Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12: Deduction Showdown? Loki versus Lorelei!

AUTHOR'S NOTE: This is the updated 2022 version of Chapter 12. If you are re-reading this part, you may observe some changes from the previous version.

CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains depictions of and references to self-harm and suicide, and gore that may be upsetting for some readers. Please be mindful of these sensitive themes and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.

LORELEI

DALAWANG MYSTERY ang sabay naming na-solve. Una, ang multo sa abandonadong school building na hindi talaga multo. Pangalawa, ang nawawalang math prodigy na natagpuan naming nakakulong sa locker. Connected pala ang dalawang case na 'yon kaya we hit two birds with one stone.

The next day, we told Sir Jim Morayta and Stein Alberts'class about what happened. Kinailangan munang mag-stay ng kanilang classmate sa ospital nang ilang araw para mabantayan ng mga doktor ang kalagayan niya. Nalipasan siya ng gutom at na-dehydrate, 'tapos sinabayan pa ng mataas na lagnat at matinding ubo.

His situation forced someone in the class to burst into tears. Sino? Walang iba kundi si Monica Segundo, ang eternal rank number two at ang supposedly pambato nila sa gaganaping inter-school Math contest. Kung kahapon ay nagagawa pa niyang magyabang, ngayo'y biglang napalitan ng pagsisisi ang aura niya. Paulit-ulit niyang sinabi, "It's all my fault! It's all my fault!"

"I didn't expect her to confess so easily," bulong ni Loki sa akin habang ine-escort ang babae palabas ng classroom. "She could have kept on pretending to not know anything about the abduction."

"Binagabag siguro siya ng konsensya niya," tugon ko. "Ano kaya'ng irarason niya?"

Hinatid si Monica sa Office of Students Affairs para doon pag-usapan ang insidente. Isinama kami ni Sir Morayta sa kanilang meeting dahil kami raw ang nakahanap kay Stein. Sumali rin si Inspector Gareth Estrada na chief ng campus police. Umupo kaming anim—ako, si Loki, si Sir Morayta, si Monica, ang inspector at ang OSA director—sa palibot ng conference table.

"I-I didn't know that something bad would happen to him!" mangiyak-ngiyak na kuwento ni Monica. Pinunasan niya gamit ng panyo ang mga luhang nangingilid sa kanyang mga mata. "Ang akala ko'y tatakutin lang nila si Stein para mag-back out siya sa screening."

"Nila?" ulit ni Loki sabay taas ng kilay. His fingers stopped fidgeting on the armrest of his chair. "Are you saying that a third party is involved here or is this your way of trying to pass the blame?"

Paulit-ulit na umiling si Monica habang nakatitig sa katabi ko. Namumugto na ang mga mata niya. "I'm not making this up! Last week, may nag-text na anonymous number sa 'kin. Hindi ko alam kung saan nila nakuha ang digits ko. Ang sabi, puwede akong mag-request sa kanila ng kahit anong bagay basta kaya nilang gawin."

"You replied even though you didn't know them and the message sounded suspicious? You'll get easily scammed by text messages."

"I thought na prank message 'yon kaya pinatulan ko. Nag-reply ako, 'Gusto kong makasali sa isang math contest kaso may balakid kaya baka hindi ako ang napiling representative ng school. Puwede n'yo bang gawan ng paraan?' 'Tapos . . ."

Uminom muna siya ng tubig bago nagpatuloy. In-observe ko siya closely dahil baka bigla siyang mag-collapse gaya ni John Bautista matapos uminom sa campus police station.

"'Tapos . . . nag-reply sila sa 'kin. Sabihin ko raw sa kanila kung sino ang balakid para matupad ang wish ko. They said they could do something about it. Saktong screening nitong Martes kaya I took that opportunity kahit walang kasiguraduhan."

"You thought of them as genies who can instantly grant your wish?" tanong ni Loki.

Tumango si Monica. "I told them about Stein and sent a photo of him. Sinabi ko rin sa kanila ang mga hilig niyang gawin at kung saan-saan siya nagpupunta. Kahapon, nang nabalitaan kong hindi pumasok si Stein at hindi rin siya ma-contact, doon ko na-realize na seryoso talaga sila."

"In exchange, what did they ask from you?" sunod na tanong ni Loki. "I doubt that they did it for free."

"Siyempre, it came with a price. Three thousand pesos would do. Money is not an issue for me kaya walang problema kung maglabas ako ng pera. I gave it to them kahapon, once I was guaranteed that Stein's out of the way. Pero . . ." Muling naiyak si Monica at tinakpan ng panyo ang mukha niya. "Ang akala ko, tatakutin lang nila si Stein. Hindi ko alam na dudukutin pala siya at ikukulong para masigurong hindi siya makapapasok sa screening."

Magbabato sana agad ng tanong si Loki, pero sinabihan kong i-hold muna niya at hintaying tumigil sa paghikbi si Monica.

"Did you see their face or any hints that can lead us to them?"

Umiling si Monica, basa na ng luha ang mukha niya. "They told me to leave the money on top of the fire extinguisher case on the fifth floor. Hindi na ako nag-abala pa na abangan sila roon."

"And did those people have a name?"

Muli siyang umiling. "They never told me who they are. But they did tell me that I can call them M. Tinanong ko kung ano ang meaning n'on, pero hindi na nila ako sinagot."

Sumulyap ako kay Loki at napansin ang mga nanliit niyang mata matapos marinig ulit ang letrang 'yon. It was just a single letter of the English alphabet, yet it had a strong impact on him. M, or Moriarty, was involved again.

Dahil wala na kaming maitanong, nagpaalam na kami ni Loki sa aming mga kasama. Iniwan na namin kina Sir Morayta, Inspector Estrada at sa OSA director ang pagtatanong kay Monica. Sila na ang bahalang mag-decide kung anong parusa ang ipapataw sa kanya. Pwedeng suspension, pwede ring expulsion. Kahit nagsisisi na siya, hindi basta-basta mapalalampas ang involvement niya sa sinapit ni Stein.

For sure, Loki's mind must be preoccupied by the information that Moriarty had a hand in the case referred to us by my Math instructor. Walang kumibo sa aming dalawa hanggang sa narating namin ang clubroom sa third floor. Mukhang malalim ang kanyang iniisip.

To my surprise, someone was already inside our clubroom. Nakatalikod sa amin ang babae, pero na-recognize ko ang haba ng buhok niya na hanggang baywang. Nang narinig niya ang kaluskos ng pinto, lumingon na siya sa amin at binati kami ng malawak na smile.

It was Rosetta. Again.

"Are you gonna ask us to join your ghost hunt again or do you have something more thrilling to offer?" Dumeretso si Loki sa pinakadulo ng mesa at umupo sa kanyang paboritong monobloc chair. Nanatili sa sulok ang swivel chair na ayaw na niyang gamitin matapos upuan ng kanyang kapatid. "Which is which?"

"Actually, I'm here to join your club!" Nakangiti niyang iniabot sa akin ang club membership application form. Wala siyang pinalampas ni isang blangkong field. Mahaba rin ang sagot niya sa essay part. "Nakita ko kung gaano kayo ka-cool kahapon kaya napagdesisyonan kong sumali sa inyong club. Mukhang may space pa kayo para sa isa o dalawa pang member."

Vice president lang ako rito—kahit labag sa loob ko ang pagkaka-appoint sa akin—kaya ibinigay ko kay Loki ang form. As the president, siya ang may authority na mag-approve o mag-deny ng application.

Laking gulat namin ni Rosetta nang bigla niyang punitin ang papel, pinagpira-piraso at itinapon sa kanyang likuran. Napanganga ang classmate ko, kita sa mukha niya ang magkahalong pagkabigla at pagtataka. The question "But why?" was painted across her face.

"We don't just accept club members here, especially the likes of you," paliwanag ni Loki. Hanggang sa pag-review ng applications, nadala niya ang pagiging bugnutin. Nawala yata siya sa mood nang nalaman niyang involved si Moriarty sa case ni Stein Alberts. Naintindihan ko ang frustration niya, pero hindi naman dapat gawin 'yon sa harap ng classmate ko.

"P-Pero bakit?" tanong ni Rosetta. "Dahil ba may iba na akong sinalihan na club?"

Bumuntonghininga si Loki at umiwas ng tingin kay Rosetta na nangingilid na ang mga luha. Kahit ako siguro, maiiyak dahil walang pasintabing pinunit ang form na pinaghirapan kong i-fill out.

"For one reason." Itinaas ni Loki ang isang daliri niya "You believe that ghosts exist. That fact alone is sufficient to deny your application. We can't have someone in our team who believes in nonsense."

Biglang tumayo si Rosetta at patakbong lumabas ng clubroom, ni hindi na nagpaalam sa akin. Padabog niyang isinara ang pinto, sandaling napaangat ang mga balikat ko.

"Why did you have to be a jerk?" tanong sabay titig kay Loki. What he did was too much and totally unnecessary. "Puwede mo naman siyang kausapin nang maayos, ah? Bakit kailangan mong punitin ang form niya? Bakit kailangan mo siyang insultuhin?"

"We don't need excess baggage in this club. What can she seriously contribute to our club? Will she just clap every time I make a flawless deduction? Will she just praise how cool we look whenever we solve a case? Every member of the club must have a role to play!"

"Eh bakit ako, kinuha mo rito? Hindi ba't tanong ako nang tanong sa 'yo? I bet there's one or two students out there who are as good as you when it comes to observation and deductions."

"I asked you specifically to be the chronicler of our club's adventures. You observe and take note of details that most people might miss. Your insights have also helped us solve some cases. Besides, you don't have to play the detective because that role is mine, not yours. Just make sure that people will read about us through your stories. Got it?"

Ouch. Aminado ako na hindi ko kayang mag-ala detective at mag-solve ng case nang mag-isa. But hearing it from another person, especially from him, wounded my ego.

"Sa tingin mo ba, hindi ko kayang maging detective kagaya mo?" tanong ko. "Na hanggang sa pagsusulat lang ako magaling?"

Nagkibit-balikat siya. "I haven't seen you try to solve a case without my help so I can't tell. Don't worry, your role as a chronicler benefits the club. But adding Rosalinda to our team won't."

That's right. Hindi pa ako nakakapag-solve ng case nang walang tulong mula kay Loki. Lagi akong nakabuntot sa kanya na parang anino. Tuwing may deduction show siya, ako ang nagsisilbing assistant niya habang siya ang magician na nasa stage, tinututukan ng spotlight at pinapalakpakan ng mga tao.

"Still, hindi mo dapat—"

KYAH!

Sasagot sana ako sa kanya, kaso naagaw ang atensyon ko ng babaeng tumili sa labas. Maging si Loki, hindi pinalampas 'yon. Sabay kaming lumabas ng clubroom para i-check kung ano ang nangyari.

Masama ang kutob ko rito.

Mula sa third floor, tumingin kami sa baba at nakita ang duguang katawan ng isang babaeng nakahandusay sa ground area. Nakatitig ang mga dilat niyang mata sa akin habang mabilis na kumakalat ang kanyang dugo. Ang nakakapagtaka, nakangiti pa siya, tila natuwa sa pagkahulog niya. Naging creepy tuloy siyang tingnan.

Mabilis kong iniwas ang aking tingin bago tuluyang nag-register sa utak ko ang kahabag-habag niyang itsura. Mabuti't hindi ako gano'n kalapit sa kanya dahil siguradong babangungutin ako mamayang gabi.

"Catherine? CATHERINE!" sigaw ng isang lalaking tumakbo patungo sa handrail ng third floor. Dumungaw siya para makita ang bangkay ng babaeng nahulog.

"It seems that we have a case to solve," sabi ni Loki sa akin bago siya patakbong bumaba ng hagdanan para i-check ang bangkay. Wala akong choice kundi sumunod sa kanya.

Mabilis na rumesponde ang campus police. Five minutes pa lang ang nakalilipas, nasa ground area na sila. Kinordonan nila ng barricade tape ang paligid at sinigurong walang ibang makakalampas doon hangga't hindi sila tapos sa pag-i-inspect.

Inspector Estrada was shaking his head when we met him on the ground. Hinihimas niya ang kanyang bigote na lalo pa yatang kumapal ngayon. His men were done taking photos and securing any object in the scene.

"Mukhang hindi na namin kakailanganin ang tulong n'yo, Loki," bati niya sa amin. "Walang nakapansin sa pagtalon niya pero mukhang suicide ito."

"Out of ten suicide cases, how many of the victims would jump from a building and land face up on the ground?" tanong ni Loki habang iniikutan ang katawan ng babae. Tinakpan na nila ng diyaryo ang mukha nito, pero kitang-kita pa rin ang bakas ng dugo sa pavement. "It seems to me that she was pushed off from one of the floors. She was holding something in her left hand, wasn't she?"

Iniabot ng inspector ang handkerchief na nakapaloob sa isang plastic bag. "Hawak-hawak niya ang panyong 'yan nang natagpuan siya rito."

"Can I take it out?" Nagsuot muna ng disposable gloves si Loki bago niya inilabas ang panyo mula plastic bag. Maingat niya 'yong inamoy na parang isang K-9 unit na sinusuri kung may bomba ang isang baggage. He repeatedly sniffed on it. "The fragrance of the perfume sprayed on this handkerchief is surprisingly for men."

"Ano'ng ibig mong sabihin?" Inamoy rin ng inspector ang panyo para i-confirm ang comment ng kasama ko. Namulagat ang mga mata niya. "Oo nga! Panlalaki ang amoy ng panyo na 'to!"

"This handkerchief belongs to someone else." Tumingala si Loki, napatingin sa lalaking nakatayo at nakakapit sa handrail ng third floor. "Before she fell, the victim must have grabbed someone's possession—that handkerchief, no doubt—as a clue to the identity of the man who pushed her off. In other words, this isn't suicide. This is murder. And I think I know who did it."

The clues pointed in that direction. But my gut told me that there was something strange with this case. The smile on the girl's face . . . parang may mali. Parang may off.

"What do you think, Lorelei?" Sumulyap siya sa akin. "Is this a case of suicide or murder?"

"At bakit mo tinatanong ang opinyon ko?" Tumaas ang isa kong kilay nang balikan ko siya ng tingin. "You're the detective here, right? While I'm just a chronicler who takes note of the details."

"I wanna know if you agree with my deductions. I'd be surprised if you think otherwise."

Baka nabasa niya sa mukha ko na may bumabagabag sa akin. Now that he asked me about what I thought, I figured that it was probably best to tell him.

"Sa tingin ko, tama si Inspector na isa itong suicide incident," kumpiyansa kong sagot kahit wala pa akong matibay na ebidensiya. "Mukhang magkaiba tayo ng tinitingnang angle sa case na 'to."

Nanliit ang mga mata niya sa akin, parang confused siya sa sinabi ko. Hindi ba ako clear? "Are you saying that just to spite me? Is this you trying to prove that you can also be a detective on your own merits?"

"Ngayong sinabi ko sa 'yo ang opinyon ko, kinokontra mo naman." Maging ako, hindi sigurado kung bakit hindi ko sinang-ayunan ang kanyang deduction. Parang biglang pumasok sa isip ko na tumaliwas sa opinyon niya. Maybe it was because of my gut feeling. Maybe it was because I wanted to prove him wrong for once.

"Tell me why you think it's a suicide. Let's compare notes."

"The victim was smiling when she fell. Kung sinadya o aksidente siyang itinulak para mahulog, 'di ba dapat may naiwang pagkagulat o pagkasorpresa sa mukha niya?"

Halos natawa siya na parang nag-joke ako. I was serious! "You're making a grand assumption out of a tiny—and probably insignificant—detail. Maybe she's happy to see the man who had a plan to kill her. Well, she didn't know that that person would push her off later on. Also, can you explain why she's holding someone else's handkerchief?"

Hiniram ko ang panyong nasa plastic bag at sinuri 'yon gaya ng ginawa niya. Tama nga siya, amoy pabango ng lalaki ang amoy. Familiar din ang scent na parang nasagap ng ilong ko kani-kanina. Unlike Loki, I could not deduce anything from this handkerchief that would support my theory.

Pero ayaw kong magpatalo sa kanya. Just this once, I wanted to shove in his face na hindi lang ako taga-blog ng cases. I could also solve a mystery on my own, or at least, without much help from him. At mukhang ito na ang pagkakataong 'yon. Palalampasin ko pa ba?

Piniga ko pa ang aking utak para makapag-isip ng posibleng rason kung bakit may hawak na panyo ang biktima. Then, a complex and odd thought came to mind. Kumurba ang mga labi ko habang nakatitig sa panyo.

"Tama ka, Loki. Isa nga itong clue para malaman kung sino ang nagtulak sa kanya . . . O baka 'yon ang gusto niyang isipin natin."

"Oh? So you're not giving up your suicide theory? Please continue. Entertain me with your deductions."

Tumingala ako sa third floor kung saan nandoon pa rin ang lalaki kanina, tulala ang mga mata at parang wala sa sarili.

"Gusto niyang palabasing murder ang ginawa niyang pagpapakamatay. Why so? Probably she wanted to frame that guy over there." Tumuro ang daliri ko pataas "That should explain why she grabbed the handkerchief that smells exactly like that guy's perfume."

"But the police initially thought that this was suicide," kontra ni Loki bago tumingin kay inspector. "What if no one pointed out that it might be murder? Her plan would have failed."

That was a difficult question, but I did not let it destroy my theory. "She probably relied on the chance that someone with superb skills of observation and unmatched powers of deduction would disprove the suicide angle through the handkerchief."

Ngumisi si Loki. "You mean someone like me?"

Inirapan ko siya at hindi pinansin ang side comment niya. Natuon tuloy sa akin ang atensyon nina Loki, Inspector Estrada at iba pang pulis na nakabantay sa crime scene. Medyo nakape-pressure.

"Very well." Nakapamulsang humarap si Loki kay inspector. "It seems that my partner has a different opinion. I'm afraid we need to pursue two angles for this case separately. Now shall we start the deduction showdown, Lorelei?"

Showdown? Hindi ito ang oras para doon. Napaka-insensitive ng challenge niya. He spoke as if someone's death was a game for us to play.

Mabilis na pinatawag ng mga pulis ang lalaking nasa third floor. Hindi na siya kinailangang puwersahin dahil kusa siyang bumaba sa crime scene.

"A-Ano pong kailangan n'yo sa 'kin?" Mukhang tulala pa siya at hindi pa rin maka-get over sa kanyang nakita.

Suminghot si Loki para i-confirm kung pareho nga ang pabangong naamoy niya sa panyo. Maging ako'y nakiamoy rin sa kanya. Confirmed.

Ipinakita ni Loki ang plastic bag kung saan nakapaloob ang panyo. "Is this yours, mister . . . ?"

"Leo Dacillo," pagpapakilala ng lalaki. "At oo, sa 'kin nga ang panyong 'yan. Matagal ko na 'yang hinahanap. Saan n'yo nakita?"

"Hawak-hawak 'yan ng biktima sa kaliwang kamay niya nang natagpuan namin siya rito," paliwanag ni Inspector Estrada. "Ayon sa consultant namin, posibleng sinadyang itinulak ang biktima. Pero bago siya tuluyang nahulog, nahablot niya ang panyong magtuturo sa nagtulak sa kanya."

Nanlaki ang mga mata ni Leo. Mukhang naintindihan na niya kung bakit siya ipinatawag dito. "T-Teka! Iniisip n'yo bang sinadya ang pagkahulog niya at ako ang suspek n'yo? Dahil lang sa isang panyo? Kasasabi ko pa lang, 'di ba? Matagal nang nawawala ang panyong 'yan sa 'kin!"

Kung tama ang theory ko at totoo ngang nawala ang panyo niya, posibleng itinago muna 'yon ng biktima bago gawin ang eksenang ito. That was quite clever on her part.

"Ano'ng relasyon mo sa biktima?" tanong ng inspector. "At bakit parang natulala ka kanina?"

"Ex-girlfriend ko si Cath. Kaka-break lang namin two weeks ago," kuwento ni Leo habang nakatingin sa natakpang bangkay ng babae. "Ako ang nakipag-break sa kanya, pero hanggang ngayon, hindi pa rin niya matanggap."

"Then you got fed up so you thought about pushing her off and made it look like she committed suicide?" singit ni Loki. "Am I right?"

"Hinding-hindi ko magagawa 'yon!" Pinagtaasan kami ng boses ni Leo, tumibok-tibok ang ugat sa sentido niya. "Oo, lagi niya akong tine-text at tinatawagan, pero hindi sapat na dahilan 'yon para patayin ko siya. Kanina, itinext niya ako at nag-request na magkita kami sa third floor para magkaroon ng closure ang breakup namin. Gusto ko ring matapos na ang pangungulit niya kaya pumayag ako. Nang makarating na ako, bigla siyang tumalon nang patalikod."

"Sa kasamaang-palad, Leo, walang tao sa third floor ang makapagpapatunay na tumalon si Catherine," sabi ng inspector. "Wala ring makapagpapatunay na hindi mo siya itinulak. Ang pinanghahawakan naming panyo mo ang ebidensiyang nagkita nga kayo kanina at ikaw ang huli niyang nakausap bago siya nahulog."

Maging si Inspector Estrada, paniwalang-paniwala sa murder theory ni Loki. Hindi na ako dapat magtaka pa. Mas expert kasi ang kasama ko pagdating sa ganitong case. Sino ba naman ako, ' di ba? Isa lang akong hawak na blogger na laging nasa sideline o minsan sa audience seat. Isa ako sa mga naa-amaze at nakikipalakpak kapag may brilliant deduction si Loki.

Teka . . . Pinagpipilitan nilang itinulak ni Leo si Catherine mula sa third floor. Ang tanging hawak nilang proof ay ang panyo ng kanilang suspek na hindi gano'n katibay kung tutuusin. Paano kung meron pang ibang paraan para malaman kung talaga ngang murder ito at si Leo nga ang salarin?

I could only think of one way to prove or disprove it, kaso hindi ako sigurado kung gagana 'yon dahil sa limited knowledge ko tungkol sa forensic science.

"Sinasabi mong may tulakang nangyari, 'di ba?" Binasag ko na ang aking katahimikan, dahilan para lumingon ulit sila sa akin. "According sa theory mo, itinulak ni Leo si Cath habang nakaharap ang biktima sa kanya. Kung 'yon nga ang nangyari, nagkaroon ng contact ang isa o parehong kamay ni Leo sa suot ni Cath o sa balat niya, tama?"

Nanliit ang mga mata ni Loki sa akin, mukhang sinusubukan niyang hulaan kung ano ang susunod kong sasabihin. "Are you approaching anything resembling a point?"

"Pwede ba nating i-confirm via fingerprint analysis kung dumampi ang mga kamay o daliri ni Leo sa damit ni Cath?" Base sa napanood kong crime documentaries, mas katiwala-tiwala ang fingerprints ng isang tao para malaman kung siya nga ang gumawa ng krimen.

"Lifting fingerprints from clothing was a challenge to the police until 2011 when researchers made a breakthrough on that process." Here came Loki's trivia. "If the police has an advanced equipment, maybe they can do palm print analysis, not just the fingerprints. They can tell whether the victim was pushed off the handrail or not."

"Sige, ipapa-examine ko ang uniform ng biktima para i-check kung may impression ng palm print ni Leo." Humarap si Inspector Estrada sa kanilang suspek. "Pwede ba naming mahingi ang prints mo sa magkabilang kamay para may maipagkumpara kami sa lab?"

"Kung 'yan ang magpo-prove na inosente ako, walang problema sa 'kin." Sumunod si Leo sa mga pulis at umalis na sa crime scene. Tinanggal na rin ang bangkay pagdating ng stretcher.

"Wanna bet what the result's gonna be?" tanong ni Loki, sumulyap sa akin.

Marahan akong umiling. "Hindi 'to isang game, okay? Hindi dapat gawing pustahan ang ganitong pangyayari." At saka ako lumakad palayo sa kanya. Oras na rin para mag-resume ang morning period namin.


BANDANG HAPON na lumabas ang results ng palm print test. Kinailangan pa kasing dalhin sa lab ng ibang precinct ang specimen dahil hindi well equipped ang campus police station. Ang resulta? Walang na-detect na ibang prints sa damit ni Catherine. Kung talagang itinulak ni Leo ang biktima, his prints would show up. But they did not. The police concluded na kusa siyang tumalon mula sa third floor at sinubukang palabasing murder 'yon.

Ayaw ko sanang magsaya, lalo na't may buhay na nawala sa case na ito, pero hindi ko ide-deny na may sense of satisfaction akong naramdaman dahil tama ang gut feeling ko. For the first time, I proved Loki's deduction wrong. Noong ibinalita sa amin ni Inspector Estrada nitong hapon ang balita, hindi siya nakatingin nang deretso sa akin at pilit akong iniiwasan. Sobrang confident niya noong nasa crime scene kami. Ngayon, parang wala na siyang mukhang maiharap sa akin.

To celebrate my victory, isinulat ko ang case sa aking blog para i-record ang rare occasion na mas tama ang theory ko kaysa kay Loki. Kung hindi ko in-insist ang aking idea, baka suspect pa rin ngayon si Leo. Nakauwi na ako sa apartment, nasa kuwarto habang tutok na tutok sa laptop. Pino-proofread ko ang mahigit 4,000-word na blog post nang may kumatok sa pinto.

Ibinaba ko muna ang aking laptop at tumayo para pagbuksan kung sinuman ang kumakatok. Isang hindi mabura-burang ngiti ang ibinati ko kay Loki nang magtama ang tingin namin. "Are you here to congratulate me and say that I can also be a detective like you?"

"Of course, you can be, but not to my level." He still sounded so full of himself like someone who would not concede defeat. "To be perfectly honest, I also considered the suicide-to-frame-someone angle before you spoke of it. But I chose to go with the murder route to see if you're gonna have a different opinion."

Now he was saying that he tested me? That he knew the truth all along? What a good way to burst my bubble! Ganito ba ang way niya ng pag-congratulate sa akin?

"But I didn't come here to watch and hear you gloat." Naging seryoso ang mukha at boses niya. "I owe you an explanation as to why I didn't accept Rosario to our club."

It's Rosetta. Why did he keep on forgetting her name? Gano'n ka kahirap na i-memorize 'yon Anyway, I crossed my arms and gave him a look that said "Go ahead, I'm listening."

He shut his eyes for a moment and collected his thoughts first. "Being part of the club—and by extension, being close to me—has proven to be dangerous. You experienced it first-hand last week. When you got abducted for real, you became a liability to me."

Sandaling umiwas ang tingin ko sa kanya. Aware naman akong dumagdag ako sa mga pangamba niya noon.

"But don't get me wrong," he added. "I appreciate your presence back then, particularly when you tried to stop me from melting John. If you weren't there, I would have become a murderer."

This conversation felt like déjà vu, as if it already happened before. Tama. Ganito rin ang naramdaman ko noong humingi siya ng sorry sa akin noong isang linggo, matapos kong buksan ang topic tungkol kay Rhea. For the second time since I had met him, he sounded so sincere.

"Now adding Rosario to our club would mean another liability. If she could protect herself from harm without my help, I might have considered her application." Nagawi sa sahig ang kanyang tingin at napasimangot siya. "I failed to protect Rhea before. I'm afraid that I may not be able to protect both you and Rosario if I chose to welcome her in the club."

Tuwing nababanggit niya ang pangalan ni Rhea, lagi kong nararamdaman ang guilt sa boses niya. Mukhang hanggang ngayon, hindi pa rin niya mapatawad ang sarili. Mukhang hanggang ngayon, sinisisi pa rin niya ang sarili. Gano'n kalalim at kasakit ang sugat na iniwan ng insidenteng 'yon sa kanya.

"Naiintindihan ko naman," tugon ko nang may pagtango. "Ang pinagtatakhan ko lang ay kung bakit kinailangan mong maging rude sa pag-deny ng application niya. You could have been a little gentler."

"Maybe it's because of M. Hearing either his codename Moriarty or that single letter is enough to trigger me. I can sometimes lose my cool because of him. And speaking of that monster, I have something for you."

Iniabot niya sa akin ang manipis at maliit na parihabang box na nakabalot pa ng gift wrap. Kumunot ang noo ko roon.

"Hindi ko pa birthday ngayon, ah?" sabi ko sabay angat ng tingin sa kanya. "Ano'ng laman nito? At bakit mo binibigay sa akin?"

"You have to open it and see for yourself."

Kahit nanghinayang ako sa magandang pagkakabalot, pinunit ko ang wrap at binuksan ang ibinigay niyang regalo. Inside was a fountain pen with my name engraved on the cap. I wondered why he would give me something like this. At personalized pa talaga.

"If you think that's a regular pen, you're wrong," paliwanag niya habang sinusuri ko ang barrel nito. "I asked an acquaintance of mine to create a stun gun disguised as a pen that you can bring anywhere. Yesterday, I met with him at the mall where he delivered that weapon to me. All you have to do is press the button at the end. It will generate a high voltage electrical charge that can immobilize anyone who comes in contact with it."

Kaya pala umalis siya kahapon at hindi niya ako sinamahan sa library! He went all the way to the mall, which was three rides away from school, just for this self-defense device? That was very thoughtful of him.

"We don't know when Moriarty or his agents will strike again," dugton niya. "But if and when that time comes, you have something that you can use to defend yourself."

Wala akong masabi sa kanya kundi "thank you." He knew the potential danger that I could be in. He was also concerned about me after all, kahit hindi niya masyadong ipinapahalata.

"By the way, don't use that pen for pranks and other nonsense." Tumalikod na siya't akmang pabalik sa couch sa sala. "You don't want people knowing that you have a stun pen in your pocket. You would want to catch them unawares when you use it on them."

A thought then popped up on my mind. It was tempting and difficult to resist. "Teka, sandali!"

"Is there anyth—"

Bzzz!

Bumagsak ang katawan niya sa sahig nang idinikit ko sa kanyang leeg ang fountain pen at pinindot ang button sa dulo nito, gaya ng instruction niya. Sandali siyang nangisay bago tuluyang nawalan ng malay. Bahagyang nakabukas ang mga mata at bibig niya.

"That's for being a jerk to my classmate and my other way of saying thanks," bulong ko habang nakatitig sa walang malay niyang mukha. Isinara ko na ang pinto ng aking kuwarto at iniwan siyang nakahiga sa malamig na sahig.

This afternoon's event proved two things: Una, concerned siya sa akin at sa safety ko. Pangalawa, gumagana nga ang stun-gun-disguised-as-fountain-pen na iniregalo niya sa akin.

q.e.d.


Project LOKI Volume 1 (Collector's Edition) is still available on PSICOM Publishing's Shopee and Lazada stores for only ₱650. The package includes (1) book with author's signature, (2) bookmarks, (2) postcards, (2) sticker pads, and (1) magnetic bookmark.

Get in touch with AKOSIIBARRA (R.C. MUSNI) on social media:

Facebook: Cris Ibarra / Akosiibarra
Twitter: @akosiibarraWP
Instagram: @akosiibarraWP
Tiktok: @akosiibarraWP
YouTube: @akosiibarra

Like or follow Project LOKI on social media:

Facebook: Project LOKI
Twitter: @TeamProjectLOKI

Join the official group for AKOSIIBARRA and Project LOKI readers on Facebook:
www.facebook.com/groups/theqedclub or The Q.E.D. Club (Project LOKI)



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro