta, mababaog ako sa tugtog," komento ni Wolgang habang iniipit ang mukha niya sa kanyang mga palad, dahilan para lumapad ang kanyang mga nguso. He looks so frustrated. First time ata 'tong makita ko siyang hindi nakangisi na parang baliw.
"Stop cussing directly, use euphemisms," giit ko saka sinamaan siya ng tingin.
"Euphe-what?" Tanong ni Wolfgang kaya napabuntong-hininga na lamang ako at umiwas ng tingin. He's hopeless, why bother.
"Just order whatever you want, it's on the house. Pero siyempre, 'wag naman yung nakaka-bankrupt," sabi pa nila dahilan para magtawanan ang lahat. Maliban lamang sa akin na pumeke lamang ng ngiti. She's too nice, I pity her.
As soon as our food arrived, we started to eat. Ninong arrived and they both eventually started talking about the restaurant; about how popular they are to travelers, how they enjoy not having children even if they're already married for almost twenty years, how they help out other travelers sometimes. Sobrang daldal ni Ninang samantalang si Ninong naman ay pangiti-ngiti lang habang kumakain.
Hindi nagtagal, biglang tumayo si Punk para magpaalam. Bibili raw muna sila ng gas sa labas. Sina Botyok at Willy naman ay nagpaalam na maglilibot-libot muna.
"Teka sasama ako," giit ni Ruth pero agad na hindi pumayag si Punk.
"Dito ka lang, lagi mo nalang kasama 'tong girlfriend ko," biro ni Punk dahilan para mapabusangot si Ruth.
"Sandali lang kami, babalik kami agad," giit ni Eva habang may malapad na ngiti sa kanyang mukha. Bigla siyang napatingin sa akin. "Kleya, ikaw muna ang bahala kay Ruth," aniya pa kaya agad akong ngumiwi. Lalo pa akong napangiwi nang humarap sa akin si Ruth habang may malapad na ngiti sa kanyang mukha na para bang nagpapa-cute. Fork! Magkapatid nga sila ni Miller! Parehong may topak!
Nagpatuloy na lamang akong kumain hanggang sa maramdaman kong may nakatingin sa akin. Pasimple akong lumingon at nakita kong nakatitig sa akin ang isang babaeng nakaupo sa mga table na hindi masyadong malayo sa akin. Nang magtama ang mga tingin namin, dali-dali siyang umiwas ng tingin at nakisali sa usapan at tawanan ng mga kasama niya sa mesa. Umiwas man siya ng tingin sa akin, andun parin ang pakiramdam na parang may nagmamasid sa amin. Bitter ba sila dahil nilibre kami ng may-ari o masyado ba kaming maingay? Anong problema nila?
Nilibot kong muli ang paningin ko at napansin kong nakatingin din pala sa amin ang lalakeng nagpa-piano sa stage. Hindi kami nagkakalayo ng edad. Actually parang lahat kaming nandito, hindi nagkakalayo sa edad. Mukhang ang pinaka-matanda nga ay sina Ninong at Ninang.
Gaya ng babae, nang magtama ang mga tingin namin, agad ding umiwas ng tingin ang lalakeng nagpa-piano. Nainis ako. Pinagmasdan ko ang paligid at may nakatingin padin sa amin mula sa ibang mesa naman. Parang isang kwitis na sumiklab ang inis ko. I've had enough of this bullspit.
Binitawan ko ang kutsara't tinidor saka tumayo. Naglakad ako patungo sa table kung saan naroroon ang isang lalakeng nakatingin mismo sa akin. Ngunit bago ko pa man siya malapitan, biglang may humila sa akin at nang lumingon ako ay nakita kong si Aaron pala ito.
"Kleya, napapansin ko rin pero baliwalain mo nalang," mahina niyang sambit habang direktang nakatingin sa mga mata ko. Mukhang naaasiwa rin siya gaya ko.
Winakli ko ang kamay niyang nakahawak parin sa braso ko. "And let them continue harassing us with their stares?! Dude this is wrong!" pabulong kong giit.
"Then let them stare. Hindi natin alam kung nasaan tayo. Wala tayo sa Cosima, walang po-protekta sa atin. 'Wag na tayong gumawa ng eksena. Umiwas na tayo ng gulo," pakiusap ni Aaron kaya napasinghal na lamang ako.
"I don't need Cosima to protect me, I'm not weak like you. I can protect myself, I'm not weak," bulalas ko saka naglakad patungo sa pinto.
"Hija saan ka pupunta?" tanong ni Ninang.
"Banyo!" sigaw ko nalang.
"Teka sama ako!" sigaw naman ni Shey pero hindi ko siya nilingon, bagkus ay nagpatuloy ako sa paglalakad palabas ng restaurant.
***
Sumalubong agad sa akin ang malamig na hangin sa paglabas ko sa pinto. Tumingala ako sa kalangitan at wala akong nakitang ni isang bituwin. Kinuha ko ang panali ko sa buhok na iniwan ko sa aking puso saka marahas na itinali ang buhok ko sa isang ponytail. Napakalamig kaya sinara ko ang jacket kong kulay itim habang naglalakad.
Narinig kong bumukas ang pinto at kasunod nito ang boses ni Shey. "Kleya, sandali!" sigaw niya.
Lumingon ako sa kanya. "I'm not going to the bathroom. If you want to go, ask Ninang where it is became I'm sure it's somewhere inside the restaurant," sarcastic kong sambit.
"Alam ko," aniya nang lumapit sa akin. "Narinig ko ang usapan niyo ni Aaron. Pansin ko rin ang mga tingin nila sa atin. Nakakakilabot kaya gusto kong dito muna sa labas," aniya pa.
"Bahala ka," sabi ko at naglakadlakad na lamang kahit pa naririnig ko siyang sumusunod sa akin.
Nakarating kami ni Shey sa gas station at kapwa kami nagtaka nang hindi namin nakita sina Punk at Eva rito. Ni wala kaming nakitang staff. Ba't ganun? Saan sila nagpunta?
"Ang luwag naman ng security nila, pwede silang manakawan nito," sabi ni Shey at tama nga naman siya. Sa panahon ngayon, kahit walang halaga, ninanakaw. "I like the smell of gas," biglang bulalas ni Shey kaya hindi ko naiwasang matawa. Baliw.
"Tasha isn't mean. She's actually really nice. Kung hindi mo kami pinagsasapak nang unang beses ka naming nakita, siguro magkaibigan kayo," sabi pa ni Shey kaya mas lalo akong natawa. Ano bang problema ng babaeng 'to?
"Let's not talk about someone who isn't here," sabi ko para tumahimik siya kaso patuloy parin siya sa pagsasalita kahit wala naman akong pakialam sa sinasabi niya.
"I kinda feel bad for what I did to Tasha. I mean, we were friends but I voted her out of the crowned league," sabi niya pa habang may maliit na ngiti sa kanyang mukha.
"We're all just desperate to survive," wala sa sarili kong sambit.
"Tasha's only mean to you because she dislikes you but I swear if you get to know her, if you just be friends with her, she'll end up being the nicest person you'll ever get to meet. You just met badly kasi," paliwanag ni Shey kaya napangiwi na lamang ako. Kakakilabot 'tong pinagsasabi niya.
"And why the hell are you saying this to me?" sarcastic kong sagot.
Napabuntong-hininga si Shey at lumingon sa direksyon ng restaurant kung saan naroroon si Tasha. "Because she needs a friend and getting voted off of the crowned league must've made her feel alone again. Tasha went through something really bad a few years ago. She needs a friend," paliwanag pa ni Shey kaya muli akong natawa.
"I don't have friends. I don't want friends. What happened was your fault. You never should've voted her off of the Crowned league," paalala ko nalang.
Napabuntong-hininga siya at umiling-iling. Para siyang nawalan ng pag-asa sa akin. "Hay, ikaw na talaga. O siya, samahan mo nalang nga akong mag-cr. Totoo na'to, tinatawag na ako ng kalikasan," aniya pa kaya sarcastic akong tumawa.
"Just go to the damn bathroom," sabi ko pa kaya pabiro siyang bumusangot at tumakbo patungo sa bathroom na nasa likod ng mini-shop ng gas station.
Napabuntong-hininga ako at sinundan na lamang siya.
Pumasok ako sa banyo at pumasok naman agad si Shey sa isa sa tatlong mga cubicle. "Holy crap, nakakatakot naman 'tong bintana! Baka mamaya may sumilip sa akin!" reklamo niya.
"Nasa taas ang bintana, walang mage-effort na umakyat sa pader para lang bosohan ka," sarcastic kong giit.
"Hindi kaya! Level lang mismo ng ulo ko ang bintana! Kitang-kita ko nga ang labas oh! Shit ang dilim!" reklamo ni Shey kaya napangiwi na lamang ako. Sinilip ko ang katabing cubicle at tama nga naman siya, masyadong mababa ang bintana. Sino bang henyo ang gumawa nito?! Bullspit nga naman oh.
"Teka, ano yun?! Ba't may silver akong nakita?" bulalas ni Shey.
"Ha?" tanong ko.
"May silver na nag-shine sa labas! Ano yun?" giit ni Shey kaya mas lalo akong ngumiwi.
"Ewan ko sa'yo, labas muna ako," paalam ko nalang.
"Okay, doon mo nalang ako hintayin," aniya kaya napairap ako.
Lumabas ako ng banyo at muling naglakad-lakad. Biglang naagaw ng atensyon ko ang isang kulay asul na sasakyang wasak ang windshield. May katabi rin itong iba pang mga sasakyan, pare-pareho ring basag ang windshield. Takang-taka ako kaya naman mas nilapitan ko ito.
Kinilabutan ako nang mapansin ang bahid ng dugo sa windshield. Naisipan kong silipin ang loob ng sasakyan. Masyadong madilim sa loob kaya napagpasyahan kong buksan na lamang ang pinto. Ngunit sa pagbukas ko nang pinto, labis akong nagulat nang biglang nalaglag mula rito ang tatlong duguang bangkay ng mga babae na tila ba naaagnas na. Nanlamig ang buong katawan ko sa gulat at nanlaki ang mga mata ko. Gusto kong sumigaw ngunit hindi ko magawa, para akong naputulan ng dila.
Gulat na gulat man, sumagi agad sa isipan ko ang counter sa gasoline station. Tiyak akong may telepono doon kaya dali-dali akong tumakbo patungo rito. Binuksan ko ang pinto ngunit nang buksan ko ito ay laking gulat ko nang tumambad sa akin ang dalawang lalaking nakahandusay at naliligo sa sarili nilang dugo.
Sa pagkakataong ito, tuluyan na akong napatili. Punit-punit ang kanilang mga leeg at mukha, nakawakwak naman ang tiyan ng isa sa mga lalake at nakalabas pa ang bituka nito. Dali-dali akong naghanap ng telepono at cellphone upang tumawag ng pulis ngunit wala akong nahanap.
Dali-dali akong nagtatakbo pabalik sa banyo kung saan naroroon si Shey at laking gimbal ko nang mapagtantong naka-lock na ang banyo.
"Kleya, ano ba! Sumagot ka naman, kanina pa kita kinakausap!" narinig ko ang boses ni Shey mula sa loob. Parang may kinakausap siya!
"Shey! Shey andito ako sa labas!" sigaw ko at sa puntong iyon ay narinig ko ang napakalakas na tili ni Shey kasabay ng napakalakas na kalabog sa loob.
Sinubukan kong was akin ang pinto sa pamamagitan ng pagbangga at sipa ngunit masyado itong matibay. Nataranta ako. Wala sa sarili akong napalinga-linga hanggang sa makita ko ang mini-shop na ilang hakbang lang mula sa akin. Napakalakas na ng kabog ng dibdib ko. Dali-dali akong pumasok sa mini-shop at mas lalo pa akong nagulat sa nadatnan—napakaraming mga bangkay at ang ilan sa kanila ay walang saplot, may mga nakasuot rin ng security guard uniform at chef.
You have got to be kidding me!!!!
May ideyang nabubuo sa isipan ko at nakakagimbal ito.
Natataranta ako lalo at para nang sasabog ang puso ko sa kaba.
Naririnig ko pa ang mga sigaw ni Shey. Rinig na rinig ko ang mga ito habang pilit akong naghahanap ng matigas na bagay na pwede kong magamit sa pagbukas ng pinto. Ngunit habang naghahanap, biglang tumigil ang mga sigaw ni Shey.
Hindi ko na naririnig ang mga sigaw ni Shey.
Imbes na maghanap ng bagay na magagamit pambukas ng pinto, lumapit ako sa bangkay ng mga guwardya at lalo pa akong kinabahan nang wala akong mahanap na baril o cellphone man lamang sa kanila.
END OF CHAPTER 17
THANKS FOR READING!
VOTE AND COMMENT <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro