Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Chapter 9

 

 

 

“bakit ka nagmamahal kong alam mong mali?” kausap ko si Andie ngayon sa phone. Gabi na at sadyang ‘di lang talaga kami makatulog.

(bakit naman mali? Hindi mali ang magmahal Andrea) si Zydn ay isang malaking puzzle. Madami siyang sinasabi na hindi ko kayang unawain o sadyang ayaw ko lang talagang unawain.

(isa pa napapansin kong nagiging interesado ka na sa bestfriend ng kaklase mo)

“I’m not interested, I’m bothered. Magkaiba yun”

(pareho na din yun, yung pagtatanong mo tungkol sa mga sinasabi niya. Nagiging interesado ka na ng di mo namamalayan)

“whatever.”

(ako naman magtatanong) tumahimik nalang ako at hinintay ang katanungan niya.

(bakit ka pumapatol sa mga lalaking may girlfriend?, you deserve better than this)

Huminga ako ng malalim at inisip kung sasagutin ko ba ang tanong niya at ilang Segundo pa ang lumipas bago ako nagsalita.

“how about you? Why are you cheating?” seryoso ako sa tinanong ko pero hindi niya ako sinagot bagkus isang nakakabinging katahimikan lang ang meron ngayon.

(haha joke lang. Naasar ka naman agad. Pupunta ka ba bukas?) pag-iiba niya ng usapan.

“oo”

(isasama mo siya?) sa siya na sinabi niya, alam ko na agad kung sino ang tinutukoy niya. si Zydn.

“oo, kasama yung bestfriend niya”

(okay, good.)

“bakit?” humiga ako sa kama para kahit matulugan ko na siya okay lang.

(wala naman, napapalapit ka na kasi masyado sakanya)

“are you jealous?”

(hahaha. Goodnight Andrea) isa din siyang sira-ulo. Hindi na nga sinagot ang tanong kong nauna kanina, binabaan pa ako ng call.

‘Bakit ka pumapatol sa mga lalaking may girlfriend?, you deserve better than this’

 

Paulit-ulit ang katanungan na yan sa isipan ko. Simple lang naman. Wala akong tiwala sa mga lalaki at kelanman hindi ko mamahalin ang isa sa mga lalaking yan. Wala din akong tiwala sa tinatawag nilang pagmamahal. Hindi totoo yan.

‘Kaya ikaw Andrea kapag naging tanga ka na sa isang tao, in love ka na SA-KAN-YA’

 

Hindi ibig-sabihin na naging tanga ka na ay nagmamahal ka na. Ang pagiging tanga ay nakikita sa kilos at hindi lang dahil sa nakaramdam ka. Pathetic talaga ang mga taong naniniwala sa pagmamahal. Puso daw at hindi isip ang ginagamit. Isang baluktot na paniniwala ng taong naniniwala sa isang kasinungalingan.

|matulog ka na Andrea. See you|

Isang text galing kay Andie. See you din sa girlfriend mo bukas. Titignan ko kung paano ko sisirain ang relasyon niyo.

Sa ngayon  mailap pa si Andie saakin. Sa napapansin ko parang itinuturing lang niya akong nakababatang kapatid. O baka naman ganito lang din siya sa girlfriend niya? kakaiba siya at hindi ko siya mabasa. May mga tanong din akong hindi niya sinasagot. Mailap siya at halatang naglalaro lang. Kumbaga ang lahat ng ginagawa namin ngayon ay wala lang para sakanya. Ibahin niya ako, dahil gusto ko talagang sirain ang relasyong meron siya. Patutunayan ko sa babaeng nabulag niya na hindi sapat lang ang salitang mahal kita. Na hwag siyang magpakatanga sa katulad ni Andie. Dahil iisa lang ang tingin ng mga lalaki sa kababaihan. Iisa lang.

***

Kinaumagahan, nagising nanaman akong umiiyak. Nagsimula ulit ito nung isang araw. Hindi ko mapigilang hindi maalala ang nangyari noon.

Bumangon ako at saka naligo na, 10am na kasi. Ang usapan 10am magkikita. Pagkatapos ko mag-ayos bumaba na ako and to my surprised nandito na yung dalawa.

“Hi ate” bati ni Ivy saakin ng may ngiti sakanyang mga labi.

“Good Morning Andrea” si Zydn, malamang siya ang nagsama kay Ivy papunta dito.

“Anak pinapasok ko na sila dito kasi mga kaibigan mo daw sila. Hindi ko alam na nakikipagkaibigan ka na pala ulit. Mabuti yan” halata naman sa mukha ni mama na natutuwa siya. Inirapan ko nalang siya dahil hindi ko naman mga kaibigan yan. Schoolmate lang. Nagdirediretso nalang ako palabas ng bahay.

“Ate saglit!”

“Grabe ‘to ang sungit mo naman sa mama mo” tinignan ko ng masama si Zydn. Palibhasa wala siyang alam sa pamilyang meron ako. Galit ako sa mama ko. Hindi. Hindi naman sa galit ako sa mama ko. Hindi ko lang din siya maintindihan. Lagi nalang kaming nag-aaway. Lagi niya akong pinapagalitan pero ni minsan hindi din naman siya nakinig saakin.

“Bakit ba ganun ka makitungo sa mama mo?” siniko na siya ni Ivy dahil personal na ang tanong ni Zydn saakin. Pero okay lang naman saakin.

“Because I’m a jerk’s daughter Zydn. Bastarda ako. Kabit si mama” pumara na ako ng taxi at saka sumakay na. Halata namang tumahimik silang dalawa sa naging sagot ko.

“nagugutom na ako” binagsak ko ang katahimikang nilikha ko. Hindi pa ako kumain ng agahan.

“malapit na ba tayo ate?” tanong pa ni Ivy.

“oo.” Matipid kong sagot. Nagugutom na din kasi talaga ako. Si Andie naman kanina pa ako tinitext, naubusan naman ako ng load kaya di ako makareply akala tuloy niya nagalit ako sakanya kagabi. Hindi naman ako galit. Wala naman akong karapatang magalit. Isa pa bakit naman ako magagalit? Gayong una sa lahat galit na talaga ako sa mga lalaki.

Hindi ito ang unang beses na nakaapak ako sa school nila. Ang pagkakatanda ko dito din nag-aaral ang unang relasyong sinira ko. Malamang ngayon di na niya ako makikilala. Dahil ako mismo hindi na siya matandaan.

Dumiretso ako kaagad sa lugar kung saan may pagkain, may mga nakahelerang food stand ngayon sa isang bahagi ng university nila. Hindi ko alam kung anong meron ngayon pero isang malaking event yata ang magaganap dito. Maaga pa naman kaya halos mga estudyante palang nila ang mga nandirito, wala pang mga outsider masyado katulad namin.

“oi gusto ko to!” masiglang sabi ni Zydn. Madami siyang binili pero binigyan naman niya kami. Siya na nga halos ang naging wallet namin ngayon. Siya kasi ang bumibili ng pagkain namin. Mayaman talaga siya.

“o ayan pakabusog kayo! Hahaha”

“edi ikaw na talaga mayaman Zydn!” said Ivy.

Nag-iingay silang dalawa samantalang ako kumakain lang ng tahimik dito hanggang sa may tumabi saakin na babae. Maganda siya, makinis at may makintab din siyang buhok . Ang totoo niyan magkakaibigan sila. Siguro? Tatlo silang umupo sa table kung saan kami nakaupo nila Ivy.

“Hi miss, pwedeng magpasurvey?” tanong pa niya saakin. Tumango nalang ako.

“ayoko. Kayong dalawa nalang” saad ni Zydn.

“tamad mo talaga!” bulyaw naman nitong isa.

Inabot na nila yung dalawang paper, Survey siya about sa event nila. Mga outsider lang yata ang pinapasagutan nila.

“Baby kanina pa kita hinahanap. Nagpapasurvey pa kasi ako kaya di kita mareplyan kanina. Yung ipepresent ba ng class okay na?” Sabi nung babae habang nagsasagot ako. Hindi na ako nag-abalang tumingin pa at tinapos ko nalang agad sagutan itong survey nila.

“oo okay na. May hinahanap lang ako kaya ako nandito ngayon” Sa boses palang halatang si Andie na yung sumagot at nakumpirma ko ito nung lumingon ako sa direksyon niya.

“Andrea nandito ka na pala” isang napakacasual na pagbati lang ang ginawa niya. Usual naman ito. kalmado lang siya at di nagpapahalatang may ginagawang kalokohan.

“kilala mo sila baby?” tanong pa nung babae.

“Oo, pinapunta ko sila dito ngayon. si Andrea nga pala at si---“

“Zydn pare” pakilala nito ulit.

“oo nga saka yung bestfriend ni Zydn”

“Ivy po kuya” nakangiting pakilala ni Ivy.

“nakakatuwa naman. Ako nga pala si Henessey” pakilala din niya sakanyang sarili.

“girlfriend ko” kung ganun siya na nga ang nagpapakabulag kay Andie. Maganda siya at halatang mabait. Dedicated sa ginagawa at palakaibigan.

Minsan disadvantage din yang pagiging mabait. Ikaw lang din ang maabuso. Sa bandang huli ikaw lang din ang masasaktan. Ang pagiging mabait ay isang kahinaan dahil hindi mo namamalayan nasa harapan mo na pala ang sisira sayo at mananakit sayo ng lubusan.

“I’m Andrea, Andie’s friend” nginitian ko siya at saka ko inabot ang aking kamay para pormal na kaming magkakilala.

If you don’t want to be used, to be overused and to be abused then don’t be too kind because someone will definitely stab you from behind if you do.

*****


Author's Note:

ansabe ni Andrea? XDD actually ang story na ito ay binaliktad lamang. kung karaniwang story ito, si Andrea na siguro ang antagonist muahahahaha. at ang Bida? SECRET :">

naisip ko lang paano kaya maiinlab si ANdrea? bagay sakanya ang kantang PUSONG BATO, ano ba kasi ang meron sa past niya? T^T hwag niyo din me tanungin di ko din knowings.

so vote, comment and be a fan maybe? hihi. di nga pala ako magpoproduce ng Soft Copy nito. >.<

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro