Chapter 27
maikling UD! dahil natutuwa ako kay TrialAndError sa mga comment niya at pati na din dahil birthday ni Henessey!!! yung isa sa mga admin ng PMW. sakanya ko kinuha name ni Henessey! obvious naman. HAPPY BORDIII GELPREN! o ayan binati kita. special mention pa haha
follow me on twitter! @aril_daine pati na din ang @official_PMW
Chapter 27
Binilisan ko ang paglakad ko para hindi ako maabutan ni Zydn. Kagat-kagat ko ang labi ko habang naglalakad. Regretting what I have did earlier.
“Running away won’t change any” sa boses palang alam kong nahabol na ako ni Zydn.
“I’m sorry” I licked my dry lips then continued without facing him “I’m sorry for kissing you awhile ago. Nadala lang ako”
“can we just forget about that?” tuloy ko pa habang di pa din nakatingin sakanya.
“kung saan ka magiging kumportable.”
“thanks” naglakad nalang ulit ako palayo sakanya, ngayon alam kong hindi na niya ako sinusundan. Nagpasya nalang akong bumalik sa cottage kahit na ayoko sa lugar. At least I’m distracted.
Pagkarating ko sa walang taong cottage, kinuha ko ang charger ng phone ko at saka nagtext na ako kaagad kay Andie.
‘subconsciously I kissed someone, I’m sorry’
Wala pang isang minuto ang lumipas nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad kong sinagot ito pagkakita ko ng caller ID.
[you kissed who?] I knew it.
“mad?”
[no----Yes!]
“sorry” kumuha ako ng tubig dahil kinakabahan ako. Natatakot akong baka magalit saakin si Andie. ayoko lang magsinungaling. I did something wrong, kaya dapat lang na umamin ako.
[Andrea] malumanay na ulit ang boses niya [susunduin na kita dyan]
“pero may exam ka pa”
[paano ako magcoconcentrate kung may ibang lalaking umaaligid sa girlfriend ko? sht!]
“kasalanan ko. I kissed him.”
Natahimik nalang siya at saka narinig ko ang ilang beses niyang pagbuntong-hininga. Tahimik sa lugar niya kaya naman dinig na dinig ko ang bawat paghinga niya.
[hindi ko alam ang gagawin ko sayo] muli nanamang natahimik pero binasag din naman niya ito kaagad [papunta ako dyan. maya maya ako makakarating, depende sa traffic]
“I’m sorry”
[don’t say sorry. At least sinabi mo. Pero galit pa din ako]
“That’s why I’m sorry, I’m not asking for your forgiveness but at least accept my apology”
[why did you kissed whoever that guy was anyway?] napakagat ako sa labi ko nang maalala kong hinalikan ko si Zydn.
[babe?] nagulat ako sa pagtawag niya saakin [andyan ka pa?]
“Andie. why are you mad?”
[kasi girlfriend kita, mula sa hibla ng buhok mo hanggang sa paa mo akin.]
“is that so?”
[kasi mahal kita] he killed the call when I’m about to answer. Napansin ko lang na pagkatapos niyang sabihin ang L-word lagi niya akong binababaan.
“Coreen! Bakit hindi ka pa nagbibihis? Halika na! magswimming ka din” medyo nagkakulay na ang maputi niyang balat, medyo mamula-mula na siya dahil sa sikat ng araw
“nakita mo ba si Zydn?” tanong niya habang kinukuha ang pagkain sa lamesa, naka one-piece swimsuit siya na kulay itim.
“no” pagsisinungaling ko. kumuha nalang din ako ng kinakain niya.
“dapat maligo ka na din! Ang saya-saya kaya! Ilang araw din tayo dito!” kinuha niya yung twalya niya para ipambalot sa basa pa niyang katawan.
“no thanks. Susunduin ako ni Andie mamaya”
“Andie? yung college? Siya ba boyfriend mo?” nagtatakang tanong niya saakin.
Kumuha ako ng chicken at saka ng barbeque pati na din ng spaghetti. Hindi naman ako gutom, umiiwas lang akong magutom. Hindi ako nagdala ng pocket money. Sakto lang, isa pa nag-iipon pa ako ng pambili ko ng fuck-me heels ko.
“oi ano? Boyfriend mo? Siya ba?”
“yes” kumuha na din ako ng juice at saka umupo sa tabi ni Ivy.
“grabe! Kelan pa? kwento ka naman!”
“we’re dating, the end” nag-pout siya sa naging sagot ko na dahilan ng bahagyang pagngiti ko. kumain nalang ako at hinayaan nalang siyang ngumuso buong oras.
Bumalik na siya sa iba naming kaklase nung hindi niya ako mapilit na maligo. I hate places like this one. Hindi ako kumportable sa madaming tao.
Muli, umalis ako para maghanap ng lugar na sa tingin ko ay ‘ligtas’ para saakin. Sa paglalakad ko nakahanap ako ng isang bahay na abandunado. Medyo malayo na ito sa lugar ng mga kasama namin.
Tinignan ko ang cellphone ko para tignan ang oras. 5pm na, maya-maya lang magdidilim na.
“bakit ka nandito?” nagulat ako dahil bakit din ba siya nandito?
“looking for a safe place.”
“safe ito sa tingin mo?” he asked me wryly
Paglingon ko sakanya wala siyang pang-itaas kaya naman agad din ako tumalikod.
“see, hindi siya safe place”
“put your shirt on”
“pinapatuyo ko pa. isa pa nauna ako dito” sagot niya na parang natatawa pa.
“mahiya ka naman may fats ka pa!” pang-asar ko sakanya.
“hahaha! Hayaan mo magwo-work-out na ako para magkaroon ako ng abs!”
“disgusting”
“I heard that”
Umupo ako sa sahig at hanggang ngayon di ko pa din siya tinitignan pero alam ko sa sarili ko na nakatingin saiya saakin.
“Don’t isolate yourself. Give yourself a chance Andrea”
“ginagawa ko naman” kaya nga ako nagkaroon ng madaming flings. Kaya nga ako naging ganito. Kaya nga kahit papaano kinakausap ko ang mga lalaki kahit diring-diri ako.
“hindi lahat katulad niya” umupo siya sa harapan ko.
“hindi lahat kapareho niya, Andrea. Hwag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan mo. Okay?”
“hindi ka ba galit saakin?” tanong ko sakanya
“hindi. Bakit naman ako magagalit?” for kissing you, idiot.
“bakit ka nandito?” tanong ko pa para maiwas ko ang topic.
“nagbakasakali lang na baka pumunta ka dito. Baka kasi pag pumunta ka dito, wala kang kasama. Magdidilim pa naman na”
Inangat ko ang ulo ko para makita ko ang mukha niya “bakit ka laging nag-aalala saakin?”
“kailangan ba ng rason?”
Bago pa ako makasagot tumunog na ang cellphone ko, kaya agad ko itong sinagot.
“Andie?”
[nasaan ka? Si Ivy lang naabutan ko]
“ang bilis mo naman? Akala ko ba---“
[kanina pa ako umalis sa school, bago pa man ako tumawag sayo. Nasaan ka na? may kasama ka ba?]
“don’t worry too much. I’m with someone” sagot ko habang nakangiti.
Hindi ko din alam kung bakit ako nakangiti. Siguro dahil na din nandito na si Andie, dahil makakaalis na ako sa lugar na ito. Pero habang kinakausap ko si Andie, nakatingin din ako kay Zydn. Nakatitig siya saakin at ganun din naman ako sakanya. Para akong nilulunod ng mga mata niya. Kapareho nung mga mata at kung paano ako tignan ni Andie.
“I love you” I said na ikinatahimik nung kausap ko sa kabilang linya at ikinagulat ng tao sa harapan ko.
“I think I’m falling in love with you, slowly.” Tuloy ko pa.
Hindi ko alam kung kanino ko sinasabi sakanila ang mga katagang ito. I like them both. I am not confused. Alam ko pa din na may limitasyon na ako. Gusto ko sila pareho, pantay. Pero hindi na pwede. I’m committed and I can’t change that as well as my feelings for them. Walang lamang sakanila.
Pumikit ako saka ko binabaan si Andie at saka tumayo na din para iwanan si Zydn. Hindi ako confused, hindi ako gagaya kay Henessey. I know I can’t have them both, but at least, I can keep the both of them.
________________________________
vocal naman si Andrea sa sarili niya e! hahaha. medyo nag oopen-up na din naman siya. XDDD medyo mabilis na ang pangyayari HAHAHA. pero ganun talaga! mabagal naman ang time frame. yung sa mga nababasa ko nga na english novels 1 week lang inlaban na agad e *O*
vote and comment.
sorry sa UD kung napangitan man kayo XDDD medyo stressed ako e
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro