Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 41

Chapter 41

 

Hindi ko siya masisisi kung galit siya saakin. Dapat lang naman na magalit siya. Mas magandang ipinapakita niyang galit siya saakin kaysa mawala siya ng hindi ko man lang nalalaman ang nararamdaman niya.

“Siguro nga tama siya”

“eh? Anong sinasabi mo dyan? Kumain ka na nga lang baka nagugutom ka lang.” Binigyan ako ng cake ni Ivy. Dalawang araw na ang nakakalipas mula nung sabihin saakin ni Andie na galit siya saakin.

“Ilang araw nalang prom na! Excited na ako! May damit ka na ba Andrea?” Kinikilig na tanong niya pa saakin habang ngumunguya siya.

“wala pa.”

“Dapat bagay yung suot niyo sa isa’t-isa ni Zydn! Sayang absent siya ngayon! Grabe talaga yung lalaking yun!” Reklamo pa niya.

“Sinabi ba niya sayo kung bakit siya absent?” Tumango nalang bilang sagot sakanya pero bigla nalang siya nagsisigaw na para bang kinikilig siya.

“OMG! SERYOSO?” Sanay na akong kami ang center of attraction pero hindi pa din ako sanay kapag sumisigaw si Ivy. Madami siyang sides na ipinapakita saakin na hindi niya kayang ipakita sa iba. Magulo siya sa harapan ko pero tahimik siya sa harapan ng iba. Sakanya ko nakita ang sinasabi nilang depende sa kaharap mo ang personalidad na ipinapakita mo.

“OMG! Hihi. So ano? Kayo na ba?”

“Saan naman nanggaling yang tanong mo?”

“E kasi! Ako ang best friend pero hindi niya sinabi saakin kung saan siya pupunta! Like OMG kaya haha.” Hinampas pa niya ako dahil kinikilig na siya. Madalas kong makalimutan ang mga problema ko ng dahil na din sakanya. Masiyahin siyang tao at madalas siya ang nakakapagpangiti saakin. Kakaiba siya.

“Nagsundo sila sa airport.”

“KYAAAAH! Ooops!” Sigaw niya sabay takip din ng bibig nang mahalata niyang madami ng tumitingin saamin. “Sinasabi niya saiyo mga ginagawa niya! How sweet! Hindi ka ba nagkakagusto kay Zydn?” Hindi ko siya maintindihan kung bakit niya kami parating pinagpapares. Oo alam kong gusto ako ni Zydn pero alam din ba ni Ivy?

“May nalalaman ka ba?”

“Na ano? Na gusto ka ni Zydn? Jusko naman Coreen, sa buong campus ikaw lang ‘di nakakaalam niyan.” Sagot niya saka tumawa ng malakas. Hindi ko alam kung anong parte ang nakakatawa sa sinabi niya. Minsan wala din talaga siyang sense of humor.

“Hindi mo ba alam na parang public confession ang ginawa niya dati? Kaso hindi mo napansin! Paano mo nga naman mapapansin, may ibang gusto ka pala noon.”

“anong ibig mong sabihin?”

“Natatandaan mo ba yung before nung fieldtrip? Ang alam ko kasi dapat liligawan ka niya kaso parang naghesitate siya.”

“Bakit daw?”

“Kasi baka hindi ka pa daw handa. Kasi natatakot ka pa daw. Kasi baka iba ang isipin mo daw sakanya. Kasi nalink siya kay Hen at Trixie tapos idagdag mo na yung si Andie. Pero hwag ka girl!”

“Bakit?”

Hindi ko alam na nagbalak pala si Zydn. Kung sakali man, papayagan ko ba siya? Malamang hindi din. Mahalaga na siya saakin kahit papaano at ayaw kong masira ang kung anong mayroon kami ngayon.

“Pininta ka niya. Siguro hindi mo pa nakikita yung painting niya. Nakasabit yun sa museum ng school natin. Isa nga yun sa mga pinupuntahan ng ibang students.” Masigla niyang paliwanag saakin.

Pagkatapos ng klase pinuntahan ko agad ang museum na sinasabi ni Ivy kaninang lunch. Ang museo na ito ay hindi kalakihan. Sakto lang. Parang dalawang kwarto lamang.

Habang naglalakad ako papasok nagtitinginan saakin ang mangilan-ngilang estudyante na nandito. Nagbubulungan din sila na ngayon lang nila ako nakitang pumunta dito. Agad kong hinanap ang sinasabi ni Ivy na painting.

Nasa dulong bahagi ito ng kwarto. Medyo kalakihan din at talaga namang nakakamangha. Nilapitan ko ito at saka hinawakan.

Ako ito. Nakatingin lang sa malayo at naghihintay matapos ang klase. Ako nga ito. Ipininta niya ako habang nasa labas siya kung saan kitang-kita ang klase namin.

Binasa ko ang pamagat niya na nasa ilalim: Hanging by a Moment

Description:

"I'm hanging by a moment"

I love her and I'm hoping that she feels the same way. If she does, I'm amazingly happy, if she doesn't, well that’s another story.

Muli kong tinignan ang obra ni Zydn. Gaano nga ba niya ako kakilala? Gaano katagal na nga ba talaga niya akong nagugustuhan?

Zydn is still a mystery to me. Alam ko na kaibigan siya ng ama ni Shin. Isa sa mga dahilan kung bakit pinigilan ko ang nararamdaman ko kay Zydn.  Dahil siya ay kaibigan niya.

Gusto ko pa din siya pero hindi na katulad ng kay Andie.

“I have issues. Pero bakit niyo nagagawang mahalin ang isang katulad ko? Hindi ako marunong magmahal at magpahalaga pero lagi kayong nandyan para gabayan ako.” Tumawa ako ng bahagya dahil kinakausap ko na ang sarili ko. Hindi ako makapaniwalang dalawang tao lagi ang gumugulo sa isipan ko.

“Andrea.” Huminga ako ng malalim bago ko hinarap ang bagong dating na si Ivy.

“Kung.” Tumingin muna siya sa painting bago ulit siya nagsalita. “Kung normal na teenager ka. Sinong mas pipiliin mo sakanila? Alam ko ngayon walang-wala si Zydn. Paano kung dati nung nasa beach tayo. Ahm. Si Zydn ba o si Andie?”

Alam lahat ni Ivy ang nangyayari saakin. Katulad kina Andie at Zydn, madalas din akong nakakapagsabi sakanya.

“Sabi mo saakin noong nakaraan na buwan, naging pantay ang tingin mo sakanilang dalawa. Paano kung hindi mo alam na kaibigan ni Zydn ang gumawa ng bagay na yun saiyo?”

“At paano kung hindi ko nalaman na kapatid ko pala si Andie?” Tanong ko sakanya at saka ako tumawa. Bakas naman sa hitsura niya ang pagkagulat. Ni minsan hindi ko nabanggit sakanya ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Andie. Pero kahit gulat siya nagawa pa din niyang tumango para sagutin ang tinanong ko sakanya.

“Hindi ko alam. Dahil hindi ko alam ang pakiramdam ng isang normal na estudyante lang.”

Naglakad kami palabas sa museo. Lahat ng tao nakatingin pa din saakin. Kaya ba magmula ng araw na iyon pabawas na ng pabawas ang mga bulungan tungkol saakin? Dahil nanaman pala kay Zydn.

Ngayon ko lang napansin na parati niya akong pinoprotektahan sa mga paraan na alam niya.

“Knowing Andie, alam ko na kaya ka niyang ipaglaban.” Umpisa ni Ivy saakin. “But knowing you, hindi mo itutuloy dahil matalino kang tao.” Parehong-pareho sila ng iniisip ni Andie. Pero mali sila. Nagkamali ako kaya naman ganito ngayon ang kinalabasan. Dapat noong una palang itinigil ko na.

“Magsisinungaling ako kung sasabihin ko sayong hindi ko na mahal si Andie at magsisinungaling din ako sayo kung sasabihin kong walang pag-asa si Zydn. Ang gusto ko lang ngayon makalimutan si Andie ng hindi gumagamit ng sino man.”

 *******

A/N: Alam ko naman na magulo. magulo kasi si Andrea. Nilalagay ko lang sarili ko sakanya hahahaha! MAGULO SIYA KAYA MAGULO AKO! XD Hindi ko pa din alam kung sino ang nararapat. Pareho sila. Forbidden man o Hindi ang piliin niya. parehong exciting. Ang kaso malapit na yata matapos itong PROVE ME WRONG? hihihi.

Pabawas man ng pabawas yung comments kooooo. ala ko pakialam. Basta may naisip na akong ending XDDD

 vote and comment

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro