Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5 'Collateral Damage'

Chapter 5 'Collateral Damage'

-Lorelei-

Nang makauwi na ako galing sa trabaho, nagtungo agad ako sa kuwarto ko para magbihis. Masyadong maraming bagay ang nangyari kanina, masyadong malaki at nakakagulat. Nakakita ako ng crime scene at nakita ko rin ang isa sa mga taong naging parte ng buhay ko.

That Louis Kingsley Mendez. Ang presidente ng QED Club na masyadong seryoso sa buhay. He won't become interested to anything unless it will give him excitement like solving mysteries.

Hindi na rin ako magtataka kung bakit naging tunay na siyang detective. That's where he aspire the most and he really deserved to be one of those intellectuals.

But the moment that I'd seen him again, ang dami na talagang nagbago. Kung noon ay hindi siya physically fit, ngayon ay mas built na ang kaniyang mga muscles. He is capable to fight anyone who would initiate a brawl fight with him.

And his face! That face who always show the taint of being bored and unamused, it has change a lot. Kanina, napansin ko na mukhang kakatapos lang niyang magshave ng bigote at balbas niya, nagmumukha na tuloy siyang mas matanda sa akin nh ilang taon dahil doon.

Pero hindi ko maikakailang hindi siya kaakit-akit. Dahil sa mga panahong ito, mukhang mas magugustuhan siya ng mga babae. Not to mention that woman who is so obsessed of him way back then.

Nang makatapos ako sa pagpapalit ng damit ay napaupo muna ako sa gilid ng kama. Napatitig ako sa aking mga kamay, this is the hands that I used to write our blogs. The blogs which is written for our club's purpose.

Nakakaramdam ako ng pangangati. Not literally. I just wanted to write blogs again about our cases. I want to write our adventurous trails so once I reached our goal, it will be easy for us to look on the things we've done so far.

Kung maibabalik lang...

Considering our current situation, bringing the same club again will be quite a problem. Everyone is busy with their works. Their jobs. Like me, I am busy with my job but I am enjoying it. Same as Jamie who is reaching the peak of the stardom. And Alistair, as far as I know, he owns their company and manages it well.

Baka isipin nila na isang biro lang ang pagbabalik ng club lalo na at hindi na kami makakakita pa ng mga easy cases na kahit si Loki lang ay sapat na sa pagsolve nito.

Napahiga na ako sa kama, ramdam ko ang malambot na foam sa loob nito. Nakahinga ako ng maluwag, ganito ang pakiramdam ng makapagpahinga sa pagod ko kanina.

Yung babae naman sa crime scene, I still wonder why she was followed by those killers. What is their sole reason? Bakit ba sila ipinapapatay ng mga mastermind ng kanilang grupo?

This Ghoul Organization. I am so curious to who they are. Kahit malaki ang kalakarang umiikot sa kanila, wala pa ring gustong isiwalat ang katotohanan sa likod nila...

I don't believe that they were made by pigment of imagination. That they are just a rumor spreading although out the internet news and blogs nationwide.

Napatingin na naman ako sa aking mga kamay...

I am having the urge to write articles about them. I want to reveal the truth behind this crime syndicate.

Ipinikit ko na ang mga mata ko nang makarinig ako ng ring ng cellphone. Napabalikwas ako ng bangon, baka siya ang tumatawag!

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at nakita ko ang isang unsaved number. Napangiti ako, may isang tao lang naman akong inaasahang matatanggapan ko ng tawag...

"Hello?" I tried to sound happy. Medyo hassle kasi ang buong araw at nakakapagod talaga sa trabaho.

"Lori..." as I expected. This is Loki. Lihim akong napangiti ngunit nagbago rin ito matapos kong maramdaman ang kakaibang atmospera sa aking paligid. May kakaiba kay Loki.

"Are you crying? Loki?" nagdadalawang-isip kong tanong sa kaniya. I am not used to see Loki crying. And even though I am just hearing him sobbing through this call, it could make my heart feel the sadness inside him.

Humigpit ang hawak ko sa cellphone. Napatingin ako sa buwan na nasa kalangitan mula sa may bintana.

"Jamie," as I hear her name, it made me cringe. "She used Rhea's name as her screen name."

Napailing ako, ngayon lang ba niya nalaman ang screen name ni Jamie? Knowing Loki, he's not interested to showbiz industry. I'm not surprise hearing about this kind of news.

But. I could feel the sadness of Loki. Pakiramdam ko ay pumapasok sa kaniyang isipan ang agos ng mga ala-ala nila ni Rhiannon. Ang babaeng unang naging kaibigan niya, ang babaeng nagkaroon ng kakayahang pangitiin siya.

Ang babaeng naging sanhi rin ng lungkot at pagsisisi na mayroon siya...

"Jamie again..." bulong ko.

"I'm still trapped of Rhea's memories." malungkot ang boses niya. Tila pinipilipit sa sakit ang kaniyang puso. This is not the typical Loki that I have known. This is not the same person I am used to be with. Hindi siya emosyonal.

"Calm down. Wait, saan ka ba ngayon nakatira? Puwede ba kitang puntahan?" tanong ko sa kaniya.

"Gabi na. Please don't mind. I just need to say this to someone I could trust," narinig ko siyang bumuntong-hininga. "And sorry Lorelei. We're not going to bring the club anymore."

"Wait Loki-"

Pinutol na niya ang tawag. Gusto ko pa sana siyang kausapin tungkol sa club dahil nagbabakasakali akong mabago pa ang isip niya.

Napatingin na lang ako sa pader sa aking harapan. All my hopes has been gone. Ano pa nga bang inaasahan ko?

Itinabi ko na ang cellphone ko sa drawer.

Dahil sa sinabi ni Loki ay agad kong sinaliksik sa google ang screen name ni Jamie. At nang makita ko na ang search results, namangha na ako.

"Ang dami na niyang nagawa sa industriya ng pag-aartista. She even dyed her hair black and straightened it. Pero bakit naman sa lahat ng screen name na puwede niyang gamitin ay ang pangalan pa ni Rhea?" sabi ko sa sarili habang nag-i-scroll sa mga websites na naglalaman ng mga balita tungkol sa kaniya.

Nalibang ako sa pagbabasa ng mga articles tungkol sa kaniya. Natuwa nga ako nang makita ko ang isang article na isinulat mismo ni Satyr.

Dahil sa pagkapukaw ng interes ko sa mga nababasa kong balita tungkol kay Jamie. Muntik na akong mapatalon sa gulat nang tumunog na naman ang cellphone ko.

Iniisip ko na baka si Loki iyon at nagbago na ang isip niya kaya dali-dali kong kinuha ang cellphone ko mula sa drawers. Pero nang makita ko kung sino ang tumatawag, napasimangot ako.

Si Portia lang pala-teka! Na-snatch nga pala ang cellphone niya kanina at may nakapulot nito nung mabitawan nung babaeng pinatay kanina. Balak kaya nitong ibalik yung cellphone?

"Hello?" sambit ko.

"Hi." isang malalim na boses ng lalaki ang aking narinig sa kabilang linya. Nakaramdam ako ng paninindig ng balahibo.

Hindi agad ako nakasagot dahil wala akong masabi sa kaniya.

"Ako yung nakapulot ng cellphone ng kaibigan mong si Portia ba yun?" pagpapatuloy niya.

"Ikaw pala. Well, hindi siya yung babaeng tinutukoy mo na natagpuang patay sa Pendleton street, puwede mo bang isauli na lang ang cellphone ng kaibigan ko?" sinubukan ko talagang gawing magalang ang aking pananalita. Nakakaramdam kasi ako ng tensiyon sa pagitan naming dalawa.

"What? Hindi siya yung babaeng natagpuang patay?" he sounded surprised. One thing that I started to feel nervous about.

"Wait, anong ibig mong sabihin?"

"We killed the wrong person." pagkasabi niya nun ay mas lalo na akong nakaramdam ng kaba sa aking dibdib. Kumakabog ito, mas malakas pa kaysa sa mga ibang taong kinikilabutan sa nangyayari.

"Te-teka! Sino ka ba? Anong pinagsasasabi mo?"

"Your friend seen our transactions. She knows us. Now we need to find hee and end her." sabi niya na tila sanay na siya sa mga bagay na sinasabi niya.

He ended the call right away, careful of disclosing any information furthermore. Mukhang hindi nga sila nagbibiro. Portia's life is in danger!

Nanginginig man ang aking mga kamay, I still managed to call Portia's number.

Parang tunog ng isang aparato sa ospital ang ringings na naririnig ko. Ilang segundo na ang lumilipas pero hindi pa rin niya sinasagot ang tawag.

I am calling her landline phone number. May landline phone kasi siya sa bahay nila at sigurado naman kong nakauwi na iyon.

Matapos ang nakabibinging katahimikan, itinaas na niya ang receiver at narinig ko ang pagkakasambit niya ng salitang...

"Hello?"

"Portia? It's Lori." sabi ko.

"O Lorelei? Bakit?"

"Look. You're in grave danger. May mga taong balak kang patayin. Yung lalaking nakausap ko sa cellphone mo na napulot niya, isa pala siya sa mga pumatay doon sa babaeng nang-snatch ng cellphone mo. Pero ikaw talaga ang pakay nila at hindi talaga yung babaeng pinatay kanina." nagbago ang tono ng boses niya matapos ko iyong sabihin sa kaniya.
Halata sa kaniya ang pagkabahala, natatakot siya. Lubos na kinakabahan sa magiging kalagayan niya.

"Pe-pero bakit naman nila ako balak na patayin? Wala naman akong ginagawang masama? Dahil ba sa mga isinukat ko?"

"Hindi ito dahil sa mga articles mo. Ang sabi niya kasi sa akin, nakita mo raw ang transaction na ginagawa nila, nakita mo raw ang mga mukha nila kaya makikilala mo sila kapag nakita mo silang ulit." ani ko kahit nanginginig na ang aking kamay.

"Oh my gosh. Kaya pala masama ang tingin nila sa akin." she sounded alarmed. Mukhang tama nga yung lalaki, nakita niya ang ginagawa nila at hindi ito maganda.

"At kaya siguro maling babae ang hinabol nila dahil una, hawak niya ang cellphone mo at tumatakbo siya palayo na parang tumatakas. That must be the best explanation I could think for a while."

"Anong gagawin ko Lori?" parang isang batang nagtatanong sa isang magulang kung papayagan ba siyang lumabas ng bahay si Portia. She's not ready. She dont even used up to death threats.

"We need to call the police. And all I can advice you is to stay away of your house for a while." sabi ko sa kaniya.

"What about you?"

"Me? I'm safe."

She coughed lightly, "No you're not. Bakit ka pa kasi nila tatawagan kung wala na silang pakialam sa nangyari?"

I realized what she said. They used me to confirm something. And they told me what are they going to do. Now I'm sure they will find me as well to shut my mouth permanently before I tell this to the police.

"Lorelei?"

"You're right. I need to get away from here. Magkita tayobsa Starbucks malapit sa office. May kilala akong taong puwede nating puntahan."

"Sino naman?"

Napangiti ako kahit napakatindi na ng mga nangyayari.

"We're going to Loki's house."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro