Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7 'Dizzy'

-Alistair-

My life was so busy from the pass few weeks. Ang dami kong mga meetings at seminars na pinuntahan para lang sa trabaho ko sa pagma-manage ng aming kumpanya.

Sa sobrang busy ko, hindi ko lubos maisip kung ano na ang nangyayari sa mga kakilala ko sa labas ng mundo ng trabaho. At ang mga taong tinutukoy ko ay ang mga personal kong kakilala, mga kaibigan, at higit sa lahat, mga espesyal na mga tao.

And there are three of them who became really special for me. Sino pa nga ba sila kundi ang mga dati kong kasamahan sa club na sinalihan ko noong lumipat ako sa Clark High. They are no other than Lorelei, Jamie, and our wise but cold club president, Loki.

Kapag may isang kulang sa aming apat, hindi na kumpleto ang QED Club.

And It's been really a long time. Sampung taon na ang nakalipas. Napapaisip tuloy ako kung ano na ang pinagkakaabalahan nila.

Mula nang magising kasi ako sa pagkaka-comatose ay matagal na panahon na rin pala ang lumipas. Three years akong nakaratay sa higaan habang natutulog, hindi sigurado kung magigising pa ba.

Bur they never gave up on me. Mabuti na lang at may kaya ang pamilya namin. My father is always there to check on me. Lahat ng mga bills sa ospital na pinagdalhan sa akin ay siya ang nagbayad. At aaminin ko, I became a burden for them for such a long time.

Kaya hindi ko rin masisisi kung bakit nakaramdam ng kaunting galit si papa sa QED Club. He blames the club because it endangered my life to the point that there is no assurance na makakasurvive pa ako.

Kaya nang magising ako ay hindi ko na niya ako pinayagang makipagkita sa kanila. But I know they knew that I survived. Pero dahil alam ko naman kung gaano kalaki ang isinakripisyo nina papa, I listened to their command. Hindi ko na sinubukang alamin kung kamusta na ang lagay nila.

Though, sa kanilang tatlo, si Lorelei lang ang alam ko ang kinahinatnan. Dahil business partner ng daddy ko ang daddy niya, may chance akong malaman ang lagay ni Lorelei. And I am still happy of her na ligtas siya at walang nangyaring masama sa kaniya.

Nakakainggit nga sila dahil hanggang sa dulo, nandoon sila. Habang ako, nasa napakalalim na pagkakatulog. I missed the very exciting part kung ano ang nangyari sa Clark Highschool. I missed the biggest reveal na meron sila.

And I am still curious about what happened to Moriarty.

Kung sana'y hindi ako nakatulog for three straight years, edi sana ay nalaman ko na ang lahat ng kasagutang hinahanap ko.

Sa mga oras na ito ay nasa loob ako ng aking main office. Nakatingin lang ako sa buong syudad mula sa glass window sa aking harapan. Nakikita ko ang nagtatayugang mga gusali na itinatago ang papasikat na araw ngayong umaga.

Bagong araw, puro trabaho na naman maghapon. Naiintindihan ko na kung gaano ka stress si papa sa pag-aasikaso ng kumpanya niya. And also his hardwork on talking to his business associates to agree with his proposals. It's really an exhausting job.

Nakarinig ako ng katok sa pinto. "Come in." sabi ko.

Bumukas ang pinto at nakita ko kung sino ang pumasok. Si Eva lang pala, ang secretary ko. Nakabihis na siya ng working attire niya habang tinernohan naman nito ang kaniyang suot na headband.

"Good morning Sir. Ravena. Nagdala po ako ng kape para s inyo." sabi ni Eva sa akin habang hawak niya ang isang tasa ng mainit na kape. Umuusok pa iyon at posibleng bagong kulong tubig lang ang ginamit dito.

"Pakilapag na lang sa lamesa, salamat. Anyway, about my appointments for today?" inilapag niya sa lamesa ang kape at inilabas niya ang isang tablet mula sa kaniyang bag. She started swiping on its screen.

Habang inaayos niya pa ang listahan ng mga appointments ko ngayong araw, kinuha ko na rin ang kape at ininom iyon. Nakasanayan ko na rin kasi ang uminom ng kape tuwing umaga, pakiramdam ko kasi ay nagagawa nitong pakalmahin ang isipan ko at mas nagiging masigla ako sa mga activities na gagawin ko pa lang. Just like a battery.

"Dahil po sa mga cancelled meetings ninyo kahapon, may tatlong meetings kayong kailangang i-attend. One is for Mr. Salazar, followed by Mrs. Glaze and for the last one on the list, is your meeting with Ms. Kataoka." sabi ni Eva na nakatingin sa aking mga mata habang binibigkas niya ang mga pangalan ng business associates ng aming kumpanya. I like her attitude. She's dependable.

"Kaya na-cancelled ang mga meetings na iyan dahil sa meeting ko with Mr. Hal right?" I asked her and she nodded in response to my question.

"Yes, and speaking of Mr. Hal, I received an urgent message from Mr. Hal's secretary. May urgent meeting kayo with Mr. Hal kasama ang iba pa niyang business associates para pag-usapan ang magiging plano ninyo sa nalalapit na local festival." sabi niya na ikinagulat ko naman.

When she say 'urgent', ibig sabihin nun ay ilang minuto na lang ang nalalabi para sa aking pagpapahinga. I need to work so early just to finish all of my appointments.

"Anong oras ang meeting?" tanong ko sa kaniya.

She looked at me and she saw how I finished the last of my coffee in no time. Masyado yata siyang nabilisan sa pagkakaubos ko nitong kapeng dinala niya para sa akin.

"30 minutes from now." agad niyang sagot.

Mabuti na lang at naubos ko na ang kape ko dahil baka naibuga ko ito ng hindi inaasahan. Trenta minutos na lang? Napakaaga naman ng urgent meeting na iyon? Pero wala akong magagawa e, an urgent meeting is an important meeting.

I nodded.

"Anyway, kailan nga ulit yung local festival?" tanong ko sa kaniya at muli, tumingin siya sandali sa kaniyang tablet at humarap agad sa akin.

"Five days from now." nakangiti niyang sagot.

Napatingin ako sa tasang walang laman sa mesa, "malapit na pala."

Bigla akong nakaramdam ng hilo. Napakabig ako sa aking ulo habang nakatingin pa rin sa tasang walang laman na ngayon ay tila umiikot na sa aking paningin.

Lumapit sa akin si Eva, inilapag niya sa lamesa ang tablet niya at inakay ako paupo sa aking swivel chair.

"Ayos lang po ba kayo Sir?" tanong niya sa akin.

Bagamat nahihilo pa ako ay tumango na lang ako, ayokong isipin niya na may sakit ako at baka ma-cancel na naman ang mga meetings ko para sa araw na ito.

"Ayos lang ako, salamat." sabi ko sa kaniya.

Ngumiti si Eva at kinuha niyang muli ang tablet. "Sige po, magpahinga po muna kayo at hihintayin ko na lang po kayo sa lobby." masiglang sambit ni Eva.

Tanging pagtango na lang ang nagawa ko at habang nakikita ko ang kaniyang paglabas ng office. Naiwan akong nakaupo sa isang swivel chair kaharap ang isang walang lamang tasa sa aking lamesa.

Baka sa sobrang busy ko sa trabaho kong ito ay napapabayaan ko na ang kalusugan ko. Pero mula noong magising ako sa coma ay hindi pa naman ganito ang pakiramdam ko. Hanggang sa magtrabaho ako rito, tsaka lang nagsimula ang pananakit ng ulo ko at ang paminsan-minsan na pagkahilo ko.

Ang sabi naman ng doctor na lagi kong pinupuntahan sa tuwing nagpapa-check-up ako ay normal lang daw ito dahil sa nangyaring pagka-comatose ko.

I wonder if it's really it is.

(Hi! Just a filler chapter. What can you say about Alistair's case?)

PS.

Sorry for the long wait. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro