Chapter 26
Tarush! natagalan ang UD ko. busy e. pakifollow daw ang @official_PMW sa twitter pati na din ako @aril_daine hihihi. sorry sa UD kung di niyo man trip. gagawa pa kasi ako ng paper e. :p
Chapter 26
“okay” sagot ko sa kausap ko sa kabilang linya.
[okay lang? sorry talaga babe] hindi ko alam kung dapat ko din ba siyang tawaging babe.
“galingan mo” hindi din ako sanay na may chinicheer. Ngayon lang. “babe” habol ko pa.
[yun o! kagabi pa ako babe ng babe ngayon mo lang ako tinawag na babe. Nainspire naman daw ako” sabi niya habang tumatawa.
“mukhang hindi. Tinatawanan mo ako e” umirap ako at saka tumingin sa bus.
“COREEN! Hindi ka ba sasama? Dali na dali!”
[sumama ka na sakanila. Mag-enjoy ka. Kapag may lumapit sayo tawagan mo ako agad!]
“sige na nga. Goodluck sa exam”
[thanks. Ingat ka hah! I love you] mabilisan niyang sinabi at saka ako binabaan.
Binulsa ko na yung cellphone ko at saka pumasok sa bus. Lahat ng mga mata ay nakatingin saakin. Lahat sila parang nagtataka na nandoon ako.
Nakaalis na ang ibang bus at heto nalang ang natitira. Pinagsamang mga babae at lalaki na ang mga nandito. Palibhasa mga late dumating. Halos lalaki nga sila.
“Coreen dali dito tayo!” hinila ako ni Ivy papunta sa upuan kung saan siya nakaupo. Sa kabilang upuan ay si Zydn at ang kasama niya.
“akala ko hindi ka na sasama” nakangiting sabi saakin ni Zydn.
“sabi kasi niya mag-enjoy ako” sagot ko habang paupo na. “so, saan ba pupunta?”
Inaayos ni Ivy ang bag niya. naririnig ko yung mga plastic na laman nito. Malamang chips ang mga yun.
“gusto mo ba kumain?” alok saakin ng katabi ko.
“no thanks”
“gusto mo?” alok din ni Zydn saakin ng kinakain niya. Kahit nasa kabilang side siya parang tabi pa din kami dahil ako ang nasa center aisle at si Ivy naman ang katabi ng bintana.
“Saan pupunta?” this time si Zydn na ang tinanong ko. Busy kasi si Ivy sa kakanguya.
“sa lugar na malamang ay ayaw mong puntahan pero dapat mong puntahan” sa sinabi niyang yun medyo kinabahan ako. Madami akong lugar na ayaw puntahan. Dahil na din sa madaming dahilan. Hindi na ulit ako nagtanong dahil wala silang balak sagutin ang tanong ko kaya naman natulog nalang ako at hiniling na sana naman makayanan ko kung saan man kami pupunta.
Nagising lang ako nung tumunog ang cellphone ko dahil sa tawag ni Andie.
[hi babe] masiglang bati niya sakin
“hi” bati ko sakanya.
[nasaan na kayo? May kasama ka ba?] medyo naririnig ko yung mga kaklase niyang nagtatanungan ng kung anong mga isinagot nila sa exam nila kanina.
“hindi ko alam and yes kasama ko si Ivy”
“hello kung sino ka man!” bati ni Ivy kay Andie.
“tapos na kayo mag-exam?”
[hindi pa nga e. may dalawa pang subject.]
“mag-aral ka na” napangiti ako dahil inuna pa niya akong tawagan bago siya mag-aral
[mamaya na! nag-aral naman ako kagabi. Sorry talaga kung hindi ako pwede ngayon a. Napilitan ka tuloy sumama dyan sa fieldtrip niyo. Pero ayos lang yan. Masaya naman yan. Mag-enjoy ka lang.]
“like I’ve said, okay lang. mag-aral ka muna”
[mamaya na. gusto pa kitang kausap… sus! Mamaya ka na mambabae dyan Andie! Paturo muna ako dito! Anong gagamitin kong formula?]
[mambabae ka dyan. Girlfriend ko ‘to sira!]
[o sorry na! paturo na]
[mamaya! Ang gulo]
“turuan mo na muna yan. Tatawagan kita pag nandun na kami. Okay? Bye” binaba ko na kahit mukhang magsasalita pa sana siya.
“ayieeee sino yun Coreen? Nakangiti ka habang kausap mo! Sino yun sino yun?” malapad ang ngiti niya sa mukha at saka talagang nag-aabang siyang sagutin ko ang tanong niya. “sino yuuuuun?” pangungulit niya. This time nakanguso na ang mga labi niya.
“boyfriend” pumikit ako at saka ako naglagay ng earphones.
“OMG! BOYFRIEND? AS IN BOYFRIEND? OMAAAAAYGAD!” kilig na kilig at halatang nae-excite siyang magpakwento. “Omg! Zydn! May boyfriend na si Coreen! OMG OMG!”
“boyfriend?” tanong pa ni Zydn “totoo?” parang hindi makapaniwala niyang tanong kaya naman umirap nalang ako.
“boyfriend.” Sabi ko ng matuldukan na.
“okay. Boyfriend” he said hesitantly. Naglagay siya ng earphones saka tumingin saakin “bakit?” tanong niya pa nang makita niyang pinagmamasdan ko siya.
“nothing”
Nang makarating na kami sa destination, nagsiunahang bumaba ang mga kasama namin sa bus kasama na si Ivy. Pinakahuli akong bumaba.
Madaming puno ang nakapaligid sa lugar, mga bus mula sa eskwelahan namin, buhangin at saka ng mga naglalakihang bags na dala-dala nila.
“beach?”
“COREEN DALI DALI!!!”
Hinila ako ni Ivy patakbo papunta sa cottage, mula rito makikita ang kulay asul na dagat. Naglalakihang puno at pati na din ang mga naunang estudyante kanina na ngayon ay nakahanda na upang maligo.
“overnight daw tayo dito Coreen kaya pinagdala kita ng mga damit!” inilabas niya ang kanyang dalang bags at saka inilabas ang mga damit na gagamitin ko. “naisip ko kasi na ayaw mo sumama at baka maging option mo ang pagsama kaya kahit papaano heto pinagdala na kita” nakangiti niyang paliwanag habang naglalabas ng damit na ipapasuot saakin. “tingin ko mas bagay sayo ito”
Nagbihis na si Ivy at saka nagmadaling sumali sa mga grupo doon. Wala na akong ibang kilala ngayon, ako nalang ang naiwan sa cottage. Ayoko sa lugar na ito.
Ayoko sa mga katulad ng lugar na ito.
Ayoko sa matao.
Ayoko sa lugar na madaming lalaki na walang nakasuot na pang-itaas.
Ayoko dito.
Tumayo ako at saka kinuha ang gamit ko. Ayoko nang manatili pa dito dahil natatakot ako.
Naglakad ako palayo at nagtungo sa isang lugar kung saan walang tao, walang lalaking naka-topless at sa lugar kung saan ako lang ang nandito at wala ng iba.
Umupo ako sa buhangin, sa silong ng mataas na puno ng niyog.
Hanggang ngayon, kahit pa sabihin na napapalapit na ako sa mga lalaki, kahit pa may mga kaibigan akong lalaki at kahit pa may kasintahan ako, hindi talaga mawawala ang sakit na naidulot saakin ng isang lalaki. Oo, iba-iba sila. Alam kong hindi kasalanan ng iba, pero sa paningin ko, pare-pareho sila. Wala silang pinagkaiba sa iba. Sila ay iisa dahil lalaki sila. Sila ay sila. Hindi din masasabi kung wala nga ba talaga silang masamang intensyon. Tukso ang mga babae. Panganib ang mga lalaki.
“ang lalim ng iniisip natin a” hindi na ako nagitla pa sa taong tumabi saakin. Siya lang naman ang lalaking nakakalapit saakin maliban kay Andie.
“iniisip ko lang naman ang mga pagkakapareho niyo sa isa’t-isa. Mga lalaki kayo, at lahat kayo ay nakakatakot”
“hindi naman. Paano mo mapagkakatiwalaan ang boyfriend mo kung ang tingin mo saamin ay parepareho. Ang nakalipas ay mananatiling sa nakaraan nalamang. Ang kasalukuyan ay pwede mo pang mapaganda para sa ikabubuti ng kinabukasan. Hindi naman sa hinihiling kong kalimutan mo na ang nakaraan mo. Alam ko namang hindi mo yun makakalimutan, masakit pero sadyang ganyan talaga, may mga taong katulad mo ay nakaranas din ng kalupitan ng tadhana. Marahil sa tingin mo, bihira lang, pero ang totoo niyan, madami kayo.”
Nanahimik nalang ako dahil sa sinabi niya, alam ko naman sa sarili ko na hindi lamang ako ang nakaranas nun. Alam ko din na iba-iba kami ng pamamaraan ng pamumuhay simula nung mangyari iyon.
“yung nangyari sayo, nalaman ko sa kaklase ko noon. Bumalik ako kaagad pagkarinig ko ng balitang yun.” Pinagmasdan ko si Zydn na ngayon ay nakatingala sa kalangitan at pagkatapos ay humiga siya para mapagmasdan ang mga ulap ng mabuti.
“nung sinabi niya ‘yun, nagalit ako. Siguro dahil ginusto ko noon na sa malayo lang kita pagmasdan. Na siguro kapag nandun ako baka nailigtas kita. Pero malay ko naman, puro lang naman ako siguro. Pwede din naman kasing kahit nandito ako, hindi pa din kita natulungan. Ganyan naman kasi talaga ang reyalidad, hindi natin mapipigilan ang mga pangyayari. Kapag nangyari na, edi wala na tayong magagawa. Ang pwede nalang gawin ay i-tama ang mga nagawang mali. Ituwid ang mga nabaluktot. Minsan mahirap ituwid ang bakal pero madami namang paraan para maibalik ito sa ayos.”
“ang bakal kahit maituwid, minsan nangangalawang nalang” salungat ko.
“bakit hahayaan mangalawang ang bakal kung may pintura naman na pwedeng ilapat para hindi siya mangalawang. Ang bakal kapag naalagaan, maganda. Pagmasdan mo yung gate ng mga bahay, hindi lang sila basta-basta na bakal, nagiging palamuti sila, minsan kumikinang pa. kasi inaalagaan at hindi hinahayaang mangalawang, hindi yun pwedeng pabayaan dahil ito ang bumubuhay sa labas ng bahay.” Nakangiti lamang siya habang pinagmamasdaan niya ang mga ulap sa kalangitan at hindi niya ako tinitignan habang nagsasalita siya. Hindi ko din alam kung bakit siya nandito ngayon at inaaksaya ang oras na kausapin ako. Hindi ko alam kung bakit mas pinili niyang pakisamahan ang tulad ko kesa sa mga kaibigan niya ngayon.
Ang alam ko lang unti-onti kong inilapit ang mukha ko sakanya at saka inilapat ang mga labi ko sa mga labi niya. Hindi na niya nagawang magprotesta pa at hindi ko na din napigilan ang sarili ko sa ginawa ko. Ang sumunod na pangyayari nalang na natandaan ko ay nang iwanan siyang tulala dahil sa ginawa ko.
------
holooo si Andrea! nagtataksil ba? @____@ confused? nadadala? hala hala! hihi
so VOTE and COMMENT maybe? love youuuuu guys :***
sorry slow update muna meeee
follow niyo ko sa twitter hahahaha
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro