Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[Valentine's] Scarlet Notebook


''YOU WILL stay there as soon as you recover, Jamie. And I won't let you escape in my sight.'' marahan ngunit seryosong wika ni Rosetta sa akin habang nagdadrive siya ng kanyang sedan. Kanina pa siya nagsasalita habang nasa kasagsagan kami ng biyahe at pinili ko na huwag lamang siya pansinin. Nakatingin lamang ako sa kawalan ngunit kataka-takang pumapasok pa ang kanyang mga sinasabi sa aking utak. Kanina lang ay kasing blanko ito ng dilim ng dinadaanan namin.

Being with him for months is not pathetic after all. I admit that joining his club help me a lot from enhancing myself, it also help me to get some clue about the suspected killer of my brother. The club is so great because of him, there's no air of thrill and excitement without him. He's the root of the fine and excellent tree which trying to reach the sky to have peace. I became part of him but I think I should take the initiative to leave him. I'm just a poisonous fruit that will destroy him soon so I should do the first move...so I'm walking away from him.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman niya sa oras na mabasa niya ang sulat na ipinadala ko kay Lorelei pagkagising niya. Alam kong magagalit lamang siya kapag nalaman niyang ginamit ko lamang siya para makakuha ng impormasyon. Ayokong makita na magalit siya sa akin kaya mabuti kung tatakasan ko nalang siya. Siguradong hindi niya naman ako mahahanap dito.

Well, asa naman na hahanapin niya ako?

But I'm hoping that he's alright right now.

''Pinagsisisihan kong sinamahan kitang dumulog sakanila no'n kaya nagkainteres ka sakanila! Kung alam ko lang sana Jamie!'' the incident pushed her buttons that's why she's guarding me. I'm glad that she came immediately in the hospital. I was uncontrolled, glad she's there to calm me. She's the only one that can tame me especially in that situation. She cried when she discovered what happened. I'm so thankful that Lorelei is not there when she's baffling stupid things.

Matalik kong kaibigan si Rosetta at siya nga ang nagdala sa akin sa Q.E.D Club. Sa totoo ay matagal ko nang gustong pumunta sakanila nang mabasa ko ang blog ni Lorelei tungkol sa mga kasong naresolbahan nila. They investigate crimes in Clark High and the possibility is high that they can help me from finding my brother's killer. Ngunit nang mapagtanto ko na ni-reject niya ang membership ni Rosetta ay nagpasya ako na kilatisin muna sila bago umatake.

Nagkalap ako nang impormasyon lalo na sakaniya, at doon ko napag-alamang matalik niya palang kaibigan si Rhiannon. She was my brother's friend at madalas kaming mapagkamalang magkapatid. Pareho kasing nakabraid ang magkasing kulay naming buhok.

Mabuti nalang at nahalina sa ganda ko si Wesley Nuñez at naging creepy stalker ko. Alam ko naman talaga na siya yun dahil madalas siyang ituro ng isang kamiyembro ko sa repertory club. Ngunit ito'y isang maganda ng pagkakataon, dumulog ako sakanila kasama si Rosetta at nagtagumpay nga ang aking plano. Tandang-tanda ko pa ang mga gulat na mata niya nang makita ako, ni hindi nga siya makatingin sa akin ng deresto.

But what happened last week scares me, big time. Not only to myself but for him. I'm aware that we are dealing with dangerous man. And I'm scared that my lies will be used against him. Dama ko nang mga panahong kasama ko siya na mahalaga si Rhiannon sakanya, kahit nga ang pagbanggit sa pangalan nito ay mabilis siyang naaapektuhan. At ayaw kong gamitin ang mukha ni Rhiannon para sa mga kasinungalingan ko. Mabuti nalang talaga at nagpadala ako ng mensahe sakanya. Alam kong ang pag-alis ang pinakamainam na gawin para sa ikakabuti ng lahat.

Mukhang kailangan ko nalang ata maniwala sa awtoridad at kay Rosetta na aksidente lang ang pagkamatay ni Kuya. Kailangan ko ng sumuko.

I'm going to study in one of the secondary schools there in Swerelle City and Rosetta promissed that after this school year, she'll transfer too. Siya na ang nag-asikaso ng lahat at mukhang wala na akong magagawa dahil hindi makakapayag si Rosetta na di ako agad makalipat. She wants me to be away from them. She keeps blaming herself from what happened which made me irritated. Kung kaya ko lang siya patigilin ay gagawin ko ngunit masyado niya talagang dinibdib ang nangyari.

I had a retentive memory that's why I can remember vividly how that twisted and maniac guy humiliated me. It's unbearable torment. But watching him being whipped got me.

I fought the rivulet of tears that come to form and tried to shond it away ie my mind.

I'm so pathetic for doing nothing.

"Damn it!" Nagulat ako sa biglang pagmura ni Rosetta, mukhang may hindi magandang nangyari. "Nasiraan tayo, malapit na sana tayo e."

Lumabas siya ng sasakyan at sumunod naman ako, kaya lang agad kaming bumalik dahil biglang bumuhos ang ulan. Nakakabigo dahil kanina lang ay nagpakita ang kalangitan ng magandang panahon. Katulad ng reyalidad, hindi mo talaga alam ang mga mangyayari.

"Paano na yan? Wala pa naman akong kakilala dito." Napasapo ng noo si Rosetta, pinagmamasdan ko lamang siya. I'm very glad that I have a friend like her whom I can trust. But sometimes, I don't like the idea of depending her, I feel so hopeless and pathetic. Hindi porket nawala na si Kuya ay dedepende na ako sakanya. Siguro kung hindi ko lang talaga kalangan lumayo, hindi ko siya hahayaang tulungan ako.

Pareho kaming nagulat dahil may matandang lalaki na biglang kumatok sa bintana ng kanyang sedan. Yinayapos niya ang kanyang sarili ng jacket na suot niya, hawak nito ang isang flashlight at isang payong na panangga sa malakas na buhos ng ulan.

Napatingin sa akin Rosetta at tinanguan ko nalang. Madali ko siyang mabasa. Siya yung babaeng hindi bata-basta nagbibigay ng tiwala kaya di na ako magtataka kung hihingin niya pa ang hudyat ko. Binuksan nga niya bintana at kinausap ang matanda.

"Mga hija mukhang nasiraan kayo ah. Gusto niyo bang manatili muna sa bahay habang maayos ang sasakyan niyo at hanggang sa tumila ang ulan?" nakangiting sabi nito. "Huwag kayong mag-alala mabuti akong tao."

"Huwag na po, nakakahiya. Kapag tumigil na po ang ulan ay ipapaayos ko po ang sasakyan."

"Aba hija! Huwag na kayong mahiya! Tyaka delikado ang Swerelle City kapag gabi lalo na't patungo a doon. Nakakapagtaka nga at nagkainteres pa kayong pumunta dito." Nakakapagtaka naman ang matandang ito. Ano naman ang delikado sa lugar na 'to? At bakit sinisiraan niya ang lugar niya? "Tyaka huwag na kayong mag-abalang ayusin yan. May tauhan akong marunong mag-ayos, aayusin nalang yan sa garahe ng aking bahay."

"Don Falcon ano pongproblema?" may pulis na biglang sumulpot sa gilid niya. Balbas sarado ito at mararamdaman mo ang maawtoridad na aura niya. But he seems friendly while approaching the old man."Bakit nasa labas pa po kayo?"

"Naku Wilverino! Mabuti at dumating ka, pilitin mo nga ang mga kabataan na ito. Nag-aalala ako sa mga ito e, nahihiya pa. Nasiraan sa daan. Husto k manatili muna siya sa aking bahay habang hindi pa sila bumabyahe. Baka matulad ito sa apo ko."

"Mabuti pa ay sundin niyo nalang siya. Hindi maganda ang Swerelle City kapag gabi, mabuti at di pa kayo nakakaabot sa kabihasnan." Nawiwierduhan na talaga ako sa pinagsasabi ng mga ito. Ano ba ang mayroon sa lugar na ito? There's something weird in here.

Sa huli wala naman na aming nagawa. Pinagbigyan nalang naming ang matanda. Wala naman akong nakikitang masama dahil ramdamko na mabuti naman siyang tao. Sa halos ilang buwan ko sa club at pagiging kasapi ng repertory club, alam ko na yung nagpapanggap sa hindi. Tyaka hindi naman kami hahayaan ng pulis na iyun kung masamang taong ang matandang ito.

Mabuti nalang at may dala itong extra na payong kaya may magagamit kami. Mukhang nagiging komportable naman si Rosetta dito habang ginigiya kami nito sa kanyang bahay. Nag-uusap sila habang naglalakad kami.Literal na napanganga ako sa nakita, bahay lang ang tawag niya dito?

It's a mansion!

Pinatuloy nga kami ng matanda. Mukhang tuwang-tuwa siya dahil may bisita siya. Nahiya naman kami dahil ginising niya pa ang kanyang mga kasambahay para pagsilbihan kami. Inutusan niya yung lalaki na tauhan niya na ayusin ang sasakyan naming.

"Ang bait niya no?"nakangiting sabi ni Rosetta, narito kami sa guest room. "Tunay nga talaga siyang Don! Mabuti at naflatan tayo, ang ganda-ganda ng mansion niya! Sana huwag nang humupaang ulan." May salitik talaga ang babaeng 'to.

NAIWAN PHONE KO SA SASAKYAN, KUNIN KO LANG.

Sinulat ko yun sa aking notebook. Gusto niya sana akong samahan pero umiling ako. Pagod siya masyado sa biyahe, mabuti nalang at pumayag. Sa mabilis na panahon, alam ko na ang mga pasikot-sikot dito. Habang papunta sa garahe dala-dala ang payong, may nadaanan akong bungalow na talagang nakaagaw ngatensyon ko. Maganda ang pagkakadesinyo nito.

"Ang ganda no? Sa murang edad, denisenyo yan ng apo ko kaso wala nasiya dito sa mansion." Nagulat naman ako sa bigang pagsalita ni Don Falcon. Tahimik lang ako. "Bakit pala nasa labas ka?"

Tinuro ko ang garahe.

"Nasabi ng sa akin ni Rosetta ang kalagayan mo. Alamkong makakarecover ka. Sige alis na ako."

Napatingin ako sa pag-alis niya, nakangiti ngunit kitang-kita ko ang lungkot niya.

''We are here.'' Naayos nga ang sasakyan namin kinabukasan at agad kami nagpaalam kay Don Falcon. Ayaw pa nga kaming paalisin pero nangako kami na babalik kami.

Pagkatapos ng ilang minuto na biyahe ay dumating na rin kami sa ancestral house nila dito sa Raybolthe Village, malapit-lapit lang pala ito sa mansion ni Don FAlcon. Dito na ako manunuluyan at kailangan ko pang hintayin ang summer para dito na rin siya permanenting tumira.

Tanaw na tanaw ko ang renovated na malaking bahay na nasa aming harapan. Pinaghalong klasiko at moderno ang naging kahihinatnan nito. Nahaharangan kami ng isang silver na gate na kasing tangkad ng mga brickwall na siyang nagsisilbing linya para sa makapasok sa loob. Mula sa labas ay kitang-kita namin ang fountain na may dalawang hubad na anghel.

''Let's go, ipapakuha ko nalang ang gamit mo kay Eros pagkapasok natin sa loob.'' she may be pertaining to her cousin. Madalas siya ikwento sa akin ni Rosetta.

Hindi pa nga kami nakakapasok ay nakita namin ang isang lalaki na kakalabas palang ng bahay. Nakakhaki short ito at puting V neck. Nakatali ang hanggang balikat nitong buhok. Agaw pansin ang makapal nitong kilay na binibigyang diin ang kulay tsokolate nitong mata. Sa unang tingin, aakalain mo na isa lamang siya sa mga lalaking lothario, ngunit nang ngumiti siya ay naalala ko lamang si Allistair sakanya.

Speaking of him, sana ay magising na siya.

''Eros!'' sigaw ni Rosetta at agad na yinakap ang pinsan. Pansin ko na magaganda talaga ang kanilang lahi. ''Oh my gosh, akala ko kung sinong gwapo!''

Humalakhak lamang ito, pati sa paghalakhak ay hindi nawawala ang kanyang kagwapuhan bagkos mas lalo lamang siyang gumwapo.

''Insan naman, bolera ka talaga.'' natatawang sabi nito.

Rosetta suddenly grabbed me and let me stand beside her. Agad ko namang nakuha ang atensyon ng pinsan niyang nagngangalang Eros. Eros, the God of Love. It really suit him, he has the God-gifted appearance. But the Norse God who contrives evil and mischief will always be the...

Shut up, Santiago! Just move forward and forget the things about him.

''Anyway siya na nga pala si Jamie, remember her? Siya yung crush mo noon.'' makapal ang mukha na sabi ni Rosetta. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng aking pisnge dahil sa kahihiyan ganun din ang kanyang pinsan na napakamot nalang ng ulo.

Minsan ang sarap talaga sapakin ni Rosetta. That's the reason why I keep my mouth shout. Naalala ko ang mga panahon na hanggang seen lang sa messanger ang request message ng pinsan niya at hanggang ngayon ay di ko pa rin ito inaaprubahan ang friend request niya. I just hate the people that liking me in creepy way. Madalas nga siya sa akin ikwento ni Rosetta ngunit di ko pa siya nakikita. It's the first time. At di porket pinsan siya ng kaibigan ko ay papaunlakan ko na siya ng atensyon, pinalaki pa rin ako ng mga magulang ko sa utos na 'Don't talk to strangers'.

But matagal na rin yun nang tumigil siya. Nakakainis nga kay Rosetta dahil pinaalala pa!

''H-Hi I'm Eros, let's don't be awkward. I have a girlfriend now so you don't have to uh..''

''Girlfriend?'' usisa ng kanyang pinsan at pinaningkitan pa siya ng mga mata.

''Well future girlfriend. Nililigawan ko pa lang siya.''

''Sino naman 'yan?''

''Bago mo ako tanungin sa lovelife ko buti pa ay pumunta na kayo sa loob. Nagpaluto ako kasi mukhang pagod at gutom kayo sa biyahe.''

''Sige na nga! Tara na Jamie, kailangan mo magpahinga.'' hinila niya nalang ako papasok ng bahay. Eros on the other hand, starting to get my luggages. ''Kumain ka muna bago ka magpahinga, okay?''

Agad kaming dumeritso sa kusina at tumambad sa amin ang ibat-ibang putahe na nakahain sa hapag. Ginutom tuloy ako dahil sa bango nito.

''Oh did I tell that he's good in cooking, didn't I?'' she proudly said. She ushered me to the stool and I let myself perched on it. I bit my lower lip while watching the dishes, I'm craving already!

''Kain ka muna, may tatawagan lang ako.'' Pagpapaalam ni Rosetta na hindi ko na pinaunlakan ng atensyon. Nagsimula na akong kumain. Ilang oras din akong di kumain sa biyahe kaya hindi nakakapagtakang gutom na gutom ako ngayon.

Binagalan ko ang pagkain ko nang makita si Eros. He's grinning ear to ear while his eyes are focusing on her phone. Ewan ko pero medyo nawirduhan na ako sa mga ngiti niya. He maybe texting her future girlfriend.

Naramdaman niya ata na nakatingin ako sakanya kaya inangat niya ang tingin niya sa akin. Nagulat ako ng bigla niya akong nginisihan. Malayong-malayo sa pinakita niyang ngiti sa akin kanina. Napakurap ako at nakita ko muli ang ngiti niya kanina. Namamalikmata lang ba ako?

Bago pa niya kainin ang distansya na nasa pagitan naming dalawa ay bumalik na si Rosetta. Wearing an awful look that she usually use in times of trouble.

''What the problem couz? Bakit nakasubangot na dyan ang mukha mo?''

Instead of answering her cousin, she chose to look at me.

''Jamie I need to go back. Maraming kaganapan sa Clark High ngayon at kailangan ako ng Club namin. As one of the officers, kailangan kong tumulong. Clark High is in chaos because of the...you know what I mean.'' she said.

''Pero kakadating mo pa lang babalik ka agad.'' kunot-noong tanong ni Eros, halatang nag-aalala sa pinsan. ''Bukas ka na bumyahe.''

''Gustuhin ko man pero kailangan na kailangan talaga ako.'' Napatingin siya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. ''Jamie okay lang ba? Hope you understand. Si Eros naman ang bahala sayo at nag-usap na rin kami. Sisikapin kong bumisita dito every saturday at may skype naman.''

Gaya ng dati, tiningnan ko lang siya. I can't respond because the incident got my tongue. I'm traumatized. Rosetta looked at me with sad face, expecting me to answer even if it's impossible. Tikom lang ang aking bibig habang nakatingin sakanya.

''Kung siya ang iniisip mo, ako na ang bahala sakanya.'' Eros said then look at me. Hindi ko na magawa pang tingnan siya, I don't know.

''I'm planning to stay there, swear!''

''Maiintindihan naman siguro niya.''

Sa araw ding 'yun ay umalis din agad si Rosetta. Bago bumyahe ay nang-iwan ng mga bilin ito pati na rin death threat sa pinsan. Narinig ko na mukhang gusto niya akong ipabantay sarado kay Eros. Bagay na ayokong mangyari. Hindi naman ako mapapahamak dito. Gustuhin ko mang umangal ngunit di ko naman ito naisatinig.

Nasa loob na ako ng aking kwarto habang nag-aayos ng gamit nang may napansin ako sa doorknob. Sinirado ko ito at halatang may gustong pumasok galing sa labas. Kinabahan ako bigla, agad kong kinuha ang stun pen na binigay niya sa akin. He gave me this, it's not like Lorelei's stun pen. Mas upgraded ito at kaya nitong abutin kahit di na ilapit sa papatamaan. Hinanda ko na ito habang hinihintay ang pagbukas ng pinto.

Isa lang ang taong nasa isip ko ang magtatangkang bumukas niyan. Si Eros.

Hindi nga ako nagkamali, pagkabukas ng pagkabukas niya ng pinto ay sumandig ito sa haligi ng pinto. Isang nakakatakot na ngisi ang iginawad niya sa akin. Pinasadahan niya ang kanyang nakawagwag na buhok habang tinitingnan ako. Hindi ko makita ang nakilala kong Eros kanina, mukhang di nga ako namamalikmata nang nasa kusina.

''Oh? Hanggang sa personal ba naman ay isi-seen mo pa rin ako?'' he asked mischievously. Nakaramdam ako ng takot habang kaharap siya. ''I heard that you are traumatized because of the harrasment of some prick.''

Nakatingin lamang ako sakanya, hindi ko pinahalata ang aking takot. Naging bitter ba siya dahil sa mga nagawa ko?

''Don't worry I'm not going to harm you and act like a bitter man. I just want to inform you that you are living in my house and you're my responsibility because of my cousin. You should follow my rules.''

Wala siyang nakitang reaksyon mula sa akin kahit sa loob ko ay gusto kong kumontra. At wala akong ideya sa pagbabago niya ng ugali. Halata ko ng nagpapanggap siya dahil magaling na artista din ako, hindi ko lang alam kung bakit ganun siya. This man is very mysterious.

''Isa lang naman ang kailangan mong gawin, sundin mo lahat ng utos ko.'' He said, ''Magpahinga ka muna kung gusto mo. Bukas maghanda ka dahil magtitake ka ng exam para makapasok ka na sa Swerelle High sa lunes.''

After that he closed the door. He's really weird.

~*~

''Hi I'm Cupid nice to meet you!'' bati sa akin ng lalaking magiging seatmate ko. Maputi siya at clean cut ang buhok. He looks nice but I have no plans of befriending him or anyone here who are obviously interested to me. Kanina pa sila tingin ng tingin sa akin lalo na ang mga kalalakihan. After many days, I was finally a student here in Swerelle High. Maganda nga ito at parang katulad lang ng Clark High. Nevertheless, I still want to feel the seclusion. I want to be alone.

I distanced myself from him. Since the incident happened, I have a phobia with boys. Hindi ko lang alam kung bakit medyo di ako tinatablan pagdating kay Eros.

Nahalata niya ata ang ginawa ko, magsasalita sana siya ngunit nagsimula na ang aming guro. We both listen attentively.

Eros was the one who enroll me here. Sinabi niya na rin ang kondisyon ko kung kaya't batid ng mga guro at kaklase ang aking katayuan. Hindi na nga ako nakapagkilala, mismong yung teacher na ang nagpakilala sa akin. Lumipas ang ilang oras ay sumapit na rin ang breaktime. Matutulog sana ako ngunit bigla ako kinalabit ng katabi ko. Ngayon ay may kasama siyang isang magandang babae. Mahaba ang buhok nito at hindi mapawi ang ngiti.

''Hi I'm Psyche Reyes, gusto sana naming ayain ka ni Cupid na magbreaktime.'' Her eyes were twinkling. Bigla kong naalala si Lorelei sakanya. Kahit may pagkabitchy ako sakanya noon, it's just a show. I know that she doesn't deserve that treatment, she's very kind and smart. I just want him alone that's why. Ayokong madivert siya sa ibang bagay kagaya ng babae, I want him to focus in finding M. Malaki kasi ang hinala ko na may kinalaman ito doon.

Namangha naman ako sa pangalan nila. Cupid at Psyche? Bigla ko ring naalala si Eros. Hindi na ako magtataka kung puro pangalan ng mga Gods and Godesses ng mga estudyante dito sa Swerelle High. Hindi pa man ako nakakailing ay may biglang humila sa akin. Hindi ko naisatinig ang aking daing.

''Let's go.''

''Eros nasasaktan si Jamie. Stop being violent!'' sigaw ni Cupid. Actually hindi niya na ako kailangang ipagtanggol dahil medyo sanay na ako sa pagiging marahas ni Eros. Napansin ko ang pagpawi ng ngiti ni Psyche at ang bigla niyang pamumutla nang makita ito.

''Tss.''

Hindi lang siya pinansin ni Eros at patuloy pa rin sa pagkaladkad sa akin. Mukhang masama naman ang araw ng isang to.

''Kaya hindi ka magustuhan ni Psyche e! Mabuti at binasted ka niya haha!''

Eros stopped his track as Cupid got his attention. Parang napatid nang biglaan ang kanyang litid sa sinabi nito. So si Psyche pala ang nililigawan niya? And oh she turned him down huh? Kaya ba medyo hindi na maganda ang araw niya nitong nakaraan?

Lumingon siya sa dalawa at kitang-kita ko kung paano namutawi ang ngisi sakanyang labi. His signature smirk.

''Sabi nga ng isang napakahusay na manunulat, 'You might very well think that, I couldn't possible comment'."

After that, he dragged me again out of the room. But I manage to steal a glimpse from them. I saw Psyche's sad face while I saw anger from Cupid. On the other hand, the man beside me has a grim line on his lips. It's like he doesn't care at all. That is want he want to show but he can't fool me. I can read between the lines and the show awhile ago was just a pretense.

''I know what you're thinking and you are wrong. She was just an entertaiment.''

Uh-huh.

Bigla siyang tumigil at hinarap ako, hawak hawak pa rin ang aking braso. Para siyang naiirita sa akin e wala pa nga ako sinasabi. Masyado siyang defensive.

''You're not believing, tss.'' iritado niyang sabi. ''Huwag kang lalapit kay Cupid. He's not a good person.''

I fought myself to create a smirk.

Mga lalaki talaga, sila talaga yung totoong pabebe.

Lumipas ang mga araw at naging maganda naman ang pananatili ko sa Swerelle High. Ngunit di ko pa rin maitatanggi na parang may kulang sa akin.

''Jamie did you have a date in Valentines Day? Bukas na yun di ba?'' tanong ni Psyche sa akin. Narito siya sa bahay ni Eros, particularly sa kwarto ko. Nagbabasa ako ng mga notes habang dinudungaw niya ang kwarto ni Eros sa kabila. Narito kami sa may veranda.

We became friends. Masyado kasing persistent itong si Psyche kaya nauwi kami sa ganito. She's actually sweet, adorable....and crazy. Nalaman ko na gusto niya naman pala niya si Eros tapos binasted niya naman talaga ito...kung binasted niya ba talaga. Sa tuwing narito siya ay ganyan ang ginagawa niya. Mabuti nalang at di nagrereact si Eros, well, I think gusto niya rin naman na nandito sa bahay niya si Psyche. Minsan may pagalit-galit pa siyang nalalaman sa akin tapos sa huli magtatanong kung kailan ba babalik ulit si Psyche. Ang gugulo nila kaya nga diverted na rin ako masyado. At sa lovelife pa nila!

I'LL SLEEP

Sinulat ko yun sa aking notebook at pinakita sakanya. Nakita ko naman ang pagkabahala sakanyang mukha.

''No way Jaime!'' paghihisterya niya, ''Gusto mo bang ako na ang magsettle ng date para sayo?'' Umiling lang ako. ''But Jaime it's Valentines Day!''

LET ME THINK ABOUT IT

''Pag-isipan mo mabuti ah?'' Sinulat ko lang yun para manahimik na siya. Iniinom ko ang orange juice nang magsalita siya muli. ''Ako kasi plano kong ayain si Eros sa Valentines.''

Halos masamid ako sa sinabi niya. Ako naman ngayong ang nabahala, nagbibiro ba siya? Siya na ang nag-aaya pero babae siya?

''Loki dear I'm always here for you no matter what happens.''

Naalala ko bigla ang mga pinaggagawa ko sakanya. Wala naman akong pinagkaiba kay Psyche.

''Tulungan mo ako ah? Gusto ko ngayon na! Katok na tayo sa kwarto niya.'' Kinikilig niyang sabi. ''Dapat talaga sinagot ko na siya e. Bagay kami no? Eros and Psyche are fated to love each other. Kung hindi lang sana ako naniwala kay...teka di ba si Minerva at Venus yan? Ano ang ginagawa nila dito?''

Napatingin ako sa dalawang babaeng nasa gate. Si Minerva ang running for valedictorian ng aming klase samantalang si Venus naman ang muse at matalik silang magkaibigan. Nakita namin na lumabas si Eros ng bahay at sinalubong ang dalawa. Napakunot ang aking noo nang makitang ginapang ng kamay niya ang bewang ni Venus, mukhang inasar pa sila ni Minerva. Bagay na nagpasinghap sa aking kaibigan.

''S---Sila na pala.'' nanginginig ang kanyang boses at nangingilid ang kanyang luha. Gusto ko siyang aluhin pero di ko alam kung paano. Nakatingin lang ako sakanya, kitang kita ang pagkabigla at sakit sakanyang mga mata. Napayuko siya, ang nagbabantang luha ay tuluyan nang lumandas sa kanyang pisnge. Mabilis niya naman itong pinunasan. ''Kung hindi lang sana ako nagduda sakanya at nagpaniwala kay Cupid baka kami na.''

Napakunot-noo naman ako sakanya, ano naman ang kinalaman ni Cupid dito? Cupid is her bestfriend. But we are not that close like the closeness between me and Psyche. Aside from the fact that I am afraid to get near to boys, there's something on him that I can't define. Something that made me distance myself from him. Kahit sobrang bait niya sa akin, mas prefer ko pa ang pagiging marahas ni Eros. His feeling is suppressed.

''Cupid told me that Eros likes someone in our class and he is just using me to get close to her. Nalaman ito ni Eros ang pagdududa ko kaya itinigil niya ang kanyang panliligaw. Ayaw niya daw yung mga walang naniniwala sakanya.'' napatingin siya sa labas. ''At mukhang totoo nga, si Venus pala talaga ang type niya. She's my seatmate. Dapat talaga di na ako nagduda. Ayos lang kung gamitin niya ako basta magkasama kami.''

Medyo nalito ako sa sinabi niya. Cupid is telling the truth at kung tutuusin ay tama lamang ang kanyang disesyon. Bakit nagsisisi pa siya? I don't understand.

''It seems you didn't get my point. Sooner you will know.'' She gave me her saddest smile. She wiped her tears and filled her lungs with air. The pain and sadness are very visible in her eyes though she still manage to smile.

''I think I'm going home now. It's game over.'' isa-isa niyang kinuha ang kanyang gamit at nilagay sa kanyang shoulder bag. I bit my lips while feeling the guilt. How bad of me. Ni hindi ko alam kung paano siya i-comfort. ''Salamat at pasensya na sa istorbo. Kita nalang tayo sa monday, paggabi na e.''

Sanay ako na hindi na siya hinahatid sa labas ngunit mukhang kailangan kong gawin 'yun. Sinamahan ko nga siya na ikinabigla niya pero dahil na rin siguro sa nakita, she didn't bother to ask me. Pinagdadasal ko lang na hindi namin makasalubong si Eros at mga bisita niya sa paglalakad. Baka mapaluha pa ang kaibigan ko, kilala ko na kung gaano to kabaliw. Ngunit mukhang pinagtitripan ako ng tadhana, nakita namin sila sa sofa.

Gustong-gusto ko batuhin si Eros pati na ang dalawa niyang bisita. Wala akong pakailam kung mga kaklase ko ito. Naiirita lang ako sakanilang presensya. Natigil si Psyche at napatingin sakanilang dako, nakita ko pa ang pagtama ng tingin nila ni Eros na hindi man lang inabot ng tatlong segundo. Si Psyche ang unang bumitiw, napataas ang aking kilay dahil di pa rin tapos itong si Eros.

''Psyche nandito ka pala!'' sabi ni Minerva at yinakap ang katabi ko. Lumapit din si Venus para yumakap din, kitang-kita ko ang pigil-hiningang ginawa ni Psyche. The two did the same thing to me, but I remain there standing, not moving from their hugs. They are good to me but I can't help but to be annoyed from them. Siguro dahil nasasaktan nila si Psyche.

Alam naman siguro nila na niligawan ni Eros si Psyche tapos gumaganyan pa sila lalo na itong si Venus! So insensitive! Part of me want to throw them away with Eros. Wala akong pakailam kung si Eros ang may-ari ng bahay, paunti-unti na kasing dumidilim ang aking paningin.

Tiningnan ko ng masama ang walanghiyang si Eros na pwerting naka-dekwartro habang nakahilig. Katabi niya kanina si Venus. Kairita.

''Ano pala ginagawa mo dito?'' nagtatakang tanong ni Minerva. Kung nakakapagsalita lang ako, malamang ay binara ko na to.

''Binisita ko lang si...''

''Eros?''

''No it's Jamie. Why would I visit him anyway?''

''Mabuti naman. Ayoknd lang na maging ahas ka na umaaligid sa boyfriend ng bestfriend ko.''

Damn it! Nakangiti pa siya nang malawak habang sinasabi yun. I want to slap her hard! Nanginginig ang kamao ko sa bulsa ng aking sweater. Kakarampot lang na pasensya ang sumusupply sa aking katawan kaya huwag na huwag siyang magtatangka!

Nabigla ata si Psyche sa lintanya ng bwesit na nerd na ito. Gulat dahil may dark side ang santi-santita.

''H..Hin...''

''Good, because you have Cupid right?''

''Minerva anong...''

''Thanks for doubting Eros. Natauhan na rin ang kaibigan ko sayo.''

Bago pa lumala ang sitwasyon at pumutok ang bulkan ay hinila ko na palabas si Psyche. She's not the bitchy type so she won't be able to defend herself.

''Jamie where are you taking me? Di ka ba babalik? Swear! I'm okay.'' Tiningnan ko lang siya ng masama na ikinatahimik niya. Pumunta kami sa garahe at kinuha ang kotse na gagamitin ko para ihatid siya. Binuksan ko ang gate saka sumakay. Nang makapasok kami dito, agad ko itong minaubra at nilisan agad namin ang kaharian ng bwesit na si Eros.

''Huwag kang magalit kay Minerva. She's mad at me because she thought I played Eros' heart. Hindi siya naniniwalang ginamit lang ako ni Eros para makuha si Venus. Gusto niya ako para sa matalik niyang kaibigan. Akala niya pinaglaruan ko lang si Eros, hindi niya alam na sangkap lamang ako ng kanyang kaibigan. Ilang ulit na akong nagpaliwanag pero nakasarado ang isipan niya. Hindi na ako magtataka kung bakit suportado niya si Venus ngayon.''

Mas lalo ko lamang binilisan ang pagmamaneho.

''Ayos lang. Ang mahalaga ay masaya siya. I can move on.'' Hindi na ako nagsalita, nanatili lamang akong tahimik. Hinihintay ko lamang ang kanyang paghagulhol. I may be not good in constructing comforting words, she can cry in front of me.

Ngunit nakarating kami sakanilang bahay na di siya umiyak. Pagkatapos niya mamaalam ay pumasok na siya doon. Nanatili muna ako doon, at makaraan ang ilang minuto, nakarinig ako ng pagkabasag at hikbi mula sa kaniyang kwarto. Ang anino niyang humihikbi ay kitang-kita ko dito sa loob ng kotse.

I don't know but I'm hurt too. If there's a girl that don't deserve to waste a tears, it should be her. She's very kind and adorable. Di ko maintindihan kung bakit nagagawa pa siyang gamitin at saktan ni Eros.

Tandang-tanda ko pa ang araw ng unang dating ko. Kakaiba ang ngiting yun habang katext niya ang aniya'y future girlfriend na hula ko'y si Psyche. At hindi yun pag-aari ng ngiting manggagamit! Naalala ko ang mga reaksyon niya kapag nakikita si Psyche. He may be good in acting but I'm a good actress that can fathom. He cares but I don't know why it turns everything to this.

Pagkapatay na pagkapatay ng ilaw ng kanyang kwarto ay agad na akong umalis. She can carry this. She's not that weak. I hope she wouldn't have a second thought of continuing loving Eros.

Something is wrong.

''Is she okay? Where is she?'' yan ang binungad sa akin ni Eros pagkarating na pagkarating ko. Kitang-kita ko na gulong-gulo ang buhok niya. He looks troubled. Wala na ang kanyang bisita sa bahay. Kahit mukha siyang sabog ay di pa rin mapipigilan ang propesiya na sa oras na ito ay dadapo sa mukha niya ang kamaoa ko. Matalim ko siyang tiningnan, kanina ko pa yun gusto gawin sakanya!

Ni hindi man lang siya gumanti. Tahimik lamang siya. Batid niya ang galit ko sakanya. Agad akong pumanhik sa hagdan at pumasok sa aking kwarto. Huwag na huwag siyang magtatangkang pumasok sa loob dahil kung ano ang magawa ko sakanya!

Napahiga ako sa aking kama at napahilamos. Nasistress ako sa mga kaganapan. Ganito din ako kapag may mga kasong kinakaharap ang club, di lang halata dahil nangingibabaw noon ang pagkabitchy ko kay Lorelei.

Napansin ko sa aking kama ang notebook ni Muse na kulay scarlet. Mukhang naiwan niya ito at di napansin kanina. Agad akong bumangon at sinuri ito. Alam kong mali ang mangialam pero di naman ito diary or something. Sigurado akong notes niya lang ito dahil pareho kaming nagreview kanina.

May biglang nahulog na papel sa libro. Nakakita ako ng isang card. Nang makita ang front cover ay nanlaki ang mata ko. Bumilis din ang paghampas ng aking puso at ramdam ko ang aking pamumutla.

Ito ang nasa front cover.

♥♥♥♡♡♡♥♥♥
Psyche

Siguro kung hindi lang niya ako naimplewensyahan, iisipin kong simple card lang ito. But no, it's screaming danger. Someone is in danger and need to be helped. Sana talaga ay mali ang aking iniisip!

Agad kong binuklat ang card, mas namutla ako nang makita ang sulat-kamay ni Psyche na nakaukit dito. Para akong binuhusan nang malamig na tubig nang makita ang nakasulat. Ito yung sinasabi niya sa akin kanina na ibibigay niya kay Eros!

Tonight, I will be trapped in Foxy Felix territory.
Don't ever ask Nancy where she saw the real Jacob Aborn.
Use my name to locate the real adversary
The abductor is out in the league, trust me.

Halata sa iniwan niyang card na wala siya sa mabuting kalagayan! Gosh, is she missing? I tried to call her but she didn't answer her phone. Inulit ko muli ang pagtawa. Matutuwa na sana ako dahil may sumagot ngunit hindi ito si Psyche. Bakit hawak niya ang cellphone ni Psyche?

''Hello Jamie? Si Cupid ito, naiwan ni Psyche ang cellphone niya. Sabi ng kasambahay niya ay umalis daw, alam mo ba kung nasaan siya?'' tanong nito habang madiin akong napapikit. ''Ikaw daw ang huling nakasama niya sabi ng kasambahay. May nasabi ba siya sayo? May kailangan kasi akong sabihin sakanya.''

Agad kong pinatay ang tawag at piniling magbigay nalang ng mensahe. Nanginginig ang aking kamay habang nagtetext kaya natagalan ako sa pagtitipa. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyari sakanya. Kung agad ko lang itong nabasa ay hindi ko siya papahintulutan makalabas.

Psyche is missing. Let's find her.

Agad akong lumabas ng kwarto at bumalik sa sala. Ang galit na nakaukit sa aking mukha ay napalitan ng pagkabigla. Bumagal ang paghakbang ko pababa at para akong nakakita ng multo. Parang gusto kong lamunin nalang ako ng lupa para hindi niya ako masilayan.

Ramdam na ramdam ko ang paglagabog ng aking puso sa aking dibdib. Kulang nalang ay lumundag ito palabas lalo na nang magtama ang aming mga mata. Kitang-kita ko ang pag-igting ng kanyang mga panga at naging matalim ang kanyang pagtitig sa akin. Ramdam na ramdam ko ang intensidad ng galit sakanya at isang emosyong di ko mapangalanan.

''L-Louis,'' nauutal kong sabi at bahid doon ang takot. Nakita ko sa likod niya si Rosetta na nakatingin sa akin nang nakakagat-labi.

''N-Nasundan niya ako, Jamie.''

Damn it! Bakit kasi hindi nag-iingat ang babaeng to. Gusto ko siya sabunutan pero ang pagkabigla ko sa pagdating ni Louis ay di matabunan ng pagkairita ko kay Rosetta?

Mas lalong tumalim ang tingin ni Louis lalo na nang napatingin siya sa aking likod. At paglingon ko, nakita ko ang nakatopless na si Eros! Pawis na pawis ito at mukhang kakagaling lang sa exercise room! Damn it!

''Couz who is he?''

''He is Jamie's...''

''Why not ask me directly? Is living with a heartbreaker affect your behavour?'' nakita ko sa aking peripheral vision ang pagkakakunot-noo ni Eros. Did he call me heartbreaker?

''Then who are you? And who's the heartbreaker you were talking about?''

''I'm Louis Kingsley Mendez, the owner of the heartbreaker beside you.'' napatingin siya sa akin, galit pa rin siya. ''It's been awhile since you left, Jamie dear. You should tell me that you like the idea of living with shirtless guy, you know that I can do and give better than that. You don't need to escape.'' may riin ang pagkakasabi niya ng huling salita. Mukhang hinahatulan niya na nga ako ng kamatayan!

''Jamie!'' lahat kami napatingin sa bagong dating. It's Cupid and he looks in trouble. Madali niya akong nahanap at kinain ang distansyang namamagitan sa aming dalawa. Bago pa man niya ako mahawakan ay may pumigil sakanya.

''Bakit nandito ka sa pamamahay ko?''

''You don't have my approval to touch the breaker because she is still my property.''

Napapikit ako. Damn it! Ano ba ang pinagsasabi ni Louis? Is he drugged or something? And property? What the hell? Hindi ako masyadong handa sa mga uri ng salitang isinasatinig niya. Hindi ko nga alam kung anong nangyari sakanya dahil nagmumukha siyang...ewan!

''Bitawan mo ako Eros pati na ikaw!'' Inalis ni Cupid ang kamay na nakahawak sakanya. But Louis already removed it before Cupid did. ''Kung hindi lang nawawala si Psyche ay di ako pupunta dito.'' matapang na hayag ni Cupid.

''What did you mean?'' Napatingin sa akin si Eros at kitang-kita ko ang naguguluhan niyang mukha. ''Jamie I know you can speak now. Tell me kung nasan siya?!" Dumagundong ang kanyang sigaw.

"Huwag mo siyang sisigawan." Seryusong banta ni Louis. Di lang ito pinansin ni Eros at nakatingin lang sa akin. Pinakita ko sakanya yung card na ikinamutla niya.

"Ano to?!"

"Obviously, your girlfriend left a message before she left you. Mabuti ka nga." Ramdam na ramdam ko ang paninitig niya sa akin. Bigla niyang hinapit ang bewang ko palapit sa kanya at bulta-bultahe ng kuryente and dumaloy sa aking katawan. Damn it! Para akong nanginginig na ewan habang pinadausdus niya nan g tuluyan ang anyang kamay sa aking bewang. Nakita kong kunot-noong napatngin sa amin ang mga tao dun. "We should talk and it's important compared to your girlfriend. All of you can leave us now."

Malutong na mura ang sinisigaw ko sa aking utak Anong nagyayari sa lalaking to?

"Gusto mo siya makausap? Pwes tulungan mo muna akong hanapin ang girlfriend ko! I heard that you're in detective club with Ja (Jae) kaya patunayan mo!"

Not heard, it should be read. Nabasa niya ang phone ko. Mabuti nalang at hindi namanahas ang isang ito. Natural na siguro yun sa lalaking straight.

"Sandali lang Eros, hindi mo pa.."

"Shut up ka nalang!" iritadong sabi ni Eros kay Cupid. Agad akong hinila ni Eros palayo kay Louis."You're not going to talk to her unless I talk to my girlfriend first."

Nagkatitigan sila.

"Tama na yan! Kailangan natin mailigtas si Psyche!"

Pagkasigaw ko bumitiw sa pakkipagtitigan si Louis ng masama kay Eros at ginulo ang buhok niya.

"Damn it!I miss your voice."

Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng aking mukha. What the hell?

"Give me the card tsk." Binigay ko nga yung card kay Loius, hihilahin niya na sana muli ako palapit sakanya kaso hindi yun hinayaan ni Eros. "Do I still need to suffer from reaching you? Goddamnit!"

"Deduce muna bago hawak."

"What's the name of this place?"

"Nasa Swerelle City tayo pero nasa Raybothe Village ka ngayon,"

"I know where is she then."

"Saan?"

"Tingin mo sasabihin ko sayo agad?" agad akong tinapon ni Eros kay Louis at tumama naman ako sa matigas na dibdib na ito. Masasapak ko talaga si Eros!

"May alam ka bang bungalow dito sa lugar niyo?"

"Bakit naman?"

"She's there." Nagkatinginan kami ni Rosetta, mukhang may idea na kami kung saan si Psyche!

"Paano ka nakakasigurado."

"Your opinion is not important anyway." Bored na sabi ni Luois at pinadausdus naman ang kanyang kamay sa aking bewang. "It seems like your girlfriend likes Nancy Drew's stories. The riddle is inspired on her stories. Good thing, I read some of it way back elementary. She's still here in Raybothe Village in she's trapped insde a bungalow. Based on the Clue in the Diary written by Carolyn Keene, Foxy Felix is just a nickname or something to Mr. Felix Raybolt. That's why I think she's just here in the village. Nancy Drew find the real Jacob Aborn inside the Bungalow based on the Bungalow Mystery. You can leave us alone and find here."

"No sasama ako, mukhang alam ko na kung asan siya. Kilala niyo ba si Don Falcon?" ramdam ko ang paninitig niya. Psyche muna bago siya!kailangan niyang mailigtas!

"Yung Lolo ni Venus?" nagulat ako possible kayang siya ang dumukot?

Pinaliwanag ko sakanila ang nangyari at ang nakita kong bungalow doon. Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa at agad nang nilisan ang bahay. Nakasakay ako sa kotse ni Louis at pinayagan niya akong magdrive. Sasama sana ako kina Eros kaso bigla-biga niya ako hinila!

Madali lang akong makasaulo kaya di na ako mahihirapan alamin kung saan ang mansion nito.

"Hindi ka man lang ba magpapaiwang kung bakit ka umalis nang walang paalam?"

"Nasa sulat na ang gusto kong sabihin."

"Tapos makikita pa kita na may kasamang lalaking nakahubad? Ganyan ba siya araw-araw?"

"He is just a friend-"

"Godamnit! Mabuti nalang at may girlfriend pala-"

"Stop it Louis! Bakit ganyan ka? Di ba dapat galit ka sa akin?Ginamit lang kita at tapos na ako sayo! Dapat di ka nalang pumunta pa dito."

Napaawang ang kanyang bibig, di makapaniwalasa sinabi ko. Nagtataka ako kung bakit di pa kami nababangga! My hands are shaking. Nung makarecover na siya ay nagsalita siya muli.

"Then use me again! Hindi tayo pwedeng matapos nang ganun-ganun na lang!" napapreno ako ng wala sa oras. Nahihibang na siya!

"Shit lang Louis pero tangina hindi ako si Rhiannon! Alam mong nagustuhan na kita sa kabila ng panggagamit ko sayo pero tinapos ko na yun! Umalisna ako! Nagpakalayo-layo! I'm doing all my best para makalimutan ka kayasana gawin mo din ang parte mo!" umagos ang aking luha sa aking mga mata."Hindi ako si Rhiannon para pagkaabalahan mo! Tangiana gisto ko na talagang magmove-on."

Napaawang muli ang bibig niya at di na nakapagsalita. Pinunasan ko nalang ang luha koat minaubramuli ang sasakyan. Kita niyo na? Basta pagdating kay Rhiannon wala akong binatbat!

Nakarating kami sa mansion na wala kaming imikan. Naabutan namin sina Rosetta, Eros at Cupid na naroon kausap si Don Falcon.

"Sa bungalow? Sige tingnan natin kung naroon nga."

Sinundan namin sila at pagkarating na pagkarating namin, nakita naming ang walang malay na si Psyche. Agad siyang dinaluhan n Eros. Mabuti talaga at buhay pa sya king hndi di ko alam ang gagawin ko!

"Venus, Apo ano ang ginawa mo sakanya?" lumuluhang sabi tanong nito sa Apo na katabi si Minerva, ngayon ko lang sila napansin.

"Hindi po ako ang gumawa niyan! Wala po akong alam,di ba Minerva?"

"Sorry Venus pero di kita maisasalba."

"Nagsasabi ng totoo ang apo niyo, wala siyang kasalanan. Balak mo pang magsinungaling?"

"At paano ka naman nakakasiguro?"

"Nag-iwan siya ng sulat kung gusto mo,maaari niyong tanungin ang babaeng yan kung sino talaga ang salarin."

Naiintindihan ko na,nasabi doon na gamitin lang naming ang pangalan ni Psyche para mahanap ang salarin. Out of the legue, it means hindi greek Godesses ang may salarin. Minerva is a norse Godessesof wisdom.

Agad umalis si Louis, sinundan ko naman siya.

"Louis-"

"If you think that my feelings is not true, okay then but I'm still allowing you to use me. Please, kahit hindi mo man intension o ano pa. Tinakot mo ako sabigla mong pagkawala. Kahit anong sabihin mo, kahit umalis ka pa,alam mong hahanapin pa rin kita kaya wala ka ng magagawa kundi hayaan ako." Sabi niya na ikinagulat ko, my heart is beating so fast. "Please don't think that I'm seeing you as Rhiannon, you're making me crazy Jamie dear."

30

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro