Chapter 6 'Gone, Girl'
-Lorelei-
Kahit gabing-gabi na ay humanap pa rin ako ng paraan para makahanap ng taxi. Gumamit pa ako ng application para lang makapick-up ng isa nito.
I waited for several minutes. Nanginginig ako at pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin mula sa malayo. Hindi ko talaga gusto ang ganitong pakiramdam. I should be sleeping right now but here I am, trying to stop someone from killing my friend.
I know that they will act right now. Siguradong gagawa na sila ng paraan para mapatahimik si Portia lalo na at alam na nilang buhay ito. If I just been careful of my words, they wouldn't know about Portia. Pero hindi ko iniisip na sila pala ang may pakana ng lahat.
While waiting for the taxi to come around the street, I am checking Portia via messenger. Nag-uusap kami para malaman kung ayos lang ba ang lagay ng isa't-isa. And I'm also confirming if she's at Starbucks right now. Sabi naman niya ay nandoon na siya at naghihintay na lang sa aking pagdating. Please be safe Portia.
A few minutes more, a cab stops in front of me. Nakahinga na ako ng maluwag dahil nandito na rin ang taxi na kanina ko pa hinihintay.
Binuksan ko ang pinto at pumasok ako sa loob sa may backseat area. The driver smiled at me and I just replied the place where he should send me.
After that, we started the trip. I've also sent a message to Portia telling her that I'm on the way.
~~~
Huminto ang sinasakyan kong taxi sa tapat ng Starbucks. Nagbayad na ako kay kuya at agad na ring lumabas ng sasakyan.
Nakita ko si Portia na nakatayo sa isang tabi habang nakatuon ang atensiyon sa kaniyang cellphone. Nilapitan ko siya at nang makita niya ako ay biglang sumibol ang isang ngiti sa kaniyang mukha.
"Lorelei!" niyakap niya ako at nakapagpagaan ito ng loob ko. Having a close friend to hug you for comfort is really a perk for having a real friend. Masasabi mo talaga kung na-miss ka nito o nag-alala ba siya sa mismong kalagayan mo. And by this hug I received from her, it gives me those two feeling.
"Portia, thanks for listening to me." I said as we parted.
"Well, mukang seryoso ka naman talaga kaya sino ba naman ang hindi matatakot sa isang death threat. So anong gagawin natin? Nasaan si Loki?" tanong niya sa akin.
"Hindi ko pa siya natatawagan. Wait, tatawagan ko lang muna siya." sabi ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa loob ng purse na dala ko.
I dialled Loki's number. Mabuti na lang at tinawagan niya ako kanina dahil kung hindi siya tumawag, siguradong wala akong magiging contact sa kaniya.
"Sigurado ka bang tutulungan tayo ni Loki?" medyo may pag-aalala sa tono ng pananalita ni Portia.
"Yes, I'm sure he will help us." sabi ko. I called Loki's number and I put my phone to my ear, hearing some continuous ringing.
"Kung matulungan niya nga tayo, sigurado ka bang ligtas tayo sa kaniya?" sunod na tanong ni Portia. I shot her a reassuring look and smiled.
"I guarantee you. We're safe with him." I said to her. She heaved a deep breath and crossed her arms, trying to ease the coldness of the breeze of the wind.
Habang nakatahimik si Portia sa aking tabi, ako naman ay busy sa pagtawag kay Loki. He's not yet answering my calls. Puro rings lang ang naririnig ko sa kabilang linya.
'Please Loki asnwer the phone...'
After some few more tries of calling him, he finally answered my call.
"Lo?" his sleepy voice greeted me. Mukhang nakatulog na siya matapos niya akong tawagan kanina. Sana naman ay hindi na siya apektado ng kaniyang emosyon sa mga oras na ito.
"Loki, puwede mo ba kaming tulungan?" I asked him.
"Lorelei? Gabi na, what are you doing at this time of the night? And who is with you?"
I looked to Portia and she smiled because we had finally contacted Loki.
"May kaibigan ako, may banta sa buhay niya. Remember that lady who was killed at Pendleton Street?"
"Yes, I do. Anong meron sa kaniya?"
"She's just a collateral damage. Hindi talaga siya ang pakay ng mga taong pumatay sa kaniya. Dahil ang main target nila ay ang kaibigan ko." I said.
"Oh. So what do you mean by that?"
"Loki, may death threat lang naman ang kaibigan ko at pareho kaming natatakot dahil kahit ako, damay sa banta sa kaniyang buhay." hindi ko maiwasang pagtaasan ng boses si Loki.
"Ok." he said, he sounded alarmed.
"Do you understand our situation right now? Hindi ba ako kumakausap sa astral projection mo?"
"Fortunately, my astral projection is currently resting on its own right now. Nasaan ba kayo?" mukhang nagising na ang diwa ni Loki. Nagiging mas malinaw na rin ang kaniyang pagsasalita hindi tulad kanina na halatang inaantok pa.
"Nandito kami ngayon sa Starbucks sa Chopin Street."
"I'm coming. Just wait for me." he ended the call.
Nakahinga ako ng maluwag matapos kong makausap si Loki. Inilagay ko na ulit sa loob ng purse ko ang cellphone ko at muli ko nang ibinaling ang atensiyon ko kay Portia.
"Anong sabi niya?" unang tanong na ibinato niya sa akin.
"He's going to pick us up." malumanay kong sagot dahil para talaga akong nabunutan ng tinik sa mga sinabi ni Loki.
"Thanks God. Mabuti naman at nakinig siya sa iyo." napagdikit pa ni Portia ang kaniyang mga palad na tila ay nagdadasal.
"Kung hindi lang talaga tayo threatened, hindi niya tayo seseryosohin. Kung hindi ko nga siya tinawagan ng maraming beses ay hindi niya talaga sasagutin ang tawag ko." sabi ko pa. I just called Loki for almost seven tries, where each try, I could only hear continuous ringing.
"May punto ka diyan girl." aniya.
"Anyway, habang hinihintay natin ang pagdating ni Loki, may mga itatanong muna ko sa iyo."
"Ano ba ang mga itatanong mo? Kaya ko yang sagutin." sagot ni Portia na may kasunod pang kindat. Medyo natawa ako dahil kahit under pressure na kami ay nagagawa pa rin ni Portia na pakalmahin ang pakiramdam naming dalawa.
"Pumasok tayo sa loob, baka may makarinig sa pag-uusapan natin." I said as I walk inside the Starbuck's premises.
Sumunod sa akin si Portia at ako na rin ang naghanap ng mapupuwestuhan. Pinili ko yung nasa dulong table na malapit sa may bintana at papunta sa comfort room.
Umupo kami roon. Wala nang masyadong tao sa loob ng Starbucks dahil gabi na at tanging mga crew na lang ang nandito para sa night shift nila.
Nang masiguro naming maayos na ang lahat, nagsimula na si ulit kami ni Portia sa pag-uusap.
"Ano ba yung nangyari sa iyo nung magpunta ka rito?" tanong ko sa kaniya.
"Ganito kasi yun, pagkarating ko rito, may nadaanan akong mga lalaking nakasuot ng suit, yung alam mo na, businessman style, ganern. Nakaupo sila diyan sa labas, doon sa table na yun," itinuro ni Portia ang isang table sa labas ng Starbucks.
Tumango ako para sabihin sa kaniyang nakakahabol pa ako sa kuwento niya.
"Then ayun na nga. Hindi ko sila pinansin nung una at dumiretso na ako sa loob, dito. Bumili ako ng coffee coffee tapos nagsimula na akong magsulat ng article ko sa tablet ko. Then after that, lumabas na ako ng starbucks at nandoon pa rin sila. Tapos bigla kong nabitawan yung purse ko, nagkalat yung make ups ko at gumulong yung lipstick ko likuran nung isa sa mga lalaki. Siyempre mamahalin yung lipstick kaya pinulot ko, hindi naman nila ako pinansin pero nang marinig ko yung pinag-uusapan nila, natigilan ako." she acted like 'astounded'. Iba talaga si Portia sa pagkukuwento, detalyado maging ang sound effects.
"Anong narinig mo?"
"Kung kailan daw nila matatapos yung bomba para sa gaganaping local festival dito sa lugar natin." sabi ni Portia.
Napasandal ako sa aking kinauupuan. "This is a serious plot of terrorism. They're planning to ruin the upcoming festival?"
"Well, yun ang narinig ko. Kaya siguro gusto nila akong patahimikin dahil baka ipagsabi ko sa iba at heto nga, nasabi ko na sa iyo." she laughed softly, para siyang kinakabahan na medyo nalulungkot.
"Thanks Portia. At least may lead na tayo sa impormasyon na may nagbabalak palang gumawa ng masama sa gaganaping festival." I held her hand to ease her worries.
She gave me a weak smile, "anong gagawin mo sa impormasyong ito, aber?"
"Mag-iisip kung paano ito pipigilan." I replied.
"Paano naman? Mag-aala-wonderwoman ka?"
"Hindi ko kaya 'to nang mag-isa. Pero sigurado akong may maitutulong si Loki sa atin lalo na at isa na siyang ganap na detective."
"Si Loki?" namula ang magkabilang pisngi ni Portia. Hinawakan niya pa ito na tila kinikilig siya sa pangalan ni Loki, "I'm so excited to meet him na."
"Kinakabahan ka na sa lagay na 'yan ha. May death threat tayo Portia." sabi ko pa na may halong tono ng sarcasm.
"Once in a blue moon lang akong kiligin sa isang taong never ko pang nakikita. Pangalan pa lang ni Loki, kinikilig na ako. Pagbigyan mo na ako please?"
Napangiti ako, ibang klase talag si Portia.
"Ikaw bahala." nagkibit-balikat ako at tumingin na lang muna sa labas ng glass wall. Ang tagal namang dumating ni Loki.
Then I saw a man riding a motorcycle, parked his motorcycle in front of the Starbucks. Nakita ko ang bukol sa kaniyang bulsa na parang...
Isang baril!
Binunot niya ang baril at itinutok ito sa direksiyon namin. Nanlaki ang mga mata ko, nakita ko ring luminhon si Portia sa direksiyon na tinitignan ko.
"Nandiyan na si Lo-"
BANG!
Nabasag ang salamin sa aming tabihan at bumulagta sa sahig ang walang buhay na katawan ni Portia. May umaagos na pulang likido mula sa isang maliit na butas sa pagitan ng mga mata ni Portia.
"Portia!" sigaw ko na nasundan din ng mga sigawan ng crews ng Starbucks sa takot na baka sila ang isunod ng taong ito.
Yumuko ako at nagsimukang gumapang papunta sa direksiyon ng comfort room. I am trying to not to cry but as long as I'm crawling away from my friend's dead body, my eyes just getting heavier and wet every second.
All of a sudden, the whole place has turned into such turmoil and chaos. Namatay ang lahat ng ilaw at ang sigawan ng mga crews ang aking naririnig.
Pinipilit ko ang sarili ko na gumapang ng mabilis para makaligtas ako mula sa taong sigurado akong papatayin din ako.
Nang makapagtago ako sa isang sulok, sa likod ng mga halamang nakadisplay malapit sa comfort room. Nakita ko ang anino ng lalaking nakasuot pa ng helmet na lumapit sa bangkay ni Portia.
Sinundan pa niya iyon ng limang putok ng baril upang masigurong wala ng bakas ng anumang buhay ang maiiwan sa katawan nito.
Umaagos na ang luha sa aking mga mata at pilit kong pinipigilan ang sarili na gumawa ng anumang ingay. Hinahanap ako ng lalaking iyon. Alam niyang kasama ko si Portia.
Palapit siya ng palapit sa aking direksiyon, ngunit dahil sa nakapatay ang lahat ng ilaw ay hindi niya agad ako nakita.
Humakbang pa siya palapit sa comfort room, kumakabog ang aking dibdib. Pabilis ng pabilis ang tibok ng aking puso. Am I going to die right now?
Biglang umalingawngaw ang tunog ng mga sirens ng police cabs na paparating. Dahil dito ay sumuko na ang lalaking ito sa paghahanap sa akin. Bago siya tuluyang lumabas ng Starbucks ay inubos niya pa ang natitirang bala sa kaniyang hawak na baril sa walang buhay na katawan ng aking kaibigan.
Nang magawa niya iyon ay dali-dali na siyang nagmaneho palayo.
Nagsidatingan ang mga pulis.
"Lorelei!" I heard a familiar voice.
May pumasok sa loob ng Starbucks na isang lalaki. It's Loki.
I tried to stand up for him to see me.
"Lorelei! I'm sorry if I'm late." nakita niya naman ako at bigla niya akong niyakap. Ramdam ko ang kaniyang mainit na paghinga sa aking batok at maging ang kaniyang puso ay pumipintig ng mabilis sa kaniyang dibdib.
"Loki... I saw Portia's death in front of me. I've seen how the bullet hits her temple." Hindi ko na mapigilan pa ang mapahagulgol. "Akala ko.. Akala ko ay maililigtas ko siya, pero nagkamali ako Loki..."
Napayakap ako sa kaniya ng mahigpit.
"It's not your fault Lorelei. They might be following you after you received their call. 'Wag mong sisihin ang sarili mo." he tried to sound reassuring.
"How Ironic... I'm the one who is telling you that line before. Naiintindihan na kita. Ang sakit pala talaga." ang sakit sa aking puso na makita ang bangkay ni Portia na maraming butas dulot ng mga balang tumama sa kaniya. Naliligo na siya sa kaniyang dugo...
Naramdaman ko ang mas lalong paghigpit ng yakap ni Loki sa akin, "Don't worry Lorelei. I wouldn't let them to harm you. I am now here to protect you..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro