Chapter 03: Lights, Camera, Drama!
AUTHOR'S NOTE: This is the updated 2022 version of Chapter 03. If you are re-reading this part, you may observe some changes from the previous version.
CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains depictions of and references to self-harm and suicide, and strong language that may be upsetting for some readers. Please be mindful of these sensitive themes and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.
LORELEI
"Lorelei? Na-miss mo ba kami?"
"Sa tingin mo ba'y makatatakas ka sa amin?"
"Kahit saan ka magpunta, susunod kami sa 'yo."
NAPABALIKWAS AKO sa kama, daig ko pa ang tumakbo ng ilang kilometro sa paulit-ulit at malalalim kong paghingal. Tumagaktak din ang malalamig na pawis sa buong katawan ko na parang muntik na akong malunod sa isang malalim na swimming pool sa kalagitnaan ng gabi.
Those voices again . . . It had been a while since I got some nightmares.
My hand wiped the beads of sweat on my forehead. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Because of what happened yesterday, muling na-trigger ang alaalang gusto ko nang kalimutan. Salamat sa magaling na si Loki, mukhang babangungutin ako nang ilang araw.
I searched for my phone on my bedside and checked the time. It's five-thirty already. Pwede pa akong umidlip kahit thirty minutes. Pero baka mapasobra ang idlip ko. At saka, oras na para maghanda sa pagpasok sa school. I would rather be early than late. Matapos kong ayusin ang aking kama, bumangon na ako at lumabas ng kuwarto.
Hindi pa man sumisikat ang araw, nasira na ang araw ko. Bakit? Ang unang taong nakita ko ay walang iba kundi si Loki. Nakaupo siya sa couch at nagta-type sa kanyang laptop. Himala na nadatnan ko siya rito sa living room. Sa ganitong oras kasi, tulog pa ako habang siya nama'y nagpe-prepare na para pumasok.
Our eyes briefly met. Hindi na namumula ang pisngi niya at halos hindi na rin halata ang bakas ng kamay ko roon. Agad akong umiwas ng tingin. Napunta sa mug na nasa mesa ang atensyon ko. I could not stand looking at him for another second. I did not want to look at him at all.
Pumunta ako sa kitchen para magtimpla ng hot chocolate. Narinig kong isinara niya ang kanyang laptop. Napansin ko rin sa aking peripheral vision na patungo siya sa direksyon ko. Hindi ko alam kung sinasadya niya, pero he maintained one-meter distance from me. Sinadya ko siyang hindi pansinin. Ayaw ko na lalong masira pa ang araw ko. Pero nagtaka ako kung ano ang nakain ng lalaking ito at bakit parang gusto niyang makipag-usap sa akin?
With a hot mug held by both of my hands, I turned around and walked back to the living room. Dinaanan ko siya sa tabi at nagkunwaring hindi ko siya nakita. Hindi pa man ako nakalalayo, narinig ko siyang nagsalita.
"I'd like to say sorry," panimula niya. Unlike yesterday, his tone was not that flat. May kaunting emosyon ngayon. Huminto tuloy ako sa paglalakad. "What I did on the rooftop was wrong."
Lumingon ako sa kanya, medyo kumunot ang aking noo. Binabangungot pa ba ako o talagang lumabas sa bibig ng lalaking ito ang salitang sorry? I did not expect him to know what that word meant. Kahit sino sigurong may kilala sa kanya, baka hindi nakapaniwala. Parang wala kasi sa vocabulary niya ang salitang 'yon. If it were, kahapon pa dapat siya nag-sorry sa akin.
"Do you think na mapatatawad na kita dahil nag-sorry ka na?" Ibinaba ko muna sa center table ang mainit na mug. Baka mabuhos ko pa sa kanya ang laman n'on. Napahawak sa baywang ang mga kamay ko. Nagmukha tuloy akong teacher na sinesermon ang estudyanteng nakagawa ng kalokohan. "Pagkatapos ng nangyari kahapon, sa tingin mo ba'y gano'n kadali 'yon?"
Ilang segundo kaming nagkatitigan, parang hindi siya nakapaniwala sa reaksyon ko. Did he expect me to easily forgive him and welcome him with open arms? Teka, baka siya itong nananaginip nang gising? Hindi yata effective ang coffee na ininom niya.
"There's nothing I can do if you choose to not accept my apology." He shrugged then looked away. "I just felt compelled that I need to say the magic word."
"Compelled?" Kumunot ang noo ko. "Napilitan kang humingi ng sorry?"
"That's what people do, right? If they've wronged someone, they're required to say sorry."
Kumurap ang mga mata ko nang ilang beses habang patuloy na nakatitig sa kanya. Kung makapagsalita siya, parang hindi siya kabilang sa mga gaya kong mortal. Pinaninindigan ba niyang hindi niya ka-level ang mga tao gaya ng kapangalan niyang Norse trickster god?
"Kapag nakagawa ka ng kasalanan, dapat humingi ka ng sorry. Pero kailangang bukal sa loob mo 'yon, hindi dahil napipilitan ka." Hindi ko inakalang sasabihin ko 'yon sa isang teenager na halos kasing edad ko. That should have been basic knowledge.
"Oh, really? I thought people need to apologize so their chances at making mistakes will be reset?" Naningkit ang mga mata niya at napahawak siya sa kanyang chin. "Like thank you. You express gratitude to someone so you can ask them for more favors in the future."
Halos magsalubong ang magkabilang kilay ko. Saang dictionary niya kaya hinugot ang kanyang concept ng sorry at thank you? What kind of childhood did he have growing up? Ilang taon ba siyang nakatira sa kuweba para hindi niya malaman ang gano'ng kasimpleng bagay?
"Your face tells me you're wondering where I got those notions." Hindi na niya kailangan ng superb deduction ability para mabasa ang pagtataka sa mukha ko. "I observed them from my classmates. Whenever they make a mistake, they just say sorry, then they can commit another again. And the cycle repeats endlessly."
"How about sa friends mo?" tanong ko. Surely, they would have taught him a thing or two.
Kumurap-kurap ang mga mata niya sa akin at sandali siyang natahimik. He then raised an index finger. "Before I answer that question, do we have the same definition of the word friend? We might be reading different dictionaries."
"That's a line somebody without any friends would say." Hindi ko napigilang mapangiti sa sagot niya. Oo nga pala. Nabanggit na sa akin ni Tita Martha na ni minsa'y walang dinalang classmate o friend sa apartment si Loki. Clue na pala 'yon na wala siyang kaibigan.
"Who needs friends anyway?" Tumalikod siya't muling umupo sa couch. Binuksan niya ulit ang laptop sa kanyang tabi at ipinokus doon ang tingin. "They're nothing but excess baggage in our lives."
"Your life, not mine," I countered. At last, may nalaman na rin akong piece of information tungkol sa kanya: Loki Mendez did not have any friends. Kaya siguro noong bumisita ako sa club niya kahapon, siya lang mag-isa ang nandoon. Tama nga si Tita, hindi interesado ang lalaking ito sa mga tao.
For a second, I felt sad for him. That was such a lonely way to enjoy his youth.
Then something came to mind. Baka pwede kong i-take advantage ang sitwasyon na ito. Lumapit ako sa kinauupuan niya at tinitigan siya habang nagta-type sa keyboard ng laptop. I folded my arms across my chest. "Tatanggapin ko ang sorry mo, but you will owe me a favor."
Wala pa akong naisip na hihingin sa kanya, pero baka more on him not bothering me ever again or keeping his mouth shut.
His eyes narrowed into slits, curiously staring at me. "And why will I owe you a favor? Just to remind you, I put an end to your secret admirer dilemma. If you think about it, you're the one who should owe me a favor. Speaking of which."
Iniharap niya sa akin ang laptop at ipinakita ang blog post ko kagabi. Namulagat ang mga mata ko at halos malaglag ang aking panga. Teka, paano niya nahanap ang blog ko? Hindi ko pa 'yon sine-share publicly sa social media.
"It's easy to search stuff on the Internet as long as you know the right keywords." I had not said anything out loud, but he answered the question on my mind. "By the way, did you deactivate your Facebook account? I couldn't find it."
I gasped. "You're stalking me online?"
"You piqued my curiosity so I decided to run an online background check on you." Muli niyang iniharap sa sarili ang laptop. Nagpatuloy siya sa pagta-type nang hindi tumitingin sa akin. "I wanted to know if my roommate has a suspicious background or is a potential serial killer. No offense meant. Just a standard procedure. I also did it on my previous roommates."
Wow! Talagang sa kanya pa nanggaling 'yon? Siya nga dapat ang paghinalaan kong may suspicious background dahil sa twisted niyang paningin sa buhay at bagay-bagay. Sa aming dalawa, baka siya ang more likely na may potential maging serial killer.
"Back to my favor, I want you to revise this blog post. Your prose is good, your descriptions are vivid, and you can keep your readers at the edge of their seats. But you made me look like the villain here. 'Loki's much worse'? Was I the one who annoyed you with gifts? If you make the necessary revisions, I'd consider us even."
Inirapan ko siya bago ko kinuha ang mug ng hot chocolate (na hindi na gano'n ka-hot) at bumalik sa kitchen. Hindi ako nag-reply at hindi na rin niya ako kinulit. Kahit ano pa'ng sabihin niya, hinding-hindi ko pagbibigyan ang hinihingi niyang favor. Kung gusto niya, mag-create siya ng sarili niyang blog at doon i-post ang kanyang side.
KUNG DATI, si Loki ang nauunang umalis ng apartment, ngayo'y ako naman. Iniiwasan ko pa rin siyang makasabay patungong school dahil baka may makakita sa aming dalawa at gumawa ng tsismis. Sa panahon ngayon, madali nang ma-misinterpet ang isang bagay. I did not want my name to be dragged in a gossip especially with that guy.
Inasahan kong magiging normal schoolday ang araw na ito para sa akin. Yesterday was too much for me. Ayaw kong masyadong ma-stress o mapagod ngayon. Pero nang nakita ko ang grupo ng mga estudyanteng naka-huddle sa tapat ng high school building, I sensed that today would not be an ordinary day.
Lahat sila'y nakatingala at nakatingin sa rooftop. Karamihan sa mga mukha nila'y nababalot ng pag-aalala at pagkatakot. Dala ng curiosity, tumingin din ako sa taas. Baka kasi may nakita silang comet na pabagsak sa Earth o baka may dumaan na unidentified flying object. What else could make them seem concerned and worried?
It was not a comet or a UFO. It was a female student standing on the ledge of the rooftop. Hindi yata siya naroon para i-appreciate ang view kung gaano kalawak ang campus namin. Mukhang balak niyang tumalon. And I happened to recognize her face from this distance.
Saktong-sakto naman, nagkasalubong kami ni Rosetta na isa rin sa mga nakiusyosong estudyante. Nakisama siya sa mga sumisigaw na "Please, huwag kang tatalon!"
"Rosie, anong nangyayari dito?" pambungad kong tanong sa kanya. "Classmate natin ang babaeng 'yan, 'di ba?"
"Ikaw pala, Lori!" Hindi mabura-bura ang pagkabahala sa mukha niya. "Balak yatang tumalon ni Lisa. Kinakausap na siya ng mga teacher sa rooftop na huwag tatalon."
"Huh? Bakit daw? May mabigat ba siyang pinagdaraanan? Baka pwede munang pag-usapan 'yon sa counselor natin?"
"Nabalitaan kasi niya na i-e-expel si Aaron mula sa school dahil sa isang serious offense. Ngayon, gusto ni Lisa na ipa-reverse ang expulsion. Kung hindi raw siya pagbibigyan, tatalon siya! Super close kasi nila kaya hindi niya matanggap ang desisyon. Ang chika sa akin, may feelings si Lisa para kay Aaron kaya . . ."
Napalunok ako ng laway kasabay ng paninindig ng mga balahibo ko nang narinig ang pangalan ni Aaron. Kung talagang in-expel na siya, ibig sabihin, ginawa nga ni Loki ang lahat para masigurong hindi na ako guguluhin ng lalaking 'yon. Ipinakita niya siguro ang video sa principal.
Kung sanang hindi niya ako ginawang pain kahapon, baka sobra-sobra na ang pasasalamat ko sa kanya. Baka nga pinalampas ko na 'yong hindi namin magandang encounter sa apartment. Kaso hindi nito mabubura ang feeling na hindi niya sinasadyang muling ipadama sa akin.
Wala na nga akong problema sa secret admirer ko, dumagdag naman ang classmate namin. Kung matutuloy sa pagtalon si Lisa, baka hindi matahimik ang konsensya ko. Even though it was Aaron's fault why he was expelled, ako naman ang naging daan para doon. One thing led to another. Hindi ko na dapat pinoproblema ito, pero kahit saang anggulo ko tingnan, damay pa rin ako.
May boses na bumulong sa tainga ko na kailangan kong pigilan si Lisa. At pinakinggan ko 'yon. I ran as fast as I could to the high school building and reached for the stairs. Dahil nasa labas ang mga estudyante at naka-focus ang atensyon ng halos lahat sa taas, wala akong nakasalubong sa hagdanan . . . hanggang sa nakarating ako sa third floor.
Sa dinami-dami ng pwede kong makita, bakit siya pa?
"Are you about to watch the shoot up close?" nababagot na bati ni Loki nang huminto ako sa landing. Hindi ko na dapat siya papansinin at tutuloy na sana ako sa taas, kaso kinailangan kong habulin ang aking hininga. "What movie are they filming? Is it an action, drama, or comedy?"
Teka, kung iisipin, parang kasabwat ko na rin si Loki sa pagpapa-expel kay Aaron kahit hindi ako gano'n ka-aware sa ginawa niya. Kung hindi niya isinumbong si Aaron sa principal o school officials, hindi mae-expel ang lalaking 'yon. At kung hindi siya na-expel, hindi maiisipan ni Lisa na magtangkang tumalon mula sa rooftop.
In a way, damay rin siya sa drama na ito.
"Loki! Kailangan ko ang tulong mo!" Hinila ko ang kamay niya at halos kaladkarin ko siya paakyat ng hagdanan. Kinalimutan ko muna ang lahat ng atraso niya sa akin. Mas importante ang buhay ni Lisa kaysa sa feelings ko sa ngayon.
"Wait a minute!" Sinubukan niyang pumalag sa mahigpit kong hawak sa kanya. Hindi ko siya bibigyan ng chance na makatakas. "This morning, I told you that I owe you nothing. So what are you talking about?"
"Dahil pina-expel mo si Aaron, balak ngayong tumalon ng kaibigan niya na classmate ko mula sa rooftop!" paliwanag ko. "Kailangan natin siyang pigilan!"
"So it's my fault now? There's nothing wrong with eliminating a scum like him from this school." Pinilit niyang tanggalin ang kamay ko sa braso niya. Mabuti't mahigpit ang kapit ko. "If you stepped on a cockroach, would you feel guilty about it? No, because cockroaches deserve to be killed."
"Sabihin na nating reasonable ang ginawa mo. But because of what happened, an innocent life is at stake here! We should help her—I mean—we should stop her from jumping off."
"Not my cup of tea," walang gana niyang sagot. "Besides, what will I gain from helping you out?"
"Hindi kakayanin ng konsensya ko kapag may nangyari sa kanya." Tumigil kami sa harap ng vending machine. Unlike me, hindi effective ang pagkatok ko sa konsensya niya. Hindi ko nga sure kung meron siya n'on.
Paano ko ba siya mako-convince? Teka, ano ba'ng gusto niya? Ano ba'ng magagamit ko para tulungan niya ako? There must be something.
Aha!
"Kung tutulungan mo ako, I will be in your debt." Binitawan ko na ang braso niya.
He stuffed his hand in one of his pockets and leaned closer to me. "Pardon? I didn't hear you quite clearly."
"Ang sabi ko, kung tutulungan mo ako, I will be in your debt."
I said exactly what he wanted to hear. Kaninang umaga, nabanggit niya sa akin na may gusto siyang hingin na favor. Naisipan kong gamitin 'yon para i-convince siya. Pero nagkakamali siya kung iniisip niyang seryoso ako sa sinabi ko. Nagbaka-sakali ako na kakagat siya kapag ginawa kong pain ang pagkakaroon ng utang na loob sa kanya. At kumagat nga siya.
"Hmm . . ." Nagkrus ang mga braso niya at tumingala sa kisame. "So you'll owe me a favor?"
Tumango ako. "Oo, gagawin ko ang pinapagawa mo kanina. Ire-revise ko 'yong blog post."
"That's a tempting deal," he sighed, looking down. "If you're willing to be indebted to me, I guess I have to take it. But I won't ask you to make that revision anymore. I have a better idea."
Whatever, Loki. Hindi na importante kung anong favor 'yan. Hindi ko rin pagbibigyan kapag tapos na ang problemang ito. "Kahit ano, gagawin ko basta hindi labag sa prinsipyo at moral ko."
"Fine, I'll help you. But there's no guarantee that I can stop that student from jumping. I'm not a hero who can save her from a tragic ending."
"I never said that you are a hero."
Kung may ibang tao pa akong pwedeng hingan ng tulong, never akong lalapit sa kanya. Pero masyadong time-sensitive ang sitwasyon kaya wala akong choice kundi umasa sa kanya. I felt like he could resolve this situation. If he managed to lure out my secret admirer through a cunning method, I got high hopes na magagawan niya rin ng paraan ang suicide attempt ngayon.
"Before I grant your request, I need a moment of privacy to think of a way to stop her. I also need to take my daily dose of caffeine. You can go ahead. Just make sure that she'll still be there by the time that I arrive."
"Okay."
Nagpatuloy ako sa pag-akyat sa hagdanan habang iniwan ko si Loki sa harap ng vending machine. Sinabi ko na sa sarili kong hindi ko na siya kakausapin o hindi na ako hihingi ng tulong sa kanya. Pero dahil desperado na ako, kinailangan kong lumapit sa kanya at magsinungaling pa. Kasalanan din naman kasi niya kung bakit may eksena sa school nang ganito kaaga.
Nang nakarating ako sa rooftop, parang may shooting ng movie rito gaya ng sinabi ni Loki kanina. Maraming estudyanteng nanonood, may ilang teachers na nakaantabay at may mga guwardiyang nakaabang. All eyes were focused on the long-haired student who was standing on the ledge.
"Bumaba ka na riyan, miss!" paulit-ulit na sigaw ng mga tao sa paligid niya. "Huwag mong sayangin ang buhay mo!"
"P-Para saan pa?!" pasigaw na sagot ni Lisa. Nadungisan na ng mga luha ang mukha niya. Hindi rin huminto ang kanyang pag-iyak. "Ilang ulit ko bang dapat sabihin sa inyo? Gusto kong pabalikin n'yo rito si Aaron! I-lift n'yo ang expulsion niya!"
Humakbang paabante ang isa sa mga teacher at iniabot ang kanang kamay nito. "Medyo mahirap 'yang hinihingi mo kasi isang serious offense ang ginawa niya. Pero mapag-uusapan natin 'yan. Kaya umalis ka na riyan at lumapit ka na rito sa amin."
"Huwag kayong lalapit!" Parang dagundong ng leyon ang boses niya. Humakbang siya patalikod, ilang inches bago siya tuluyang mahulog mula sa rooftop. "Pag-usapan? Ang akala n'yo ba'y maloloko n'yo ako? Gusto n'yo lang akong paalisin dito kaya sinasabi n'yo 'yan!"
My eyes roamed the area. Hinanap ko si Loki na dapat ay nandito na. Gaano ba katagal bago siya makaisip ng solusyon? Dinadasalan ba muna niya ang kanyang canned coffee? Kapag hindi pa siya umakyat, baka duguang katawan na ni Lisa ang maabutan niya.
"Isa pang may lumapit sa inyo, talagang tatalon na ako rito!" banta niya, dahilan para umurong nang isang hakbang ang mga tao sa kanyang harapan. "Kung ayaw n'yo akong tumalon, pabalikin n'yo si Aaron!"
"Go ahead, jump!"
We all turned our heads to the door of the rooftop kung saan pumasok ang lalaking mukhang nag-e-enjoy sa atensyong nakuha niya. Deretsong nakatingin ang mga kulay gray niyang mata sa babae. Nakapamulsa pa ang mga kamay niya habang mabagal na naglalakad patungo sa kinatatayuan namin.
Finally, he was here.
"What took you so long?" I whispered.
"I finished my canned coffee first." Napaka-kalmado pa ng facial expression niya na parang walang krisis. "I have to keep myself awake so I can function the whole day."
"Aware ka ba kung gaano ka-sensitibo ang sitwasyon ngayon? Kita mo kung gaano na siya kalapit mahulog? Pasalamat ka't hindi pa siya tumalon habang wala ka."
"This is just an unnecessary morning drama. Let's get this over with."
Humakbang na si Loki palapit sa babaeng sandaling natikom ang bibig. Sinabihan siya ng ilang teachers na huwag tumuloy, pero hindi niya pinakinggan. I wondered what trick he was going to use this time.
"Huwag kang lalapit! Kung 'di tatalon ako!" banta ulit ng babae.
"Did you not hear me just a minute ago? I said you can jump anytime you want." My goodness! Instead na i-convince niyang sumuko ang babae, kabaligtaran pa yata ang ginagawa niya. "Let's cut this nonsense drama right here, right now. I still have some clients to entertain in the clubroom."
Everyone around him gasped, wondering what in the world did he just say.
Batuhin ko yata ng sapatos ang lalaking ito. Ano ba'ng pinagsasabi niya? He was supposed to save the soul of the poor girl! And that was what I asked him to do! Gusto niya ba talagang tumalon si Lisa? Would he be able to carry that burden everyday?
"H-Hindi mo ako pipigilan?" Pati ang nagtatangkang tumalon, naguluhan sa sinabi niya. "Hindi mo ako sasabihan na huwag ko nang ituloy 'to?"
Marahang umiling si Loki. "Why will I stop you? You can do what you want. Unlike these buffoons here, I don't have the intention to play the hero to save you. But I find it funny. You're willing to jump off this building just because the school expelled a guy? How lame."
"L-Lame? You're calling me lame? How dare you!"
"You're selfish too. You don't care what your family, your friends, and your classmates would feel once you're gone. You want them to grieve over your death, you want them to feel the pain of loss while you're chilling in the afterlife. If that's not selfish, I don't know what to call it."
"I am not selfish!" Humakbang palapit sa kanya ang babae. Lumabas ang mga mapuputi nitong ngipin na parang asong mangangagat. "You don't have the right to judge me! You don't know me!"
"I'm not interested about you. Just jump when you feel like it." Humikab pa si Loki sa harap ng babae. Talagang ipinapakita niya kung gaano siya ka-bored. "Don't drag the drama. To be honest, I'm more worried about the mess that the housekeepers will have to clean up once your brains splatter on the pavement."
Tumibok-tibok ang ugat sa sentido ni Lisa, lumaki rin ang dalawang butas ng kanyang ilong. Malamang nanggagalaiti na siya dala ng insensitive remarks ni Loki. Kahit sino naman siguro, maiinis sa mga pinagsasabi niya.
"I thought you were about to jump? What's with the delay? Go ahead, jump! Don't expect the school to reverse the expulsion. A lowlife like him deserves it. Oh, by the way, I'm the one who filed the complaint against him. Good riddance."
"You bastard—"
Parang tigreng tumalon sa direksyon ni Loki ang babae, nakalabas ang mga kuko para kalmutin at galusan ang balat niya. Masuwerte siya dahil mabilis na umaksyon ang mga guwardiya at kaagad nilang napigilan si Lisa.
"Let me go! Let me go!" pagpupumiglas nito.
Kinailangan pa siyang buhatin ng mga guwardiya palayo sa lalaking nang-insulto sa kanya. In-escort na siya pababa ng rooftop habang patuloy ang pagsigaw sa kasama ko. At dahil tapos na ang drama, sinabihan ng mga teacher ang mga estudyante na bumalik sa kani-kanilang classrooms. Nagsialisan na ang mga nanonood. Blockbuster ang screening dito sa rooftop. Back to business na ulit.
"Whew! That was close!" Kinapa ni Loki ang pisngi niya para damhin kung may kalmot siya sa mukha. At first, I thought he was referring to the failed suicide attempt.
Should I be amazed by the method he used to stop my classmate from jumping off? Ramdam kong hindi niya inasar si Lisa para udyuking tumalon. Baka parte 'yon ng plano niya. Kung hindi mo kilala kung anong klaseng tao si Loki, iisipin mong gusto niya talagang mauwi sa madugong ending ang eksena sa rooftop.
What he did today revealed the same level of cunning that he showed me yesterday.
"Ano'ng tawag sa ginawa mo kanina?" tanong ko nang sabay kaming umalis ng rooftop. "In-expect mo na bang hindi siya tatalon kahit ilang beses mo na siyang sinabihan na tumalon?"
"I tried to use reverse psychology against her," sagot niya habang naglalakad kami pababa ng hagdanan. "By repeatedly telling her to jump, I made her wonder why I wasn't stopping her. Making her confused about whether to jump or not was my first move. Then I provoked her so she'd get mad at me and try to attack me, thereby getting her off the ledge."
Kung may award para sa estudyanteng may amazing trick, malamang ay napanalunan na 'yon ni Loki. I could not help but wonder kung ano pang trick ang meron siya.
"Now that I've kept my end of the bargain, it's time for you to do the same." Lumingon siya sa akin, seryoso ang kanyang mukha. "You now owe me a favor."
"What favor?" may pagtatakang tanong ko, kunwari'y clueless. "Wala akong matandaang may pinagkasunduan tayong gano'n. You agreed to help me without anything in return."
It's payback time, Loki, for what you did. Pinigilan ko ang pagkurba ng mga labi ko. Ayaw ko munang ipakita na nautakan ko siya. Yesterday, he tricked me and used me as a bait. Ngayon, ako naman.
"I kinda expected that you'll try to pull a fast one on me so . . ." Bumuntonghininga muna siya bago huminto sa paglalakad. Inilabas niya ang kanyang phone at iniharap sa akin. "Thank goodness I was well prepared for any trick that you might play on me."
"Kung tutulungan mo ako, I will be in your debt . . . Kahit ano gagawin ko, basta hindi labag sa prinsipyo at moral ko."
Oh, shoot! Ni-record niya ang mga sinabi ko kanina! Nanigurado talaga siyang may proof na nagkaroon kami ng deal. Kainis! I thought I already got him.
"Did you fall down on the stairs and smack your head? Or are you having an episode of selective amnesia right now?" Ibinulsa na niya ang kanyang phone at saka tumingin sa akin. "It's time to pay your debt."
Mukhang wala na akong magagawa kundi bayaran ang utang na loob ko sa kanya. "Fine! So ano ang kapalit ng pagtulong mo sa 'kin? Gusto mo ba akong kumanta o sumayaw sa harap ng maraming tao?"
"No, nothing of that sort."
"Kung gano'n, ano?"
Loki looked at me in the eye and paused for a few seconds. "I want you to join my club."
q.e.d.
Project LOKI Volume 1 (Collector's Edition) is still available on PSICOM Publishing's Shopee and Lazada stores for only ₱650. The package includes (1) book with author's signature, (2) bookmarks, (2) postcards, (2) sticker pads, and (1) magnetic bookmark.
Get in touch with AKOSIIBARRA (R.C. MUSNI) on social media:
Facebook: Cris Ibarra / Akosiibarra
Twitter: @akosiibarraWP
Instagram: @akosiibarraWP
Tiktok: @akosiibarraWP
YouTube: @akosiibarra
Like or follow Project LOKI on social media:
Facebook: Project LOKI
Twitter: @TeamProjectLOKI
Join the official group for AKOSIIBARRA and Project LOKI readers on Facebook:
www.facebook.com/groups/theqedclub or The Q.E.D. Club (Project LOKI)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro