Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26: Twinkle, Twinkle Murders (Third Murder)

CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains content that might be troubling to some readers, including, but not limited to, depictions of and references to death, self-harm and suicide, graphic violence, sexual assault, strong language and more.

Please be mindful of these sensitive themes and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.

LORELEI

HALF AN hour later, Alistair and Jamie also arrived at the crime scene. Dahil ito ang first time nilang ma-involve sa isang totoong pinangyarihan ng krimen sa loob ng campus, ipinakilala namin silang dalawa kay Inspector Estrada. Pinagsuot din sila ng gloves bago hinayaang mag-inspeksiyon sa paligid ng puno.

"The strokes and the width of every letter are similar to the first writing on the wall." Hinawakan ni Jamie ang natuyong dugo sa puno at inamoy 'yon. "No doubt na iisang tao ang sumulat nito."

Kahit wala siyang dalang reference para ipag-compare ang penmanship ng nakasulat sa puno, she must have used the image stuck in her mind. Thanks to her retentive memory, she could easily remember and recall almost everything that she had seen.

"How about the message?" Bahagyang tumingala si Alistair at nilapitan ang nakasulat sa puno. "The murderer seems to be challenging someone."

"Not someone, but some people." Tumayo si Loki sa tabi niya at tumingala rin. "The killer didn't leave this message for the victims. He left it for us."

Sabay-sabay kaming lumingon sa kaniya, bahagyang napabuka ang bibig namin ni Jamie. Kaya pala gano'n ang iniwan niyang message. Hinahamon niya kaming mga member ng QED Club kung kaya naming tuldukan ang kaniyang killing spree. How bold of him.

"Any clue about our murderer?" tanong ko habang sine-search ng mga mata ko ang damuhan, baka may naiwan ang killer na maliit na bagay na puwedeng magsilbing ebidensya. "We waited for them to strike. They did. I'm hoping na may napulot tayong hint na makapagtuturo sa identity niya."

"Aside from the fact that our murderer is a he, and he must be taller than Alistair to write that message at that height? None," sagot ni Loki. "But Inspector Estrada said something curious. The victim didn't have her phone with her. The police also searched her unit, but they didn't find it."

"Posible kayang kinuha 'yon ng salarin?" tanong ni Jamie.

"But why would he steal his victim's phone?" I asked next.

"He must be trying to hide something." Napahawak si Alistair sa kaniyang chin, nasa damuhan ang tingin niya. "He probably sent a text message to Jessy to lure her out. Baka natakot siyang makahanap ng paraan ang mga awtoridad na ma-trace ang number niya o kung ano ang laman ng kaniyang message."

"Particularly if the texter is familiar to the victim." Napataas ang isang daliri ni Loki. "But don't you find it strange? The police have already warned the victim and her friends to be more careful, yet she was lured out and murdered here."

"The victim doesn't only know who murdered her. She also trusts that person!" bulalas ni Jamie. "Akala niya'y mapagkakatiwalaan ang taong 'yon kaya pumayag siyang bumaba para makipagkita sa kaniya. Ang hindi niya alam . . ."

"So someone in her circle of friends?" bulong ko nang sumagi ang ideya sa aking isipan. "At this point kasi, sila-sila rin ang magtitiwala sa isa't isa dahil pare-pareho silang nasa panganib."

"Let's assume that the murderer is among Jessy's closest friends. What would be the motive?" Isa-isa kaming tiningnan ni Alistair. "And how can we relate it to the suicide of Jennifer Jimenez?"

"What if there's something else in the story they're not telling us?" hirit ni Jamie. "Paano kung 'di talaga nagpakamatay si Jenny? Paano kung pinatay siya at ang apat na magkakaibigan ang nagplano n'on? Baka may isang binagabag ng konsensya at gustong mag-confess sa kanila. 'Tapos para maitago ang sikreto, nagsimula ang patayan na 'to?"

"Sounds like a cliché mystery story." Kumumpas ang kamay ni Loki. "But let's not go further into conjectures. Let's focus on the facts at hand."

Cliché man sa kaniyang tingin, posibleng gano'n ang nangyari sa totoong buhay.

"So two down, two more to go." Sumimangot ako. "Sino kaya sa dalawang targets ang isusunod niya?"

"Have you read The ABC Murders by Agatha Christie?" Inikutan ni Loki ang crime scene, iniwasan ang pool ng dugo at chalk marks. Sinundan ko siya ng tingin. "It's a mystery novel featuring a series of murders where the victims were murdered alphabetically. Alice Ascher, Betty Barnard, Carmichael Clarke. Yesterday, when our client revealed the names of her bully friends, something piqued my curiosity. Do you remember their full names?"

"Leigh C. Pineda, Perry A. Enriquez, Jessy B. Nepomuceno, Jade D. Tadeo." Ni-recite ni Jamie isa-isa ang mga pangalan nang walang kahirap-hirap.

"Their middle initials!" I exclaimed.

"The first victim is Perry Enriquez whose middle initial is A. The second and latest victim is Jessy Nepomuceno whose middle initial is B. If the murderer is following a pattern strictly, we know who's gonna be his next target."

"Leigh C. Pineda!" sabay naming banggit ni Jamie.

Huminto na siya sa pag-ikot at humarap sa amin. "This is the part where we step in and prepare to foil a murder attempt."

"So what's our plan?" Napakrus ang mga braso ni Alistair.

"We need to stay close to the next target. Our presence will deter the murderer. But first, we need to discuss it with Lea."

"Lea?"

"Yes. Lea, our client."

"Her name's Leigh," I corrected him, but why would he care about people's names?

Tinapos na namin ang inspeksiyon sa crime scene at pumunta na sa aming clubroom. Nakuha ko ang number ni Leigh kahapon kaya may contact ako sa kaniya. I texted her and asked her to drop by. Kitang-kita sa mukha niya ang pagka-stress. Lalong lumalim ang kaniyang eyebags at sobrang putla na niya compared noong una ko siyang nakita. The death of her two friends was taking its toll on her.

"A-Ako na ba ang susunod?" bungad niya sa amin pagbukas ng pinto. Nilapitan ko siya para alalayan patungo sa upuan. Mukhang bibigay na siya anumang sandali.

"We haven't identified the murderer yet, but we've got a plan to expose him," sagot ni Loki habang ipinapaikot ang swivel chair niya. "We'll need your help to make it happen."

"G-Gagawin ko kahit ano basta mahuli na ang pumatay kina Perry at Jessy!"

"The murderer won't act as long as you're in a place where he can't approach you. You're safe while you're at school with your classmates and friends. The only time he can make a move is when you're alone, especially during the night."

"Ano'ng gusto mong i-suggest?"

"We would like to suggest na isama mo ang dalawa sa amin sa iyong tinutuluyan," mahinahong tugon ni Alistair. "Given the danger, mas mabuti kung kaming lalaki ang magbabantay sa 'yo. We can protect you from the murderer."

"Kaso strict doon sa dorm ko." Umiling si Leigh bago sumulyap sa amin ni Jamie. "Only girls are allowed, so hindi kayo puwedeng dalawang lalaki."

"Then take Lorelei and Jamie with you." Nagmuwestra sa amin si Loki. "If something happens, they can contact us and we'll come to your rescue."

"Teka, ipinapain mo ba silang dalawa?" protesta ni Alistair. Bumalik na naman ang tensiyon sa pagitan ng dalawa. "Loki, we're dealing with a serial killer here. Hindi na ito gaya ni Adonis."

"I'm well aware, Alistair. Just to put it on record, I want the two of us to guard the target. But that isn't possible anymore because of some stupid rule in her dorm. So who do we send in? Those who meet the criteria—our very own Lorelei and Jamie. Don't worry, Lorelei is equipped with a stun pen that can paralyze even a giant."

Nakaukit sa mukha ng kababata ko ang pag-aalangan. Ayaw na niyang maulit ang muntik nang nangyari kay Jamie noong isang araw. "As long as we don't put them directly in harm's way."

"Great." Sunod na humarap sa amin si Loki. "How about our ladies? Are you okay with guarding the target?"

"Okay na okay!" Nagpakita pa ng dalawang thumbs up si Jamie. "Nandiyan naman kayo just in case may mangyari, 'di ba? I feel safe already!"

"I'm okay with it," I replied.



THERE WERE no new developments in the case throughout the day kaya hindi rin umasad ang imbestigasyon namin. Mukhang ang tanging paraan upang makakuha pa kami ng clue tungkol sa killer ay ang pagdikit sa kaniyang target.

Leigh's dormitory was not that far from the campus. Nagkita muna kaming tatlo sa tapat ng main gate bago naglakad papunta roon. Gusto nga ni Jamie na sumakay ng tricycle, but I shot down her idea.

The apartment was only a two-story building. Sa gate pa lang, bumungad na ang sign na female tenants only. Meron ding babaeng guard na nakabantay sa labas kaya mahihirapang pumuslit ang mga lalaki. Dinala kami ni Leigh sa second floor at pinapasok kami sa Room 202.

While the two of us were with the target, naka-standby sina Loki at Alistair sa labas. Ino-observe nila kung sino-sino ang mga pumapasok at lumalabas ng dorm. If the killer was a woman, hindi siya mahihirapang makapasok. Pero dahil na-conclude naming lalaki siya, he would need to disguise as a woman o magpanggap na may official business gaya ng isang fast food delivery o laundry guy.

Hindi gano'n kalaki ang unit ni Leigh—sakto para sa isang tao. Meron siyang kama, mesa, maliit na sink, at bathroom. Wala siyang upuan kaya sa lapag kami umupo ni Jamie.

"Mas masaya sana kung si Loki dear ang kasama ko kaysa sa 'yo," bulong niya habang nakatutok sa kaniyang phone. "Imagine kung magdamag kaming magkasama habang hinihintay na gumalaw ang serial killer."

"Wala ka nang magagawa dahil mukhang ayaw talaga kayong pagsamahin ng tadhana sa mission gaya nito." Mabilis akong nag-tap sa aking phone screen para mag-compose ng message kay Alistair. Sinabi kong nakaposisyon na kami sa unit ng target. "I'm all you've right now, so let's work together para masiguro nating safe ang target."

Alas-kuwatro ng hapon kami nakarating dito. Pagkalipas ng tatlong oras, wala pa ring kumatok, nag-message, o tumawag kay Leigh. Dahil hindi namin naiwasang mabagot, nanood muna ako ng cat videos habang si Jamie nama'y may nilaro sa phone niya. Kung kami'y pa-relax-relax, hindi naman mapakali si Leigh. Naglakad-lakad siya sa harapan namin habang kinakagat ang kaniyang mga kuko.

"Kahit ikaw ang susunod niyang target, hindi ka niya agad maaatake," sabi ko sa kaniya. "Mas mabuti kung kumalma ka muna at huwag masyadong pa-stress. We're here for you, remember?"

"Oo nga!" dagdag ni Jamie. "I-distract mo muna ang sarili mo kasi walang mabuting maidudulot 'yang paglalakad mo. Sa totoo niyan, nahihilo na kami rito."

Tumigil sa paglalakad si Leigh at humarap sa akin. Mukhang may sasabihin siya, pero hindi na niya itinuloy.

Dahil wala rin akong magawa, lumabas muna ako ng unit at dumungaw sa veranda. Madilim na sa labas. Maaliwalas ang kalangitan at tanging ang mga kumukutitap na bituin ang makikita.

"Twinkle, twinkle little star. How I wonder what you are~" I sang while staring at the blinking lights above. Mabuti't wala si Loki rito kundi baka nawala na sa mood 'yon.

Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid. Salamat sa mga posteng may ilaw, kahit paano'y may nakikita pa ako sa dilim. Normal ang senaryo sa labas—may mga aleng nagtsitsismisan, mga lalaking nakatambay sa mga tindahan. Pero may isang tao na nakapukaw sa atensiyon ko. There was a guy hiding behind a lamp post. Nakatalikod siya sa akin, pero familiar ang figure niya. Malakas ang kutob kong siya ang lalaking sumusunod sa akin noon pa.

Was it time to confront him and ask why he had been in places na pinuntahan ko?

Akmang maglalakad na ako patungo sa hagdanan pababa nang narinig kong bumukas ang pinto sa likuran. I saw Leigh's face as white as snow, showing me her phone where an unregistered number was flashing on the screen. Bumalik ako sa loob at umupo sa tabi ni Jamie. Sinenyasan ko si Leigh na sagutin ang tawag at ilagay sa loudspeaker mode ang phone.

Napalunok muna siya ng laway bago sumagot. "H-Hello? S-Sino po sila?"

"Magandang gabi! Si Leigh Pineda ba ang kausap ko ngayon?" Boses ng matandang lalaki ang bumati sa kaniya.

"A-Ako nga po. M-May kailangan ba kayo sa 'kin?"

"Ako nga pala si Restituto Mijares, isa sa campus police officers ng Clark High. Nakuha ko ang number mo no'ng pumunta kayo sa station namin para i-report ang possible threat sa mga buhay n'yo."

Nagliwanag ang mukha ni Leigh. "Ah! Oo, naaalala ko. May update na po ba kayo sa case?"

"Na-apprehend na namin ang suspek sa pagpatay kina Perry Enriquez at Jessy Nepomuceno. Hihingi sana kami ng tulong sa 'yo para ma-identify kung kilala mo siya."

"T-Talaga!" Huminga nang malalim si Leigh, biglang nawala ang pangamba sa mukha.

"Isasailalim na siya sa inquest proceedings. Puwede ka bang pumunta sa station ngayon? Kung gusto mo, sunduin kita sa campus entrance."

"Sige, mag-aayos lang ako nang kaunti then pupunta na ako riyan."

"I-text mo ako kapag malapit ka na o kapag nasa gate ka na para masundo kita."

Pagbaba ng tawag, ngumiti siya sa amin na parang nanalo na siya sa lotto. "Yes! Nahuli na raw 'yong killer!"

Nagtinginan kami ni Jamie. If Leigh was easily fooled by that call, we were not.

"Sorry, but the one who called you must be the killer," sabi ko. "He tried you to lure you out of your dorm so he can target you."

Biglang naglaho ang kurba sa mga labi niya. Napalitan 'yon ng pagkunot ng noo. "But you heard him, right? He said he's from the police!"

Ngayon ko na napagtanto ang lahat. The reason why Jessy was seen hurrying out of the hostel kahit alas-nuwebe na ng gabi. The reason why she met with someone and had herself killed despite the warning from the police and her friends. Maliban sa mga kaibigan niya, may ibang tao pa na sa tingin niya'y puwedeng pagkatiwalaan: ang mga pulis.

If we were not here to stop Leigh, she would have been killed in the next few minutes or hours. Agad kong tinawagan si Loki para humingi ng payo kung ano ang susunod naming gagawin.

"Someone from the campus police, huh?" Hindi na siya masyadong nagulat pa.

"What to do next?" Napasulyap ako sa aming client na muling natakot. "Hindi namin puwedeng papuntahin doon si Leigh dahil siya ang target."

"My first suggestion would be to use her as a bait, but Alistair's gonna complain about it. But this is our window of opportunity to identify our serial killer. He'll most likely reveal himself to his target before murdering her. We can't let this chance pass."

"So what do you suggest?"

"We need to pretend to be his target."

Nagtagpo ang tingin namin ni Jamie. Matapos pakalmahin si Leigh, lumapit siya sa akin at hinablot ang phone ko. "What do you mean, my Loki dear? Paano kami magpapanggap na target niya?"

"One of you can disguise as Lea, from her hairdo down to what she usually wears. It's already dark so the culprit can't easily tell who's who. Decide between you and Jamie who will put on the disguise."

"I thought you've already learned your lesson, Loki." Binasag ni Alistair ang katahimikan niya. "Bakit sina-suggest mo na namang gumamit tayo ng bait? This is more dangerous than the—"

"I'm well aware. But do you have a better suggestion? If you wanna do this the right way—which is by reporting it to the campus police—the serial killer would have been tipped off since he's one of them."

"But there must be a safer way to identify him."

"I'm all ears if you have an alternative that will guarantee us the same result."

I looked at Leigh and observed her curly hair that reached past her shoulders. Meron din siyang bangs gaya ko at payat din ang pangangatawan niya tulad ni Jamie.

"Let's settle this thing the old way, shall we?" hamon ni Jamie sabay pakita ng nakakuyom niyang kamao. "Kung sino'ng matalo, siya ang magiging bait, okay?"

Wala akong nagawa kundi pumayag sa arrangement na gusto niya. If luck was on my side, I would win and she would have to pretend as Leigh.

"Game."

"Jak-en-poy!"

LADY LUCK was not smiling upon me today at ako ang napiling maging tribute para sa planong ito. Isinuot ko ang casual clothes ni Leigh at ikinulot ang buhok ko gamit ang hair curler. Nang tiningnan ko ang aking sarili sa salamin, wala naman masyadong nagbago. Kung kilala ako ng killer, agad niyang mare-recognize ang mukha ko nang malapitan.

"Let me borrow your phone." Pumalad ako sa client namin. "The killer might contact you para itanong kung nasaan ka na. Kailangan ko rin siyang i-message gamit ang number mo para sabihan siya kapag malapit na ako."

Hindi na siya nagdalawang-isip pa at kusang ibinigay ang personal niyang device. Nang ready na ang lahat, lumabas na kami ni Jamie ng kaniyang unit.

"Remember: Habang wala pa kami, wala kang papapasukin or huwag kang lalabas, ha?" paalala ko sa kaniya.

Mariin siyang tumango. "Basta balitaan n'yo ako agad kapag nahuli n'yo na siya."

"We will."

We left her dormitory and went back to the campus. Medyo nakapaninibago ang temporary hairstyle ko at ang suot kong damit. I hoped that we could fool the killer with my appearance.

Nang malapit na kami sa entrance gate, tinext ko ang number na tumawag kanina para tanungin kung saan kami magkikita. He said that he was at the second crime scene kaya baka puwedeng dumeretso na ako roon. May makikita raw akong police car na naka-park.

Nadaanan namin sa guard house sina Loki at Alistair. Pansin ko ang pangamba sa mukha ng aking kababata. Noong isang araw, si Jamie ang ginawang pain. Ngayon, ako naman. Speaking of her, tumakbo siya papunta kay Loki at niyakap ito na parang ang tagal nilang hindi nagkita. Pupuntahan ko sana sila, pero sumenyas ang club president namin na dumeretso ako.

Nakakailang hakbang pa lang ako mula sa gate, nag-vibrate na ang phone ko sa aking bulsa. Inilabas ko 'yon at sinagot ang tawag mula kay Loki. "What is it?"

"Don't hang up. We wanna hear how the serial killer's voice sounds and how he speaks. Don't worry, we'll be right behind you."

Hindi ko alam kung bakit hindi ako masyadong kinakabahan. Whoever I was meeting with, he could easily slit my throat and stab me many times. But that thought did not scare me at all. Baka tiwala akong maililigtas ako nina Loki at Alistair sa oras na nalagay ako sa panganib? Or maybe I was already used to danger.

Lumingon ako sa likuran at sandaling inilibot ang mga mata ko. Hindi ko na makita ni anino ng lalaking sumunod sa akin sa dormitory ni Leigh. Saan na kaya siya nagpunta?

Ilang metro na lang ang layo ng White Hostel mula sa nilalakaran ko. Sa bandang kaliwa, naka-park ang isang police car malapit sa puno kung saan nakitang nakahandusay ang bangkay ng ikalawang biktima. May lalaking nakasuot ng blue short-sleeved dress shirt na naka-tuck sa itim na pantalon.

Huminga muna ako nang malalim bago lumapit sa pulis na nakatalikod sa akin. Pinilit kong gayahin ang malambing na boses ni Leigh. "Officer Mijares? Nandito na po ako."

"Nandiyan ka na pala? Sorry, may ginagawa pa si Officer Mijares kaya ako ang pinadala niya para sunduin ka."

Nanlaki ang mga mata ko nang humarap siya sa akin. Bumati ang isang familiar na mukha. Napalunok ako ng laway at napaatras ng dalawang hakbang. Ipinasok ko aking kamay sa kanang bulsa ng palda ko kung saan nakatago ang stun pen.

"Inasahan kong makikialam kayo sa kaso kaya hindi na ako nasorpresang makita ka rito. Kahit ano pa'ng ayos sa buhok mo, makikilala pa rin kita, Lorelei."

Ngayon na nag-sink in ang kabang hindi ko halos naramdaman kanina. Bumilis at lumakas ang tibok ng puso ko at may namuong malamig na pawis sa aking noo. Gusto kong tumakbo, pero tila nanigas ang mga paa ko at ayaw nilang gumalaw. Gusto kong sumigaw, pero tila walang boses na gustong lumabas.

"Moriarty wanna say hi," sabi ni Officer Montreal sabay labas ng pocket knife sa kamay niya.

q.e.d.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro