Chapter 29
Chapter 29
Ilang araw na ang lumipas, naninibago ako. Habang tumatagal napapalibutan na ako ng madaming tao. Madami na din kumakausap saakin. Hindi ko alam kung anong nangyari pero sa tingin ko may kinalaman ang trip namin last week sa beach.
“Waaaah Coreen! Di ko na alam ang gagawin ko! nahihirapan na ako mag-aral. Ang dami dami” umupo siya sa tabi ko at saka isunubsob ang ulo sa lamesa.
“antok na antok pa ako. Ni hindi pa ako nakakapag-aral ng maayos”
“Good Morning Andrea” napatingin ako sa mga bumati saakin. Mga kaklase ko. weird.
“tell me, may ginawa ka ba?” I asked Ivy. Agad niya akong tinignan saka nginitian.
“wala, si Zydn meron. Pero ako, ayun nanuod lang noon. Alam mo ba, pag-alis mo noon grabe kasi yung iba! Ang daming satsat! E ayun, naasar yata si Zydn sinigawan niya yung mga chismosang babae tapos may mga nasabi siya. Na kesyo hindi ka naman nila kilala, wala silang karapatan pagsalitaan ka”
Tumigil siya at saka napa-isip ng ilang Segundo “alam mo ba, kung hindi ka siguro niya kaibigan, pag-iisipan ko talagang gusto ka niya, pero kasi pag may kaibigan si Zydn, ganyan talaga siya. Though, medyo parang mas naging protective siya ngayon. Pero ganyan kasi talaga siyang tao. Minsan hindi inaalala ang sarili. Hahaha! Bakit ko ba sinasabi sayo yung mga yun? Mag-aral na nga tayo”
Talaga lang ah.
Pagkatapos ng klase, agad akong sinundo ni Andie.
“sabi ng mama at step dad ko, gusto ka nilang makilala”
“paano kung ayoko? Andie, I’m not good at this.”
“hindi pa naman ngayon, hindi pa din naman ako handa” umiwas siya ng tingin nang titigan ko siya sa mga mata.
“sa ngayon, ayaw pa din kitang ipakilala.”
“then good. Hindi ko Gawain ang kilalanin kung sino ang mga magulang ng mga dati kong naka---“
“iba tayo Andea” singit niya bago ko pa man matapos ang sasabihin ko. tumayo siya at saka nagpunta sa cashier counter.
“iba nga pala kami”
May dala dala na siyang pagkain pagbalik niya.
“kain ka muna”
Nakangiting pinagmamasdan lamang niya ako habang kinakain ko ang binigay niya saakin.
“hindi ka ba nahihiyang ako ang girlfriend mo?”
“Why would I? proud ako na ako ang unang boyfriend mo”
“AHHH” ibunuka niya ang bibig niya at tinitigan ko lang siya na dahilan kung bakit siya tumawa.
“pakainin mo ako. AHHH” kitang-kita naman sa mga mata niya na natutuwa siya sa ginagawa niya.
“ayoko nga. Akin lang ‘to”
Tinawanan lang nya ako saka hinawakan ang kamay kong may hawak na kutsara at saka isinubo sa bibig nya ang pagkain ko.
“psh. Sabing akin lang ‘to” pero napangiti ako sa ginawa niya. Common but unusual to me.
“sa wakas ngumiti ka na! ayan” sabi niya ng may ngiti sa mukha
“you should eat too” sinalinan ko siya ng pagkain sa plato niya.
“ayaw, gusto ko subuan mo ako. AHHH” pinakain ko siya katulad ng gusto niya. kahit na napapansin ko ang simpleng pagsulyap-sulyap ng ibang customer saamin. Kahit na alam kong pinagbubulungan nila kami.
“naririnig mo sila? Sweet daw natin” natutuwa niyang sabi saka din niya ako sinubuan.
“bakit ayaw mo akong ipakilala sa parents mo?” tanong ko sakanya habang pinaglalaruan ang tirang pagkain.
“bakit ayaw mong ipakilala kita sa parents ko?” umirap nalang ako saka ko ipinagpatuloy ang pagkain.
Hindi na ulit kami nagpansinan pagkatapos naming kumain. Actually, he’s acting weird. He’s not in his usual self. I think something is bothering him. Maybe not for me to mind that’s why he’s not telling me or so.
“gusto mo ba matulog sa apartment?”
“no” I answered.
“aww.”
“so anong problema?” inihinto niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
“I don’t know.”
“so ayaw mo na ba saakin?” even though it stings in a part which I think I could tell but won’t admit, I still ask him.
“huh? Are you crazy? I like you so much.”
“I like you too” sagot ko na alam kong ikinabigla niya.
“is it about Henessey?”
“no. maybe? Pero hindi pa din. Somewhat.” Muli akong umirap dahil sa naging sagot niya.
“selos ka ba?” natutuwa niyang tanong saakin. He shifted his position to face me. “look, I can’t tell you. But trust me, I like you Andrea”
“Just like and I too, Andie” I smiled in return. Dumidilim na at dumadami na din ang mga sasakyan sa kalsada dahil rush hour.
“not just, Andrea. Remember that” pinatakbo na niya ulit ang sasakyan niya at inihatid ako sa bahay. Inalok ko siyang pumasok muna sa bahay tutal wala naman si mama.
Alam ko wala nanaman akong kasama ngayong gabi, kung hindi nagtatrabaho si mama, nasa ibang lugar siya para tulungan ang ibang tao. Dati isang hamak na kabit lang siya, pero nagbago naman siya kahit papano. Isa lang naman ang hindi mababago sakanya, ang pagsama-sama sa kung sino-sinong lalaki pero hindi pa din malimutan ang tatay ko. kaya nga kahit pumunta ang papa ditto, okay lang. kasi tanggap siya ni mama.
“mommy mo?”
“wala” nagtuloy-tuloy ako sa kwarto ko saka ko siya tinignan kung papasok ba siya o hindi. “Spend the night here, with me. Andie”
“What?” halatang hindi siya mapakali dahil sa sinabi ko. idiot.
“samahan mo lang ako. I never said that we’ll do something” tumawa ako dahil sa naging reaction niya. hindi ko alam kung nag-assume siya o kung ano man. Pero maski siya tatawanan ang sarili niya kapag nakita niya ang hitsura niya kanina.
“look if you don’t want to then fine wit---“
“sige sasamahan kita. Ayoko din naman umuwi saamin.” Nauna pa siyang pumasok sa kwarto ko at saka iginala ang mga mata para pagmasdan ang kabuuan.
“you don’t collect anything? Salamin, kama, sofa at isang stuff toy lang?”
“yeah? So?” umupo muna ako at saka nagpahinga sandali. Hinayaan ko lang siyang paglaruan ang kung anong makita niya sa kwarto ko.
“wala naman.” Nagshower muna ako bago matulog.
Pagkatapos ko, nakita ko si Andie na nakahiga lang at natutulog na. Hinayaan ko nalang siya at saka ako humarap sa salamin. Tinititigan ko ang sarili ko.
I’m trying. I really am. Pero kahit ganun, hindi ko pa din maamin sa sarili ko na iba nga talaga sila.
‘you ignored me all day’ I texted Zydn though I’m not hoping for a reply, he still did.
‘busy kasi. Di kita nakita’
Ibinaba ko na ang cellphone ko at saka nagsuklay. Alam ko nakita niya ako ngayong araw pati na din nung isang araw. Maybe it’s awkward after all.
Nagulat ako nang biglang may umagaw ng suklay ko at saka inayos ang buhok ko.
“matulog ka na din” niyakap niya ako mula sa likuran ko. hinawakan ko ang kamay niya at saka tumayo para humarap sakanya.
“Why do you like me?” I put my arms around his neck and hugged him tight. He did the same thing, he hugged me tight too. Not missing a single space.
“Liking you doesn’t need any reasons at all.”
“bakit mo ako binababaan ng call tuwing sinasabi mo yung L-word?” mas humigpit ang pagyakap niya saakin ngayon. Parang may hindi siya masabi.
“ulitin mo yung sinabi mo noon.” Nanahimik ako dahil sa hiling niya. ayokong sabihin.
I just can’t.
“Not now, maybe I can the next time. Just not now”
Bumuntong hininga siya. Sign na he’s upset.
“I’m sorry that I upset you”
“It’s alright”
Magkatabi kaming humiga, nakayakap pa din siya saakin at halos ayaw niya akong pakawalan.
I heard him mumbled something. In his arms, I feel safe.
“Andrea, I love you” alam ko, alam kong akala niya tulog na ako at alam ko din na ayaw niyang sabihin saakin ang mga katagang iyon. I can’t blame him for doubting my feelings for him. I know that it’s not easy to be with me.
Wanting him by my side is an act of selfishness, but I can’t even give him what he should get in return because those three simple words are not easy to say at all.
*****
actually, dapat hanggang bente lang yung chaps. pero humaba na siya. di ko din alam kung hanggang kelan ang chapters :p kaya pansin niyo? mahaba ang phasing ng story? mejj ganun kasi pero kahit na ganun gusto ko magpaliwanag HAHAHA. ehem ehem
kung nagtataka kayo dahil parang pabigla bigla ang nangyayari sa mga chap iyon ay dahil na din kay Andrea, paiba-iba ang nasa takbo ng isip niya. minsan gusto niya gawin yun, minsan hindi. minsan ganto siya minsan hindi.siya ang tipo ng tao na ginagawa muna ang gusto bago isip. kaya ganun. o ayan. XDDD
anyayare kay Zydn? weird weird na ni bebiii Zydn.
VOTE AND COMMENT! gusto ko wan milyon! XDDD joke. next time na ulit UD. busy na ko :***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro