Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

"Escapade Gone Wrong" by Stefanie Joy Robante

LORELEI

December 15, huling araw namin sa paaralan para sa taong ito. Maagang natapos ang aming Christmas Party kaya tulad ng nakagawian, nandito kami ngayong apat sa loob ng QED Club room, naghihintay ng isang taong magdudulog ng problema na makakabuhay sa mga dugo namin. Pero mukhang nag-enjoy yata maging ang mga loko-loko ng Clark High School sa mga isinagawang Christmas Party kaya't naging matiwasay naman ang araw na to para sa aming lahat.

Maliban na lang siguro sa akin dahil ilang araw ko ng pinoproblema ang pagdedesisyon kung uuwi ba ako sa amin o hindi. Magtatagal na halos isang buwan ang magiging bakasyon namin at simula na bukas pero hindi pa rin ako nakakapag-desisyon.

"Pang-sampung buntong-hininga mo na yan sa loob ng tatlong minuto Lori. May problema ba?"

Sa sobrang lalim ng iniisip ko, nakalimutan ko na palang katabi ko si Alistair na malayang napappanood ang mga ikinikilos ko habang naglalaro naman ng chess sina Jamie at Loki.

"Wala ito,Ali. Wag mo akong aalahanin. Okay lang ako."

"You're not coming with me tomorrow, are you?"

Napatingin ako kay Ali matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon. Ilang araw niya na din akong kinukulit na sumama sa kanya bukas pauwi ng Maynila pero hindi pa din ako nakakapagdesisyon hanggang ngayon. Hindi din naman siguro mahalaga kay Daddy kung uuwi ako o hindi.

"Pag-iisipan ko pa Ali."

"Checkmate! Oh my God, Loki! I won against you!"

Napatingin kaming dalawa ni Ali kina Loki at Jamie nang bigla itong sumigaw. Natalo niya si Loki? Mukhang magaling nga talaga siya."

"And that only means that we're all going to Baguio City!"

"All? Baguio City?"

Tanong ko sa kanya dahil wala naman akong naaalalang nag-imbita ito sa amin kanina. O sadyang sobrang lalim lang siguro ng iniisip ko kanina kung kaya't hindi ko napansin ang pag-imbita nito. Tinignan ko si Ali at mukhang wala din itong ideya.

"Yes! Loki and I made a deal before we started the game a while ago and it's pretty obvious what's that deal about."

Ah. Kaya naman pala wala kaming kaalam-alam dahil dalawa lang sila ni Loki ang nag-usap. Pero bakasyon sa Baguio City? Mukhang magandang ideya nga para na rin magkaroon ako ng mas mahaba pang panahon para mag-isip.

"Ilang araw ba tayo doon?"

"It's a three-day vacation at bukas na tayo aalis."

Nang mga nakaraang buwan ay masasabi kong kahit papano, naging maayos na rin naman ang pakikitungo namin ni Jamie sa bawat isa pero sadyang may mga pagkakataon na lumalabas pa rin ang bitchy side niya na hanggang ngayon ay palaisipan pa rin para sa akin. Hindi ko rin alam kay Loki kung may nararamdaman na ba siya para kay Jamie o sadyang naaaliw lang siya dito dahil kahawig nga ito ng yumao niyang kaibigang si Rhea, lalo pa at braided pa rin ang hairdo nito.

"But I'll be going home tomorrow." Sagot naman ni Ali. But knowing Jamie, hindi ito papayag na hindi sasama si Ali.

"Hep! No buts. Besides, it is a perfect time for us para mag-bonding and to take a break from all those cases that we have solved! Diba Lori?"

Tumingin siya sa akin wearing her sweetest smile ngunit taliwas ang pinapahayag ng mga mata nito sa akin na tila ba sinasabi saking dapat ay pumayag ako kung hindi, maghahalo ang balat sa tinalupan. Tinignan ko muna si Loki. Tahimik lang ito pero makikita sa mukha niya na hindi niya gusto ang ideya ni Jamie at napipilitan lang siya dahil nga natalo siya ni Jamie sa laro.

"Ah, oo. Tama si Jamie. Sumama ka na Ali."

"Well, kung sasama ka Lori, sasama na lang din ako. It is not a bad idea afterall."

Pagsuko na lang ni Ali dahil alam din naman naming lahat na wala na kaming magagawa basta't si Jamie ang nagpumilit.

"Yay! So, we'll be leaving tomorrow at 5am and we'll be staying in our resthouse. I'll assure you guys, we will all have fun and enjoy this vacation!"

Enjoy and have fun, eh? Sana nga. At sana wala ring mangyaring hindi kaaya-aya. Sabi nga ni Jamie, we need to take a break.

Kinabukasan, tulad nga ng sinabi ni Jamie ay maaga pa nang umalis kami dahil ilang oras din ang byahe papuntang Baguio. Napagpasyahan kong matulog dahil napuyat din naman ako kagabi kung uuwi ba ako o hindi. Nagising na lang ako dahil sa mahinang tapik sa aking pisngi.

"Lori we're here."

Si Ali pala. Pagtingin ko sa loob ng bus ay kaming dalawa na lang ni Ali ang naiwan. Mukhang nauna na sina Jamie at Loki sa loob. Bumaba na kami ng sasakyan at bumungad sa aming dalawa ni Ali ay isang bahay na tama lang ang laki, dalawang palapag ito at mahihinuha mo kahit sa isang tingin pa lang na naaalagaan talaga ito.

Sinalubong kami ng dalawang dalaga habang papasok kaming dalawa ni Ali.

"Hello po. Ako po si Jane at siya naman po si Lyra, kapatid ko." Isang babae na kasingtangkad ko lamang ang taas. Maganda at agaw-pansin ang itim na buhok nitong hanggang baywang at bagsak-bagsak.

"Hello po. Kami na po magdadala ng mga bag niyo." Ito naman ay medyo may kaliitan pero hindi maipagkakaila na may angking kagandahan. Taliwas sa kulay ng buhok ni Jane, mapula-pula naman ang buhok nito at lagpas balikat lamang.

"No need ladies. Magaan lang naman itong nga dala namin."

Tama nga naman si Ali. Magagaan lang ang dala namin dahil ilang araw lang din naman kami dito. Kayang-kaya naman naming dalhin tsaka nakakahiya naman sa kanila.

"Nasaan na sina Jamie at Loki?" Naitanong nkona lamang sa kanilang dalawa dahil nabibingi ako sa katahimikan. Si Lyra ang sumagot sa akin

"Ah si Mam Jamie po at ung kasama niyang lalake? Nandoon na po sila sa loob, naghihintay sa inyo."

"Ah,ganun ba. Kaano-ano niyo sina Jamie?" Okay. Mukhang nagiging madaldal na ako.

"Amo po namin sila. Sa amin po nila ipinagkatiwala ang bahay na yan kapag nasa Maynila sila."

"Gaano na kayo katagal na naninilbihan sa kanila?"

This time ay si Ali naman ang nagtanong at si Jane ang sumagot. Mukhang mahiyain ito hindi katulad ni Lyra na kanina pa nakangiti habang naglalalad kami papasok.

"Matagal-tagal na ho. Bata po pa ako at si Ate Jamie ay kami na ang nagbabantay sa kanilang resthouse."

Nasa bungad na kami ng bahay nang matapos sumagot si Jane. Sa isang tingin, aakalain mong napaka-close nilang dalawang magkapatid pero nagtataka ako dahil manaka-naka kong nakikita ang pag-irap ni Lyra habang nagsasalita ang kaniyang kapatid.

"Ali at Lori! Pasok kayo. Pasensya na at nauna na kami sa inyong dalawa. Sobrang namimiss ko na kasi sina Tiya Asuncion."

Pumasok kaming dalawa ni Ali at naupo sa sofa. Maganda din naman aa loob ng bahay. Maaliwalas at makikita mo ang mga antique na mga banga na koleksyon marahil ng pamilya nina Jamie.

"Ako nga pala si Asuncion at ito naman ang asawa kong si Fred. Siguro ay nakilala nyo na rin ang dalawa naming anak na sina Jane at Lyra."

Mga magulang pala ito nina Jane at Lyra. Kahit may mga edad na ay makikita mo pa rin ang kagandahan ni Tiya Asuncion na siyang pinagmanahan nina Jane at Lyra. Nang mapatingin naman ako kay Mang Fred ay mataman itong nakamasid sa anak na si Lyra. Ako lang ba o tila may kakaiba sa klase ng tingin na iyon?

"Ah opo. Ako po pala si Lorelei. Lori na lang po. Siya naman po si Alistair."

"Ali na lang po."

Nang mapatingin ako sa bintana ay mukhang tanghaling tapat na. Ganoon ba katagal ang aming biyahe? Marahil ay traffic kanina.

"Maghahanda na ako ng ating pananghalian. Hali kayo Jane at Lyra, tulungan muna ninyo ako."

"Tatapusin ko na din muna ang ginagawa ko sa garahe."

Paalam sa amin ng pamilya bago umalis sa sala at nagparoon sa kani-kanilang mga gawain.

"Tara guys at puntahan na natin ang mga kwartong gagamitin ninyo."

Pumanhik kami sa itaas at nagtungo na rin sa kaniya-kaniyang kwarto. Hindi ito kalakihan bagkus ay tama lang para sa isang tao. Inayos ko na ang aking mga gamit at tamang-tama naman na pagkatapos ko ay siya ring pagtawag sa akin dahil manananghalian na. Inayos ko na muna ang sarili ko bago bumaba at umupo katabi ni Ali.

Kasabay din naming kumakain ang pamilya ni Tiya Asuncion at masaya silang nagkukwentuhan ni Jamie samantalang kami ay nakikinig lang.

"So Jane, how's your studies? I heard you're doing fine."

"Okay lang naman Ate Jamie. Nang kamakailan lang ay nanalo ako sa isang quiz bee na ginanap sa aming paaralan."

Mukhang matalino itong si Jane. Pero habang nagsasalita siya ay napansin ko na naman ang pag-irap ni Lyra. May galit ba siya sa ate niya?

"Ako naman po Ate Jamie, kasali na po ako ngayon sa Theater Club sa aming paaralan! Sabi ko sayo ate eh! Magiging katulad mo akong magaling na artista!"

"That's good to hear from the both of you. Atleast, may maipagmamalaki din pala si Tiya Asuncion."

"Oo naman iha. Sino ba naman ang hindi magiging proud sa kanilang dalawa. Itong si Jane, paniguradong magta-top 1 na naman ito sa katapusan ng klase. Pero ewan ko ba dito kay Lyra at ang baba ng mga grado."

"Mama, hindi naman ah. Tama lang naman ang mga grado ko ah. Sadyang hindi lang ako kasingtalino ni ate."

Kaya naman pala may lihim na pagkainis itong si Lyra dahil laging nakukumpara sa ate. Syempre, masakit iyon lalo na at sa kapatid mo pa.

"Oo nga naman Asuncion. Hindi naman ganoon kababa ang mga grado ni Lyra ah. Atsaka, hindi ka ba masaya na ang anak natin ang gaganap na bidang aktres sa play na gaganapin sa kanilang paaralan?"

Pinagtanggol naman ito ng ama. Mukhang may pinapaboran ang bawat isa sa kanila ni Tiya Asuncion. Napansin ko na naman na habang nagsasalita si Mang Fred ay iba talaga ang tingin nito sa kaniyang anak. Hindi naman siguro tama ang nasa isip ko.

"Tiya Asuncion at Mang Fred, tama na ho iyan. Hayaan na lang po natin kung saan mas masaya si Lyra as long as na hindi siya babagsak sa klase. Tama ba, Lyra?"

"Opo ate! Sinisigurado ko naman po na hindi ako babagsak."

"That's good. Well tita, aalis po muna kaming apat ha. Sisimulan na po namin ang paglibot dito sa Baguio."

Natapos na kaming kumain at nagpahinga ng sandali bago kami umalis ng resthouse nina Jamie. Sumakay na kami sa kanilang sasakyan at kung saan man kami pupunta ay hindi ko alam. Bahala na si Jamie kung saan niya man kami dalhin.

Ilang sandali lang ay tumigil na ang aming sasakyan at isa-isa na kaming bumaba. Dahil nga may dala si Jamie na camera ay panay ang kuha ng litrato nito. Hindi ko siya masisisi dahil maganda naman talaga ang tanawin dito. Kitang-kita mo yung mayayabong na puno sa ilalim sinabayan pa ng lamig ng simoy ng hangin.

"Enjoying the view?"

Medyo nagulat pa ako ng biglang lumitaw si Loki sa tabi ko. May lahi ata talaga ito ng pusa dahil hindi ko man lang naramdaman ang paglapit o sadyang sobrang namangha lang siguro ako sa tanawin kaya hindi ko na naramdaman ang paglapit niya. Akala ko rin kasi ay kasama niya si Jamie.

"Minsan ka na lang makikita ng ganitong kagandang tanawin sa panahon natin ngayon kung saan halos kalbo na ang mga kagubatan."

"If you were just awake when we were going here then you could have seen a lot of that."

Napagmasdan ko si Loki habang nakatingin naman ito sa tanawin aa aming harapan. Simple lang ang suot nito, faded jeans and blue long sleeves. So plain, but there is something in him that will make you turn your head towards his direction.

"Are you done fantasizing over me?"

"Dream on, Loki. Nagtataka lang ako kung bakit sobrang tahimik mo kanina sa resthouse nina Jamie."

"Bakit? Dapat ba talaga akong mag-ingay?"

Minsan talaga nakakabwisit kausapin tong si Loki. Wala kang makukuhang tamang sagot. Maliban na lang siguro sa mga kaso na kinakaharap namin at nagiging maayos ang pananalita nito.

"Nasaan na pala sina Jamie at Ali?"

"Who knows?"

"Loki umayos ka nga."

"Eh bakit mo ba kasi hinahanap?"

Kita mo lang. Wala ka talagang makukuhang matinong sagot sa Loki na ito. Hahanapin ko na nga lang sila. Sa kadami-dami ng tao dito, nasaan na kaya yung dalawang yun.

Akmang aalis na ako nang makita ko sina Ali at Jamie na papunta sa amin. May dala din palang camera si Ali at nagpapakitaan silang dalawa nina Jamie marahil ng mga kuha nila. Nang makita niya ako ay agad niyang nilagay sa tapat ng kaniyang kanang mata ang lente ng camera at kinuhanan ako ng litrato. Kinuhanan niya ako ng litrato at huli na ng mapagtanto ko iyon.

"Ali burahin mo yan."

"Ayoko nga. Minsan na nga lang kitang makuhanan ng litrato."

Sabagay tama naman siya. Hindi naman kasi ako ang hilig ng tao na hilig kumuha ng litrato na kulang na lang punuin ang memory card ng kanilang mukha.

"Loki look at my shots. They are so wonderful."

Ayon si Jamie at naging tuko na naman kakakapit kay Loki. Ewan ko ba sa babaeng yan. Kay dami ng mga lalake na nagkakagusto sa kanya ay binabalewala niya lang at pinipilit niya ang sarili niya dyan kay Loki.

"If looks could kill, both Jamie and Loki are now cold bodies for sure."

"Ha?" Pinagsasabi nitong si Ali?

"Wala. Sabi ko tara at ikot tayo. Bili na rin tayo ng mga souvenirs."

Inubos namin ang nalalabing oras ng hapon na iyon sa pag-iikot at pagkuha ng litrato ng kung anu-ano sa paligid namin. Namili na rin kami ng mga souvenirs at nag-meryenda. Nang mag-alas singko na ay napagpasyahan naming umuwi na para makapagpahinga kami at makapaghanda para bukas dahil sigurado ay sobrang mapapagod kami.

Nang makauwi kami ay sinalubong kami ni Jane, kakaibang Jane. Hindi tulad kanina ay napakalapad ng ngiti nito ngayon. Mukha ding kanina pa niyo kami hinihintay dahil panay ang paghaba ng leeg nito kakatanaw kung dumating na ba ang aming sasakyan.

"Hello po Ate Jamie, Ate Loti, Kuya Loki at Kuya Ali. Magaling pagbabalik po!"

See? Mukhang may kakaiba atang nakain itong si Jane at sobrang hyper. Ang tono nito ay parang bata at hindi matanggal-tanggal ang ngiti nito.

Katabi nito ang kapatid na tila hindi nasisiyahan sa kilos ng kapatid. Mapapansin ang pagkalukot ng mukha nito at panaka-nakang pag-irap. Nang makadaan ako sa kaniyang harapan ay narinig kong bumulong ito. 'Sinusumpong na naman siya. Tsk.'

"Jane? Lyra? Nasaan sina Tiya Asuncion at Mang Fred? We've bought something for all of you." Pamamalita ni Jamie sa magkapatid.

"Talaga po? Mayroon din po ako?"

Tila bata na nagtanong si Jane at lumapit sa aming apat at masipat na tiningnan ang mga laman ng aming mga dala-dala. Nang mapatingin ay mataman itong nakatingin kay Jane na tila pinag-aaralan nito samantalang poker face naman si Loki.

"Tatawagin ko lang po sina mama."

Pagpapaalam naman ni Lyra at agad na tumalima papuntang kusina upang tawagin ang ina. Maya-maya lang din ay bumalik na ito kasama ang mga magulang. Si Mang Fred ay paniguradong galing na naman sa garahe dahil may mga bakas pa ng krudo sa mga kamay at damit nito.

"Naku iha, totoo ba ang sinabi nitong si Lyra? Nakakahiya naman sa inyo. Nag-abala po kayo."

"No worries at all, Tita. Minsan na lang akong magawi dito sa Baguio kaya't huwag mo nang isipin yon."

"And Tiya Asuncion, look at Jane. Mukhang nasisiyahan naman ito sa mga pinamili namin para sa inyo."

Nang tingnan namin si Jane ay tama nga si Ali. Hindi pa rin mabura-bura ang ngiti ni Jane at tila m lumapad pa iyon matapos makita ang mga pasalubong namin para sa kanila.

"Jamie iha ano ba ang gusto ninyong mga ulam para mamaya?"

"Tiya Asuncion huwag na po. Kumain na po kanina sa labas and I am so tired for today. I'll go upstairs na po para makapagpahinga."

"Tama po si Jamie Tiya Asuncion at mauuna na rin po ako. Sobrang napagod po ako ngayon para sa araw na ito. Kayo ba Ali? Loki?"

"Mauna na rin po ako."

"Me too."

Sunod-sunod kaming tatlo na nagpaalam at umalis na sa sala. Pumasok na rin kami sa kaniya-kaniyang kwarto at agad na naglinis ako ng katawan para makapagpahinga na ako. Saglit kong binuksan ang aking dalang laptop at tiningnan ang aming blog. Hindi ko alam kung gaano na kadami ang nagbabasa ng aming blog pero ngayon ay wala naman akong maisusulat dahil wala naman kaming kasong kinakaharap. Pinatay ko din kaagad ang aking laptop maging ang ilaw at natulog.

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa pagkatok sa aking pintuan. Bumangon ako at nang buksan ko iyon ay nabigla ako sa ayos ni Jane, nakapusod ang buhok, may suot na salamin at may dalang pamaypay. Napakaseryoso din ng mukha nito hindi tulad kagabi na sobrang masiyahin at ngayo'y nang magsalita ito ay mababakas ang pagka-istrikto sa kaniyang tinig.

"Tumilaok na ang manok ngunit napakahihimbing pa ng inyong mga tulog. Ipinabatid sa akin ng aking ina na kayo ay may paroroonan para sa araw na ito ngunit tirik na ang araw at hindi pa kayo nagsisibangon. Ano ang hinihintay ninyo, pasko?"

Mataray na pagsesermon nito sa akin. Nakakapagtaka ang kinikilos nito. Hindi ito ganoon katatas magsalita ng wikang tagalog kahapon at mas lalong hindi ganito ang tono ng pananalita nito. Tiningnan ko naman ang aking relo at napag-alaman na alas sais naman ng umaga.

"Alas sais pa lamang ng umaga Jane. Mamaya pa namang alas otso ang aming alis."

"Aba at magrarason ka pa. Hindi ba at mas mainam kung maaga pa lamang ay naghahanda na kayo? Hindi yaong magmamadali kayo mamaya upang hindi mahuli sa itinakdang oras ng pagtitipon?"

Sasagot na sana ako ng bigla nitong ikinumpas ang pamaypay tanda na ayaw nitong makarinig ng kung ano pang sagot mula sa akin.

"Mas maigi na ihanda mo na ang iyong sarili at gigisingin ko na rin ang iba mo pang kasamahan. "

Paalam nito bago umalis sa aking harapan at kinatok na din ang pintuan sa kwarto nina Loki at Ali. Agad ko na ring sinara ang pintuan ng aking kwarto at tulad nga ng sinabi ni Jane ay naghanda na lang din para sa pag-alis namin mamaya.

Natapos akong mag-ayos ng aking sarili at nang tingnan ko ang oras sa aking relo ay ilang minuto pa lamang lagpas alas siete. Maaga pa ito para sa aming napag-usapang oras pero napagpasyahan ko na lang na bumaba at hintayin na lang sina Jamie sa sala. Sakto namang pagbukas ko ng pintuan ay siya ring pagbukas ng kani-kanilang pintuan. Bumungad sa akin si Ali dahil magkaharap lamang ang aming kwarto pero nagtaka ako nang pagsulyap ko sa kwarto ni Loki ay si Jamie ang nagbukas nito. Teka, magkatabi na naman silang natulog?

"Good morning." Ako na lamang ang unang bumati dahil tila wala pa sa tamang huwisyo ang mga kasama ko.

"Good morning Lori." Si Ali ang sumagot sa akin samantalang tahimik lang na nakatingin si Loki at nginitian lamang ako ni Jamie.

"So guys, seems like mapapaaga ang alis natin. Yay! I'm so excited for this day! Let's go Loki."

Nagpatiuna silang dalawa sa paglalakad habang naka-angkla ang mga braso ni Jamie sa braso ni Loki. Mukha silang may relasyon kung titingnan o baka mayroon na nga talaga. Sumunod na rin kami ni Ali pero medyo malayo-layo kami ng kaunti mula kina Loki.

"Wala ka bang napapansin na kakaiba kay Jane, Lori?"

"Bukod sa pag-iiba ng ugali at kilos niya, wala naman na."

"I find it so weird."

"Tanungin na lang natin mamaya si Jamie, okay?"

Nang makababa kami ay nasa bungad na sina Jamie at Loki kasama sina Tiya Asuncion at Jane. Nag-uusap sina Tiya Asuncion at Jamie habang nakatayo lang at nakikinig sina Loki at Jane. Ganoon pa rin ang kinikilos ni Jane ngunit halos mag-isang linya na ang mga kilay nito habang nakikinig kina Jamie.

"Tiya Asuncion, aalis na po kami. Tulad nga po ng sabi ko ay sa labas na lamang kami mag-aalmusal."

"Sa labas? Sayang naman ang pagkain na iniluto ni Inay kung yaon pala ang inyong balak. Sana kagabi pa lamang ay ipinaalam niyo na upang hindi na napadami pa ang mga inuluto. Mga wala kayong konsiderasyon. Napakaraming tao ang nagugutom pero kayo ay nag-aaksaya lamang ng pagkain."

Medyo nagulat ako sa sinabi ni Jane at ganun din maging ang aking mga kasama.

"Jane, ano ka ba! Pagpasenyahan niyo na lamang itong si Jane. Sige Jamie iha, mag-iingat kayo sa inyong pamamasyal."

"Sige po. Mauna na po kami."

"Huwag kayong masyadong pagagabi dahil napakadelikado na ng panahon ngayon."

Pahabol pa nito bago kami tuluyang pinahintulutang makaalis. Nakakapanibago talaga ang mga ikinikilos ni Jane. Mula kagabi ay pabago-bago ito ng ugali at gawi.

Nang makasakay na kami ng sasakyan ay hindi na nag-aksaya pa ng oras si Ali at agad na nagtanong kay Jamie.

"Jamie I hope you won't mind me asking but, gaano mo kakilala si Jane?"

"Si Jane? I've known her since we were kids. She's a good girl and an achiever in her school. She excels a lot and she's very bubbly. What's with the sudden interest in her?"

"Ganun ba talaga siya Jamie? Nag-iiba ang ugali at kilos?" This time ay ako naman ang nagtanong.

"Yes, since she is 6 years old I think. That's natural in her. One time, she is so bubbly then she'll be so strict after a few hours."

"Had she ever gone to a psychiatrist?"

Nanlaki ang mga mata namin sa tanong ni Loki. Sino ba naman ang hindi magugulat? Parang sinabi niya na rin na baliw si Jane.

"No and there is no need of it. Jane is perfectly fine. Don't stress yourself about her guys. We are here to enjoy and have fun, right?"

Nginitian niya kaming apat bago ibinaling ang kaniyang paningin sa hawak nitong cellphone at doon itinuon ang kaniyang atensyon. Naging tahimik na rin ang aming pagbabiyahe at ilang sandali lamang ay nakarating na kami sa aming unang destinasyon- ang Burnham Park.

Ang mga sumunod na oras ay napakasaya sa aming apat. Tama nga si Jamie na magkakaroon kami ng panahon para makapag-bonding at tama din ito sa piniling lugar. Kung ano-ano ang mga pinaggagagawa namin at kung saan-saan kami nagpunta.

Sino ba naman ang mag-aakala na mapapapayag namin si Loki na makipagkarera sa amin gamit ang pangbatang bisikleta na may sidecar pa? Halos mabangga na namin ang ibang nagbibisikleta dahil sa bilis ng pagpapatakbo namin pero mabuti na lamang at natapos kaming walang may nasaktan.

Inakyat din namin ang grotto na may halos isangdaang hakbang ata ang hagdan patungo sa taas. Sobrang pinagod kaming lahat sa pag-akyat pero masasabing worth it naman dahil ang ganda sa taas. Panay na naman ang pagkuha ng litrato nina Jamie at Ali at ang loko, nahuhuli ko pa minsan na ninanakawan ako ng litrato.

Naglibot-libot din kami sa Baguio Central Market at namili ng kung anu-anong pwedeng ipasalubong kahit hindi ko naman alam kung kanino ko ipamimigay ang mga ito. Bumili din kami ng mga pagkain na dito lang sa Baguio makikita gaya na lamang ng Binatog. Ito ay nilagang pinudpod na puting mais sa gata ng niyog at kapag ihahain na ay lalagyan ng kondensada at binuburan ng kinudkod na niyog. Bumili din kami ng sundot-kulangot na na nasa bao ng niyog. Medyo natawa pa kami sa pangalan ng tikman namin ay masarap naman pala.

Nagpunta din kami sa ilang Flower Farm na sadyang ikinasaya ko dahil ang dami ng uri ng bulaklak at nasa iba't-ibang kulay pa ang mga iyon. Hindi man ako mahilig magpakuha ng litrato ay ako na mismo ang nagsabi kay Ali na kuhanan niya ako na siya namang ikinatuwa nito.

Huli naming pinuntahan ang Strawberry Farm. Tuwang-tuwa naman si Jamie dahil paborito niya raw iyon. Nagpakuha pa nga ito ng litrato kay Loki at kitang-kita naman talaga sa ngiti nito na sobrang tuwa niya. Naglakad-lakad kami at panaka-naka ring tumitikim ng fresh na strawberry na mula pa mismo sa puno na sadyang ang tatamis. Hindi pa nakuntento si Jamie ay bumili ito, ganun din naman ako.

Medyo dumidilim na nang napagpasyahan naming umuwi. Dahil medyo may kalayuan ang Strawberry Farm ay gabi na ng makarating kami sa resthouse nina Jamie. Akala ko ay bubungad ulit sa amin sa Jane ngunit sa halip ay nakita namin itong nakaupo sa sala kasama si Lyra at Mang Fred habang nanonood ng palabas at nang tingnan ko ay nalaman kong Closer pala ang pinapanood ng mag-aama. Tanda ko, noong 2004 pa ipinalabas ang movie na yun at isa sa mga gumanap ay si Natalie Portman na isa sa aking mga hinahangaang aktres.

"Magandang gabi sa inyo."

Bati nito sa amin sa amin kasabay ng napaka-inosenteng ngiti. Hindi kagaya kanina ay napakahinhin ng boses nito ngayon maging ang kaniyang ang kilos at pag-upo sa sofa. Ibang ugali na naman.

"Jane pakisabi na lamang kay Tiya Asuncion na hindi na ako makakasabay sa pagkain dahil magpapahinga na ako. This day is so tiring for the four of us."

"Ganoon din ako Jane."

"Ako din."

"Me too."

Kaniya-kaniya naming paalam at pumanhik na sa itaas. Bago maka-akyat ay napansin ko ang kamay ni Mang Fred na nakapatong sa binti ni Lyra. Eh? Parang ang sagwa namang tingnan kahit pa sabihin na mag-ama sila lalo na't dalaga na si Lyra.

Nang makapasok ako sa aking silid ay agad na din akong naglinis ng katawan at dala na rin siguro ng pagod ay agad akong nakatulog. Nagising na lang ako kinabukasan dahil sa isang malakas na tili na napakapamilyar na nanggagaling sa likod ng bahay. Agad akong bumaba ganun din sina Loki at Ali.

Sa garahe nanggaling ang tili kung kaya't doon kami agad nagpunta. Nang makarating kami doon ay nakita namin si Jamie na nahihintakutang itinuro ang gilid na parte ng garahe. Nang tingnan ko iyon ay maging ako ay biglang nagimbal sa nakita ko.

Agad din namang dumating sina Tiya Asuncion at bigla na lamang itong napasigaw kasabay ng pagragasa ng luha mula sa kaniyang mga mata.

"Anak ko!"

Akmang lalapitan ni Tiya Asuncion ang bangkay ng anak ngunit pinigilan ito ni Loki. Nagpupumiglas pa rin si Tiya Asuncion ngunit bahagyang tumigil ito ng ipaliwanag ni Loki kung bakit pinigilan niya ito.

"Bitiwan mo ako. Hayaan mo akong lapitan ko ang anak ko. Anak ko. Sinong may gawa sa iyo nito?"

"And that is what we are going to unveil. Do not touch the body because this is now a crime scene. You might destroy any evidence we can get from the body once you lay a finger on her. Alistair, call the police immediately. Lori, bring Jamie inside."

Madali ko namang inalalayan si Jamie papunta sa loob ng bahay samantalang tumawag naman ng police si Ali alinsunod sa iniutos sa amin ni Loki. I pity Jamie. For someone like her possessing a retentive memory, ilang araw na naman siyang gagambalain ng nakita niya kanina tulad na lang nang nangyari dati nang nagpakamatay si Officer Bastien.

Nang makarating sa sala ay agad ko siyang pinaupo at pinainom ng tubig. Ilang sandali lang din ay narinig ko na ang ingay na nagmumula sa sasakyan ng mga pulis. Napagpasyahan kong hayaan na lamang muna si Jamie sa loob ng sala upang makapagpahinga at bumalik sa crime scene. Nakasabay ko sa paglabas si ang isa pang anak ni Tiya Asuncion.

'Eh? Saan siya nanggaling? Hindi niya ba narinig kanina ang sigaw ni Jamie?'

Napakunot ang noo ko nang makita ko siya. Iba na naman ang ugali ang ipinapakita niya. Panay ang tingin nito sa kaliwa't-kanan niya at tila hindi mapakali ang mata nito. Nanginginig din ito at may sinasambit na tanging ang sarili niya lang ang nakakarinig. Mga galaw ng isang taong nakagawa ng krimen pero masyado naman ata siyang obvious kung siya nga ang may gawa nito.

Nang makabalik ako ay nilalagyan na ng harang ang palibot ng crime scene at may iba na ring police officers ang nagtatanong kina Tiya Asuncion. Si Loki naman at Ali ay naglalakad-lakad sa palibot ng crime scene, malamang ay nangangalap ng ebidensya na maaaring makapagturo sa pumatay.

"Ang buong pangalan ng biktima ay Lyra Abuan. 15 taong gulang at kasalukuyang nag-aaral sa Baguio City National High School. Matigas na ang bangkay nang matagpuan ito kaya tinatayang nasa pagitan ng 5-6 na oras na ang nakararaan ng mawalan ng hininga ang biktima. Huli siyang nakita sa kusina ng kanilang bahay mga alas 10 ng gabi ayon na rin sa ina nito. Hindi pa man nagagawan ng autopsy ay paniguradong pinagsamantalahan ito dahil na rin walang saplot ang biktima ng ito ay matagpuan at makikitang may dugo din nagmula sa ari na biktima."

Narinig ko ang isa sa mga police officer na nagrereport sa kasamahan nito habang tinitingnan ko naman ang kinahinatnan ni Lyra. Hubo't-hubad siyang nakahiga sa pinakagilid na parte ng garahe, puno ng saksak sa iba't-ibang parte ng katawan at tulad nga ng sinabi ng pulis, may bahid din ng dugo na nagmula sa ari nito. Nakabukas pa ang mga mata nito at may busal sa bibig at may bahid din ng dugo na nagmula sa ulo nito, malamang ay pinalo ito ng isang matigas na bagay sa ulo.

Ang nakakapagtaka ay bakit hindi ito nakatali? Doon ko napansin ang nakasulat na numerong 8 sa ilalim ng kaliwang kamay at ang hawak nitong litrto ni Natalie Portman sa kanang kamay. Ano ang ibhig sabihin ng mga ito? Number 8 at litrato ni Natalie Portman?

Inilibot ko ang paningin ko sa crime scene at doon ko nakita ang damit na may bahid ng dugo at grasa. Teka? Kay Mang Fred ang damit na iyon ah? Kalapit naman ng damit ay isang bote ng Mt. Dew? Anong ginagawa niyan dito? Ang kutsilyo namang ginamit ay nakatusok pa rin sa katawan ng biktima, sa may bandang puso nito.

"Ang lahat ng mga makikitang ebidensya dito ay tinuturo si Mang Fred pero parang may mali"

Nakalapit na pala sa akin si Ali at tulad ko, iniisip niya ring si Mang Fred ang may gawa ng krimen na to at tama nga siya, may nararamdaman din akong parang may mali sa kasong ito. Napabaling ang tingin ko sa pamilay ni Tiya Asuncion. Wala pa ring humpay ang pag-iyak nito samantalang si Mang Fred naman ay kasalukuyang tinatanong ng mga pulisya. Si Jane naman ay ganoon pa rin. Napansin ko kaninang nilapitan siya ng isa sa pulis para siguro tanungin pero dahil na rin siguro sa sitwasyon nito ngayon ay hindi na tinuloy pa ng pulis na tanungin ito dahil wala lang din itong makukuhang maayos na sagot.

Hindi na kami nasorpresa ng lapitan din kami ng isa sa mga pulis upang tanungin. Dahil nga magkakasama kami sa isang compound ay hindi nakakapagtakang tanungin din kami kung nasaan kami sa mga oras na isinagawa ang krimen. Naging mabilis lang naman ang nangyayaring pagtatanong sa amin dahil lahat naman kami ay nasa mga kwarto namin natutulog sa mga oras na iyon.

"Paano pala kayo pinayagan ng mga pulis na tumulong sa pag-iimbistiga?"

Tanong ko kay Ali dahil nakakapagtaka kasi hindi naman namin kilala ang mga pulis dito sa Baguio. Habang nag-uusap kami ay kinuha na ang bangkay ni Lyra para daw sa autopsy at maya-maya lang din ay malalaman na namin ang resulta nito.

"Hindi ko alam kung ano ang sinabi ni Loki sa mga pulis dahil naging palaisipan sa akin ang mga numero at ang litrato na hawak ni Lyra."

Maya-maya lang din ay lumapit na din sa akin si Loki. As usual, naka-poker face pa rin ito. Nang makalapit ito sa amin ay tinanong niya kung nasaan na si Jamie.

"Nandoon na siya sa sala, pinagpahinga ko na muna."

"So what can you deduce from the scene Lori?"

Nabalik ang aking paningin sa crime scene nang marinig ko iyon kay Loki. What can I deduce from the scene? Makaraan ang ilang sandali ay ibinalik ko kay Loki ang aking paningin at sinagot ang kaniyang tanong.

"All the evidences are pointing Mang Fred. Kahit na hindi ipa-autopsy ang biktima ay siguradong ginahasa ito bago pinatay. Ayoko man sanang bigyang malisya pero sa ilang pagkakataong nakasalamuha natin sila natin dito sa resthouse nina Jamie, napansin kong iba kung tumingin si Mang Fred kay Lyra. Isa pa, natagpuan din ang damit niya dito sa crime scene na may bahid pa ng dugo. Ang ipinagtataka ko lang ay ang mga numero."

"But how about Jane? She seems so bothered. Look at her. Tila kanina pa ito kinakabahan and her sudden shift of attitude this past few days. Don't you find it suspicious?"

Tama nga naman si Alistair. Kahit na ang tinuturo ng mga ebidensya ay si Mang Fred, we cannot just eliminate the possibilities. Isa pa, paano kung nalaman ni Jane na may kinikimkim na galit ang kapatid nito sa kanya at yun ang nagtulak sa kanya para patayin ito?

"Impressive deductions and observations from the both of you."

"Pero hindi ko pa rin maisip kung ano ang ibig sabihin ng number 8 at ng litrato ni Natalie Portman. Paniguradong clue iyon sa katauhan ng pumatay sa kanya."

Loki was about to answer when one of the police officers caught the attention of everyone when he reported the result autopsy. No doubt, Lyra was indeed raped before being killed. And that means...

"Walang hiya ka Fred! Sariling anak mo pinagsamantalahan mo at pinatay mo! Hayop ka! Demonyo ka!"

Nabigla kaming lahat ng bigla na lang tumayo si Tiya Asuncion at sinugod si Mang Fred. Pinaghahampas niya ito habang binabato ng kung anu-anong salita. Mabuti na lang at maagap ang mga pulis at nailayo rin siya kaagad sa asawa.

"Nagkakamali ka, Asuncion! Wala akong ginagawang masama! Magkatabi tayong natutulog kagabi sa mga oras na ginawa ang krimen."

"Akala mo maniniwala ako sa iyo? Akala mo ba hindi ko nakikita kung paano mo tingnan ang bunso nating anak? Akala mo ba hindi ko napapansin ang panaka-nakang pagdako ng iyong kamay sa maselan na bahagi ng ating anak? Nakakadiri ka!"

"Teka lang, Asuncion. Wala akong ginagawang masama. Oo, inaamin kong pinagnanasaahan ko ang mga anak natin pero hindi ko magagawang galawin sila!"

"Sa presinto ka na lang magpaliwanag."

Napahinto sa pagposas kay Mang Fred ang mga pulis na muling magsalita ang nag-report kanina. At naging dahilan iyon ng pagkabigla naming lahat at muling pagbalik ng aming mga paningin sa pinangyarihan ng krimen.

"Teka lang, Chief. Kumpirmadong ginalaw ang biktima pero nakakapagtaka na walang kahit anong trace ng semen ang makikita sa ari o sa anumang parte ng katawan ng biktima."

"Kung gayon, sino ang halang ang kaluluwa ang gumawa nun sa anak ko?"

Natahimik kaming lahat ng tanungin iyon ni Tiya Asuncion. Sino nga ba? May kinalaman kaya ang nga numero at litrato? Inisip kong mabuti kung ang mga movie na pinagbidahan ni Natalie Portman. Teka... Tiningnan ko si Loki at napansing nakangiti ito, tanda na alam niya na kung sino ang killer.

"Mang Fred isn't the one who committed the murder. It's none other than your daughter, Jane Abuan."

Nabigla ang lahat sa isiniwalat ni Loki maliban na lamang sa aming dalawa ni Ali na inaasahan na ang magiging pahayag ni Loki. Tiningnan namin ang lahat ang nasabing salarin. Tila wala pa rin ito sa kaniyang sarili at balisa, isa sa palatandaan na may nagawa nga itong hindi kanais-nais.

"Hindi totoo iyan. Paano yan magagawa ng anak ko sa sarili niyang kapatid?!"

"Sino ka ba talaga at ang lakas ng loob mong ituro ang iyong mga daliri sa taong napakainosente? May pruweba ka ba?"

Sa kabila ng mga binabatong salita sa kaniya ay nanatiling kalmado pa rin si Loki na parang wala lang ang mga salita nito sa kaniya.

"Why don't you try to examine that bottle of Mt.Dew over there? For sure, you'll find something interesting."

Tulad nga ng sinabi ni Loki, agad namang pinadala ng pulis ang note ng Mt.Dew at tunay ngang walang kinalaman si Mang Fred dahil wala namang natagpuan na fingerprint sa kahit na ang parte ng katawan maging sa kutsilyo.

Ilang sandali lang din ay tumawag sa chief sa kasamahan nitong pulis at nakumpirma nga ang hinala ni Loki.

"A-anong sabi mo?! May na-trace silang vaginal fluid sa bote ng Mt. Dew? Kung gayon, tama nga ang hinala ng batang ito."

"For clarification, the victim wasn't raped at all. It was a trick done by the murderer using the tip of the bottle to make it look like Lyra waa raped and to divert the attention of the investigators. As for the numbers written by the victim, number 8 is spelled as EIGHT but in English language, there is also this one word that you can read as eight but spelled as ATE and in Filipino, is read as Ate. And about the picture of Natalie Portman. Last night, we saw the three of them, Mang fred, Lyra and Jane watching Closer, a film written by Patrick Marber and was first shown at the cinema in the year 2004. In the said film, Natalie Portman was one of the actress portraying the role of Alice Ayres and was later known as Jane Jones."

Nang matapos si Loki ay napagpasyahan kong sabihin na rin kung ano ang mga bagay na malamang ay ako lang ang nakakita o sadyang hindi sinabi ni Loki to test what I could say in this case.

"And also, look at the nails of the suspect. There are tiny traces of blood that wasn't clean thoroughly. And as of Mang Fred's shirt, she wore it above her own shirt to prevent blood stains onto her shirt but to no avail, there are also tiny traces at the hem of her shirt. She made all of those trick to frame up his own father. And look at her. Aren't her actions telling us that she really is the culprit behind this crime?"

"No, it wasn't her."

Napalingon kaming lahat kay Ali nang magsalita ito. Anong ibig sabihin niyang hindi si Jane ang may kagagawan ng lahat? Loki has already given all the solid proofs to prove that it is Jane who killed her own sister.

"It is Jane indeed who killed Lyra but what I mean is that, it isn't the Jane that we are facing right now."

"Aba iho, anong ibig mong sabihin? Alien itong Jane na kasama natin ngayon?"

Okay din itong si Mamang Pulis mag joke eh. Kung wala lang kami sa ganitong kaseryosong sitwasyon malamang natawa na ako.

"To explain everything, Jane has DID, Dissociative Identity Disorder or most commonly known as Multiple Identity Disorder. Since the day we arrived here up until now, Jane has exhibit and shown us the different persona inside her mind. There was a time that she was like a child and there was a time that she was so serious. As of the moment, Jane has already shown us 5 different personas and who knows that the one who made this crime is one of those 5 or another one."

"Anak, umamin ka. Ikaw ba ang may gawa nito sa kapatid mo?"

"Wa-wala a-a-akong ala-am. I-inosente ako. Pe-pero ma, nandyan lang siya. Pa-papatayin niya ri-rin ta-tayo."

"Anak, please. Sabihin mong hindi ikaw ang may gawa nito. Alam kong inosente ka."

"Hi-hindi nga ako ma-mama. Si-sino ba si-sila?"

Napakunot ang noo ko nang sambitin iyon ni Jane. Paanong hindi niya kami kilala? Kahapon at noong isang araw lang, sobrang saya niya pa na binabati kami."

"That is one of the proofs that Jane has really a DID. At kahit anong pilit niyong pagpapa-amin sa Jane na kaharap natin ngayon ay wala itong kaalam-alam sa ginawa. No, she doesn't have amnesia. People with DID possess atleast 2 different persona inside their mind, and thus dividing their memories according to that persona. Once a particular persona dominates all the other personas, what that persona is doing will never be known by the others. Once the domination happens, it locks the other part of the mind thus limiting the information only to that particular persona."

"Pero? Paano? Paanong nangyaring may ganyang sakit ang anak ko? Ibig sabihin, psycho siya? O baliw?"

"No. DID is a different case from being psychotic and insane. And according to the research I have read, this particular mental disorder is acquired when a person undergone something terrible in his past and wanted to forget it. In forcing his mind to do so, he is unconciously creating different persona inside him. Yes, as what you have heard, it is also the person itself who create all the different persona inside him in attempt of forgetting his tragic past."

I didn't know that Ali knows this kind of information. What he said a while ago is like a bomb dropped infront of all of us. That explains it all, why Jane showed us different attitudes. Napatingin ako sa kanya. Nasabi na lahat-lahat ni Ali ang tungkol sa sakit niya pero tila wala lang ito para sa kaniya. Naaawa ako sa kanya. Nakagawa siya ng kasalanang hindi niya alam na ginagawa niya na pala.

Nabigla kami ng bigla na lamang napahagulhol at napaluhod si Mang Fred sa harapan ng anak.

"Anak patawarin mo ako. Patawarin mo ako sa mga nagawa ko sa iyo. Hindi ko alam na ganito ang naging epekto sa iyo ng mga ginawa ko dati."

"Bakit Fred? Ano ba ang ginawa mo sa anak natin dati?"

Patuloy lamang sa pag-iyak si Mang Fred habang naghihintay ng kaniyang sagot ang tila hindi makapaniwalang asawa nitong si Tiya Asuncion dahil sa mga nangyayari at rebelasyon sa kanilang pamilya. Mukhang alam ko na ata kung ano ang ginawa nito dati. Kung aaminin nito, paniguradong ipapakulong din ito ng asawa. Nakakaawa din si Tiya Asuncion. Napakabait nito para maranasan ang lahat ng ito.

"Noong mga panahong namamalengke ka at kaming dalawa lang ang naiiwan sa bahay, hindi ko napigilan ang aking sarili at nagalaw ko siya. Asuncion patawarin mo ako. Pinagsisihan ko na ang lahat!"

"Walanghiya ka! Ang baboy mo! Pati ba naman ang anak mo?! Anong klaseng ama ka?! Damputin niyo iyan! Siya ang may kasalanan ng lahat ng ito."

Tuluyan ng pinosasan ng mga pulis si Mang Fred at dinala sa presinto gayundin si Jane dahil kahit my sakit ito, hindi pa rin ito ligtas sa batas dahil sa ginawang krimen. Sumama naman sa presinto si Tiya Asuncion para masamahan ang anak kaya't kaming apat na lang ang natira.

Nang maka-alis ng mga pulisya ay nagligpit na rin kami ng aming gamit dahil maya-maya ay uuwi na rin kami. Si Jamie naman ay tahimik pa rin. We cannot blame here. Ako nga na walang retentive memory ay naaalala pa rin ang mukha ni Lyra, siya pa kaya?

Nang matapos na kaming mag-ayos ay isa-isa na kaming sumakay sa sasakyan. Mahaba-habang biyahe na naman ito at kailangan ko na ring magdesisyon kung uuwi ba ako o hindi. Siguradong kukulitin na naman ako mamaya ni Ali.

Habang nasa biyahe kami ay hindi naman ako dinalaw ng antok kaya't napagpasiyahan ko na lang na isulat sa blog ang aming napagdaanan sa Baguio, hindi lang ang kaso pero kasama na rin ang mga oras na naging masaya kami sa piling ng bawat isa.

Tulad nga ng sinabi ni Jamie, naging masaya nga ang aming bakasyon. Hindi namin iyon maipagkakaila. Masyadong matibay ang mga nakunang ebidensiya na nakapaloob sa nga dalang camera nina Jamie at Ali. Akala namin, magiging tahimik ang bakasyong ito pero siguro ay sadyang case magnet na kami ni Loki at nangyari pa sa huling araw namin dito. Well, sabi nga nila, save the best for last. 

###

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro