Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 01: Detective of Mischief

AUTHOR'S NOTE: This is the updated 2022 version of Chapter 01.  If you are re-reading this part, you may observe some changes from the previous version.

CONTENT AND TRIGGER WARNINGThis chapter contains references to trauma that may be upsetting for some readers. Please be mindful of this sensitive theme and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.

LORELEI

WHAT WAS supposed to be a two-hour drive from Manila to Pampanga turned into a three-hour trip. Sobrang bagal ng usad sa EDSA 'tapos may naaksidente pang sasakyan sa northbound lane. We had no choice but to endure the slow-moving traffic and waste our precious time on the road.

At five in the afternoon, we finally reached Angeles City. Compared to the busy streets of Metro Manila, this city did not have towering buildings left and right. The road was not as wide as EDSA, and there were no long queues of vehicles stuck in traffic.

The car pulled up on the side of a three-story apartment. I looked out the window to see the whole place. May pagkaluma na ang exterior design nito at mukhang ilang beses nang ni-renovate.

"Nandito na tayo, ma'am," sabi ng driver pagkapatay niya sa engine ng kotse. May pinindot siyang button sa side door panel at may mahinang click akong narinig mula sa pinto sa gilid ko.

Halos sabay kaming lumabas ng sasakyan. He opened the car trunk and pulled up my pink luggage. Kukunin ko na sana 'yon mula sa kanya, pero nag-insist siya na buhatin niya. He carefully placed it in front of the apartment's black gate.

"Thank you, manong," I said with a smile.

"Walang anuman, ma'am," tugon niyang may pilit na ngiti. Ilang oras din ang biyahe kaya siguradong napagod na siya. 'Tapos magda-drive pa siya pabalik sa Manila. Siguradong gagabihin na siyang makabalik dahil sa matinding traffic. "Mag-iingat po kayo rito."

Muli siyang pumasok sa kotse at ini-start ang engine. I watched as the car drove away and disappeared from my eyeshot. Mukhang matagal-tagal pa bago ko muling makita ang sasakyan na 'yon.

Humarap ako sa apartment at ilang segundo 'yong tinitigan. So this is going to be my new home now, huh?

Seconds after I pressed the doorbell, the gate was opened. Bumati sa akin ang isang middle-aged na babaeng abot hanggang balikat ang kulot na buhok. May ilang gray hair strands na siya at may wrinkles na rin sa noo. She beamed a sweet smile at me as our eyes met.

Meet my aunt, Martha Henson, ang may-ari ng apartment na titirhan ko sa mga susunod na buwan.

"Oh, Lori! Kanina pa kita hinihintay!" Niyakap niya ako nang mahigpit, sa puntong halos hindi na ako makahinga bago siya nakipagbeso sa akin. It had been a long while since we last saw each other. Apat na taon na yata? "Kumusta ang biyahe?"

"Traffic pa rin po sa EDSA kaya medyo na-late ako ng dating dito. Kayo ho, Tita? Kumusta na kayo?"

"Heto, feeling young pa rin! Hinatid ka ba ng papa mo? Gusto ko sana siyang kumustahin. Matagal ko na ring hindi nakikita si Walter."

Pilit akong ngumiti bilang sagot sa tanong niya. Parang hindi niya kilala kung anong klaseng tao si Papa. Ni hindi man nga siya nagpaalam sa akin dahil medyo busy raw siya.

"May meeting kasi sila kanina kaya hindi na niya ako naihatid. Gusto nga niya kayong makita," tugon ko kahit wala namang sinabing gano'n si Papa.

"Ah, gano'n ba? Halika! Ituturo ko sa 'yo kung saan ka mag-i-stay. Nilinis ko kanina ang kuwartong tutuluyan mo." Binitbit ko ang isang bag habang tinulungan niya akong buhatin ang isa pa. Pinauna niya muna akong pumasok bago niya isinara ang gate.

May kalakihan ang apartment na ipinapaupa nitong si Tita, nasa sampung unit bawat floor sa estimate ko. Malamang, may kamahalan ang renta dahil malapit ito sa school at iba pang establishments. Halos mga estudyante raw ang nangungupahan dito, lalo na 'yong mga taga-malayong lugar na ayaw mag-commute araw-araw.

"Okay lang ba sa 'yo kung meron kang kasama sa unit?" Lumingon siya sa akin nang may pag-aalangan sa mukha. "May nangungupahan na kasi sa lahat ng units dito maliban sa isa na may bakante pang bedroom. Bale magkahiwalay kayo ng kuwarto. Magkikita kayo sa sala at kusina. Kung gusto mo, pwede nating palagyan ng tatlo o apat na lock ang kuwarto mo?"

Kumunot ang noo ko. "Babae po ba ang kasama ko sa unit?"

Napatitig siya sa akin na parang nagdadalawang-isip. "Lalaki," sagot niya bago binuksan ang pinto papasok sa apartment building.

Napalunok ako ng laway at binalik ang titig niya. Walang problema sa akin kung may kasama ako sa unit . . . basta hindi lalaki.

"Naikuwento sa akin ni Papa mo kung ano'ng nangyari sa 'yo sa dati mong school kaya aware ako sa pinagdaanan mo." Napansin siguro ni Tita ang pagkadismaya sa mukha ko kaya napilitan siyang magpaliwanag. "Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa 'yo habang nandito ka. Magtiwala ka sa akin. Ibahin mo rin itong sinasabi kong magiging roommate mo."

"Paano po siya naiba?" tanong ko.

Nauna sa pag-akyat sa hagdanan si Tita. "Kasing tahimik siya ng bato kapag kasama mo siya. Hindi siya nagsasalita kung hindi kailangan. Misteryoso. Parang may sariling mundo. Hindi rin siya mahilig sa babae. Noong isang araw, naitanong ko kung may girlfriend na siya. Ang sagot niya, wala raw siyang oras para sa gano'ng kahibangan."

"Uhm . . . Lalaki po ba ang gusto niya?"

My aunt let out a soft chuckle even though I asked her a serious question. What's with her reaction? "Wala rin siyang interes sa mga lalaki. Mukhang wala rin siyang interes sa mga tao. Dalawang taon na siya rito pero ni minsan, wala siyang dinala ni isang kaibigan o kaklase."

"Pero may mga kasama po ba siya dati sa unit?"

"Oo, may mga nangupahan sa isa pang bedroom pero makalipas ang isa or dalawang buwan, bigla silang aalis. Ang sabi nila, may multo raw na nanggugulo gabi-gabi. Kapag naliligo sa banyo, may nakikita raw silang mga matang nakatitig sa kanila mula sa bintana. Kapag nagre-relax sa kuwarto, may naririnig silang tumatawag sa pangalan nila."

Creepy. Pang-horror movie pala ang isa sa mga unit ni tita. Whoever my roommate was going to be, I would salute him for staying this long. Kung ako sa kanya, lilipat na ako ng apartment bago pa ako dalawin ng mga multo sa panaginip ko. Either he was brave or he did not believe in ghosts.

"Huwag kang mag-alala. Wala naman daw multo, sabi ng magiging roommate mo." Mukhang naramdaman ni Tita ang pagkatakot ko sa ikinuwento niya. "Baka raw may tinitira ang mga kasama niya noon kaya nakakita sila ng mga bagay-bagay. Wala pa raw siyang nakita o naramdamang ibang elemento sa unit."

Dapat bang mapanatag ang loob ko sa sinabi ni Tita at maniwala sa sinabi ng lalaking 'yon? Sabi nga ng iba, "to see is to believe." Unless ma-experience ko rin kung ano ang naranasan ng mga dating nangupahan sa unit, I would not think of leaving this apartment.

Dahil sa pagkukuwentuhan, hindi namin namalayang nakarating na kami sa third floor, sa tapat ng Room 302. Kumatok muna si Tita Martha bago niya ipinasok ang susi sa keyhole ng doorknob at binuksan ang pinto.

I took a deep breath as I prepared myself to meet my roommate.

Eksakto ang laki ng unit at mukhang kumpleto na rin sa gamit. Pagpasok pa lang, bumungad na ang dalawang mahabang sectional couch at center table sa sala. Sa bandang likuran ay ang kusina kung saan may pabilog na mesang pinalilibutan ng tatlong monobloc chairs. Sa gawing kanan ay may dalawang pintong nakasara na malamang ay ang bedrooms. Sa bandang likuran ay may bahagyang nakabukas na pinto, posibleng ang comfort room.

What caught my attention was the boy who sat cross-legged on the floor and was focused on a giant jigsaw puzzle. The pieces were all around him. What's weird was that they had no design or color.

"Excuse me, Loki?" Tita Martha let out a forced cough to get his attention. What an odd choice of name, by the way. Kapangalan niya ang trickster god sa Norse mythology at ang sikat na Marvel character. "Gusto kong ipakilala sa 'yo ang bago mong roommate."

Humarap siya sa amin at tiningnan ako mula ulo hanggang sapatos. I did the same to him.

Ang unang napansin ko kay Loki ay ang buhok niyang halos tinatakpan na ang kanyang mga mata sa haba ng bangs. He was trying to hide his gray, lackluster eyes from anyone's sight. His face had no reaction upon seeing me. He was neither glad nor disappointed.

Kumaway ako sa kanya at ipinakilala ang sarili ko. "Hi, I'm Lorelei Rios. Pleased to meet you!"

"My name's Loki Mendez," he replied in a seemingly uninterested tone. "I'm in the middle of solving a puzzle here. Can you not disturb me for another five minutes?"

Muli niyang itinuon ang atensyon sa jigsaw puzzle. Great! Napakalamig ng pagtanggap niya sa akin. Ang akala ko noong una, exaggerated ang description sa kanya ni Tita Martha. Saktong-sakto pala.

Imagine, I would be sharing this unit with this guy for months. 

Nagkatinginan muna kami ni Tita at saka siya nagkibit-balikat. Sanay na siguro siya sa gano'ng kalamig na pagbati ni Loki tuwing may ipinapakilalang roommate. It might be just me, but he gave me the vibe that he never wanted to share this unit with anyone.

"Bale ang magiging kuwarto mo ay 'yong nasa unahan." Tita Martha led the way to my room. Habang naglalakad kami patungo roon, napansin ko ang mga sticky note na nakadikit sa flatscreen TV. May mga numerong nakasulat na parang mathematical equations. Meron ding dartboard sa pader kung nakatusok ang larawan ng isang lalaki gamit ang darts. Halos hindi na makilala ang mukha nito sa dami ng butas, pero napansin kong may suot siyang royal blue blazer at metal badge sa lapel.

Kung si Loki man ang naglagay ng mga 'yon, he was indeed strange . . . and a bit mysterious.

Ipinatong ni Tita ang mga bag ko sa gilid ng kama bago iniabot ang susi sa akin. "Make sure na laging naka-lock ang kuwarto mo kapag matutulog ka. Tiwala naman ako sa roommate mo na wala siyang gagawing masama sa 'yo. Kapag kailangan mo ako, nasa Room 101 lang ako, okay?"

"Salamat po, Tita." Muli ko siyang niyakap na tumagal ng halos isang minuto. She also embraced me so tightly. It felt like my mother was hugging me back.

"Sana'y bumisita rito ang papa mo para kumustahin ka," sabi niya nang magkahiwalay kami ng yakap. Hinaplos niya ang mukha ko. "Siguradong mami-miss niya ang kanyang unica hija."

Paglabas ni Tita mula sa aking kuwarto, hindi ko naiwasang mapangiti. No, it was not a broad and genuine smile. It was a wry smile. Kahit umalis man ako o hindi sa bahay namin sa Manila, it would not make a pennyworth difference to my dad.

Humiga muna ako sa bago kong kama. Amoy na amoy ko na bagong laba at palit ang unan, kumot at bedsheet nito. Kahit nakaupo ako sa buong biyahe kanina, ramdam ko ang pagod kaya naisipan ko munang ipikit ang aking mga mata at magpahinga.

Pasado six o'clock ng gabi nang matapos kong ilagay sa cabinet ang mga damit ko. Mula sa suot kong pantalon, pinalitan ko ito ng shorts na abot hanggang tuhod.

I got out of my room, bringing my slim laptop with me, and sat on one side of the sectional couch. Nabuo na ni Loki ang jigsaw puzzle kaya nakaupo siya sa kabilang couch at nagbabasa ng book na may title na And Then There Were None.

Gusto ko sanang manood ng TV. Pero dahil sa sticky notes sa screen, I gave up the idea. Baka kasi para sa assignment ng roommate ko ang mga pinagdidikit niya roon.

Instead, I logged in my Facebook account and checked my inbox. Habang tsine-check ko isa-isa ang personal messages, tumayo muna si Loki at dumaan sa likod ko patungo sa comfort room. A number of my classmates—or should I say former classmates—from my high school in Manila were asking kung saan ako magta-transfer. Maging sa phone ko, nag-text din ang ilan sa kanila at may kaparehong tanong. I closed their messages without replying. I did not care anymore kung mapansin nilang na-seen ko ang kanilang chats. Even my childhood friend did not receive an answer from me.

Wala akong galit sa kanila. Ayaw ko lang na muling magkaroon ng koneksyon sa nakaraan dahil gusto ko nang kalimutan ang nangyari noon.

For me to move on quickly, I had to cut my ties with the past.

Lumipas ang ilang oras pero ni minsan, hindi kami nagkausap ni Loki. Kagaya ng sinabi ni Tita Martha, hindi siya nagsasalita kung hindi kailangan. Masyado siyang abala sa pagbabasa ng libro o pagbuo ng puzzle. Wala talaga yata siyang balak na makipagkilala sa akin.

Somehow, I liked this arrangement.

The same situation went on the next day. Paggising ko sa umaga, binati ko siya ng "good morning" pero hindi man siya nag-reply. Kahit isang simpleng "hi" o "hello," wala. Nakatutok pa rin siya sa binabasa niya at nandoon pa rin siya sa puwesto kung saan ko siya huling nakita kagabi bago ako natulog. Teka, natulog na kaya ang lalaking ito o nag-marathon siya magdamag para tapusin ang binabasa niya? Ah, never mind! It was none of my business.

When afternoon came, muli akong umupo sa nakagawain kong puwesto sa couch. Si Loki? Hayun, nagsusulat ng mga numero sa papel, tila may sino-solve na mathematical problem. Habang nanonood ako ng funny cat videos sa YouTube, napasulyap ako sa kanya at sa ginagawa niya.

And then, a miracle happened.

"Your glances are starting to make me feel uncomfortable. Do you wanna ask me a question?" Sa unang pagkakataon, kinausap niya ako. Mukhang may kakaiba sa ulam na inihatid ni Tita Martha kaninang lunchtime kaya kumibo na ang kasama ko.

Tiningnan ko muna kung may kausap siya sa phone, baka kasi hindi para sa akin ang kanyang tanong. Baka may ka-video call pala siya na hindi ko pansin. Nang masiguro kong ako nga ang kausap niya, isinara ko ang aking laptop at bumaling sa direksyon niya.

"I appreciate the silence between us, but I don't mind getting to know you," sagot ko. He did not bother to look at me while I was speaking. Was he interested in this conversation or not? "We only know little about each other after all."

Tumigil siya sa pagsusulat ng numero at iniangat ang tingin niya sa akin. Finally, I got his attention. "Oh, I disagree."

Bahagyang naningkit ang mga mata ko. "Excuse me?"

"You're from Manila and you've decided to transfer here in Pampanga," he explained as he looked down and continued writing numbers on a piece of paper. "It's probable that you'll also attend the same high school where I do."

"Sinabi ba sa 'yo ni Tita Martha?"

"Nope. I deduced it based on how you were dressed yesterday. The brands of your clothes, your bags, your suitcase, and your shoes are not that trendy here in Pampanga, but they're quite popular and common in Manila. How about the school? Most tenants here, if not all, are attending Clark High because it's the nearest academic institution in the area."

Bumuka ang bibig ko habang nakikinig sa kanya. Kaya pala kahapon, parang X-ray niya akong tiningnan mula ulo hanggang sapatos. He tried to read a bit about me through my appearance. Impressive.

"But that's not all," he went on. Ang akala ko'y tapos na siya sa kanyang show. "If my deduction's correct, you're trying to escape something from your past. That's why you went here, to seek refuge and solace."

Napalunok ako ng laway at napakurap ang tingin ko sa kanya. There was no way for him para malaman niya ang tungkol sa problema o nakaraan ko. Ni wala akong sinabi sa kanya mula nang nagpalitan kami ng pangalan kahapon. Posible kayang naikuwento ako ni Tita?

"You're mistaken. The landlady didn't tell me anything." Parang nabasa niya ang tanong sa isip ko. Was he a mind reader? "If she did, I was probably not listening."

"Paano mo nalaman na may tinatakasan ako?" tanong ko.

"Pretty simple. You ignored your friends' chat and text messages. Disconnecting yourself from people in your past is a possible indication that you wanna escape, if not forget, about them."

"At paano mo nalaman na in-ignore ko ang kanilang messages?"

"While you were checking your inbox yesterday, I happened to walk past you, glanced at your laptop, and noticed how you deliberately left them on read. They sounded so concerned about you, but you didn't give them any reply."

Hindi lang siya sumilip, binasa pa niya ang messages na para sa akin! Where was his respect for my privacy?

"A new question then emerged: What are you trying to escape from?" dagdag niya. Gusto kong sumabat pero walang preno ang kanyang bibig. "Maybe an incident happened in your previous school—something that's deeply troubling you."

Napakapit ako sa aking mga tuhod habang patuloy na nakikinig sa kanya. I always felt uncomfortable whenever someone brought up something from my past. That's a conversation that I was not ready yet.

"The mystery now is why would you transfer here in Pampanga? Judging by your high-end laptop and phone, your family's quite well-off. You can afford to study anywhere in Manila. Why not go to those prestigious schools? Maybe you were traumatized so much, just being in that city can easily trigger your bad memories. That's why you have to go far away."

Tumingin palayo ang mga mata ko. Napahawak ako sa aking dibdib, tila unti-unting sumisikip. Paano niya nalaman ang lahat nito? May lahing manghuhula kaya siya? He sounded as if he knew about that incident.

Paulit-ulit akong huminga nang malalim na tila nagbi-breathing exercise para pakalmahin ang sarili ko. I started to have trouble breathing. Pero hindi pa siya tumigil.

"Enough . . ." I mumbled.

"I can only think of three probable scenarios. First, you were a witness to a gruesome crime. Second, you were involved in a scandal—"

"ENOUGH!" I could not take his nonchalant remarks anymore. Sumigaw ako para huminto na siya. Kung may idea siya na seryoso ang kinasangkutan kong insidente, hindi na niya kinailangang ipaalam sa akin. Pwede naman niyang itikom ang kanyang bibig at sarilihin 'yon. Did he have to show off how good he was at deducing a person's history?

"Did I say something wrong?" tanong niya, ni hindi man siya natinag sa reaksyon ko. Gusto niya pa yatang ituloy ang pag-e-enumerate sa possible scenarios. How could he be this insensitive?

Sandali akong pumikit at hinabol ang aking hininga. Pagkamulat ng mga mata ko, kinuha ko ang aking laptop sa couch, mabilis na tumayo at dumeretso sa kuwarto nang hindi nagpapaalam sa kanya. Pero bago ko pihitin ang doorknob, muli akong humarap kay Loki.

"Alam ko na ngayon kung bakit walang nagtatagal na roommate sa 'yo. Mas masahol ka pa kasi kaysa sa multong nanggugulo rito."

Ni-lock ko ang pinto at humiga sa malambot kong kama. Ipinikit ko ang aking mga mata at paulit-ulit na nag-inhale at nag-exhale. May mga narinig akong boses sa paligid ko kahit walang ibang tao sa kuwarto—boses na ilang linggo ko nang hindi naririnig.

Whatever happened back then, I did not want to remember anymore.

q.e.d.


Project LOKI Volume 1 (Collector's Edition) is still available on PSICOM Publishing's Shopee and Lazada stores for only ₱650. The package includes (1) book with author's signature, (2) bookmarks, (2) postcards, (2) sticker pads, and (1) magnetic bookmark.

Get in touch with AKOSIIBARRA (R.C. MUSNI) on social media:

Facebook: Cris Ibarra / Akosiibarra
Twitter: @akosiibarraWP
Instagram: @akosiibarraWP
Tiktok: @akosiibarraWP
YouTube: @akosiibarra

Like or follow Project LOKI on social media:

Facebook: Project LOKI
Twitter: @TeamProjectLOKI

Join the official group for AKOSIIBARRA and Project LOKI readers on Facebook:
www.facebook.com/groups/theqedclub or The Q.E.D. Club (Project LOKI)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro