Chapter 44
e yung walang wenta ang UD ko TToTT. Feeling ko papangit ng papangit ang PMW XD magvite at comment kahit na alam kong di nanaman kayo magcocomment.
Chapter 44
Paulit-ulit kong nakikita ang imahe sa utak ko. Hindi ko siya maalis habang naglalakad ako. Wala na din akong pakialam sa hitsura ko ngayon kung miserable na ba akong tignan. Ang gusto ko lang matanggal na ang pangit na alaala sa utak ko. Ayoko nito.
“Sht! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo miss!”
Hindi ko pinapansin ang lahat ng nababangga ko. Naglalakad pa din ako kahit hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Kahit na hindi ko alam kung saan ako patungo.
“Ano ba! Tumingin ka nga sa daan. Bitch nito.”
Humawak ako sa ulo ko dahil sa mga naaalala ko. Ayoko nito.
“TAMA NA. please tama na…”
Humawak ako sa poste para suportahan ang sarili ko. Nanlulumo ako at nanghihina.
“Miss okay ka lang ba? May masakit ba?”
“Don’t fucking touch me!” Iwinaksi ko ang kamay ng taong nagmamalasakit saakin para tumulong. “Just please. Don’t touch me.” I plead. Nahihirapan na akong tumuloy pa dahil halos wala na akong makita sa daan. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa namumuong luha sa mga mata ko.
“Kung hindi ako nagkakamali. Ikaw si Andrea?”
Tumayo ako at naglakad papalayo sa taong nakakilala saakin. Natatakot ako.
“Andrea sandali! Tatawagan ko si Andie.”
“NO!”
“Yung kaibigan mo. Si Zydn?”
Hindi ko alam kung sino ang babaeng kumakausap saakin. Hindi ko siya kilala.
“No. No. Please No.”
“But Andrea. Hindi mabuti ang kalagayan mo. Sabihin mo nalang kung saan ang bahay mo. Samahan na kita.”
“NO!”
“Andrea.” Mala-anghel niya tawagin ang pangalan ko. Hindi ko alam kung sino ang babaeng ito ngayon. Wala din akong pakialam at balak tignan kung sino man siya. Ang gusto ko lang ay ang makalayo na para hindi na niya makita pa ang mahinang ako.
“Tatawagan ko si Zydn kung gusto mo sa bahay ka muna mag-stay. Mapapahamak ka lang kung mag-isa kang maglalakad dito ng ganitong oras. Nakainom ka pa.”
“I’m fine so just shut the fck up!” Nagulat ako nang lingunin ko siya. Hindi ko siya kaibigan at ni minsan hindi ko siya pinahalagahan.
Pero kahit ganun nagawa pa din niyang ngumiti “Halika na. Kapag maayos ka na saka kita pauuwiin sainyo. Okay? Pwede mo naman sabihin saakin kung may problema ka. Hindi mo ako kaibigan pero kahit ganun may naging magkapareho naman tayo, hindi ba?”
Si Henessey lang ang nakilala ko na kahit sinaktan ko ay nandyan pa din para tumulong.
“Halika na” inilahad niya ang kamay niya na agad ko namang inabot. Hindi ko alam kung bakit pero panatag ako sakanya lalo na nang yakapin niya ako at hinayaang umiyak.
***
Paggising ko nasa isang kwarto na ako. Babaeng-babae ang kulay at malinis ang silid niya.
“gising ka na pala. Pag-uwi natin kagabi hindi na kita ginising. Mukhang pagod na pagod ka kasi at madaming iniisip. Kaya naisip kong hwag ka ng gisingin.”
“Gising na ba siya?” Humiga ulit ako at nagtaklob ng kumot nang marinig ko ang boses ni Zydn. Hindi ko din alam kung bakit ako nagtago.
“Lumabas ka nga! Kitang kwarto ito ng babae! LABAS LABAS!”
“OO na! heto na o.”
Huminga ako ng malalim at saka muling umupo ng maayos. Iba na ang suot ko ngayon.
“Sorry a, pinalitan na kita kagabi at saka pinunasan kasi mukhang nalasing ka talaga e. Buti nalang nakita kita kundi baka kung ano na ang nangyari sayo.”
May mangyari man saakin o wala, wala naman dapat mag-alala. Lalong-lalo na siya na hindi ko naman kaibigan.
“Tinawagan ko na si Ivy kung sakaling---“
“Sabing labas e!” binato ni Henessey si Zydn ng unan kaya naman sinarado niya agad ang pintuan para makailag.
“Sorry tinawagan ko si Zydn kasi hindi ko alam ang gagawin ko e. Habang pauwi tayo kagabi ang sabi mo lang hwag tatawagan si Andie. Kaya si Zydn nalang ang tumulong saakin para iuwi ka. Sorry talaga”
“At saka…” Hindi ko alam kung bakit hinahayaan ko lang siya magsalita. Hindi naman dapat ako nandito. Hindi naman dapat siya ang tumutulong saakin. Wala naman dapat tumutulong saakin. Sanay akong mag-isa. Sanay akong iniiwanan. Sanay akong kapag kailangan ko ng tulong, iniiwan ako.
Tuwing pumipikit ako ang paglayo ng babaeng pinagkakatiwalaan ko ang lagi kong nakikita.
Kaya naman sanay ako.
“A-Andrea? May nasabi ba ako? Sorry…” Bigla nalamang niya akong niyakap at patuloy na sinasabing hwag akong umiyak.
Umiiiyak ba ako?
Hindi ko man lang naramdaman na umiiyak na pala ako. Na iniiyakan ko nanaman pala ang napakawalang kwentang bagay na iyon.
“Kung may problema ka, pwede mo sabihin saakin. Hindi mo ako kaibigan pero mapagkakatiwalaan mo naman ako. Isa pa nandyan din si Zydn pati na din yung isa niyo pang kaibigan.”
Pinunasan niya ang luha ko sa mukha. Hindi niya alam na malaking bagay ang ginagawa niya saakin.
“Ikaw si Andrea, hindi ba? Ipakita mo saakin ang Andrea na nakilala ko.”
Lumabas kaming dalawa sa kwarto niya.
“Wala sila mama kaya ayos lang na nandito kayo.” May kausap sa cellphone si Zydn na agad naman niyng binaba nang makita kaming nakatayo sa sala. Parang ang tagal ko siyang hindi nakita. Nginitian niya ako kaya naman nginitian ko din siya.
“Wow! Marunong ka palang ngumiti”
“Baliw! Natural marunong yan! Alangan namang hindi. Ikaw talaga.” Pang-asar na sagot ni Zydn kay Hen.
Kahit papaano nakakatulong naman silang mawala ang mga iniisip ko. Kahit papaano napapangiti naman ako hindi tulad ng dati.
“Wala si Ivy ngayon, pumasok siya.”
“Ahm. Sabihin mo lang saakin Andrea kung gusto mo pa tumuloy sa prom bukas. Ayos lang saakin kung ayaw mo na. Tuta---“
“I’ll go. Date mo ako hindi ba? Pupunta ako.” Kahit papaano gusto kong makalimot at maranasan ang maging katulad ng iba. Ang maging normal na estudyante at wala masyadong iniisip kundi mag-aral at mag-saya lang.
***
Nasa cab na kami ngayon ni Zydn. Sinabi ko sakanya na sa bahay ni mama ako uuwi ngayon. Ayaw kong umuwi sa bahay nila papa. Masyadong masikip ang lugar para saaming lahat.
“Hindi ko alam kung anong nangyari sayo pero base sa sinabi ni Hen kanina alam kong may nangyari kahapon kung bakit naalala mo nanaman. Alam kong ilang buwam mo ng itong hindi naiisip.”
“Anong sabi sayo ni Henessey?”
“Nanaginip ka daw.” Halos ibinulong nalang niya saakin ang sagot niya.
“Zydn” Panimula ko. Naramdaman ko ang pagtingin niya saakin nung nagsalita ako kaya itinuloy ko na ang gusto kong sabihin. “Gusto kong makita ang kaibigan mo at ipakita sakanya ang kagaguhang ginawa niya saakin. Gusto kong makita ang dati kong kaibigan at ipamukha sakanya na may mga tao na kaya akong tulungan kahit hindi ko sila kaibigan. Ipapamukha ko sakanila ang ginawa nila saakin. Hindi ko sila mapapatawad dahil hindi ko kaya.”
At kahit gusto ko mang isipin na hindi sinasadya ni Andie ang ginawa niya kagabi, hindi ko din kaya.
“Yung phone mo? Hindi mo ba sasagutin?” Tinignan ko ang ID caller. Sinagot ko ito nang makita kong si Andie ang tumatawag.
[Nasaan ka? Andrea I’m sorry. Hindi ko sinasadyang matakot ka. I’m sorry. Andrea alam mong mahal na mahal kita.]
“I’m hoping that you would prove me wrong but hell you just did exactly what I thought you wouldn’t. You failed me Andie.”
CTRL + Q to Enable/Disable GoPhoto.it
CTRL + Q to Enable/Disable GoPhoto.it
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro