"The Promethean Alibi" by FadingAzure
LORELEI
NAKATINGIN AKO sa kawalan habang nag-iisip kung ano ang susunod kong ilalagay sa aking blog. Bakasyon na kasi at matagal-tagal na rin kasi simula ng huli akong nakapag-post. Si Loki? Ayun, mag-aalas dose na, hindi pa rin lumalabas sa kwarto niya. Kung katukin ko na kaya siya? Pero baka naman napuyat siya? Bahala na nga lang siya.
Pabalik na sana ako ng kwarto ko nang biglang bumukas ang kwarto ni Loki. Napatawa ako ng mahina. Woah, what a not-so-normal sight! Si Loki, may eyebags. Okay, alam kong ang babaw pero hindi ako kasi sanay sa itsura niyang puyat. He diverted his gaze to me and asked me, "Why are you laughing?"
"Puyat ka?" tanong ko.
"Don't state the obvious, Lorelei."
"Bakit ka ba kasi napuyat?"
"I am thinking of something, and stop interfering. Mind your own business," sagot niya.
Ang sungit naman nito, well, Loki is Loki. Walang rason ang mga bagay na ginagawa niya. Basta siya si Loki. Napansin ko lang, ngayon na lang ulit kami nagkausap ni Loki. Lately kasi, palagi kaming apat ang magkakasama at palaging nakadikit sa kanya si Jamie.
Tumayo na ako sa sofa para pumunta sa kwarto, nag-iisip ng kung anong ipopost sa blog ko pero biglang bumukas ang pinto ng unit namin at iniluwa nito si Inspector Estrada, okay so mukhang mayroon akong mailalagay sa blog.
"What's the matter, Inspector?" tanong ni Loki.
"Ah, there's a crime scene of course. You won't bother to go here if it's not important," pahabol ni Loki.
"Loki! Yes Inspector? Ano pong maitutulong namin?" singit ko.
"Pasensya na sa abala pero kailangan ko sana ng tulong."
"We're happy to help po, Inspector."
And Loki.... voila! Nakatulog sa couch. Binato ko nga ng unan para magising! What the, hell?! Humihingi ng tulong si Inspector tapos tutulugan niya?
"An old woman died in Tamarisk St. Natagpuan siyang patay sa kwarto. Well, alam na namin kung ano ang ikinamatay at mayroon na rin kaming mga suspects. Pumunta ako rito para humingi ng tulong dahil nahihirapan kaming idetermine ang suspect," paliwanag ni Inspector.
"Ano po yung ikinamatay?" I asked.
"The autopsy showed na may traces ng water hemlock sa katawan niya. At nalaman rin naming na ang pinanggalingan ng water hemlock ay yung kape na ininom ng biktima," sabi ni Inspector.
"We're going. Inspector do you mind kung susunod na lang kami? Paki-iwanan na lang yung address diyan." Loki butted in.
"No problem Loki and Lorelei." Umalis si Inspector at iniwan ang papel na may nakasulat na address.
Nagsuot lang ako ng isang denim skirt at fitted na black shirt. Paglabas ko, nagulat ako at naka black rin si Loki at naka denim pants. Coincidence? Uh-oh, magpapalit ba ako? Pabalik na sana ako sa aking kwarto nang biglang nagsalita si Loki.
"Going to change clothes? Inspector Estrada might wait for too long and Mr. Velasquez is already here."
"No, I won't change my clothes" I lied "May nakalimutan lang ako" I lied again. Pumasok akong kwarto ko at naghintay ng mga two minutes at lumabas.
Pagkalabas ko ay lumabas na rin si Loki at naghihintay na sa labas si Mr. Vasquez. Tahimik lang kami sa biyahe, as usual. I've never been to Tamarisk St. pero ang pagkakaalam ko ay malapit-lapit lang iyon.
"If you're thinking that we might be mistaken as a couple because of our outfits, it's fine with me," Loki said.
"What?" I asked. Nagulat ako sa sinabi niya, hindi nga sumagi sa isip ko iyon. Well, awkward lang kasi na parang nag-usap kami sa isusuot namin at nahiya ako kanina kaya ko gustong magpalit.
Napatawa na naman ako ng mahina dahil sa kanya. Sasagot sana ako pero huminto na ang sasakyan at sinabi ni Mr. Vasquez na nandito na raw kami.
Pagkababa ko ay napansin ko ang isang lalaki na halos kaedad namin. Nakatulala at tumutulo ang mga luha. Baka siya yung kamag-anak ng biktima. Natanaw naman kami agad ni Inspector at nilapitan kami. Dinala niya kami sa isang kwarto—which is yung crime scene. Simple lang yung kwarto at pinalitan na ng mannequin yung biktima at mapapansin mo rin ang isang puting tasa sa maliit na lamesa malapit sa kama ng biktima.
"Loki, Lorelei, tawagin niyo ako kapag tapos na kayong mag-imbestiga," sabi ni Inspector Estrada.
"And Loki, hindi na yan yung tasa na ininuman ng biktima, pina check na namin yung tasa and there were no fingerprints found except the victim's," pahabol ni Inspector.
Tumango lang kaming dalawa ni Loki at nagpatuloy na tumingin tingin sa maaring ebidensya. Pwedeng gumamit ng gloves yung culprit, pero nasaan?
"Lorelei," tawag sa akin ni Loki.
"Why? May nakita ka na ba?"
"I was about to ask you the same question," Loki muttered.
Wala kasing naiwan na bagay or ano na makakapagturo sa suspect. Pero sabi nga ni Loki, there's no such perfect crime.
"So I guess, we need to talk to the suspects to know who the real culprit is."
Lumabas kami ng kwarto at tinawag si Inspector Estrada para makausap na namin yung mga possible suspects. Pag labas namin, may isang tao na nagrereklamo, may isang umiiyak at isang nag papaliwanag.
"Loki, Lorelei. Ito na ang mga suspects, Ysmael Gutierrez, ang unang nakakita. Tina De Guzman, kapitbahay at nasabing kaaway raw ng biktima at si Leila Costa na katulong. Maiwan ko muna kayo diyan."
Nagtaka ako ng hindi ko makita yung lalaking umiiyak kanina, hindi ba dapat ay kasama siya sa mga suspect? Or hindi?
"Paano mo nakita ang biktima Mr. Gonzales?" Loki asked.
Hindi ko alam kung saan niya nakuha yon pero palagay ko ay ang tinatanong niya ay si Mr. Gutierrez.
"Pauwi ako noon, doon kasi ang bahay namin," sabay turo sa isang bahay na malapit sa bahay na ito "madadaanan kasi yung kwarto ni Inang Kristina pag pauwi, nasilip ko na nakahiga pa siya eh maagang nagigising yun kaya humingi ako ng tulong." paliwanag ni Ysmael.
"Ikaw Ms. Tiara? Nasaan ka nung nangyari ang krimen?" tanong ni Loki.
"Aba hindi naman ako umaalis ng bahay! Gugustuhin kong mamatay si Kristina ngunit hindi ako makakapatay ng tao, natuwa man ako at wala na yang Kristinang masungit na yan, pero hindi naman ako ang pumatay diyan!" paliwanag niya.
"Ah, so you have a motive," sagot ni Loki.
"Ikaw Ms. Lalaine, asan ka ng nangyari ang krimen?" tanong ni Loki.
"Nasa bandang bodega po ako, naglalaba ho kasi ako." sagot nung katulong.
Habang si Loki, nagtatanong tanong dun, naglakad lakad naman ako at nagbabakasakaling may makitang ebidensya. Nakita ko ulit yung lalaking umiiyak kanina. Sino kaya yun? Lumapit ako kay Inspector Estrada itanong kung sino iyon.
"Apo yan ng biktima."
"Bakit po hindi kasama sa suspects?" tanong ko.
"Nung nangyari daw kasi ang krimen, nagpaenroll siya. Tinanong rin namin sa katulong kung totoo, umalis naman daw talaga ito. Matibay ang alibi kaya hindi na namin sinama sa mga suspects." sagot ni Inspector.
Ah, nag-enroll. Paano kung hindi talaga siya nag-enroll? Lumapit ako kay Loki para tingnan kung meron na siyang culprit. Minsan kasi tatahimik yon tapos biglang alam niya na lang ang culprit.
"Uy Loki" kalabit ko sa kanya "baka pwedeng tanungin rin natin yung apo ng biktima?" I asked.
"Natanong ko na kay Inspector yan, nagpaenroll raw nung oras ng krimen." sagot niya.
"Pero paano kung hindi naman siya—"
"Yes! Oh LORELEI! That's it!" sigaw niya sabay hawak sa balikat ko. Hindi ko alam kung sarcastic siya o talagang nagpatubo ng light bulb sa ulo niya yung sinabi ko. Naglakad siya papunta sa direksyon nung apo ng biktima na napag-alaman naming si Ryan Sandoval.
"Mr. Ryle, may I see your I.D?" tanong ni Loki. Nagulat ako sa tinanong niya, madalas kasi, ang sasabihin niya ay "Drop the act." bakit ang I.D. ang titingnan niya?
Nilabas ni Ryan ang kanyang wallet at ibinigay ang I.D. kay Loki. Si Loki naman ay pumasok ulit sa bahay. Sinundan ko siya at nakita kong binuksan ang pinto ng mga kwarto. Tatlo lang naman ang kwarto dito at pumasok kami dun sa isang kwarto na kulay blue, which is yung kay Ryan, I think.
"I know who the culprit is." sabi ni Loki. Well I have someone in my mind but we still need to find evidence.
"Loki, look!" I muttered. Itinuro ko sa kanya ang isang report card with Ryan Sandoval's name.
"So that means, he didn't really enrolled!" I told him.
"Yeah, I confirmed that a while ago." he said.
"If you're asking how, I had a hunch that he'll keep his I.D. on his wallet. I took a peek on his wallet and I saw that he's got a couple of five hundreds. Well, ka-age lang natin siya at impossibleng pera niya iyon. So if it's not his money, it's his grandmother. Why would his grandmother gave him a large amount of money? For enrollment." sagot ni Loki. Napanganga ako dahil kaya pala niya tiningnan yung I.D. ay para makasilip sa wallet ni Ryan.
"Pero hindi sapat na ebidensya ang hindi siya nag-enroll—Loki, look!" sigaw ko ng makakita ako ng isang viale na may lamang kung anong likido. Napalingon naman siya at kaagad ring lumapit. Binuksan niya iyon at inamoy. And once again, I saw that evil smirk that is starting to draw over his face.
Nang makakuha na kami ng matibay na ebidensya na mag-didiin sa culprit, lumabas na kami. Nilapitan naman kami ni Inspector Estrada. "Oh, ano Loki? May nakita ba kayo?" tanong ni Inspector.
"Yes, Inspector."
"Sino sa mga suspect ang pumatay?" tanong muli ni Inspector Estrada.
"Actually, wala sa mga suspect ang mga culprit. Maybe you should be more keen and observant."
Napatingin ako kay Loki, dahil syempre! Nakaka-offend kaya. Well, whatever. He's Loki, the Louis Kingsley of my—"
"Drop the act, Mr. Ryle." Naputol ang pagsasalita ko ng biglang bumanat si Loki. Napabalikwas si Ryan Sandoval, kahit siguro mali yung nasabing pangalan ni Loki, nakuha pa rin niya na siya yung tinutukoy nito.
"Anong ebidensya niyo?! May nakita ba kayong Cicuta Maculata sa mga gam—" natigil siya ng mapagtanto ang mga salitang nasabi niya. Wala namang nabanggit na ganoon ah? Ang pagkakaalam ko ay basta water hemlock ang nakalason sa biktima.
"You know the poison very well, Mr. Ryle," sabi ni Loki na mas lalo pang nagpakaba kay Ryan.
"Bakit ko naman gagawin iyon? Saka wala nga ako dito ng mangyari ang krimen!" depensa ni Ryan.
"Lorelei, answer him." sabi ni Loki. Kinabahan ako nang marinig ko ang mga katagang iyon. Pwede naman kasing siya na lang ang mag-salita? Saka wala pa akong naiisip na motibo kung bakit niya iyon nagawa. Huminga muna ako ng malalim bago ako nag-salita.
"Kayong dalawa ng lola mo ang magkasama sa bahay na ito, tama?" tanong ko sa kanya.
"O-oo, saka si Manang Leila." sagot niya.
"Nasaan ang mga magulang mo?" muli kong tanong.
"Si papa, iniwan kami. Si mama, namatay nung ipinanganak ako." sagot niya. Mukhang umaayon ang mga sagot niya sa konklusyon ko.
"So that means, na kayong dalawa na lang ng lola mo ang magkamag-anak?" tanong ko.
"O-oo! Teka! Bakit mo ba itinatanong?"
"Ang motibo mo kaya mo pinatay ang lola mo ay mana. Dahil sa mana. Una, alam mo na kapag namatay ang lola mo ay sayo mapupunta ang mana. Saka nagsisiniungaling ka nung sinabi mong nag-enroll ka noon oras ng krimen," paliwanag ko.
"Hi-hindi ako nagsisinungaling!" sagot ni Ryan.
"We found this in your room" sabay taas ni Loki ng report card niya "and your wallet, ang dami mong pera, iyon ba ang pang-enroll mo?" dugtong ni Loki. "And I know that you will insist for an evidence, so here" sabay pakita naman ni Loki ng maliit na bote ng water hemlock.
"At isa pa, kaya walang fingerprints yung tasa ay dahil yung lola mo ang nagprepare ng kape and you sneaked in to her room, then ibinuhos mo ang water hemlock ng hindi hinahawakan ang tasa, tama?" dugtong ko. Bumuhos ang kanyang mga luha at ibinulong ang mga katagang "Sorry, La."
Napagtanto ko na kaya pala talagang bulagin ng pera ang isang tao. Hahamakin ang lahat ng paraan kahit na labag ito sa kalooban.
"Salamat muli, Loki at Lorelei," ngiti sa amin ni Inspector Estrada.
Matapos ang araw na iyon, tinawagan na ni Loki si Mr. Vasquez para sunduin na kami. So sa byahe, hindi nag-laro si Loki ng Criminal Case kundi natulog siya. Ako naman, as usual, tumitingin lang sa bintana ng kotse. Pero hindi ko rin kasi mapigilan ang pagtingin sa tulog na Loki. Pati nga si Mr. Vasquez parang nanibago na tulong si Loki. Once in a blue moon, ito! Kaya pipicturan ko na siya at nang may pang black-mail rin ako sa kanya. Kinuha ko ang phone ko sa bag ko at pinicturan siya. Pero dahil nga medyo madilim—what the hell! NAG-FLASH YUNG PHONE KO.
"Stop, I'll give you my picture when we get into our apartment," antok na sabi ni Loki.
Nasilaw ata si Loki at naalimpungatan. Saka ano raw? Bibigyan ng picture? Matapos ang ilang minuto ay nandito na kami sa labas ng apartment. Si Loki antok na antok pa rin. Ano ba kasi yung inisip niya? Pero sabi niya wag na daw ako maki-alam. Pero hindi ko pa rin napigilan ang sarili ko at tinanong ko pa rin siya.
"Loki, bakit ka ba kasi napuyat?"
"I told you I am thinking of something."
"And what was it?"
"You."
I was frozen on my spot at iniwan niya akong nakatulala roon. I told you, Loki is Loki. The Loki. Louis Kingsley of my life.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro