Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 30

Chapter 30

 

 

 

“eat” tinitigan ko lang si Ivy. “please Coreen, kumain ka na” ibinaba ko ang kubyertos at saka ininom ang tubig ko.

“Coreen naman e” nasa bahay kami ngayon. Kaming dalawa lang.

“lumipas ang kaarawan mo ng hindi ka man lang namin nakita. Wala ka sainyo, wala ka sa boyfriend mo. Hindi ka din pumasok. Nalulungkot ako kasi hindi ko alam ang nangyayari sayo”

“ayokong kumain” inilayo ko ang plato ko at saka nagtungo sa sala.

“hindi ko alam kung anong nangyayari sayo Coreen”

“yung cellphone mo kanina pa din tumutunog. Tinatawagan ka ni Andie o” pinakita niya saakin ang cellphone ko pero hinayaan ko lang ito at saka binuksan ang TV.

“may problema ba? Nag-away ba kayo ni Andie?” muling tumunog ang cellphone ko at muli nanaman niya itong pinakialaman para tignan kung sino ang caller.

“oh! Si Zydn naman ngayon tumatawag.” Kinagat ko ang labi ko at saka pumikit.

“shut my phone off, I’ll sleep” iniwan ko siya sa sala at saka umakyat sa kwarto ko para matulog at mapag-isa.

“hindi ko alam kung bakit bigla ka ulit nagkaganyan, pero hindi ko din kasi alam kung nag-away ba kayo ng boyfriend mo. Lalong hindi ko naman alam kung bakit. Andrea, kaibigan mo ako. Pwede mo namang sabihin”

Kinuha ko ang nag-iisang teddy bear ko at saka niyakap ito.

Hindi kami nag-away ni Andie at lalong wala siyang ginawa para layuan ko siya. Wala silang ginawa. Sadyang ganito lamang ako. Ito na ang pangalawang taon na nagkakaganito ako.

Kailanman, hindi ko na magawang icelebrate pa ang birthday ko.

I was raped. Anong masaya sa araw kung kelan ako nagahasa?

Anong masaya doon?

“Andrea anak?” malumanay ang boses ni mama.

“tita, hindi ko po alam kung bakit po siya ganyan.”

“ako na ang bahala. Salamat sa pagbantay sakanya habang wala ako”

Hindi ko alam pero bigla nalang akong humikbi nang marinig ko ang boses ni mama.

“Andrea anak, papasok ako” nagtaklob ako ng kumot at saka pumikit. Humihiling na sana mawala ang sakit na nararamdaman ko.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan, ang paglapit ni mama at ang pag-upo niya sa kama.

Naramdaman ko ang pagdampi ng kamay niya sa ulo ko.

“sorry dahil naging masama akong nanay”

“dalawang taon na Andrea pero wala akong nagawa sa kaso mo. Naging mahigpit ako sayo na dahilan kung bakit ka lumayo sakin”

Huminga siya ng malalim at saka tinuloy ang sinasabi. “naging mahigpit kami ng papa mo saiyo dahil sa nangyari” basag at lalong nanghihina na ang boses niya dahilan naman ng lalo kong pag-iyak.

“nung nagtagal, hinayaan ka namin dahil akala namin yan ang coping stage mo. Pero hanggang ngayon pala, nagdudusa ka pa din. Sorry dahil hindi ako naging isang ina sayo. Sorry anak” naramdaman ko ang mahigpit niyang yakap. Pero maski ganun, hindi nito mapapawi ang sakit na nararamdaman ko.

Walang may kasalanan, hindi kasalanan nila mama ang nangyari. Hindi ko sila sinisisi.

“anak. Matulog ka muna, paggising mo kumain ka hah?” naramdaman ko ang paghalik niya sa saakin kahit pa nababalutan ako ng kumot. Ngayon ko nalang ulit naramdaman ang pag-aalala niya saakin.

Alam ko, labis din naman siyang nasasaktan. Hindi lang dahil saakin kundi dahil din kay papa.

Mahirap maging isang ina. Mahirap. Alam ko.

“bukas, gusto mo bang pumunta sa lola mo?”

Naimulat ko ang mga mata ko dahil sa pagkabigla at saka umupo na ikinagulat naman ni mama.

“kung gusto mo lang naman. Kung ayaw m---“

“pumupunta ka ba doon kaya lagi kang wala?” tinignan ko siya ng masama. “hindi ba sabi ko hwag kang pumunta doon?” halos sumigaw na ako dahil sa galit.

“ma! Hinahayaan kita sa kabaliwan mo kay papa, pero yang kabaliwan mo sa pagpunta punta pa doon, YAN ANG HINDI KO PAPAYAGAN!”

Agad akong umalis sa bahay kahit pa nakita ko sina Ivy at Zydn sa sala.

“Andrea”

Umiiyak akong umalis sa bahay.

Pinili kong pumunta sa apartment ni Andie pero wala siya. Naghintay ako pero gabi na wala pa din siya. Tingin ko hindi na siya darating pa.

Siguro umuwi siya sakanila.

Matatanggap ba niya ang katulad ko?

Naglalakad-lakad lamang ako at hindi pinapansin ang mga taong kasabay ko.

Hindi ko din alam kung saan ako pupunta. Malayo ako sa bahay at malayo na din ako sa apartment ni Andie. Lalong malayo din ako kay Ivy at hindi ko dala ang cellphone ko.

Saan nga ba ako pupunta?

Napahinto ako nang makita kong malapit na ako isang bakanteng lote. Nakakatakot, halos wala na din taong naglalakad. Madilim na at mukhang uulan pa.

Hanggang kailan nga ba ako tatakbo? Hanggang kailan nga ba ako hindi magtitiwala?

Napapagod na din ako.

Pero ayokong balikan ang nakaraan ko.

Ayokong pumunta kina lola dahil mamumuhi lamang ako.

Pero ayoko na. Nakakasawa na.

“Andrea” pagod at hinihingal na siya. Nakatayo siya ngayon sa harapan ko at hinahabol ang hininga.

“kanina pa kita---hinahanap” pawis na din siya at bakas sa mukha niyang natutuwa siya dahil nakita na niya ako.

“pinag-alala mo ako”

Niyakap niya ako at niyakap ko din siya. “natatakot ako” hikbi ko sakanya.

“pagod na ako Zydn” lalong humigpit ang pagyakap niya saakin.

“ayoko na” ramdam ko ang paghagod ng kamay niya sa likuran ko senyales na gusto na niya akong tumahan.

“ihahatid na kita sainyo, nag-aalala na ang mama mo”

“ayoko, ayoko Zydn. Ayoko” umiiyak na akong nakikiusap sakanya. Ayokong umuwi. “kapag umuwi ako. Kapag umuwi ako, ihahatid niya ako kay lola. Ayoko Zydn. Ayoko”

“bakit?”

Tumingin ako sa mga mata niya. Mga matang halatang nag-aalala na.

“hwag mo akong ibibigay kay mama. Please. Zydn please”

“ayokong pumasok, ayokong umuwi. Ayokong makita si Andie. ayoko. Ayoko. Pakiusap. Ilayo mo muna ako. Please. Zydn, I’m desperate. Please”

*****

vote and comment

di ko alam if matutuwa kayo sa update ko o mabwibwisit haha

kakaiba talaga si Andrea, ang hirap ipredict ang susunod niyang gagawin. maski ako nahihirapan sakanya. XDDD nahihirapan ako sa plot ng story JOKE! haha nahihirapan ako lagyan ng buhay ang story wahahaha.!!!!

nahihirapan ako ipasok ang story ng chars gamit ang POV ni andrea! nahihirapan akooo kasi ang hirap ng sitwasyon nilang lahat!! oo lahat XD bleeeeeh.

VOTE AND COMMENT!!! PASADO AKO DEFENSE hihihi <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro