Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13: Moriar-Tea Party (Part 2)

AUTHOR'S NOTE: This is the updated 2022 version of Chapter 13-II. If you are re-reading this part, you may observe some changes from the previous version.

CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains graphic depictions of and references to death, self-harm and suicide, gore and poisoning that may be upsetting for some readers. Please be mindful of these sensitive themes and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.

LORELEI

"SO HE'S challenging me, huh?" bulong ni Loki, nakatitig pa rin ang mga mata sa coaster na may message mula kay M.

"A-Ano'ng ibig sabihin ng nakasulat diyan?" nagtatakang tanong ni Wade. Nakatitig din siya sa hawak ng kasama ko.

"Don't mind this message." Ibinulsa ni Loki ang coaster bago humarap sa kanya. "I'm more curious as to why you came to fetch us instead of the campus police. This is right up their alley."

"Kasi nabasa ko 'yong blog tungkol sa club n'yo," paliwanag ni Wade, tila iniiwasang magtagpo ang tingin niya at ng kasama ko. "Nalaman kong may mga murder case na kayong nalutas. Dahil kayo ang pinakamalapit dito sa crime scene, kayo na ang naisipan kong puntahan. Kaya n'yong i-solve ang murder case na 'to, tama?"

"Teka! Paano mo nasabing murder ang nangyari dito?" tanong ko, dahilan para mapalingon si Loki sa akin, Mukhang balak din niyang itanong 'yon. "Sa unang tingin, hindi ba't mas mukhang suicide ito? Hawak-hawak ng babae ang gunting na pinangsaksak sa kanya."

"Hindi ako naniniwala na kaya niyang patayin ang sarili niya. Ilang taon ko nang kaklase si Serena. Masyadong mataas ang tingin ng babaeng 'yan sa sarili niya kaya bakit niya maiisipang kitilin ang sariling buhay?"

"Interesting point." Nilapitan ni Loki ang katawan ng biktima at sinuri ang stab wound nito. "Do you know if this girl likes drinking tea? Do you keep a teacup or box of tea bags in this office?"

Umiling si Wade. "Hindi ko pa siya nakitang uminom ng tea dito sa clubroom. Ngayon ko lang din nakita ang tasang 'yan."

"Ang sabi mo kanina, nadatnan mo siyang patay na," tanda ko. Humarap siya sa 'kin at bahagyang kumunot ang noo. "Saan ka pumunta bago ka nagtungo rito?"

"Dapat sasamahan ko siya rito sa clubroom kaninang nine o'clock. Kaso may natanggap akong text mula raw sa campus police. Pinapupunta raw ako ng chief sa kanilang station, kaya nagpaalam ako kay Serena at sinabing mauna na siya rito. Pagdating ko roon, naghintay pa ako ng ilang minuto bago dumating ang chief."

"Bago mo natagpuan ang katawan ni Serena, nag-usap muna kayo ni Inspector Estrada? Ano'ng pinag-usapan n'yo?"

"Wala kaming napag-usapan. Nabigla nga siya nang sinabi kong naka-receive ako ng message na pinapupunta ako sa kanilang station. Ang kataka-taka, wala raw siyang inutusang i-text ako at hindi official contact number ng campus police ang ginamit na pang-text sa 'kin. Ang weird, 'no?"

If he was telling the truth, posibleng sinadya silang paghiwalayin para ma-solo ng killer si Serena dito sa clubroom. But I still could not understand why there was another teacup here and how the victim was killed. Kahit saang anggulo tingnan, talagang iisipin na baka nga siya mismo ang paulit-ulit na sumaksak sa sarili hanggang sa mamatay siya.

"You should call the campus police," utos ni Loki sa kanya. "We need to have this teacup and that pair of scissors examined for fingerprints, though I highly doubt that the analysis will yield a game-changing result."

Hinintay muna naming dumating si Inspector Estrada at ang kanyang mga tauhan. He let out a long sigh upon arriving at the clubroom. Ito na ang pangalawang bangkay na dadalhin nila sa morgue ngayong umaga. Ito na rin ang pangalawang beses na nakita niya kami ni Loki sa crime scene. Ini-request sa kanya ni Loki na dalhin sa lab ang dalawang bagay na gusto niyang ipa-analyze.

"May magnet ba kayo ng kamalasan o ano?" tanong niya sa amin bago inilabas ang bangkay at ang mga bagay na dapat nilang suriin. I wondered if he had already asked that question to Loki who had been with him way before I enrolled here.

AND THE waiting game began. Wala kaming nagawa ni Loki kundi mag-stay sa clubroom at hintayin ang resulta ng analysis na hiningi niya. Paikot-ikot siya sa mesa habang nakakrus ang mga braso at nakatingin sa sahig, tila malalim ang iniisip.

"Are you okay?" tanong ko.

"Me?" Sandali siyang huminto at lumingon sa akin. "I'm perfectly fine. Don't mind me."

Nagsinungaling na naman siya sa akin. Hindi siya perfectly fine. Ganito rin ang itsura niya noong nalaman naming involved si Moriarty sa serial disapperances noong isang linggo.

"I'm just wondering why two students—who did not have suicidal thoughts according to people around them—would take their own lives?" Nagpatuloy siya sa pag-iikot. "I have a feeling that they were murdered, and Moriarty made both incidents look like suicide. But how? Another thing is the teacup. Maybe that's the final piece of the puzzle we're missing."

"May connection kaya ang dalawang biktima?"

"When I visited the first victim's class earlier, I caught a glimpse of Selene's face so I immediately recognized her when we arrived at the second crime scene. So Austin and Selene are classmates who have been killed around three hours apart."

"It's Justin and Serena."

Halos magdikit ang mga kilay niya sa akin. "What?"

"His name's Justin, not Austin. Her name's Serena, not Selene." Lagi ko ba dapat siyang i-correct tuwing mali ang nababanggit niyang pangalan? Matalino naman siya. Kung kaya niyang i-memorize ang details ng isang case, kaya rin dapat niyang mag-memorize ng pangalan.

Anyway, wala pang conclusive proof na m-in-urder ang dalawa, pero 'yon na agad ang kino-consider na angle ni Loki. Mukhang convinced na siya nito.

"Naisip mo na ba kung bakit silang dalawa ang napiling target-in ni Moriarty o kung sinumang agent niya?" Sinundan ko siya ng tingin. "Ano'ng mapapala niya sa pagpatay sa isang aspiring basketball player at isang member ng Photography Club?"

"I don't know why he's interested in taking their lives. But these two cases have one element in common—the teacups found in the crime scenes." Hindi pa rin siya huminto sa pag-iikot, muntik na tuloy akong mahilo. "Aside from challenging me, Moriarty's motive behind these deaths is still a mystery to me. Maybe he has one. Maybe he hasn't."

Masyado niyang ine-enjoy ang imbestigasyon. I saw it in the glint of joy in his gray eyes. Gano'n na gano'n din ang expression niya noong inimbestigahan namin ang serial disappearances. Whenever Moriarty was involved, it excited him to the point that he tended to treat the victims as pieces of the puzzle for him to pick up and put together.

By lunchtime, habang sabay kaming kumakain ng meal na binili namin sa cafeteria, may biglang kumatok sa pinto ng clubroom. Pinapasok namin siya at tumuloy ang isang campus police officer na may hawak-hawak na folder.

"May inaasikasong ibang case si Inspector Estrada kaya inutusan niya akong ihatid sa inyo 'to," bati ng officer na may nameplate na MONTREAL, B. Matapos iabot ang folder sa amin, nagpaalam na siya at lumabas ng clubroom.

"Thank you, officer," tugon ko sa kanya.

Teka, bakit familiar ang mukha niya? Parang nakita ko na siya noon. Ah! Siya rin 'yong kasama ng inspector noong binisita niya ang apartment namin para ibalita ang nangyari kay John Bautista. Siya ang officer na nakabagsak ang buhok at mukhang bata pa.

"Hmm . . ." Mabilisang binasa ni Loki ang unang page bago inilipat sa kasunod. Ni hindi na niya inubos ang kanyang food. "No fingerprints were found on the teacups and the pair of scissors except the victims' . . . The police also assume that these are suicide cases until they find an evidence that suggests otherwise. As expected, whoever's behind it did a clean job."

Nang inilipat niya sa ikatlong page ang report, bigla siyang napatayo at halos malaglag ang panga.

"Belladonna," he muttered under his breath. It sounded like a hiss.

"Come again?"

"Belladonna!" Basta-basta niyang binitawan ang hawak na papel. Kinuha niya ang kanyang phone at mabilis na nag-type ang mga daliri niya sa screen nito. "The police found traces of belladonna in the teacups and inside the victims. Aside from physical injuries, that two ingested poison!"

Inabot ko ang binitawan niyang report at tahimik na binasa 'yon. I had no idea what belladonna was or if that was some kind of drug, so I shot a questioning look at him, prompting him to explain.

"Belladonna is a poisonous plant that has been used as a medicine since ancient times. It also goes by a sinister name—the devil's berries." His eyes were speed-reading whatever was displayed on his phone screen. "It also causes vivid hallucinations and deliriums . . . that's why some use it as a recreational drug."

Umangat ang tingin ko sa kanya, saktong nagtama ang mga mata namin. Hallucinations? Deliriums? That could explain the missing piece of the puzzle!

"The culprit didn't need to touch the victims to kill them." Naglakad-lakad na naman siya sa palibot ng mesa. "All he needed to do was to offer them a cup of tea. Once the belladonna entered their system, they began to experience hallucinations."

"Whatever hallucinations the victims had . . ." bulong ko. ". . . they made them kill themselves."

"Think about it! Once the belladonna kicks in, the drinker will be open to suggestions. If the culprit tells them to jump from the building or stab themselves with a pair of scissors, there are good chances that they'd do what's asked of them!"

"So it's like hypnosis?"

"Much more clever than hypnosis! If the suggestions didn't work on the victims, they would be poisoned eventually. The moment the victim drank the tea with a lethal dose of belladonna, a death warrant was guaranteed."

"So the culprit made the first victim jump from the building and the second victim stab herself to hide the fact that these were murders, right? Kung hindi mo ini-request na i-check kung ano ang kanilang ininom, hindi natin siguro nalaman na uminom muna sila ng belladonna."

"Our culprit is creative. His choice to use an ingenious trick supports this trait of him. Probably he didn't want to see someone dying in a boring way. The poison won't instantly kill the victims, but its effects will immediately manifest."

That was indeed a clever way of ensuring that someone was going to die. Parang inunahan ng salarin ang lason mula sa pagpatay sa kanyang dalawang biktima. The next question? Was the culprit also creative in hiding his traces?

"You're mistaken," sabi ni Loki kahit pinoproseso pa lang ng utak ko ang mga detalye. Parang nabasa niya kung ano ang tumatakbo sa isip ko. "The first crime was messy because the culprit didn't expect some interference before he could complete the crime. He was almost caught in the act by some unsuspecting students. The second crime, however, was almost flawless. He left no trace of his crime except for that teacup."

"Teka, sinasabi mo ba na—"

"That's right. Our culprit is none other than the person who claimed that he had tried to stop the first victim from committing suicide—Daniel Geronimo."

This time, nakuha na niya nang tama ang pangalang 'yon.

Pero may tanong na agad sumagi sa isip ko. "Ang sabi ng ibang estudyanteng nasa rooftop kanina, narinig nila si Daniel na pinapakiusapan si Justin na huwag tumalon. Kung totoo 'yon, baligtad yata ang suggestion niya?"

"He probably said that after he had already convinced the victim to jump. The victim must have been experiencing hallucinations by that time. No matter what the culprit said next, his words wouldn't reach him anymore."

So that was all an act for him to avoid suspicion? He almost got away with the lie that he had told us!

"Daniel is also from the same class as the second victim so it's safe to assume that she knows him," dagdag ni Loki. "He could have texted her to meet him in the Photography Club or let him inside their clubroom once he knocked on the door. Unlike in the first case where he almost got caught by other students, lady luck smiled upon him and let him commit the second crime almost flawlessly. Almost."

"Shouldn't we tell the chief about this?" Ewan kung bakit pa-chill-chill pa siya imbes na kontakin ang campus police para ipaalam ang kanyang theory. "Kung ise-search nila ang mga gamit ni Daniel, baka may makita ang mga pulis na tea bags ng belladonna. Baka rin may iba pa siyang balak na biktimahin kaya mas mabuti kung mahuhuli na agad siya!"

"No need to remind me." Nag-dial ng number si Loki sa phone niya. "I'm already on it."

"Magaling! Gaya ng inaasahan mula sa 'yo, Loki!"

Umangat ang mga balikat ko't sabay kaming lumingon sa bumukas na pinto. Pumasok ang lalaking nakasalamin na may nakapintang ngiti sa mga labi. He was wearing a wireless earpiece in his right ear. Sinabayan niya ng mabagal na pagpalapak ang pagpasok. May nakaipit na maliit na bag sa kanyang braso.

Napalunok ako ng laway habang nakatitig sa kanya. That's Daniel Geronimo!

Ini-lock muna niya ang pinto bago muling humarap sa amin. Nakangisi siya na parang demonyo, halatang may masamang binabalak. This did not look good. Why would the primary suspect in those two cases appear before us?

"Nasabihan na ako na kapag napasakamay n'yo na ang police report, malalaman n'yo kung sino ang salarin at kung anong trick ang ginamit ko," sabi niya sabay palatak. "Mukhang tama nga ang sinabi sa akin."

"For a suspect, you're quite bold and daring." Sumandal si Loki sa upuan niya at ipinagdikit ang dulo ng mga daliri. leaned his back against his chair and steepled his fingers.

Nanatili akong nakaupo, pasimpleng ipinasok ang isa kong kamay sa bulsa kung saan ko inilagay ang stun pen. Maybe this was the proper time to use it.

"First question: You're not Moriarty, are you?" tanong ng kasama ko, nanatiling kalmado kahit posibleng nasa panganib kami.

Lumapit sa mesa si Daniel, pumuwesto malapit sa kinauupuan ko. Salamat sa ginawa niya, it became easier for me to strike him with my stun pen. Ang kailangan ko ngayon ay tamang timing para hindi pumalpak ang plano ko. Kapag nagkamali ako, baka buhay ko pa ang kapalit.

Lumawak ang ngisi sa mukha niya. "Ikaw ang detective sa ating dalawa. Ako nga ba ang taong ilang buwan mo nang hinahanap?"

"Probably not." Pasulyap-sulyap sa akin si Loki, tila kinakausap ako sa pamamagitan ng titig. Mukhang pareho kami ng iniisip na plano para mapatumba ang lalaking ito. "Moriarty is a coward who likes hiding behind the skirts of his minions like you."

"Coward? Hindi tamang pagsalitaan mo siya ng ganyan. Hindi pa raw ito ang tamang panahon para magkita kayo. May iba pa siyang problemang pinagkakaabalahan habang nag-uusap tayo ngayon."

Muling tumingin sa akin si Loki bago niya mabilisang ibinato sa lalaking katabi ko. My heart beat faster and my hand holding the stun pen became sweaty. Our lives depended on me.

"Do you mind if I send him a gift?" tanong niya. "Like a fountain pen or something? Sorry, I have no idea what he likes or dislikes . . ."

Pagkasabi ni Loki sa salitang fountain pen, inilabas ko na mula sa aking bulsa ang hawak kong pen at t-in-arget sa leeg ng lalaki. Pero napansin agad 'yon ni Daniel. Hinawakan niya nang mahigpit ang wrist ko—dahilan para mapa-aray ako sa sakit—hanggang sa tuluyan ko nang nabitawan ang pen. Gumulong 'yon sa sahig at sinipa niya palayo.

"Huwag n'yong subukang gumawa ng bagay na pagsisisihan n'yo." May halong pagbabanta ang boses niya. "Kausap ko ngayon si Moriarty at may dalawa akong kasamahan na nakaabang sa labas. Sa oras na naputol ang komunikasyon ko sa kanila, baka bigla silang pumasok dito at . . . alam n'yo na siguro kung ano ang susunod na mangyayari. Pero huwag kang mag-alala, Loki, hindi ka namin susugatan o papatayin. Panonoorin mo lang na maligo sa sarili niyang dugo ang kasama mo rito."

Napatingin ako sa aking pen na malapit sa pintuan. Masyado na 'yong malayo para maabot ko. Kung totoo mang may backup siya na nakaabang sa labas, hindi namin siya pwedeng basta-basta atakihin. Pero posible ring namba-bluff siya dahil wala kaming paraan para i-check kung meron talaga siyang kasama.

"So Moriarty has no plan to have me killed?" Naningkit ang mga mata ni Loki habang pinagmamasdan ang bawat kilos ng bisita namin.

Ipinatong ni Daniel sa mesa ang dala niyang bag, in-unzip 'yon at inilabas ang dalawang teacup. "Kung meron man, wala ka na dapat sa mundong 'to. Sa totoo lang, puwede ka naming dispatsahin anumang oras namin gustuhin. Puwede naming pagmukhaing suicide, palabasing aksidente, o lantarang murder. Kaso ayaw ni Moriarty na ipaligpit ka o galusan man lang."

"He's too protective of me, huh? Is he my girlfriend or something?" At nakuha pa talagang mag-joke nitong si Loki kahit na nasa mapanganib kaming sitwasyon. Hindi ko masabi sa itsura niya kung may plano siya para lusutan ang gusot na ito. Sana meron.

Sunod na inilabas ni Daniel ang isang vacuum flask na ipinatong niya sa tabi ng mga tasa. "Sabihin na nating masyado siyang obsessed sa 'yo. Gaya ng sabi mo, parang isang girlfriend."

"Did you come here to have tea with us." Sinundan ng tingin ni Loki ang tea bag na inilagay ng aming bisita sa mga tasa. "Let me guess. Those teacups are for me and Lorelei. You're gonna use the same trick you did to your two victims?"

Hindi agad sumagot si Daniel. Nanatili siyang nakatayo na tila hinihintay ang sagot mula sa suot na earpiece. "Nagkakamali ka, Loki. Para sa ating dalawa ang mga teacup na 'to. Pasensiya na kung hindi ko naipagdala ng tasa ang kasama mo."

"I thought Moriarty doesn't want me harmed or killed. Why does he want me to drink poison?"

"Gusto niyang malaman kung hanggang saan ang limitasyon ng galing mo sa deduction. Nasa 'yo kung malalason ka o hindi."

Binuhusan na niya ng mainit na tubig ang mga tasa at pinanood ang pag-angat ng steam.

He poured hot water from the thermos into the teacups and watched the steam go up. "Bakit hindi tayo maglaro? Isa sa dalawang tea bag ay may lamang belladonna habang ang isa nama'y raspberry hibiscus tea. Parehong matamis ang lasa at mabango ang amoy. Ikaw ang mauunang pipili ng tsaa na gusto mong inumin at mapupunta sa akin ang hindi mo pipiliin. Sabay tayong iinom at titingnan natin kung sino ang matitirang buhay."

"What if I don't wanna play this game with you?" Umiwas ng tingin si Loki. "What if I just walk out of this room?"

Biglang inilabas ni Daniel ang nakatagong Swiss knife at itinutok sa akin. Napasandal ako sa upuan at inilayo ang leeg ko mula sa talim n'on. "Kapag ako ang nanatiling buhay sa ating dalawa, papatayin ko ang kasama mo. Pero kapag ikaw ang sinuwerte, puwede mo akong ipaaresto sa pulis, kung hindi pa ako tuluyang nalalason. Kung ayaw mong maglaro at handa kang isakripisyo ang buhay niya, parang pinatunayan mong mas magaling si Moriarty kaysa sa 'yo."

Nakabantay ang mga mata ni Loki sa dulo ng patalim. "Is this what you did to your victims? You threatened to kill them if they didn't drink their tea?"

"Pati ang mga taong malapit sa kanila rito sa school," dagdag ni Daniel at saka siya umupo sa tabi ko. "Nakatutuwa nga namang isipin na puwede mong gamitin ang mga kaibigan ng isang tao para saktan o pasunurin sila sa gusto mo. Pero alam mo na 'yon, 'di ba? Matapos ang nangyari sa kasama mo rito sa club dati?"

Loki did not say a word. Nakatuon ang atensyon niya sa dalawang tasang may lamang tea at tila sinusuri ang mga 'yon. Fifty-fifty ang chance na mapunta sa kanya ang mas safe na inumin. If lady luck was with him and the universe would conspire against Daniel, he would not get the poisoned drink.

"Do you mind if I sniff the scent of these teas?" Kinuha niya ang isang tasa, inilapit sa kanyang ilong at paulit-ulit na inamoy. Gano'n din ang ginawa niya sa isa pang tasa. Malakas ba ang pang-amoy niya para ma-identify kung alin sa dalawa ang may belladonna?

"Now let the game begin!" Lumawak ang ngiti ni Daniel habang relaxed na nakaupo. "Tingnan natin kung sino ang lalabas nang buhay sa clubroom na 'to. Either kayong dalawa o akong mag-isa."

"I have one question for you." Kinuha ni Loki ang teacup sa kanan. "Since this might be the last conversation we would ever have, I wanna know why Moriarty is so obsessed with me. Mind telling me the reason?"

Kinuha na rin ni Daniel ang natirang teacup at hinipan 'yon. "Mula noong nakialam ka sa business niya last academic year, naging interesado na siya sa 'yo. Noong namatay ang dati mong partner, nalungkot siya dahil bigla kang nawala sa kanyang radar. Pero muli siyang nabuhayan ng loob nang nabalitaan niyang involved ka sa kasong nangyari sa chemistry lab."

"So I returned on his radar after that case?" Hinipan din ni Loki ang kanyang tasa at nakipagtitigan sa kanyang kaharap niya. Maybe he got a plan that's why he was not yet drinking his tea. Baka sigurado siyang ligtas ang tea na iinumin niya at kumukuha siya ng impormasyon kay Daniel.

"Nakialam ka na naman sa business niya ngayong academic year. Ang isa sa mga recent ay ang pagdukot namin sa isang math prodigy na natagpuan n'yo sa abandonadong school building. Namroblema sa kanya ang client namin kaya ginawan namin ng paraan para matupad ang wish niyang mawala sa landas ang lalaking 'yon."

Aware kami na si Moriarty pala ang may pakana sa pagdukot kay Stein Alberts, salamat sa confession ni Monica Segundo.

"Natatandaan mo rin ba 'yong kaso ng babaeng tumalon mula sa third floor at pinamukhang murder ang nangyari sa kanya?"

"Are you referring to Kathryn or Cathleen's case? He also had a hand in that incident?"

"Sa tingin mo ba'y maiisip ng babaeng 'yon ang gano'ng trick? Humingi siya ng tulong sa amin para gantihan ang kanyang ex-boyfriend. Handa siyang gawin ang lahat—kahit ibuwis ang sarili niyang buhay—para makapaghiganti. Naisip ni Moriarty na palabasing hindi basta-basta ang kanyang suicide."

Kaya pala gano'n ka-complicated ang imbestigasyon namin doon. It was Moriarty all along! We had never felt his presence throughout the case. Ang akala naming ordinaryong case, konektado pala kay Moriarty sa bandang huli.

"Alam niyang kakagatin mo ang red herring na inilagay niya sa biktima kaya ipinamukha niyang murder 'yon at ang suspek ay ang ex-boyfriend. Ang sabi niya, mas pipiliin mo raw ang komplikadong solusyon kaysa sa simpleng paliwanag. Ginamit niya ang gano'ng mindset mo para lituhin ka. Medyo nadismaya nga siya nang hindi ikaw kundi ang kasama mo ang nakakita sa katotohanan sa likod ng kaso."

Dahan-dahang ininom ni Loki ang tsaa habang pinakikinggan ang kanyang kainuman. "So Moriarty and the rest of your group are like my club? You also solve problems, but in a more devilish way?"

Napainom na rin si Daniel. "Pinagbibigyan namin ang hiling ng mga estudyanteng nangangailangan ng tulong. Sa tamang presyo, kaya naming gawin ang anumang bagay para sa kanila. Kung may tao silang gustong ipatumba, may bagay na gustong nakawin, o impormasyong gustong makuha, ibinabato namin ang request kay Moriarty at siya ang nag-iisip kung paano namin maisasagawa 'yon."

"Just like his fictional namesake. He's the planner while you're the executors." Inubos na ni ang laman ng kanyang teacup at ipinatong 'yon sa mesa. "That's interesting. I'd really love to meet him face to face. Maybe we can be good friends."

Either the tea already took effect on him or he was only joking with that comment. Pinagmasdan kong mabuti ang itsura niya, baka anumang sandali ngayo'y tumalab na ang belladonna sakaling nainom niya.

Naubos na rin ni Daniel ang kanyang tsaa. Nakangisi pa siya. "Kumbaga sa isang pelikula, siya ang direktor at kami ang mga aktor. Sa isang nobela, siya ang manunulat at kami ang kanyang mga tauhan."

"Have you actually met him in person?" Ipinatong ni Loki ang mga siko niya sa mesa. "Do you know who Moriarty is? Do you know what he looks like or what his voice sounds like?"

Hindi ko alam kung umiiling si Daniel o iginagala niya ang mga mata sa clubroom. "Isa lang akong pawn sa chessboard niya. Tanging high-ranking na mga miyembro ang nakakikilala sa kanya."

"So your organization has a hierarchy, huh?" Naningkit ang mga mata ni Loki. "Do you know someone who's privy to his identity?"

"Meron kaming . . . miyembro sa student . . ."

Biglang bumagsak sa sahig ang nangingisay na katawan ni Daniel, tumitirik ang kanyang mga mata sa taas. Mukhang sa kanya napunta ang tsaang may belladonna habang kay Loki naman ang raspberry hibiscus tea!

"Are you okay, Loki?" Nababahala akong lumingon sa aking kasama. "May nararamdaman ka bang kakaiba sa katawan mo—"

THUD.

Sunod na bumagsak ang katawan ni Loki. For a moment or two, I sat frozen with my eyes widened in shock and mouth opened widely in surprise. Agad akong pumunta sa tabi niya at ipinatong ang kanyang ulo sa aking lap. Gaya ni Daniel, nangingisay ang katawan niya na parang nakararanas siya ng seizure. Muntik nang sumara ang mga mata niya, pero nakatitig pa rin ang mga 'yon sa akin. Gumagalaw ang bibig niya, tila may gustong sabihin, pero walang boses na lumabas.

Nabaling ang tingin ko sa dalawang tasa na nasa mesa. Posible kayang parehong belladonna ang tsaang ininom nina Loki? Nam-bluff ba si Daniel nang sinabi niyang raspberry hibiscus tea ang laman ng isa pang teabag?

What should I do? What was I supposed to do? Hindi ko alam kung anong gagawin!

Ang tanging nagawa ko ay magsisigaw ng "Tulong!" Wala masyadong dumaraan sa part na ito ng third floor, pero sana'y may makarinig na mga estudyante o teacher. Gusto ko sanang tumakbo palabas para personal na makahingi ng tulong, kaso nanghina ang mga tuhod at binti ko. Ni hindi ko nagawang tumayo. My body was under a great shock to move even an inch.

Then Loki's shaking left hand touched my cheek. His skin was unusually dry and his eyes with dilated pupils stared at me for a moment. Pinilit niyang magsalita kahit croaky ang kanyang boses. Hindi malinaw ang pagkakasabi niya, but I could make out some syllables.

"Rhe . . . Rhea . . . I'm . . . so . . ."

Bumagsak ang kamay niya sa aking lap at tuluyan nang sumara ang mga mata niya.

I wished that he was just joking. I wished that he was just playing a prank on me. I wished that he would just open his eyes and shout at me, "Aha! I got you! You fell for it!"

Pero hindi siya kumibo, ni hindi rin siya gumalaw. Paulit kong sh-in-ake ang katawan niya, umaasang magre-respond siya sa akin.

"Loki? Wake up! Loki!"

Tumulo na ang aking mga luha at isa-isang pumatak sa kanyang pisngi. Hindi ko napigilan ang pag-agos ng mga ito na parang dam na bumuhos.

"LOKI!"

q.e.d.


Project LOKI Volume 1 (Collector's Edition) is still available on PSICOM Publishing's Shopee and Lazada stores for only ₱650. The package includes (1) book with author's signature, (2) bookmarks, (2) postcards, (2) sticker pads, and (1) magnetic bookmark.

Get in touch with AKOSIIBARRA (R.C. MUSNI) on social media:

Facebook: Cris Ibarra / Akosiibarra
Twitter: @akosiibarraWP
Instagram: @akosiibarraWP
Tiktok: @akosiibarraWP
YouTube: @akosiibarra

Like or follow Project LOKI on social media:

Facebook: Project LOKI
Twitter: @TeamProjectLOKI

Join the official group for AKOSIIBARRA and Project LOKI readers on Facebook:
www.facebook.com/groups/theqedclub or The Q.E.D. Club (Project LOKI)




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro