Christmas Entry #8: Multiple Murder Case
PART 1
I was in my deep sleep and enjoying our first day of Christmas vacation in Clark high school. Rolling left in right on my bed hugging my soft pillow, when suddenly I heard a very horrible noise of a vacuum cleaner outside of my room.
"Ohh!!! Ang aga naman maglinis ni tita Martha." I groaned while covering my head on a pillow just to lessen the noise I heard came from that annoying machine. Wala talaga akong balak gumising ng maaga ngayon sa kadahilanang sabado naman at simula na ng bakasyon. secondly, I also sleep late last night typing my blog that related to the last crime scene that we resolved in our school.
Plus extra burden is that dad was interfering with my own decision on a man whom I wanted to marry. Though I already inform him that I'm the one to decide about it but I know my dad gagawa at gagawa sya ng paraan para lang sya ang masunod--- Laging sya ang batas. He always making me feel that I'm a puppet and his the one holding those string na kung kailan nya gagalawin ang tali ay saka ako susunod. seriously? I'm tired of it.
Well hindi naman sa ayoko ko kay Al, kilala ko na sya since we're young. His a good man and has a strong perception in life, He can decide on his own at madalas din nya akong ipinagtatagol kapag naiipit ako sa gulo, he always act like my knight and shining armor riding on a white horse. And additionally he has a very good family background that every woman could pray for it.
Naudlot ang paglalayag ng isipan ko ng mas lalo pang lumakas ang tunog ng vacuum cleaner, seems like it was already in front of my door.
"Esst" I irritatedly said covering a blanket on my whole body. I also look at my wrist watch looking for the time. " God it's just six o'clock in the morning, may darating bang hari at kailangang maglinis ng ganito kaaga?." Muli kong sambit sa ilalim ng kumot.
"Do you still have a plan to get up or you want me to carry you out of your bed your Highness?"
That lifeless voice of loki made me jump out of my bed.
"WTH are you doing inside of my room Loki? " saad ko nang makabawi sa gulat at tinapon sa mukha nya ang unan na nasa harapan ko na agad naman niyang nasalo. This man was getting into my nerve this past few days. Hindi ko alam sa t'wing makakasalubong ko sya nitong mga nagdaang araw ay naiinis ako sa kanya. His presence makes me uncomfortable. Kahit si Al napansin ang pagiwas na ginagawa ko kay Loki sa QED CLUB kahapon.
"Ohh! So kailangan pala talaga ang presence ko dito sa silid mo para lang magising ka" he said while crossing his arm on his chest while leaning on the side of the door.
"And what was that important things you need to say and you have to disturb my sleep Master?" Saad ko na nakapameywang.
"Oh I didn't know that you already have your short term memory lost. when did you got that? So do I have to remind you of what your tita Martha's said to you last night?" Pasarkastiko nitong tugon.
Wow ha! And that words came from Loki's mouth, Unbelievable. I was so ashamed. And how did he heard our convo last night? Sa pagkakaalala ko he was busy on his laptop typing for something that I'm not interested to know what it's all about.
Oh I almost forgot marunong nga pala syang magmulti-tasking sana lang ganun din sya kagaling umalala ng mga pangalan ng mga taong nakakahalubilo nya.
"Ehem!" he cough just to bring back my attention in reality. Napansin nya siguro na lumilipad isip ko. "Let me guess what's your thinking. Iniisip mo siguro na papano ko narinig ang pinaguusapan nyo samantalang nakatutok ako sa laptop ko, didn't I tell you that----"
"YOU'RE VERY GOOD IN MULTI-TASKING" pagtutuloy ko sa sasabihin nya.. Well you don't have to remind me Mr. Mendez I still remember what tita Martha's said. So if you don't mind will you just get out of my room?" pagtataboy ko sa kanya na akala ko ay agad naman syang tatalima but No!.. He didn't.
He remain standing in front of my door.
"By the way Lori??" He paused na tila nag-alalangan sa sasabihin" are you having your hormonal imbalance? Since this past few days I noticed that your not comfortable having with me in a same place. And according to Jamie nagiging mainitin daw talaga ang ulo ng mga babae kapag----
"It's none of your business Loki" Putol ko sa mahaba nyang litanya " So will you PLEASE GET OUT OF MY ROOM". Ok na sana but mentioning Jamie's name makes me so annoy. Hindi naman ako ganito dati halos OK lang sakin ang presence ng dalawa na kahit parang linta kong makadikit sa jamie sa kanya eh! it's never been a big deal to me at all.
"Oh one last thing I almost forgot" saad nito nang akmang tatalikod na sana sya at itinaas pa ang kaliwang hintuturo.
"WHAT????" raising my eyebrow
"I just wanted to say Good morning Lori" he smiled. A very genuine smile came from Loki's face at tuluyan na nga siyang lumabas ng aking silid at naiwan akong nakatulala sa harap ng aking kama habang pinagmamasdan ang pagpunta niya sa may dakong kusina.
****
It was already eight o'clock in the morning and I was about to leave. Im wearing my plain pink long sleeve and I folded it near on my elbow pairing with my blue jeans and white rubber shoes. Papalabas na ako ng aking silid ng makita ko si Loki na nagtitipa uli sa kanyang laptop sa may mahabang sofa sa sala. Hindi ko nalang sya pinansin dahil alam ko naman hindi nya ako pagkakaabalahang pansinin..
"Aalis kana?" Napapitlag ako sa may pintuan "maaga ba kayong alis ng tita mo" pagpapatuloy niya.
"Ahmmm yeah!, may ipapabili ka ba?" Maikli kong tugon na di man lang ako lumilingon sa kanya.
"Ahh wala naman." Saad nito Nang wala na syang sasabihin ay humayo na ako.
Napakalamig talaga ng klima ngayon sa pampanga, you already feel the ambiance of Christmas because most of our neighborhood are hanging a various kind of lantern and putting some statue of Santa Clause and reindeers outside their home. Nagpapatimpalak din kasi ang mga opisyales ng lungsod tuwing buwan ng disyembre, kung saan ang lahat ng kabahayan sa aming lugar ay nagpapabonggahan mga Christmas decor. Well magpapahuli ba naman si tita Martha? Eh halos lumiwanag na nga ang buong apartment sa mga Christmas lights na nilagay nya mula sa ground floor hanggang third floor kung saan kami nakatira ni Loki. At dahil nga karamihan sa mga tenant nya dito sa apartment eh mga estuduyante at hindi lahat ay uuwi sa kani-kanilang mga lugar gaya na lamang ng mga college students na may mga incomplete requirements na kailangang nilang ipasa kaya napagpasyahan nilang manatili na lamang sa apartment at tumulong sa paglalagay ng mga dekurasyon sa buong building.
At dahil nga papalapit na ang araw ng pasko ay niyaya ako kagabi ni tita para samahan syang mamili ng mga iba pang gagamiting pandekurasyon na idadagdag nya pa sa napakalaking Christmas tree na nasa bakuran mismo ng apartment namin. Napagdesisyunan din nya na mamili na ng mas maaga para sa ihahanda nya para sa Noche Buena dahil mahirap nga namang makipagsiksikan sa mga mall kapag rush hours na. Mainam na din na sumama ako dahil hindi ko makakasama buong araw si Loki hindi ko talaga alam kong bakit tila di na ako kumportable na araw araw syang nakikita.
Habang papababa na ako ng hagdan papunta sa flat 101 kong saan ang unit ni tita Martha ay may nakasalubong akong isang familiar na mukha na may kausap na binata sa may gilid ng hagdan siya si Reign Sandoval na nakatira sa Room 300 kalapit ng unit namin ni Loki. Isa siyang police students sa isang sikat na university. Nang matapat ako sa kinatatayuan nilang dalawa ay dagli silang tumigil sa paguusap.
Ipinagwalang bahala ko nalang sila dahil baka isipin nilang nakikiusyoso ako sa kanila. I didn't even bothered to great them nor smile with them. I'm not a typical person who talks to someone I really don't know so I walk straight away to tita Martha's room and check if she's already done.
Bubuksan ko palang sana ang pinto ng mismong silid ni tita para pumasok ng bigla na itong bumukas.
"Oh Lorelei mabuti at nandito kana hija I'm just planning to go up stairs para daanan ka" mahaba niyang saad at humalik pa sa pisngi ko.
"Maaga po kasi akong ginising ni Loki tita, so shall we? Matipid kong sagot.
"Oh now you have your walking alarm clock huh." Tudyo ni tita sakin na di ko nalang pinansin. "Ay naku tara na nga Lori kasi masyado ng maraming tao sa mall ngayong oras na to at baka matraffic pa tayo" saad nito at inayos ang bitbit na bag.
We are about to leave nang makita ko ang lalaking kausap ni Reign kanina na napapahihilamos pa ng mukha habang naglalakad papunta sa gate.
"Andrei?!!" Tawag ni tita sa binata na agad namang huminto sa paglalakad para hintayin kami ni tita Martha. Habang papalapit kami ni tiya ay napasadahan ko sya ng tingin. Bilugan ang kanyang mukha may matangos na ilong at mga 5'8 ang taas kong hindi ako nagkakamali.
"Nakausap mo ba si Reign?" Panimulang tanong ni tita.
"Ah opo tita, salamat po pala" saad nito na iniiwas pa ang mata samin ni tita na halatang namumula.
"Nagaway ba kayo ng girlfriend mo hijo" paguusisa ni tita.
"Ah eh!!!. Tila nahihiyang sumagot ang lalaking kausap ni neto "Kasi po ---------"
AAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!..
Naputol ang iba pa nyang sasabihin ng biglang may malakas na sigaw kaming narinig mula sa 3rd floor. Agad kaming tumakbo papunta sa lugar kong saan nanggaling ang boses. Halos magkasabay lang naming tinatahak ni Andrei ang hagdan papunta sa third floor, agad ko naman nakita ang nagkukumpulang mga tenant sa harap ng room 300. Nagkatinginan kami ni Andrei at bakas sa mukha neto ang pagaalala. Agad kaming pumasok sa loob ng silid at nakita ko si Loki na nasa harap na ng banyo ng mismong silid kong saan pinupulsuhan si Reign na puno ng dugo ang pangibabang bahagi ng katawan. At halos wala ng malay.
"Reign!!!" Sigaw ni Andrei na agad ko namang pinakalma..
"What happened Loki?" Pagaalala kong tanong.
"I'll explain to you later sa ngayon she need a urgent medical assistant. Call 911 Lori" mautoridad niyang utos sakin. Na agad naman akong tumalima. Sinisimulan ko na ang pagtipa ng numero ng pigilan ni Andrei ang kamay ko..
"No need, may dala naman akong sasakyan. let's ride her on my car.
Agad namang tumango si Loki at kinarga ang dalaga. Habang inilalabas na sya sa mismong silid ng banyo ay napansin ko ang sabon sa gilid ng tub at basang sahig at hindi ito isang ordinaryong tubig lang kong hindi ay tila may mantika ang sahig. Ipinagwalang bahala ko nalang sa kadahilanang baka may bagong naligo lamang sa banyo at gumagamit ng mga moisturizing cream.
Nasa may ground floor na kami at halos mataranta si tita Martha sa kanyang nakita.
"Oh Reign!." Usal nito na naitakip ang palad sa bibig.. "Anong nangyari Lori? Tanong nito habang nakasunod sa amin papalabas ng bakuran ng apartment.
"Mamaya na po tayo magusap tita kailangan madala si Reign sa malapit na hospital kong hindi mauubusan sya ng dugo." Mas lalo kong nakita ang pagpapanik sa mukha ni tita Martha.
"Sige sasama na ako sa inyo" suhestiyon ni tita Martha at tango lang ang isinagot ko.. Sumakay na ako sa loob ng itim na honda civic na sasakyan na minamaneho ni Andrei. Subalit nagpaalam si Loki na hindi na sasama sa amin. Pumayag na din kami ni tita Martha.
Maayos naman naming nadala si Reign sa hospital at nilalapatan na ng mga paunang lunas. Bakas naman sa mukha ni Andrei ang pagaalala habang si tita Martha ay may kausap sa kanyang telepono.
Makalipas ang halos isang oras na paghihintay ay lumabas na ang doctor.
"Who amongst you the family of patient??" Saad ng doctor nang makalabas sa emergency room.
" We Doc. I'm Andrei De Guzman, Reign's boyfriend. How is she? " mabilis na tanong nito.
"The patients are ok. Mabuti at di naapektuhan ng kanyang pagbagsak ang bata sa kanyang sinapupunan pero kailang maging maingat parin sya sa mga gagawing pagkilos sa susunod maaring makasama ito sa kanyang pagbubuntis." Mahabang saad ng doctor at tinapik tapik pa ang balikat ng binata. Ngunit tila may di maipaliwanag na reaksyon sa mukha ng binata. Maaring di nito alam na buntis ang dalaga.
"Excuse me Doc. I'm not related to the patient but im their land lady kong saan sila nakatira. So kargo ko po ang mga batang eto. What are you trying to say buntis po si Reign?" Nagtataka parin tanong ni tita.
"Yes ma'am. She's seven weeks pregnant." Walang kagatol gatol na saad ng doctor. Halos malaglag naman ang panga ni tita sa kanyang narinig at maya maya pa ay iniwan na kami ng doctor.
Siniguro muna ni tita Martha na mailipat sa isang pribadong silid si Reign para maayos na makapagpahinga.
Nasa probinsya ang mga magulang nito kaya di agad sila makakapunta at ibig din namang ilihim muna nila ang nangyari para di sila magalala. Nang maayos na ang lagay neto ay nagpaalam na kami ni tita Martha sabi naman ng doctor ay makakalabas din sya kaagad kapag lumakas lakas na. Hindi na din siya iniwan ng kasintahan. Habang tahimik na natutulog si Reign ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Ashley Buenaventura ang roommate ni Reign.
Sandali silang nagusap ni tita habang naghihintay ako sa kanila. Habang nakaupo ako sa mahabang upuan ay pansin ko ang pagkakahawig ng itsura ni Ashley at Reign. Pareho silang mahaba ang buhok at balingkinitan ang katawan. Halos magkapareho din sila ng height kung hindi ko siguro sila madalas na nakikita ay mapagkakamalan ko silang magkapatid. Makalipas ang ilang minuto ay agad na din kaming nagpaalam natutulog na rin naman si reign marahil ay dahil sa epekto ng gamot na itinurok sa kanya..
Bago naman kami umalis ay nagpaalam kami kay Andrei subalit sabi nya ay sasabay na sya dahil nandoon na si Ashley may ibinulong nan ito sa kanya at ngumiti pa sa dalaga napansin ko na man ang tila di maipaliwanag na imosyon ng dalaga. Marahil ay nagaalala siya sa kalagayan ng kaibigan.
****
3rd Person
Matagal nang nakaalis ang kotseng lulan sina Lorelei ngunit nanatili parin nasa labas si Loki at malalim ang iniisip. Kalaunan ay napagpasyahan din nyang pumasok sa loob ng compound ng apartment.
Habang papaakyat eto ay pinagmamasdan niya ang mga dugong nanikit sa kanyang damit at braso. Bigla niyang naalala ang nangyaring insedente noon kay Rhea. "siguro kong naging maingat at mas pinrotektahan ko sya ay hindi mangyayari yun sa kanya, buhay pa sana siya ngayon."
Lumilipad ng mga oras na iyon ang isip ni Loki ng may isang babeng di magkamayaw sa pagtakbo paakyat ng building at nasagi siya sa balikat.
"Oh! Oh! Im sorry I didn't mean too." Na bahagya pang humawak sa dibdib. "Im in a hurry and I didn't noticed you" saad pa uli nito na bahagya lang lumingon at agad ding tumakbo papunta sa kanyang unit. Biglang kumunot ang noo ni loki ng makita kung saang kwarto ito pumasok, sa unit 300 kong saan nagkaroon ng gulo kanina.
Hindi gawain ni Loki makipagusap sa mga taong di nya kilala but there something inside him urging to ask the girl. Lumapit siya sa mismong pinto ng kwarto na di gaanong nakasara at dahan dahang kumatok. Mahigit tatlong minuto bago sya pagbuksan nito.
"Oh it's you? Gulat nito nang buksan ang pinto "Loki right???"
"Yeah, Loki Mendez" he said on a dryly tone. "Dito kaba nakatira?
"Yeah, actually dalawa kami dito ng karoom-mate ko. May kailangan kaba?"
"Ahh!! Ang pangalan ba ng room-mate mo eh Reign Sandoval?" he ask.
"Yes! " Maikli nitong tugon
"Are you aware of what happen to her just awhile ago?" Asked Loki
"Kay Reign? May nangyaring masama sa kanya? Tila gulat na gulat ito at halos mawalan ng kulay ang mukha sa sinabi ni loki.
"Hey relax, wala pa naman akong sinasabi ay ganyan na agad ang reaksyon mo?, biglang kumunot ang noo ng dalaga.
"And what are you pertaining too Mr.??.... Mendez isn't it? She said while raising her eyebrow
"Nothing I just want to inform you that your room mate was rushed to the hospital due to she ACCIDENTALLY slept at the washroom" tumingin muna ito sa kanyang wrist watch at saka tumingin sa dalaga "just about half an hour. baka lang ibig mo syang kamustahin kong napuruhan ba sya sa lagay nya. " sarcastically said by Loki then He smirked.
"Of course I will do that you don't have to command me of what I have to do." Saad ng dalaga na medyo kumunot pa ang noo at iniiwas ang tingin kay Loki.
"Ok I have to go then. Aalis na sana si loki ng muli syang tawagin ng dalaga.
"Excuse me Loki. Sang ospital ba dinala si Reign? "Kibit balikat lang ang isinagot ng binata rito at tuluyan nang umalis.
Makalipas ang trenta minutos ay umalis din ang dalaga sa unit nito.
###
PART 2
Mabilis na dumaan ang mga araw at halos isang linggo na rin simula ng mangyari ang insidente sa katabi naming apartment medyo ok na rin si Reign at nakalabas na sa ospital. Ngayon naman ay abala kami sa pagaayos at paglilinis ng buong compound ng apartment nagpasya kasi si tita Martha na magkaroon ng malaking salo salo para sa buong tenant ng lugar, parang thanks giving narin niya ito sa buong taong natatanggap niyang blessings.
"Tinawagan mo na ba ang daddy mo Lorelei?" Tanong nito sakin habang abala ako sa pagaayos ng bulaklak na ilalagay sa mga mesa.
"Ahmmm hindi ko pa sya nakakausap tita. Sinubukan ko syang tawagan kanina pero cannot be reached ang cellphone nya" saad ko na Ang totoo'y hindi ko man lang sinubukang i-dial ang numero nya. I knew him he wouldn't waste his time for this kind of occasion kagaya nalang ng room-mate ko na ngayon ay abalang nagbabasa ng kanyang libro sa may sala. Sinubukan ko din syang yayain kanina ang sabi nya ay susunod sya ngunit magdadapit hapon na'y anino nakita.
Kinahapunan ay natapos na nga ang aming pagaayos ng lugar at napagpasyahan ko munang umakyat sa aming unit para makapagayos medyo nangangati na rin ako sa init ng araw kanina. Maya maya pa ay nilamon na ng dilim ang buong lugar. Halos marami na din ang nagiingay sa labas ng apartment. Dinig na dinig ko na rin ang mga kabahayan na nagkakatuwaan at nagpapatugtug ng mga Christmas songs, may mga iilan din na nagsisimula ng magpaputok sa labas ng kanilang mga tahanan. Halos lahat din ng mga tenant ng apartment ay nasa ground floor na. Pinilit ko na din si loki na bumaba kahit na ayaw nya,kahit na labag parin sa kalooban ko ang kausapin sya ay pinilit ko nalang na maging maayos at kumpotable ang pakikitungo ko sa kanya ngayong gabi. Maybe this is the spirit of Christmas pinag aayos ang mga taong may mga hidwaan at pinatatatag ang samahan. Though hindi naman kami nagaaway ni loki pero hindi ko lang talaga sya ibig kausapin dahil wala akong mahanap na salita para simulan ang usapan. Wala rin kasi kaming pinagkakaabalahang kaso simula ng magchristmas vacation kami so para nalang din di mapansin ni tita na iniiwasan ko si Loki ay pinipilit kong maging civil kaming dalawa.
Halos sabay kaming dumating nina loki, Reign Sandoval, Ken Andrei De Guzman, at Ashley Buenaventura
"Oh buti naman at dumating ka Andrei" bati ni tita Martha sa binata.
"Oo nga po tita wala din po kasi akong kasama sa bahay dahil nasa states sila mommy. Nga pala si Benjie kaibigan namin ni Reign. Ok lang po ba na sinama ko sya" Tanong nito kay tita at bahagya pang tumingin kay Reign na umiwas naman ng tingin sa kanya.
"Im Benjamin Rodriguez maam. " formal na bati nito kay tita Martha.
"Oh tita nalang hijo, just feel comfortable and enjoy the food OK!." Tumango lang ito at pumunta na kami sa sarili naming mesa na may pang anim na upuan. Hindi ito ang usual na nakasanayan kong christmas party kasi mostly kami lang ni Dad ang nagsecelebrate ng pasko. Sa ngayon ay halos ramdam ko ang spirit ng Christmas. Liban nalang sa mga taong kaharap ko sa mesa halos di ko alam kong ako lang ang nakakapansin sa tila malamig na pagtrato ni Reign kay Andrei mas kinakausap pa nito si Benjie at tila mas komportable ito sa kanya.
Naging abala na din kami sa ibang aktibidad na inilunsad ni tita para sa mga tenant at diko na nakita si Reign, Andrei at Ashley tanging si Benjie at Loki lang ang naiwan sa mesa at nangangalahati na ang iniinom nilang alak. Pero mukhang di naman umiinom ang kasama ko at mukhang nababagot na sa kaharap. lumapit nalang din ako sa kanila at dahil ilang minuto nalang ay magsisimula na ang countdown para salubungin a pasko
Later on.
10... 9... 8... 7... 6... 5... 4...
3... 2.......... 1.....
MERRY CHRISTMAS!!!!!...
Sigawan ng lahat at binati rin ako ni tita sabay yakap at halik sa magkabilang pisngi..
Humarap naman ako sa kay Loki na wala man lang reaction ang mukha..
"M-Merry Christmas." saad kong nakangiti at diko napigilan ang sarili kong yakapin sya. Matagal din ang yakap na yun nang bigla sya gumanti ng yakap sakin.
"Merry Christmas Lori." He said in his normal voice his hug was so tight at halos hindi ako makahinga.
"Ehem!! Di kaya abutin kayo ng bagong taon bago kayo maghiwalay dyan na dalawa?" Panunudyo ni tita. Naramdaman kong tila nagiinit ang pisngi ko ng mga oras na yun
Patuloy parin ang maiingay na paputok at nageenjoy kaming panoorin ang magkakaibang kulay ng fireworks na sumasabog sa kalangitan.
Makalipas ang ilang sandali ay halos magkasabay lang na dumating sila Ashley at Andrei.
"Nahuli naba ako saad ni Andrei" nang makalapit na sa amin. Napansin ko din ang tila pagbabago ng kanyang ayos bahagya nang nakatupi ang mga manggas ng polo nito.
"San kayo galing at nasaan na si reign?" Tanong ni tita.
"Magpapahinga raw muna tita kasi medyo nahihilo" saad ni Ashley.
"Aakyatin ko po muna tita" saad naman ni benjie na agad ding nagpaalam At makalipas ang labin limang minuto ay bumaba din uli.
Oh ang bilis mo atang bumalik nakausap mo ba si Reign? Tanong ni Ashley kay Benjie.
Tulog na ata si Reign kanina ko pa kinakatok ayaw akong pagbuksan.
"Ganun ba??! Baka nga." Saad uli ni Ashley
Mga bandang 1 o'clock na ng magpaalam si Ashley na aakyat na sa unit nito samantalang ang iba ay nasa kani-kanilang pwesto pa para magkaroon ng konting bonding at nagkakainoman. Hindi ko na din mahagilap si Loki maaring umakyat na ito sa taas hindi kasi ito nakikihalubilo sa mga tenant ng apartment kaya di nakakapagtakang nawala sya bigla. Wala pang sampung minuto ay bumalik uli si Ashley dahil hindi nya umano mabuksan ang kanilang silid naiwan nya raw kasi ang susi ng kwarto nila nung pumasok ito kanina sa loob.
Nang ibigay na ni tita ang duplicate key ng kwarto nila ay agad na din akong sumabay sa kanya. Nagkakwentuhan pa kami habang binabaybay ang hagdan papunta sa aming mga sariling unit. Nasa tapat na kami ng mismong pinto ng kwarto nila Nakaagaw ng pansin sa amin ang lagaslas ng tubig mula sa banyo na dinig mula sa labas ng pinto
"May tagas ba ang gripo nyo ash??" Tanong ko.
"Baka gising lang si Reign. sandali at titingnan ko, pasok ka muna" saad nito at agad naman akong sumunod. Umagaw ng pansin sa akin ang ibang gamit na nalaglag sa sahig at dalawang baso ng inomin sa may lamesita sa may sala at upos ng sigarilyo.
"May naninigarilyo ba sa inyo Ashley?" Pagtataka kong tanong
"Huh? Ah kay Andrei yan labas masok na din kasi sya dito kaya madalas dito sya naninigarilyo." Saad nito habang kinakatok ang pinto ng banyo. "Reign, are you in there? " tawag nito.
Nakakailang katok na si Ashley nang wala pa ring sumasagot ay napagpasyahan nya ng pihitin ang saradora ng pinto ng banyo at halos lumuwa ang mata nito sa kanyang nakita at natutup ang bibig. Bigla naman akong naalarma sa kanyang reaksyon at agad akong lumapit sa kanyan at halos pareho ang aming reaksyon sa kalunos lunos na sinapit ng imaheng aming nakita.
The corpse of Reign Sandoval bathing on her own blood inside the bathtub with a shot on her head.
Inilabas ko muna si Ashley dahil nagiging exaggerated na ito mangiyak ngiyak na at halos di mapakali sa kanyang nakita. Kaya naman tumawag pansin ito sa mga tenant ng apartment maging kay Loki na nang mga oras na iyon ay nasa aming unit. I can see the excitement attached on my partner's face. He also called Inspector Estrada dahil sila ang mas malapit sa mismong lugar kaysa kay Inspector Tobias.
Kinurdunan na ng ibang pulis ang lugar at tanging kaming tatlo lamang nila loki inspector Estrada at dalawang pulis na kasama neto ang nakakapasok sa lugar. Inaalo narin ni tita si Ashley at nasa loob ngayon ng aming kwarto kasama ang dalawa nilang kaibigang sina Andrei at Benjie. Hindi muna namin sila hinayaang makaalis dahil isa man sa kanila ay maaring maging suspect sa krimen dahil sila ang mas malapit sa biktima.
"So what do you think about this case Lorelei, Is it suicide or murder case?" Pagsisimula ni Loki.
Pinagaralan kong mabuti ang posisyon ni Reign ng mga oras na iyon bago siya kunin ng mga taga forensic group, the corpse i a big part of forensic evidence kaya iniiwasan naming may magalaw sa crime scene. I noticed a black and slightly burn marks on her left temple and a hole on the right side of her head. Medyo nakaawang din ang kanyang bibig, nagkakaroon kasi ng state of shock ang biktima kapag binabaril sa mismong ulo nito. I also noticed a 45 caliber on the floor but it has four steps away from the corpse at kong pagmamasdang maigi ay iba ang direksyon ng hawakan nito dahil hindi nakaharap sa mismong kamay ng biktima. "It's a murder case.....I guess " di ako sigurado sa sagot ko kasi kailangan ko din makakalap ng iba pang ebidensya.
"Hmmmm how you say so" nakatinging tanong uli ni Loki sakin habang nakahawak ang mga kamay sa baba.
"Kong titiningnan mo ang posisyon ng bangkay. Napakatalino ng gumawa nito para papaniwalain tayong isa nga itong suicide. Isa pa wala naman tayong nakitang suicidal note o kong ano pa mang reaction mula kay Reign kanina para planuhin nyang magpakamatay." mahaba kong tugon.
"Is that is?" Tila inuurge pa nya ako na panindigan ang deduction ko.
"And base sa gun shot na tinamo ng victim malapitan syang binaril dahil kong papansinin mo ay mayroong burn marks sya sa kanyang sintido at kong sya mismo ang babaril sa sarili nya ang labas ng bala ay maaring paitaas kasi may trajectory ang bala depende sa pagrerecoil ng baril. Isa pa maaring malalaglag nya nga ang baril sa sahig pero hindi na aabot ng ganito kalayo ang babagsakan at baliktad pa ang pagkaharap nito sa biktima.." Saad ko pa. Tatango tango naman si loki.
Isa pa napansin ko ding may gusot ang damit nito sa kanang balikat indication that someone drag her at kong papatayin nya ang sarili nya why she needs to do it in the bathroom pwede namang sa kwarto o sa sala nya gawin ibig lang sabihin nito ay may nagdala sa kanya dito sa banyo at dito sya pinatay.
"Hmmmmmm!!!! You got the point Lorelei. "Sang ayon ni Loki sa suhistyon ko. "So at this time we need to know kong sino pa ang nakapasok sa loob ng kwartong ito liban sa karoomate nya. But for now she is our primary suspect.". Saad pa ni Loki na ang tinutukoy na roomate ay si Ashley.
Sa mga oras na iyon ay ipinatawag ni inspector Estrada ang iilang taong nakasama ni Reign ng mga oras bago siya tuluyang umalis ng party kabilang kami ni Loki at tita Martha sa mga kasama ni Reign, at iilang tenant na nakasalamuha namin bago sumapit ang alas dose ng gabi tinanong din namin si Benjie, Ashley at Andrei dahil sila ang mas malapit kay reign ng mga oras na iyon.
Nasa tapat kami ng mismong unit namin ni Loki habang tinatanong isa isa ang tatlong kaibigan ni reign at ang dalawang babaeng tenant na nakita pa di umano si reign na kausap si Andrei.
"Napansin kong nawala kayong tatlo kanina nasaan kayo sa pagitan ng alas unse at alas dose y medya?" pasimulang tanong ni Loki sa tatlo.
"Umakyat ako kanina kasi sabi ni Reign sumasakit daw ang ulo nya at nahihilo sya kaya sinamahan ko syang umakyat sa silid nya para alalayan sya." Panimula ni Andrei.
"Pagkatapos nun ay saan ka pumunta ng mga oras na iyon at bakit halos sabay lang kayong dumating Ashley kanina. " tanong ko naman sa kanya.
"Pagkatapos kong ihatid si reign ay umalis na ako dahil sabi nya matutulog na nga raw sya kaya agad din akong lumabas at pumunta sa may 2nd floor para kausapin si Ashley pero di nya ako sinipot may text pa nga ko sa kanya ng mga around 11:20pm.
"Hmmmm!...how about you Mr. Benjamin papaano mo naging kaibigan si Reign at Andrei? Tanong ni Loki
"Si reign talaga ang una kong nakilala kasi pareho kaming myembro sa isang shooting range. Dahil nga pulis sya madalas syang nagtitraining sa area at nagkagaanan kami ng loob. Makalipas ang dalawang buwan sinasama ni Reign si Andrei at Ashley sa range at kalaunan ay naging myembro na din ng aming grupong Phantom Di ligid kay kay Andrei na nililigawan ko sya pero sabi ni Reign makikipaghiwalay nga raw muna sya sa bf nya dahil nalaman nitong may relasyon din di umano sila ng bestfriend nitong si Ashley. Nung oras na nawala si Reign sumunod din ako sa unit nito subalit narinig kong naguusap sila ni Andrei ng mga oras na yun kaya di na ko tumuloy. Sabi nya mahal nya parin daw si Andrei. Nakaramdam ako ng galit kasi akala ko makikipaggiwalay na sya kay Drei. May nangyari na din kasi samen ni Reign. Mahaba nitong paliwanag.
"Tang****mo tol." Agad na sinugod ni Andrei ang binata at binigyan ng isang napakalakas na suntok sa mukha "Yan ba ang dahilan kaya mo siya pinatay? Dahil di mo matanggap na di ako kayang iwan ni Reign?" Saad nito na bahagya pang kinwelyuhan ang lalaki. Agad naman siyang inawat ng dalawang pulis na kasama ni Inspector, nasapo na lamang ni Benjie ang panga nito na bahagya pang dumugo. Inayos muna niya ng bahagya ang nagusot na damit saka kalmadong nagsalita. "I didn't kill her okay. Kahit naman hindi ako sagutin ni Reign ay hindi ko maaring kitlin ang buhay nya, I love her so much and she knows that. Nung marinig ko kayong naguusap umalis nalang ako at nagpakalunod sa alak, mapapatunayan nyo ang alibi ko dahil kasama ko kayo kanina.
Hmmmmm tatango tango naman si Loki."Eh ikaw Ashley nasaan ka ng mga oras na yun.
Baling ni loki sa dalaga."
"I was at the 2nd floor sa kwarto nila Nancy at Shane, nagkainuman kami ng kaunti at around 11:00 to 11:35. Umakyat ako sandali ng unit namin para magpalit ng damit kasi nagsuka si Nancy at sa damit ko napunta. Nagpasama pa nga ako kay shane ng mga oras na yun." Paliwanang pa niya.
"Mapapatunayan mo ba ang alibi mo? Tanong uli ni Loki.
"O-Oo naman kahit tanungin nyo pa si S-Shane ." Nagkakandautal na saad niya.
"Hmmm hindi na kailangan dahil tinanong na namin sila kanina at nasa kwarto ka nga nila mismo ng oras na iyon. At ayun pa kay shane ay di naman pala kayo ganoon ka-close ni Reign at madalas kayong magtalo dahil nalaman nyang may gusto ka sa bestfriend mo. Tama ba?. and according to may investigation a week ago ay hindi aksidente ang pagkakadulas ni Reign sa banyo dahil sinadya mo ito. Am I right miss bustamante? "
Gulat na gulat si Ashley sa sinabi ni Loki "pano ka nakakasigurado sa sinasabi mo? May pruweba kaba?" Pasinghal niya.
"Ahuh. Bago ko datnan si Reign sa banyo ay napansin ko na di ordinaryong tubig ang nasa sahig, it's an oily thing at sinadya iyong ilagay doon para ang sino mang pumasok sa banyo ay madulas dito at dahil nga kayo lang naman ang tao rito ng kasama mo ay talagang sya ang punterya mo.
Nang mga oras din na halos dika magkandaugaga sa pagtakbo papunta sa kwarto nyo ay siniguro mong successful ang plano mo. Nilinis mo din ang banyo para walang ebidensya na magtuturo sayo pero bago mo pa magawa yun ay alam ko nang may nabago rito." Akala ko ay ako lang ang nakapansin ng mga bagay na iyon. Well know Loki he can analyze the situation in two sides.
"At paano ka nakapasok sa unit namin?" Pagtatakang tanong ng dalaga rito. Di na ako nagtaka sa sinabi ni Loki he could enter the room without using a key.
"Simple my dear by using lock picking." Napakagat ng labi si Ashley at nakuyom ang mga kamao sa isiniwalat ni Loki. "Would you still deny my speculation Miss Buenaventura?"
"Yeah I admit!." mangiyak ngiyak nitong saad. Gulat na gulat naman sila tita Martha sa narinig pati ang dalawang binatang tahimik na nakikinig. "Pinlano ko nga ang pagkakadulas ni Reign dati dahil naiinis ako. Sinabi ko na kay Andrei na hindi sya ang ama ng pinagbubuntis ni Reign but still he's blindly inlove with her. He's so stupid!. Alam nya namang may gusto ako sa kanya at di na maitatagong may lihim na pagtitinginan si Benjie at Reign pero nagpapaka tanga parin siya. Ako yung laging nandyan sa kanya kapag may problema sya, ako yung pumupuna sa mga pagkukulang ni Reign kapag wala sya but still si Reign parin bukang bibig nya. He can't even love me, Im just a friend. His Bestfriend Damn!" Galit na saad ni Ashley. "Pero kahit papano nakaramdam din ako ng guilt sa sarili ko nung mga oras na yun. But when I found out na ok naman si Reign at ang pinagbubuntis nito I decided to let go. I love Andrei so much and I cant afford to see him losing Reign. Napahagtuluyan na ng tuluyan ang dalaga.
Sapat na ang narinig namin ni Loki. Those things they've said helps a lot to close this case. But there are some part that so complicated for us, kasi kahit saang anggulo mo tingnan si Ashley talaga ang suspect but she denied the speculation about her. Muli akong bumalik sa loob ng unit habang naguusap sandali sila Loki at inspector Estrada. Tiningnan ko ng 3dimensional ang buong kwarto looking for some evidence that can identify the culprit. I also asked Inspector to tell the forensic examiner to check and send us kung my gun powder ba na makikita sa kamay ng bangkay at kung may ibang finger print sa katawan nito indicating that someone lifted her. Nagpadala na din kami ng mga sample ng finger prints ng tatlong pinaghihinalaan naming suspect and also a sample of two glasses on the table na may lamang inumin. Maari din kasing may nainom muna ang biktima bago sya pinatay.
Nasa loob parin kami ng unit 300 at kasalukuyang nagdediskusyon ni Loki. Nang dumating si Inspector at bahagyang pumukaw sa amin ang tatlong katok na ginawa niya.
"Loki you have to see this" saad niyo na bahagyang iniiabot ang ang long envelope sa kanya.
Inilabas nito ang apat na piraso ng papel at paisa-isang binasa.
"Read this Lorelei" pinasa nito ang unang pahina sakin na natapos niyang basahin ni hindi man lang ito nagabalang tingnan ako dahil tutuk na tutok siya sa binabasa. Nang matapos naming basahin ang nilalaman ng autopsy na ibinigay samin ni inspector ay nakita ko kay Loki na nagliwanag ang kanyang mukha.
"Gotcha!.." Saad niya at pinatunog pa ang dalawag daliri at tila nagkaroon ng light bulb sa ulo nya. Indicating that he already know the answer of this puzzle i can't barely resolved.
"You already have an idea of the antagonist right?" Tanong ko sa kanya.
"Uh huh!." Tatango tango naman siya.. "If you will going to kill someone Lorelei at alam mong mas magaling sya sayo sa isang bagay gaya halimbawa ng paggamit ng baril sa anong paraan mo sya susugurin?" Here we go again,.
Hindi ba nya pwedeng sabihin sakin ng diretsahan at kailangan pang pasakitin ang ulo ko. "Just try to thinks of it.". Pagpupumilit niya.
"Well if I'll going to invade someone's territories I will do that on the night time when everyone is sleeping" Wala sa isip kong sagot para lang matigil sya.
"Exactly!" Sabi pa niya. "The antagonist made the victim sleep by using Rohypnol (flunitrazepam) they're using this pill if they wanted to rape someone" I felt like I nailed on the floor of what I have heard. Naalala ko bigla ang nangyari noon na pilit ko ng kinakalimutan. Nabalik uli ako sa diwa ko ng itinuloy ni Loki ang sinasabi nya. "para pagtakpan ang nangyari his plan is to suffocate the victim by drowning into the bathtub he filled the tub full of water before the antagonist put her in it, pero dahil nga matangkad si Reign ay palpak ang plano nya so he find other option to kill the victim at dahil nga pareho silang membro ng isang shooting club they know how to used gun and reign have her own in this house kasi isa syang pulis. He shot the victims head nearly para palabasing nagsuicide ito.
"Ok I got it!.. Marami pa sana akong itatanong but I want everybody knows who's the antagonist is." Pumunta na nga kami sa baba mismo ng ng apartment dahil doon na sila naghihintay. Habang papalapit palang kami ay nasa sulok naman si Ashley kasama si tita Martha at nagaabang. Si Benjie naman ay panay ang scroll sa hawak na cellphone samatalang si Andrei ay panay hithit ng sigarilyo sa tabi at halatang kampante lang. Lumapit na kami sa parihabang mesa at inilagay ni loki ang envelop sa harap niya.
Tumikhim muna siya bago tuluyang magsalita. "Now let's open up the curtains and reveal the protagonist." He said sarcastically. "Napakatalino ng gumawa ng krimeng ito at napaikot nya tayo. But just like in every movies the villain should show up on the last scene. Kitang kita kay Ashley na di na ito mapakali.. Dahil nga siguro babae kaya di nakakapagtakang maipakita nya ang weaknesses nya.
"Stop twisting our minds ok. Bukod sa napaka haba na ng patutsada mo eh nasasayang mo na rin ang oras ko." Galit na saad ni Andrei at hinithit ang papaupos ng sigarilyo saka tinapon ito.
"Don't get rush Mr. Ken Andrei De Guzman. You know I can't imagine na sa maamo mong mukha nagtatago ang malademonyo mong ugali." Diko na napigilan ang sarili ko. Bahagya lang naman akong nilingon ni Loki nagtaka ata sa pagbabago ng mood ko.
"Don't provoke me Miss Lorelei Rios hindi mo alam kong papaano ako magalit." Asik nito sakin.
"Oh I'm scared now. Ito din ba ang paraang ginamit sayo ni Reign kaya naubos ang pasensya mo at di mo napigilan ang sarili mong patayin sya?" Hindi ko alam kong san ko hinugot ang lakas ng loob ko para sabihin ang mga katagang yun.
"Stop pointing fingers with me without any proof of evidence" saad pa nito
"I guess this will be enough as an evidence Mr. De Guzman" sabay angat ni Loki sa envelope na nasa harapan nya."Or maybe you want me to elaborate on how the corpse of Miss Reign Sandoval goes to the bathtub. Should I?" Kitang kita ang pamumuo ng pawis sa noo nito.
"Hindi ko alam ang pinagsasabi ninyo. I love Reign so much and I can't even hurt her.." Saad nito at bahagya ng tumayo sa kinauupuan nya.
"Everything that is too much can be harmful." Napatingin naman ako kay loki.
Well on my deduction Mr De Guzman maaring sinamahan mo nga si Reign ng mga oras na iyon pero hindi dahil masakit ang ulo nya kong hindi ibig nya ng tapusin ang relasyon nyo and she wanted to talk to you in private pero di ka pumayag kaya nagtalo kayo and base on the forensic test you put a rohypnol(date-rape drug) kaya nahilo si Reign para walang makakita sa ginawa mo eh you lifted her and your trying to drown her pero dahil nga matangkad si Reign kaya malabong lumubog siya sa tub so nagisip ka ng ibang paraan para maging suicide ang tema. You took Reign' s gun and you shooted on her head. Maari ring pumasok nga ash sa loob ng unit pero di nya alam na nasa loob ka, so para isipin nitong gising pa si reign hinayaan mong nakabukas ang faucet. Medyo nataranta kana din kaya di mo na napansing mali ang pagkakalagay mo ng posisyon ng baril. Nang agad ding lumabas si Ashley ay sumunod ka sa kanya ng ilang minuto kaya halos magkasabay kayong dumating kanina." Mahabang saad ni Loki."
"What a good deduction from you Mr. Mendez but how can you prove your speculation with me without any evidence. May nakita ba kayong ibedensya sa loob ng kwarto para asabi mong ako nga ang pumatay sa girlfriend ko?" Saad nan nito.
"Oo nga Loki we haven't heard any sounds from the a gun." Saad naman ni Benjie.
"Yeah probably we didn't kasi isinabay nya sa mismong oras kung kailan lahat ng attention natin ay nasa pagpapaputok ng fireworks and surely he used a silencer para hindi umalingawngaw ang tunog ng baril. And your looking for evidences Mr. De Guzman? All of if was in you. You keep it. Maaring nasa bulsa mo ang silencer ng baril na ginamit mo sa pagpatay maging ang pills na ginamit mong pampatulog kay reign. Rohypnol are not required to give to someone without any perscription from the physician at dahil nga nurse ka at naoOJT na madali lang sayo ang kumausap ng doctor para makakuha ng ganoong klasing pills. And secondly kong itinapon mo man ang mga ginamit mo kong saan dito sa apartment I also have last card. And that is in your clothes." Mahabang paliwanag ni Loki sabay turo ng hintuturo sa salarin. Lahat naman kami ay napatingin kay Andrei.
"And what is it?" He said while checking his polo shirt by staring on it.
"It's on the sleeves of your clothes Andrei De Guzman." Napakunot naman ang noo ng binata hindi ata nito nakuha ang pinupunto ng kasama ko.
Maging ako man ay nalilito..
"What's the connection of his sleeves on this crime Loki? I ask facing his shining eyes.
"Well!he said that he washed his face for him not to sleep. So kung naghilamos man sya maaring mabasa ang manggas ng damit nya pero sa pang ibabang bahagi malapit sa kamay neto. So can you please show us your sleeves Mr. De Guzman?" May partner says confidently. At agad namang sumunod si Andrei.
"Hindi ko alam kong ano ang ibig mong patunayang lalaki ka pero pag nagkamali ka I will assure you that I'll sue you." Panggagalaiti nito habang ibinababa ang manggas ng damit.
"Go on. " parang inaasar pang lalo ni loki ang binata.
"So what now? He said while spreading his arm wide open. Napansin kong may marka ng ng tubig sa gitnang bahagi ng kanyang manggas and i already know what Loki wanted to show us.
"So did you see it Lorelei? " Loki glance with me.
"Hmmmm." Tatango tango pa ako." That marks on the center of your sleeves Mr. Andrei indicates that you are the culprit. As you can see kong naghilamos ka dapat nasa ibabang parte ng manggas mo ang mababasa. But it was on the center so ibig sabihin lang nun tinupi mo muna ang sleeves ng polo mo para mailagay si reign sa tub. Pero hindi mo napansing nakalublub na rin sa tubig ang manggas ng damit mo." Pagpapaliwanag ko. Tumawa naman ng pagkalakas lakas si Andrei na animo'y wala ng bukas. Maya maya pa ay umiiyak na ito.
"Yes I am... I killed her.."saad nito.. Gulat namang ang dalawang babaeng kanina pa tahimik na nakikinig at natutup ang mga bibig. I love Reign so much. She's everything to me but she found out that something happened with me and Ashley she wanted to leave me she don't trust me at all simula nun nagiging malamig na sya sakin lalo pa nung nakilala nya si Benjamin. Tas may nangyari pa sa kanila. Alam kong hindi ako ang ama ng pinagbubuntis ni reign pero gusto kong ako ang pumuna nun at maging ama ng anak nya." Tila mahuhulog ang puso nito sa mga katagang binibigkas niya ngunit nagbago bigla reaksyon nya.. "But she refused mahal daw nya si Benjie and she wanted to live with this B#$%&*t man for the rest of her life at makikipaghiwalay sya sakin. I saw Benjie is coming so habang sinasabi nya ang salitang mahal nya ito ay niyakap ko sya para maputol ang iba pa nyang sasabihin at iisipin nitong ako talaga ang mahal ni reign.
Masyadong naapakan ang pride ko kaya nagdilim ang paningin ko. I decided to kill her kasama na ang pinagbubuntis nya dahil kong hindi rin siya magiging akin mas mabuti pang di sya pakinabanan ng iba.".. Asik nito.
Naiiling nalang kaming nakatitig sa kanya. Tila naman binagsakan ng langit si benjie sa narinig. Pero masyado siyang kalmado sa sitwasyong ito siguro kong sa iba ito nangyari sumabog na ang mukha ng salarin. Tama nga si Loki lahat ng sobra ay nakakasama. "TOO MUCH JEALOUS " can caused anger and it can penetrated someones mind to do horrible things.
Natapos din ng mga oras na iyon ang kaso at pumunta na ang iba sa kani kanilang unit napakatragic ng Christmas na ito samin at napakalaking impact nito sa negosyo ni tita Martha baka nga sa susunod na pasukan eh wala ng umupa dito. Wag naman sana.
Nasa mahabang sofa ako at kasalukuyan kong tinitipa ang aking blog sa nagyari kanina. It was 4 o'clock in the morning and it's hard for me to sleep dahil siguro sa nangyari. I was wearing my pajamaa together with my jacket and having a cup of hot chocolate on the table. Ialso put my hair into a messy bun para di gaanong sagabal. Napatingin ako sa pinto ng kwarto ni loki ng bahagyang bumukas ito at iniluwa siya.
"Why your not sleeping?, Umaga na ah." Tanong nito na nakayakap pa sa sarili.
"I can't sleep yet, so I decided to do my blog. Ayos kalang ba? Mukhang nilalamig ka ata? You want coffee." Tanong ko habang nakaharap sa kanya.
"Nahhh I can manage." Loki said on his monotonous voice.
"Are you sure?" Pangungulit ko pa.
"Yeah!" Then he walks towards the kitchen.
I never heard any word from him after that.. Only the tickling sounds of the spoon he hits on the side of his cup. Wala talaga sana akong balak na lingunin sya kasi parang naasiwa ako. Pero may naguudyok sakin na gawin iyon at ginawa ko nga and our eyes collide that nobody wants to go down. But after a couple of minutes I give up and removed my eyes away from him and look at the other direction. Di na rin ako komportable ngayon sa lagay ko kaya napagpasyahan ko ng iligpit ang gamit ko para dalhin sa kwarto. Nang tumayo na ako ay tumayo din si loki sa inuupuan nito.
"Lorelei." Tawag nito sakin at akmang pinigilan pa ang kamay ko nakaramdam ako ng tila bolta boltahing kuryenteng naglalakbay sa katawan ko.. "Are you avoiding me?"saad nito habang hawak parin ako.
"Why should I? Pagkakaila ko pa.
"I don't know, I can't find any reason for you to avoid me. Ayaw ko lang na nagkakailangan tayo sa loob ng club just because your not comfortable with me." Saad niya habang di parin binibitawan ang kamay ko
"Yun naman pala eh so neglect that on your mind. Don't bother yourself about me. I'm fine ok? " saad ko
"Well just you say so... Have a nice day Lorelei" he said removing his hands to mine. And walk slowly pero di pa man sya gaanong nakakalayo sakin ay natumba ito sa sahig. Agad akong lumapit sa kanya at pinaupo siya. Sinapo ko ang noo nito.
"Your sick?. You didn't even tell me." Sigaw ko sa kanya.
"Im fine.. I will not be sick. " he smirked.
"Silly.. Everybody get sick your not a robot Loki.". Pagaalala ko pa. Nang bigla siya lumapit at napaupo ako sa sahig.
"Are you worried?" Tanong nito
"Of course I do!."
"Why? "
"Kailangan bang may malalim na dahilan para magalalaka sa isang tao? "
"Of course, im not your brother or your boyfriend, and any other part of your kin. So why? "
Wala akong mahagilap na sagot sa kanya kaya akma sanang tatayo ako nanghilahin nya ako at napaupo uli sa harap nya "Why your so beautiful Lorelei? Please stop avoiding me. I miss you." He said
"What?! See your hallucinating."
Saad ko. Diko alam kong totoo sinasabi nya o nagdidileryo lang siya. Mas lalo pang dumikit ang mukha nya sa mukha ko and I feel his soft lips touches mine. Nagulat ako sa ginawa kaya dilat na dilat ang mata ko but the sensation electrified me. So I close my eyes slowly. That sweet kiss from Loki i don't care kong hindi para sakin ang mga katagang yun i was already enjoyed the sensation.. Nawawala na ako sa katinuan nang may biglang bumukas ng pinto..
"WHAT IS IN THE WORLD IS GOING ON IN HERE LORELEI??!..." That familiar powerful voice from someone awaken my thoughts..
DAAAAADDDDD!!!!!.... saad ko at bahagyang naitulak si Loki..
###
a
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro