Chapter 15
Chapter 15
“Andrea, saan ba ang bahay niyo” umiling ako dahil ayokong umuwi saamin.
“sige ganito nalang. Isasama muna kita sa apartment ko, pero kapag okay ka na. ihahatid na kita agad ah? Baka mag-alala magulang mo”
…
Sinubukan kong tumakbo ulit pero nahatak ako. Nakakatakot siya. Hindi sya yung kaklase kong may maamong mukha. Nakakatakot sya. Pilit kong hinihila paalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero lalong humigpit ang hawak niya saakin.
“please” iyak ko sakanya. Napatingin ako sa labas ng classroom at nandun pa ang kaibigan ko. Nanlalaki ang mga mata niya a-at natatakot “CELINE!”…
“Andrea!”
Lumayo siya. Lumayo siya na tila walang nakita.
“ANDREA!”’
“Andrea”
“hwag mo kong hahawakan!” nanatili akong nakapikit. Nanginginig ako sa takot. “hwag mo akong hahawakan. please” mahina at halos mawalan na ako ng boses sa pagkakasabi ko.
“Ako to Andrea. Ako ‘to. Tama na hwag ka ng matakot.” Naramdaman kong niyakap niya ako.
“hindi mo ako iiwan?” habang nakapikit ako ngayon, nakikita ko nanaman ang paglayo niya saakin. CELINE!
“hindi. Dito lang ako Andrea” unti-unti akong umupo para mayakap ko din siya. Natatakot na akong maiwan mag-isa.
“tahan na. hindi bagay sayong umiiyak e” pabiro niyang sabi saakin habang pinupunasan ang mga luha ko.
“umiiyak ako?” ewan ko ba kung bakit ko natanong yun. Para akong wala sa sarili.
“nananaginip ka kasi” Pinagmasdan ko ang kabuuan ng lugar. Nakaopen ang ilaw kaya kitang-kita ko ang pagkadirty white ng pintura. Gray na bed sheet, mga nakadikit na poster at nakasabit na gitara hindi ang klasrum na bakante.
“heto inumin mo” kinuha niya yung tubig na nakapatong sa side table. Malamig pa ito kaya halatang kapapasok lang niya sa kwarto.
“s-salamat?” ngumiti lang siya sa naging sagot ko.
“gusto mo bang kumain? Nagluto ako” tinignan ko lang siya.
Napakamot nalang siya ng ulo dahil hindi ko siya sinagot.
“hwag kang mag-alala. Masarap naman ako magluto haha” nginitian niya ako para i-assure ako.
“maliligo ako” I said.
“ah? S-sige. Teka maglalabas lang ako ng twalya. Saka ng gagamitin mong damit. Okay lang ba kung yung t-shirt at short ko nalang?” sa kinikilos niya para siyang natataranta.
“first time mo bang magdala ng babae sa apartment mo?” tumayo ako sa kama na parang wala akong napanaginipan. Like the usual.
Napakamot muli siya ng ulo saka ako sinagot “oo e. haha” kinakabahan siya na akala mo naman may gagawin ako sakanyang masama.
“okay, hindi ko sasabihin” sabi ko habang lumalapit sakanya, kumukuha siya ng gagamitin kong damit.
“kanino naman?” tanong niya habang nangangalkal.
“kay Henessey.” Tumayo siya saka inabot saakin yung T-shirt, Short pati na din ang twalya.
“heto na. yan yung bathroom” turo niya sa pinto.
May sariling bathroom ang kwarto niya. Base naman sa laki ng kwarto niya, mayaman siya. Isa pa,apartment lang niya ito?
***
“A-Andrea?” tawag ni Andie habang naliligo ako. Hindi ko siya pinansin.
“okay ka lang ba? Kanina ka pa dyan baka kasi----“
“I’m fine. Ganito lang talaga ako katagal maligo”
agad akong lumabas pagkatapos ko, saka ako dumiretso sa labas ng kwarto ni Andie. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng apartment niya. Masyadong malaki ito para sa isang tao.
“Tapos ka na pala, kain ka na” yaya niya habang nakangiti sakin. Feeling ko nag-iba ang treatment niya sakin ng dahil sa nalaman niya kanina.
Umupo ako at nag-umpisang kumain. Alam kong nakatingin lang siya sakin and maybe he’s wearing his curious face.
“what?” I asked not looking at him.
“wala naman, napaisip lang ako.”
“kung naawa ka sakin, don’t. please. Ayoko ng awa” cause I can manage it by myself. I can handle it.
Natahimik siya saka umupo sa harapan ko.
“hwag kang ma-o-offend sa itatanong ko a” tumigil siya pero agad din naman niyang itinuloy nung wala siyang nakuhang response saakin “bakit mo ginagawa ang mga yun?”
I knew it.
“like what? Flirting? Bitching around? Kissing someone I have never talked to? Then later on will take a bath for around 1 and a half hour?” I then rolled my eyes.
“oo. Hwag mo na sagutin kung---“
“dun ako Masaya. Kapag nakikita kong may nasasaktang lalaki, sumasaya ako. Pinapakita ko lang sakanila na hindi sila nararapat. Na parepareho sila. Gusto ko silang saktan. Gusto ko silang nakikitang umiiyak. Gusto ko silang nagmamakaawa saakin. Alam mo ba kung bakit? Kasi doon ako nakakaganti Andie.”
“ang saktan sila ang main priority ko. Alam mo bang after that incident, nawala na talaga ng tuluyan sa bukabolaryo ko ang salitang love?”
Tinignan naman niya ako na parang naintindihan niya ako.
Tinignan naman niya ako bilang ako.
“then you really hate us?” may pagtatakang tanong niya.
“I don’t hate men Andie, I just don’t like men.” Parang naconfuse naman siya sa isinagot ko sakanya.
“I can learn to like them but not grow to love them”
“ah” napatango nalang siya and in a way naintindihan niya ang point ko.
Come to think of it, he’s still a guy. He’s still one of them.
His expression right now makes me want to tease him. I don’t care kung alam niya na ang nakaraan ko. Like I said, nakaraan na yun. Wala ng magbabago. Hindi ako natulungan. Tapos na. live with it. I am the product of that effin’ incident. I just want to tease him now! Damn it!
“Who knows, I might do something to you too. Not later Andie but maybe sooner” I whispered with a playful smile.
Pero instead na magulat siya sa sinabi ko ngumiti lang siya saakin at saka sinabing:
“ngayong gabi, ang dami kong nalaman sayo, I like the playful you. Bagay sayo ang ngumingiti, always wear that smile Andrea.”
***
A/N: baka kasi may magtaka kung bakit ganan si Andrea, actually nagsearch ako pero di ko sinasabing tama ang nakalap ko. lack of infos pa din namn ako e. pero kasi sabi dun minsan may mga victim na hinahayaan nalang ang nangyari yung tipong binaon sa limot at di sinasabi. meron din yung nagchange sila ng lifestyle and yung takot sa crowded places pati magtiwala sa tao. flashback, pinapanaginipan ang nangyari. mga ganun :))))
SO YEAH!! pinipilit kong pagaanin ang PMW. nahihirapan ako mag UD e XD
VOTE and COMMENT love love :)))
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro