11 : The Puppeteer
The Puppeteer
Tasha's Point of View
That squammy delinquent, sino ba siya sa akala niya? Sa ganda kong 'to pagbibintangan niya akong killer?! May killer bang laging nakasuot ng flower crown?! See, I'd understand if people think I'm stupid, but a killer?! Okay, maybe I'll become a killer someday... but that will only happen when I find the Taxi woman.
Nahiga ako sa kama ko at tumingala upang pagmasdan ang family picture namin, ang huling litrato kung kailan ko sila kasama. Pakiramdam ko'y maluluha lamang ako habang pinagmamasdan ang mga ngiti nila kaya itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa kisameng kulay puti.
"Devil's breath," bulong ko sa sarili ko. Hindi na maalis sa isipan ko ang narinig mula kay Kleya at Miller. Narinig ko mismo ang pinag-uusapan nila, it sounded as if someone is trying to kill us off by manipulating us into killing each other. Pero sino namang hayop na gumagawa sa amin nito? We've all been through hell, why make us relive it again?
Pero Devil's breath? Napaka-hirap makakuha ng powder nun! The devil's breath was my dad's most prized possession; he'd been looking for a sample ever since I was a kid. He was only able to obtain one last year, but he never got to test or study it because days after he received his beloved Devil's breath sample, it all happened...
"Slowly, Natasha," malambing na paalala sa akin ni Mommy habang dahan-dahan kong ginugupit ang mga nalantang bulaklak sa kanyang halaman. Gaya ng araw-araw kong ginagawa pagkatapos ng eskwela, diretso agad ako sa Greenhouse ni Mommy na nasa bakuran lamang ng tahanan namin. Dito pinapalaki ni Mommy ang mga halaman at bulaklak niya na siyang nagsisilbi niyang supply sa kanyang Flower shop.
"Mom, I know what I'm doing," paalala ko naman.
"You're 17 and impulsive; someday you'll look back at this and realize that you really don't know what you're doing right now," giit pa ni Mommy pero alam kong sa pagkakataong ito'y hindi na ang mga bulaklak ang pinag-uusapan namin.
"Mom, for the love of God! It's just a camping trip with my friends. If you can't trust my friends, please trust me instead." I tried hard not to raise my voice. I tried. But no matter how hard I tried, I still ended up sounding like a disrespectful brat—that I already was.
Biglang tumunog ang doorbell kaya para akong nakahinga nang maluwag. Sa wakas, andito na si Daddy.
Dali-dali kong hinubad ang mga gloves ko at lumabas mula sa greenhouse ni Mommy. Maingat ako sa pagbukas at saran g pinto lalo pa't napakaraming mga paruparo sa greenhouse. Habang tumatakbo ako patungo sa gate, nakita ko ang dalawa kong nakababatang kapatid na parang gusto pang makipag-unahan sa akin na salubungin si Daddy.
"Daddy!" Bati agad namin kay Daddy nang pagbuksan namin siya ng gate. Nagmano agad kaming tatlo kay Daddy pero nagtaka ako nang makitang may kasama siyang isang babaeng parang kasing edad lang nila ni Mommy.
Dad introduced us to the woman who happens to be a taxi driver. Dad mentioned her name but I couldn't remember it. It turns out, someone stole all of my dad's things including his wallet and cellphone but the woman, who happens to be a taxi driver, was kind enough to give my Dad a ride home. For her kindness, Dad paid her twice the amount of the meter fare and even invited her for dinner. But it turns out, it wasn't enough. Because in exchange for giving my dad a ride home, she wanted to take our lives.
One moment, we were all having dinner and thanking the taxi woman for her kindness. The next, we are all tied up on our chairs, gagged, wounded, and begging for our lives. But the Taxi Woman... she had no mercy.
Naupo ako sa kama ko at sumambulat agad ang repleksyon ko sa salamin. Napakasakit ng puso ko dahil sa naalala. Ngayon ko lang napansin na lumuluha na naman pala ako. Dali-dali kong pinunasan ang luha ko at paulit-ulit na huminga ng malalim.
Hindi ako komportableng makita ang sarili kong walang suot na flower crown kaya agad akong tumayo at lumapit sa cabinet. Nang buksan ko ito ay agad na tumambad sa akin ang hilera ng mga flower crown ko na may iba-ibang kulay. Dahil red shirt ang suot ko, ang flower crown na may artificial at kulay puting bulaklak ang isinuot ko sa ulo ko gamit ang hair pin.
I'm scared to leave Cosima. This place is already my home, my everything. This can't be ruined. I can't let another psycho ruin my home again. I will do whatever it takes to keep this place safe, even if it means teaming up with a squammy delinquent like Kleya... but first I have to be sure that she can be trusted.
***
Gamit ang isa sa mga hairpin ko, nagawa kong pasukin ang kwarto nina Kleya. Hindi ko alam kung alin sa dalawang aparador ang kay Kleya kaya naman binuksan ko na lamang ang unang aparador na nakita ko. Sinuri ko ang bawat gamit hanggang sa mapansin ko ang isang kakaibang canister. Nang bubuksan ko na sana ito ay bigla kong narinig ang boses ni Vivian mula sa likuran ko.
"What are you doing, Tasha?" tanong ni Vivian kaya ibinalik ko na lamang sa pinanggalingan ang canister saka dahan-dahang humarap kay Vivian. Ngunit bago pa man ako tuluyang makaharap sa kanya, bigla akong nakaramdam ng napakalakas na palo sa ulo ko dahilan para matumba ako at mahilo.
Duguan at nag-aagaw ang kamalayan, pilit kong pinapanatiling dilat ang mga mata ko ngunit sadyang hilong-hilo ako.
***
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at labis akong nakaramdam ng takot nang mapansing hindi ako makagalaw o makapagsalita. Nakatali ang mga kamay at paa ko samantalang may busal naman ang bibig ko. Napakadilim, para akong nakakulong sa isang masikip na lugar.
May nauulinigan akong boses pero hindi ko ito marinig nang maayos. Sa isang iglap ay biglang ay nakarinig ako ng mga yapak na para bang papalapit sa akin kaya ipinikit ko ang mga mata ko at nagtulugtulugan.
Naririnig ko ang mga boses nina Vivian at Kleya. May pinag-uusapan sila ngunit masyado parin akong hilo para maintindihan to. Ngunit may isang sinabi si Vivian na malinaw kong narinig at labis na nagbigay ng takot sa akin.
"You are going to kill Miller and once he's dead, you are going to kill yourself."
Shit! Si Vivian! Si Vivian ang gumagamit ng devil's breath!
Nang marinig ko ang pintong sumara, hudyat ng kanilang pag-alis, sinubukan kong buksan ang aparador na kinaroroonan ko ngunit laking gimbal ko nang mapagtantong naka-lock ito. Shit! I'm stuck!
****
THIRD PERSON'S POV
Hawak ang isang kutsilyo, dire-diretso lamang sa paglalakad ang walang kaemo-emosyon at tila wala sa sariling si Kleya. Mabagal na nakasunod sa kanya si Vivian na nakangiti at tila ba nasasabik sa mangyayari.
Hindi nagtagal, namataan ni Kleya si Miller na nasa isang pasilyo at kausap ang mga Crowned na sina Wolfgang at Aaron. Nagtatanong ang binata sa tatlo kung nakita ba nila si Tasha na siyang kanina pa nila hinahanap.
Hindi nag-atubili si Kleya, walang paligoy-ligoy siyang nagtatakbo at sinugod ang kamalay-malay na si Miller. Mabilis niyang nabatbat sa pader ang binata sabay sakal rito. Dahil sa gulat, nanlaki lamang ang mga mata ni Miller habang nakatitig sa tila ba wala sa sariling si Kleya, wala ring nagawa ang mga crowned na gulat na gulat.
"K-kleya?" napasinghap si Miller at napalunok.
Nanlisik ang mga mata ni Kleya at itinaas nito ang hawak na kutsilyo na akmang uundayan na
ng saksak ang binata, ngunit sa isang iglap ay bigla na lamang natawa si Kleya. "Convincing ba ang acting ko?" tawang-tawa si Kleya kaya binitawan na lamang niya si Miller na mas lalo pang naguluhan.
"A-anong nangyayari?" Tanong ni Aaron na gulong-gulo rin. Naguguluhan man, hindi niya magawang tingnan si Kleya lalo pa't minsan na siyang nabugbog nito matapos niya itong batuhin ng bola.
"Vivian is the vulture and I have proof. He even ordered me to kill you." Taas-noong pagmamalaki ni Kleya sabay labas ng kanyang cellphone na umaandar pa ang voice recorder. Habang nakangisi, dahan-dahang lumingon si Kleya sa hindi kalayuan kung saan nakatayo ang gulat na gulat na si Vivian.
"P-paanong?" Sa sobrang kalituhan, hindi halos makapagsalita si Vivian. Napahakbang siya paatras nang mapalingon sa kanyang direksyon si Miller at ang dalawang crowned.
"Kleya! Kleya andiyan ka ba?!"
Nang marinig ang boses ni Vivian sa labas ng silid, palinga-linga si Kleya sa sobrang taranta. Nakita niya ang cellphone na nasa kanyang kama at nabuo ang isang ideya sa kanyang isipan.
"Sandali! Bwisit ka! Nagbibihis pa ako! Asan ba ang bra ko?!" Sumigaw nang sumigaw si Kleya saka pinagana ang voice recorder at itinago ito sa kanyang bulsa. Naalala niya ang devil's breath na nasa canister kaya dali-dali niyang binuhos ang laman nito sa kanyang kama at mabilis itong pinalitan ng baby powder.
"Ano ba, antagal mo namang buksan! Ba't mo ba kasi inilock?!" sigaw pa ng atat na atat na si Vivian.
"Sandali nagba-bra pa ako! Kakalbutin kitang bullspit ka, 'wag kang atat!" idinaan na lamang ni Kleya sa sigaw ang kanyang galit at dahan-dahang sinara ang aparador.
Napabuntong-hininga si Kleya at inunlock ang pinto saka pinagbuksan si Vivian. Mahirap man, pilit na itinago ni Kleya ang kanyang galit lalo pa't gusto niya ng isa pang matinding prowebang makakapagpatunay sa tunay na kulay ni Vivian.
Muling itinaas ni Kleya ang hawak na kutsilyo ngunit sa pagkakataong ito'y itinuro na niya ito sa direksyon ni Vivian.
"Better start running, Psycho. I told you what would happen if you cross me." Napakagat si Kleya sa kanyang labi at ngumisi.
"Shit," napamura si Vivian at agad na nagtatakbo.
"Run, psycho, run!" pang-uudyo ni Kleya habang hinahabol ito.
END OF CHAPTER 11
Note: I've written so many whodunit-slashers already and this time, I'm changing my spin on some things, particularly the flow of this story. Sa mga dati nang nakapagbasa ng whodunit-slashers ko, this will be very different from what you were used to hihihi. However, my signature kabaliwan will remain hahaha.
THANKS FOR READING!
VOTE AND COMMENT <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro