Chapter 38
Chapter 38
Nauna na ako bumalik kina papa. Lahat sila nakatingin saakin. Nagtataka kung bakit ako hinila ni Andie. Ngayon, nandito kami sa silid kung saan ako naghintay kanina.
“Umamin ka Andrea. Bakit ganun nalang ang reaksyon ng anak ko kaninang nakita ka niya? may relasyon ba kayo? Ikaw ba ang sinasabi niyang---“
“Kapag sinabi ko bang hindi, maniniwala ba kayo? Ngayon palang nga hinuhusgahan niyo na ang paghila saakin ni Andie kanina. Ganyang utak ba ang meron ang mayayaman?” nginitian ko lang sila at hinihintay ang sasabihin nila.
“Hindi?”
“of course not! Magkakilala kami. Galit siya saakin at ganun din ako sakanya. What more ngayon na nalaman niyang magiging kapatid niya ako. Halata naman sa hitsura niya kaninang galit na galit siya, hindi ba?”
Kailangang tanggapin ni Andie ang sitwasyon namin. Dahil bago ako pumunta dito tinanggap kong hindi na magiging kami. Dahil magkapatid kami kahit pa hindi pareho ang dugong dumadaloy saamin.
“Ano? Okay na ba? pwede na ba akong umalis?” tumayo ako kahit pa hindi sila sumasagot sa tanong ko.
“Hindi ka pwedeng umalis Andrea” pigil ni papa
“I’m not welcome here. Ayaw saakin ng pamilya niyo. Isang dumi lang naman ang tingin nila saakin. Isang bastardang anak. Hindi ba tama naman ako?”
“ANDREA!”
“see? Ikaw palang ganyan na ang trato saakin. What more sa pamilyang ni minsan hindi naman ako nakilala” pang-iinis ko kay papa. “Don’t worry. Babalik naman ako dito. Wala naman akong magagawa sa desisyong ginawa mo. But not now. I can’t live here. This house is not my home.”
Nang wala na akong narinig pa sakanila, umalis na ako kaagad. Katulad ng dati wala naman akong pera para makarating sa lugar na gusto kong puntahan kaya naglakad lang ako hanggang makarating sa isang shed.
“Akala ko ba bumalik ka na. sasama ka na ba saakin?” huminga ako ng malalim bago ko sinagot si Andie.
“alam ko galit ka sa ginawa ko. Pero ginawa ko lang naman yun kasi yun lang ang alam kong tama.”
“Andrea maniwala ka. Nung una curious lang naman ako sayo. Kung bakit ka umiiyak noong araw na iyon. Kung bakit ganyan ka. Gusto lang naman kita noon. Andrea, kinilala kitang mabuti hindi dahil sa gusto kita. Kundi dahil alam kong magiging kapatid kita. Pero kasalanan ko bang alam ko din na hindi naman tayo magkadugo?”
Nakatayo lang ako malayo sakanya. Sinubukan niyang lumapit pero huminto din siya. Malamang takot na lalayuan ko lang siya. Na hindi siya kausapin.
“pero mali pa din ang solusyong ginawa mo. Dahil gustuhin man natin o hindi, magkapatid tayo at maling-mali iyon.”
“HINDI TAYO MAGKADUGO ANDREA!”
“NARIRINIG MO BA YANG SINASABI MO? MAGKAPATID TAYO SA BATAS ANDIE! KASAL ANG MGA MAGULANG NATIN! HINDI KA BA NANDIDIRI? May kapatid tayo! Andie tama na. Just freaking move on. Magkunwari ka nalang na hindi nangyari ang relasyon natin.”
Sinusubukan kong hwag maiyak. Sinusubukan kong maging buo ang boses ko. Sinusubukan kong ipakitang hindi ako apektado sa mga nangyayari.
Tinalikuran ko siya para maghintay na ng taxi. Hindi ko na kayang pigilan pa ang mga luha ko. Pero bago pa man ako makapagtawag ng taxi niyakap na niya ako mula sa likuran ko.
“But I love you. I really do love you, Andrea.” Sa sinabi niyang iyon talagang di ko na kinaya ang kanina ko pa pinipigilang luha. “I’m sorry.” Iyan nalang ang huling binitawan kong salita sakanya bago ko tinanggal ang mga kamay niyang nakayakap saakin. "We can never love each other the way we wanted to."
“I’m officially breaking up with you”
Hindi ko alam kung makakayanan kong tumira sa bahay kasama siya. Maaring lagi lang siya sa apartment niya pero hindi pa din maiiwasan ang pag-uwi niya sakanila.
Pinuntahan ko si Zydn, hindi dahil gusto kong tumakbo sakanya. Wala akong pera kaya manghihingi ako ng pera sakanya. Tss.
“Walang thank you?” umiwas ako ng tingin.
“ihahatid mo pa kasi ako” nakatingin lang ako sa baba. Ayokong makita niya akong ganito ngayon.
“okay ka lang ba?” halata namang may pag-aalala sa tono ng boses niya.
“Hindi ka magkakagirlfriend Zydn kung lagi mong tatanungin yan sa babae”
“bakit naman?” gaya ko umupo na din siya sa sahig. Hindi pa din ako tumitingin sakanya. I know my eyes are still swollen.
Niyakap ko nalang siya at saka umiyak. Hindi na din siya nagsalita at nagtanong pa. Sapat ng may kasama ako ngayon. HInayaan lang niya akong umiyak hanggang sa tumahan na ako at kumalma. Malaking tulong na saakin na nailabas ko ‘to.
***
Lumipas ang pasko at buwan na hindi umuuwi si Andie sakanila. Hindi naman nila ako sinisisi dahil wala naman silang alam sa nangyayari. Ang laging sinasagot lang ni Andie ay doon muna siya sa papa niya. Halos magdadalawang buwan na din simula nang tanggapin ako ni papa kahit pa hindi ko naman ginusto ang pera at marangyang buhay niya.
“May prom date ka na ba Coreen? Ako kasi may nagyaya kaso hindi ko pa alam kung papayag ako o hindi hihi” kinikilig na pahayag niya.
“wala. Kailangan ba talagang umattend?” naiiritang tanong ko.
“ikaw naman! Masaya kaya! Seniors’ Night na nga lang meron tayo tapos hindi ka pa pupunta”
“Don’t sulk. Wala naman akong boyfriend para makasama”
“edi maayos! Kayo nalang ni Zydn!” bigla nalang nabilaukan yung kumakain sa tabi namin dahil sa sinabi ni Ivy. Sinusuntok suntok na niya yung dibdib niya habang inuubo.
“o heto tubig” natatawang abot ni Ivy ng baso kay Zydn.
“S-sira ka talaga! Dahil sa sinabi mo muntik na akong mamatay!”
“Exagg ka naman! Pareho naman kayong single! Ayos lang yan! O siya! Maiwan ko muna kayo dahil naalala ko pinapatawag nga pala ako ni adviser kanina” sabi niya habang tumatawa at saka umalis na.
“hwag mo nalang siyang pansinin” saad ni Zydn at saka nagpatuloy sa pagkain ng lunch niya.
Hanggang ngayon hindi pa din nila alam kung bakit kami naghiwalay ni Andie. Ang buong akala lang nila bumalik nanaman ako sa dati.
“wala ka pa bang date?” tanong ko kay Zydn.
“wala pa. Nag-iisip pa ako kung pupunta ba ako o hindi”
“punta tayo. Kaysa mabulok ako sa bahay magpaparty nalang ako kasama niyo. Hindi naman kailangan ng date para umattend.” Wala na siyang nagawa kundi sumang-ayon nalang.
“Pero kung ayos lang naman sayo” napakamot siya ng ulo niya at halatang nahihiya sa susunod niyang sasabihin “kung ayos lang naman sayo… subukan natin yung sinabi ni Ivy. K-kung okay lang naman sayo. Wala namang malisya. Pero kung ayaw mo okay lang” sabi niya saka siya tumawa ng medyo awkward.
“okay then. Ikaw na ang date ko” pahayag ko nang biglang may humila saakin ng marahas na dahilan ng pagtayo ko.
“HELL! Anong problema m---“ hindi ko na nagawang tapusin pa ang sasabihin ko.
“uuwi na tayo.”
“What? Are you kidding? Sa bahay ako uuwi ngayon! Nalimutan na ba ni papa na Friday ngayon?” hinihila ko ang kamay ko paalis sa pagkahawak niya pero hindi pa din niya ako binibitiwan. Mahigpit lamang siyang nakahawak saakin.
“bitiwan mo ako! Masakit na!” sigaw ko sakanya kahit pa madaming tao ang nakakakita saamin habang naglalakad!
“Andie ang sabi niya bitiwan mo siya” pasigaw na sabi ni Zydn.
Huminto nga si Andie sa paglalakad pero hindi pa din niya binibitawan ang pulso ko. He’s gripping me too hard.
“hwag mo kaming pakialaman dahil wala ka naman kinalaman saamin Zydn” sabi niya ng nakangisi.
Magdadalawang buwan ko siyang hindi nakita at alam kong may iba. Hindi siya si Andie. Hindi siya ang Andie na kilala ko.
“dahil wala ka naman kinalaman saaming magkapatid”
*************
aww si Andie yung nagsalita sa dulo >3<
natatakot ako kay Andie. natatakot ako para kay Andrea. natatakot ako sa mga susunod na chapters. paano ko kaya gagawin yung mga nasa isip ko. megheeeeeeeeeyd!!!
vote and comment
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro