
Write-A-Thon Challenge(Febraury2022Entry)
This Time
Sa mundo ngayon, hindi na uso ang mga stalker. Stalker na magiging itsura pang kidnapper para makita lang ang mga crush. Pero ngayon ang mga stalker ay tumingin lang ng picture ng kanyang crush o mga bagong post ng mga gusto nilang babae/lalaki ay para bang nalindol dahil sa sigaw nilang hindi mo kayang pigilan.
Pero ako, pinili ko ang old fashion.
In year 2015, i'm 18 years old, grade 12 sa Kralla National Highschool. Mahirap lang kami kaya sa public ako nag-aaral. Pero wala naman akong pake roon basta makapag-tapos ako sa pag-aaral ay okay na.
Pero ngayon ay nandito ako sa isang private school para i-stalk lang ang ultimate crush ko na ni minsan ay hindi ako napansin. Kailangan ko itong picturan para sa bagong book album na ginawa ko lang exclusively for him. Diba gara!
Mabuti na nga lang ay nakabili pa ako ng camera para sa kanya, yung maliliit lang pero yung binili ko ay yung pinaka-mahal para maganda tignan noh.
Naka-upo ako sa isang sanga ng kahoy at hinihintay ito, ilang oras lang naman at nag-ring na ang bell hudyat na break time na nila. Agad ko namang ini-ready ang camera ko.
Sa paglabas niya ay agad akong nakarami ng shot. Iba't ibang posisiyon ang ginawa ko para mapicturan lang ang lalaking gusto ko. Buwis buhay lang ganern.
Sa hindi ko namalayang pagkakataon ay nadulas ang aking kamay kaya napayakap ako sa sanga pero yung camera ay nalaglag, shaks!
Pero ang hindi ko inakala ay natiyempuhan ng paglalakad ng lalaking gusto ko sa pag-laglag ng camera, kaya ayon! Lahat silang magkaibigan ay napatingin sa akin.
Lumaki naman ang mata ko dahil sa pinagsamang gulat na reaksyon at nerbyos.
"Bakla, pinipicturan ka oh" sabi ng katabi ni crush na babae at tinapik pa ang braso niya na may hawak na milktea.
"Wait, taga-public shool yata to eh. Iyan yung uniform nila sa Krala National Highschool diba?" Sabi naman ng babae sa left side.
"Huwag!" Gulat akong napasigaw at dali daling bumaba sa puno dahil patakbong kinuha ng isa niyang kaibigan ang camera.
"Uy! Bakla, ikaw nga! Tignan mo oh ayiee!"Aniya at ipinakita pa ang picture. Nagsitilian naman ang mga babae.
"Hoy ikaw babaita! Lika rito! Mag-uusap tayo!" Aniya at tinuro ako.
At doon na nga magtatapos ang pag-iistalk ko sa baklang ubod ng ka-gwapuhan dahil sino ba naman ang hindi eh anak ito ng mga kilalang artista.
_______
At doon na nga nag-simula ang relasyon ng isang baklang laitera at tomboy na gusto ang mga bakla.
Nakatingin ako sa old camera ko at ang stolen picture kay Maycci na naka-side view at naka-uniform. Ang gwapo lang nitong tignan dahil ito yung araw na mahal na mahal ko pa siya.
Napa-alala tuloy ako sa eksenang iyon.
Pero dahil din naman sa senaryong 'yon ay nagkaroon ako ng unang boyfriend or should i say girlfriend. Together we enjoy a couple life, having fun with each other, naging legal at nagpakasaya sa buhay. Hanggang naka-graduate kaming dalawa ay may pagmamahalan pa ring nabuo.
Pero hindi ko alam ay biglang nawala ang pagmamahal na 'yon. Everythings change, A love that is stronger than a rock change in just a glimpse of an aye.
I fall out of love...
Pero hindi ko akalaing sa pag-uusap namin ngayon ay pareho ang aming nararamdaman. Naka-upo sa bintanang nag-uusap ng mga nakaraang hindi na magagawa muli.
Pero siguro ay ganon talaga ang pagmamahal, paghindi sayo, hindi talaga para sayo. Kahit naging kami ng 6 years ay talagang mawawala rin ang naramdamang pagmamahal sa isa't isa.
I love him..... Before, and he love me.... Before.
"I think this is the right time. We confess in a right time and i think....i feel nothing." Maycci.
Tama siya wala akong naramdaman na lungkot saya o kahit ano mang feeling. Kakaiba pero sa tingin ko ay tinanggap namin ang sitwasyong ito. Walang iyak, walang sakit na nararamdaman, walang kahit isa.
"But if i say, i love you again Maycci. Will you love me?" Tanong ko sa kanya.
"If that's are destiny Ayanna, then i can give that to you. If that's the right time then i can give a second chance"
And if that's are destiny then we don't need a fight or anything. Ang ganda ng ginawa namin eh, we did'nt have any reactions. We feel nothing at the same time.
And now that we are separated then i will give a chance on myself, self love, that's what i meant. Ang pagmamahal kailangang hintayin but if we are destined then i think i will give a chance to him.
But this time i will enjoy to be single......
Done!
Thanks for reading!
©️Miktot
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro