Chapter 10: Madonna, Michelle, Mylene, Moriya (Part 1)
AUTHOR'S NOTE: This is the updated 2022 version of Chapter 10-Part 1. If you are re-reading this part, you may observe some changes from the previous version.
CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains depictions of and references to death, gore, kidnapping and trauma that may be upsetting for some readers. Please be mindful of these sensitive themes and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.
LORELEI
KUNG MAY lesson na dapat matutuhan si Loki, 'yon ay ang concept ng consequences. Lahat ng kalokohan, kahit gaano pa kalaki o kaliit, may kabayaran. Tama man 'yon o mali, para man 'yon sa mabuti o masama, may kaakibat 'yan na parusa. Masuwerte siya kung hindi siya nahuli. Malas niya kung may nakapagsumbong sa kanya.
Ever since I met him, he had been using unorthodox methods and cunning tricks to get the job done. Ako mismo'y naging biktima ng katusuhan niya noong secret admirer case. Ilang beses din siyang nakalusot, ilang beses din niyang natakasan ang accountability. Pero sa pagkakataong ito, hindi na siya nakatakas pa.
Maaga siyang ipinatawag sa Office of Student Affairs matapos nai-report ang ginawa niyang kalokohan kahapon sa White Hostel. May isang estudyante pala na nakakita nang pindutin niya ang fire alarm button. Dahil doon, gumawa siya ng gulo at nag-panic ang mga tenant. Sabi nga niya, he created chaos to lure the target out. Wala siyang pakialam kung may masaktan o mapuruhan, basta makuha niya ang kanyang gusto. Little did he know, the stuff he did not care about would haunt him later on.
Truth be told, he had it coming.
Absent ang teacher namin sa Oral Communication at nag-iwan ng seatwork. Sobrang ingay sa classroom dahil sa mga tsismis kaya hindi ako nakapag-concentrate. Isa sa pasimuno si Rosetta na katabi ko pa man din. They left me with no other choice kundi lumabas. Tumambay muna ako sa clubroom at doon ko na in-accomplish ang seatwork. Thirty minutes past ten o'clock nang nakabalik si Loki, pasipol-sipol pa at pa-relax-relax.
"Kumusta?" tanong ko sabay baba ng aking pen.
"The OSA has decided to suspend me for a week because of the ruckus." Umupo siya sa monobloc chair na pumalit sa favorite niyang swivel chair. There was not a hint of regret on his face. "But it won't push through anymore. How, you ask? My brother waved his wand and I got my suspension lifted."
Him mentioning his brother reminded me of what Luthor said yesterday. Kahit sa guni-guni, ramdam ko kung gaano kalamig ang boses niya. Muntik na akong kilabutan.
"This is only a hunch. Loki might use you as a bait to lure out M, like a cheese on a mouse trap."
There was no doubt in my mind that the possibility existed. Aware na ako kung ano ang mga kayang gawin ni Loki kaya hindi malayo sa imposible na gagamitin niya akong pain. But for some reason, my instinct told me to trust him and his innate goodness. He could be a bit unconventional and manipulative, but I got a feeling that he had his limits.
"Are you unhappy that my suspension won't push through?" Iniunat niya ang kanyang mga braso habang nakatingin sa akin. "Or are you just silently expressing your joy that I'll still be here?"
"Hindi ko ma-imagine kung paano ang clubroom kapag na-suspend ka." Mariin akong umiling. "Hindi ko kayang mag-accept ng clients at i-solve nang mag-isa ang kanilang cases."
"Suspended or not, I'd still be in this clubroom. I won't be allowed to attend my classes, but I can still manage club affairs. Frankly, I prefer being suspended so I won't have to pretend to listen to my boring instructors."
Sa tono niya, parang mas gugustuhin pa niyang maparusahan kaysa pumasok. Ang weird talaga niya.
"Sana naman, kahit paano, may natutuhan ka sa nangyari," sabi ko. "Dapat magpasalamat ka rin sa kuya mo. Kung 'di dahil sa kanya, baka hindi ka muna makapapasok dito."
"Why should I?" may pagyayabang niyang tugon. "The student council, through him, asked for our help. It's their duty to cover our asses. He should be the one thanking us, not the other way around."
Napaisip tuloy ako kung kumusta ang childhood ng dalawang ito. Loki was hostile toward his brother while Luthor was calm and composed kahit na ano pang pinagsasabi ng kapatid niya. Sapat na ang kanilang interaction kahapon para makapag-conclude ako.
"By the way, did you know that my brother's so-called friend who's being blackmailed is one of the student council officers?"
"Talaga?" Hindi ako gano'n nagulat kasi parang expected na. Mismong ang vice president na ang lumapit sa amin. Ibig sabihin, sobrang sensitive na ng sitwasyon. Paniguradong damaging sa reputasyon ng student leader na 'yon sakaling kumalat ang mga retrato na magdudulot ng scandal sa campus. Pero hindi na niya kailangang mag-alala pa. The QED Club saved the day.
"You'll also be surprised to know that Charles Meliton is connected to a problem brought to us by another client," dugtong ni Loki. "Do you remember that poor girl who wore a skirt which was some inches above her knees?"
Inalala ko kung sino sa clients namin ang fit sa ibinigay niyang description. One name and face came to mind. "Madonna Barcelon? 'Yong tinraydor ng kaibigan niya? Paano naging konektado ang dalawang case?"
"Charles was the one who blackmailed Donna's friend to feed him embarrassing information about our ex-client," paliwanag ni Loki habang pinipilit na gawing rocking chair ang upuan niya. "He was asked to dig up some dirt on her in exchange for the embarrassing photographs of the student council officer. He got them from an anonymous source."
Nahinto ako sa pagsusulat at naningkit ang mga mata sa kanya. And the plot thickened. "So there's another party involved in that case?"
"Charles doesn't know the identity of the anonymous source. They only communicated online. The mysterious source sent the photos to him through a dummy e-mail."
If what he said was true, we barely scratched the surface of two intertwined mysteries. Masyadong coincidence na may thread palang nagkokonekta sa dalawang magkahiwalay na case na sinolusyunan namin.
Magtatanong pa sana ako, pero may biglang kumatok at nagbukas sa pinto. Pumasok ang isang babae na hanggang tainga ang haba ng buhok at may suot na bilog na salamin. Sinubukan kong mag-come up ng deductions sa itsura at kilos niya. Base sa mahinang pagkatok niya kanina at pagdadalawang-isip na pumasok, mukhang mahiyain ang bagong dating naming client.
"N-Nakaiistorbo ba ako?" Parang bumubulong siya kung magsalita. "K-Kung busy kayo, babalik na lang ako mamaya."
"Wala naman kaming ginagawa o pinagkakaabalahan ngayon." Ngumiti ako sa kanya sabay sara ng notebook ko. My hand motioned to the chair beside me. "Please have a seat! We're here to listen to what you have to say."
Dahan-dahan siyang lumapit sa monobloc chair, iniangat 'yon para hindi lumikha ng kaluskos, at mahinhing umupo.
"Ano'ng maitutulong namin sa 'yo?" tanong ko nang comfortable na siya sa upuan. Pinilit kong panatilihin ang smile ko sa kanya para maging relaxed siya.
"Kasi . . ." Napatingin muna siya sa sahig, napakapit ang mga kamay sa mga tuhod niya bago lumakas ang loob na harapin kami. "Nawawala kasi ang classmate ko. Sigurado akong kilala n'yo siya dahil minsan na siyang humingi ng tulong sa inyo."
"Marami na kaming natulungan dito. Sino 'yang tinutukoy mo?"
"Si Madonna Barcelon."
Nagpalitan kami ng tingin ni Loki, lumalim ang pagkunot ng noo ko. Kani-kanina pa lang ay pinag-usapan namin siya. Ngayon, mukhang sangkot na naman siya sa isang case.
"Magkaklase kasi kami ni Madonna at dormmates pa," nahihiyang kuwento ng babae. "Mag-aalas-singko kahapon nang pinuntuhan ko siya sa Repertory Club para humiram ng susi sa dorm namin. Nakalimutan ko kasi 'yong sa akin sa loob. Ang sabi niya, bandang alas-siyete na siya makauuwi dahil kailangan pa niyang ayusin ang props na gagamitin para sa rehearsal ngayong araw. Hinintay ko siya hanggang ten o'clock, pero hindi siya umuwi sa dorm."
"Because of that, you've already concluded she's missing?" Sumandal si Loki sa upuan, tila natatawa. "Maybe she went to one of her suitors. We've learned from her story before that she likes hooking up with other guys."
Mukhang napahiya ang client, baka naisip niyang nagkamali siya ng desisyon na pumunta sa amin. Itong si Loki talaga. Kapag hindi ako nakapagtimpi, bubusalan ko na ang bibig niya.
"Pero . . . hindi kasi siya pumasok sa klase kanina." Mabuti't nagpatuloy sa pagkukuwento ang babae. "Ilang beses kong tinawagan ang phone niya, kaso out of coverage area. Tinanong ko rin ang mga lalaking posible niyang pinuntahan kagabi. Hindi raw nila nakita at hindi raw sila kinontak ni Madonna."
"Maybe someone saw her leave the campus?" I asked.
Umiling siya. "Ipinakita ko na rin sa guard na nagbabantay sa entrance ang picture niya para itanong kung may napansin siyang kasama ni Madonna. Pero ni hindi man lang daw niya napansin na lumabas ang kaibigan ko."
Ramdam ko sa boses niya ang labis na pag-aalala. Kung lagi silang magkasama mula dorm hanggang classroom, they would have formed a strong bond that was beyond being dormmates and classmates.
"Ini-report ko na rin 'to sa campus police," dagdag niya. "Kaso hindi pa raw mako-consider na missing person case ito dahil wala pang bente-kuwatro oras mula nang mawala si Madonna."
Lumingon ako kay Loki, hoping na meron siyang input. "Ano sa tingin mo?"
"You're asking for my opinion? Well, I'm not interested in this one." Biglang tumayo si Loki at nagpukol ng nababagot na tingin sa client namin. "I think your case is not worth our time. Maybe your friend went somewhere and forgot that she has classes today. Once it's confirmed that she's really missing, you can return to us or leave this case to the campus police. You may go."
How rude of him! Porke't hindi niya gusto ang problemang i-p-in-resent sa kanya, basta-basta niya paaalisin ang client? Dapat kunin muna niya ang lahat ng detalye bago siya mag-decide.
Hinawakan ko ang mga kamay ng babae na nakapatong sa mesa. She needed comfort and reassurance. I heard Loki snort. "Sigurado ka ba na wala siyang ibang pinuntahan kahapon? Talaga bang malakas ang kutob mo na nawawala o may nangyari sa kanya?"
Halos maiyak na ang babae, halatang pinipigilan ang pagtulo ng mga luha niya. "Kung may balak siyang puntahan o biglaang lakad, lagi niya akong mine-message o tinatawagan. Dahil hindi niya ako tinext o tinawagan kahapon, baka nga . . . baka nga may nangyari sa kanya. Malakas din ang kutob ko na dito mismo sa campus may nangyari sa kanya."
"Lorelei, this is not worth our time," hirit ni Loki. "She might be overthinking about her friend. For all we know, she's safe and sound somewhere."
"If you think that Madonna's not missing, let's prove it to her so we can put her mind at ease," kontra ko. "That's what this club does, right? We help people."
"Actually, we only solve cas—"
"—which has the same essence as helping people."
Ilang segundo rin kaming nagkatitigan ni Loki. Hindi nilubayan ng mga seryoso kong mata ang sa kanya na nanatiling kalmado at walang pakialam. Sa bandang huli, ako ang nanalo nang tumingin siya palayo.
"Very well. We will prove to—Wait, what's your name, miss?"
"Geneva."
"We'll prove to Geneva that her friend isn't missing and that she shouldn't be worried about her."
Mabuti't nagbago ang isip niya. "Paano natin mapatutunayan 'yan?"
"First, we need to disprove her claim that something happened to Madonna while inside the campus premises." Inilabas ni Loki ang phone niya at may i-d-in-ial na number. "There's only one entrance and exit in the high school building, and there's a security camera installed there to monitor who is coming and going."
"Pwede ba nating i-check ang mga footage?"
"Fortunately, I have contacts in the Office of Campus Security. They owe me a huge favor. We can ask them to show us the security footage yesterday and check if Madonna left the school building."
Matapos niyang tawagan kung sinuman ang contact niya, agad kaming lumabas ng clubroom at bumaba kasama si Geneva sa ground floor. Nasa bandang dulo ng hallway matatagpuan ang security office. Pagpasok namin, binati kami ng isa sa mga personnel nito at inihatid sa monitoring room.
Mukhang malakas talaga si Loki sa ilang school authorities. Una, kay Inspector Estrada ng campus police. Ngayon, sa head ng security office. Masuwerte kami dahil nagamit namin ang connections niya para magkaroon ng access sa mga tao at facility na makatutulong sa pag-solve ng cases.
"When was the last time you saw your friend?" tanong ni Loki kay Geneva. Nakatayo kaming tatlo sa likod ng lalaking security personnel na nakaupo sa swivel chair, nakaharap sa malaking monitor at pina-fastforward ang CCTV footage kahapon.
"Bandang quarter to five yata."
F-in-astforward sa 4:45 p.m. ang oras sa footage. Karamihan sa mga estudyanteng dumaraan ay papalabas ng high school building. Bandang 4:55 p.m. nang pumasok sa frame si Geneva at nagtungo sa exit kasama ang iba pang mga estudyante.
Binilisan ng staff ang pag-play ng footage dahil nakaaantok panoorin ang mabagal na paglalakad ng mga estudyante. Tutok na tutok si Geneva sa monitor, sinusuri ng mga mata ang bawat taong pumapasok sa frame. Maging ako'y nakihanap na rin sa mukha ni Madonna.
From 6:00 p.m. onward, mabibilang sa daliri ang mga estudyanteng lumabas. Karamihan sa kanila'y mga lalaki na nagte-train para sa CAT program. Pagpatak ng 7:00 p.m., umalis ang naka-duty na guard sa kanyang desk. Mahigit thirty minutes din bago siya nakabalik. Sa loob ng kalahating oras, walang lumabas ng building.
Sumimangot si Geneva at lumingon sa aming dalawa ni Loki. Dumoble na siguro ang pagkabahala niya sa kaibigan. "Sabi ko na nga ba, hindi siya lumabas ng school building."
"You've probably missed it," sagot ng kasama ko. "It isn't easy to identify a person who has no uniquely distinguishable features in a crowd. Can we rewatch the footage?"
Inulit ng security personnel ang pag-play ng video. Sa pagkakataong ito, pareho na kaming nakatutok ni Loki sa screen. Kahit na dalawang beses pa lang kami nagkita ni Madonna, familiar ako sa itsura niya, haba ng buhok niya at paano siya maglakad.
Muling natapos ang panonood namin ng footage. Pero ni anino ni Madonna, hindi namin napansin. Strange. Posible nga kayang nawawala siya?
"Wala bang ibang exit dito?" tanong ko. "Baka doon dumaan si Madonna kung umalis man siya?"
Umiling ang security personnel. "Wala po, ma'am. Talagang iisang entrance at exit ang meron tayo rito."
Makaaalis lang si Madonna nang hindi dumaraan sa main exit kung kaya niyang mag-teleport o kung may nahanap siyang secret tunnel palabas ng campus.
Itinuro ni Loki ang lalaking nakaupo sa desk na nasa frame bandang 7:14 p.m. "The guard in the video, is he on duty today?"
"Oo, si Muldong. Siya ang naka-duty ngayong linggo."
Sumenyas si Loki sa akin at naunang lumabas ng monitoring room. Sumunod ako sa kanya kasama si Geneva.
"Ano? Naniniwala ka pa rin bang hindi ito missing person case?" tanong ko habang naglalakad kami sa hallway. "Nakita mo mismo ang footage. Imposibleng basta-bastang nawala si Madonna."
"I'm more thrilled now than before that a seemingly boring case has turned into an engaging one. If your friend didn't leave the building, then she was probably brought to one of the rooms and killed there. This will turn into a missing corpse case!"
Ramdam ko ang excitement niyang malaman kung ano'ng nangyari kay Madonna. Pero hindi ito ang tamang moment para ipaalam kung gaano siya ka-excited! Lumingon ako kay Geneva, magkahalong kalungkutan at pagkabahala ang nakapinta sa mukha niya.
"Loki, timing!"
Nakarating kami sa guard desk ng building entrance kung saan nakaistasyon ang kayumanggi, mataba at pandak na lalaking nakasuot ng security guard's uniform. Nahuli namin siyang naglalaro ng mobile game habang pasulyap-sulyap sa mga estudyanteng dumaraan.
"Excuse me," bati ni Loki. "We wanna ask if you saw a female student with curly hair who might have exited this building between four to five in the afternoon yesterday?"
Mabilis na itinago ng guard ang phone niya, muntik nang mahulog mula sa upuan. "Pasensiya na. Maraming kulot na babaeng dumaraan dito kaya hindi ko matandaan kung sino 'yang tinutukoy n'yo. Baka may picture kayo na dala riyan? Baka mamukhaan ko siya."
Inilabas ni Geneva ang kanyang phone at ipinakita sa guard ang naka-flash na photo. "Kuya, ako 'yong nagtanong sa 'yo kanina. Iko-confirm sana namin kung talagang hindi n'yo siya nakitang dumaan dito."
Naningkit ang mga mata ng guard habang pinagmamasdan ang retrato. Makalipas ang ilang segundo, umiling siya. "Imposibleng hindi ko mapansin ang ganyan kagandang babae. Medyo matalas kasi ang memorya ko sa magaganda ang mukha."
"Gano'n po ba . . ." dismayadong bulong ni Geneva, muling ibinulsa ang kanyang phone. Hinaplos ko ang likod niya para i-console siya kahit paano. Habang patagal nang patagal, parang nawawalan na siya ng pag-asa na may good news kaming maaasahan.
"Uso ba ngayon ang mga nawawalang estudyante rito sa campus?" nagtatakang tanong ng guard. "Pumunta rin dito kanina ang ilang campus police officers, tinatanong kung may nakita akong dalawang estudyante, parehong babae, na lumabas ng building noong Lunes at Martes. Nakita ko silang pumasok noong umaga pero hindi noong hapon. Ipina-check ko sa kanila 'yong footage sa security office, baka may makita sila roon."
"May iba pa pong estudyante na nawawala?" C-in-onfirm ko kung tama ang narinig namin. Napa-strange na coincidence naman n'on kung totoo.
Mabagal na tumango ang guard at puminta ang pagkadismaya sa mukha niya. "Sayang nga, eh. Magaganda at mukhang mababait pa naman sila. Sana'y makita na agad sila ng kanilang mga magulang."
Lumingon ako kay Loki. Nakatulala ang mga mata niya sa sahig, halos magdikit ang mga kilay at hindi gumalaw ang bibig. Mukhang nakuha na ng case na ito ang buong atensyon niya.
"Guard, I have two questions." Sabay na itinaas ni Loki ang kanyang hintuturo at hinlalato. "We saw you in the security footage while you were manning the desk. At seven o'clock, you left this desk and returned here half an hour later. Where did you go at that time?"
"Ah! Duty namin na siguraduhing wala na talagang estudyante sa mga room kaya chineck ko isa-isa mula rito sa ground floor hanggang sa rooftop." May halo pang pagtuturo ng batuta ang pagsagot niya. "Meron kasing insidente dati na may dalawang estudyanteng gumagawa na pala ng kalaswaan sa fifth floor."
"The room of the Repertory Club is on the fifth floor, right? When you were patrolling there, did you notice anything strange?"
"Hmm . . ." Napaangat ang tingin ng guard sa kisame at hinimas ang kanyang baba. "Sa pagkakatanda ko, naka-lock mula sa labas ang room noong dumaan ako. Wala naman akong nakita at narinig na kahit anong kakaiba roon."
"Next question. Do you always make rounds in the school building?"
"Dahil ako ang naka-duty ngayong linggo, kailangan kong gawin."
"And there's nothing strange that caught your attention? You didn't see, hear, smell, and feel anything suspicious?"
"Napansin kong sira ang lock ng isang room sa fourth floor kaya laging nakabukas ang pinto. Noong sinubukan kong isara, biglang bumukas ulit, dala siguro ng malakas na hangin. Kapag dumaraan ako sa anatomy room sa fifth floor, may naaamoy akong masangsang na talagang mapapatakip ka ng ilong, baka dahil sa mga cadaver. Minsan may mga naririnig akong yabag ng tao sa hallway na kapag chineck ko, wala naman pala."
Sapat na siguro ang mga nakuhang detalye ni Loki kaya itinigil na niya ang pagtatanong. Nauna na siya sa amin habang nagpasalamat ako sa security guard bago kami umakyat pabalik sa clubroom.
"Thank you for bringing this delightful mystery to our attention," sabi ni Loki nang nakarating kami sa hagdanan. I saw a glint of happiness in his eyes. Kanina, ayaw pa niyang tanggapin ang case. "We'll take it from here and start our investigation right away. We'll inform you once we have any discoveries in the case."
"S-Salamat," nahihiyang tugon ni Geneva, nasorpresa sa pagbabago ng isip ng kasama ko. Nagpaalam na siya't lumiko sa second floor.
Nagpatuloy kami ni Loki sa pag-akyat hanggang sa makatuntong kami sa third floor. Mabibilis ang mga yabag niya kaya kinailangan ko ring bilisan ang lakad ko.
"Three missing students!" bulalas ni Loki nang nakapasok na kami sa clubroom. Kaagad siyang umupo sa monobloc chair, inilabas ang phone niya at may i-d-in-ial na number. "Now it's time for us to reconcile our data with the campus police. I hope Inspector Estrada has something to offer. They're aware about this string of disappearances anyway."
Hindi ko muna siya inistorbo habang kausap niya sa telepono ang chief ng campus police. Binuksan ko ang aking notebook sa Oral Communication at isinulat sa page nito sa likod ang ilang detalye ng case.
Girl 1 (went missing on Tuesday)
Girl 2 (went missing on Wednesday)
Madonna Barcelon (went missing on Thursday)
Kung hanggang ngayo'y hindi pa rin natatagpuan o nagpapakita ang unang dalawang babae, baka connected ang magkakahiwalay na insidenteng ito sa isa't isa? Baka may isang tao o isang grupo na nasa likod n'on? Masyado namang coincidence na bawat araw ay may nawawalang estudyante.
Ang tanong na hindi pa namin masagot ay kung saan kaya sila pumunta o idinala? Sa ngayon, si Madonna pa lang ang confirmed na hindi umalis ng school building, kung paniniwalaan namin ang sinabi ng guard at ang ipinakita ng CCTV footage. Kung parehong hindi rin nakalabas ang dalawa pang babae, saan kaya sila itinago sa gusali na ito? Meron bang secret room o secret passage kung saan sila itinatago?
Paulit-ulit kong binilog ang pangalan ni Madonna habang iniisip ang mga posibilidad. Compared sa dalawang murder case na na-solve namin, mas napaiisip ako ngayon lalo na't wala pa kaming kahit isang suspek na pwedeng i-observe o i-monitor.
Sabay na umangat ang mga balikat ko nang narinig ang boses ni Loki. Katatapos lang ng call niya. "Mylene Canlas and Michelle de Guzman. Those are the names of the two other girls. Their parents reported them as missing persons on Tuesday and Wednesday respectively, twenty-four hours after they didn't come home. The police viewed the security footage taken on Monday and Tuesday afternoon to confirm if the two girls left the school building. However, like our search earlier, their effort was in vain."
"So they were last seen on campus . . . and something untoward might have happened to them?" Pinalitan ko ang Girl 1 at Girl 2 ng buong pangalan nina Mylene at Michelle. "Gaya ng kutob ni Geneva kay Madonna?"
Sumandal si Loki sa upuan at tumingala sa kisame. "The police searched the campus yesterday, but they found no corpse or traces that can confirm if either or both are dead. The chances of a kidnap for ransom are slim as the parents haven't received a call from the kidnappers. On the other hand, the probability of murder is high. But if they were killed here, where are the corpses?"
Tinitigan ko ang tatlong pangalan sa aking notebook. Dahan-dahang nanlaki ang mga mata ko nang may na-realize ako. "Posible kayang serial killing ang nangyari? Napansin ko kasi na ang initials ng first names nila—Mylene, Michelle at Madonna—ay nagsisimula sa M. 'Tapos nawala rin sila nang parang magic. Coincidence lang ba o hindi?"
Nanlaki rin ang mga mata ni Loki matapos na-realize ang connection na p-in-oint out ko. He put his elbows on the table, steepled his fingers, and leaned forward. Parang tulala ang tingin niya. "Maybe you're right, Lorelei. The person behind these incidents must have used magic to make them disappear."
My brows furrowed as I stared at him in disbelief. "Seriously? You're considering that possibility?"
Bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. Kinuha niya ang notebook at pen ko nang hindi man nagpapaalam. Pumunit siya ng isang page at nagsulat doon.
"There's another case that may be connected to this one." His tone became more serious. "Remember the chemistry lab murder case? Inspector Estrada told me that the stolen chemical compound from the lab was sodium hydroxide. At first, I was clueless as to why someone would steal it. Then I realized that it could make the disappearances happen as if by magic."
Sorry, but I was not a chemistry geek. "Ano ba'ng ginagawa n'on?"
"It's used as a drain cleaner. You can pour that chemical down the drain to remove human hair stuck underneath," paliwanag ni Loki. "That chemical can also be used to melt bodies. Human bodies. Give it a few hours and it will leave no trace of the body except for teeth and nails which can't be dissolved by it."
Napatakip ako ng bibig, halos nalaglag ang panga ko. "K-Kung gano'n, posibleng silang tatlo ay . . ." Hindi ko na naituloy ang gusto kong sabihin, pero mukhang nakuha naman niya ang punto ko.
His lips curled into a wide grin. Bakit gano'n ang reaksyon niya? Wala siyang dapat ikatuwa sa sinapit ng mga biktima.
"Guess who may be behind all these intertwined mysteries? Someone who asked Genesis to steal bottles of sodium hydroxide from the chemistry lab. Someone who was disappointed that Madonna Barcelon's image wasn't totally ruined by her dirty secrets. Someone who decided to use a brutal but clean method to dispose of a person whom he deemed to be a nuisance."
"M!" bulalas ko sabay tingin kay Loki. Ngayo'y gets ko na kung bakit pangiti-ngiti siya.
May diin ang pagtango niya sa akin. "Judging by how clean these incidents are—no pun intended—he can be the only one behind it. But I don't believe in perfect crimes because those who commit them are humans, prone to errors and imperfections. He might have committed some sort of mistake along the way that would lead us to him."
"A-Are you okay?" agad kong tanong. M murdered Rhea, so knowing that mysterious man was involved in this case might have some effect on him.
"I'm okay! More than okay!" sagot niya. Sinungaling. Hindi siya totally okay. Mukha siyang balisa, parang hindi siya mapakali. "I've never been this thrilled to solve a case. Maybe he deliberately chose victims whose initials start with the letter M to challenge me. Maybe that's just a coincidence. Either way, I can feel his presence reeking of malice. This may well be the case that will allow us to bring him to justice once and for all."
As much as I wanted to help him uncover more of M's tracks, my time in the clubroom was over. Kinailangan ko nang bumalik sa classroom namin para sa Earth and Life Science subject. Nagpaiwan si Loki roon, wala yata siyang balak pumasok sa klase niya. Mas importante pa raw sa kanya ang ma-solve ang case na ito kaysa makinig sa boring class discussions.
Pagsapit ng lunchtime, hindi ako nakakain. Nawalan ako ng appetite matapos malaman kung ano ang posibleng sinapit ng tatlong nawawalang babae. Muntik pa nga akong masuka. Nagtaka nga si Rosetta kung bakit wala akong gana. Ang sagot ko sa kanya, nagda-diet ako.
Lumutang din ang focus ko sa afternoon period namin. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang case. I felt a sudden urge to solve this and make sure—in case they were really dead— that justice would be served. Pero may part sa sarili ko na umaasang buhay pa sila.
Nag-ring ang school bell eksaktong four o'clock. Dumeretso ako sa QED clubroom para malaman kung may updates na sa case. Bumungad sa akin si Loki na nakaharap sa wall kung saan nakadikit ang ilang retrato ng mga nawawalang estudyante at sticky notes.
"Have any breakthrough?" Tiningnan ko ang inosenteng mukha ng dalawa pang biktima na ngayon ko pa lang nakita. Gaya ng sinabi ng on-duty guard, magaganda nga sila at mukhang mababait pa.
"Did you know that Mylene and Michelle were last seen on campus around five in the afternoon?" Itinuro ni Loki ang sticky note kung saan nakasulat ang nasabing oras. "Mylene's classmates, who last spotted her in Room 205, told me that she's doing decorations for their classroom. Meanwhile, Michelle's clubmates, who last spotted her in the English clubroom, said she was left alone to finish the posters to be used for recruitment."
"Parang si Madonna na nasa Repertory clubroom para ayusin ang props na gagamitin sana ngayon," bulong ko habang nakatitig sa retrato niya.
"I looked for any traces of blood in their respective rooms, but there's none. My hunch tells me that they were abducted there, and then brought to another place. The culprit killed them, poured sodium hydroxide on them, and voila! They vanished magically."
Instead of attending his classes, buong hapon siyang naghanap ng clues. I admired his dedication to close this case.
"There isn't a single security camera installed on every floor except in the entrance hall. Thus there was no way for us to determine the culprit's physical attributes. The only thing I know about him is that he has considerable knowledge in chemistry and has a twisted sense of killing people."
"Sh-in-are mo na ba kay Inspector Estrada ang mga nalaman mo?"
"If the man behind this case is M—and I can feel that he is—there's no need to tell the inspector yet." He sounded excited and agitated at the same time. Dahil sa sobrang hyper niya, hindi siya mapakali. "M is mine. The police can have their killer once I'm done exacting my revenge on him."
"Are you planning to . . . do him harm?" Hindi ko agad nahanap ang tamang word. I just hoped na wala siyang balak na patayin ang taong 'yon. "Para maging patas kayo?"
Seryoso ang titig niya sa akin. "What I'd do to him will depend on his answers once I catch him. Doing him harm or something more serious is not off the table. An eye for an eye and a tooth for a tooth, I guess?"
Alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay. He lost his only friend. Understandable ang pain at grief niya. Pero hindi 'yon sapat na dahilan para gantihan kung sinuman ang nagkasala sa kanya. Gusto ko sanang sabihin 'yon, but I feared that my words would only fall on deaf ears. Mukha siyang determinado.
"Now, there are some questions that need to be answered." Muli niyang ibinaling ang tingin sa mga retrato. "First, how did the culprit manage to get inside the rooms without alarming the victims? If someone looking suspicious were to enter our clubroom, what would you do?"
"Susubukan kong umalis o takbo palabas," sagot ko. "Kung hindi ako makatakbo, sisigaw at hihingi ako ng tulong."
"Right. But when I asked the guard earlier if he had heard anything around the time that the victims were assumingly being killed, he said none. Starting around five o'clock, the entire campus went silent."
"Kagaya ba 'to ng White Hostel case kung saan kilala ng biktima ang salarin kaya siya pinapasok nito?"
"Possible, but unlikely." He shook his head. "The three victims don't have a solid connection except for the fact that they were last seen on campus around five o'clock. They don't belong in the same year or section, so there's a slim chance they have common friends. Whoever the culprit is, he's someone you won't suspect the moment he knocks on your door."
Maliban sa mga kaibigan natin, sino pa ba'ng mapagkakatiwalaan dito sa school? Sino ang papapasukin natin sa classroom o clubroom nang hindi natin agad maiisip na may masama siyang balak? Paulit-ulit kong itinanong 'yan sa sarili ko, umaasang may sagot na biglang susulpot.
"Next question: How did the culprit transport the victims' bodies from the rooms to his killing area without anyone noticing?" Naglakad-lakad siya harap ng wall na may mga retrato. Sinundan ko siya ng tingin kaya muntik na akong mahilo sa kanya. "It's too risky if he carried them in his arms. Students could have spotted him in the hallway or on the stairs."
"Baka inilagay niya ang mga katawan sa malaking lalagyan?" Naalala ko ang housekeeper na kumausap at ngumiti pa sa 'kin bago tinakpan ang bibig ko ng panyong may pampatulog. "Nang ipinadukot ako ng kuya mo, ipinasok yata nila ako sa malaking kahon at dinala sa costume room kaya walang nakapansin."
"Possible." Napahawak sa chin si Loki at saka marahang tumango. "I still have one question, but only the guard can answer it. Do you mind if I leave you for a while?"
"Sige, basta bilisan mo."
Nagmadaling lumabas ng clubroom si Loki at iniwan akong mag-isa rito. Muli kong tiningnan ang mga retratong nakadikit sa pader, baka sakaling may ideyang mag-pop sa isip ko. Compared to our first case, masyadong malawak ang scope ng serial disappearances investigation na ito. Sa dinami-rami ng mga tao sa high school building, hindi magiging madali ang pag-track down sa salarin.
Lumipas ang fifteen minutes, pero hindi pa rin bumabalik si Loki. Mukhang napahaba ang pagtatanong niya sa guard o baka may sinundan siyang ibang lead nang hindi ako ini-inform. Kung mas maraming impormasyon siyang makakalap, mas mabuti para sa imbestigasyon namin.
Ilang sandali pa ang dumaan, lumikha ng kaluskos ang pinto na bumukas.
"O, ang tagal mo yata sa baba? May nakuha ka bang bagong imporma—"
"Ay, pasensiya na, ma'am! Housekeeping services po." Isang lalaking may katangkaran na nakasuot ng kulay puting uniporme ng housekeepers ang pumasok sa clubroom. May dala-dala siyang trolley kung saan nakapatong ang isang malaking drum na posibleng naglalaman ng mga naipon niyang basura.
Tuwing hapon, may dumaraang housekeeper sa clubroom namin para i-collect ang basura. Hinayaan ko siyang pumasok sa loob at kunin ang laman ng trash bin. Teka, bakit parang familiar ang mukha niya? I must have seen him somewhere, pero hindi ko ma-recall kung saan.
"Kuya, excuse me? Nagkita na ba tay—"
Bigla niyang tinakpan ang ilong at bibig ko ng panyo na may kakaibang amoy. Nang malapitan ko siyang natitigan sa mukha, doon ko na naalala kung saan ko nakita ang payat at matangkad na lalaking ito.
He's John Bautista, one of the suspects in the chemistry lab case!
Sinubukan kong magpumiglas, sinubukan kong tumakas, pero masyado siyang malakas para sa akin. He overpowered me too easily. Lalo pa akong nanghina dahil sa nakahihilong amoy ng panyo.
Lumabo ang paningin ko at unti-unting sumara ang aking mga mata. Tuluyan akong nahimbing sa kadiliman.
q.e.d.
Project LOKI Volume 1 (Collector's Edition) is still available on PSICOM Publishing's Shopee and Lazada stores for only ₱650. The package includes (1) book with author's signature, (2) bookmarks, (2) postcards, (2) sticker pads, and (1) magnetic bookmark.
Get in touch with AKOSIIBARRA (R.C. MUSNI) on social media:
Facebook: Cris Ibarra / Akosiibarra
Twitter: @akosiibarraWP
Instagram: @akosiibarraWP
Tiktok: @akosiibarraWP
YouTube: @akosiibarra
Like or follow Project LOKI on social media:
Facebook: Project LOKI
Twitter: @TeamProjectLOKI
Join the official group for AKOSIIBARRA and Project LOKI readers on Facebook:
www.facebook.com/groups/theqedclub or The Q.E.D. Club (Project LOKI)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro