Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16: Caught in the Act (Part 2)

AUTHOR'S NOTE: This is the updated 2022 version of Chapter 16-Part 2. If you are re-reading this part, you may observe some changes from the previous version.

CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains depictions of and references to stalking and harassment that may be upsetting for some readers. Please be mindful of these sensitive themes and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.

LORELEI

ILANG BESES na napakurap ang mga matang kong nakatitig sa ngisi sa labi niya. Her brown eyes looked at me with contempt and her voice sounded condescending. For a moment or two, nawala ang maamong itsura ni Jamie. From a sweet and pure princess, her symmetrical face turned into that of a mischievous but pretty witch.


Tama ba ang narinig ko kanina at nakikita ko ngayon? It was strange. Really strange. Parang hindi na ang Jamie na nakilala ko kanina ang katabi ko ngayon. Baka namalik-mata ako? Baka mali ang dinig ko?

"Bakit kaya tinanggap ni Loki ang application mo sa club?" Tumaas ang kaliwang kilay niya habang minamata ako. "You look like a dumb chihuahua who has no talent in the art of detection. Was it because of your unremarkable face? Impossible! Or was it because you bribed him to let you join?"

Now I was at a total loss. Sinaniban na ba ng masamang espiritu itong si Jamie o nagha-hallucinate ako kahit hindi ako uminom ng belladonna? Gusto kong sampalin ang sarili ko para magising kung sakaling bangungot ito. Talaga bang ganito ang attitude ng celebrated theater actress ng Clark High?

Biglang bumalik sa pagiging maamo ang mukha niya nang makita namin si Loki sa may hagdanan. Tila nagliwanag 'yon nang dumating na ang kasama ko sa club. Nabura ang kahit anong bahid ng mapagmataas na itsura niya kanina.

"Sorry for being late," bati ni Loki. "My instructor asked for a thirty-minute extension so I had to find a way to escape from our classroom. Are we ready?"

Dahil may aftershock pa sa akin ang mga ipinakita at sinabi ni Jamie, hindi ko na siya nabati. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon. Hinayaan ko na siyang ipaliwanag ang kabuuan ng kanyang plano.

"One of these boys is probably your mysterious chatmate." Iniabot niya sa aming client ang sticky note kung saan nakasulat ang pangalan ng apat na possible suspects. It only took Jamie five seconds before she returned the note to him. "Now all we need to do is to lure our prey out of his hiding hole."

Hininaan niya ang kanyang boses habang idinedetalye kung paano namin huhulihin sa akto ang salarin. He was almost done explaining nang nagbalik na sa kasalukuyan ang consciousness ko't hindi napigilang magkomento.

"T-Teka! Sigurado ka ba riyan, Loki?" tanong ko. Saglit na nag-flashback sa isip ko ang nangyari noong tinrap niya ang secret admirer ko. "Hindi ba masyadong mapanganib para kay Jamie 'yan?"

"We'll be with her so there's nothing to worry about," sagot ni Loki. Walang kahit anong hint ng pagkabahala sa kanyang mukha. Kumpiyansa talaga siyang uubra ang plano niya. "We shall execute our plan . . . unless our client doesn't want to do it."

Ilang beses na umiling si Jamie. Walang kahit anong pangamba sa mukha niya. Gano'n ba siya katiwala kay Loki? "Cool nga 'yang naisip mong plan! Kung sa tingin mo, uubra 'yan, hindi na ako magrereklamo pa. As long as mahuli natin siya, walang problema sa 'kin."

Napansin kong kahit nakaharap si Loki sa direksyon ni Jamie, pilit niyang iniiwas ang kanyang tingin. Kapag nagtagpo ang kanilang mga mata, he would quickly avert his gaze as if nakamamatay ang pagtitig sa client namin. Seriously, what was the deal between him and her?

Nang magkasundo na kami sa plano, napagpasyahan na naming magtungo sa auditorium. Nagpahuli ako sa likod at hinayaang sabay na maglakad sa harapan sina Loki at Jamie. Muli kong naalala ang sinabi ng client namin kanina.

"You look like a dumb chihuahua who has no talent in the art of detection."

Was Jamie's seemingly nice attitude to me this morning just an act? Was her bitchy approach the real facade that she was trying to hide behind the cheerful and friendly mask?

Dumaan kami sa backstage ng auditorium. Pagbukas ng pinto, agad kaming binati ng mga mapanuring mata. They greeted Jamie with warm words of welcome while they threw curious glares at us. Wala sanang problema kung iilan sila. Pero dahil lagpas forty ang members ng production team, medyo nakaiilang.

"Hi, guys and gals! These are my friends who want to see our rehearsal," pagpapakilala ni Jamie sa amin. "This is Loki and that's Lorelei. They're here to observe. Hindi sila mang-iistorbo sa atin kaya we can proceed with our rehearsal."

"Friends, huh?" A bespectacled boy emerged from the crowd. "You didn't tell us that you're acquainted with the members of the QED Club. Should we assume that they're here to investigate a case?"

Nagkaroon ng mga bulungan matapos humirit ang lalaking 'yon. Base sa mga titig habang nakikipagbulungan sa kanilang mga katabi, mukhang alam nila kung ano ang purpose ng aming club. Baka nabasa nila ang aking blog? O baka narinig nila ang cases na na-solve namin? Either way, mabuti't may kaunting recognition na sa amin ang ilang estudyante.

What took my interest was the boy who knew about our affiliation. His young face and his horn-rimmed glasses were familiar. I swore that we had already met before! Hindi ako pwedeng magkamali. Siya ang lalaking ni-rescue namin mula sa pagkakakulong sa locker room noon: si Stein Alberts!

Madilim noong una kaming nagkita kaya hindi ko gaanong napansin ang features niya. Ngayong nasa maliwanag na lugar kami, mas malinaw kong na-observe ang kanyang itsura. The fringes of his hair almost covered his forehead. His squinty eyes with black-colored pupils stood out among his peers. He had a small frame and slim figure, yet his upright posture spoke of his confidence.

"My apologies if I haven't personally thanked you for saving me the other week. Allow me to introduce myself." Humakbang ang lalaki palapit sa amin ni Loki at inalok ang kanyang kamay. "My name's Stein Alberts. Pleased to meet the two of you."

Nakipagkamay kaming dalawa sa kanya. Was it a cruel coincidence na ang dati naming iniligtas ay isa na ngayong suspek sa pagiging mysterious chatmate ni Jamie? It also made me wonder why a math prodigy like him would join the Repertory Club.

"If you need my help in anything related to numbers, I can offer you my assistance," dugtong niya. "This is the least that I can do to repay my saviors."

"What's your role here?" agad na tanong ni Loki. Since Stein was one of our four suspects, he probably took this opportunity to begin the investigation. "You're supposed to be solving complex mathematical equations, not acting on stage."

"Blockings?" ulit ko.

Humarap siya sa akin. "The actor's position in a particular scene. Where they're going to stand, where they're going to enter and exit."

"So you must be in front of the stage, watching the production from the audience's point of view, right?" tanong ni Loki.

Natawa si Stein. "Why does it sound as if you're interrogating me? It's the job of the director to make sure the viewing experience is of high quality so I sit in the front row next to the stage."

"Excuse me?" Sunod na humakbang palapit sa amin ang isang lalaking may hawak na makapal na libro. Sumenyas siya kay Stein at sa mga aktor. Aakalain mong buto't balat siyang naglalakad dahil sa sobrang payat niya. Magulo rin ang ayos ng kanyang buhok na tila hindi niya tinitingnan ang sarili sa salamin. Not to be judgmental, but there was no way he could be one of the actors. "We're about to start the rehearsal, so I hope you don't mind if . . ."

Hindi na niya kinailangang tapusin pa ang gusto niyang sabihin. Tumabi kami sa gilid at hinayaang maglakad sa iba't ibang direksyon ang mga tao sa backstage.

Lumapit sa amin si Jamie at bumulong, "Siya ang stage manager ng production—si Wesley Nuñez. Sinisiguro niyang nandito na ang lahat ng actors at crew bago magsimula ang rehearsal. In charge din siya sa pagku-cue sa amin kapag oras na ng scene namin."

"Dito lang ba siya sa backstage nakapuwesto?" tanong ko, nakasunod pa rin ang tingin ko kay Wesley.

"Minsan sumisilip siya sa left at right wing ng stage para tingnan kung anong eksena na."

Nagpaalam na muna si Jamie na pupunta sa stage para sa kanilang rehearsal. Kami ni Loki'y naiwan sa backstage kasama ang iba pang crew na wala pang ginagawa. Habang busy ang karamihan sa pagtsitsismisan, lumusot kami ni Loki sa may left wing ng stage at pinanood ang ginagawang pagde-deliver ng lines ng client namin. Nakita rin namin sa harapang row si Stein na itinuturo kung saan dapat pumuwesto si Jamie habang ibinabato ang mga linya.

"Excuse me? Hindi kayo puwede rito," pagbawal sa amin ni Wesley na biglang nagpakita sa likuran ko. "As protocol, hindi namin hinahayaang may manood na ibang tao sa rehearsal. But because you're Jamie's friends, we made an exception. Kung gusto n'yo siyang panoorin, I suggest that you go to the audience area."

Itinaas ni Loki ang hintuturo niya. "Just one question before we leave: Raymond Torres and Alvin Mendoza are part of this production, right?"

Bahagyang kumunot ang noo ni Wesley. Ang akala ko'y sisigawan niya kami, pero naging mahinahon ang kanyang tugon. "Nasa balcony si Alvin, diyan sa kabilang dulo ng auditorium. Siya kasi ang in-charge sa sound system. He's still familiarizing himself with the buttons and levels so I suggest that you don't disturb him. Raymond is our assistant production manager. Wala siya ngayon dito dahil kinailangan niyang bumili ng snacks para sa amin."

Hindi na nagbato pa ng follow-up question si Loki at bigla-biglang umalis nang hindi nagpapaalam kay Wesley. Ako na ang nagpasalamat para sa impormasyong ibinahagi sa amin ng stage manager bago ako sumunod sa kanya.

Mabibilis ang mga hakbang niya palabas ng backstage kaya kinailangan ko siyang sabayan. Sinubukan naming huwag lumikha ng ingay, pero may kaluskos galing sa sapatos ni Loki. Sunod naming tinungo ang sinasabing balcony ni Wesley. Inakyat pa namin ang masikip na spiral staircase bago kami nakarating doon.

From the balcony, we could see the entire auditorium. Napanonood namin ang pag-arte ni Jamie at ng mga kasama niya sa stage, pati si Stein na nakaupo sa front row ng audience seat. Medyo madilim nga lang sa kinatatayuan namin.

"May maitutulong ba ako sa inyo?" tanong ng matabang lalaki na nakaupo malapit sa isang equipment na may iba't ibang button at level. Sa tabi n'on, nakalagay ang apat na patong-patong na CD player at isang desktop computer na tila pinaglumaan na ng panahon.

"Ikaw ba si Alvin Mendoza?" sinagot ko ng tanong ang tanong niya.

"Oo, ako nga!" masiglang bati ng lalaking in-charge sa sound system. Parang hindi ko siya nakita sa mga taong nagbato ng mga nagtatakang tingin sa amin sa backstage kanina. "May kailangan ba kayo sa 'kin?"

"We wanna ask if you've been here since last week." Loki panned his head from left to right, observing the dark balcony. "On this exact same spot, I mean."

May pagtataka sa mukha ni Alvin. "Dito nila ako in-assign para mapag-aralan ang mga component ng sound system. Teka, kung may ninakaw man sa backstage, I can assure you na wala akong kinalaman do'n! Dito na ako dumederetso kapag rehearsal at hindi na ako dumaraan doon. Bumababa lang ako kapag company call na."

"Fret not. Nothing's been stolen from your colleagues." Mabilis na tumalikod si Loki at bumaba na sa masikip na hagdanan. Wala ba talaga sa vocabulary niya ang pagpapasalamat sa mga taong nagbibigay ng impormasyong makatutulong sa kanya?

Sunod naming tinungo ang audience seats sa baba. Dahil exclusive ang paggamit ng Repertory Club sa auditorium, walang ibang estudyante ang pinayagang pumasok dito kaya bakante ang mga upuan maliban sa first row. As much as possible, we tried to minimize the noise we created while crossing the aisle. Ang heels ko kasi, lumilikha ng click sa bawat hakbang ko.

"Is everything okay?"

Sabay kaming lumingon ni Loki sa likuran nang pumasok ang isang lalaking may bitbit na malaking plastic bag sa magkabilang kamay. Mukhang galing siya sa isang grocery store. Naglakad siya patungo sa front row at inilapag ang mga dala sa bakanteng upuan.

"Are you new members of our club?" nakangiting tanong ng lalaki. "By the way, I'm Raymond Torres, the assistant production manager. So ano'ng gagampanan n'yo sa play natin?"

"Do we look like idiots who will—"

Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Loki bago kami mapalayas dahil sa comment niya. "Uhm . . . friends kami ni Jamie! Pinapunta niya kami rito para panoorin kung paano siya um-acting. I hope you don't mind our presence here. First time naming manood ng rehearsal."

"Oh, don't worry! We always welcome Jamie's friends here." May dinukot sa plastic bag si Raymond at iniabot sa amin ang dalawang mamon at pineapple juice. "Heto, kumain muna kayo habang nanonood. May ilang minutes pa bago mag-break ang mga artista namin."

"Do you always leave to buy snacks for your members?" tanong ni Loki matapos buksan ang kanyang canned juice.

"That's my duty as assistant production manager," sagot ni Raymond habang nakatitig kay Jamie. 'Tapos humarap siya sa amin. "Nandito naman ang stage manager at director kaya tiwala akong maayos ang rehearsal habang bumibili ako ng pagkain nila."

Tumahimik na kami ni Loki sa isang sulok habang kinakain ang mamon at umiinom ng juice. Noong una'y ayaw pa niyang kumain, pero pinilit ko siya kasi nakahihiya sa nag-abot sa amin.

"Now that we've met our four suspects, who do you think is our mystery guy?" tanong ni Loki bago niya kinagat ang mamon. "Ugh! This is terrible."

Uminom muna ako ng juice at hinayaang umagos 'yon sa lalamunan ko. Sa kanilang apat, iisa lang ang kahina-hinala at may opportunity na kuhanan ng retrato si Jamie nang hindi niya napapansin. I told Loki my answer which made him smirk.

"You're indeed learning from me." Uminom muna siya ng pineapple juice. "We have the same culprit in mind. Through the process of elimination, only that person will be left on our list of suspects."

"Ano na ang gagawin natin?" Lumingon ako sa kanya. "Itutuloy pa ba natin 'yong plano mo? Puwede na natin siyang corner-in mamaya kapag tapos na ang play nila."

"That's too straightforward and outright boring. Why don't we put our client's acting skills to the test so the resolution of this case will be more entertaining?"

Heto na naman siya sa entertaining-yet-complex solutions versus simple-but-boring ones. He would always prefer the former over the latter.

"What we'll do next is wait for the curtains to close before we start the second act."


AND SO, we waited until the rehearsal was over. Five o'clock na ng hapon nang nagsimulang magsiuwian ang members ng Repertory Club. Habang nasa audience seat pa rin, itinaas ni Loki ang kamay niya na siyang nakita ni Jamie, signal na oras na para isagawa ang plano. Hinintay muna naming maubos ang mga tao sa auditorium bago kami nagtungo sa left wing ng stage. Mabuti't may mga itim na kurtinang nakasabit dito kaya nagawa naming itago ang aming presensya.

Mula sa aming pinagtataguan, kita pa rin namin ang isang bahagi ng backstage. Nandoon si Jamie, nakaupo sa harap ng salamin at nakatalikod sa amin. Bilang na rin sa mga daliri ang mga taong kasama niya roon.

"Hey, Jamie? Mauuna na kami," paalam ng babaeng kasama niya. "Hindi ka pa ba sasabay sa amin? Kain muna tayo sa labas!"

Mabagal na umiling si Jamie, medyo humina ang boses. "Kailangan ko munang magpahinga. Medyo nahihilo kasi ako."

"Ayaw mo bang dalhin ka namin sa clinic?"

"Huwag na. Ayaw ko na kayong maabala pa. Mauna na kayo." Pilit na ngumiti at kumaway si Jamie sa kanila na naging cue para umalis na ang mga kasama niya.

Nakahanda na ang trap. Hinihintay na lang namin ang kakagat dito.

Sabi ni Loki bago kami pumasok sa auditorium, kung magpapaiwan ang client namin nang mag-isa sa backstage, malaki ang posibilidad na mag-stay rin doon ang kanyang mysterious chatmate. Kaya kung sakaling may naiwan pang member ng Repertory Club dito, malamang siya na ang taong hinahanap namin.

"Are you okay, Jamie?" Lumapit sa kanya ang lalaking may hawak na makapal na libro.

Humarap sa kanya si Jamie, inaantok ang mukha, namumutla ang mga pisngi at nanghihina ang boses. "Bakit nandito ka pa, Wes? Hindi ka pa ba uuwi?"

"Inayos ko pa kasi ang props doon sa stage. Baka mapagalitan tayo. O, bakit matamlay ka?"

"And there goes our mystery guy . . ." bulong ni Loki habang nakangisi sa pag-uusap ng dalawa. Parang nanonood siya ng pinaka-inaabangan niyang scene ng isang movie.

Gaya ng akala ko, si Wesley nga ang kumukuha at nagpapadala ng retrato kay Jamie sa chat. Hindi man gano'n kahalata sa itsura pero sa apat naming suspek, siya ang nasa tamang posisyon at anggulo para kumuha ng litrato.

Sa lahat ng mga s-in-end na retrato kay Jamie, laging nakatalikod o naka-side ang subject. Ang ibig sabihin, kinuhanan ang mga 'yon habang nasa likod o nasa gilid ng target ang salarin. Being the stage manager, hindi kahina-hinala kay Wesley kung pupunta siya sa left o right wing ng stage para palihim na kuhanan ng picture si Jamie habang umaarte sa gitna ng stage.

Hindi 'yon magagawa ni Stein dahil lagi siyang nasa harapan. Kung siya man si Mister Y, dapat puro front shot ni Jamie ang ipinadalang retrato.

Hindi rin 'yon magagawa ni Alvin dahil masyadong malayo ang puwesto niya para makakuha ng mas malapit na shot ni Jamie. At saka sinabi rin niyang hindi siya nagagawi sa backstage which automatically eliminated him from the list.

At hindi rin 'yon magagawa ni Raymond dahil lagi siyang umaalis kapag nagsisimula ang rehearsal para bumili ng pagkain. Maliban doon, sa audience seat siya pumupuwesto para ilagay ang binili niyang snacks at hindi sa backstage.

Ang tanging natira sa listahan ay si Wesley. All we needed at the moment was to confirm our theory. And he did it for us.

Tumayo si Jamie habang nakahawak ang kamay sa noo. Namumutla pa rin siya at tila anumang sandali'y mawawalan ng balanse. "Siguro kulang ako sa tulog kaya nahihilo ako. Dapat yata, huwag na akong magpuyat para—"

There was a soft thud. She collapsed on the floor and apparently lost consciousness. Wesley immediately rushed to her side. May nakita na siyang opportunity.

"Jamie! Jamie!" paulit-ulit na tawag niya.

Pero nanatiling walang kibo ang babaeng nahimatay. Parang prinsesa siyang natutulog sa malamig na sahig.

Inilabas na ni Loki ang phone niya at kinuhanan ng video ang sumunod na eksena. Nagpalinga-linga muna sa paligid si Wesley, tila sinisigurong wala nang ibang taong nandoon maliban sa kanilang dalawa. Nagdalawang-isip pa siya kung dapat niyang ituloy. But the temptation was too much for him. And so he gave in.

Napangisi siya habang hinahaplos-haplos ang maamong mukha ni Jamie. I caught a glint of lust in his eyes. He was waiting for this moment for so long. Now it was within his reach.

"You're gorgeous . . . really gorgeous . . ." bulong ni Wesley sa tainga ng kanyang biktima kahit wala itong malay. "With that pretty face and sexy body, I wonder why you still don't have a boyfriend? Maybe you're waiting for me?"

Nangilabot ako habang pinakikinggan siya. Hindi lang pala siya creepy sa chat, maging sa personal din. Naalala ko tuloy ang na-expel kong secret admirer.

Idinaan niya ang kanyang mga daliri sa labi ni Jamie. Bahagyang napaungol ang kanyang biktima na posibleng nagpatindi sa pagnanasa nito.

Lumingon ako kay Loki, hindi ko na kayang panoorin pa si Wesley. "Hanggang kailan tayo manonood dito? Shouldn't we come to her rescue by now?"

"Shush! We're getting to the most exciting part."

Palibhasa lalaki si Loki kaya wala siyang idea kung gaano nakapangingilabot ang pagsamantalahan ng iba ang kahinaan ng isang babae. Baka maintindihan niya kapag siya na mismo ang naka-experience n'on.

Hindi ko na hinintay pa ang signal mula sa kanya. Hinawi ko ang kurtinang nagtatago sa presensya namin at humakbang paabante.

"Get your hands off her!" I roared at the perverted guy who was still sensually caressing Jamie's face. Loki clicked his tongue as he stood next to me.

Itinaas ni Wesley ang mga kamay niya at tinitigan kami ng mga nanlaki niyang mata. "Y-You two are still here? T-Teka, nagkakamali kayo ng iniisip!"

"Don't try to deny it." Loki waved his phone. "We caught everything on cam. Do you think you're the only one who can stealthily use your phone to capture something?"

Napalunok ng laway si Wesley at paulit-ulit na umiling. "I saw her collapse and I was planning to bring her to the clinic!"

"Geez! Can't you tell kung nag-a-acting-acting-an ako o kung totoong nawalan ako ng malay?" Iminulat ni Jamie ang mga mata niya na lalong nagpatalon kay Wesley sa gulat. Tumayo na siya at inayos ang damit niya. "Gano'n ba ka-convincing ang acting skills ko?"

"J-Jamie? Y-You're fine? I thought—"

"With her testimony and this video evidence, you're getting a one-way ticket to the Office of Student Affairs. We're also here to stand as witnesses," sabi ni Loki. "I hope you learned a thing or two from the actors in this Repertory Club. You might need to pull a convincing act to slither your way out of this one, stage manager."

"No!" Kumaripas nang takbo si Wesley palabas ng auditorium. Akala ko'y hahabulin siya ni Loki, pero nanatili siyang nakatayo sa tabi ko. Gano'n din ang ginawa niya nang tumakas ang secret admirer ko sa rooftop.

Lumapit ako kay Jamie at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Okay ka lang ba?"

Ngumiti siya sa akin at paulit-ulit na tumango. "Ang galing ng acting ko, 'no? Pati stage manager namin, napaniwala kong nahimatay ako."

Mabuti nama't hindi siya na-traumatize sa experience niyang 'yon.

"And that puts an end to your mysterious chatmate case," sabi ni Loki sa client namin nang hindi tumitingin sa kanya. "I suggest that you start looking for another stage manager."

"Thank you!" Jamie moved closer to him and pressed her pinkish lips to his dry lips. She shut her eyes as she kissed the detective who came to her aid. No one saw it coming. Even Loki was not able to resist. Tumayo siya roon at nanigas na parang estatwa habang nakamulagat ang mga mata kay Jamie.

And here I stood, just one or two steps away from them, watching the two share a moment. I wanted to look away, but my eyes were glued to them. That was so bold and unexpected!

"I hope you like strawberries," tanong ni Jamie nang pakawalan na niya ang labi ni Loki. Her voice was seductive. "Is this payment enough for your help? Or do you want something else?"

Napahawak sa labi si Loki, tila nawala sa sarili at hindi na alam ang nangyayari sa paligid niya. Ako nama'y nanigas sa kinatatayuan ko.

Nagpaalam na si Jamie sa amin at iniwan kami sa backstage. Hindi pa rin kami naka-move on. Ni hindi pa nga nag-sink in na ginawa 'yon ng client namin sa kasama ko. That was so bold and unexpected of her!


CASE SOLVED and closed na ang mysterious chatmate problem ni Jamie Santiago. Kinabukasan, binisita niya kami sa clubroom. Medyo awkward ang atmosphere matapos ang paghalik niya kay Loki kahapon. Ibinalita niya sa amin na nag-quit na sa pagiging stage manager si Wesley at nangakong hindi na kailanman lalapit pa sa kanya. Wala na rin daw siyang balak na mag-file ng complaint laban sa lalaking 'yon.

Ang akala ko'y aalis na siya matapos i-share ang balita sa amin. Pero may iba pa pala siyang pakay.

"Also, I want to join this club!" sabi ni Jamie.

"Wait, what?" Naningkit ang mga mata ko sa kanya. Tama ba ang dinig ko?

"I want to be part of the QED Club!" she repeated with so much excitement in her voice. "Tumatanggap pa kayo ng member, 'di ba?"

This was the second or third time that she managed to surprise me.

Lumingon ako kay Loki na mukhang nagulat din sa deklarasyon ng ex-client namin. Siya ang may final say sa membership applications. "Ano sa tingin mo? You're the club president. The decision is yours."

I was sure that he would reject Jamie's application the same way that he rejected Rosetta's. Sinabi niya noon na as much as possible, ayaw niyang magkaroon ng members na magiging liability sa club.

But I had never been so wrong in my life.

"Sure. Just fill out a membership application form," Loki answered, still avoiding direct eye contact with Jamie. "Once you're done, submit it to me for approval."

Napapalakpak si Jamie. "Yehey!"

Surprised, I showed him a what-the-hell-are-you-doing face which prompted no reply from him. May gayuma ba ang kiss ni Jamie kaya pinayagan niyang sumali sa club? O baka sobrang lakas na ng tama niya sa babaeng 'yon?

Nagdesisyon na si Loki. Wala na akong magagawa kundi tanggapin kung sinuman ang dine-deem niyang worthy na maging club member. Ugh. I got a bad feeling about Jamie joining us. Mabuti sana kung hindi niya ipinakita ang isa pa niyang mukha sa akin kahapon. Mas matutuwa pa sana ako na nadagdagan kami ng isa.

After filling out the form and submitting it to Loki, Jamie bade us a temporary farewell. Magpapaalam daw muna siya sa Repertory Club na hindi na siya tutuloy sa pagsali sa theater play para makapag-focus siya sa QED Club.

Nang makalabas na siya ng clubroom, doon na ako nagbato ng tanong sa aking kasama.

"You've been acting weird since you met Jamie yesterday," panimula ko. "Una, natulala ka at nanigas ka na parang estatwa riyan sa upuan mo. 'Tapos ngayon, tinanggap mo ang application niya bilang bagong member ng club natin. Napansin ko rin na iniiwasan mo siyang direktang tingnan sa mata. Is there something going on that I need to be aware of?"

Instead na sagutin niya ang tanong ko, ibinato niya sa akin ang kanyang phone na mabuti't nasalo ko. Curious, I looked at the screen. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ang picture na naka-display.

"If I had known that would be my last photo with Rhea, I would have turned to the camera and forced a smile," paliwanag ni Loki. "Apparently, Jamie has a retentive memory. Her acting skill is also commendable. Bottomline, she has assets that may come in handy someday. I hope you understand my decision."

Pasok sa isang tainga at labas sa kabila ang huli niyang sinabi. My attention was focused on a selfie photo of Rhea with him looking away from the camera. This was the first time I saw her face. The word pretty would be an understatement to describe her looks. She looked so innocent and pure.

I could not help but notice the uncanny resemblance. Both Rhea and Jamie had long, brown braided hair hanging over their shoulders.

q.e.d.


Project LOKI Volume 1 (Collector's Edition) is still available on PSICOM Publishing's Shopee and Lazada stores for only ₱650. The package includes (1) book with author's signature, (2) bookmarks, (2) postcards, (2) sticker pads, and (1) magnetic bookmark.

Get in touch with AKOSIIBARRA (R.C. MUSNI) on social media:

Facebook: Cris Ibarra / Akosiibarra
Twitter: @akosiibarraWP
Instagram: @akosiibarraWP
Tiktok: @akosiibarraWP
YouTube: @akosiibarra

Like or follow Project LOKI on social media:

Facebook: Project LOKI
Twitter: @TeamProjectLOKI

Join the official group for AKOSIIBARRA and Project LOKI readers on Facebook:
www.facebook.com/groups/theqedclub or The Q.E.D. Club (Project LOKI)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro