Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

A/N: GIF file sa gilid ay si ANDIE at si ANDREA hihi.


Chapter 6

 

 

“hindi ako magpapakatanga” sagot ko sa sinabi niya. Sa paniniwala ko, hindi kailangan maging tanga para malaman kung mahal mo nga ang isang tao. Hindi din kailangan masaktan para lang masabing mahal mo nga siya.

“ibig sabihin lang kapag ikaw ay nasaktan, ikaw ang nagbigay ng lubos. Hindi iyon tama. Mali iyon. Dapat patas” Tumayo ako para mag-inat. Namamanhid na ang mga paa kong nakaupo lang.

“ganun ba? Ang hirap mo din pala paniwalain sa isang bagay. Kung sabagay hindi mo pa kasi naranasan, pero kapag  ikaw mismo ang nakaramdam sinasabi ko na maniniwala ka din saakin” halatang sigurado siya sa mga sinasabi niya. sa tono ng boses niya nakatitiyak siyang mapapaniwala din niya ako. In time, maybe.

Hindi kami nagkikibuan ni Zydn nung hinatid niya ako sa bahay. Hindi din siya nangungulit.

“Next time ulit Andrea”

“okay” pumasok na ako sa bahay at hindi na ulit nilingon pa siya. Weird siya, maingay siya pero biglang nagiging seryoso. Totoo kayang nabasted siya? Parang imposible. Why do I care anyway?

“Sino nanaman yung kasama mo?” entrada ni mama pagkapasok ko palamang sa bahay.

“Kaklase ko”

“na sinusulot mo nanaman?” medyo tumaas ng kaunti ang boses ni mama.

“Yuck! Kung susulot lang din ako ng lalaki sisiguraduhin kong yung may girlfriend naman Ma!” padabog akong umakyat sa kwarto ko. Si mama ay isang kabit. Si mama na nagpapakatanga sa tatay ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya nung nagpakatanga siya sa sinsabi niyang mahal niya. Ito ang isa sa mga rason kung bakit hindi ako naniniwala sa mga salitang I love you na galing sa mga lalaki. Hindi porket sinabi niyang mahal ka niya may pinanghahawakan ka na para matali mo siya saiyo.

Sa sitwasyon palang ng mama ko wala na. kahit na nabuntis siya ng papa ko, nabalewala pa din siya. 13 ako noong una kong nakilala ang aking ama. Mayaman siya kaya imposible talagang magustuhan niya ang mama ko. isa pa, ang mama ko ay isang pampalipas oras lang niya kapag nag-aaway sila ng asawa niya. Second option parati ang pamilyang ito. Masakit man isipin pero yung ang totoo.

Kumbaga ang pag-ibig ng mama ko sa papa ko ay isang split-end kelangang gupitan na ng mawala na.

“Hoy Andrea! Kinakausap pa kita a!”

Ni-lock ko na ang pintuan ng kwarto ko. Ayokong marinig ang mama ko sa pagdakdak niya. kung makapagsalita siya akala mo siya hindi niya ito ginawa. Mas malala nga siya dahil siya naging kalaguyo ng may asawa.

“Anak naman. Itigil mo na kasi ang ginagawa mo” kahit mahina ang pagkakasabi ni mama, narinig ko pa din. Nasa tapat lang siya ng pintuan ko, nakikiusap na tumigil na ako.

Hindi ko alam pero parang nakasanayan ko na din kasi ito. Ang manira ng isang relasyon. Siguro tama sila sa sinasabi nilang isa akong psycho. Satisfied kasi ako kapag nakakasira ako ng isang masayang relasyon. Satisfied akong nababaliw saakin ang isang lalaki.

Ilang sandali pa narinig ko na ang mga yabag ng paalis kong nanay. Hindi ba siya nagsasawang paalalahanan ako? Kung sabagay sino nga bang magulang ang matutuwa kung ganito ang ginagawa ng anak nila.

Pagkatapos kong maligo kinuha ko ang phone ko para i-check ito.

6 missed calls and 1 new message. Lahat galing kay Andie. Binasa ko ang text niya. ‘call me pagnabasa mo ‘to’

Isang ring palang sinagot na niya agad ito.

“bakit?” yan agad ang bungad ko sakanya

(haha pati ba naman sa tawag dry ka pa din makipag-usap?) pansin na pansin naman sa boses niya na tuwang-tuwa siya.

“really? dry ako makipag-usap?” humarap ako sa salamin para magsuklay.

(oo kaya haha. So how was your day?) weird, ni minsan hindi ako tinanong ng mga naging lalaki ko ng ganyan.

“di pa tapos ang araw” I answered smiling.

(haha nga naman. So wala kang ginagawa? Wala ka bang pasok?)

“tatawagan ba kita kung may klase ako?” I said sarcastically.

Kinuha ko ang red lipstick ko.

(so wanna go out?) feeling ko para siyang lalaki na hindi pa naranasang manligaw. Yung tono palang ng boses niya para siyang nahihiya.

“sige. Ngayon na ba?”

(sige. I’ll pick you up)

“as if alam mo kung saan ako nakatira.” Tumawa ako at saka nagpatuloy “let’s meet nalang somewhere”

(okay, I’ll text you where.)

(baby! Sinong kausap mo?) tinapos ko nalang yung call.

Pagkatapos kong mag-ayos, lumabas na ako kaagad. Ayoko din kasing nag-stay lang sa bahay. Sigurado akong si mama lang din ang maririnig ko. Pagagalitan lang ako niyan. Kung sana inaayos muna niya ang sarili niya bago niya ako sitahin. Edi sana sinusunod ko siya ngayon.

“saan punta mo?” napatingin ako sa biglang nagsalita. Para siyang kabute na kung saan saan tumutubo.

“anong ginagawa mo diyan?” inekis ko ang aking mga braso at tinignan lang siya

“di pa ako umaalis dito mula kanina. Haha. Wala kasi akong magawa kaya pinag-iisipan ko kung yayayain kita ulit. Ayoko pa kasing umuwi”

“sorry, may lakad na ako”

Naglakad na ako papalayo sa bahay. Baka mamaya Makita nanaman ako ni mama. Magsisigawan lang din naman kami sa labas kung nagkataon.

“saan naman? Sama ako” this kid.

“di pwede”

“pupuntahan mo ba yung---“

“Andie? Yes.” Sagot ko nalang.

Hindi pa naman nagtext si Andie kung saan so maybe okay pang kasama si Zydn ngayon.

Pumunta ako sa malapit na park. Dito din kasi ako tumatambay para makapag-isip isip o kaya naman kung gusto kong panuorin ang mga bata. Umupo kami sa swing.

“may ipaparinig ako sayo” inilagay niya ang earphone sa tenga ko.

“kapag naririnig ko yan ikaw yung naalala ko. naalala mo pa ba yung sinabi mo sakin? Yan kasi title ng kanta” tumawa pa siya pagkatapos niyang sabihin.

Habang naglalakad kanina nagtext na ako kay andie kung saan niya ko pwedeng sunduin. Pumayag naman siya kaya ngayon hinihintay ko nalang siya.

“maganda ba?” tanong ni Zydn saakin. tinutukoy niya yung pinaparinig niya saakin.

“wala pa sa chorus” sagot ko.

Pumikit ako para marinig kong mabuti ang kanta.

You prove me wrong, you prove me wrong
When I'm fighting for my broken heart
I tear my whole world apart
You prove me wrong, you prove me wrong
You see the me that no one does
And you show me at last I can be loved

“Yang chorus part, sa susunod sasabihin mo na yan saakin” tinanggal ko yung earphone sa tenga ko.

“asa ka pa”

“Andrea?” tumingin ako sa lalaking nasa harapan ko. si Andie. Tumayo na ako at lumapit sakanya.

“tara” nauna na akong naglakad papalayo.

Baliw kasi si Zydn. Para niyang sinabi saakin na magugustuhan ko si Andie na dahilan kung bakit ako masasaktan. Na nakikita niya kung sino ako. Baliw siya. lahat naman kitang-kita kung sino talaga ako.

“napapadalas yatang kasama mo siya?” tanong sakin ni Andie

“hindi maiiwasan. Makulit siya” sagot ko.

“nga pala Andie. Nakakita ka na ba ng magandang luha?” hindi ko alam kung bakit ko natanong yan sakanya.

“paano mo masasabing maganda ang luha?” tanong ko pa ulit sakanya.

Hindi ko din kasi maintindihan kung bakit ako nagandahan sa mga luha ni Zydn.

“depende sa luha yun. Nakakita na din kasi ako ng magandang luha, 2 years ago” nung sinabi niya yan natatawa siya. Kaya tuloy hindi ko alam kung maniniwala ako.

“talaga? Kelan? Kaninong luha?” patuloy lang akong naglalakad at siya naman ay biglang natigilan. Pero hindi ko na siya hinintay pa.

“sayo, nung una kitang nakita sa park na yan. Dyan ako nakakita ng magandang luha”

*************

waaaaaaaaaaaah ano ito? 2 years ago? andie? waaaaaaaaah @___@

at ano tong sinasabi ni Zydn? wahahahaha. di ko din alam. nagkusa nanamana ng aking mga kamay XD

nga pala sa mga nagpapadedic sa prove me wrong. depende sa comment niyo yung dedic. nag dededic lang kasi ako pag natuwa ako sa comment e hahaha. anyhoooooo. sana magustuhan niyo

vote. and please do leave commentsssss hahaha

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro