10 : The Repercussion
10
The Repercussion
Isang araw na ang lumipas at hindi parin ako makapaniwala sa nangyari—tinangka akong patayin ni Botyok at ang masaklap ay si Tasha pa ang nagligtas sa akin! So may utang na loob na ako sa kanya?! Kailangan ko nang mag thank you?! Bullspit naman oh! Kayang-kaya ko namang patumbahin si Botyok nang ako ako lang ba't pa kasi nakialam ang babaeng 'yon?
"You okay?" tanong ni Vivian nang mapansing nakaupo lamang ako at hindi ginagalaw ang pagkain ko.
"Something's bothering her kasi kung wala, tiyak kanina pa ubos ang bacon niya," sabi pa ni Ledory kaya napairap na lamang ako sa kanilang dalawa.
"Guys, may nakakakita ba sa inyo kay Botyok? Kahapon ko pa siya di nakikita." Naupo sa kinaroroonan namin ang isa pang wretched. Hindi ko maalala ang pangalan niya pero sa pagkakaalala ko, roommate niya si Botyok.
"Saw him last night talking to Lauren, parang masama ang pakiramdam niya kaya pinapunta ata muna siya sa ospital," pagsisinungaling ko. But I was kinda telling the truth too, I mean sinugod talaga siya sa ospital pagkatapos siyang tamaan ni tasha ng arrow sa sikmura.
"Talaga?! Nick ano bang kinain nun?" tanong agad ni Vivian sa roommate ni botyok. Okay, nick pala ang pangalan niya.
"Malay ko ba sa langyang yun," natatawang sambit ni nick.
"Anyare?" biglang sambit ni ledory habang nakatingin sa direksyon ng pinto. Lumingon ako at nakita ko si babyface na tarantang tumatakbo patungo sa table kung saan naroroon ang mga kasamahan niyang crowned. Parang may sinabi si babyface sa mga ito na nakapagbahala sa kanila kaya dali-dali silang nagtakbuhan palabas ng cafeteria.
"kleya saan ka pupunta?" tanong ni Vivian nang tumayo ako. Hindi ko siya sinagot, bagkus ay dali-dali akong sumunod sa mga crowned.
***
Nakarating kami sa isang pasilyo at nagulat ako nang makitang pinagtutulungan ng mga wretched na bugbugin ang walang kalaban-labang leader ng mga crowned. Duguan at nakahandusay na si shawn sa sahig pero panay parin sina Punk sa pag-tadyak at sipa sa kanyang katawan. Pinagtutulungang bugbugin si Shawn ng mga babae't lalakeng wretched. Grabe, galit na galit talaga sila.
Siyempre, nang makitang pinagtutulungan ang leader nila, agad na sumugod ang mga crowned at nauwi agad ito sa rambulan. It's like combat night all over again, crowned vs. wretched.
Masaya silang tingnan na nagkakagulo lalo pa't may mga babae naring nagrarambulan. Gusto kong makisali kaso tao lang naman ako at nakakaramdam din ng sakit sa metacarpi ko kaya wag nalang. Siguro kung nandito si Baldwin, tumubo na ang buhok niya sa tindi ng stress. Peacemaker ang kalbo eh.
"Tama na! guys tama na!" naririnig kong sumisigaw sina ledory at Vivian pero wala sa kanila ang nakikinig at humihinto sa pakikipag basag-ulo.
"Pinatay nila si Baldwin! Pinagplanuhan nila yon!" nagsisigaw si punk habang pilit paring tinatadyakan si shawn kahit na hinaharang na siya ng mga crowned. Suntukan dito, sigawan doon. Ang gulo nilang lahat!
Napahikab ako at sumandal na lamang sa isang tabi. Nanonood at nakikipagpustahan sa sarili ko kung sino ang susunod na matutumba o magdurugo ang nguso.
"Kleya! Tumulong ka sa pag-awat!" sigaw ni Vivian na kulang nalang ay magwala dahil sa sobrang hirap niyang paghiwalayin ang mga babaeng wretched at crowned na nagsasabunutan. Palibhasa, kahit pati siya na umaawat lang ay nasasabunutan nadin.
"You can handle that, I believe in you guys." Tawa lang ako ng tawa sa kanila.
"Kleya, kailangan nating mag-usap." Nagulat ako nang bigla na lamang sumulpot si Miller sa tabi ko at agad niya akong hinila palayo. Ayoko sanang sumama sa kanya kasi natutuwa akong manood sa rambulan nila kaso mukhang seryoso si Miller.
"Bakit ba?" tanong ko nang pumasok kami sa isang silid na malayo sa mga nagrarambulan.
"Sigurado ka ba sa nakita mong powder sa mukha ni botyok?" tanong ni Miller. Mukha siyang balisa at labis na naguguluhan. Ano bang meron.
"Tasha saw it too. Illegal drugs iyon, sure ako," paniniguro ko pero mukhang hindi ito sapat kay miller.
"Kleya, negative si botyok sa ginawang drug test sa kanya." Agad akong napamura sa isipan ko dahil sa sinabi ni miller. anong negative? Eh kitang-kita namin ni tasha yun eh!
"So ano yung nakita namin sa mukha niya? face powder? Dude, Botyok was drugged kaya niya ginawa 'yon!" sarcastic ko nalang na sambit sa kanya.
"Swerteng hindi napuruhan si botyok ng arrow na tumama sa kanya. Nakausap na raw siya kanina ni Python at wala siyang ibang naalala sa nangyari. Ni hindi niya alam bakit siya sinugod sa ospital," paliwanag pa ni miller.
"Drugs lang ang naiisip kong rason, paanong naging negative ang drug test?" napabuntong-hininga ako at hindi ko na napigilang mapaisip.
"Maybe because it's a one of a kind drug." Nagulat kami ni Miller nang makitang bahagya nang nakabukas ang pinto at nakatayo rito si Tasha na animo'y balisa rin at seryoso. And yes, may suot na naman siyang flower crown. Babaeng 'to talaga.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni miller.
"No one needs your stupidity right now. Our topic is serious, now bye." Ngumiti na lamang ako sabay sensyas kay Tasha na umalis. She looks like one of those dumb pretty girls at school who knows nothing but bitchy shenanigans, and I'm sure she's just like how she looks. And besides I don't trust her.
"I saved your life, you ungrateful bitch," gaya ng inaasahan ko, tinarayan agad ako ni Tasha. What's new.
"Ano yung gusto mong sabihin kanina?" pagdidiin ni Miller kay Tasha. Napairap na lamang ako, ano pa nga bang magagawa ko? pag 'tong sasabihin niya walang sense, masasapak ko talaga siya hanggang sa mawala ang 5 senses niya.
"It's called Scopolamine... but most people call it, the devil's breath—the world's most dangerous drug. With just one simple blow in the face, anyone who inhales it becomes a mindless zombie-like person who does whatever he's told to do. And once that drug subsides, walang maalala ang biktima. Ni hindi niya maalala na nalanghap niya ang drug na ito. Karaniwan itong ginagamit ng mga holdaper sa ibang bansa para magnakaw sa mga turistang binibiktima nila. It's like hypnosis, but worse! Hindi gaya ng ibang drugs, matagal itong ma-detect sa mga tests, ilang araw rin bago ito made-detect," paliwanag ni Tasha na tila ba sigurado sa bawat salitang binibitawan niya.
Natameme ako bigla. Parang kinain ko lahat ng sinabi ko kani-kanina lang. Damn it, she sounded really smart for someone who looks so stupid. And a chemical called devil's breath?! Now that's mind blowing! Siguro ito talaga ang gamit ng vulture!
"Paano mo nalaman ang tungkol diyan?" tanong ni Miller at sa isang iglap ay biglang lumambot ang ekspresyon sa mukha ni Tasha, bagay na hindi ko pa nakikita. She looked sad, she looked as if something's killing her deep inside.
"My Father was a chemist and I've read about this on one of his journals. What's going on here? Is there something you're not telling us? Why would someone use Devil's breath on Botyok?! When I heard about how Harold killed Baldwin, the devil's breath was all I could think of. You have to tell me, what is going on here?!" mabilis na bulalas ni Tasha na animo'y labis siyang nababahala. I can't blame her. If the vulture really is using the devil's breath, then we all have to be alarmed. We don't know who the vulture is and we don't know who's next to being his deadly weapon.
"May isang—" napahawak ako nang mahigpit sa braso ni Miller dahilan para matahimik siya.
"I don't trust you so don't trust me or anyone else either. Do yourself a favor and act like you know nothing, but of course, be aware of your surroundings. But if you're the vulture and you're just acting innocent, please know that I will end you," pagbabanta ko na lamang at dali-daling lumabas ng silid. Ang hirap pala nitong wala kang mapagkakatiwalaan. My trust issues are both a blessing and a curse.
There's a psycho just next door to anyone of us.
No one is safe.
No one can be trusted.
But one thing's for sure, that psycho will be in great danger when I find out his identity because I'm not going to hold back. There will be bloodshed, and it will be the psycho's.
****
Kinagabihan, pinatawag kaming lahat ni Lauren sa gymnasium. Gaya ng inaasahan, sinermonan niya kaming lahat dahil sa nangyaring rambol ng mga crowned at wretched. at dahil wretched ang naging pasimuno ng gulo at naisugod sa ospital si Shawn matapos nila itong kinuyog at pinagtulungang bugbugin,sa amin ang halos 75% ng sermon.
"What we're you trying to do?! Kill shawn?!" Galit na bulalas ni Lauren na tila ba sukdulan ang dismaya sa amin.
"They killed Baldwin!" galit na bulalas ni Punk dahilan para magtayuan sa kinauupuan ang mga crowned at igiit na wala silang kasalanan sa nangyari.
"You are survivors not an angry mob nor vigilantes!" Giit naman ni Lauren pero nalulunod ang boses niya ng sigawan ng mga crowned at wretched na mukhang magrarambulan na naman.
"I can't believe you just stood there and didn't even bother to help us!" Biglang naupo si Vivian sa tabi ko at ito agad ang ibinungad niya sa akin. Mukhang galit talaga ang loka, palibhasa nagkagasgas ng mukha matapos mag-ala referee. Dapat kasi nananood nalang siya at nakipagpustahan sa akin.
"Kleya, they almost killed Shawn. This isn't fun," kalmadong giit ni Ledory nang mapansin ang ngisi sa mukha ko. nakonsensya ako ng sobrang sobrang sobrang konti lang naman kaya unti-unti kong tinanggal ang ngisi sa mukha ko.
Naiilang ako sa katinuan ng dalawa kaya tumayo ako at naghanap na lamang ng ibang mauupuan pero bigla kong nakasalubong si Eva. "Tawag ka pala ni Miller, andun siya sa labas," aniya kaya pasimple akong lumabas ng gymnasium.
"Bakit?" tanong ko agad nang madatnan ko si Miller na nakaupo sa pinakahuling baitang ng hagdan.
"Nasa loob ba si Tasha?" tanong niya kaya napaangat ako sa magkabila kong balikat. Malay ko sa babaeng 'yon.
"Binigay sa akin ni Python kanina ang dyaryo para sa araw na'to. May mensahe ito—the vulture strikes the flower girl. Maaring si Tasha ang ibig sabihin nito, siya ang susunod na target," giit ni Miller pero imbes na mabahala ay napabuntong-hininga na lamang ako.
"Python cut off the daily newspaper supply for us, there's no way the vulture could now that tasha's next on his kill list," paalala ko sa kanya.
"Alam ko yun, pero maari nating malaman mula kay Tasha kung bakit siya magiging target ng vulture," giit naman ni Miller. And he's got a point.
Pumasok kami ni Miller sa gymnasium ngunit bigo kaming mahanap si Tasya. Naisipan naming maghiwa-hiwalay nalang muna sa paghahanap, masyado kasing malaki ang Cosima para maghanap ng isang tao.
Mga tatlong silid din ang mag-isa kong sinuyod nang bigla akong makaramdam ng pagod. Ba't ba namin hinahanap si Tasha ng ganito? Walang saysay sa pagmamadali namin kasi baka magkita lang kami mamaya sa cafeteria o saan pa. We're all wretched now, we'll always get to see each other.
Dahil nababagot, naisipan ko na lamang na bumalik sa kwarto namin ni Vivian. Iidlip nalang siguro ako o magsa-soundtrip, Vivian's ipod is full of 2000's music. And 2000's music are forever going to be legendary no matter how old it gets.
Hinubad ko ang jacket ko at kaswal itong hinagis sa kama ko. Habang itinatali ang kulot kong buhok, lumapit ako sa cabinet ng vanity mirror ni Vivian upang hanapin ang ipod niya. Dito niya kasi iyon laging nilalagay.
"There you are," otomatiko akong napangiti nang sa wakas ay makita ko ito sa tabi ng diary ni Vivian.
Kinuha ko ang ipod ngunit hindi ko naalis ang tingin sa diary niya. Nakaka-curious, ang sarap basahin. Blackmail opportunity rin naman kasi 'to hehehe.
Inilock ko ang pinto at naupo sa dulo ng kama ni Vivian. Mabuti nalang at walang lock ang diary niya.
PROPERY OF VIVIAN <3
Grabe, ito talaga ang pambungad na calligraphy sa unang page. At ang masaklap ay tadtad ito ng red hearts at kung ano-anong pabebeng doodle. Parang di ko na yata kayang basahin 'to. Baka mamaya second page pa lang, masuka na ako. Naisipan kong buklatin ito sa pinaka-gitnang bahagi .
Miller – Kidnapped, tortured, and kept in a freezer by the "Ice man". Only survivor.
Baldwin – Stepson of a powerful politician. His stepdad killed his mother and tried to kill him to, but he survived.
Eva – Raped and left for dead by the son of a business tycoon.
Kleya - ???
"What the bullspit?!" Hindi ko napigilang bumulalas dahil sa nabasa. Bigla akong kinilabutan at nanlamig. Akala ko puro tungkol sa ka-dramahan ng laman ng diary niya? Bakit may ganito? Anong ibig sabihin nito?!
Nilipat ng nanlalamig kong mga kamay ang pahina ng diary hanggang sa makarating ako sa pahinang huli niyang sinulatan.
TO STRIKE:
Batman –
Shawn –
Apple – ✓
Botyok
Harold - ✓
Baldwin - ✓
Miller –
Cara - ✓
Para akong nawalan ng lakas dahil sa nabasa. Nabitawan ko ang diary nang bumalik sa isipan ko ang mga pagkakataong nakikita ko si Vivian na nagsusulat sa diary niya. So all this time, all that she's writing are her plans. All this time, Vivian is the vulture. All this time, I've been living with a psychopath....
Naalala ko ang sinabi ni Tasha tungkol sa devil's breath. Kung totoo ngang ito ang ginagamit ng vulture at kung si Vivian nga ang vulture, tiyak narito lang ang powder na ito.
Isa-isa kong binuksan ang bawat cabinet ng vanity mirror ni Vivian ngunit wala akong nahanap na powder. May baby powder sa mesa ngunit alam kong hindi ito ang devil's breathe dahil nakita ko mismong ginamit ito ni Vivian sa kanyang mukha kaninang umaga.
Naisipan kong buksan ang aparador ni Vivian at laking gulat ko nang sumambulat sa akin ang walang malay na si Tasha na nasa loob ng aparador. Duguan ang noo nito at may busal ang bibig. Kakalagan ko sana siya mula sa pagkakatali nang bigla kong mapansin ang isang maliit na canister na kulay itim. Dali-dali ko itong binuksan at nakita kong kulay puting powder ang laman nito. Maari kayang ito ang devil's breath na tinutukoy ni Tasha.
"Kleya! Kleya andiyan ka ba?!"
Kinilabutan ako nang bigla kong marinig ang boses ni Vivian mula sa labas.
****
Inunlock ko ang pinto at binuksan ito, bahagya akong nagulat nang bigla kong makasalubong si Vivian na papasok nadin ng silid namin. Gaya ng dati, andun parin ang inosente at matamis na ngiti sa kanyang mukha. Ngiting nakakapanlinlang.
"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.
Gusto ko siyang suntukin. Gusto ko siyang sakalin. Gusto ko siyang patayin para sa ginawa niya kay Baldwin . Ngunit ang lahat ng ito'y nanatili lamang na isang kagustuhan kasi sa huli ay napako lamang ako sa kinatatayuan habang nakatingin sa kanyang mukha.
Just when I thought I could finally have a friend.
Pumasok si Vivian sa silid namin at nilibot ang kanyang paningin na para bang may gustong makita. Napansin ko ang pagdako ng kanyang paningin sa aparador na ngayo'y nakasara na. Humarap siyang muli sa akin habang may matamis paring ngiti sa kanyang mukha.
"There's this something that I've really wanted to give you. Gusto ko sanang ibigay ito sa'yo sa birthday mo, kaso mukhang wala ka namang balak sabihin kelan birthday mo," sabi niya, para pang nahihiya siya habang nagsasalita.
"I'm not telling you my birthday, but I would love to get that birthday gift now," sabi ko sabay ngisi.
"Tumalikod ka muna! Pikit mo rin mata mo ha?" Masigla niyang utos sabay ikot sa akin patungo sa direksyon ng pinto.
"Sige na nga!" Patawa-tawa akong pumikit.
"Sana magustuhan mo 'tong regalo ko sa'yo, simple lang 'to pero it's the effort that counts diba?" aniya pa kaya patawa-tawa akong tumango-tango. Narinig kong binuksan niya ang aparador kaya unti-unting naglaho ang ngiti sa mukha ko.
Makaraan ang ilang sandali ay narinig ko siyang naglalakad patungo sa direksyon ko kaya unti-unti kong naikuyom ang kamao ko.
"Open your eyes," aniya kaya kahit nagliliyab na ang galit ko, dumilat ako at agad na humarap sa kanya.
A blow of air suddenly slapped my face, along with soft white powder that made me breathe difficultly. I felt pain in my eyes as soon as it was hit by the powder and all I could do was close my eyes. I felt dizzy and breathless, I wanted to breathe but the smell of the powder was too strong and overbearing.
"You are going to kill Miller and once he's dead, you are going to kill yourself."
END OF CHAPTER 10!
THANKS FOR READING!
VOTE AND COMMENT <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro