
Chapter 04: Haunting in Room 302
AUTHOR'S NOTE: This is the updated 2022 version of Chapter 04. If you are re-reading this part, you may observe some changes from the previous version.
CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains depictions of and references to blackmail. Please be mindful of this sensitive theme and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.
LORELEI
BUONG ARAW kong iniwasang makasalubong si Loki sa campus. I heard from Rosetta na STEM student siya kaya hindi ako dumaan sa wing kung nasaan ang classrooms nila. Parang may malaking atraso ako sa kanya kahit wala naman talaga. Hindi ko pa kasi naibigay ang sagot ko kung payag ba akong maging member ng kanyang QED Club. I refused to give him an answer noong tinanong niya ako sa hagdanan habang pababa kami ng rooftop.
Oo. Sinabi kong gagawin ko kung anumang favor ang hilingin niya sa akin—basta hindi labag sa prinsipyo ko. But the favor that he asked of me was not easy. Mukhang simple. Mukhang walang kahirap-hirap kung iko-compare sa ibang favor na pwede niyang hingin. Kailangan ko lang mag-fill out ng membership application form, 'tapos tapos na.
Ang kaso, kapag sumali ako sa club niya, I would be compelled to join him in his club activities every now and then. Hindi ako pwedeng maging absentee member. Kahit sabihin niyang hindi ko kailangang sumipot sa clubroom araw-araw, hindi 'yon matitiis ng konsensya ko. It would be an academic year-long commitment, and I got to commit myself to it.
Kasama ko na nga siya pag-uwi ko sa apartment, kasama ko pa siya sa school. Magsasawa na talaga ako sa pagmumukha niya.
"My club needs to have another member or else they'll take away my clubroom," naalala kong kuwento niya kanina. "The student council vice president wants to bully me. He knew it would be difficult for me to persuade anyone to join my club."
I was unaware of his issues with the vice president, if he had any. Kung sanang may friend siya, hindi niya poproblemahin ang pagre-recruit ng club members. So much for his "friends are nothing but excess baggage" perspective. Sana'y ma-realize niya na hindi masamang magkaroon ng kaibigan na pwede niyang asahan sa ganitong sitwasyon.
Maybe he had hard time dealing with people. Hindi na ako magtataka kung gano'n nga. He could be arrogant, condescending, and insensitive. Siguradong mahihirapang maka-relate at makisama ang ibang tao sa tulad niya. Magda-dalawang linggo pa lang kaming magkasama sa apartment, pero hindi gano'n kaganda ang impression ko kay Loki.
"Hey, Lori! May club ka na bang sasalihan?" tanong ni Rosetta habang kumakain kami ng lunch sa cafeteria. Matapos ang halos araw-araw niyang pangungulit sa akin, tinanggap ko na ang offer niyang sumabay sa kanya tuwing lunchtime. Dahil sa dami ng mga nanananghalian dito at masyadong ingay, kinailangan niyang lakasan ang kanyang boses.
Yumuko ako, bumuntonghininga, at nabitawan ang fork. Thanks for reminding me, Rosetta. Kapag narinig ko ang salitang club, naalala ko agad ang hinihinging favor ni Loki. I did not want to think about it at the moment. Ayaw ko ring problemahin muna.
"Wala pa e." Sa totoo niyan, wala akong interes na sumali sa mga club. Hindi ko maintindihan kung bakit ginawang mandatory ang club membership dito sa Clark High. Paano na ang mga estudyante na gustong mapag-isa? 'Yong iba, sumasali para sa incentives. 'Yong iba, dahil gusto talaga ang kanilang ginagawa. "Ikaw, meron na ba?"
"Balak kong sumali sa Paranormal Club! Gusto kong sumama sa ghost hunting activities nila every week," nakangiting tugon niya. Judging by her eager tone, she seemed to be looking forward to it. Mukhang hindi siya takot sa mga multo kung nag-e-exist man sila.
Ano ba'ng meron sa school na ito at bakit may mga kakaibang club? Una, 'yong detective club ni Loki. Ngayon, isang club na dedicated para sa paranormal activities? Doon sa dati kong high school, ang pinaka-kakaibang club ay para sa mga otaku na mahilig mag-cosplay tuwing may school events.
"Mahilig ka ba sa paranormal stuff?" Iwinagayway niya ang hawak na tinidor na parang magic wand. "Ayaw ko kasi ng mga masyadong ordinaryong club, 'yong paulit-ulit ang ginagawa. Walang excitement, walang thrill! Mas gusto ko ng adventure."
"Totoo naman bang may hina-hunting na ghost ang club na 'yan?" Tinatamad kong ipinaikot sa tinidor ang spaghetti sa aking plato. Mas nawalan tuloy ako ng gana dahil sa topic namin. "Baka wala naman talaga kayong hinahanap na kahit ano."
"Minsan wala, minsan meron. Ang main quest ng Paranormal Club ay ang thirteen otherworldly mysteries ng Clark High," paliwanag niya. Her eyes sparkled with so much excitement. "Simula nang mabuo ito last academic year, nakaiisang mystery pa lang sila."
Lahat yata ng school, may certain number of mysteries. Urban legends kumbaga. Sa amin noon, meron din silang tinatawag na "otherworldly mysteries" kaso hanggang pito lang.
"Bago sumabak ang club sa main quest, susubukan muna nilang mag-dry run sa isang haunted apartment daw." Pasok sa isang tainga at labas sa kabila ang mga sinasabi ni Rosetta habang nakatitig ako sa kanya. Hindi ako makapag-focus sa kuwento niya. "Meron ngang estudyanteng nag-suggest sa Paranormal Club ng isang haunting spot. Dati raw, nakatira siya sa isang apartment three blocks mula rito. Napilitan siyang lumipat kasi may gumugulo raw na multo sa kanya."
Three blocks from here? Doon din ang apartment ni Tita Martha. Teka . . . Parang wala akong napansin na ibang apartment o dormitory doon maliban sa tinutuluyan ko. Baka sarado na ngayon kaya naging haunted?
"Nakakikilabot kasi kapag daw naliligo siya, may maririnig siyang bumubulong sa tainga niya. 'Tapos . . . biglang may mga namumulang mata na magpapakita sa kanya! Heto pa! Kapag natutulog siya, may naririnig siyang boses ng matandang babae na tumatawag sa pangalan niya at humihingi ng tulong! Creepy, 'di ba?"
Bakit parang familiar ang ghost story na 'yon? Parang narinig ko na noong isang araw. Meron na bang nagkuwento sa akin? Kaso hindi ko matandaan kung sino.
"Ano'ng pangalan ng apartment na 'yan?" I curiously asked before taking in a forkful of spaghetti.
"Henson Apartment yata. Basta 'yong three-story apartment doon."
Muntik na akong mabilaukan sa kinain ko. Agad akong inabutan ng isang baso ng tubig ni Rosetta at hinaplos ang likod ko habang umiinom.
Kaya pala! Tinutukoy niya kung saan ako nakatira, doon mismo sa unit na tinutuluyan ko. I did not expect to hear some rumors about my aunt's apartment. Kapag kumalat 'yon kahit hindi totoo, baka magsialisan ang mga tenant o matakot ang mga gustong mag-rent doon.
"I'm sorry to tell you, pero walang multo doon," sabi ko matapos punasan ang aking bibig. "Baka imagination lang 'yon ng nagkuwento sa 'yo."
"Hmm? Paano mo nasabi?"
"Doon kasi ako nakatira, sa mismong unit kung saan meron daw ghost. Almost two weeks na ako roon pero wala pang nagpaparamdam sa 'kin."
"Eh? Talaga?"
Tumango ako't nagpatuloy sa pagkain. "Kahit ang roommate ko, walang sinasabi na may nararamdaman siyang multo. Kung meron, e 'di sana umalis na rin siya o lumipat na ng ibang apartment."
Sa totoo niyan, hindi multo ang dapat katakutan sa apartment na 'yon kundi isang tao. Gaya ng sinabi ko noon kay Loki, mas malala pa siya kaysa sa rumored ghost.
Nang matapos na kaming kumain ng lunch, bumalik na kami sa classrooom para sa afternoon period. Throughout the day, wala namang nangyari kakaiba. Ang akala ko nga'y biglang magpapakita si Loki sa harapan ko para kulitin ako. Pero ni anino niya, hindi ko nasilayan. Baka binigyan niya ako ng time at space para pag-isipang mabuti ang favor niya o baka sumuko na siya sa pag-convince sa akin.
Naisipan kong pumunta sa kanyang clubroom after class hours. Ang kaso, hindi ko kayang sabihin sa kanya ang desisyon ko. I hated breaking promises, and this dilemma was bothering my conscience. Kung sanang ibang bagay ang hiningi niya, hindi ako magkakaproblema ngayon.
Dumeretso na akong umuwi sa apartment. Usually, halos gabi na siya nakauuwi kaya lagi akong nauuna sa kanya. Mas mabuti kung unahan ko ulit siya today para hindi awkward sakaling nandoon na siya. Maybe he would take my non-appearance as a no to his favor.
Pero nagkamali ako.
"As expected, you'll come home early and not meet me in the clubroom," he greeted me the moment I opened the door of our unit. May hawak-hawak siyang darts na akala ko noong una'y ibabato niya sa akin. Deretso niyang inihagis 'yon sa dartboard kung saan naka-pin ang retrato ng isang lalaking marami nang butas sa mukha dahil sa paulit-ulit na pagtusok ng darts.
Napansin kong maraming papel na may numbers at weird symbols ang nakakalat sa aming sala. Ang TV? Hayun, puno pa rin ng sticky notes na may mathematical equations. Ni hindi man niya naisipang ayusin ang mga gamit niya rito.
"In case you're wondering, I've decided to transfer my workload here," paliwanag niya bago muling naghagis ng dart. Tumama 'yon sa kaliwang mata ng lalaki. "Since I'll be evicted from the clubroom very soon, I need to find another place where I can continue my work. Thanks to you, by the way."
Ngayon, gini-guilt trip niya na ako. Bakit parang kasalanan ko? Ako ba ang nagpapalayas sa kanya sa clubroom? Kung may dapat siyang pagbuntunan ng galit, walang iba kundi ang vice president ng student council.
"Galit ka ba?" tanong ko. "Kaya ba 'yang litrato ng inosenteng lalaki ang pinagti-trip-an mo?"
He was halfway throwing a dart at the board when he froze and turned to me. "No, no. Don't use the word innocent to describe that man. He's anything but innocent or any positive adjective that you can think of. The word despicable best suits him."
Oh! Maybe ang lalaking nasa retrato ay walang iba kundi ang vice president na nabanggit niya kaninang umaga. Mukhang may matinding isyu nga sa pagitan nilang dalawa. He went through the trouble of printing that photo just so he could throw darts at it.
"If you meet this guy in the hallway, you better hide, run, or turn yourself into a puff of smoke," payo niya bago ipinagpatuloy ang paglalaro ng darts.
Bago pa niya ako gawing susunod na target, I went straight to my room and lie on my bed. Nagpahinga muna ako nang thirty minutes bago muling bumangon at lumabas ng kuwarto. Napagod na yata si Loki kaya naisipan na niyang umupo at mag-laptop na lang.
Pagkakuha ng towel mula sa rack, nagtungo ako sa bathroom at ini-lock ang pinto. It was time for my afternoon shower. Sa ganitong oras ako usually naliligo matapos ang nakapapagod na schoolday. Hinayaan kong dumaloy sa katawan ko ang tubig mula sa shower. Nakagagaan ng pakiramdam at nakawawala ng stress ang lamig ng tubig. So relaxing.
Saktong-saktong kalalagay ko ng shampoo sa aking buhok nang bigla akong may narinig.
"Lorelei . . . Tulungan mo ako . . ."
Halos mapatalon ako sa gulat nang narinig ang boses ng matandang babae na tila paos ang boses. I got goosebumps all over my wet body. Madali kong binalot ng tuwalya ang katawan ko at lumabas ng bathroom kahit hindi pa ako nakapagbabanlaw.
"You still have some shampoo on your hair. Did they cut our water supply off?" tanong ni Loki nang lumipat sa akin ang kanyang tingin mula sa screen ng laptop. Sandali kong nakalimutan na lalaki pala ang kasama ko. Mas nangibabaw kasi ang takot. "Should I call the landlady for you?"
Itinuro ko ang bathroom na iniwan kong bukas ang pinto. "May narinig ako sa banyo . . . boses matanda . . . tinawag niya ang pangalan ko . . . humihingi ng tulong."
Ito na ba ang sinasabi ni Rosetta kanina? Totoo nga kayang merong multo sa unit na ito?
Itinabi muna ni Loki ang laptop niya at tumayo para i-check ang bathroom. Ilang minuto rin siyang nanatili roon bago lumabas. "There's nothing in here. There was no voice or whatsoever. You must be tired from school. You're hearing voices that aren't there."
Paulit-ulit ang umiling. Nanginig ang katawan ko, hindi dahil sa lamig ng tubig, kung 'di dahil sa takot. Hindi pa ako gano'n kapagod para magkamali ng dinig. Sigurado ako sa kung ano ang narinig ng dalawang tainga ko.
"You know what? You're like my ex-roommates," Loki commented bago siya bumalik sa couch at ipinagpatuloy kung anuman ang ginagawa niya sa laptop. "You're also fond of imagining stuff. Ghosts don't exist, okay?"
Dahan-dahan akong pumasok ulit sa loob ng bathroom at itinuloy na ang pagbabanlaw sa ulo at katawan ko. Hindi tulad ng usual bath time ko, mabilis akong natapos this time. Ayaw ko nang marinig ulit ang nakakikilabot na boses na 'yon.
KINAGABIHAN, HINDI ko na narinig ang boses ng matandang babae. Siguro nga, guni-guni ko lang 'yon. Baka dahil sa ikinuwento sa akin ni Rosetta kaya biglang sumagi sa isip ko na may tumatawag sa pangalan ko kahit wala naman. Gano'n ka-powerful ang utak natin.
Pagkatapos kong kumain ng dinner, dumeretso na ako sa kuwarto at iniwan si Loki sa sala. Ni hindi pa siya kumakain magmula nang madatnan ko siya roon kanina. Himala na hindi niya ako kinulit buong maghapon tungkol sa favor na hinihingi niya. Sumuko na ba siya sa akin at tinanggap ang kapalaran ng clubroom niya?
Ini-lock ko ang pinto at ipinahinga ang aking katawan sa malambot na kama. I closed my eyes and took some deep breaths. Hindi pala gano'n kahirap mag-adjust dito sa Pampanga. Parang wala masyadong pinagbago compared sa buhay ko noon kaya madali akong nakapag-adapt. Ang mga pinagkaiba: new environment, new faces, no traffic, and no dad.
Bumalikwas ako sa kama at kinuha ang laptop ko na nakapatong sa bedside table. Oras na para sa aking daily blog post. Ginawa ko na itong hobby para ma-record ang experiences ko rito sa Pampanga. Nakatulong siya para i-distract ang sarili ko, lalo na sa bangungot na pilit kong iniiwasan.
Mabilis na nag-type ang mga daliri ko sa keyboard. Walang tigil ang tunog ng pagpindot sa keys dahil nag-flow naturally ang ideas mula sa isip ko. Ganito talaga kapag nasa mood akong magsulat. Sunod-sunod at walang preno.
'Tapos may tumawag sa pangalan ko.
"Lorelei . . . tulungan mo ako . . . Maawa ka na . . ."
Muntik na akong mapatalon at mahulog sa kama nang muli kong narinig ang nakapangingilabot na boses ng matandang babae. Patakbo akong lumabas ng kuwarto, iniwan ang lahat ng ginagawa ko sa loob at umupo sa couch. Bigla akong pinagpawisan kahit hindi mainit dito.
Nagtatakang nagbato ng tingin sa akin si Loki na kanina pa nakaupo roon. He appeared so calm while I probably looked so freaked out. "What is it this time?"
My fingers pointed at my bedroom. "Narinig ko ulit 'yong boses ng matanda sa kuwarto ko! Hey, ano'ng tinatawa-tawa mo riyan? Totoo ang sinasabi ko!"
Lumingon si Loki sa analog wall clock sa gilid. Medyo nanibago akong marinig ang mahinang tawa niya. "It's almost ten o'clock. You must be really tired and sleep, you're starting to hear voices that aren't there. Again. Why don't you get some sleep? That so-called ghost will be gone in the morning."
"Talaga bang wala kang nakikita, naririnig o nararamdamang kakaiba rito?"
"If it isn't quite obvious already, I don't believe in nonsense. You and my ex-roommates have a habit of scaring yourselves. It's mind over matter. If you think that there's a white lady behind you, you'd probably see one. Oh, don't look back. You might see her."
Kahit gusto ko pang mag-stay sa sala, nilakasan ko na ang loob kong bumalik sa kuwarto. Maingat akong naglakad na parang may iniiwasang matapakan na landmine. This time, hinayaan kong nakabukas ang pinto para mas mabilis akong makatatakbo palabas kapag narinig ko ulit ang boses. Nanatili ring naka-turn on ang ilaw para maitaboy ang mga puwersa ng kadiliman.
Paupo na sana ako sa kama nang may napansin ako sa sahig. Yumuko ako at pinulot ang maigsing mala-sinulid na bagay na kulay itim.
"Buhok?" bulong ko habang pinagmamasdan ang maikling hibla na naka-pinch sa mga daliri ko. Normal na makakita ako ng mga hibla ng buhok sa kuwarto. Ang kataka-taka ay ang haba nito: two to three inches. The length of my hair strand reached up to eighteen or nineteen inches.
Something was suspicious with this strand, as if it was a sign that someone had been in my room. No, it was definitely not from a ghost. Hindi naman siguro nagkaka-hairfall ang mga multo.
Habang nakatuon ang atensyon ko sa hibla ng buhok, muli kong narinig ang boses ng matandang babae. Sabay na umangat ang magkabilang balikat ko.
"Lorelei . . . tulungan mo ako . . . Parang awa mo na . . ."
Instead na kumaripas nang takbo palabas ng kuwarto, lumingon ako sa likuran. The voice sounded exactly the same as the one that I heard earlier. Same intonation, same stress in the syllables. Parang recorded. At saka napansin kong nanggaling sa ilalim ng kama ang tunog.
Naglakas-loob akong sumilip doon. Bahala na kung may makita akong matandang babaeng nakahiga rito at nakatitig ang mga namumulang mata sa akin.
Good news: There was nothing underneath my bed maliban sa namuong alikabok. But I was not satisfied. Naisipan kong kapain ang ilalim nito. Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses.
"What's this?" tanong ko sa sarili nang may nakapa akong rectangular object. Naka-tape pa 'yon kaya hindi ko kaagad natanggal. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ang isang cassette tape player na naka-play pa. Ni-rewind ko ito nang kaunti at pinindot ang play button.
"Lorelei . . . tulungan mo ako . . . Parang awa mo na . . ."
Now it all made sense! The hair strand. This tape recorder. I could think of only one person who might have done it. Wala nang ibang suspect maliban sa taong 'yon.
Lumabas ako ng kuwarto at ibinato kay Loki ang player. Napa-Ouch! siya sabay haplos sa ulo matapos tamaan n'on. My aim was so good, it hit his head. Bagay nga sa kanya.
"What the hell was that for?" Hinahaplos pa rin niya ang kanyang bumbunan habang nakatingin sa akin. Continue acting as if you knew nothing. "Have you gone mad? Is it because of the voice? Did it tell you to throw this antiquated thing at me?"
"Don't mess with me, Loki." My arms crossed as my eyes regarded him. "Tama nga ang sinabi mo. Ghosts do not exist sa unit na 'to."
"See? I told you—"
"Pero 'yong narinig kong boses ng matandang babae habang naliligo ako at habang nasa kuwarto ako, ikaw ang may pakana n'on, 'di ba?"
Nagkatitigan kami. Ang mga mata ko'y puno ng pagkainis habang ang sa kanya'y kalmado. How dare he looked at me in the eye with such a straight face!
"Can you please enlighten me? Because I have no idea what you're talking about," sagot niya. "I was minding my business here peacefully. Then you burst out of your room and accused me of something that I couldn't have done."
Ipinakita ko sa kanya ang maikling hibla ng buhok. "I found this strand of hair on the floor just a minute ago. It's only two to three inches long. Imposibleng galing 'to sa 'kin dahil mahaba ang buhok ko. Hindi rin pwedeng kay Tita Martha dahil medyo kulot ang buhok niya. Sa ating tatlo na may access sa unit, tanging ikaw ang pwedeng magmay-ari nito."
His dull eyes slightly narrowed. "Okay, okay. So what does that have anything to do with the ghostly voices? How are they connected?"
"Proof ito na nanggaling ka sa kuwarto ko at inilagay mo sa ilalim ng kama ang recorder na ibinato ko sa 'yo." Itinuro ko ang inihagis kong bagay na nasa tabi niya sa couch. "You recorded your voice and distorted it para magtunog matanda at hindi ko makilala. Gusto mo akong takutin kaya ginawa mo 'yon, tama?"
Kumurap ang mga mata niyang hindi pa rin kumakalas ng titig sa akin. Wala ring emosyon ang kanyang mukha. Hindi ko masabi kung tumama ba ako o nagkamali ako sa pag-accuse sa kanya. Parang kinakausap ko ang isang pader.
"Now that I think about it, your former roommates here experienced the same thing. Posibleng ginawa mo rin ang prank na 'to sa kanila para paalisin sila at ma-solo mo ang buong unit. Tama ba ako, Loki?"
Tumahimik nang ilang segundo sa sala bago ito binasag ng mabagal niyang pagpalakpak. I only stared at him. Was that an insult or a praise?
"Bravo! I never thought you'd figure it out in a matter of hours," he spoke as the applause faded. "Just to be clear, I intentionally left a strand of my hair on the floor. I wanna know if you'd be able to notice it and make a connection with my cassette tape player trick. You've failed to disappoint me."
Halos magsalubong ang kilay ko. He was testing me? "Bakit mo ako sinubukang takutin? Gusto mo bang palayasin ako mula sa unit na 'to? Gusto mo bang maramdaman ko kung paano ma-evict gaya ng nangyari sa 'yo at sa clubroom mo? Dahil ba hindi ko pinagbigyan ang favor na hinihingi mo?"
"A part of it, yes. I wanna know if you deserve to stay in this unit." Ibinaba muna niya ang kanyang laptop bago tumayo at lumapit sa akin. Nagkaharap kami nang nakatayo. Ngayon ko napansin ang ilang inches na height difference namin. Mas lamang siya nang kaunti. "And I wanna confirm if my hunch about you is correct."
"Hunch?"
"That you have above average observation skills. While reading your blog, I noticed how much detail you included in every scene. You didn't miss anything of importance. And I find that impressive."
"But why do you have to confirm it?"
"Like what I said early this morning, I want you to join my club. The result of your simple test here made me want to recruit you more."
That was probably a rare compliment he would not easily give to someone like me, considering his condescending nature. Hindi ko tuloy naiwasang ngumiti. But the smile instantly faded when I heard about his favor again.
"Ibang favor ang hingin mo sa 'kin, huwag na 'yang pagsali sa club," sagot ko na may pag-iling. "Kung ipipilit mo pa rin, sorry pero hindi kita mapagbibigyan."
Despite my conscience still bothering me, I spun on my heel and walked back to my room.
"You're leaving me with no other choice but to use my last resort," sabi niya bago ko maisara ang pinto ng aking kuwarto. Mukhang hindi niya talaga ile-let go 'yon.
Huminto ako at lumingon sa kanya, bahagyang nakakunot ang noo ko. "What do you mean?"
"If you'll still refuse to join my club, I'd upload a photo of your sleeping face and make it viral on social media." Kinuha niya ang kanyang phone at ipinakita sa akin ang retrato kung saan hindi masyadong flattering ang itsura ko habang natutulog. "Do you want everyone in Clark High to see this picture?"
"Teka, paano mo nakuhanan 'to?" pagulat kong tanong. "Talagang pumasok ka sa kuwarto ko kahit naka-lock? At habang natutulog pa ako?"
That was a stupid question. Of course, he did. Kaya nga niya nailagay sa ilalim ng kama ang player at nakapag-iwan siya ng hibla ng kanyang buhok.
"Have I mentioned to you that I have a master's degree in lock picking?" he jested. Or he might not be joking at all. "You should have added more locks on your door."
"Alam mo bang illegal 'yang ginawa mo? You trespassed into my room and you took a photo of me without my consent. Now you're blackmailing me?"
"Doesn't matter to me as long as it will do the trick."
"You think that unflattering photo is enough as a threat?" Nagkrus ang mga braso ko at pinagtaasan ko siya ng isang kilay. "Go ahead. I-upload mo 'yan kung gusto mo. Wala akong pakialam kahit mag-viral pa 'yan."
Tumalikod na ako sa kanya at tuluyan nang pumasok sa kuwarto ko. Kung sa tingin niya'y titiklop ako gamit 'yon, nagkakamali siya. It would take more than that photo to make me do his bidding.
"This morning, you were willing to help that student because your conscience couldn't take it if something bad happened to her. You felt somewhat responsible," Loki said. "Now, I'm merely insisting that you hold up your end of the bargain. You made me a promise. I have a recording of our deal. But you seem to be walking back on your word. Won't your conscience bother you about it?"
Yumuko ako at ipinikit ang aking mga mata. He got me there. Bullseye. Baka 'yon ang dahilan kaya hindi ko direktang masabi sa kanya ang sagot kong no. May conflict kasi sa konsensya ko. Others might find it easy, pero para sa akin, hindi gano'n kadaling tumalikod sa ipinangako ko, kahit na hindi ko gusto ang taong pinangakuan ko. A promise is a promise.
"Don't worry, I'll let you sleep on it," he added. "I don't have much time left in the clubroom, so I hope you can make a decision by tomorrow."
"Fine. Let me think about it again." Bumuntonghininga ako bago ko isinara ang pinto.
Kung susuriin, kasalanan ko kung bakit may bago akong dilemma ngayon. Sinubukan ko siyang utakan para ma-solve ang isa ko pang problema, pero ang ending, nautakan niya ako. I backed myself into a corner here.
Tama nga siguro si Loki. Kailangan ko munang itulog ito at pag-isipan nang maigi.
q.e.d.
Project LOKI Volume 1 (Collector's Edition) is still available on PSICOM Publishing's Shopee and Lazada stores for only ₱650. The package includes (1) book with author's signature, (2) bookmarks, (2) postcards, (2) sticker pads, and (1) magnetic bookmark.
Get in touch with AKOSIIBARRA (R.C. MUSNI) on social media:
Facebook: Cris Ibarra / Akosiibarra
Twitter: @akosiibarraWP
Instagram: @akosiibarraWP
Tiktok: @akosiibarraWP
YouTube: @akosiibarra
Like or follow Project LOKI on social media:
Facebook: Project LOKI
Twitter: @TeamProjectLOKI
Join the official group for AKOSIIBARRA and Project LOKI readers on Facebook:
www.facebook.com/groups/theqedclub or The Q.E.D. Club (Project LOKI)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro