Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11: Knocks and Scratches

AUTHOR'S NOTE: This is the updated 2022 version of Chapter 11. If you are re-reading this part, you may observe some changes from the previous version.

CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains depictions of and references to kidnapping that may be upsetting for some readers. Please be mindful of this sensitive theme and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.

LORELEI

Mo-Mo-Ri-Ya! Mo-Mo-Ri-Yar-Ti! Mo-Mo-Ri-Ya! Mo-Mo-Ri-Yar-Ti!

PARANG SIRANG plaka na paulit-ulit sa pagtugtog ang kantang 'yon. It sounded like a chant of an indigenous tribe in the mountains. Dinig na dinig 'yon hanggang sa kuwarto ko. I tried to cover my ears, pero mukhang ayaw akong lubuyan ng tunog. Gusto ko pang umidlip, pero ayaw na akong patulugin. Baka ma-stuck pa ang tune sa isip ko hanggang mamaya.

Bumangon na ako sa kama at lumabas ng kuwarto. Iisang tao lang ang kilala ko sa mundong ito na magpapatugtog ng gano'ng ka-weird na kanta ngayong five o'clock ng umaga. Wala rin siyang pakialam kung may magising o maistorbo siya.

Sino pa nga ba? Eh 'di ang roommate kong si Loki.

"Akala ko may ginagawa ka nang ritwal dito." I leaned my back against my room door and folded my arms across my chest. Nakatayo si Loki sa tapat na pader na d-in-ecorare niya ng iba't ibang retrato. Sa gitna, may nakadikit na sticky note kung saan nakasulat ang pangalang Moriarty habang sa paligid nama'y nakalagay ang pictures ng tatlong artista. I recognized only Natalie Dormer who played Margaery Tyrell in the Game of Thrones series.

"Listening to that chant while thinking is quite stimulating," he replied without turning in my direction. Pero kailangan niya bang i-play 'yon nang paulit-ulit at gano'n kalakas? Masuwerte siya kung hindi magrereklamo ang mga taga-kabilang unit. "Just so you know, you're listening to the remix of John Bautista's last word before he died. I asked an acquaintance of mine to do it."

An acquaintance, huh? I would be surprised if he used the word friend. Tumabi ako sa kanya para malapitang makita ang tatlong artista. "At kailan mo pa naisipang magtayo ng gallery dito sa sala natin?"

"I assume that you don't recognize all of them. These three are the actors and the actress who played Moriarty in the modern adaptations of Sherlock Holmes." His right hand waved in front of his artwork. When he turned to me, I noticed that the circles under his eyes got darker and deeper. "Just so you know, Moriarty—or Professor James Moriarty—is considered as the arch-nemesis of Sherlock Holmes. He is a professor of mathematics, but he's also the Napoleon of crime, the organizer of half that is evil and nearly all that is undetected."

That somewhat sounded like the person he had been hunting for months. Hindi pa namin nakikita sa personal ang misteryosong taong 'yon pero sapat na ang nakalap naming clues mula sa mga konektado sa kanya para makabuo kami ng sarili naming impression. The character that he had described to me was purely fictional while the other one existed in the real world.

"How dare he use the name of my most favorite antagonist!" Pabalik-balik siyang naglakad sa harapan ng kanyang masterpiece. "If he wanna play Moriarty, then I'm gonna play Holmes. Let's see who'll win in the end."

Limang araw na ang nakalipas mula nang malaman namin ang codename na Moriarty. We met two people who had contacted that person, but both of them ended up dead. Mukhang ipinapadispatya niya ang mga taong posibleng makapagturo sa kanya.

And then I remembered something.

"Teka, na-check na ba ng campus police ang phone ni John?" tanong ko. Nakasunod pa rin ang mga mata ko sa paglalakad niya.

"Phone? The inspector didn't tell me anything about a phone." Huminto muna siya, kumunot ang noo at nagbato ng nagtatakang tingin. "Is there anything of importance in his gadget?"

"Narinig ko kasing may tinawagan siya bago niya ako tinangkang buhusan ng sodium hydroxide. Sinabi niya sa taong kausap niya na tuturuan ka nila ng leksiyon. Maybe John was talking to Moriarty back then?"

I also heard a familiar tune when John dialed the number on his phone. Now I could not remember what it was. Basta ang alam ko, familiar ang tune na 'yon. Baka kapag narinig ko ulit, maalala ko na.

"I can't tell for sure since I wasn't there, but that's possible." Loki nodded before looking away. "After all, it was Moriarty who had ordered him to dissolve the bodies of those three poor girls. Tch! Why do I get a strange feeling about this case?"

"Strange?"

"We know that there are people working for Moriarty. It's possible that he has an agent in the campus police. That would explain how John was poisoned while in their custody and why the chief didn't report anything about a phone to me. Someone in their ranks must have hidden or disposed of it before it could be examined."

Hindi ko maisip kung paano nagkaroon ng influence si Moriarty sa campus police. Parang imposible, 'di ba? Pero isa 'yong possibility na hindi namin dapat basta-basta i-dismiss. 'Yon din kasi ang makapagpapaliwanag sa mystery kung paano nilason si John.

"For now, we must keep any information that we will collect to ourselves." Umupo na siya sa couch at ini-stretch ang mga binti, mukhang napagod na sa kalalakad. "We must act as if he has a spy there. We don't want him to be one or two steps ahead of us, do we?"

"Teka, teka." Itinaas ko ang aking kanang kamay. "Bakit 'we'? Frankly speaking, Moriarty is your business, not mine."

"Huh?" Umangat ang isa niyang kilay habang nakatingin sa akin. Kaunti na lang, magiging kamukha na niya ang mga zombie na napanonood sa TV series. "You're now involved in this case whether you like it or not, Lorelei. The fact that Moriarty asked John to melt you into liquid means that you're on his target list."

By target list, he probably meant that something tragic might happen to me one day. Pwedeng habang naglalakad ako sa gilid ng school building, may malaglag na paso o kaya habang naglalakad ako ng palabas ng campus, may haharurot na kotse at sasagasaan ako. We had no idea how many murderous plots Moriarty could come up with in his brilliant mind so the list of possible scenarios was endless.

Minsan, naiisip ko na baka tama ang babala ni Margarette. Maybe I shoud not have associated myself with Loki. Wala sigurong mangyayaring masama sa akin nitong mga nakaraang linggo o kaya'y hindi ako nasangkot sa iba't ibang case. My life would have been peaceful. But wouldn't my high school life become gray and boring then? I would not deny the thrill that I felt whenever we went out and solved cases, as well as the satisfaction whenever we helped a troubled student.

"Always stay vigilant especially when you're on your own," payo ni Loki. "Let's hope that last week's incident would be the last time you'd be caught off guard and put in danger."

Lumingon ako sa kanya. "Well, you'll be there to save me again, right?"

Sandaling nagtagpo ang mga mata namin. Umiwas siya ng tingin sabay sabing, "I'll try."


AFTER THE first half of our morning period, I went on my way to the clubroom to check on Loki. Lumingon-lumingon ako sa paligid, baka may kahina-hinalang tao na nakasunod o nakaabang sa akin. Ayaw ko nang dukutin ulit at malagay sa nakatatakot na sitwasyon.

Pagdating sa clubroom, bumati sa akin ang mga nakakalat na papel na may pangalan niya sa mesa. Mga quiz niya 'yon sa iba't ibang subject. And to my surprise, I saw a number of papers with zeroes on top. May mga sagot pa siya na hindi related sa subject kung saan sila nag-exam.

Loki did not strike me as dull or a person with low intelligence. Kung kaya niyang mag-crack ng codes at mag-solve ng cases, that meant he was intelligent enough to get high grades in school. Pero iba ang ipinakita ng mga quiz niya sa 'kin. How could a smart guy like him get a series of zeroes in his tests?

"I know what you're thinking." His sleepy eyes stared at me for a moment as if he was trying to read my mind. "You're disappointed that I got failing scores in my exams. Am I right?"

"Hindi ako disappointed." Kinuha ko ang isa sa tests niya at tiningnan kung gaano kalinis dahil wala kahit isang sagot. Hindi man siya nag-effort na manghula baka sakaling tumama. "I just can't believe that you got zeroes. Sa talino mong 'yan? This is honestly unexpected."

His right hand made a dismissive gesture. "Unlike you and most students here, I refuse to be enslaved by the numbers system. Everyone wants to get good grades on their class cards. Everyone wants to be among the top ten so they can march on stage during recognition day. Everyone's so obsessed with numbers!"

"Is that your excuse kung bakit nakakuha ka ng zero? Ay, mali. Zeroes pala dapat. Plural."

Muli siyang humarap sa akin, mukhang na-offend siya sa sinabi ko. "If I wanna perfect those tests, I could. But I chose not to because that would be boring. I have classmates who are involved in an unhealthy competition against each other just to get higher grades and better ranks. I don't wanna be one of those savages. Besides, medals and certificates don't matter to me. They may look good as decorations, but they'll become insignificant once I get older and wiser. What matters to me is this club."

Kailan ba siya nagkainteres sa ibang bagay maliban sa cases na inilalapit sa kanya? He was not interested in making acquaintance with other people. He was also not interested in memorizing tons of useless stuff just to get a high score in exams. Ilang linggo na rin kaming magkasama, pero isa pa rin siyang malaking misteryo sa akin.

"Aren't you worried na baka umulit ka sa grade mo?" tanong ko na may kaunting concern. "Graduating ka na next academic year, 'di ba? Baka hindi mo sabay na maka-march ang classmates mo sa graduation?"

He showed me a confident yet mischievous smirk. "I have 101 ways to ensure that won't happen. You've been with me for how many weeks now. You know what I'm capable of doing."

Naningkit ang mga mata ko sa kanya. He probably got some tricks up in his sleeves. Sabi nga niya, ilang linggo ko na rin siyang kasama kaya sigurado akong hindi siya gagawa ng isang bagay na hindi niya pinaghandaan. Hindi siya lulusob sa digmaan nang walang armas at sinasakyang kabayo.

A series of quick knocks caused our heads to turn to the door. Nang bumukas 'yon, sumilip ang isang familiar na mukha sa siwang. It was my classmate Rosetta.

"Hi! Puwede bang pumasok?" tanong niya sa amin, suot ang malawak na ngiti sa mga labi niya. "Baka kasi nakaiistorbo ako sa usapan n'yo?"

"Sure, come in!" yaya ko sa kanya. Mabilis kong kinolekta ang test papers ni Loki at itinabi sa bookshelf sa sulok. Baka kung ano pang isipin ng bisita kapag nakita ang scores niya.

"Yay! Thank you!" Her long, black hair bounced as she walked toward one of the monobloc chairs. Hinila niya ang upuang malapit sa akin at pumuwesto roon.

"Mabuti't napadaan ka rito?" How stupid of me to ask that question. Siyempre pumunta siya rito para humingi ng tulong sa amin! Pero baka may iba pala siyang intensiyon.

Sandaling ipinikit ni Rosetta ang mga mata niya, mukhang kinolekta muna ang kanyang thoughts. Nang ready na siya, iminulat na niya ang mga 'yon. "Gusto ko sanang hingin ang opinyon n'yo. I'm speaking on behalf of the Paranormal Club."

"Oh?" Napaturo sa kanya si Loki. "You're that girl from the White Hostel. What's your name again? Rosalinda, right?"

"It's Rosetta," pagtatama ko sa kanya. Bakit ba hindi siya matandain sa pangalan? Noong una kaming nagkita rito sa clubroom, tinawag niya akong Lorraine.

"Yup! Ako nga 'yon!"

"So what does a member of the great Paranormal Club wanna consult with us?" Parang may pagka-sarcastic ang tanong niya, ah?

"May ghost hunting kami sa abandoned building since last week. Part ng club activities naming," kuwento ni Rosetta. "Ang sabi ng ilang estudyanteng nakausap namin, may white lady raw na nagpapakita roon. Pero sa limang araw naming paglilibot sa bawat hallway at room, wala kaming nakita. 'Tapos kahapon, ipinagpatuloy namin ang ghost hunting. Naglalakad kami sa second floor . . . nang bigla kaming may narinig na kakaibang tunog."

Kumunot ang noo ko. "Kakaibang tunog?"

Tumango siya sa akin. "Parang may paulit-ulit na kumakatok na sinusundan ng kaluskos." Mas naging creepy ang pagkukuwento niya nang bahagyang nag-iba ang tono ng kanyang boses.

Nanindig ang mga balahibo ko. Hindi ako naniniwala sa mga bagay na hindi ko nakikita. Sabi nga nila, to see is to believe. Pero may kakaiba sa kuwento ni Rosetta na nakapangingilabot.

"Baka may iba kayong kasama sa building o may isa sa mga member n'yo ang nananakot sa inyo?" tanong ko. Ayaw kong paniwalaan agad ang possibility na may multo nga. Maraming posibleng explanation para doon. "Sa apartment kasi namin, may sinasabi rin silang multo kaya nagsialisan ang mga nangungupahan sa unit. But it turned out na prank lang pala ng isang tenant 'yon."

I looked sideways at Loki who quickly avoided my gaze. Fresh pa sa aking alaala ang brief horror experience noong second week ko sa unit namin.

"Imposible 'yon!" giit ni Rosetta, bahagyang tumaas ang boses niya. "Magkakasama kaming naglalakad sa bawat hallway no'n kaya malabong isa sa amin ang nananakot. Sa sobrang duwag ng mga kasama ko, imposibleng maisipan pa nila 'yon. Wala rin kaming napansin na ibang tao sa abandoned building."

"What if you were just imagining the noises back then?" hula ni Loki, nakatuon sa ibang bagay ang atensyon niya. "The eerie ambiance must have scared you to the point that your mind decided to make things up."

"Let me prove to you na hindi namin gawa-gawa 'to." Biglang inilabas ni Rosetta ang kanyang phone at inilapag 'yon sa mesa. Binuksan niya ang recorder app at may t-in-ap sa screen. That was an audio clip. "We recorded ourselves habang naglilibot kami para may proof sakaling may ma-detect kaming kakaibang ingay. Take a listen."

Iniusog ko ang aking upuan para mas malapitan kong marinig ang audio.

"Nasa second floor na tayo ngayon. So far, wala pa kaming nakikitang multo rito. May mga bumubukas na pinto, pero dahil yata 'yon sa hangin."

"Mukhang wala nga talaga. Ilang beses na tayong bumalik dito, eh! Fake news yata ang kuwento sa atin."

"Oo nga, 'no? Naisahan tayo n'ong estudyanteng nagsabing may white lady rito."

"Sa susunod kasi, i-confirm n'yo muna kung totoo para hindi nasasayang ang oras natin."

Nagkaroon ng sandaling katahimikan na sinundan ng tatlong malalakas na katok.

"G-Guys, n-narinig n'yo ba 'yon? Guys?"

Sinundan 'yon ng tatlong kaluskos, parang mga kukong kumakalmot sa metal.

"Guys, hindi magandang joke 'yan! Huwag nating takutin ang mga sarili natin."

"Hoy, sino ba'ng nananakot na 'yan, ha? Muntik na akong atakihin sa puso!"

"Kapag nalaman ko kung sino, kukutusan ko 'yan."

"Sshh! Huwag nga kayong masyadong maingay!"

Muli naming narinig ang tatlong katok bago natahamik ulit sa recording.

"O, umamin na kayo. Sino ang may pakana n'on?"

"Paano namin magagawa 'yon, eh magkakasama tayo?"

"T-Talaga? K-Kung gano'n, m-may iba t-tayong kasama rito?"

Sa ikalawang pagkakataon, muling may kumatok nang tatlong beses, sinundan ng tatlong kaluskos at nagtapos sa tatlong katok ulit. Nagsitilian ang mga estudyanteng kasama sa recording, dinig na dinig ang mabibilis nilang yabag. May mga napamura pa nga habang tumatakbo sila.

"'Yan ang recording namin kahapon." Muling kinuha ni Rosetta ang phone niya at ibinulsa. "Hindi improvised ang tunog na 'yon at walang halong edit ang narinig n'yo. May ghost hunting kami ulit mamaya. Gusto ko sana kayong i-invite para hingin ang opinyon n'yo kung multo nga ang narinig namin."

Loki's brows met as he turned to me. "Tell me, Lorelei. Since when did we ever investigate some paranormal stuff?"

"Don't you find it interesting?" I asked.

"Paranormal cases are the turf of the Paranormal Club. The purpose of their group is to investigate if a supernatural phenomenon is involved in an incident or if it's only a hoax." That was Loki's other and longer way of saying no. "To be frank, it's unclear to me why the committee on non-mandated organizations let them exist. There's no such thing as ghosts, so their inclusion on the list of clubs is a big joke."

Napatingin sa ilalim si Rosetta, mukhang nasaktan sa mga salitang binitiwan ng kasama ko.

"Loki!" bulyaw ko sa aking kasama. Kailan kaya magkakapreno ang kanyang bibig? Sa sobrang pagiging straightforward niya, nakasasakit na siya ng iba.

"Did I say something wrong?" pagtataka niya.

Umirap ako at tumingin kay Rosetta. Biglang nagliwanag ang mukha niya at kumurba ang isang ngiti sa kanyang mga labi.

"May palabra de honor ka ba, Loki?" tanong niya.

Umangat ang isa niyang kilay. "And that question is relevant because . . . ?"

"Sinabi mo sa 'kin noong nagkita tayo sa White Hostel na tatanawin mong malaking favor kapag i-s-in-ubmit ko sa CHS Confessions ang photo n'yo habang nag-i-investigate. Pinromote ko pa nga ang blog ni Lorelei para mas maraming makabasa sa cases na s-in-olve n'yo."

Loki opened his mouth, ready for a rebuttal, but his lips froze. Baka napagtanto niya na may sinabi nga siyang gano'n. Natatandaan ko ring sinabi niya 'yon noong nasa White Hostel kami.

"I'll call it quits kapag tinulungan n'yo kaming alamin ang misteryo sa likod ng mga tunog na ipinarinig ko sa inyo," nakangiting sabi ni Rosetta. "Wala pa yata kayong s-in-olve na case na may paranormal element, 'di ba? So this will be the first!"

The two of us exchanged glances. Sinubukan ko siyang i-convince gamit ang mga mata ko na tanggapin na ang case. "I can deny that I made such statement, but I can read from the face of my partner that she wants me to honor my word. Very well, we shall return the favor."

Lalo pang lumawak ang ngiti ng client namin, halos umabot na sa kanyang tainga. "Thank you! Hihintayin namin kayong dalawa sa tapat ng abandoned school building mamaya, ha? Huwag n'yo kaming igo-ghost!"

And with that, Rosetta took her leave.

"We should be solving cases that will lead us to Moriarty." Tumayo si Loki, ipinagkrus ang mga braso at lumakad nang paikot-ikot sa mesa. Parang nagsisisi siya sa pagpayag niyang imbestigahan ang isang paranormal case. "Instead, we'll be going to a ghost hunting later!"

"Ikaw ang nagsabi kay Rosetta na tatanawin mong favor kapag tinulungan niya tayo," paalala ko sa kanya. "But you deserve a breather case like this one kaya huwag ka nang magreklamo diyan. Gusto mo bang laging murder ang iniimbestigahan natin?"

"I wish someone would walk in here and ask us to solve a far more engaging case." Padabog siyang naglakad pabalik sa upuan niya. "I need to distract myself from thinking about the ghost hunt later."

Probably the heavens heard his plea and the gods decided to grant it instantly. Muling may kumatok at bumukas sa pinto ng clubroom. Pumasok ang isang lalaking nakasuot ng light blue polo barong at black pants. Laging estudyante ang humihingi ng tulong sa amin. Pero sa pagkakataong ito, isang faculty member na may familiar na mukha ang client namin.

"Sir Morayta!" napabulalas ako nang nakilala ang nakangiting mukha ng General Mathematics teacher ko. Compared sa majority ng middle-aged instructors sa Clark High, bata pa ang itsura ni Sir—malamang nasa mid-twenties niya. Maayos siyang manamit, walang gusot ang suot na polo't pantalon. Nakasabay rin sa uso ang kanyang hairstyle.

"Lorelei? Member ka pala ng club na 'to?" Napahawak si Sir Morayta sa bridge ng rimless eyeglasses niya. Mahinahon ang kanyang boses. "Hindi ko in-expect na mahilig kang mag-solve ng mga mystery dito sa campus."

Ako nga mismo, hindi ko in-expect na mapasasali ako sa club na ito.

"By the way, sir, siya pala si Loki, ang club president namin." Itinuro ko ang aking kasama na nakaupo sa kabilang dulo ng mesa. "Loki, meet Sir Jim Morayta, our Math teacher."

"Loki? Kagaya ng Norse trickster god?" Ngumiti si Sir Morayta sa kanya at iniabot ang kanang kamay para sa isang handshake. "I've heard so much about your club. It's a pleasure to finally meet you."

Tinitigan muna ni Loki nang ilang segundo ang inalok na kamay ng aking teacher bago niya kinamayan 'yon. "Same here, sir."

"Bakit kayo naparito? May problema rin ba kayo?" tanong ko nang magkahiwalay na ang mga kamay nila.

"Hindi ko alam kung sa inyo ko dapat ipagkatiwala ito." Hinila ni Sir Morayta ang monobloc chair sa kabilang dulo ng mesa at umupo roon. "But I heard that your club is good at solving problems kaya kayo na ang nilapitan ko."

"Did you witness a murder or did you find a decomposing corpse somewhere in school?" Tuloy-tuloy ang pagsasalita ni Loki na parang sasakyan na walang preno. "If that's the case, sir, we're obliged to offer you our assistance. This is way better than hunting a ghost that doesn't exist."

Napatitig ang mga kumurap na mata ni Sir kay Loki bago muling ibinaling ang tingin sa akin. He must have been surprised by my clubmate's attitude. "Wala namang namatay o lubhang nasugatan. I have a grade 10 student whose name is Stein Alberts. Magaling siya sa math. Kaya niyang sagutin kung ano ang square root ng kahit anong number nang hindi gumagamit ng calculator."

A math wizard, huh? Patango-tango ako habang nakikinig sa kuwento niya. Si Loki? Hayun, malayo ang tingin na parang hindi interesadong makinig. Laging gano'n siya sa una. Kapag dumating na sa exciting part ang kuwento ng client, doon na siya magkakaroon ng pakialam.

"We have a screening today for our school's representative to the Inter-school Math-inik Competition next month. Isa siya sa mga ini-scout namin. Ang kaso, hindi siya pumasok sa class kanina," dugtong ni Sir Morayta. "We did everything to contact him. Tinawagan at t-in-ext na namin siya, pero hindi siya sumagot. Ch-in-at na rin namin siya sa lahat ng social media accounts niya, pero wala kahit seen mark."

Nabaling na sa kanya ang tingin ni Loki. "When did anyone last see him?"

"Sabi ng classmates niya, nakita siya sa library bandang four o'clock kahapon. They thought he was there to do some research. Malabo namang mag-review siya roon kasi hindi na niya kailangan. Later that night, he did not come home to his dorm. Ang akala ng dormmate niya, nakitulog sa classmate."

Nagbato ako ng tingin kay Loki, parang familiar kasi ang circumstances ng case na ito. "Sa tingin mo ba, involved dito si Moriarty? Ganito rin ang nangyari kina Madonna, 'di ba? They were last seen in school, but they never went home."

"We can't say for sure." Marahang umiling si Loki habang nakahawak sa chin. "The circumstances of this case and of those previous incidents are strikingly similar, but I don't get any Moriarty vibe yet from this one."

"Moriarty?" pag-uulit ng teacher ko. "Sino si Moriarty?"

"Ehem!" Loki forced a cough to distract our client. "Have you tried talking to anyone in the library, sir?"

"Masyado akong busy ngayong umaga kaya hindi pa ako nagagawi roon. Baka mamayang hapon, puwede akong magtanong-tanong."

"Kung hindi po nakapasok sa screening ang estudyante n'yo, sino ang magiging pambato ng grade 10?" tanong ko.

"Si Monica Segundo, ang rank number two sa class nila," sagot niya. "Alam kong matagal na niyang pinapangarap na makasali sa math contest. Dahil wala si Stein, siya na ang next in line."

Lumingon ako kay Loki, saktong nagtagpo ang tingin namin. Baka pareho kami ng iniisip.

"Mukhang kailangan muna nating magtanong-tanong sa library," sabi ko bago bumalik kay sir ang aking tingin. "Puwede n'yo ba kaming bigyan ng picture niya para may maipakita kami sa mga tao roon?"

S-in-end sa akin ni Sir Morayta ang retrato ni Stein bago nagpaalam dahil may klase pa siya. Malapit na rin kasing mag-ring ang school bell, signal na tapos na ang morning break. Bumalik muna kami ni Loki sa classrooms namin at nagkasundong magkikita sa tapat ng library pagsapit ng lunchtime.


PAGKA-RING NG bell pagpatak ng twelve noon, dumeretso na ako sa meeting place namin. Nasa hiwalay na building ang library at ilang metro ang layo mula sa posisyon ko. Kinailangan ko pa tuloy maglakad sa ilalim ng nakapapasong sikat ng araw. On my way, napalingon ako sa direksyon kung saan tanaw ang luma at abandonadong school building. Naalala ko tuloy ang pagsama naming dalawa ni Loki sa ghost hunt ng Paranomal Club mamaya.

By the time I reached the entrance of the library, hindi ko nadatnan si Loki o kahit ang anino niya. Sakto namang tumunog at nag-vibrate ang phone ko. Naka-flash ang pangalan niya sa screen.

"Hey, Loki? Nasaan ka na? Hindi ba't twelve tayo magkikita rito sa library?" Wala nang hi or hello. Dere-deretso ko na siyang tinanong.

"If you don't wanna see some books being hurled in our direction, it's best for me not to go there and join you. I'll be leaving the library investigation in your capable hands."

Medyo maingay sa background niya. Parang nasa lugar siya na maraming tao. Nasa classroom pa ba siya? O nasa cafeteria na?

"It's a long story, but yeah. I've been sort of blacklisted there, so I must not set foot inside. Good luck on your investigation."

Binaba na niya ang call nang hindi man ine-elaborate ang rason. Wala akong choice kundi magpatuloy nang mag-isa.

Nakapatay pa ang ilaw ng library nang pumasok ako, mukhang nagtitipid sila ng kuryente. Malinis. Maayos. Tahimik. Walang katao-tao. Pwedeng gawing shooting location para sa isang horror film. Inaamag na siguro ang mga libro dito, lalo na 'yong ilang dekada nang naka-stock dahil walang gumagamit.

I went straight to the librarian's desk. Nakabantay roon ang matabang babae na pandak at may suot na salamin na dumudulas sa ilong niya. Permanente na yatang nakakunot ang kanyang noo at halos magdikit na ang kilay niya. Noong unang bisita ko rito ilang linggo na ang nakararaan, gano'n na ang itsura niya. Akala ko noon, masama lang ang gising niya. Hanggang ngayon, gano'n pa rin.

"Excuse me, ma'am?" Pilit akong ngumiti para ma-lighten ang mood sa gloomy atmosphere ng puwesto niya.

"O, ano'ng kailangan mo?" Sinadya niyang ibagsak ang mga hawak na libro bago iangat ang tingin sa akin. Matinis ang kanyang boses at talagang nakaiirita. Gusto ko ngang takpan ang tainga ko at makipag-usap via sign language. "May nakalimutan kang isauling libro o may nawala ka?"

"May itatanong lang po sana ako. Busy po ba kayo?"

Tinitigan niya ako nang masama na parang may nasabi akong mali. "Ako, busy? Sa dinami-rami ng ibabalik kong libro sa mga bookshelf, sa tingin mo ba, hindi ako busy? Kung may gusto kang itanong, itanong mo na. Sayang ang oras ko."

My eyes twitched at the tone of her voice, pero sinubukan kong huwag ipahalata sa kanya. Wala na sigurong ibang choice ang human resources department ng school kaya siya ang inilagay rito. "Nakita n'yo ba ang lalaking 'to bandang four o'clock kahapon?"

Naningkit ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang retrato ni Stein Alberts sa phone ko. May curtain haircut at horn-rimmed eyeglasses ang nawawalang estudyante. Kinailangan niya pang ayusin ang kanyang salamin at tumutok ang mukha sa screen.

"Ah, nakita ko nga ang lalaking 'yan!" Muli niyang iniangat sa akin ang tingin niya. "Paano ko siya 'di matatandaan? Iniwan niya ang kanyang bag dito sa library. Hinintay ko siya ng thirty minutes kaya napa-overtime ako nang wala sa oras, pero hindi na siya bumalik. Kung hinahanap n'yo ang gamit niya, heto, itinago ko. Huwag kayong mag-alala, wala akong kinuha riyan."

"Basta-basta niyang iniwan dito ang bag niya?"

"Bandang four-thirty nang lumabas siya, parang nagmamadali," kuwento ng librarian na nagpatuloy sa pag-aayos ng mga librong ibabalik niya sa shelf. "Siya na lang ang tao rito no'n. Gusto ko na nga siyang paalisin kahit hindi pa closing time, eh. Noong lumabas siya, hindi niya dinala ang gamit niya. Ang akala ko nga, sandali lang siyang lalabas pero hindi na siya bumalik. Kaibigan mo ba ang lalaking 'yan? Puwede mo bang ibalik 'to sa kanya?"

"Actually, hindi niya po ako—"

Bago pa ako nakapagpaliwanag, iniabot niya sa akin ang backpack. Muli niyang binalikan ang kanyang ginagawa, parang bigla akong nawala sa paningin niya at hindi na niya ako pinansin. Hindi na ako humirit pa kaya lumabas na ako ng library.

I received a text message from Loki habang pabalik ako sa high school building. Ang sabi niya, kababalik lang niya sa school at hihintayin niya ako sa tapat ng Room 212, ang classroom ni Stein. Teka, nasa labas siya ng school kanina? Kaya pala mas maingay compared sa normal ang background noise na narinig ko habang kausap niya.

Nanindig ang mga balahibo ko sa braso't kamay nang may naramdaman ako na parang nakamasid sa akin. Parang may aninong sumusunod magmula nang pumasok ako sa library. Ewan kung guni-guni ko lang. Pwedeng dahil din ito sa ikinuwentong multo ni Rosetta kanina.

Binalewala ko ang feeling na 'yon at nagpatuloy sa paglalakad paakyat sa second floor. Hindi ako nahirapang hagilapin si Loki dahil sa buhok niyang magulo at bangs na halos takpan ang kanyang mga mata.

"Did you have a sudden change of taste when it comes to bags?" bati niya sa akin. Nakasandal siya sa pader habang nakakrus ang mga braso.

"Ibinigay 'to ng masungit na librarian sa 'kin," sagot ko sabay angat ng dala kong bag. Mabuti nga't hindi masyadong mabigat. "Ang akala niya yata, classmate ko si Stein. Teka, saan ka ba galing?"

"I went to the mall. Don't ask what I did there. Let's focus on asking these people about Stein. Maybe we can talk to her?" Napaturo siya sa babaeng wagas kung makangiti. Saktong papalabas siya ng kanilang classroom kaya in-ambush na namin siya.

"Excuse me?" tawag ko.

"Yes?" Ilang ulit na kumurap ang mga mata niya, tila pinagmamayabang kung gaano kahaba ang kanyang mga pilik-mata.

"Classmate n'yo ba si Stein Alberts?"

"Oh, that weirdo?" Umirap siya na parang kinaiinisan niya ang kanyang classmate. "Hindi siya pumasok ngayong araw. Nabahag yata ang buntot sa akin kaya naisipan niyang umurong sa screening."

Wow, ah! Umaalingasaw ang kayabangan ng babaeng ito, akala mo kung sinong makapagsalita. Nagawa pa niyang tumawa.

"Let me guess. You're Monica Segundo, the eternal rank number two in your class, right?" Napahinto ng comment ni Loki ang pagtawa niya. Naging simangot din ang kanyang ngiti. Kahit ako siguro, masasaktan kapag sinabihang eternal na ang pagiging top two ko. "You must be so d*mn lucky. Your fiercest rival vanished on the day of the screening. One may say that it's divine intervention, as if God has finally granted your wish. But we can't deny the possibility that this mere coincidence may have been caused by human intervention."

Monica's left eye repeatedly twitched. Paulit-ulit siyang umiling bago lumakad palayo sa amin. "I have no idea what you're talking about."

"Hey." Marahan kong siniko ang aking kasama sa braso. "Sa tingin mo ba, si Miss Number Two ang nasa likod ng pagkawala ni Stein?"

"She's primary suspect number one." Sinundan niya ng tingin si Monica hanggang sa mawala na sa kanyang paningin. "At least, she's no longer number two in that regard. But we need more info about our missing math genius."

Sunod naming sinalubong ang dalawang lalaking kalalabas lang ng kanilang classroom. Gaya ng nauna, hinarang namin sila at agad na tinanong kung kilala at kaibigan nila si Stein. Nang sinabi nilang oo, iniabot ko na ang dala kong bag sa kanila.

"Kaming tatlo lang ang nagkakaintindihan sa class namin. Ang kikitid kasi ng mga utak ng karamihan dito," sagot ng matangkad na lalaki habang inaayos ang salamin niya. "Mas gusto ko nang tawagin nila kaming nerd at weirdo kaysa maging gaya nila na boring at hindi special."

"Sayang nga na hindi siya nakapasok ngayon. Inaabangan niya kasi 'yang screening para makasali sa math contest," dagdag naman ng lalaking hindi biniyayaan ng tangkad habang hinihimas ang malaki niyang ilong. "Baka nagkasakit siya 'tapos hindi nakayanan ng katawan niyang tumayo. Suwerte tuloy ni Monica, siya na ang ilalaban ng klase namin."

"Ano bang klaseng estudyante si Stein?" tanong ko.

"Kandidato siya para sa pagiging king of all nerds," natatawang tugon ng matangkad na lalaki. "Wala na sigurong mas wi-weirdo kaysa sa kanya kaya maraming ayaw makipagkaibigan sa tulad niya. Hindi kasi nila siya ma-gets."

"Alam n'yo bang kapag nagcha-chat kami, laging naka-code?" singit ng kasama niya. "Medyo paranoid kasi si Stein na baka may magnakaw ng mga phone namin at mabasa ang mga conversation namin. Para safe and secure, naisipan niyang gumamit ng codes. Minsan dots and dashes, minsan series of numbers."

Ano kayang pinag-uusapan ng tatlong ito at bakit kailangang encrypted ang conversation nila? Gano'n ba ka-highly confidential ang topic nila para gumamit ng mode of communication na hindi alam ng karamihan?

Wala na kaming itinanong sa kanila kaya nagpaalam na kami ni Loki at umakyat na sa hagdanan.

"Do you think Moriarty is involved in this case?" muli kong tanong sa kanya.

Umiling siya habang nakaderetso ang tingin. "I don't know why he'll be interested in making a smart but weird student disappear. But there's a chance that he might have gotten bored, so he randomly targeted someone in this school—"

"Lorelei! Loki!"

Nang nakatuntong na kami sa third floor, napansin naming nakaabang sa tapat ng clubroom si Sir Morayta. Lumapit siya sa amin at may ngiti sa kanyang mukha.

"I have good news about Stein." Ipinakita niya sa amin ang message na naka-flash sa screen ng kanyang phone. "Nag-text siya sa akin kanina. Ang sabi niya, huwag daw kaming mag-alala. May pinuntahan siyang emergency kahapon kaya hindi siya nakauwi at nakapasok ngayong araw."

Inilapit ko pa ang aking mukha para mas malinaw na mabasa ang message.

"Sorry for the late reply, sir. I apologize for making you and the others worry. Something urgent came up yesterday. Will come to school tomorrow."

"Sorry kung inabala ko kayo kanina," sabi ni Sir Morayta sabay bulsa ng phone niya. "I should have waited for any reply from him. Pero salamat na rin sa tulong."

Nagpaalam na siya sa amin at iniwan kami sa harap ng clubroom. At doon natapos ang case ng nawawalang math prodigy.

Teka, teka! Napaka-anticlimactic yata ng ending ng case na ito? It ended even before we could reach its conclusion. Ibinaling ko ang aking tingin kay Loki para makita ang reaksyon niya. Nakatitig siya sa ibaba at tila may malalim na iniisip.

Right then and there, a cold gaze sent chills down my spine. Lumingon ako sa paligid at hinanap ang taong nakatuon sa akin ang titig. Wala akong nakita ni anino, pero naramdaman kong may pares ng mga matang nakamasid.

"Hey, you coming in?" tanong ni Loki na hindi ko namalayang pumasok na pala sa clubroom.

Sumunod ako sa kanya at isinara ang pinto.


THE MISSING person case had come to an abrupt end, pero hindi pa yata convinced si Loki. Gaya sa akin, may bumabagabag sa kanya, na parang may mali kung paano natapos ang case na ito. Kung talagang okay lang si Stein, wala kaming magagawa kundi tanggapin ang conclude.

Anyway, kailangan na naming mag-move on at mag-focus sa susunod naming iimbestigahan. Walang iba kundi ang case na nilo-look forward niya today—ang ghost hunting kasama ang Paranormal Club.

Nagtago na ang araw at naghari na ang dilim. Sumulpot na sa langit ang buwan kasama ang mga bituing nagniningning. Five minutes bago mag-seven o'clock, dumating na kami ni Loki sa tapat ng abandonadong school building. Ayaw pa nga niyang pumunta noong una. Kinailangan ko pa siyang hilahin palabas ng clubroom bago ko siya napasama.

Nandoon na sina Rosetta, kasama ang tatlo pang lalaki.

"Guys!" masiglang bati ng classmate ko. "Gaya ng sinabi ko kanina, in-invite ko ang dalawang member ng QED Club para sumama sa ghost hunting natin. Siya si Loki at siya naman si Lorelei. Hindi sila paranormal experts, pero makatutulong sila para malaman natin kung may multo nga sa loob ng building."

Ngumiti at kumaway ako sa kanila habang binato sila ng bored na tingin ni Loki.

"Oh? Baka maihi sila sa takot kapag narinig nila 'yong katok at kaluskos," biro ng lalaking pinakamatangkad sa tatlo. Base sa postura at kung paano siya ngumiti sa akin, mukhang mayabang siya. "Andrew Salvador nga pala."

"I heard that you wet your pants the last time you went here." Napatawa ni Loki ang lahat maliban kay Andrew. Wala man sa tono niya na nagbibiro siya. Kung asaran ang labanan, hindi siya magpapahuli riyan.

"Ako naman si Shawn Sanchez." Iniabot ng lalaking may suot na salaming may makapal na frame ang kanyang kamay sa amin ni Loki. Siya lang ang may dalang backpack. "Kung kailangan n'yo ng snacks o bottled water, meron akong supply rito."

"Are we here for a picnic or a ghost hunt?" komento ni Loki. Siniko ko siya sa tagiliran bago pa siya muling makahirit.

"And I'm Ryle Garcia." Kumaway ang lalaking may matipunong katawan. Hindi na siya nakipag-shake hands pa sa amin. "Kung natatakot ka, miss, puwede kang kumapit sa akin. Sisiguruhin kong protektado ka mula sa anumang masasamang elemento rito."

"I bet he'll be the first to run out of the building once he senses the so-called ghost," bulong ni Loki. Mahina ang kanyang boses kaya mabuti't hindi narinig ng mga kaharap namin.

"O, tama na ang pambobola!" sabi ni Rosetta sabay abot sa amin ng flashlight. "Let the ghost hunt begin!"

Sa hudyat niya, sabay-sabay kaming pumasok sa gusali. Sinubukan ni Loki na magpaiwan sa likod at tumakas, pero malas niya dahil nahila ko siya at naitulak papasok.

I might be a transferee in Clark High, pero may mga narinig na akong kuwento tungkol sa abandonadong building. May ilang nagsabi na noong lumindol, nagkabiyak-biyak daw ang mga sahig at pader kaya minabuti ng school na huwag na itong gamitin. May iilang nagtsismis sa akin na may sumpa raw ang building na ito dahil bawat buwan, may namamatay na estudyante sa pinaka-kakaibang paraan.

Parang walang hanggan ang kadiliman sa loob. Iisipin mong portal ito sa ibang dimensyon at kung sinumang maligaw ay hindi na makababalik pa nang buhay. The wind blowing through the hallway was chilling kaya talagang tatayo ang mga balahibo mo. Lumikha rin ng kakaibang tunog ang hangin kaya halos napatalon sa takot si Rosetta.

Kahit may dala kaming flashlights, hindi pa rin naging madali ang paglalakad namin. May mga nakakalat kasing tipak ng bato, mga bakal at wire sa sahig kaya kinailangan maging maingat.

"Shush!" Biglang huminto si Andrew, nakataas ang kanang kamay bilang senyas habang iginagala ang ilaw niya sa paligid. Napatigil din kami. "Narinig n'yo ba 'yon, guys?"

"A-Ano 'yon? W-Wala kaming narinig!"

"Joke lang!" sabi niya bago siya nagpatuloy sa paglalakad. Muntikan na siyang batukan ni Rosetta.

Narating na namin ang hagdanan paakyat sa second floor. Mas naging maingat kami dahil gumuho na ang ilang parte nito. Lumingon ako kay Loki para tingnan kung nanginginig na siya sa takot. To my disappointment, humihikab pa siya na parang hindi siya tinatablan ng horror feels ng haunted building. Oo nga pala, hindi siya naniniwala sa mga multo.

"Dito namin narinig 'yong katok at kaluskos kahapon." Bumagal ang paglalakad ni Rosetta at ng tatlong lalaki. Itinutok nila ang kanilang flashlights sa lahat ng direksyon at sumilip sa mga kuwartong dinaraanan namin. "Kapag narinig n'yo 'yon, kayo na ang humusga kung multo nga ba ang may gawa n'on o hindi."

Paakyat na kami sa third floor nang biglang may familiar na tunog na bumati sa mga tainga namin.

TOK! TOK! TOK!

Umalingawngaw ang tatlong katok sa buong gusali na tila galing sa ibang dimensyon.

"Yikes!" Mahigpit na kumapit si Rosetta sa braso ni Loki at idinikit ang katawan niya rito.

Mas ikinasorpresa pa 'yon ni Loki kaysa sa nakatatakot na tunog. He looked like he had no idea how to react.

Nanlaki ang mga mata ni Rosetta at iginala ang kanyang tingin sa madilim na paligid. "N-Narinig n'yo ba? Gano'n na gano'n din 'yong kahapon!"

Itinutok ni Ryle ang kanyang flashlight sa kisame at tila naging disco light ang liwanag nito. "Kung sino ka man, magpakita ka sa amin!"

"'Uy, pare, huwag ganyan!" Napaurong ng hakbang si Andrew. Nanginginig na sa takot ang mga tuhod niya. "H-Hindi pa tayo handa!"

Lumapit ako nang kaunti kay Loki pero hindi gaya ni Rosetta, hindi ako kumapit sa braso niya. Baka isipin pa niyang tine-take advantage ko itong ghost hunt.

SKREEEK! SKREEEK! SKREEEK!

Sunod na nanggulat sa amin ang tatlong kaluskos. Napahakbang paurong ang mga kasama namin, nagbabadya nang tumakbo palabas ng gusali.

TOK! TOK! TOK!

"Tara na!" Naunang tumakbo patungong hagdanan si Andrew. "Mukhang pinapaalis na nila tayo rito!"

"What a coward." Bumuntonghininga si Loki. "How can you be scared by a series of knocks and scratches? Man up!" Nagpatuloy siya sa paglalakad nang naka-cling si Rosetta sa kanya. Itinutok niya ang kanyang flashlight sa harapan. Hindi na siya lumingon sa amin para i-check kung nakasunod pa ba kami.

Muli naming narinig ang tatlong katok, sinundan ng tatlong kaluskos at tatlong katok ulit. Kung multo man ang may gawa noon, may pattern siyang sinusundan.

"Is anyone here?" sigaw ni Loki habang isa-isang sinisilip ang mga bukas na classroom. Nag-echo ang boses niya sa hallway. "If you can't speak, answer in the way that you know."

"Hoy, sa tingin mo ba, sasagot ang multo sa 'yo?"

SKREEEK! SKREEEK! SKREEEK!

SKREEEK! SKREEEK! SKREEEK!

Hindi na alam ng tatlong lalaki kung magpapatuloy pa sila o tatalon na sa bintana para mas mabilis na makatakas. Si Rosetta, nakapulupot pa rin ang mga kamay niya sa braso ni Loki.

"I knew it . . ." bulong ni Loki na nangunguna na ngayon sa ghost hunting. "Knocks and scratches. Dots and dashes!"

"Ano'ng pinagsasabi mo riyan?" tanong ko sabay tutok ng ilaw sa mukha niya.

Pero hindi niya ako pinansin. Bumaling siya sa babaeng nakadikit sa kanya. "Are you familiar with the layout of this building? Do you know where the locker room is?"

"K-Kung tama ang pagkakatanda ko, nandito sa third floor, sa kabilang dulo," sagot ni Rosetta sabay turo sa kawalan.

Kumaripas nang takbo si Loki, nakakapit pa rin ang babaeng nakadikit sa kanya. Sumunod ako, pati na ang tatlong lalaking nasa likuran ko.

"Ano'ng meron sa locker room? Bakit naisipan mong pumunta ro'n?" Sana'y sumagot na siya para maliwanagan kami sa pabigla-bigla niyang aksiyon.

"Don't you still get it, Lorelei? I asked if there was anyone here. Someone answered oo." Hindi na siya nag-abalang lumingon pa sa akin. Naka-focus ang kanyang atensyon sa harapan, sa dinaraanan niyang hallway.

"Wala kaming narinig na oo kanina. Tanging kaluskos lang."

"Do you know anything about Morse code?" tanong niya. Nagtaka ako kung bakit bigla niya 'yong binanggit. Pero dahil may salitang code doon, baka relevant sa case na ito. "It's a sequence of short and long signals called dots and dashes. Every dot, dash, or sequence of the two represents a letter. For instance, a single dot means E, two dashes mean M, and both a dot and a dash mean A."

"At paano naging connected ang dots at dashes sa ghost hunt na 'to?"

"A real person, not a ghost, is locked somewhere in this building! His mouth may have gagged so he can't speak and cry for help. When he heard these paranormal believers loitering around yesterday, he tried to communicate with them by sending a series of knocks and screeches—which can be interpreted as short and long signals. Every knock is a dot while every screech is a dash."

"So . . . ?"

"He sent three knocks, followed by three screeches, and then three knocks again." Medyo hiningal na siya sa kasasalita habang tumatakbo. "If you convert those signals into Morse code, that's three dots, three dashes, three dots: S-O-S. In other words, a distress signal! Someone needs our help!"

Nakarating kami sa locker room. Kinakalawang na ang karamihan sa mga locker, ang iba'y nasira na ang mga bukasan. Compared to the ones we were using in the high school building, mas malalaki at talagang magkakasya ang katawan ng tao sa loob ng mga ito.

"If you can hear me, knock so we'll know where you are!" sigaw ni Loki.

TOK! TOK!

Pumunta kami sa huling row ng lockers kung saan nagmula ang mga katok. May isang natatanging locker doon na nakasarado.

"Kung gano'n, hindi talaga multo 'yong narinig namin kahapon?" tanong ni Andrew. Parang nakahinga siya nang maluwag.

"Ghosts don't exist, you idiot," sagot ni Loki. Inilabas niya ang isang kit na may lamang wires na iba't iba ang thickness. Kinuha niya ang pinakamanipis at ipinasok'yon sa padlock. Paulit-ulit niyang kinalikot hanggang sa matanggal sa pagkaka-lock.

Nang bumukas ang locker, laking gulat ko nang makita ang familiar na mukha ng taong nasa loob. He was the student reportedly missing since yesterday—Stein Alberts! Nanginginig ang bibig niya at nag-crack na ang kanyang mga labi. Mukhang wala pa siyang kinain o ininom magmula kahapon.

Inilabas siya nina Andrew at Ryle mula sa locker at maingat na inihiga sa sahig. Tinanggal nila ang tape sa bibig ni Stein, pati ang tali sa kanyang mga kamay at paa.

"Shawn, pahingi ng tubig!" sigaw ni Ryle sabay lingon sa kasama naming may backpack.

"Teka, huwag n'yo siyang basta-basta paiinumin!" Pinigilan ko ang kamay ni Ryle bago niya mapainom kay Stein ang iniabot na bottled water sa kanya. Nagbato siya ng nagtatakang tingin sa akin, maging ang iba naming kasama.

"Dehydrated na siya kaya kailangan na niyang makainom!"

"Ihiga n'yo siya sa kanyang side at siguruhing nakaangat ang ulo niya." Inilabas ko ang aking panyo at binasa 'yon gamit ang tubig mula sa bottled water. Hindi 'yon malamig kaya mas mainam. Maingat kong idinampi ang basang panyo sa nanginginig na bibig ni Stein. "Kapag pinuwersa n'yo siyang painumin ng tubig, posibleng pumasok 'yon sa trachea niya at ma-suffocate siya."

"Saan mo natutunan 'yan, Lori?" tanong ni Rosetta.

Umangat ang tingin ko sa kanya, sandaling nahinto ang pagdampi ko ng panyo sa bibig ng nanginginig na lalaki. "I read it on the Internet. Don't worry. Credible ang website kung saan ko nabasa 'yon."

Nang nabawasan na ang panginginig ng katawan ni Stein, inalalayan siya ng mga lalaki at binuhat palabas ng abandonadong gusali. Mabuti't may naka-park na kotse si Andrew kaya doon nila ipinasok si Stein at inihatid sa pinakamalapit na ospital.

Lima ang kasya sa sasakyan kaya nagpaiwan kami ni Loki sa campus. Pinanood namin ang kanilang pag-alis. Tumahimik na naman sa paligid, tanging ang tunog ng kotseng paalis at ng mga kuliglig ang narinig ko.

"Kailan mo na-realize na si Stein ang nasa loob ng locker?" tanong ko sa aking katabi.

"When I remembered what his friends have told us about him." Nakasunod pa rin ang tingin ni Loki ang papalayong kotse. "Stein communicates with them through codes, sometimes in dots and dashes. I noticed a consistent pattern in the knocks and screeches that we heard from the audio clip and here tonight, so I thought they meant something."

"E paano 'yong natanggap na message ni Sir Morayta kanina? Kung hindi si Stein ang nag-send n'on, sino?"

"Probably the one who's behind his kidnapping. They wanted us to stop our pursuit so they sent that message. We both know who might be behind this incident."

Tama si Loki. May iisang tao na magbe-benefit sa pagkawala ni Stein.

Lumingon ako sa abandoned school building. Who would have thought that someone could use this place for something sinister?

Huh? Parang may nakita akong silhouette na gumalaw roon. Hugis tao ang anino. Hindi ko nakita ang mga mata niya, pero ramdam kong nakatitig ang mga 'yon sa akin. Parang sinadya niyang ipadama ang kanyang presensya kahit nasa malayo siya. Muli na namang nanindig ang mga balahibo ko.

Kumurap ako at nawala ang anino. Siya rin kaya ang nakamasid sa akin magmula kaninang hapon?

q.e.d.


Project LOKI Volume 1 (Collector's Edition) is still available on PSICOM Publishing's Shopee and Lazada stores for only ₱650. The package includes (1) book with author's signature, (2) bookmarks, (2) postcards, (2) sticker pads, and (1) magnetic bookmark.

Get in touch with AKOSIIBARRA (R.C. MUSNI) on social media:

Facebook: Cris Ibarra / Akosiibarra
Twitter: @akosiibarraWP
Instagram: @akosiibarraWP
Tiktok: @akosiibarraWP
YouTube: @akosiibarra

Like or follow Project LOKI on social media:

Facebook: Project LOKI
Twitter: @TeamProjectLOKI

Join the official group for AKOSIIBARRA and Project LOKI readers on Facebook:
www.facebook.com/groups/theqedclub or The Q.E.D. Club (Project LOKI)



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro