
Chapter 19: The Devil's Digits
AUTHOR'S NOTE: This is the updated 2022 version of Chapter 19. If you are re-reading this part, you may observe some changes from the previous version.
CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains graphic depictions of death and gore that may be upsetting for some readers. Please be mindful of this sensitive theme and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.
LORELEI
"BASTIEN MONTREAL? The rookie officer from the campus police?" Loki held his chin, his eyes got a faraway look in them. Nakatulala siya sa window at tila pinanonood ang mabagal na paggalaw ng mga ulap sa langit.
This morning, I decided to tell him about what we found out yesterday in the gymnasium. Hindi na masyadong nagulat pa. Kasama rin namin si Jamie sa clubroom na noong una'y walang kamuwang-muwang sa pinag-uusapan namin.
Dahil confidential ang topic, kinailangan ko pang i-lock ang pinto ng clubroom para makasigurong walang biglang makapapasok at makaririnig sa discussion. Mahirap na, baka may nag-e-eavesdrop pala sa conversation namin.
"Ano ba'ng meron sa officer na 'yon?" Kahapon pa 'yan tanong ni Jamie. Hindi ko pa sinasagot kung bakit big deal sa amin ang tune ng children song na narinig namin o kung sino ang kausap ng officer sa phone kahapon. Una, wala ako sa mood sa sabihin sa kanya. Pangalawa, kailangan ko munang i-consult ang club president namin.
Nagpalitan kami ng tingin ni Loki. Hindi pa member ng QED Club si Jamie noong na-encounter namin ang ilang tauhan ng misteryosong si Moriarty. Dapat yata in-orient muna siya tungkol doon para well informed siya sa panganib na kinakaharap namin. Baka kung nalaman niya agad, nagbago ang isip niya at naisipan niyang bumalik sa theater. Pwede pa naman niyang bawiin ang kanyang application.
"Tell her," utos sa akin ni Loki. "It's about time for her to know."
Bumuntonghininga ako bago sinimulan ang storytelling ko kay Jamie. "Aside from solving petty cases, we're also trying to solve the problem that is Moriarty." Ikinuwento ko sa kanya ang pinagdaanan namin—mula sa muntikang pag-dissolve sa katawan ko at sa pagkalason ni Loki gamit ang belladonna. Sineryoso naman siyang nakinig sa akin. Napatakip pa siya ng bibig at tila nagulat sa mga nalaman niya.
"I-I can't believe na may gano'ng klase palang tao sa school!" may pagkasorpresa sa tono ni Jamie, pero mukhang hindi siya natakot. "Ang akala ko'y coincidence lang na may napapahamak na students every other week. Meron pala talagang nasa likod ng mga 'yon."
"That's how dangerous being in this club is." In-observe ko pa ang reaksyon sa mukha niya. "Kami nga mismo ni Loki, na-target na. Posibleng ikaw ang susunod. Posibleng 'yong next member natin. Walang makapagsasabi sa atin. Kung gusto mong mag-back out—"
"Back out? Bakit ako magba-back out?" tugon niya. "Mas naging interested pa nga ako kasi may big bad guy tayong pababagsakin! Parang meron tayong grand mission dito."
Napa-facepalm ako at muling bumuntonghininga. Naintindihan ba talaga niya kung gaano kadelikado ang sitwasyon? Pwede siyang masaktan o—kung mamalasin—mamatay kung hindi siya mag-iingat. Kulang pa ba ang examples ko sa kanya?
"Are you sure you're not thinking of backing out anytime soon?" tanong ko para makasigurado. "Are you sure you want to continue? Because we're not forcing you to stay."
"Lorelei, you don't know me yet, do you? Wala akong basta-basta inuurungan! Kahit ilang masterminds pa ang harapin natin, game ako riyan! I'm sure we can expose them to the world because Loki's with us. Right?"
Sa confidence ng kanyang boses, buo na talaga ang isip niya. Sana'y hindi niya pagsisihan ang desisyon na ito. Sinubukan ko na siyang warning-an, pero binalewala niya.
"Let's talk about what we discovered yesterday!" Napapalakpak siya at ngumiti sa amin. Kabaligtaran pa yata ang effect ng kuwento ko sa kanya. Mas ginanahan pa siya. "Bale, ang rookie officer na nakita natin sa gym kahapon ay posibleng connected sa mastermind?"
Tumango ako. "Walang ibang tao sa paligid noong narinig natin ang 'Mary Had a Little Lamb' tune. Tanging siya ang posibleng nag-dial n'on."
Tumayo na si Loki at humarap sa bintana. Magkadikit ang mga kamay niya sa likuran habang malayo ang tingin. "Just as I thought, that person is connected to Moriarty."
"Eh?" All this time, pinaghinalaan na niya si Officer Montreal bago ko pa sabihin ang discovery namin sa kanya?
"Remember during the belladonna case?" Lumingon siya sa amin. "Officer Montreal gave us the report on the victims around lunchtime. Just some minutes later, after we'd realized who the culprit was, Daniel Geronimo walked into our clubroom as if the rookie officer's exit was his cue to enter. It might be a coincidence. But given the recent development, I'm not inclined to think so."
"'Tapos . . . noong dinala ka sa ospital, si Officer Montreal ang naghatid ng autopsy report ni Daniel sa atin," dagdag ko. Parang may dots akong nakita sa isip ko at napagkone-konekta ang mga 'yon. "Posibleng tsine-check niya rin ang kondisyon mo no'n, 'no?"
"Probably. Daniel told us that Moriarty doesn't want me dead. It would be such a shame if his playmate dies, wouldn't it? So he sent one of his agents who's less likely to be suspected to check on my condition. Do you also remember that guy who melted the corpses of his victims?"
"You mean John Bautista, the culprit in the serial disappearances?"
"Inspector Estrada said that man was poisoned while in police custody. We've already suspected that it might be someone inside the campus police. Connect the dots, and they'll point you to Officer Montreal. However, we don't have any proof yet to prove his connection to Moriarty."
"Teka! Kung pinaghihinalaan mo na pala siya, bakit hindi mo agad sinabi sa 'kin? Why keep that information to yourself?"
"It wasn't confirmed back then. It was only a hunch. And if I had told you about it, you might have acted strangely in his presence. That would surely tip him off. Then he would be on guard whenever we're around him."
"You thought I'd be stupid to act suspiciously in front of him? Wala ka bang tiwala sa 'kin?"
"Better be safe than sorry."
"Ah, guys?" singit ni Jamie. Parang nanonood siya ng tennis match dahil sunod-sunod ang kaliwa't kanang pagbaling ng ulo niya sa akin at kay Loki. Baka nakaramdam siya ng pagka-out of place dahil hindi siya makasingit sa usapan namin. She might look utterly clueless, but deep inside, she must be probably cursing me because I got Loki's attention.
"Nevertheless . . ." Ibinalik ni Loki ang tingin niya sa labas ng bintana. "We're now two steps ahead of Moriarty. We've already identified one of his minions and we've got a hint on how to divine his phone number. If we can manage to get closer to Officer Montreal, we might find the thread that will lead us exactly to that mastermind."
At ang taong makatutulong sa amin para malaman kung ano ang phone number ni Moriarty ay walang iba kundi si Jamie. I asked her to remember the keypad tone we heard at the gymnasium. Magagamit namin ang ipinagmamalaki niyang retentive memory sa ganitong sitwasyon.
"May idea ka na ba kung anong number combination ang magpo-produce ng 'Mary Had a Little Lamb' tone?" tanong ko. "Natatandaan mo pa naman siguro 'yon, 'no?"
Instead na sa akin siya humarap, pinili niyang kay Loki sumagot. Inilabas niya ang kanyang phone at ilang beses na nag-tap ang thumb niya sa screen nito. Bawat tap ay lumikha ng tunog. "Masyadong challenging i-distinguish kung aling number ang magpo-produce ng sound na narinig ko. Halos pare-pareho kasi ang tono nila. Obviously, 0 at 9 ang unang dalawang number. Pakinggan n'yo to."
Bip! Bop! Bip! Bip!
"Ang first four numbers ay sa part na as-white-as-snow." May sunod siyang t-in-ap na sequence of numbers, mas mahaba ngayon kaysa sa una.
Bip! Bip! Bop! Bip! Bip! Bip! Bop!
"At ang next seven numbers ay sa mismong part na Ma-ry-had-a-lit-tle-lamb. Kung susundin ang tonong 'yan, ganito ang number na lalabas." Tanging kay Loki niya iniharap ang phone kaya kinailangan ko pang lumapit sa kanya para makita ang numbers.
It was 0921-624-8963.
"Kaso . . . hindi lang 'yan ang number na puwedeng ma-generate na may tune ng Mary Had A Little Lamb. Puwede rin kasing ganito." Binura niya ang mga numero at muling pumindot ng panibagong sequence. Kahit magkaiba ang number na lumabas sa screen, pareho rin ang tonong nilikha nito. Hindi ko nga napansin ang pagkakaiba nito sa nauna.
This time, it was 0927-381-5369. May sinubukan pa siya na ibang number combinations. Lahat ay lumikha ng kaparehong tune. Ang hirap i-distinguish kung alin ang nagma-match sa number ni Moriarty.
We found a lead, but we could not do anything about it.
"Looks like we need to force the information from his mole in the campus police." Hindi mukha o tunog dismayado si Loki sa resulta ng aming keypad tone experiment. "If he has a list of numbers in his call log, the one that matches the tune of that children's song is the answer."
"Plano mong nakawin ang phone ni Officer Montreal?" tanong ko. Alam kong may talent din sa pickpocketing itong si Loki. When his brother Luthor asked for our help, that was the technique he used on the blackmailer to retrieve the phone containing photographs of a certain student council officer.
"If we bump into him one of these days, we need to think of a way to extract that piece of information." Sinadya niyang iwasang sagutin ang tanong ko! "We can't let that opportunity pass."
May mga tanong pa sa isipan ko. Hindi si Moriarty ang nasa likod ng pagdukot kay Loki, kaya bakit pumunta sa gymnasium si Officer Montreal kahapon? Bakit din niya c-in-on-tact ang taong 'yon? Nataon ba na nandoon siya? O may iba pang dahilan?
But we did not have to wait for days or hours to make any progress in our investigation. May kumatok sa naka-lock na pinto at pilit na pagpihit sa doorknob. Sumenyas ako kay Jamie na buksan 'yon, pero inirapan niya ako at ngumiti sa direksyon ni Loki. Ako na mismo ang tumayo't nagbukas ng pinto.
To my surprise, the person knocking was the very man whom we were just talking about seconds ago. Binati niya ako ng good morning na may kasamang ngiti. Napalunok ako ng laway at napahakbang paurong. Muntikan ko nang isara muli ang pinto para hindi na siya makapasok.
Kalma lang, Lorelei. Kalma lang. Hindi niya dapat mahalatang may nalalaman ako tungkol sa kanya.
"Officer!" bati ko sa kanya, kunwari'y natutuwa akong makita siya. "A-Ano'ng maitutulong namin sa 'yo?"
"May gusto sanang ipa-consult sa inyo si Inspector Estrada," sagot ni Officer Montreal sabay pakita ng tablet na hawak niya. "Puwede ba akong tumuloy para ma-discuss ko sa inyo?"
"S-Sige."
"Salamat!"
Nagmadali akong bumalik sa aking puwesto. Sandaling nanlaki ang mga mata ni Jamie. Si Loki naman, walang pakialam na parang walang kalaban na nakatapak ngayon sa teritoryo namin.
"Oh? Meron pala kayong bagong—OUCH!" Naipit ang kanyang mga daliri nang isinara niya ang pinto. Hinipan niya ang kanyang kamay para mabawasan ang sakit n'on. Taking his clumsiness into account, I doubted for a second that this guy might be connected to Moriarty.
Maybe he was putting up an act like Jamie whenever Loki's around.
Pinapaypay pa ni Bastien ang kamay niya nang umupo sa siya, medyo namumula't nagsisimula nang mamaga. Pumuwesto siya sa tabi ko. Tiningnan siya ni Jamie habang sinulyapan siya ni Loki.
"May bago pala kayong member?" Natapos na ng officer ang tanong niya. Nabaling ang kanyang tingin sa isa pang babae sa clubroom. "Parang ngayon ko pa lang siya nakita rito."
"Hi, officer!" Kumaway sa kanya ang bago naming kasama. "I'm Jamie Santiago, their newest member! Nice to meet you!"
"Nice to meet you too!"
"The inspector seems busy the past few days," komento ni Loki nang nilubayan na niya ng tingin ang bisita namin. "Is he handling a much more difficult case?"
"P-Parang gano'n na nga." Napakamot ng ulo si Officer Montreal. "Ako ang dakilang utusan niya kapag may gusto siyang ipahatid o ipatawag."
"So . . . what brought you here? How can we help the campus police?"
Ipinakita ng officer ang bitbit niyang tablet sa amin at ilalapag na sana sa mesa. Pero bago pa niya mailagay sa ibabaw, dumulas 'yon mula sa kanyang mga kamay at bumagsak sa sahig. Mabuti't hindi nagkaroon ng crack ang screen n'on at mukhang fully functional pa naman.
"Meron kaming natanggap na missing person case noong isang araw," panimula niya habang may hinahanap na file sa tablet. "Isang grade 10 na babaeng estudyante ang hindi raw nakauwi sa bahay nila dalawang araw na ang lumipas."
"You want us to find her?" Halatang hindi interesado si Loki base sa nababagot niyang boses. "She might have eloped with her boyfriend or run away from home because of her abusive parents."
Natahimik nang ilang segundo si Officer Montreal at napakurap sa kanya. "Actually, hindi na siya kailangang hanapin pa dahil natagpuan na siya kagabi."
Napataas ang kilay ni Loki habang kumunot ang noo ko. Tahimik namang nakinig si Jamie. If the victim had been found already, bakit pa nila kailangang kumonsulta sa club namin?
"Dapat ko yatang linawin 'yon. Nahanap na siya pero wala nang buhay sa isang abandonadong building malapit dito sa campus," paliwanag ng officer. "Natagpuang sinunog ang katawan niya, halos 'di na nga makilala kung hindi lang dahil sa gamit niyang nakakalat doon."
Napatakip ng bibig si Jamie, muntikan nang masuka sa narinig. Baka na-imagine niya kung ano ang itsura ng babaeng tinusta ng apoy. Wala namang reaksyon si Loki pero mukhang nakuha na ang interes niya sa kaso.
"And what is that tablet for?" tanong niya. "Are you here to check your social media accounts?"
Umiling si Officer Montreal bago i-tap ang video app sa screen. "Kagabi, may isang anonymous social media user na nag-post ng isang video. Ipinakita sa amin 'to ng mga magulang ng biktima. Ang akala nami'y isa 'tong clip sa short film na project ng mga estudyante. Pero mukhang nagkamali kami. Take a look."
T-in-ap niya ang play button at nilakasan ang volume bago ibinigay sa amin ang tablet. Tumabi nang parang lintang nakadikit sa katawan ni Loki si Jamie habang ako'y tumayo ako sa likod niya. Sabay naming pinanood kung anumang video ang gustong ipakita ng officer.
Sa unang ten seconds ng video, wala kaming nakita maliban sa black screen. 'Tapos biglang nag-cut ang frame sa isang babaeng tahimik na nakaupo sa isang wooden chair. May busal siya sa bibig at nakagapos ang mga kamay at paa. Nasa gitna siya ng kuwartong walang pinto o bintana. Tanging sementadong pader ang makikita sa video, pati na ang mga kalat-kalat na sirang upuan at mesa.
May tubig na biglang isinaboy sa tila natutulog na babae. Pagdampi ng likido sa kanyang mukha, namulagat ang mga inaantok niyang mata at pilit na nagpumiglas sa pagkakatali. Sa sobrang likot niya, nahulog siya mula sa pagkakaupo. Pinilit niyang tumayo, pero dahil nakatali siya, nanatili siyang gumagapang sa sahig.
Isang taong nakamaskara ang pumasok sa frame, may bitbit na itim na jerrycan. Binuksan niya ang takip at ipinaligo 'yon sa babaeng walang tigil ang pag-ungol. Kahit hindi gano'n ka-high definition ang video, nakita ko ang pagtulo ng mga luha niya habang nababasa ng likido ang katawan at damit.
Nang maubos na ng taong nasa video ang laman ng jerrycan, pumunta siya sa likuran ng camera. Ang akala ko'y tapos na ang palabas, pero may inihagis na lighter mula sa labas ng frame at tumama sa babaeng nakahandusay sa sahig. Biglang nagliyab ang katawan niya at mas lumakas ang pag-ungol, nagmakaawang sana'y itigil na ang pagpapahirap sa kanya.
"T-Tama na!" Hindi na nakayanan ni Jamie ang pinanonood namin kaya tumalikod siya, nakapikit at natakip ang mga tainga. Hindi na niya napanood ang pangingisay ng babae sa video.
Oo nga pala, dahil sa retentive memory niya, posibleng ma-register ang bawat frame ng video na ito sa kanyang alaala at paulit-ulit na mag-play sa isip niya. Compared sa isang hard drive, hindi gano'n kadaling magbura ng file sa utak ng mga gaya ni Jamie.
Umiwas na rin ako ng tingin mula sa tablet, hindi ko na nakayanang panoorin ang sumunod na eksena. Hindi man natinag si Loki. Seryoso pa rin siyang nakatutok sa screen. Posible bang dahil sa mga nakita niyang bangkay sa iba't ibang crime scenes kaya na-desensitize na siya sa gano'ng klase ng karahasan?
"Why did we have to watch that video?" tanong ni Loki nang mag-fade into black na ang screen. Siya lang ang nakatapos n'on.
"Na-take down na ang video na 'to sa social media, pero may iilang nag-download at nagre-reupload," sagot ni Officer Montreal sabay patay sa tablet. "Ang babaeng nasa video ay siya ring natagpuang sunog sa abandonadong building. Halata naman siguro na sinadyang i-video ng salarin ang ginawa niyang pagsunog."
"So we have a lunatic on the loose. How can we help our campus police department? With all the resources you've got, you can solve this case on your own. Why come to us?"
"Meron na kaming lead sa kung sino ang posibleng may gawa nito sa biktima. Faye Figueroa nga pala ang pangalan niya. Hinala ng mga magulang ni Faye, isa sa mga kasama niya sa org ang salarin."
Naningkit ang mga mata ko sa kanya. "Org?"
"Student executive committee, kung tama ang pagkakatanda ko."
Pagkarinig sa pangalang 'yon, sumandal si Loki sa kanyang upuan at ipinagkrus ang mga braso.
"Ang execom pala . . ." bulong ni Jamie. Mukhang naka-recover na siya agad mula sa pinanood namin. "Hindi ba't sila ang nagsisilbing kanang kamay ng student council? They're a group of student volunteers na laging inuutusan kapag may event."
Ngayon pa lang ang unang beses na narinig ko ang student organization na 'yon.
"Puwede naming imbestigahan ang suspek sa execom, pero kapag kami mismo ang gumawa n'on, masyadong agaw-atensiyon," paliwanag ng police officer. Muli niyang binuksan ang tablet at ipinakita sa amin ang retrato ng suspek. "Gusto sana ng inspector na kayo ang magtanong-tanong para hindi sila gaanong maalarma."
Sa unang tingin, iisiping nagkamali ng picture na ipinakita si Officer Montreal. Maamo kasi ang itsura ng lalaking nakangiti sa retrato, parang hindi niya kayang gumawa ng gano'ng ka-brutal na krimen. Kapansin-pansin din ang badge na naka-pin sa lapel ng blazer niya. Teka, parang nakita ko na 'yon, ah?
"Siya si Hector Alvarez, kasama ni Faye sa execom at ang itinuturong lead suspect ng mga magulang ng biktima. Siya kasi ang boyfriend at ang posibleng huling nakasama nito bago siya nawala at natagpuang sinunog."
"Alvarez . . . May koneksiyon ba siya sa mayor natin?" tanong ni Jamie, familiar sa kanya ang apelyido ng nabanggit na lalaki.
Nag-alangang sumagot ang police officer, napatingin pa nga siya sa ibang direksiyon. "Oo. Sa katunayan, pamangkin siya ng city mayor."
"I see . . ." Naningkit ang mga mata ni Loki. "That explains why the inspector doesn't want to directly involve the campus police yet. He doesn't want your department to earn the ire of the most powerful person in the city. Good move, by the way."
"Kaya hangga't maaari, gusto niyang maging discreet sa imbestigasyon. Kayo ang unang pumasok sa isip niya na pagkatiwalaan sa request na 'to."
"Don't worry, officer. We'll take it from here. Expect to hear from us anytime today. May we get your number so we can contact you for any developments?"
Matapos ibigay ang phone number niya, nagpaalam na sa amin si Officer Montreal. Our worry about him being Moriarty's minion temporarily vanished as we chose to focus our attention on the case at hand. Nagpalitan kaming tatlo ng tingin nang nakaalis na ang bisita namin.
"Ano na'ng gagawin natin?" tanong ko. Sumandal ako sa upuan at ipinagkrus ang mga braso ko. "Heto na ba ang hinihintay nating chance para maisagawa ang plano mo?"
Tumayo si Loki nang nakapamulsa ang mga kamay. "We'll start the investigation right away. The sooner we close this case, the sooner we can focus our collective attention on the rookie officer. You two will visit the Office of the Student Executive Committee while I will check the security footage on the day of the victim's disappearance."
"Puwede bang sa 'yo ako sumama, Loki?" mabilis na hirit ni Jamie. "Mas marami akong matututuhan kung ikaw ang sasamahan ko. I need to learn from the best."
Was she saying that I was not competent enough to work with her? O ginagamit niya 'yong excuse para makasama ang club president namin? Well, it could be the latter. It could also be both.
"You have nothing to worry, Jamie." Lumapit na siya sa pinto at binuksan 'yon. "Lorelei is a capable detective-in-training. You can learn a thing or two from her. Are we good? Let's meet again here at lunchtime."
At tuluyan nang lumabas si Loki. Naiwan kami ni Jamie sa clubroom, may awkward silence sa pagitan namin. Wala na siyang rason para ipagpatuloy ang nice girl act niya.
"So it's you and me again." Inirapan niya ako. Gusto na naman yata niyang magsimula ng away. "It feels like déjà vu, huh?"
"We have no time to trade barbs." Tumayo na rin ako at nagtungo sa pintuan. Wala akong time para patulan ang pang-aasar niya. "Kung gusto mo, puwede kang magpaiwan dito."
She rolled her eyes as she followed behind me. The two of us left the clubroom and reached for the stairs.
Kahit paano'y masuwerte ako dahil sumama siya sa akin. Hindi ko alam kung saan matatagpuan ang office ng student executive committee. I had to endure Jamie's blunt remarks before she hesitantly led me to our destination. Nakarating kami sa dulo ng west wing sa first floor. Huminto kami sa tapat ng pintong may signage na "Office of the Student Executive Committee." Katabi nito ang office ng student council.
"Before we enter the lion's den, have you come up with a brilliant plan?" Jamie crossed her arms across her chest and looked at me with the tiniest hint of trust in her eyes. "Huwag mong sabihing basta-basta ka papasok diyan?"
Ah . . . er . . . Wala pa akong naisip na plano.
"Geez! Dapat kaming dalawa ni Loki ang nag-imbestiga rito 'tapos ikaw 'yong nag-check ng security footage," naiiritang sabi niya. "Mas may silbi ka pa siguro do'n."
Speaking of which, why would Loki choose poring over minutes or hours of security footages—which was a boring task—over asking about the victim and the suspect?
"Oh? That's a face I don't get to see here every day."
Two weeks na yata mula nang huli kong narinig ang boses ng babaeng 'yon. Hindi ko na kinailangang tumalikod pa para i-confirm kung sino ang nagsalita sa likuran namin.
Naintindihan ko na kung bakit mas pinili ni Loki na kami ni Jamie ang ipadala rito. Iniiwasan niya sigurong makasalubong si Margarette, ang babaeng abot hanggang buwan yata ang galit sa kanya.
Humarap ako sa kanya para hindi magmukhang rude. Muli ko na namang nakita ang mukha niya, ang abot-balikat niyang buhok at ang salamin niyang may makapal na frame.
"Do you have any business with us? Or did you get lost?" tanong niya. "That magnet of tragedies isn't with you, huh? And who's this? A new rec—"
Her tongue froze for a second as she shot a wide-eye stare at Jamie. Ganito rin ang nangyari kay Loki noong una niyang nakita si Jamie. Sandaling natulala, parang nakakita ng multo. Baka napansin niya ang pagkakahawig ng kasama ko at ng kanyang kaibigan. They could have mistaken her as Rhea's spitting image.
"Uhm . . . We're here to investigate the disappearance and death of an execom member." My words snapped Margarette back to reality. She slowly shook head, brushing off whatever thought was on her mind, and returned her gaze to me.
"You mean Faye Figueroa? Why is her death the QED Club's business?"
Sumulyap ako kay Jamie na nagkibit-balikat sa akin. Hindi ako sigurado kung dapat naming sabihin sa kanya na ang campus police ang nagpadala sa amin dito. Teka, sino ba siya para sabihan namin?
"Sorry, but it's none of your business." Those words escaped my lips. "Nandito kami para kausapin si Hector Alvarez."
"It is definitely my business," sagot ni Margarette. "I am the chairwoman of the student executive committee."
Oh, shoot! Hindi ako na-inform na gano'n pala ang posisyon niya rito sa campus! Masyado akong nagpadalos-dalos. Ito siguro ang nabanggit sa akin ni Loki noon na hawak ni Margarette ang isang mataas na posisyon sa student government hierarchy.
"Just so you know, the execom is conducting an internal inquiry about the matter so external interference is no longer needed," Margarette added as she held the doorknob of their office door. "Puwede na kayong bumalik sa clubroom n'yo at mag-relax doon."
"Wala naman sigurong masama kung magkakaroon kami ng separate investigation, 'di ba?" tanong ni Jamie. Napahinto si Margarette at lumingon sa kanya. "Mas mabuti kung may ibang pares ng mata na titingin sa case mula sa ibang angle. That's just my two cents."
Nagkatitigan silang dalawa, wala ni isa sa kanila ang kumalas ng tingin. It took a few more seconds before Margarette's eyes looked away together with a deep sigh.
"Is this one of Loki's tricks? How insolent of him," bulong niya habang nakatingin sa sahig at napahigpit ng hawak sa doorknob. "I'll let you talk to Hector, but you have to wait outside. Unauthorized students are not allowed beyond this area."
And that would explain why Loki asked Jamie to come with me. He probably anticipated that if Margarette would refuse to help us out, Jamie's resemblance to Rhea could change her heart. That sly fox who was probably as cunning as his namesake Norse trickster god.
"By the way, this case is of a sensitive nature. If you mess up, everything we've worked so far will crumble into dust." Margarette glared at me, one that sent chills down my spine, before forcefully closing the door.
"Nice acting," bulong ko sa aking kasama.
"I'm not theater actress for nothing," bulong ni Jamie pabalik sa akin. "But what's with her and Loki's reaction when they saw me? Parang nakakita sila ng multo. Baka naman may nakatatakot sa mukha ko?"
Oo nga pala. She was clueless about Loki and his past. Hindi ko isinama ang part na 'yon sa ikinuwento ko sa kanya.
"Your face is fine," sagot ko. Wala naman sigurong problema kay Loki kung sasabihin ang totoo sa kanya. "Alam mo ba kung bakit gano'n ang reaction nila? You look like their late friend. 'Yang naka-braid mong buhok? 'Yan ang lalong nagpapaalala sa kanila sa babaeng 'yon. Her name's Rhea."
"I . . . I didn't know that my looks would bother them, especially Loki." Yumuko si Jamie, humina ang boses. "D-Dapat ko bang palitan ang hairdo ko?"
Wala ako sa posisyon para sagutin ang tanong niya. Hindi naman kasi ako nabo-bother kapag nakikita siya sa gano'ng ayos. Kung may dapat siyang tanungin, si Loki 'yon. Para sa akin, kung may dapat siyang palitan, 'yon ay ang pakikitungo niya sa akin.
Bumukas ang pinto ng execom office at umayos kami ng tayo ni Jamie. Lumabas ang isang lalaking namukhaan namin. Compared sa retratong ipinakita ni Officer Montreal kanina, makapal at malalim ang eyebags ng lalaking ito at mukhang depressed sa nangyari.
"Excuse me? Gusto n'yo raw akong makausap?" Inalok niya sa amin ang kanyang kamay. "By the way, my name's Hector Alvarez."
Nakipagkamay ako sa kanya, 'tapos ang kasama ko. "Nice to meet you, Hector. I'm Lorelei and this is Jamie. We're from the QED Club."
"Ah, the QED Club!" Mukhang aware na siya sa amin. "Is it okay kung sagutin ko ang mga tanong n'yo habang naglalakad tayo papunta sa parking lot?"
"Sure, walang problema sa amin." Tumango ako, pati na ang kasama ko. "Sorry nga pala sa abala."
"Pinabibili kasi ako ni Maggie ng materials para sa redecoration ng office namin. Iniwan ko sa parking lot ang kotse ko. Tara?"
Hinayaan namin siyang mauna sa paglalakad habang nakasunod kami sa kanya. Sa ganitong formation, hindi niya kami mabibigla sakaling umatake siya mula sa likuran. Kapag may tinangka siyang gawin sa amin, matitikman niya ang stun pen na nakatago sa bulsa ko.
Hanggang ngayon, hindi ko pa rin akalain na nagawa niyang sunugin at kuhanan ng video ang pagpatay niya kay Faye, sakaling siya nga ang salarin. Wala kasi sa itsura niya kahit saang anggulo tingnan. But looks could be deceiving. Minsan, kung sino pa ang mukhang inosente, siya pala ang may motibo at masamang balak.
"Gusto sana naming magtanong tungkol sa girlfriend mong si Faye." Alam kong hindi ito ang tamang panahon para batuhin siya ng mga tanong lalo't natagpuang patay ang kanyang girlfriend kahapon. Pero kailangan naming makakuha ng impormasyon mula sa kanya para may mai-report kami kay Loki mamaya.
Sumimangot siya. "Bakit? Iniisip n'yo bang ako ang may gawa n'on sa kanya? Sa tingin n'yo ba, kaya kong gawin 'yon sa babaeng mahal ko?"
No one could tell, Hector. Love could be a terrifying motivation for murder. Baka kasi nalaman niyang may ibang lalaki sa buhay ni Faye. O baka nakikipaghiwalay na siya sa kanya, pero ayaw niyang mawala siya. Instead na mapunta sa iba ang kanyang girlfriend, pinatay niya na lang. The list of possibilities could be as long as the hallway we were walking on.
"Actually . . ." Biglang sumingit si Jamie bago ako makasagot. ". . . kanina pa namin ini-interview ang mga taong malalapit sa kanya. Hindi namin kayo tinatanong ng kung ano-ano dahil naghihinala kaming isa sa inyo ang nasa likod ng brutal na pagpatay sa kanya. Gusto naming makita ang bigger picture para magkaideya kami kung ano talaga ang nangyari kay Faye."
Even if that was an obvious lie—si Hector lang ang kakilala ni Faye na kinausap namin—Jamie sounded so convincing, anyone would have believed any word that would come out of her mouth. As expected from someone of her caliber.
"Sige. Ano ba'ng gusto n'yong malaman?"
"Huling nakita si Faye rito sa campus dalawang araw na ang nakararaan, tama?"
"Oo. Last ko siyang nakita no'ng afternoon break. Pareho kaming nasa execom office no'n, may inaasikasong paperwork na iniutos ni Maggie."
"Hindi na kayo nagkita after no'n?"
Mabagal na umiling si Hector, malayo ang tingin at tila inaalala ang huling sandaling kasama niya si Faye. "Bumalik na kasi kami sa classrooms namin no'n. We agreed na magkita sa parking lot after class. Heto ang convo namin."
Iniabot niya sa amin ang kanyang phone. Mababasa sa screen nito ang message thread nilang dalawa.
Hector (3:45 PM):
Babe, deretso na tayong magkita sa parking lot?
Faye (3:47 PM):
Sige, pero may dadaanan muna ako. Okay lang ba, babe?
Hector (3:48 PM):
Samahan na kita mamaya, gusto mo?
Faye (3:50 PM):
Huwag na. May ka-meeting lang ako sandali :)
Hector (3:52 PM):
Ok! Mag-text ka kapag on the way ka na, ha? Ingat!
Faye (4:12 PM):
Pasensiya na, babe! Medyo natagalan. Papunta na ako riyan sa parking lot. Don't leave me, ha?
Hector (4:14 PM):
Ikaw pa? Kahit hanggang mamaya, maghihintay ako rito basta para sa 'yo.
Hector (4:30 PM):
Babe, where ka na? Ang sabi mo papunta ka na?
Faye (4:50 PM):
Sorry, something came up. Okay lang ba kung mauna ka na? Ite-text na lang kita kapag nakauwi na ako
Hector (4:52 PM):
Hey, okay ka lang? Saan ka ba ngayon? Gusto mong puntahan kita?
Hector (6:00 PM):
Good evening, babe! Nakauwi ka na ba?
Hector (6:22 PM):
Babe?
Wala nang natanggap na reply si Hector mula sa kanyang babe—I meant, mula kay Faye.
"Ang sweet n'yo namang dalawa!" komento ni Jamie pagkabalik niya ng phone. Ano ba'ng sweet sa kanilang conversation? I could not stop myself from cringing at their messages. Nanindig pa nga ang mga balahibo ko habang tinitiis na basahin ang mga 'yon.
"Ang hinala ko, kung sinuman ang ka-meeting niya bago kami nagkita, siya ang may kagagawan ng karumal-dumal na bagay na 'to." Kumuyom ang mga kamao ni Hector. Nakita ko sa mga mata niya ang magkahalong lungkot at galit. "Kapag nalaman ko kung sino siya, sisiguraduhin kong mas masahol pa sa sunog ang ikamamatay niya."
"Wala ka bang idea kung sino ang taong ka-meet niya no'ng araw na 'yon?" tanong ko. Nakalabas na kami ng high school building at on the way na sa parking lot.
"Wala siyang nabanggit sa 'kin. Pero baka may kinalaman dito 'yong lalaking nakita kong kausap niya dati. Mukhang kahina-hinala at hindi katiwa-tiwala. Nakababa ang bangs niya at halos hindi makita ang isang mata. Hindi ko na tinanong si Faye kung sino 'yon."
Awtomatikong sumagi sa isip ko ang itsura ng lalaking nakita ko sa labas ng ospital kung saan dinala si Loki. Kaparehong-kapareho ng description ni Hector ang kahina-hinalang estudyanteng 'yon. Kung iisa nga sila, bakit makikipagkita si Faye sa kanya? Posible kayang siya talaga ang nasa likod ng kasong ito?
Hindi ko na namalayang nakarating na pala kami sa parking lot kung saan nakaparada ang itim na kotse ni Hector. Mukhang bagong model o kaya'y bagong car wash kaya walang kahit anong bahid ng putik sa gulong o katawan nito. Tinted din ang windows kaya mahirap makita kung ano ang nasa loob.
"Kung may kailangan pa kayong itanong sa 'kin, puwede n'yo akong puntahan sa office namin mamaya." Binuksan ni Hector ang pinto sa driver's seat. "Sana'y kahit paano, nakatulong ako sa imbestigasyon n'yo."
Bago siya tuluyang makapasok, humirit pa ako. "Okay lang ba kung hingin namin ang number mo? Para sana mas madali ang communication natin just in case na may tanong pa kami."
"Sure, I don't mind."
Pagkabigay niya sa kanyang contact number, nag-drive na palayo ang sasakyan niya at naglaho sa eyeshot namin.
"He's a damn good actor," komento ni Jamie at saka lumingon sa akin. "If he's lying, that is. Kapani-paniwala ang story niya, but I'm not totally convinced. Something's off. Base sa message thread nila ni Faye, maayos naman ang kanilang relationship. Ano kaya ang posibleng motive para gawan niya ng masama ang girlfriend niya?"
"His story about the suspicious guy with Faye sounds legit." Sumulyap ako sa kanya. "Unless . . . he's sending us to a wild goose chase. Baka minention niya 'yon sa atin para ilihis ang atensiyon natin mula sa kanya."
"He's still our primary suspect anyway. He can't shake off our suspicions so easily."
Ch-in-eck ko ang oras sa clock display ng phone ko. Three minutes na lang bago mag-ten o'clock. Malapit nang matapos ang morning break. Nagkasundo kami ni Jamie na magkita sa clubroom mamayang lunchtime para pag-usapan ang observations namin kasama si Loki.
PAGSAPIT NG LUNCHTIME, nag-meet kaming tatlo nina Loki at Jamie sa clubroom. Sinimulan naming i-discuss ang results ng ginawa naming pagtatanong-tanong at pag-iimbestiga nitong umaga.
Ikinuwento ko kay Loki ang mga sinabi sa amin ni Hector. Habang nagsasalita ako, laging sumisingit si Jamie para magpakitang-gilas at iparamdam na may silbi siya rito sa club maliban sa retentive memory niya. Hinayaan kong solohin niya ang spotlight, malamang nasanay na siya sa gano'ng level ng atensyon.
Now it was Loki's turn to share his findings. Hindi pa man siya nagsasalita, tutok na tutok na sa kanya si Jamie, parang isang estudyanteng sabik na marinig ang lesson na ituturo ng teacher niya.
"I watched two videos at the security office earlier—the footage at the high school building entrance and the campus gate on the day of Faye's disappearance. She was seen leaving the building at 4:15 PM, but she was never seen leaving the campus grounds through the gate."
"Around 4:12 PM, na-receive ni Hector ang text message ni Faye na nagsabing papunta na siya sa parking lot," sabi ni Jamie nang hindi tumitingin sa kahit anong notes. Muli na naman niyang ipinagyabang ang kanyang matalas na memory. "Totoo ngang on the way na siya no'n sa meeting spot nila."
"Pero ano'ng kinalaman ng hindi niya pagpapakita sa security footage sa main gate?" tanong ko. "Was that an indication she's still on the campus grounds around that time?"
Sumandal si Loki sa upuan at tumingala sa kisame.
Loki reclined on his chair and tilted his head to face the ceiling. "The security camera at the gate only captures those students who are entering and leaving the campus on foot. The fact that Faye didn't appear in the footage only means one thing: She didn't walk out of the campus. Someone sneaked her out of school through a not-so-suspicious method."
"Posibleng ipinasok siya ng salarin sa kotse . . ." bulong ko habang nakarus ang mga braso ko. "Kung naka-focus ang camera sa mga estudyanteng naglalakad papasok at palabas ng campus, the cars going in and out wouldn't be noticed."
"As long as they have the school gate pass," dugtong ni Loki sabay taas ng hintuturo niya. "Since you two have mentioned that the victim was supposed to meet with the suspect at the parking lot, everything seems to make sense now."
"So it's Hector after all, huh?" bulong ko. Pero may bumabagabag pa rin sa akin. Ano ang posibleng motive niya para gawin 'yon? "Kung talagang nagkita silang dalawa sa parking lot, posibleng voluntary na pumasok si Faye sa kotse at hindi na kinailangan pang puwersahin ni Hector."
"'Di ba may natanggap na text message si Hector mula kay Faye na nagsabing mauna na siya around 4:50 PM?" tanong ni Jamie. "Fake din ang message na 'yon?"
"That message was meant to establish an alibi or, at least, reduce the suspicion anyone might have on him," paliwanag ni Loki. "There must be a sleeping gas inside his car that knocked out the victim. Our suspect then waited outside to not be affected by it. When the victim lost her consciousness completely, our suspect stole her phone and sent text messages to himself. He wanted to make an impression that his girlfriend went somewhere else."
Tumango ako sa scenario na inilahad niya sa amin. That was the most probable explanation if Hector was indeed the culprit. Tinted din ang car window niya kaya hindi masisilip ng security guards sa gate kung may iba siyang kasama sa loob.
"He probably waited until it got dark before bringing his victim to the abandoned building meters away from school," dagdag ni Loki. "What's the color of his car? Black? It would be difficult to identify a car with that color in the dark."
"Ano na'ng gagawin natin ngayon?" tanong ko sabay lipat ng tingin sa dalawa kong kasama. "Dapat na ba nating sabihin 'to kay Officer Montreal o sa campus police?"
"We have an idea on how he sneaked Faye out of the school, but we have no evidence to prove it yet," sabi ni Loki. "Don't forget about his connections. He's a relative of the mayor so if we wanna accuse him of a serious crime, we must have corresponding proof. Fortunately, I thought of a plan on how we can produce the evidence."
"Produce?" Halos magkonekta ang mga kilay ko. "Hindi natin hahanapin?"
"I don't think he's a fool to leave any traces in the crime scene. There's nothing to be found inside the abandoned building that could point to him as the culprit. Or at least, that's what he believes in."
"Imbes na magpaligoy-ligoy ka riyan, bakit 'di mo na lang i-share sa amin ang plano mo?"
"Do you know what gaslighting is?" tanong ni Loki. "It's a form of psychological abuse where we present false information to disorient our target. Hector believes that his crime is perfect, but what if we tell him it isn't? He would doubt his memory and he would be forced to do something that we could take advantage of."
Napapalakpak si Jamie, kita ang pagkamangha sa mukha niya. "As expected from you, Loki! May naisip ka agad na way para mapatunayang siya nga ang nasa likod ng krimeng 'yon!"
There was no need to praise him. Sa halos isang buwan ko nang kasama ang lalaking 'yan, hindi na ako nagugulat pa kung may kakaibang trick siyang naisip para ma-corner ang suspek.
"Did you get Hector's number?"
Iaabot ko sana sa kanya ang aking phone kung saan naka-flash ang number ng suspek namin, pero biglang sumingit si Jamie. Ni-recite niya ang bawat digit na parang nire-recite niya ang bawat letter sa English alphabet.
"Later, I'm gonna text him that he forgot something at the crime scene." Nakangising tina-type ni Loki ang number sa phone niya. "He'd probably panic and rush to the building where he did it."
"Enough na ba ang pagbalik niya sa crime scene bilang proof?" tanong ko.
"No, but I have a clever way to extract proof from him. You'd find out later. Wait, do you have any after-class commitments? None? Good. We'll meet again later at four o'clock and prepare the trap for him. In the meantime, I need to get some stuff."
NAKAKORDON PA ng POLICE LINE DO NOT CROSS barricade tape ang abandonadong gusali nang makarating kami roon. Dahil maliwanag pa ng bandang four-thirty ng hapon, kinailangan naming mag-ingat sa pagpasok dahil baka may makita sa amin at mag-report na trespassing kami.
Aakalaing pinamumugaran na ng mga espiritu ang gusali na ito na may dalawang palapag dahil sa bitak-bitak na sahig at butas-butas na dingding. Wala nang gamit dito maliban sa sira-sirang furniture na iniwan basta-basta ng may-ari. Hanggang ngayo'y naamoy ko pa rin ang nakasusulasok na amoy ng gasolina at ng nasunog na bangkay.
Umakyat kami sa second floor kung saan walang bintana, kagaya ng nakita namin sa video. Kitang-kita pa rin sa sahig ang marka kung saan sinunog nang buhay ang kaawa-awang babae. Napatakip kami ng ilong ni Jamie habang si Loki'y naglibot sa kuwarto. Ipinatong niya ang dala-dalang camera sa isang spot kung saan hindi kaagad makikita ng sinumang papasok.
"Now, all we have to do is wait for our prey," sabi ni Loki matapos itulak ang maalikabok na couch na may sirang frame sa isang side. Sumenyas siya sa amin bago siya nagtago sa likod n'on. "We need to hide here until he arrives."
Tumabi ako sa kanya sa likod ng couch, pero biglang pumagitna si Jamie sa amin. Inianggulo ko ito para kaagad na makita ang pagpasok ng hinihintay naming salarin.
Lumipas ang ilang minuto bago namin narinig ang tunog ng car engine sa labas. Dahil walang bintana rito, hindi namin ma-check kung kay Hector ba ang sasakyang 'yon. Nanatili kaming tahimik at inabangan ang pag-akyat niya sa second floor. May mga narinig kaming yabag sa hagdanan.
Hindi na kami nagulat nang pumasok ang lalaking nakausap namin ni Jamie kanina. Nakatakip ng panyo ang bibig niya habang palinga-linga sa paligid. Tumingin siya sa bawat sulok at lumapit kung saan kami nagtatago.
Biglang tumayo si Loki, may suot-suot na gloves at may hawak-hawak na badge sa isang kamay. "Hello, Nestor. Is this what you're looking for?"
It's Hector, Loki, not Nestor!
"Badge 'yon ng execom members, 'di ba?" bulong ni Jamie habang pinapanood ang makapigil-hiningang eksena sa pagitan ng dalawang lalaki. "May ganyan din si Margarette sa lapel niya."
Ipinasok ko ang aking kamay sa bulsa ng palda ko at mahigpit na hinawakan ang stun pen. Sakaling may mangyaring gulo rito, nakahanda akong gamitin ito sa salarin.
Ibinaba ni Hector ang hawak niyang panyo at itinuro ang daliri sa aming kasama. "I-Ikaw si Loki, 'di ba? Mula sa QED Club? Marami na akong narinig tungkol sa 'yo. Ikaw rin ba 'yong nag-text sa 'kin kanina?"
"I went here during lunchtime to look for clues," sagot ni Loki. "Look at what I found. A badge of a student executive committee member!"
Hindi naman siya pumunta rito kanina, ah? Kaya anong pinagsasabi niya—teka, baka part ito ng trick niya?
"This is yours, right?" nakangising tanong ni Loki bago inihagis ang badge na sinalo naman ni Hector. "While you were burning the victim alive, you didn't notice that thing fell off your lapel."
Sinuring maigi ni Hector ang badge bago niya muling ibinato kay Loki. "Nagkakamali ka. Hindi ko suot ang badge na 'yan no'ng pumunta ako rito—"
Huli na nang na-realize niyang dumulas ang kanyang dila. Siguradong na-record 'yon ng naka-set up naming camera dito.
"Will you confess to the crime?" tanong ni Loki. "Will you confess to burning the victim alive here?"
Yumuko muna si Hector, sandaling natahimik, 'tapos biglang humalakhak. Ngumisi siya na parang demonyo na nag-anyong tao. Nawala na ang inosenteng mukhang bumati sa amin kaninang umaga. "Sa tingin mo ba, sapat na 'yan para madiin n'yo ako sa krimeng ina-accuse n'yo sa 'kin?"
"That slip of the tongue? No. But this." Muling ipinakita ni Loki ang badge na ibinalik sa kanya ni Hector. "This badge has your fingerprints now. I can tell the police that I found it while searching for evidence in this building. You will then officially become suspect number one. Imagine the scandal that it can cause to your family."
"Ang galing . . ." Halos mapanganga si Jamie habang pinanonood si Loki. "Nagawa nga niyang mag-produce ng evidence!"
"The police can also conduct a thorough search on this floor. They'll no doubt find your fingerprints since you've revisited the crime scene." Inilagay ni Loki ang badge sa loob ng plastic bag. "We've also recorded you coming in here through our cleverly concealed camera. If I were you, I would surrender to the police. It's game over now—"
"Binalaan na nila ako tungkol sa 'yo, pero hindi ako nakinig," singit ni Hector, lalong lumawak ang ngisi sa mga labi niya. "Masyado yata kitang minaliit. Kasama mo ba sa club 'yong dalawang cute na babaeng nagtanong sa 'kin kanina?"
"Who warned you about me?" tanong ni Loki.
"Alam kong kilala mo kung sino'ng tinutukoy ko. O baka gusto mong banggitin ko pa ang pangalan niya? Si Moriarty."
Kumuyom ang mga kamay ni Loki pagbanggit niya sa pangalang 'yon, pero nanatili pa rin siyang kalmado. "Did he give the order to burn your girlfriend alive?"
Naglakad-lakad sa maliit na space si Hector. Hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa markang iniwan ng panununog niya. "Kasalanan ko kung bakit nangyari 'to kay Faye. Masyado siyang napalapit sa 'kin—Teka, kasalanan pala niya. Kung hindi siya napalapit sa 'kin, hindi ko sana naisipang gawin 'yon sa kanya."
"What are you talking about?"
"Ang relationship namin ay isang ilusyon, isang kasinungalingan para mapalapit siya sa 'kin." Lumuhod si Hector malapit sa itim na marka at hinaplos ang sahig. "Recently ko nalaman na iniimbestigahan ako ng execom dahil sa koneksyon ko kay Daniel Geronimo. Familiar ang pangalan na 'yon, 'di ba?"
Nanatiling poker face si Loki kahit alam niya kung sino ang tinutukoy nito. Kami ni Jamie, sinundan ang bawat galaw ng salarin, mula sa pagkumpas ng mga kamay hanggang sa paghakbang ng mga paa.
"Ginamit ng execom si Faye para obserbahan ako. Magaling akong umarte at magpanggap na inosente kaya hindi agad ako nahalata. Noong isang araw, tuluyan kong nakuha ang tiwala ni Faye at inamin niya sa 'kin kung ano'ng ipinapagawa sa kanya ng execom. Kung hindi ko siya pinatahimik, baka ako ang napabalitang patay kahapon."
"He eliminates those who fail him. He doesn't leave loose ends, huh? That Moriarty . . ." bulong ni Loki. His eyes were transfixed on the culprit.
"Tama. Isang malaking kasalanan sa kanya ang pagkakamali." Naging seryoso ang mukha ni Hector, pasimpleng ipinasok ang kanang kamay sa bulsa niya. "Kaya nga . . ."
Mabilis niyang inilabas ang isang Swiss knife at tumakbo sa direksyon ni Loki. Lumabas na ako mula sa aking pinagtataguan at inihanda ang hawak kong stun pen. Dahil sa bilis ng mga pangyayari, hindi agad nakakilos si Loki. Bago pa masaksak ng kutsilyo ang katawan niya, naidikit ko na ang stun pen sa tagiliran ni Hector at pinindot ang button.
Bzzz!
Nabitawan nito ang hawak niyang patalim. Nangisay siya nang ilang segundo sa sahig bago tuluyang nawalan ng malay.
That was a close one!
"Loki!" Jamie rushed to his side. Kinapa niya ang mukha at katawan nito at ch-in-eck kung may natamong galos at sugat bago mahigpit na yakapin. "Okay ka lang ba? Natakot ka ba ro'n?"
"I wanna thank Lorelei for her quick reflexes . . ." tugon ni Loki. ". . . but we need to proceed to the second part of the plan."
So his thank you would have to wait? That was okay. Hindi naman ako nag-e-expect.
Inilabas ni Loki ang phone niya at nag-dial ng number. "Hello, Officer Montreal? I can't reach Inspector Estrada. His line's probably busy. Can you come to the crime scene? We're about to confront the culprit. Thank you."
Hindi ko na tinanong pa kung bakit sinabi niyang iko-confront pa lang namin ang salarin gayong napabagsak na namin siya. It must be part of his plan or something.
"Now, girls." Humarap siya sa amin ni Jamie. "You need to punch me in the face. As hard as you can. We need to show them that I had a fight with Nestor."
Again, it's Hector, not Nestor!
LIKE IN typical Filipino action movies, the campus police arrived when everything was done. Nadatnan nilang nakahandusay sa sahig si Loki na may kaunting bugbog sa mukha at si Hector na walang malay. Kami ni Jamie, nagpanggap na kunwari'y na-trauma sa na-witness namin.
"Bakit hindi n'yo kami tinawagan agad?" tanong ni Inspector Estrada. Nakalagay sa baywang ang mga kamay niya na parang nanenermon na magulang. "Sa mga ganitong kadelikadong sitwasyon, dapat ipinauubaya n'yo 'to sa amin! Paano kung may nangyari sa inyo?"
"P-Pasensya na po," sabay kaming humingi ng paumanhin ni Jamie.
"Chief! Ang sabi ni Loki sa 'kin, hindi niya kayo ma-contact kaya hindi niya tayo agad naabisuhan," depensa ni Officer Montreal. "Masuwerte ang tatlong 'to dahil walang nangyaring masama sa kanila—maliban kay Loki na may pasa sa mukha."
"Pasalamat siya't ganyan lang ang inabot niya." Naghihimutok na bumaba ng second floor ang inspector at pinagsisigawan ang mga tauhan niya sa labas. Naiwan naman ang kahina-hinalang police officer at ang iba pa niyang kasama sa crime scene.
"Kahit kailan talaga . . ." bulong niya habang nakatitig sa walang-malay na katawan ni Loki.
Sumenyas ako kay Jamie para masimulan na ang second part ng plano. Lumapit siya sa aming target na pailing-iling pa rin.
"Officer, puwede ko bang mahiram ang phone n'yo? Kailangan ko kasing tawagan ang katiwala namin sa bahay." Mangiyak-ngiyak pa si Jamie at nagpa-puppy eyes sa kanya. That was our theater actress in action. "Baka nag-aalala na siya kung bakit hindi pa ako nakauuwi nang ganitong oras."
Kumunot ang noo ni Officer Montreal habang nakatitig sa naglalawang mga mata ng kasama ko. "Wala ba kayong dalang phone?"
"Iniwan namin sa clubroom kasi akala namin hindi magkakaaberya ang plano ni Loki. Nahihiya naman akong humiram ng phone sa ibang officers dito o kaya kay Inspector."
May pagdadalawang-isip sa mukha ng officer, pero bumigay rin siya at kusang iniabot ang phone niya. Totoo yatang walang makare-resist sa charm ng theater actress namin. "O, heto. Ang passcode ay 5-6-5-4."
"Thank you po!" Pinunasan ni Jamie ang mga pekeng luha niya bago sinimulang mag-dial sa phone ni Officer Montreal. With her retentive memory, it would be a piece of cake to memorize all numbers in our target's call logs. Probably among them was the number that would lead us directly to Moriarty. The moment na nahawakan niya ang phone, successful na ang plano ni Loki.
Habang ibinubuhat sa stretcher ang kasama naming nagpapanggap na walang malay, pasimple siyang nagbigay ng thumbs up. Everything went according to plan, from proving that Hector was the culprit up to extracting the ominous number.
Jamie had to actually call someone. Otherwise, it would look suspicious kung walang bagong number ang na-register sa call log. Nakangiti niyang ibinalik ang phone at nagpasalamat kay Officer Montreal.
Nang ibinaba na ang stretcher, sumunod kami ni Jamie. We were walking down the stairs side by side when I whispered to her. "Did you get it?"
"There were ten numbers in his call log before I made a call. Only one seems to follow the pattern. Hindi ko na kinailangang i-turn on ang keypad tone para malaman kung alin doon ang hinahanap nating number."
"So what is it?"
Inilapit niya ang kanyang mukha sa tainga ko at saka bumulong. "It's 0921-654-5666. Yes, it has the devil's digits at the end."
q.e.d.
Project LOKI Volume 1 (Collector's Edition) is still available on PSICOM Publishing's Shopee and Lazada stores for only ₱650. The package includes (1) book with author's signature, (2) bookmarks, (2) postcards, (2) sticker pads, and (1) magnetic bookmark.
Get in touch with AKOSIIBARRA (R.C. MUSNI) on social media:
Facebook: Cris Ibarra / Akosiibarra
Twitter: @akosiibarraWP
Instagram: @akosiibarraWP
Tiktok: @akosiibarraWP
YouTube: @akosiibarra
Like or follow Project LOKI on social media:
Facebook: Project LOKI
Twitter: @TeamProjectLOKI
Join the official group for AKOSIIBARRA and Project LOKI readers on Facebook:
www.facebook.com/groups/theqedclub or The Q.E.D. Club (Project LOKI)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro