Chapter 05: Partners in Crime
AUTHOR'S NOTE: This is the updated 2022 version of Chapter 05. If you are re-reading this part, you may observe some changes from the previous version.
CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains depictions of and references to death and gore that may be upsetting for some readers. Please be mindful of these sensitive themes and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.
LORELEI
I GAVE my decision a lot of thought. Buong gabi at hanggang umaga, walang laman ang isip ko kung hindi 'yon. Hindi na nga ako nakapag-concentrate sa pagbabasa ng notes ko at sa pag-accomplish ng assignments namin. Pag-ring ng school bell at pagka-dismiss ng morning period, I went up to the third floor kung saan matatagpuan ang clubroom ni Loki sa Room 315.
My mind was finally made up. I would join the QED Club.
Just to clarify: Hindi ako sasali dahil natakot ako sa posibleng gawin niya sa hawak niyang unflattering photo ko. He was right about one thing. I hated breaking promises and I hated walking back on my word. My conscience could not bear the weight of it. Gagawin ko ito para sa sarili ko, hindi para sa kanya. Para sa ikatatahimik ng konsensya ko, pagbibigyan ko na ang hinhingi niyang favor.
Huminga muna ako nang malalim bago ko kinatok at binuksan ang pinto. Inasahan kong madaratnan ko siya sa loob na nakaupo, nakapatong ang mga siko sa mesa at nakadikit ang mga daliri habang pinanonood na maubos ang buhangin sa upper bulb ng isang hourglass. Pagpasok ko, ang tanging nakita ko ay mga papel sa mesa at ang nakabukas niyang laptop.
Tiningnan ko ang bawat sulok ng clubroom pati ang ilalim ng mesa at ang bookshelf. Baka may naisip na naman siyang prank para sa akin. He would either surprise or scare me with whatever trick was up his sleeves. Mabuti't wala akong nakitang bakas niya rito. I was safe from any surprises that he might have in store.
While waiting for him to return, I sat on the monobloc chair closest to his. Nakalimutan niya ba'ng may inaasahan siyang applicant ngayong lunchtime? O baka may humingi ng tulong niya kaya wala siya ngayon?
Mukhang malabo 'yon. Kung may pinuntahan siyang importante, hindi niya iiwan dito ang laptop at hindi niya iiwan ang clubroom nang hindi naka-lock ang pinto. Somebody might steal his gadget if he left it unattended.
Speaking of laptop, I became curious as to what was being displayed on its screen. Noong una'y pasulyap-sulyap pa ako. Remember? Nagalit ako sa kanya kasi sumilip siya sa message ko. Ayaw ko sanang gawin 'yon sa kanya. Pero hindi ako nakatiis kaya tuluyan ko nang ch-in-eck ang naka-flash doon. Baka may malaman pa ako tungkol sa mysterious kong roommate at soon-to-be clubmate.
He was obviously typing an email before he left this room. The message was addressed to someone named "Rhea." Mahaba na ang naisulat niya at mukhang ready na niyang i-send. Mabilisan kong binasa ang nilalaman nito. Baka kasi bigla na siyang bumalik at mahuli niya akong nakikiusyoso sa ginagawa niya.
To: Rhea ([email protected])
Subject: Just checking on you
Message:
How are you doing?
It's been three weeks since I sent my last e-mail to you. You haven't got back to me yet. It's either you're too busy to check or you don't open your e-mail as regularly as I do.
In any case, I'm writing to express how the status quo bores me. Without you, this world lacks the colors it once had when you were around. It's become dull and monotonous. I wonder how long I can endure the mundane.
Of all the people who know me, you have the most awareness of how much I abhor the dismal routine of existence. Everything's so ordinary, everyone's so boring, everything's so gray. I've been looking for an added tinge of color in my life, but it has always escaped my grasp ever since you left.
You'll surely agree with me if I say that I need to find a distraction, an escape from this repetitive and depressing reality. If you were only here, it would still be a lotta fun and challenging. I always find your opposition to my views thought-provoking.
Now, I'm in constant pursuit of diversion to keep my mind stimulated and my monsters at bay. It may be an endless chase—and I don't know if it's a worthwhile quest—but this is the best alternative I've got so far.
I look forward to hearing your stories. Please get back to me as soon as you can.
Napasimangot ako nang matapos ko na. Reading the email disproved the idea that he was friendless. All along, I thought na pinanindigan talaga ang kanyang "friends are excess baggage" perspective. Whoever this Rhea was, mukhang importante siya kay Loki base sa tono ng kanyang message. I sensed some yearning in his choice of words. These two must be quite close.
"Your curiosity will have you killed."
Halos mapatalon ako sa upuan nang binulungan niya ako mula sa likod. Dahil masyadong naka-focus ang atensyon ko sa laptop, hindi ko narinig ang mga yabag ng sapatos niya o ang pagkaluskos ng pinto. Pwede ring may supernatural powers siya at kaya niyang mag-teleport o mag-walk through walls.
"I don't remember giving you permission to read my personal correspondence." Isinara muna niya kanyang laptop bago siya kumuha ng papel na nakaipit sa isang librong sa bookshelf. "That's a clear invasion of privacy."
"Yeah, right." I remembered something from what he said. "That's a bit rich coming from someone who peeked at my messages while I was reading them and who went into my room to take a photo of me without my express permission."
Hindi niya sinagot ang patutsada ko. Wala siyang ma-rebutt. Iniabot na niya sa akin ang club membership application form. "I gather that you've come all the way here to be part of my club, so you may now fill out that form."
Ilang segundo ko ring tinitigan ang mga nakasulat sa papel. Kapag na-accomplish ko na ito at naibigay na sa kanya, there would be no more takebacks. Nakatali na ako sa kanya at sa kanyang club. Sandali kong ipinikit ang aking mga mata at huminga nang malalim. Pagkamulat, inilabas ko na ang aking pen at sinimulang sagutan 'yon.
Like any other form, it asked for the usual details: name, grade and section, age, complete address, contact details, et cetera. There were also two questions at the bottom half of the page: "Why do you want to join the club?" and "What can you contribute to the club?" May dalawang page din ng terms and conditions na hindi ko na pinagtiyagaang basahin.
"Ngayong member na ako ng QED Club, wala na akong utang o atraso sa 'yo," sabi ko matapos maipasa ang filled out form sa kanya. Parang nakahinga na rin ako nang maluwag. But this was just the beginning of my commitment.
"Consider us even." Matapos kunin at itago ang form, ipinakita niya sa akin ang kanyang phone kung saan naka-display ang retrato ko habang natutulog. "An an incentive, I'll delete this photo. A sign of good will, you may call it. No other copies were made. You have my word."
Hindi big deal sa akin kung i-keep niya o ikalat ang photo ko sa social media. Hindi nga tumalab noong sinubukan niya akong i-blackmail, 'di ba? But I guessed I would have to appreciate what he did. Wala na siyang magagamit laban sa akin kapag may bago siyang favor na gustong hingin.
"So . . . what should I do now?" tanong ko.
"Quick orientation. As club president, I'm mandated to do this to every new member," sagot niya sabay upo sa swivel chair. "The QED Club is the one and only detective club in Clark High. Its name is derived from the Latin phrase quod erat demonstrandum which, in English, means which was to be demonstrated. It's traditionally placed at the end of mathematical proofs and philosophical arguments to show that you've proved something that you wanted to prove."
Salamat sa brief lecture tungkol sa initialism. Mula nang marinig ko ang pangalan ng club na 'to, napaisip ako kung ano ang ibig sabihin ng tatlong letrang 'yon at kung bakit 'yon ang napili niyang ipangalan dito. Medyo gets ko na ang connection ng letters na QED at ng detective club niya.
"As for what you're supposed to do, it's pretty simple." Muli niyang binuksan ang kanyang laptop at nagsimulang mag-type doon. "Once we receive a request from a client, you're free to give your insights. But I want you to observe more and take note of the case details. Once it's solved, you'll write about it and post it on your blog."
Naningkit ang mga mata ko. "Gusto mo akong maging chronicler ng club?"
"You may see it that way." Saglit na umangat ang tingin niya sa akin. "The QED Club is not yet that famous, especially among freshmen and transferees. You must have heard about it from your classmate. Am I right? See? Your blog entries shall serve as testimonials on how good we are at solving cases. We can use it to advertise our club, boost our popularity, and attract more clients. As the vice president, you'll be in charge of media and public relations."
Teka, teka! Kailan ako naging club vice president? That was not what I signed up for.
"As the second member, by default, you're hereby appointed as my right-hand man. Woman, in your case," he explained even though I had not voiced out my protest. "For now, we'll wait for a client to come and tell us their story. Or if you don't have patience for waiting, you may have leave now. I'll message you once we have a case. Your contact number is in the form anyway."
Instead na maiwan ako rito sa clubroom kasama niya, nagpaalam ako kay Loki na kakain muna ng lunch at babalik kapag may free time ako. Sakto namang kumulo ang tiyan ko kaya kinailangan ko na ring bumaba sa cafeteria para kumain. Rosetta also sent me a message, asking me where I was or if I was going to eat with her.
I hoped that I did the right thing by signing up in his club.
HINDI KO namalayang one o'clock na pala pagkatapos kumain ng favorite kong pasta, ang go-to food ko kapag wala akong mapili sa choices sa cafeteria. May sira yata ang school bell kaya hindi 'yon tumunog ngayong lunch break. 'Yon ang ginagawa kong signal kapag oras na para umakyat. Pati ang ibang estudyanteng nasa cafeteria, pa-chill-chill pa na parang wala silang class ngayong hapon.
Nagmadali akong bumalik sa high school building. Our first subject for the afternoon period was Earth and Life Science. Saktong-saktong paakyat na ako ng hagdanan nang nakasalubong ko si Rosetta pati na ang iba kong classmates. We were on our way to the Science Laboratory. Doon daw ang lecture ng teacher namin.
"Balak naming mag-ghost hunting next week sa abandoned school building sa campus!" kuwento ni Rosetta habang paakyat kami. Ramdam ko ang excitement sa boses niya. Parang hindi na nga siya makapaghintay. "Gusto mo bang sumama sa amin, Lori?"
Umiling ako. "Sorry, pero hindi ako mahilig sa paranormal stuff e." At saka enough na ang fake paranormal encounters ko sa apartment kahapon. Hindi ko na kailangang actual na ma-feel ang presence ng mga multo.
"Sayang." A hint of disappointment crossed her face. Until now, I could not believe that she was into ghosts and otherworldly elements. "Kapag nagbago ang isip mo at naisipan mong sumama, sabihin mo sa 'kin, ha? I promise you na it's gonna be fun and thrilling!"
Our class gathered outside the Science Lab on the third floor. Nasa east wing ito habang ang QED clubroom ay nasa kabilang dulo ng west wing. Katabi nito ang iba pang science-related labs, gaya ng chemistry at physics laboratories. May ibang class din na naghihintay sa labas ng Chemistry Laboratory. Bulong ni Rosetta sa akin, STEM students daw.
Hinintay namin ang pagdating ni Ma'am Althea Vasco, ang instructor namin sa Earth and Life Science at ang taong may hawak ng susi. Nag-message siya sa class president namin at sinabing male-late daw siya. Standby raw muna kami sa labas ng lab.
Habang kami'y naghihintay, dumating naman ang female teacher ng kasabay naming class.
"Good afternoon, class!" bati niya bago ipinasok ang susi sa pinto. Nang nabuksan na niya 'yon, nagsiayos at nagsikilos ang mga estudyante. I watched them as they excitedly entered the lab. Mukhang fun subject ang chemistry. Sadly, that was not part of the HUMSS curriculum kaya hindi ko mae-experience ang maghalo-halo ng chemicals.
Everyone who went in first stood frozen for a second or two when they saw something inside. Mabilis na tumakbo palabas ang mga estudyante at nagtitili na parang horror house ang kanilang pinasukan. Dala ng curiosity, napasilip ako kung ano ang meron sa loob. Someone was lying on floor, unresponsive and bathing in his own blood. Agad kong iniwas ang aking tingin.
"Call the guard!" utos ng teacher sa mga lalaki niyang estudyante. Hindi siya napakali kaya palakad-lakad siya sa labas habang kagat-kagat ang mga kuko niya. Ang ibang estudyante niya'y nagsipunta sa comfort room, halos masuka dahil sa nakita.
Ako? Muntik na akong maduwal on the spot. Hindi ko nagawang tingnan muli ang hindi gumagalaw na katawan ng lalaki. That was not a sight you should see especially kung kakakain mo lang ng lunch.
"I've already informed the campus police," sabi ng lalaking estudyante na huling lumabas ng lab. "They're on their way here. By the way, the guy's already dead."
Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang pagmumukhang 'yon. Hindi lang mukha, pati boses niya, familiar sa akin. That was Loki!
Pinakalma ng teacher ang mga estudyante habang siya nama'y nagawi ang tingin sa direksyon ko. Saglit na naningkit ang mga mata niya sa akin.
"Oh, you're here too?" bati niya. "What a coincidence."
"We were supposed to have classes next door," tugon ko sabay turo sa katabing lab. "Ano'ng ginagawa mo rito? Alam mo bang may mangyayaring masama sa chem lab kaya nandito ka na?"
"What are you talking about? I have a Chemistry class here. I'm also a student like you, in case you've forgotten already."
Oo nga pala! STEM student pala itong si Loki. Akala ko puro club activities ang inaatupag niya. Nag-aaral din pala siya.
"Inspector Estrada of the campus police asked me to stay so I can give him my inputs," dagdag niya. "This is way better than mixing sodium metabisulfite, ethanol, sulfuric acid, and potassium iodate."
"Bakit hiningin ng mga pulis ang opinyon ng isang high school student gaya mo?" tanong ko.
"Oh, haven't I told you during the orientation that I—and by extension, the club—work as a consultant for the campus police? The inspector is a good acquaintance of mine. I helped him out in a couple of other baffling cases on campus."
Nakalimutan niya sigurong banggitin sa akin kanina. I did not know that he was also involved in solving bloody cases. Alam kong kaya niyang mag-solve ng mga problema. Na-witness ko mismo 'yon first-hand. Pero hindi ko in-expect na may tiwala pala ang mga pulis sa kanya.
Ilang minutes ang lumipas bago nakarating ang officers ng campus police. As it turned out, may sariling law enforcement unit sa Clark High. Kinausap muna nila ang Chemistry teacher ng STEM class at tinanong kung ano'ng nangyari bago pumasok sa laboratory. Napansin ko ang boss nilang malaki ang pangangatawan, may makapal na bigote at may iilang strand ng buhok na kulay gray.
"Since you're eager to start as a member of the QED Club, consider this as our first official case together," he said.
Sinabi niya ang salitang together na parang mag-partner talaga kami. Since when did we become a crime-solving duo?
Tumalikod na siya at pumasok na sa loob. Nang napansin niyang hindi ako nakasunod sa kanya, muli siyang lumingon sa akin. "Why are you just standing there? The case won't solve itself. Come in and I'll introduce you to the inspector. If you were a mystery enthusiast like me, this is gonna be fun."
Fun? Wala akong makitang fun sa isang scene kung saan may duguang tao. Judging by the glint of excitement in his dull eyes, he appeared to be enjoying it! Lagi kasing walang buhay ang mga mata niya. Walang sparkle. Ngayon, ibang-iba. Parang binigyan siya ng regalo kahit hindi niya birthday o sumapit ang Christmas.
Nagreklamo ako noong una, pero hinila niya ako papasok sa laboratory. Busy ang mga classmate ko at mukhang na-trauma ang ibang estudyante sa labas kaya hindi nila napansin ang pagkawala ko sa kanilang paningin.
Kasing laki ng isang ordinaryong classroom ang chemistry lab. Ang pinagkaiba, hile-hilera ang mahahabang steel workstations at lab stools. May whiteboard sa isang side na may mga sulat na hindi binura ng mga naunang nagklase. May malaking wooden cabinet sa bandang likuran kung saan nakalagay ang iba't ibang chemicals at equipment na gagamitin sa class activities.
Habang patungo kami sa spot kung saan nakahandusay ang walang buhay na katawan ng isang estudyante, kinordonan ng mga pulis ang labas ng chemistry lab ng barricade tape na may "POLICE LINE DO NOT CROSS." Hindi kami sinita ng nakasalubong naming officers. Mukhang kilala nga nila si Loki at tiwala sila sa kanya.
"Oh, Loki! Pasensya na, hindi yata kita napansin sa labas," bati ng campus police chief sa kasama ko. Inabutan niya ito ng isang pair ng disposable latex gloves. "Aba, sino 'yang kasama mo? First time ko yata siyang makita."
"Her name's Lorelei Rios," pagpapakilala niya sa akin. "She's my assistant so I hope you would allow her presence here."
"P-Pleased to meet you po," nahihiya kong sagot.
"Ako nga pala si Gareth Estrada, ang chief ng campus police." Binigyan din niya ako ng gloves na agad kong isinuot. "Mas mabuti yata kung hindi tayo sa crime scene nagkakilala."
Umupo si Loki sa tabi ng pulis na may hawak na camera. Kinukuhanan nito ng retrato ang biktima. I averted my gaze bago pa tuluyang mag-register sa utak ko ang kulay ng dugo. Bakit ba pumayag akong hilahin niya ako papasok dito?
At kailan niya pa ako naging assistant?
"Nakilala ang biktima bilang si Isaac Santino, STEM 12 student at president ng Chemistry Club," sabi ni Inspector Estrada habang pinanonood ang pagsusuri ni Loki. Tumayo ako sa tabi niya. Ni hindi niya ako b-in-rief kung ano'ng gagawin ko. "Mainit pa ang katawan niya kaya sa tantiya namin, wala pang isang oras mula nang patayin siya. Mukhang namatay siya dahil sa kawalan ng dugo matapos saksakin sa tagiliran."
"Obviously." Tumayo na si Loki at inikutan ang bangkay ng biktima. Sinubukan ko talaga umiwas ng tingin kaso nakikita ko pa rin sa peripheral vision ko ang duguang katawan. "Props to him. He was able to leave a dying message before he passed away."
Itinuro niya ang set ng numbers na isinulat sa sahig gamit ang dugo.
32101416
Pumasok ang dalawang pulis na may dala-dalang stretcher. Inilagay nila roon ang bangkay at tinakpan ng itim na kumot. Ang tanging naiwan ay ang bakas ng dugo pati ang chalk marks kung saan naka-outline ang postura ng biktima nang natagpuan siya rito.
Napahimas sa baba si Inspector Estrada habang nakatitig sa mga numero. "Napansin din namin 'yan. Pero kung kaya niyang mag-iwan ng dying message, bakit 'di niya isinulat ang pangalan ng umatake sa kanya? Mas makatutulong sana 'yon sa 'tin."
"It's possible that his murderer would return to the scene and erase what he wrote." Loki's eyes were fixated on the bloody red writing. "He didn't wanna take that risk so he decided to hide his attacker's name through a code. Do we have any lead on the suspects?"
"Ipina-check ko na ang phone ni Isaac. Bago siya natagpuang patay bandang ala-una, tatlong tao ang kanyang t-in-ext ng parehong message. 'Alam ko kung ano'ng ginawa mo. Magkita tayo sa Chem Lab ngayong lunchtime kung ayaw mong malaman ng iba,' sabi niya."
"Oh?" Tinanggal ni Loki ang suot niyang latex gloves bago inilabas ang phone at may i-t-in-ype sa screen nito. "So who exactly are they? Give me their names."
Naningkit ang mga mata ni Inspector Estrada habang binabasa ang message sa kanya. "Henry Ochoa. Genesis Cabangon. John Bautista."
Just by hearing those three names, Loki's flat lips curved into a victorious smirk, as if he had already won the battle before it even started. "I think I know who did it."
What? Seryoso ba siya? Wala pa siyang ten minutes dito sa crime scene, alam na niya kung sino ang salarin. Posible kayang na-decode niya ang dying message? I would not be surprised if he did.
"For now, we need to interview our three suspects," sabi niya sabay bulsa ng phone. "Knowing the culprit's name is not enough. But at least, we have a lead."
"Pwede mo bang sabihin sa 'min kung sino?" tanong ni inspector.
"After the interview. I hope you don't mind if I'd keep you hanging for a while. It's better if you'd act naturally in front of him."
Habang hinihintay namin ang pagdating ng mga suspek, umupo muna ako sa isang workstation na malayo sa pool ng natuyong dugo. Si Loki naman, tinitingnan ang mga chemical sa cabinet na parang hinahanap doon ang kasagutan.
"So you're the new her, huh?"
Lumingon ako sa aking kaliwa. Nakatayo si Inspector Estrada sa tabi ko, katatapos na mag-type sa kanyang phone. Sino ang tinutukoy niyang her?
"Matagal na rin mula nang huli kong nakitang may assistant si Loki." He sat on the lab stool next to mine. He then fixed his loose necktie. "Mahigit anim na buwan na yata, kung hindi ako nagkakamali."
Loki had an assistant? That was surprising. Ang akala ko'y mag-isa siya sa pagiging wannabe detective magmula pa noon. He did not have any friends kasi. Well, maybe except for one.
"Hindi ka ba makapaniwalang may kasama siya dati? In comparison, mas approachable si Loki noon kaysa ngayon. Simula nang nag-isa na siya, naging mas seryoso at malamig na ang pakikitungo niya sa ibang tao. Kaya nga nagulat ako nang makita kong may kasama na siya rito."
"Ano po'ng nangyari sa dati niyang assistant?"
Yumuko ang inspector, tila nagdadalawang-isip kung dapat sagutin ang tanong ko. My curiosity wanted to know what had happened to her. Baka mas maintindihan ko ang roommate-slash-clubmate ko dahil doon.
"Paano ko ba sasabihin 'to? Hmm . . . Sabihin na nating iniwan niya si Loki."
Kung ganyan ba naman ang ugali ng kasama mo sa club, talagang mapaiisip ka kung dapat ka pa bang mag-stay or umalis na. Maging sa apartment unit nga, iniwan siya ng mga roommate niya.
"Nasaan na po siya ngayon?" sunod kong tanong.
Bago pa siya nakasagot, kumatok ang isang police officer at pumasok na may kasamang tatlong lalaki na estudyante. "Nandito na sila, Chief."
Tumayo na kami ni Inspector Estrada. Sayang, hindi ko nakuha ang sagot niya. Lumapit na rin si Loki sa workstation kung saan kami nakapuwesto.
"Totoo bang may pumatay kay Isaac?" bungad na tanong ng lalaking matipuno ang katawan. Nakataas ang buhok niya na parang palikpik ng isda.
"Ikaw si?"
"Genesis Cabangon, treasurer ng Chemistry Club," sagot ng lalaki at saka itinuro ang dalawa pang kasama. "Officer din sila kagaya ko."
Itinaas ng lalaking matabang nakatayo sa gitna ang kamay niya. Ni hindi siya nag-effort na ayusin ang kanyang buhok o butones ng polo. "Henry Ochoa, vice president ng Chemistry Club."
"John Bautista, secretary ng Chem Club," pagpapakilala ng lalaking payat at matangkad. May makapal na eyeliner sa pilikmata niya.
Napaubo si Inspector Estrada bago niya in-address ang tatlo. "Alam n'yo naman kung bakit ipinatawag kayong tatlo rito. Mahigit kalahating oras bago natagpuang patay at duguan ang biktima rito, nag-send siya ng parehong text message sa inyo."
"Sinasabi n'yo bang isa sa amin ang umatake sa kanya?!" pasigaw na tanong ni Henry.
"That's right. One of you is the attacker," sagot ni Loki, palipat-lipat ang tingin niya sa kanila. "I have an idea who he is, but I won't tell you until we hear your statements. First, can you tell us your whereabouts between twelve noon and one o'clock?"
Naunang sumagot si Henry na napahimas sa malaking tiyan niya. "Nasa banyo ako noong mga oras na 'yon. Masama kasi ang pakiramdam ng tiyan ko ngayon kaya medyo natagalan ako sa pagbabawas."
"Can someone confirm that?"
Marahan siyang umiling. "Sa banyo ng fourth floor ko naisipang ibuhos ang sama ng loob kasi wala masyadong gumagamit doon. Wala rin akong napansing pumasok sa banyo, kaya—"
"In other words, you don't have an alibi." Hindi na siya pinatapos pa ni Loki. Napaturo siya sa lalaking nasa kaliwa. "How about you?"
"Katatapos ko lang mag-lunch noon kaya pumunta ako sa rooftop para magyosi," sagot ni Genesis. Amoy na amoy pa ang sigarilyo sa hininga niya. Pasimple kong tinakpan ang aking ilong. "Humihithit pa ako ng sigarilyo nang makatanggap ako ng tawag mula sa mga pulis para pumunta rito."
"Are you with someone during that time?"
"Restricted area ang rooftop ngayon dahil sa drama ro'n noong isang araw kaya ako lang mag-isa."
"Still no alibi." Sunod na itinuro ni Loki ang lalaking nasa kanan. "And you?"
"Nasa stone benches ako, nagbabasa ng notes sa algebra. May quiz kasi kami kaya kailangang mag-review," sagot ni John sabay pakita sa hawak-hawak niyang manipis na notebook.
"Is there someone else with you during your review time?"
Umiling siya. Base sa kanyang itsura, hindi siya ang tipong mahilig makihalubilo sa mga tao. Loner-type, kumbaga. "Ayaw kong may katabing nagre-review kasi nadi-distract ako. Pero maraming tao sa katabing stone benches. Ewan kung natatandaan pa nila ang mukha ko."
"Weak alibi, but verifiable."
One of them was definitely lying. Wala talaga ang taong 'yon sa lugar na binanggit niya. Sa pagitan ng twelve noon hanggang one o'clock, siguradong nandito siya sa loob ng Chemistry Laboratory para makipagkita kay Isaac at pag-usapan ang ginagawa niya na malamang ay karumal-dumal. Pagkatapos niyang patayin ang biktima, pumunta siya somewhere para magkunwaring nasa ibang lugar sa time frame ng krimen.
Wait a minute. Bakit parang detective na ako kung mag-isip? My job here was to observe the investigation so I would have something to write in my blog later, gaya ng gusto ni Loki. Also, he already knew who the culprit was so there was no need for me to use my brain cells here.
Speaking of Loki, nabaling ang tingin niya sa akin at ilang segundo akong tinitigan. May dumi ba sa mukha ko? "Any thoughts on how we can identify the murderer among them?"
"Nandito ako para mag-observe, 'di ba?" bulong ko. "Kaya bakit mo ako hinihingan ng opinyon?"
"You need to earn the trust of the campus police if you don't want them to bar you from entering crime scenes. We'd be doing a lot of this stuff in the future."
"What? Hindi ko naman ginustong pumasok dito—"
The pressure doubled when the inspector turned to me, waiting for my answer. Teka! I was not a detective kaya imposibleng makapag-come up ako ng isang brilliant deduction that could help us solve this case.
Tumingin ako sa sahig nang bahagyang naningkit ang mga mata ko. Paano ba namin mapatutunayan na nagsisinungaling ang isa sa kanila? May dapat bang itanong na tanging murderer ang hindi makakukuha ng tamang sagot? Gano'n kasi ang napanood ko sa ilang detective series.
Then a striking idea came to mind. Kung busy ang taong 'yon sa pagpatay sa biktima, malamang hindi niya napansin na . . .
Like the inspector earlier, I forced a cough to get everyone's attention. I hoped that this would work. Otherwise, mapahihiya ako, hindi lang kay Loki kundi maging sa mga suspek at sa mismong campus police.
"Kung talagang nasa lugar kayo na sinabi n'yo kanina, sino ang nakarinig sa inyo sa tunog ng school bell noong lunchtime?"
I thought the chances of that question exposing the murderer was slim. Parang naghagis ako ng dart sa board habang nakapiring. Pero nasorpresa ako nang may nagtaas ng kamay sa kanila.
"Sabi ko na sa inyo, nagyoyosi lang ako sa rooftop kaya imposibleng hindi ko narinig ang—"
Huminto sa pagsasalita si Genesis nang lumingon siya sa kaliwa't kanan at napansing tanging siya ang nakataas ang kamay.
"Hindi n'yo narinig ang school bell kanina?" tanong niya kina Henry at John bago tumingin sa inspector. "Ibig sabihin, nasa kanilang dalawa talaga ang murderer!"
"Actually, kabaligtaran ng sinabi mo," tugon ko. Pinigilan kong mapangiti dahil baka mali ang ginamit kong method. Walang reaksyon si Loki kaya baka tama ang sagot ko. "Kung sino ang nakarinig ng school bell, siya malamang ang pumatay kay Isaac."
"A-Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Masyado ka sigurong abala sa pagkikita n'yo at pagpatay mo sa kanya kaya hindi mo namalayang hindi tumunog ang school bell kanina." Nagtunog detective na talaga ako. "Saktong ala-una nagri-ring ang school bell araw-araw kaya inakala mong gano'n din ang scenario kanina. Kaso may sira yata ngayon 'yon kaya hindi nag-ring. Paano mo narinig ang isang bagay na hindi tumunog?"
"N-Nagkamali ako sa sinabi ko kanina." Namuo ang pawis sa noo niya at nagsimula na siyang mautal sa pagsasalita. "I-It was an honest mistake!"
"No, you killed Isaac." Sa wakas, naisipan na rin ni Loki na umeksena. Ang akala ko'y nawalan na siya ng boses. "Before the victim died, he revealed the name of his murderer through a dying message." Ipinakita niya ang series of numbers na kinuhanan niya ng retrato sa phone kanina. "Cracking the code that your president left should be easy."
Nanlaki ang mga mata at napanganga sina Henry at John habang paulit-ulit na umiling si Genesis nang makita ang set na 32101416.
"Ano bang code ang ginamit ng biktima?" nagtatakang tanong ni Inspector Estrada. "Bakit mukhang alam 'yon ng kapwa officers niya?"
"If you pair those numbers correctly, you'll get 32-10-14-16. In sequence, those are the atomic numbers of Germanium, Neon, Silicon, at Sulfur. If you put their symbols together, you will get GeNeSiS," paliwanag ni Loki bago lumingon sa primary suspect namin. "As officers of the Chemistry Club, they know most, if not all, elements in the periodic table."
"T-Teka! Porke't isinulat ni Isaac sa code ang pangalan ko, ako na ang pumatay sa kanya?!" protesta ni Genesis. "Baka nagkamali siya ng akala! Baka may isa sa kanilang dalawa ang nag-frame up sa akin!"
"Doon ka na sa istasyon magpaliwanag," sabi ni Inspector Estrada sa kanya. Sinenyasan niya ang dalawang police officers na naka-standby na i-escort ang suspek palabas ng laboratory. "Hihingan din namin kayo ng statement kaya mas mabuti kung sumabay na kayo sa amin."
Nagpasalamat muna ang inspector sa amin ni Loki bago niya sinamahan ang kanyang mga tauhan.
"Alam mo ba kung ano ang motive ni Genesis para patayin si Isaac?" tanong ko kay Loki. Pareho naming pinanood ang pag-escort ng mga pulis sa salarin. Sumabay na rin sa kanila sina Henry at John habang naiwan kaming dalawa sa loob.
"Earlier, I checked the cabinet over there and noticed that some bottles of chemical compounds are missing." Loki jerked his thumb over his shoulder. "Isaac probably found out that someone in his club—and who has access to this lab—is stealing those chemicals. He tried to lure the culprit out by sending the same threatening message to his three suspects. Fortunately, the culprit took the bait and met him. Unfortunately, Isaac was killed in the process."
I wondered how Loki was able to go that far into this case. Sa paliwanag niya kasi, parang na-witness niya ang lahat ng nangyari. Gano'n ba talaga katalas ang observation at deduction skills niya na kaya niyang makipagsabayan sa professional investigators?
"Only one question remains," dagdag niya sabay lingon sa akin. "Where did Genesis use the chemicals that he stole from the lab? Did he sell them? But who would buy them?"
"ACK!"
Napatakbo kaming dalawa ni Loki sa labas nang narinig ang sigaw na tila galing kay Genesis. Nakita namin siyang nakahandusay sa sahig, halos lumuwa ang mga mata, bumubula ang bibig at nangingisay ang katawan. Napatili ang ilang estudyante sa labas nang napansin siyang nagkokombulsyon.
Without wasting any more second, Loki rushed to his side, went down on one knee, and touched his wrist. "He's probably poisoned! His pulse is erratic!"
Biglang kumapit ang kanang kamay ni Genesis sa braso ni Loki, tinitigan siya sa mata at may pinilit na sabihin.
"M . . . Mori . . . Moriya . . . !"
Hindi nagtagal, tumigil na sa panginginig ang katawan ni Genesis. Bumagsak ang kanyang kamay sa sahig at tumirik na ang mga mata niya. Naiwang nakabuka ang kanyang bibig.
There was silence in the hallway. Not a single soul uttered a word.
Lumingon ako kay Loki na tila naging estatwa. Hindi rin siya gumalaw. But something was strange. His face darkened. His hands trembled and his fists clenched. His teeth gritted as if he heard a word that made his blood boil.
Whatever Genesis' last word meant, it made an impact on Loki.
q.e.d.
Project LOKI Volume 1 (Collector's Edition) is still available on PSICOM Publishing's Shopee and Lazada stores for only ₱650. The package includes (1) book with author's signature, (2) bookmarks, (2) postcards, (2) sticker pads, and (1) magnetic bookmark.
Get in touch with AKOSIIBARRA (R.C. MUSNI) on social media:
Facebook: Cris Ibarra / Akosiibarra
Twitter: @akosiibarraWP
Instagram: @akosiibarraWP
Tiktok: @akosiibarraWP
YouTube: @akosiibarra
Like or follow Project LOKI on social media:
Facebook: Project LOKI
Twitter: @TeamProjectLOKI
Join the official group for AKOSIIBARRA and Project LOKI readers on Facebook:
www.facebook.com/groups/theqedclub or The Q.E.D. Club (Project LOKI)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro