Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

Chapter 4

 

 

“ano nanamang ginagawa niyan dito?” umiwas ng tingin si Ivy saakin. Alam ko na, hindi nanaman niya napigilan ang ungas na ‘to.

“makikikain ng lunch. Pahingi nga niyan” ang buong akala ko bestfriend niya si Ivy pero sa kinikilos niya parang siya naman ang bully sa buhay ni Ivy.

Tahimik lang kaming kumakain habang si Ivy ay nag-aaral at ako naman ay nagtetext. Si Andie kasi nangungulit, magkita daw kami mamaya. Isa pa si Carl text din ng text saakin. Sabi ko na ngang wala siyang mapapala saakin. Heto ang mahirap kapag nilalayuan ko na sila. Ang kukulit nila. Well except for Andie, we’re cool.

“hindi ka ba natatakot sa karma?” tanong ni Zydn. Halata namang interesado din si Ivy sa isasagot ko. but then again, sino ba sila para sagutin ko? I have the right to remain silent anyway. So why answer?

“HUY!” but then again Zydn is makulit. Tumingin ako sakanya at tinignan siya ng masama.

“Bata ka pa para alamin ang lahat” pang-aasar ko sakanya saka ako ngumisi.

“Ang batang curious dapat sinasagot ng tama. Hindi ba ate?” sabi niya ng may nakakabwisit at mapang-asar na ngiti. Inirapan ko nalang siya at saka ko inubos ang pagkain ko.  Sayang, nagtitipid pa naman ako ngayon.

Hindi nalang ako nagsasalita para tumigil na siya. Dati ang peaceful ng lunch break ko. lahat ng free time ko noon ay peaceful not until dumating ang batang surot na ‘to. Kung kuto lang talaga ‘tong lalaking ‘to baka matagal ko na siyang pinisa. Kunsabagay isa siyang kuto, laging kinakain ang pagkain ni Ivy. Bully talaga siya at hindi isang tunay na kaibigan ng kawawa kong kaklase.

“Ate Andrea naiintindihan mo ba yung tinuro kahapon? Hindi ko kasi magets e” nahihiyang tanong saakin ni Ivy. “heto o” pinakita niya saakin yung notebook niya. Malinis siya magsulat, in fact complete notes siya parati. Kaya nga kahit di ako magjot down ng notes okay lang kasi nandyan naman si Ivy.

“hindi” sagot ko nalang. Tinatamad ako. gusto ko nalang umuwi para makipagkita na din kay Andie.

“Ako alam ko” singit ni Zydn. Mukha na siyang singit laging sumisingit.

Hinayaan ko nalang silang dalawa habang nagtuturuan sila ng lesson. Well, he’s good. Akala ko pasaway lang siya at gagawin ang gusto niya hindi din naman pala.

After class, umalis na ako kaagad para makipagkita kay Andie. Sa mall kami magkikita. Sa lahat ng mga lalaking may girlfriends na sinusulot ko, siya lang yata ang nagyaya sakin sa mall na madalas na puntahan ng girlfriend niya. Hindi ba siya natatakot? Hindi naman sa takot ako pero wala, iba lang siguro talaga siya.

“heto gusto mo?” nasa isang boutique kami. Hindi ko akalain na galante pala siya.

“no, okay lang naman” saad ko kasabay ng ngiti ko sakanya.

“yung lalaki nung isang araw, manliligaw mo ba yun?”

“what? Who? Zydn? Oh please! As I’ve said bestfriend siya ng kaklase ko.” i rolled my eyes. “Bully rather.” Dagdag ko nalang saka ako naghanap ng pwedeng mabiling damit.

“bagay ba sakin?” floral dress ito na may touch of blue lang.

“oo bagay sayo. Sakin ba?” kumuha siya ng violet na long sleeves, yung pang corpo. Actually maganda. Bagay sakanya. sakto sakanya kasi maputi naman siya and besides gwapo siya. Scratch that, angelic ang mukha niya. Hindi halatang nanloloko ng girlfriend.

“oo” sagot ko nalang

“medyo dry ka makipag-usap nu? Nakakachallenge” sambit niya na sinagot ko naman ng “I know” saka nginitian.

“sige bibilhin ko ‘to.” Hindi siya katulad nung ibang nakadate ko na patweetums lang. kumbaga kaming dalawa gamitan lang. nagsasaya, as in wala lang. Lumabas kami ng shop na may daladalang pinamili. Di naman ako nagpabili sakanya. siya ang nagpumilit na bilhin yung dress na nagustuhan ko. -.-

“hindi ka natatakot sa girlfriend mo?” Random kong tanong sakanya. Kumakain kami ngayon sa isang fastfood restaurant. Dito ko gusto kaya magtiis siya.

“Hindi naman.” Pero parang nag-isip siya saglit at saka sumagot “oo pala” saka siya tumawa ng bahagya.  Iba talaga siya sa mga unang nasulot ko.

“naks. Ang bait naman.” Ngumiti ako saka kinain yung nasa harapan ko.

“bakit ikaw? Alam mong may girlfriend ako pero pinatulan mo pa din ako” uminom muna ako nung softdrink bago ako nagsalita.

“ganito ako e. mas interesado ako sa mga lalaking nasa isang relasyon.”

“talaga? Kakaiba ka din. Halos lahat ng kakilala kong babae pinangarap na sila ang number 1 sa isang lalaki tapos ikaw---“

“for fun. In a way nakakatulong din ako kapag gusto na makipagbreak ng isang lalaki sa girlfriend niya. mas mapapadali. Though hindi ako slut or bitch na tulad ng sabi nila. Mabait naman siguro ako. well siguro lang naman” saka ako itinuloy ang pagkain ko.

“kakaiba ka. Ako ang natatakot sa mga ginagawa mo.”

“why? Karma ba?” tumawa nalang ako. “hindi ako naniniwala sa karma Andie.”

“Then okay lang sayong ipagpatuloy natin pagkikita natin? Okay lang ba sayo kung hindi ako makipagbreak sa girlfriend ko?” napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

“anong ibig mong sabihin?”

“gusto kitang kasama, pero hindi ibig sabihin nun hihiwalayan ko na ang girlfriend ko” tumango nalang ako pagkapaliwanag niya saakin.

“pero Andrea hindi ka pa ba nain love?” out-of-the-blue niyang tanong saakin.

“love? hahahaha” natawa nalang ako sa tanong niya.

“bakit ka natatawa? Para kang baliw tuloy haha”

“hindi kasi ako naniniwala sa salitang love lalo na kapag sinasabihan ako ng I love you. Not sweet at all. Saka isa pa hindi ko naman habol yung maging girlfriend din ako ng mga lalaking nakakasama ko. hindi ko din kasalanan na nagugustuhan nila ako. For fun lang. yun lang” paliwanag ko.

Pero sa haba ng paliwanag ko tanging yung first sentence lang yata ang inisip niya. Dahil yun lang ang sinagot niya.

Nakatingin lang siya saakin at seryosong sinabi ang mga katagang ito.

“hindi naman kasi salitang I love you ang dapat mong marinig kundi I’m in love with you”

*********************

author's note!

waaaaaaah. pangit ba? bakit walang nagcocomment? hahaha yae na nga belat XD

napanuod niyo yung ginawa kong vid? nag effort ako dun *O* ginawa ko yun nung wala kong magawa ng madaling araw XDDD

vote kung trip pero mas gusto ko ng comments :hahahaha

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro