Chapter 21
si Ivy ang nasa gilid XD
Chapter 21
“Oh and please, don’t call me Dee. I’m Andrea. Coreen Andrea Singson, Zydn. Remember that. Please kalimutan mo na kung anong alam mo at kakalimutan ko na din na nag-usap tayo tungkol sa nakaraan ko”
***
Pagkatapos naming mag-usap iniwan ko na siya.
Ilang araw din kaming hindi nagkikita o nagkakasalubong man lang sa school. Same through with Andie, hindi na kami nakakapag-usap dahil na din siguro sa ginawa ko noong nakaraan.
“Coreen paano na ito? Wala pa akong damit para sa party” iyak saakin ni Ivy. Nandito kami ngayon sa bahay nila, sa kwarto niya, naghahalungkat ng damit na maisusuot niya.
“Coreen!” natataranta na siya kaya naman lumapit na ako sakanya at ako na ang naghanap ng damit niya.
“heto” kuha ko sa itim na dress niya.
“ayoko nito. Masyadong revealing Coreen” arte talaga. “o heto” hinagis ko sakanya yung corset dress na may flower design sakanya.
“sa kambal ko ‘to Coreen. Hala! Lagot na talaga ako”
“isuot mo nalang. Hindi ba nagpapahiram ang kambal mo?” iginala ko ang mga mata ko sa kabuuan ng kwarto nilang magkapatid.
“kung ayaw mo edi heto nalang” itinaas ko yung red dress na kanina ko pa hawak hawak. Akin ito, pero ayaw niya dahil masyado daw maiksi. Ang arte. Pinapahiram na nga.
“heto na nga lang” kinuha niya yung corset dress ng kapatid niya na kulay violet at may design na flowers pa sa ibaba.
May party sa school. Hindi ko alam kung para saan pero excited ang lahat dito. Sabi nila, doon lang kasi pinapayagan ang mga lalaki at babae na magkasama talaga. Para siyang JS prom pero hindi naman. High School day kung tawagin nila. Walang teachers, walang magsusupervise. Student Council lang.
“alam mo ba last time na umattend ako, dalawa lang nakasayaw ko?” Inirapan ko siya sa revelation niya. As if i’m interested.
“pwede ba drinks dun?” I asked. Naglakad ako papalapit sa kama niya at saka umupo sa gilid nito.
“oo sa mga 3rd year at 4th year lang” humagikgik pa siya na parang witch.
“iinom ka?” biglang entrada ng kapatid niya. Inilihis ko ang tingin ko sa kapatid niya. Magkamukha sila pero ni minsan hindi ko pa siya nakita sa campus.
“h-hindi a! isa pa---“
“talaga lang a. and you---“ tumingin siya saakin at saka nanlaki ang mga mata niya sa gulat “What the hell are you doing here?” lumapit siya saakin at saka ako sinampal. What the hell!
Tumayo ako at saka hinawakan ng mahigpit ang ginamit niyang kamay para sampalin ako. Mahina lang ang pagkakasampal.
“Trying to be fierce?” I asked. Hindi ko siya kilala. And obviously, hindi siya nag-aaral sa parehong paaralan kasama si Ivy.
“Erin!”
“You! Ikaw yung umagaw sa boyfriend ko!” nanlilisik ang mag mata niya sa galit
“Ivy! bakit ka nakikipagkaibigan sa malanding ito?”
“excuse me? Para sabihin ko sayo, hindi ako ang lumapit sa boyfriend mo, whoever he is.” Binitiwan ko ang kamay niya, I crossed my arms looking viciously at her.
“iniwan ka niya because you can’t satisfy him. He ain’t love you” she glared at me, muli niyang itinaas ang mga kamay niya para sana sampalin ulit ako pero pinigilan siya ni Ivy.
“Erin tama na!”
“nasampal na nga kita dati tapos hindi mo pa din ako naalala? Kaibigan mo ‘tong kapatid ko pero hindi mo ako naalala?” she gritted her teeth “Ghad damn you! Ipinalit niya ako sa isang whore na katulad mo! Ipinalit ako ni Carl sa katulad mong----“
“Erin!” suway ni Ivy sakanya “hindi ganyan si Coreen!” napairap nalang ako sa sinabi ni Ivy. g ito!
“Ivy! myghad! Hindi ako makapaniwalang pumapanig ka sa babaeng ito! Inagaw niya si Carl saakin Ivy! inagaw niya!”
“Carl?”
“Yes si Carl! Na pagkatapos ay iniwan mo lang din naman! Hindi mo alam kung gaano naging miserable yung buhay niya ng dahil sa ginawa mo! Hindi siya pumapasok ng dahil sayo! Laging nagchecheck ng phone, umaasang replyan mo siya” nginitian ko nalang siya at saka ko sinagot.
“He’s just” I paused for awhile “not good for you”
“How dare you! Paano mo nasasabi yan? Trying to look good in front of my sister, E isa ka lang namang bitch na---“
“I’m not a bitch missy, pasalamat ka nga inilayo kita sa katulad niya. Baka hindi mo alam na he’s taking drugs? O kaya naman baka hindi mo alam na---“
“what?”
“he’s taking drugs.” Ulit ko “ He said pampatanggal daw niya ng stressed. See? Ni hindi nga niya sinasabi sayo ang bagay na yan! You think that’s love? Sorry, but please stop your fantasies. You’re too good to be his” nawala ang kaninang nagagalit nyang mukha. Bakit hindi ko siya natandaan? Tama, siya yung babaeng mala-anghel ang hitsura nung nakita ko. Masaya at hindi ang bitchy sa harapan ko. But still, kahit na bitchy siya ngayon, magkamukha pa din sila ni Ivy, parehong maamo ang mukha.
“are you really telling the truth?” halos pabulong niyang tanong saakin
“ask him” umiling siya at saka muling nagsalita “lumipat na sila. Two weeks mula nung iniwan mo siya. Get out now, please”
Lumabas na kami ni Ivy sa kwarto nila. Dala-dala niya ang dress na gagamitin niya.
“sorry sa kapatid ko. Hindi ko naman alam na----“
“okay lang. kasalanan ko naman. Inagaw ko sakanya si Carl. Tara sa bahay.” yaya ko nalang habang hinahawakan ang pisngi kong nasampal.
***
6pm nung nagstart na ang party sa campus. Suot-suot niya ang corset dress ng kapatid niya samantalang nakasuot naman ako ng see-through Beige sa top and pink na skirt and 3 inches high-heels.
“sorry talaga sa kapatid ko kanina”
“Dismiss it. I don’t care about that incident. Natural lang na magrereact siya ng ganun” dumiretso ako sa mga pagkain. Kumuha ako ng steak and salad.
“oh” napatingin ako sa lalaking nag-abot saakin ng Apple Juice.
“Busy? Ngayon lang kita nakita a” kinuha ko yung inabot niya saakin samantalang kinuha naman niya ang plato ko at idinala ako sa table niya. Of course with Ivy na ngayon ay nagniningning ang mga mata dahil kinakausap ko si Zydn. I’m now acting like as if walang alam si Zydn sa nakaraan ko. Ayokong alamin kung anong alam niya. Hindi ko din kayang tanungin sakanya kung anong nalalaman niya. I tend to forget the past.
“busy. Isa kasi ako sa nag-organize ng event” nginitian niya lang ako. Nakasuot siya ng gray na long sleeves and pants. Semi-formal lang naman ang event na ito.
“oh, hindi ko alam na kasama ka sa student council?”
“hahaha. Ikaw talaga. Anyway, ang gaganda niyo ngayon a”
“sus! Nahiya ka pang sabihing maganda si Coreen! Sakanya ka lang naman nakatingin! Dinamay mo pa ako” tumawa siya at saka itinuloy ang sasabihin niya “o siya maghahanap muna ako dun ng makakain ko! Enjoy kayo dyan!”
“hey! Hwag kang uminom!” bilin ni Zydn sakanya. “opo itay! Mag-enjoy muna kayo ni inay!”
“so ahm---“
“sorry. Yung ginawa ko last time. Sorry kung nakialam nanaman ako. Hindi ko yun ugali pero---“
“sorry din nung tinawag kita sa pangalang ayaw mo. At hindi ako pinaasa ni Henessey.” Ngumiti siya sa paglilihis niya ng topic. “mabait siya sobra. Siguro hindi lang siya makahanap ng tamang salita yun para i-turn down ako. Mahirap nga naman kasi yung mambated” tumawa siya
“hindi din. Kung ayaw niya dapat sabihin na niya kaagad”
“pero iba naman kasi kayo Andrea. Ikaw, alam ko nagagawa mo yun. Pero iba din naman kasi siya.” Tumango nalang ako. Alam kong mali din naman ang panghuhusgang nasabi ko kay Henessey.
“tingin mo kelangan kong magsorry sakanya?” hindi ko pa din nagagalaw ang pagkain ko. Malaki ang gymnasium ng campus kaya na-accommodate naman kaming lahat dito.
“siguro. Ikaw? Gusto mo ba magsorry?”tanong niya saakin. Umiling nalang ako, indication na ayaw ko magsorry kay Henessey. For me, I did the right thing.
“tingin mo maghihiwalay sila ni Andie?” halata sa mukha ni Zydn na nagulat siya sa naging tanong ko.
“bakit?” tanong niya na puno ng pagtataka.
“I-I like Andie. I want him for myself. I want him to stay beside me like he did the last time. He makes me happy, Zydn.”
Tumingin siya sa mga nagsasayaw sa gitna.
“hindi naman sila e. hindi ko ‘to sinasabi sayo para makuha mo si Andie. hindi ko din sinasabi ito dahil gusto ko pa si Henessey. Pero sana kung ano man ang gawin mo, sana hwag mong pagsisihan”
“babala ba yan? Dahil baka maramdaman ko kung ano ang nararamdaman niyo? Dahil ba baka masaktan din ako katulad mo? Zydn, I don’t want my feelings to go any further but I’m just being me, I want to be me”
“hindi ko gets. Right now, you’re just Andrea right? Hindi ka pa ba nagpapakatotoo ngayon?”
“It’s because I’m me when I’m with him, like now, when I’m with you.” Napakagat ako sa mga labi ko nung napagtanto ko ang sinabi ko. Ako ay ako kapag kasama ko si Andie at ngayon ako ay ako dahil kasama ko si Zydn.
I looked at him timidly.
“did you just admit that----“
“NO! ah- ahm. No. I am myself when I’m with everyone. Not just because of Andie or Ivy n-nor you.”
“okay. Akala ko kasi—”
“sige Zydn. Mauna muna ako. Doon muna ako” umalis na ako kaagad habang pinaprocess pa ng utak ko ang mga sinabi ko. Nagiging madaldal na yata ako around him.
Subconsciously, I dialed Andie’s number hoping that he will pick up the phone call.
******
ayaw na ayaw talaga ni Andrea yung nakaraan niya e nuh? >3<
ano naman kaya si Erin dito? mehehe.
kelan kaya masasabi ang lyrics ng kantang prove me wrong?
at ano itong Zydn at Andrea moment na ito? magrereklamo ba ang mga maka team andie? XD
at at. paano na marereveal ang nakaraan kung ayaw ni Andrea malaman? @____@
vote and comment!!! dedicated kay Amateurgirls kasi tawa ako ng tawa sa comment niya nun HAHA yung pout thingy na ginaya niya AHAHAHAHAHA
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro