Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 02: Mystery in the Locker

AUTHOR'S NOTE: This is the updated 2022 version of Chapter 02. If you are re-reading this part, you may observe some changes from the previous version.

CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains depictions of and references to trauma, stalking, sexual harassment, and strong language that may be upsetting for some readers. Please be mindful of these sensitive themes and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.

LORELEI

IN THE next few days, hindi ko na kinausap si Loki. Kahit magkasalubong kami sa living room o kitchen, I paid him no attention. Parang hindi siya nag-e-exist sa paningin ko. Parang hindi rin ako nag-e-exist sa paningin niya. Hindi rin kasi niya ako pinapansin. Therefore, I concluded that the feeling was mutual.

Masama pa rin ang loob ko sa kanya. May mga bagay akong gustong makalimutan, pero dahil sa pinagsasabi niya at pagyayabang kung gaano siya kagaling mag-deduce, muntik ko nang maalala ulit. That night, naisip ko ngang isumbong siya kay Tita Martha. Pero na-realize ko na medyo childish yata 'yon. Ayaw ko ring madamay si Tita sa aking issue. Matanda na ako—malapit na akong mag-eighteen—kaya ako mismo dapat ang mag-handle ng sarili kong problema.

Hindi ako makapanood ng TV at makatambay sa couch dahil kay Loki kaya naisipan kong magkulong sa aking kuwarto at gumawa ng blog. Ipo-post ko roon ang new experiences ko sa Pampanga. Kasama na ang unang conversation namin ni Loki kung saan nabuwisit ako sa kanya.

Nitong Monday, first day of classes na sa Clark High. I confirmed from Tita Martha na doon din nag-aaral ang roommate ko. Ang ibig sabihin, may chance na magkasabay kaming pumasok at umuwi. Great. Paggising ko nitong umaga, wala na siya sa apartment at mukhang nauna na sa akin. Mabuti nga. Baka ano pang tsismis ang kumalat kapag may nakaalam na sa parehong unit kami nakatira.

There was nothing remarkable sa first week sa bago kong pinapasukan na high school. Bilang transferee, I was greeted with welcoming smiles and friendly gestures. Agad nilang pinaramdam sa akin na talagang belong ako sa HUMSS 11-A Class. Parang nakababatang kapatid ang treatment nila sa gaya ko. May iilang gustong makipagkaibigan. But I tried to distance myself from them. Maliban sa hindi ako gano'n ka-sociable, ayaw kong basta-basta magtiwala sa kahit sinong nagpapakilala sa akin.

Kapag lunchtime, mag-isa akong kumakain sa cafeteria. I chose to savor every spoonful of my sumptuous meal in my mouth alone. 'Tapos bigla akong lalapitan ng classmates ko at itatanong kung bakit hindi ako sumasabay sa kanila. Nginitian ko sila sabay sagot na "Medyo naninibago pa kasi ako e."

I got some trust issues when it came to friends. Dala na ito ng experience ko sa dati kong school. Kapag nakikita ko ang aking classmates na gustong makipagkaibigan sa akin, hindi ko naiwasang maitanong sa sarili ko: Sino kaya ang mga magiging tunay kong kaibigan sa kanila at sino ang makikipagplastikan sa akin?

Sa mga lalaki, may ilang sobrang eager na mas makilala pa ako. Napatatanong ako kung sino ang may itinatagong motibo sa kanila. Dala na ng trust issues ko, lagi kong iniisip na may secret agenda ang mga taong uma-approach sa akin.

"Hi, Lorelei! Pwede ko bang makuha ang number mo? Para kapag may tanong ka about sa subjects natin, you can ask me."

One of those boys was Marcus. If he wanted to be friends with me, he did it the wrong way. A guy should never ask for a girl's phone number during their first conversation. Automatic turn off.

"Lorelei, tulungan na kita riyan sa mga gamit mo. Nahihirapan ka yata."

Another lad worth mentioning was Aaron. Kahit lagi niyang kasama ang friend niyang babae at classmate naming si Lisa, I sensed from his small gestures that he was interested in me. Lagi niya akong tinutulungan sa paglilinis ng classroom at pagbitbit ng mga libro ko tuwing pupunta kami sa lab. I always declined his kind offer.

"Lorelei, sabay naman tayong mag-lunch, oh! Napansin ko kasi na lagi kang nag-iisa."

Nathan was probably the most persistent among my boy classmates. Ilang beses na niya akong niyayang sumabay na kumain ng lunch. Tine-turn down ko lagi ang invitation niya. If I said yes, it might give him the wrong signal. Also, I did not want to share the table with someone whom I barely knew.

Among the girls, may isa talaga na pilit ipinagsisiksikan ang sarili sa akin. Her name's Rosetta Rodriguez. She seemed like a people person—someone you would easily get along with. Permanente na yatang nakapinta sa mga labi niya ang isang malawak na ngiti. Abot hanggang baywang ang straight niyang buhok, medyo bilog ang mukha at nakaumbok ang magkabilang pisngi. Kung pagtatabihin kaming dalawa, mapapansin ang ilang inches na height difference dahil mas matangkad siya sa akin.

"Mamaya, sumabay ka na sa 'min, ha?" paalala niya habang nagpapalit na kami ng damit para sa Physical Education class. Ilang beses na niya akong niyayang sumabay na kumain sa cafeteria kaso lagi akong umiiwas.

Nasa locker room kaming dalawa kasama ang iba pa naming classmates na babae. Ipapasok ko na sana ang susi ko sa keyhole, pero bigla akong napatigil nang may napansin akong kakaiba roon. That's strange.

"Hmm? May problema ba, Lori?" tanong ni Rosetta. Nataon na magkatabi kami ng locker. Medyo hindi ako comfortable na tinatawag niya ako sa aking nickname, pero mas maganda nang pakinggan 'yon kaysa sa Lei-Lei na s-in-uggest niya sa akin. "Hindi ba gumagana 'yang susi mo?"

I turned to her before pointing at my locker door. "May mga gasgas sa paligid ng keyhole. Sa pagkakatanda ko kasi, walang ganito noong huli kong bukas kahapon."

Nilapitan niya ang aking locker at sinuri ang susian. Nanliit pa ang mga mata niya habang tinititigan 'yon. "Sigurado ka bang 'di ikaw ang may gawa nito?"

"Maingat kong ipinapasok ang susi kaya imposibleng magkagasgas 'yan."

"Baka may estudyanteng nagkamali ng locker at pilit na ipinasok ang key niya?"

That was impossible. Nakadikit ang buong pangalan ko sa locker door kaya sakaling may naligaw man, mapapansin niya kaagad na hindi sa kanya ito. Mangyayari ang sinabi niya kung hindi marunong magbasa ang sinumang nagkamali.

Napakibit-balikat ako bago ipinasok ang susi at dahan-dahang binuksan ang locker. Bumungad sa akin ang isang box ng mamahaling chocolate. May nakalakip pang letter na "For you, Miss Lovely. From your secret admirer."

"May nagpumilit ngang buksan ang locker ko," bulong ko habang hawak-hawak ang maliit na box ng chocolate. Sa halip na kiligin sa gano'ng sweet gesture, kinilabutan pa ako.

"Sa ganda mong 'yan, talagang magkakaroon ka ng secret admirer." Sinilip ni Rosetta kung ano ang nakasulat sa papel. "May lalaki yatang tinamaan sa charm mo, Lori!"

Tch. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay atensyon. Okay na para sa akin ang mabuhay nang naka-incognito mode sa paningin ng iba basta hindi nagugulo ang buhay ko. My dad trained me that way.

Sa pag-aakalang minsan lang mangyayari ang pagbubukas sa aking locker, ipinagwalang-bahala ko na 'yon. Baka kasi hindi na maulit pa. Pero sa sumunod na araw, muling nag-iwan ang secret admirer ko ng isang bagay na mas nagpangilabot sa akin.

I swallowed the lump in my throat as I stared at a photo that was intentionally left inside. Sa retrato, nakadungaw ako sa bintana ng aming classroom. May kasama pa itong pulang rosas. Sa likod, may iniwan siyang message.

"Please smile for me. From your secret admirer."

This was getting creepier. Hindi na yata normal na secret admirer ang nasa likod ng mysterious gifts na natanggap ko. May stalker na yata ako.

"May kilala ka ba sa mga classmate nating lalaki na interested sa 'kin?" tanong ko kay Rosetta na abala sa pagpapalit ng damit. Naka-ponytail na ang kanyang buhok na sumusunod sa bawat galaw niya.

"Mukhang lahat sila e interested sa 'yo. Gusto ka nilang mas makilala pa. May nagpapatulong nga sa 'kin kasi nahihiya siya. Bakit? Do you think na classmate natin ang may gawa niyan?"

Ipinakita ko sa kanya ang iniwang photo. "Na-capture ang shot na 'to habang nasa classroom ako kahapon. Mataas ang possibility na classmate nga natin ang nagbubukas sa locker ko at nag-iiwan ng kung ano-ano."

"Ayaw mo bang nakatatanggap ng gifts?"

Muling nabaling ang tingin ko sa loob ng locker. "Hindi naman sa ayaw ko, pero nagiging creepy na kasi. Walang masama kung ina-admire mo ang isang tao. Pero kung gusto mong i-express ang feelings mo sa kanya, hindi dapat sa ganitong paraan. Kung interested siya sa 'kin, bakit hindi siya magkaroon ng lakas ng loob para ipakilala ang sarili niya?"

Naisuot na ni Rosetta ang puting shirt at jogging pants niya samantalang ako, binabagabag pa rin ng mystery na ito. The problem was so troublesome that I could not focus on what I was supposed to do.

"Kailangan ko na yatang i-report ito."

"It might take some time bago matukoy ng admin kung sino ang nasa likod niyan. Kung gusto mong mabilisang malaman ang identity ng stalker mo, may kilala akong makatutulong sa 'yo."

"Huh? Sino naman?"

"Kapag may problema ang mga estudyante, meron silang isang place na laging pinupuntahan. Basta kapag may mystery ka na gusto mong ipa-solve, maaasahan mo ang club na 'yon. Pwede mo silang i-consult diyan sa case mo."

Umangat ang kaliwang kilay ko. "Parang detective club?"

"Parang gano'n!" tugon ni Rosetta na may pagtango. "Kung bukas, 'di pa titigil 'yang nag-iiwan ng gifts sa locker mo, humingi ka na ng help sa kanila. Pumunta ka sa third floor, sa pinakadulong room ng hallway at makikita mong nakadikit ang sign na 'QED Club' sa pinto."


TILA ITINADHANANG ibigay sa akin ni Rosetta ang gano'ng advice. The next day, pagbukas ko ng locker, may nakita akong maliit at cute na teddy bear. May nakadikit pang retrato mula sa profile pictures ko sa Facebook. Maging sa social media, ini-stalk na ako ng secret admirer ko.

The fact that he went through the trouble of picking the lock of my locker and stalking me in person and online was possibly an indication of his obsessive nature. I was no longer dealing with someone creepy. I was dealing with someone potentially dangerous.

Hindi na ako nagdalawang-isip na puntahan ang nasabing detective club. Around lunchtime, umakyat ako sa third floor at naglakad hanggang sa narating ang pinakadulo ng hallway. Sa bawat room na nadaanan ko, tiningnan ko ang mga pinto at hinanap ang sign na "QED Club."

After about three minutes, I found myself standing in front of Room 315. Hindi ko muna binuksan ang pinto. Napaisip kasi ako. Should I bother them with my petty problem? Would it be worth their time? Oh, well. Nandito na rin naman ako kaya mas mabuti kung ituloy ko na. Sayang ang effort ko kung uurong pa ako.

Huminga muna ako nang malalim bago kumatok nang dalawang beses at itinulak ang pinto papasok.

Kapansin-pansin kung gaano kaliit ang kanilang clubroom. Halos one-fourth ang laki nito compared sa isang regular classroom. Sa estimate ko, nasa lima hanggang anim na tao ang pwedeng magkasya rito dahil sa sobrang sikip. A long and rectangular wooden table was placed at the center of the room. Lots of paper with random numbers scribbled on them were all over the surface. A bookshelf that was almost empty was at a corner.

Teka, parang pamilyar ang ganitong scenario.

Inasahan kong may tatlo o apat na estudyanteng babati sa akin pagpasok ko. Gano'n kasi ang mga scenario sa clubs. Pero wala akong nakita sa loob maliban sa lalaking nakatalikod habang nakaupo sa swivel chair. He must be staring at the clear, blue skies outside through the window.

"Excuse me, dito po ba ang QED Club?" Dahan-dahan akong lumapit sa kanya para hindi ako makaistorbo sakaling natutulog siya. Hindi kasi siya agad lumingon sa akin o gumalaw.

"If you're familiar with the English alphabet and you know how to read, the answer to your question is obvious."

Nanlaki ang mga mata ko at parang nanigas ang aking katawan nang marinig ang boses niya. Hindi ako pwedeng magkamali! That annoying, monotonous voice could only come from one person whom I had the misfortune of meeting: Loki!

Humarap sa akin ang walang emosyon na mukha niya. Hindi man siya na-surprise na makita akong nakatayo sa kanyang harapan. Bahagyang naningkit ang mga mata niyang halos takpan ng bangs.

"Wait, aren't you my roommate?" tanong niya. "What's your name again? Lorraine? Lorena?"

Wow. I could not tell kung inaasar niya ako sa pag-astang nakalimutan na niya ang pangalan ko. Napaka-unique nga ng name ko para makalimutan ng iba. "Hindi mo na kailangang malaman pa. Sorry, pero mukhang nagkamali ako ng room na pinasukan."

Of course, that was not true. Kaso ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa kanya sakaling tulungan niya ako. Tumalikod ako't lumakad palabas ng clubroom. Kung alam kong siya pala ang daratnan ko rito, hindi na sana ako nagsayang ng oras.

"Oh, don't you lie. You're exactly where you're supposed to be," he said in a matter-of-fact tone. His eyes intently watched me. "A minute ago, you asked if this is the QED Club. You're obviously looking for this place so why are you denying it now?"

I was looking for this club, but not for him. Inirapan ko siya at pabalang na sumagot, "You're the last person that I want to see today. Kaya kung okay lang sa 'yo, mauuna na ako."

"That's another lie," muli siyang humirit nang nasa pintuan na ako. "The last person you want to see is someone who's causing you trouble. A secret admirer, perhaps?"

With furrowed eyebrows, I once again turned to him. Heto na naman siya sa kanyang mala-mind reader na method para malaman ang mga bagay-bagay na hindi naman dapat niya alam. "At paano mo nalaman ang tungkol doon?" 

Tumayo siya at nilapitan ako, nakahalukipkip sa bulsa ang mga kamay niya. I took a step backward as he got closer to me. We stood face to face. "Let's say that I have the power to know if someone's in trouble or not."

"May nagsabi sa 'yo?"

Instead na simpeng meron o wala, tumalikod siya at naglakad pabalik sa upuan niya. "Our first conversation must have left a bitter taste in your mouth. I have nothing on my plate at the moment so I can help you out. I'm not forcing you though. You have two options. You can walk away and be still bothered by your secret admirer. Or you can tell me the details of your problem and I'll expose the identity of the mysterious guy."

Gusto kong matuldukan na ang secret admirer case dahil nakababahala na. Ang kaso, hindi ako sure kung dapat kong pagkatiwalaan ang lalaking ito. Matapos ang brief exchange namin noong isang araw, I wished our paths would never cross again.

"Don't worry. Once your problem is solved, we can return to playing strangers again." Itinuro niya ang bakanteng chair sa kabilang dulo ng mahabang mesa. "So why don't you take a seat and tell me more about your case?"

That sounded like a great deal. Kahit may boses sa utak ko na nagsabing hindi ako dapat magtiwala sa kanya, umupo pa rin ako at inihandang ikuwento ang problema ko. He sat back in his swivel chair at the other end of the table. Para akong ini-interrogate ng mga pulis.

"Go ahead, I'm listening."

Huminga muna ako nang malalim bago nagsimula. "Last Monday, napansin kong may bumukas sa locker ko at nag-iwan ng isang box ng chocolate. Kahapon, naglagay siya ng rose at picture ko na may note na 'Please smile for me.' Kanina, nag-iwan siya ng maliit na teddy bear na may nakadikit na profile picture ko mula sa Facebook."

Malayo ang tingin niya, tila nabagot sa kuwento ko. He said that he was listening, but his attention was elsewhere. "The typical secret admirer case. Nothing unusual. Do you have any idea who this person might be?"

"I think classmates ko siya. 'Yong iniwan niya kasing picture kahapon, it was taken in our classroom."

"Interesting observation." He turned to me, his dull eyes squinting and staring. "What time do you usually check your locker?"

"Umaga tuwing PE class namin."

Kumurba ang gilid ng labi niya, isang ngiti na nangangahulugang may sagot na siya sa mystery. That was quick. "Consider your problem solved. If you want, I can introduce your secret admirer this afternoon."

"Kilala mo na kung sino siya?"

"No, but I have an idea on how I can expose his identity." He maintained the smirk on his face. "Until what time are your classes today?"

"Hanggang four o'clock. Bakit?"

"Meet me at exactly five o'clock on the rooftop. I'll unmask the identity of your secret admirer and put an end to your problem."

He was oozing with extreme confidence. Hindi ko alam kung puro hangin at yabang ang lalaking ito o talagang kaya niyang i-solve ang case ko. Based on what I heard from Rosetta, this club could close cases, so rest assured daw na matutuldukan na ang problema ko.

Just this once, I decided to trust this guy. My fingers were crossed na 'yon na ang una at huling pagkakataon na hihingi ako ng tulong mula sa kanya.


PAGKATAPOS NG last subject sa afternoon period namin, nag-stay muna ako sa cafeteria habang hinihintay ang pagpatak ng five o'clock. Halos lahat ng mga classmate ko'y nakauwi na samantalang ako, nandito pa rin at nag-aabang sa pagkikita namin ni Loki.

Five minutes before five o'clock, umakyat na ako patungong rooftop para makipagkita sa roommate-slash-detective wannabe. When I arrived there, walang akong nadatnan ni anino niya. Tanging tatlong malalaking cardboard box at mahahabang pipes ang nandoon.

Where was he? Siya pa ang naglakas-loob na nagsabing five o'clock sharp, e siya pala ang late.

Pumunta ako sa ledge ng rooftop, malapit sa cardboard boxes, at tumingin sa ibaba. Halos wala nang estudyante sa campus. Around this time, only clubs with after-class activities were allowed to stay.

Ch-in-eck ko ang time sa aking phone. Five-ten. What was taking him so long? Posible kayang pinagti-trip-an niya ako kanina? Baka gumaganti siya matapos kong mag-walk out noong isang araw sa apartment? Kapag hindi pa siya dumating within five minutes, uuwi na ako. Hindi ko na talaga siya papansinin sa apartment kailanman.

Dinarama ko ang sariwang bugso ng hangin at ang katahimikang naghahari sa rooftop nang biglang bumukas ang pinto sa likuran ko. Lumikha 'yon ng kaluskos at sinundan ng mababagal na yabag ng sapatos. At last, he was here!

Nagulat ako nang hindi mukha ni Loki ang bumati sa akin. Familiar sa akin ang itsura ng lalaking mabagal na lumapit sa kinatatayuan ko.

"Aaron? Ano'ng ginagawa mo rito?" Kitang-kita ko sa malawak na ngiti ng aking classmate na natutuwa siyang makita ako sa rooftop. He was one of my boy classmates who seemed to be interested in me. "May nakalimutan ka ba?"

"Ang sabi mo, gusto mo akong makita." Ipinakita niya sa akin ang kapirasong papel na may sulat na hindi ko malinaw na mabasa. "Kaya nagmadali akong pumunta rito."

My eyes narrowed into slits as I watched him approach me. Masama ang kutob ko sa lalaking ito. "Sorry, pero hindi ko maalalang may isinulat o iniwan akong note para sa 'yo. Baka nagkakamali ka. May iba akong hinihintay rito."

Puminta sa mukha niya ang pagtataka, napataas ang kanang kilay habang nakamasid pa rin sa akin. "Pero nag-iwan ka ng message sa locker. Ang sabi mo, gusto mo akong makita ngayong five o'clock dito sa rooftop para makilala ako at magpasalamat sa mga regalong ibinigay ko sa 'yo. Look! I'm here!"

That was the moment when a realization dawned on me. I did not get it at first, but I soon did. Namulagat ang mga mata ko sa kanya. Dahan-dahan akong humakbang paatras. "K-Kung gano'n, i-ikaw ang secret admirer ko?"

Yumuko siya na parang performer matapos ang kanyang performance. "Yours truly. Oh, bakit namumutla ka riyan? Hindi mo ba in-expect na ako ang makikita mo rito?"

Paulit-ulit akong umiling. Hindi ko matandaang may iniwan akong note sa locker. Wala pa naman akong selective amnesia. "Sorry, Aaron, pero hindi ko talaga alam ang sinasabi mo—"

Doon ko napagtanto kung sino ang posibleng naglagay n'on. Iisa lang ang taong nag-set ng meeting dito sa rooftop nang ganitong oras—walang iba kundi si Loki.

"Noong first day mo pa lang dito, gusto na kitang makilala." Habang lumalapit si Aaron sa akin, patuloy ako sa paghakbang paatras. Gusto kong tumakbo palayo, pero nanghina ang mga binti ko. Halos hindi ko na sila maigalaw. "Lagi kong pinagmamasdan ang smile mo at kung paano ka tumawa."

"S-Stay away from me!" sigaw ko. Ang malawak niyang ngiti kanina, naging ngising demonyo na. His brown eyes gleamed with lustful joy habang pinagmamasdan ako. Napakagat pa siya sa labi na parang natatakam. Disgusting!

"Oh, come on!" Bigla niyang hinawakan nang mahigpit ang kanang braso ko. Pinilit kong magpumiglas pero todo-kapit ang kamay niya. Napa-aray ako sa sakit. "Ganyan mo ba pasasalamatan ang admirer mo? Mahilig ako sa mga palabang babae kaya siguradong magugustuhan talaga kita."

"TULON—" I wanted to cry for help, pero mabilis niyang tinakpan ang bibig ko.

Inilapit niya ang kanyang ulo sa aking tainga. "Shush! Huwag kang maingay. Ang akala ko ba, gusto mo pa akong makilala nang lubusan? Kapag sinubukan mong sumigaw ulit, baka matulak kita mula rito sa rooftop. Ayaw kong masayang 'yang ganda mo."

Tumayo ang mga balahibo ko sa katawan habang hinahaplos ng daliri niya ang aking pisngi. Damang-dama ko ang paghinga niya nang inilapit niya ang kanyang mukha.

Muling sumagi sa isip ko ang nangyari noong isang gabi, ilang buwan na ang nakararaan. Parang bumalik ako sa madilim na lugar kung saan nagwawala ang liwanag na may iba't ibang kulay sa paligid. Maraming taong sumasayaw. Halos nakabibingi ang ingay. Hindi nagkaintindihan ang mga tao. May mga basong binubuhusan ng alak at wine. Pagkatapos . . .

Pagkamulat ng mga mata ko, wala na si Aaron sa aking harapan. Hindi na rin nakahawak ang kamay niya sa braso ko. Nakita ko siyang nakadapa sa sahig habang nakapatong sa likuran niya ang paa ni Loki. Pinipilit niyang bumangon, pero hindi siya pinahihintulutan nito.

Thank goodness he arrived just in time! Nanlumo ang mga binti ko kaya napaupo ako sa sahig. Napahawak ang mga kamay ko sa magkabilang braso at tila niyakap ang aking sarili. Nakaramdam ako ng panginginig ng laman at natulala ang mga mata ko sa kawalan.

"Sorry if I didn't act too soon," paumanhin ni Loki at saka ipinakita ang hawak niyang phone. "I waited for him to make his move. I was recording a video of his attempt on you."

I raised my head and stared at him. "K-Kanina ka pa nandito?"

Itinuro niya ang mga cardboard box. "I was hiding behind those boxes while waiting for the two of you. If he saw you alone here, he would lower his guard and take advantage of the situation. It worked as I predicted."

Nanlisik ang mga nakatitig kong mata sa kanya. My trembling fists clenched as I felt the urge to punch that guy in the face. Not Aaron. Loki! Kanina pa pala siya nandito at nanonood, pero hindi man niya kaagad pinigilan si Aaron? Wala akong pakialam sa reason niya. He almost let me unlock a memory that had been sealed away forever inside my head.

"You bastard . . ." I muttered, grinding my teeth. Sinubukan kong tumayo kahit nanginginig ang mga tuhod ko. Nang nakalapit na ako sa kanya, biglang tumayo si Aaron at tumakbo patungo sa hagdanan. Hindi na siya sinubukang habulin ni Loki.

"Don't worry about him. The video that I've recorded will suffice as evidence." Ibinulsa niya ang kanyang phone at ngumisi sa akin na parang okay na ang lahat. "Once I submit it to the school authorities, you won't be bothered anymore by your pesky secret admirer—"

PAK!

I could no longer hold my anger, so I slapped him hard in the face. Namula ang kanang kamay ko at sumakit ang aking palad dulot ng impact. His head snapped to one side. Pulang-pula ang pisngi niya at nagmarka ang kamay ko sa mukha niya.

Hinaplos niya ang kanyang kaliwang pisngi. Wala man siyang reaksyon, parang wala sa kanya ang sampal ko. "Is this how you say thank you? If yes, you're welcome."

Nangilid ang luha sa mga mata ko, pero pinigilan ko 'yon mula sa pagtulo. Ayaw kong umiyak sa harapan ng lalaking ito. He did not deserve to see my tears.

"You have no idea what you've put me through today!" My voice was fierce but wobbly. "You lied to me and used me as a bait to lure out that creepy guy. Ngayon, hindi ko alam kung sino'ng mas masahol sa inyong dalawa."

"The end justifies the means, Lorelei," may paninindigan niyang sagot sa akin. Proud pa siya't walang pagsisisi sa kanyang ginawa. Finally, he got my name correctly.

Still I could not quell the rage boiling through my body. Bago ko pa siya masampal ng isa pang beses, nagmadali akong lumakad patungo sa exit at iniwan ko siyang mag-isa sa rooftop.

That day, I realized that crossing paths with him and asking for his help was a huge mistake.

q.e.d.

Project LOKI Volume 1 (Collector's Edition) is still available on PSICOM Publishing's Shopee and Lazada stores for only ₱650. The package includes (1) book with author's signature, (2) bookmarks, (2) postcards, (2) sticker pads, and (1) magnetic bookmark.

Get in touch with AKOSIIBARRA (R.C. MUSNI) on social media:

Facebook: Cris Ibarra / Akosiibarra
Twitter: @akosiibarraWP
Instagram: @akosiibarraWP
Tiktok: @akosiibarraWP
YouTube: @akosiibarra

Like or follow Project LOKI on social media:

Facebook: Project LOKI
Twitter: @TeamProjectLOKI

Join the official group for AKOSIIBARRA and Project LOKI readers on Facebook:
www.facebook.com/groups/theqedclub or The Q.E.D. Club (Project LOKI)




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro