Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

14 : The leader of the wretched


14

The leader of the wretched

Kleya


Magdamag akong nanatiling gising. Hindi ako nakatulog dahil laging bumabalik sa isipan ko ang nangyari—ang pagkamatay nila Baldwin, ang katrayduran ni Vivian, ang ginawa ni Ledory, at ang mga sinabi ni Miller kagabi. Napakaraming naglalaro sa isipan ko at hindi ko ito gusto.


Bigla akong nakarinig ng mga katok sa pinto pero imbes na bumangon, nanatili akong nakahiga sa kama habang nakatitig sa dingding.


"Pasok," sabi ko.


Narinig kong bumukas ang pinto at nakarinig ako ng maninipis ngunit malulutong na tunog na animo'y gawa ng takong. Isa lang ang taong sumagi sa isipan ko.


"What brought you here, Lauren?" tanong ko habang nanatiling nakatitig sa kisame at nasa kanlungan ng sarili kong kama at kumot. Most people here call here Ma'am or Ms. But since wala akong kailangan sa kanya, first name basis muna kami.


"Sit down. We have to talk about something important," sabi ni Lauren.


"I'm feeling lazy today, just talk," sabi ko naman.


Mula sa gilid ng mga mata ko, nakita kong naupo si Lauren gilid ng kama ni Vivian. "Python is not happy about what happened to Ledory and how Vivian wasn't interrogated properly. But despite of how things went down, he's honoring the conditions of your deal."


Napangisi ako. "So payag na siyang umalis kami ni Miller?"


Narinig kong bumuntong-hininga si Lauren. "That's what I'd like to talk about... Isa lang sa inyo ang papayagan ni Python na umalis at kailangan—"


"Si Miller ang aalis, mananatili ako rito," anunsyo ko bago pa man niya matapos ang sinasabi.


"Gusto mong manatili rito?" Lauren sounded surprised. I can't blame her.


"There's free food and shelter here, plus a stable supply of bacon. I'm broke, I need this," giit ko.


"Good, now there's just one more thing I'd like to talk about," Lauren paused as if she was waiting for my reaction. "With Baldwin gone, the wretched is in need of a leader, days before he—"


Hindi ko na hinayaan pa si Lauren na tapusin ang kanyang sinasabi. Naupo ako at lumingon sa kanyang direksyon habang walang kaemo-emosyon. "I will not be the leader of the wretched." pagdidiin ko.


"But Kleya, the wretched needs a leader," Lauren uttered gently.


"I will stay in Cosima and bother every single soul in this place until they get their shit together and be stronger than me. I will honor baldwin's crazy request but I will not be the leader," giit ko pa sa huling pagkakataon.


Miller was right. I don't need to be a leader in order to help. I don't need a title to prove my worth. I can help with just being myself. I am enough.


"Ba't bigla kang napangiti?" tanong ni Lauren kaya sa gulat ko'y dali-dali akong napahawak sa mukha ko.


"This," Ngumiti ako lalo. "This is my evil face," sabi ko nalang.


"You're not evil, you're just on the wrong side of the tracks," Lauren assured with a smile on her face.


"I'm a trainwreck," natawa na lamang ako.


Lumipat si Lauren at naupo siya sa tabi ko. "Kleya, it may not seem like it but we have many things in common."


Hindi ko naiwasang matawa. "Us? Having something in common? Now that's just bullspit."


"Lauren, where's Ledory?! Akala ko ba check-up lang? Ba't hanggang ngayon hindi pa siya nakakabalik?" Agad kaming napalingon ni Lauren sa direksyon ng pinto at nakita namin si Eva na litong-lito at nakapantulog pa. Eva is Ledory's roommate.


Tumayo si Lauren at agad na lumapit kay Eva. "Ledory is under special care. She's really unstable so we have decided to transfer her elsewhere."


"You can't do that!" I couldn't help but to meddle. "Ledory feels comfortable here. She'll be more unstable—"


"You're not the leader, you don't call the shots." Lauren didn't even let me finish what I was saying.


I felt pissed with what Lauren said, but I'd have to admit, that clapback was good. I got burned.


"Don't worry about Ledory, she's in really good hands. If she starts to feel better, she will return right away." Paniniguro ni Lauren.


****


Bitbit ang tray kung saan nakapatong ang agahan ko, nilibot ko ang paningin upang maghanap ng mauupuan. And just like that, it felt like highschool all over again—no friends, no person I could smile to.


Masyado akong nasanay sa presensya nilang lahat. Masyado akong nasanay na lagi akong sasalubungin at tatabihan ni Vivian habang kumakain; Aasarin ako ni Baldwin; Iinisin ako ni Miller; Pakakalmahin ako ni Ledory at hindi ako papakialaman ni Cara.


"Aray!" Hindi ko naiwasang sumigaw nang bigla na lamang may tumisod sa akin dahilan para matumba ako. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang pagdaan ni Tasha habang may ngisi sa kanyang mukha. As usual, may flower crown na naman ang hinayupak.


Atleast kahit papaano, may isang hindi nagbago.


Imbes na habulin si Tasha ng suntok, mas pinili kong tumayo habang may ngisi sa mukha.


Dahil natapon ang pagkain ko, kumuha nalang ako ulit ng bago. Kukunin ko sana ang natitirang bacon sa lalagyan pero nagulat ako nang may naunang kumuha nito.


"Nauna ako," natatawang sambit ni Miller at nakuha pang maglabas ng kanyang dila na para bang isang batang nang-iinis.


"Do you want me to punch you until you die?!" pagbabanta ko pero muli lamang siyang tumawa.


"Aalis na ako bukas, pagbigyan mo na ako!" patawa-tawa pa ang loko.


"Bukas pa?! Umalis ka na ngayon! Kakasuka mukha mo oy!" bulyaw ko sa kanya.


"Mami-miss mo ako oy!" bulyaw niya pabalik at ginaya pa ang naging paraan ko sa pagsasalita.


"In your dreams, Miller," sarcastic kong sambit.


Paatras na naglakad si Miller palayo sa akin habang patawa-tawa. "Deny it all you want but you're going to be looking for me when i'm gone. You're going to miss this handsome face, Noodles," pang-uudyo niya sabay turo sa mukha niya.


I am so going to punch him before he leaves.


Pinili kong maupo sa mesang hindi pa okupado ng kahit na sino. Buti nalang at may bacon para pansamantala kong makalimutan ang poot sa sistema ko dahil sa ginawa ni Vivian. She's dead but the anger is still inside me. I can't believe I fell for a psycho's tricks. All along I thought the psycho could just be next door to anyone, little did I know, the psycho was in my room all along.


Nagulat ako nang bigla na lamang naupo sa tapat ko sina Aaron at Wolfgang bitbit ang kani-kanilang mga tray. Dali-dali kong nilunok ang pagkaing nginunguya ko at agad ko silang sinamaan ng tingin.


"What the hell are you doing here?" pilit ko silang sinindak gamit ang boses at matalim kong tingin pero nagsimula lamang silang kumain. Aaron looks a little scared but Wolfgang looks stupidly crazy as usual. Siguro adik 'tong si Wolfgang habang nasa labas, dami kasi niyang tattoo at may suot pa siyang isang piraso ng hikaw. Ako nga walang suot na hikaw tapos siya may hikaw na nga, dangling pa tapos may ulo ng wolf.


"Shawn has this theory," tipid na sambit ni Wolfgang saka sumubo na agad ng pagkain.


"And what theory is that?" I asked but I tried to sound like I don't care.


"That there's another psycho here," kaswal na sambit ni Wolfgang habang ngumunguya pa. "Iniisip ni Shawn na baka may tumutulong kay Vivian dito sa loob. Isipin mo, planado na ni Vivian ang lahat. Sa sobrang pagka-planado, siguro naman may back-up plan ang nag-utos sa kanya kung sakaling may mabisto siya."


Sa puntong 'yon, hindi ako agad nakapagsalita. May punto si Shawn. Ba't di ko agad naisip 'yon?!


"Anong koneksyon nun sa pag-upo niyo sa table ko? Umalis na nga kayo!" sabi ko pero hindi parin sila umalis o gumalaw man lang mula sa kinauupuan.


"If there's another psycho here, we're safer with you. After all, it's you who caught the psycho," paliwanag ni Aaron pero hindi niya ako magawang tingnan ng deretso, parang takot parin siya sa akin.


Napangisi ako at bahagyang inilapit ang mukha ko sa kanya. "You're safer with me? What if I'm the psycho and I'm just trying to earn all of your trust? What if I am Vivian's accomplice?" I teased, lowering my voice and glaring at them with a smirk on my face.


Aaron's lips trembled as if he was really scared. I felt the need to be extra evil so I continued to glare and smirk just to scare him even more. Moments passed, it seemed as if he got more and more scared. But eventually, he looked up. It looked like he was gathering his courage to slowly look at me, and when he did I felt a little bit proud of him. "Y-you're not," he said in a low voice.


"Are you sure?" pang-uudyo ko pa.


Dahan-dahang tumango si Aaron, he still looked scared and worried for his life. "M-miller told us you're a good person with a fucked up past just like the rest of us."


"I think you have a bad temper and messed up sense of humor too," dagdag naman ni Wolfgang na patawa-tawa pa. Agad ko siyang sinamaan ng tingin dahilan para umarte siya na parang zini-zipper niya ang kanyang labi.


"We just want to survive so we're sticking with you," giit pa ni Aaron.


Napabuntong-hininga ako at napatingin sa direksyon kung saan nakaupo si Shawn kasama ang iba pang mga crowned. "Then go to your King, crowned ones. He has the responsibility to keep you safe."


"Look kleya, this isn't about being a crowned or wretched anymore—this is about survival. We think we'll be safer under your wing," paliwanag pa ni Aaron.


"Kleya, are these crowned worms bothering you?" Agad akong napalingon at nakita ko si Eva bitbit ang kanyang tray. Nakita ko sa kanyang likuran si Punk na hinihimas na ang kanyang nakakuyom na kamao na animo'y sinisindak ang dalawa. Kasama nila ang iba pang mga wretched.


I'd love to see them beat each other up but I'd like to eat my bacon in peace so I decided to shake my head instead. "You should ask them that, after all, it's my job to bother and hurt people here." Napangisi ako.


"Good." Ngumiti si Eva at pinababa ang kamao ni Punk dahilan para mapabuntong-hininga ito.


Lumapit sa akin si Eva ngunit nang akmang uupo na siya sa tabi ko ay bigla na lamang may nauna sa kanya. Gulat na gulat si Eva nang unahan siya ni Miller sa upuan. "Ayoko na pala ng bacon," aniya at nilipat ito sa tray ko.


Napabuntong-hininga na lamang ako at napa-facepalm dahil sa inis. Gustong-gusto ko nang manapak pero at the same time, gusto ko lang maging payapa ang araw na'to. Sa dami ng nangyari, gusto ko lang maging stress-free kahit isang araw lang.


"Uy pasali!" biglang dumating si Babyface, at agad na tumabi sa mga kasamahang crowned na sina Aaron at Wolfgang. "Ang saya! First time kong makitang magsama-sama ang mga crowned at wretched sa iisang upuan!" sabi pa nito at parang timang na pumapalakpak. Eww, he's such a big baby!


"Pahingi ng bacon!" Babyface suddenly reached for my bacon and I almost had a mini heart attack. Dali-dali kong pinalo ang kamay niya bago pa man ito makakuha ng bacon.


"Keep your hands off my bacon, babyface! You don't know who you're messing with!" pagbabanta ko sa kanya dahilan para matahimik ang lahat. Akala ko matatakot si Babyface pero tumawa lamang siya sabay taas ng kanyang mga kamay.


"Ba't babyface? Cloud ang pangalan ko," aniya kaya napasinghal ako.


"Whatever your name is, don't touch my bacon!" sigaw ko pero nagtawanan lamang sila. Spit! Ano bang pagkakamali ang nagawa ko't hindi na sila takot sa akin?! Kailangan na siguro akong manapak ulit.


"Aaron, what the hell are you doing there?!" bigla kong narinig ang boses ni Tasha mula sa likuran ko at nang lumingon ako ay nakita kong naka-cross na naman ang mga braso niya at nakataas na naman ang mga kilay niya dahil sa inis.


"Eating?" naguguluhang sagot ni Aaron habang may ngiti sa kanyang mukha.


"With her?!" Tinuro ako ni Tasha. "Don't you remember what she did to you?! To us?! Aaron she beat you up mercilessly! You lost a tooth and piercing! You lips got freaking stitched because of her!"


Natawa ako bigla kay Tasha. Para kasi siyang batang nagta-tantrums. Teka? Yun ba ang dahilan ba't galit na galit parin siya sa akin hanggang ngayon? Dahil binugbog ko siya at ang boyfriend niya? Grabe, si Aaron may kasalanan nun at hindi ako. Siya yung nambato ng bola. Tinapos ko lang ang gulong sinimulan niya.


"Tasha tama na, kasalanan ko naman yung nangyari. May bakante pa, maupo ka," sabi ni Aaron. Mabuti naman at alam niya ang totoo.


"Aaron, she left me in that closet yesterday! She's the spawn of satan, can't you see?!" bulalas pang muli ni Tasha na mukhang stressed na stressed na dahil sa presensya ko.


Napangisi ako at lumingon sa kanya. "Tasha, go find a new boyfriend who will stand up for you. Who will side with you no matter—"


"Teka grabe naman!" protesta ni Aaron. "Hindi ko siya girlfriend at isa pa loyal ako sa magiging girlfriend ko!" giit nito na para bang isang bata. Hay, bagay talaga sila ni Tasha na may sapak.


Napatili si Tasha dahil sa labis na inis at nag-walk out sabay tapon ng tray niya sa basurahan. Napatingin ang lahat kay Aaron, kapwa crowned at wretched.


"A-anong ginawa ko?" naguguluhang tanong ni Aaron.


"Bro, keep that up and you'll never get laid," sarcastic na sambit ni Cloud. For someone with a babyface, his mindset's perverted.


"Who was that?" natatawang sambit ni Wolfgang habang sinusundan ng tingin si Tasha.


"Be sensitive naman!" sigaw naman ni Eva.


"Sorry naman!" sigaw na lamang ni Aaron.


Bigla akong siniko ni Miller. "Puntahan mo bestfriend mo, kawawa yun," pang-aasar niya sa akin kaya napairap na lamang ako.


Gusto ko lang naman kumain ng bacon sa isang payapang lugar pero heto sila at ginugulo ang napakagulo kong buhay. Tumayo na lamang ako mula sa kinauupuan bitbit ang tray ko.


"Go kleya go!" Kantyaw pa ni Miller kaya nagbingi-bingihan ako.


Uupo sana ako sa table na nasa dulo ng silid pero bigla na lamang pumasok si Lauren sa cafeteria. Pakiramdam ko ay kukumbinsihin na naman niya akong mamuno sa mga wretched kaya inunahan ko na siya.


Ibinaba ko ang hawak kong tray at tumayo sa pinakamalapit na mesa. "Everyone, I need you to listen to me," anunsyo ko. Ilang sandali pa ay natahimik ang buong cafeteria at nakatuon na ang atensyon nila sa akin. Napatingin ako sa direksyon ni Lauren at huminga ng malalim.


"Baldwin died. We were all there. We saw how he suffered. We saw him fight even in the last moments of his life. The wretched didn't just lose a leader; the wretched and crowned lost a great friend when he died. Baldwin may be a bald dude full of bullspit, but he was a real something. But even if he's dead, I want all of you to remember that Baldwin is still the leader of the wretched. No one will take his place. No one will be the leader of the wretched. He may be dead but Baldwin will always be the leader of his wretched friends." Nilibot ko ang paningin sa crowned at wretched. "We will continue according to Baldwin's virtues," pagtatapos ko at sa puntong 'yon, nakita kong ngumiti si Lauren at marahang pumalakpak.


Nakita kong tumayo si Shawn kahit hirap dahil sa kanyang saklay. Itinaas niya ang softdrink na nasa lata at ngumiti. "To the dead bald leader of the wretched!"


"To our dead bald leader." Narinig kong sambit ni Miller at nang nilingon ko siya ay nakita kong itinaas rin niya ang hawak na lata ng softdrink. Nakangiti man, nakikita ko parin ang lungkot sa mga mata niya dahil sa pagkawala ni Baldwin pero kahit papaano ay tila ba gumagaan na ito. They were the closest. They were like brothers.


Sabay-sabay na nagtaas ng mga lata ng softdrink ang mga crowned at wretched. Hindi lang para kay Baldwin, kundi para narin sa iba pang nawala dahil kay Vivian. Hindi man namin naipagluksa ng maayos ang pagkamatay nila, okay narin 'to.


Bumaba ako sa mesa at nilapitan si Lauren. "You heard that right? Baldwin is still the leader," pagdidiin ko sa kanya.


"I'm proud of you," nakangiting sambit ni Lauren.


"I don't need your opinion," sabi ko at ngumiti rin pabalik sa kanya.


Bumukas ang pintuan sa likuran ni Lauren at nang mapatingin ako sa direksyon nito ay nakita ko ang isang babaeng nakasuot ng white mickey-mouse shirt at red skirt. She looked so young and confused, I guess she's a lot younger than us.


"Kleya, Baldwin is the leader but I'm gonna need you to look out for her. She's your newest wretched," wika ni Lauren at pinalapit ang babae sa kanya. "This is—"


"Ruth?!" biglang umalingawngaw ang boses ni Miller at nang lumingon ako ay nakita ko si Miller na tumatakbo patungo sa direksyon ng babae. Punong-puno ng pangungulila at pananabik ang ang mukha ni Miller.


"Kuya!" sigaw pabalik ng babae at nagtatakbo rin patungo kay Miller at sinalubong ito ng napakahigpit na yakap. Iyak ng iyak ang babae. I guess she's Ruth, Miller's younger sister.


END OF CHAPTER 14!

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro