Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25

sorry sa update TToTT



Chapter 25

 

 

“Coreen” malungkot na tawag saakin ni Ivy. Wala ngayon ang teacher kaya nandito siya ngayon sa tabi ko at halos mangiyak-ngiyak na. “Paano na si Zydn?” umiwas ako ng tingin at saka nag-abalang basahin ang mga text saakin ngayon ni Andie. Hindi ko alam ang isasagot ko kay Ivy. Lalo na’t ako ang dahilan kaya simula bukas hindi makakapasok si Zydn.

“Coreen naman e!” inirapan ko siya at saka nagsalita

“hindi ko alam. Okay? Happy?” Hindi ko naman talaga alam kung bakit ginawa iyon ni Zydn. Wala naman akong nagawang mabuti para tulungan niya ako. Wala din naman talaga dapat siyang pakialam saakin. Ni minsan hindi ko siya pinahalagahan. Tapos heto siya umaarte bilang isang superhero ng isang taong nangangailangan.

Lumipas ang araw na hindi ko na ulit nakausap si Zydn. Parang may isang pumapagitna ngayong araw na ito tuwing kakausapin ko siya. Kaya naman natapos ang araw na pauwi na ako hindi ko pa din siya nakakausap.

“Andrea, okay ka lang ba?” tumingin ako sa kasama kong kanina pa nag-aalala.

“Si Zydn” I retorted “siya yung sumira nung mga camera pati na din ang mga memory card. Bakit niya ginawa yun?”

Huminga muna ng malalim si Andie bago niya ako sinagot.

“ang totoo niyan, ayaw ka niyang pasamahin saakin na umuwi” tumigil siya sa pagsasalita at saka din ipinark ang kotse niya. Nanatili akong tahimik at hinintay muna siyang magpatuloy.

Bumaba siya at saka naman niya binuksan ang pintuan sa side ko. Nasa apartment niya kami ngayon.

“paano mo siya napapayag na ikaw ang maghahatid saakin?” tanong ko nung makaupo ako sa sala niya.

“dahil ayaw namin parehong makita mo yung gulo na mangyayari. Orange Juice o Ice tea?”

“cake” sagot ko nung makita ko yung cake sa loob ng ref niya habang kumukuha siya ng tubig.

“ikaw talaga” kinuha nalang niya ito at saka ibinigay saakin.

“bakit ayaw niyong makita ko yung gulo? Ako ang involved bakit iba ang lumulutas? Ako ang gumawa ng eksena pero bakit dapat may nangingialam?”

“kasi ayaw ka naming masaktan.” Umupo siya sa tabi ko at saka binuksan ang TV pero inagaw ko yung remote at saka pinatay ulit ito.

“ayaw NIYO akong masaktan?” sadyang idiniin ko ang salitang ‘niyo’ dahil hindi ko maunawaan kung bakit nila ginagawa ‘yun. Never ko silang pinahalagahan. Ni hindi nila ako kilala ng lubusan. Maski pangalan ng magulang ko hindi nila alam.

“tama ayaw ka naming masaktan, for once, nagkasundo kami ni Zydn sa isang bagay”

“and so? What for? I mean, why?” kinagat ko ang lower lip ko at hindi nakatingin sakanya.

Sa halip na sumagot siya nginitian lang niya ako at saka pumasok siya sa CR and then the next thing narinig ko na yung pagbukas ng shower.

Limang minuto na ang lumipas nang biglang tumunog ang cellphone niya. hindi ko na kinatok pa si Andie para ibigay ang phone, ako na mismo ang sumagot.

[Andie?] isang boses ng umiiyak na babae ang nasa kabilang linya.

[Andie, I’m sorry. Andie hindi ko naman sinadya e. hindi ko naman---confused ako noon.] Humhikbi siya samalantalang ako ay nakaupo lang at hinihintay ang susunod pa niyang sasabihin

[alam ko, I’m the worst. I even let you go. Naging kampante akong mahal mo ako] ngayon, umiiyak na siya ng lubusan.

[hindi ko naman alam na your feelings will divert to someone na kakikilala mo lang, Andie please]

Feelings for someone. Ako ba? Kaya ba pumayag siya sa kagustuhan ko?

[I’m still in love with you]

hindi naman kasi dapat salitang I Love You ang marinig mo kundi I’m in love with you

 

muli ko nalang naalala ang sinabi ni Andie saakin. Masarap bang marinig ang mga katagang yun? Masaya bang masabihan ng mga salitang mahirap paniwalaan?

[Andie please. Kung naririnig mo ako, please answer me] desperada na siya. Ganito ba ang pagmamahal? Ganito ba talaga ang magmahal? Ang sakit pakinggan ng boses niya. sa tono palang ng boses ng babaeng ito, feeling ko ang sakit sakit na.

Paano pa kapag nakita ko siya? Kasalanan ko ba?

“Andrea? Sinong kausap mo?”

[A-andrea?] halata sa boses niya na gulat na gulat siya. [you’re not An--die?]

Huminga ako ng malalim bago ko sinagot si Andie.

“wala akong kausap Andie. May pinapakinggan lang akong kanta.”

“okay. Teka lang. magbibihis lang ako” pagkasabi niya dumiretso na siya sa kwarto niya para magbihis. He was half naked kanina. Ang fresh lang din tignan ng basang buhok niya. Lalo na yung droplets na galing sa buhok niya. one word, HOT.

“hwag mong ibababa” bulong ko kay Henessey.

Lumabas ako ng apartment ni Andie para makausap siya.

“I’m sorry” mahabang katahimikan ang bumalot saaming dalawa ngayon.

“I’m sorry dahil nasaakin ngayon si Andie”

“I’m sorry because I like Andie but not enough to love him like how you love him” muli kaming kinain ng katahimikan pero ilang saglit lang narinig ko na ang pag-iyak niya.

[I love Andie. so much. I love him so much Andrea] may pakikiusap sa tono ng boses niya despite na umiiyak na siya at parang desperada na.

“I know. But I’m sorry. I can’t give Andie back to you”

[just please, let me talk to him] she said while sobbing. [gusto ko lang naman sabihin sakanya. At least kahit huli na. alam ko naman e, alam ko namang iba na. nung una kitang makita, alam ko na Andrea. Alam kong nakuha mo na sila. Just please, for the last time I want to tell him how much I love him. Please]

Napalunok ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko. This is the first time na hindi nagalit ang babaeng inagawan ko. Bakit ba kakaiba silang lahat? Why do I need to feel this way? Why am I guilty for having the man I like?

Why now? Why Andie? Why them?

“I’m sorry, pero hindi ko alam”

[Andrea Please]

“I’m sorry Henessey”  tinapos ko na ang tawag bago pa siya makapagsalita ulit. Pagkatapos kinopya ko ang number niya at saka binura sa call logs.

I’m not being bitch. Ayoko lang malaman ni Andie.

“Andrea?” narinig kong tinatawag ako ni Andie mula sa loob kaya naman pumasok na ako. Nakasuot siya ng light blue na T-shirt na lalong nakaputi sakanya at saka shorts na mukhang kumportable naman na suot niya.

“hiniram ko ang phone mo. May tinawagan lang ako” I waved his phone for him to see.

“okay. Hatid na kita sainyo” tumango nalang ako at hindi umangal pa. kinuha ko nalang ang bag ko at saka niya ako inihatid sa bahay.

Wala pang ilaw so I assumed na wala pa ang mama ko sa bahay.

“sure kang ayaw mo ng kasama? Willing naman akong samahan ka habang wala pa ang mama mo”

“no need. Matutulog na din naman ako” kumain na din naman kami ni Andie sa daan kanina. Isa pa pagod ako. Dumiretso nalang ako sa loob ng bahay, naligo at saka humiga.

Eleven na ng gabi nang may tumawag pa saakin. Si Zydn.

[hi. Nakakaabala ba ako?] ewan ko pero ang sigla ng boses niya ngayon. Parang nung mga araw na lagi lang niya akong kinukulit. Feeling ko mawawalan ako ng lakas ng dahil sa boses niya.

“obviously” I answered huskily.

[naks! Bedroom voice si ate hahaha]

“cut it out. Hindi pa ako ganun katanda for you to call me ate. And besides ayon sa mga kwento mo kabatch lang kita” umupo ako at saka hinintay ang isasagot niya.

[oo na. nga pala. Walang pasok sa Wednesday. May gagawin ka?] tutal wala pa naman kaming napag-usapan ni Andie na gagawin at tingin ko busy naman siya.

“As of now wala” sagot ko at saka ko kinuha yung teddy bear ko na nakalapag sa study table ko.

[nagyayaya kasi si Ivy, kung sasama ka daw ba sa fieldtrip? Feeling ko kasi pambata kaya---]

“oh, so you’re persuading me to go then? Para may kaedaran ka? Lame” napairap nalang ako at saka ako humiga para yakapin si teddy bear.

“magbigay ka nga ng pangalan”

[hah? Para saan?]

“sa baby ko.”

[what? Buntis ka?]

“DUH!”

[hahaha nanloloko lang e! para kanino?” masigla niyang tanong. Good mood yata siya ngayon.

“sa teddy bear ko. Matagal na siya saakin pero wala siyang pangalan”

[hmmm ang hirap naman! Para naman pinapangalanan ang anak hahaha]

“fine. Forget it. Anyway, why did you do that?”

[did what?] maang-maangan niyang tanong saakin

“reason why you’re suspended of course!” I said mockingly

[kasi gusto ko. Kasi I feel like doing it.]

“doing what? Nung una palang lagi mo na akong tinutulungan, small or big problems. Ngayon ko lang naman napansin na masyado ka ng pakialamero. Zydn, I’m not requesting you to do it. Kaya please tama na. Look, alam kong bitch ako, pero ayoko namang madadamay pa ang ibang tao. Ako ang gumawa ng problema kaya tama lang na ako lang ang lumutas. Sanay akong ako lang ang gumagawa mag-isa, Zydn”

[edi masanay ka na ngayon. Nandito ako, si Ivy, nandito kami]

“but why?”

[I just want to. I want to protect you from everything]

“That’s just. Errr. Lame. Zydn. That’s too lame for a reason. That’s not even a reason”

[for you it’s not but for me it is. Magkaiba naman tayo ng persepsyon. Kumbaga iba ang bilog sa square, pero kahit magkaiba sila pareho pa din naman sila]

“what? I don’t get it. Di sila pareho! Stupid conclusion!”  

[hindi a, pareho naman silang shape. Ibig sabihin lang nun magkaiba man tayo ng pananaw, magkaiba man tayong tao, iba man ang paniniwala natin, kahit pa sabihin mong kanan ka at sa kaliwa naman ako may isang bagay din na magkakapareho tayo. Malamang ngayon hindi pa natin alam. Pero Andrea, once you learn to appreciate, you’ll see everything differently. Makikita mo yung mga nakikita namin na hindi mo pa napapansin, lalo na sa sarili mo. So sa Wednesday, sumama ka]

Parehong bagay?

Ano?

“pwede ka ba sumama? Suspended ka naman. Either way, wala pa akong pera, Zydn. I’ll think about it.” Pagkatapos niyang guluhin ang utak ko pinatay ko na ang cellphone ko para wala ng manggulo pa at makatulog na ako.

**************

i know mejj wawents ang Update. pero okay lang yan. hindi naman kelangan lahat ng chapter maganda at may pasabog. hindi naman lagi may clues na iniiwan. wala naman pasabog ang story na ito e. normal lang XDDD

sorry hwag niyo antayin kung kelan ang UD ko kasi sobrang busy po ako ngayon. malapit na defense namin, tas lagi pa kaming may cases. tas may kanya kanya kaming term paper XD anyway, dabaaa busy? di lang halata hahaha.

follow me on twitter @aril_daine

like niyo ang page ng prove me wrong a
vote and comment

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro