Chapter 4 'Still'
LOKI
"Is that Lorelei? The young woman who was talking to you back there." tanong sa akin ni inspector Cordova. Mukhang nakita niya kami kanina habang nakikipag-usap siya sa mga kapulisan. Madalas kong naikukuwento sa kanila ang mga nangyari sa club na pinamunuan ko, at si Lorelei ang isa sa mga mas tumatak sa kanila dahil kakaibang babae raw si Lorelei.
They said that Lorelei is the counterpart of myself. Bagay raw ang pairings kapag kaming dalawa ang magkasama. Though I'm not really convinced on their ideas but they are right, somehow, for Lorelei being a useful companion on our different problem solvings. I just couldn't let her go.
"Yes. It's Lorelei." I answered as I look outside the window to witness the sparkling city lights as the night continues to darken the whole city. It was a pretty tiring day.
"Tama si kuya Loki sir. She's so beautiful." animo'y napa-beautiful eyes pa si Brandon habang nagsasalita. Napapaisip tuloy ako kung tama bang sinabi ko rin sa kanila na maganda si Lorelei.
Narinig kong tumawa ng mahina si Inspector. Samantalang ako naman ay napailing na lang sa narinig ko. I know how to deal with people nowadays. Noon, sinasabihan ako ni Lorelei kung nagiging rude na ba ako sa mga client namin pero ngayon, sinusubukan ko talagang huwag magsalita ng mga bagay na hindi magugustuhan ng kausap ko. It takes time.
But don't get me wrong for what I did as Brandon said those words. Medyo hindi kasi ako kumportable na pinag-uusapan nila si Lorelei base sa kung ano ang mga naikukuwento ko sa kanila. They even think that the two of us had a relationship but I said no about it already. Sadyang malikot lang talaga ang imahinasyon nila lalo na kay Brandon.
"Well, tama nga si Loki sa bagay na iyon. Anyway Loki, sigurado naman akong may mga bagay kayong napag-usapan. Maaari mo bang sabihin sa amin?" tanong sa akin ni Inspector.
Napabuntong-hininga ako, "Napag-usapan namin ang tungkol sa nangyaring kaso kanina. She's a journalist at may plano siyang sumulat ng article tungkol sa nangyari doon sa babae. Pero binalaan ko siya dahil sa tingin ko, konektado ang kasong iyon sa mga nangyayaring patayan na may koneksiyon naman sa isang malaking crime syndicate."
"Nag-aalala ka sa kaniya hindi ba?" sunod na tanong ni inspector.
Medyo natahimik ako sa narinig ko. Nag-aalala nga ako kay Lorelei. Nag-aalala ako na baka may mangyari sa kaniya na maaaring pagsisihan ko kung hindi ko siya nagawang pigilan.
"Medyo..." mahina kong sagot.
Bigla akong siniko ni Brandon sa tagiliran na naging dahilan para magulat ako.
"Sus! Medyo daw. Alam kong nag-aalala ka sa kaniya kuya Loki." pang-aasar pa sa akin ni Brandon.
I shot him my piercing stare, "Stop teasing me Brandon."
Balak ko pa sanang batukan si Brandon nang biglang nagsalita si inspector, "Aside from that, ano pang napag-usapan niyo? Mga personal na bagay?"
"Wala-"
"Plano ni Ms. Rios na bumuo ulit sila ng bagong club! Bagong QED Club!" pagsingit ni Brandon.
"Brandon-"
"At mukhang magandang plano iyon!" pagpapatuloy niya kahit gusto ko na siyang sawayin. Ito talaga ang ayaw ko sa planong kumuha ng assistant. Si inspector kasi ang nagpumilit sa akin na kailangan ko raw ng taong mag-aassist sa akin kung sakaling may mga delikadong operasyon o imbestigasyon kaming gagawin.
Balak ko na naman sanang batukan si Brandon pero heto na naman si inspector, sumingit na naman.
"The famous QED Club of Clark Highschool? Well, it's a good idea pero hindi madaling buuin ang isang grupo na nagkahiwa-hiwalay na ng landas ang mga miyembro." inspector said it in a matter of fact tone of voice.
Iyon nga ang isa sa mga iniisip kong dahilan kung bakit malabong mangyaring mabuo pa ang club na iyon. It's almost a decade has passed. Masyado na kaming malayo sa isa't-isa. Maybe I'm right that our bonds are still intact but the moments we had is slowly fading away. Like a mist on the window every morning.
"Kaya hindi muna ako sumagot. Sinabi ko muna na pag-iisipan ko ang gusto niyang mangyari. And I doubt it will not be that great as before."
"Sayang naman kuya Loki. Si ms. Lorelei na ang nag-initiate sa iyo o." sabi ni Brandon.
"I have my own reasons. Kaya ko naman kasi binuo ang club na iyon ay dahil sa Moriarty ng Clark High. Besides, we're already done bringing justice to my friend who succumbed from Moriarty's malicious intentions. That's why the QED Club's arc had met its end." sabi ko kay Brandon. I understand how he really like the club. Masyado ko yatang nalagyan ng sugarcoating ang mga kuwento ko sa kanila.
"If the QED Club's arc on facing Moriarty has ended... then why don't you start a new one? Lalo na at mas malaking problema ang maaari niyong masolusyunan." he replied.
"The arc when the QED Club faces the new Napoleon of the crime, the Ghoul Organization." pasubali ni Inspector.
"Oo tama! Tama ka inspector! Tamang-tama para sa club ninyo ang kaso ng sindikatong gumagawa ng mga krimen dito." may malaking ngiti na nakadisplay sa mukha ni Brandon. Wow, I realized that I have a long patience for mentoring this young lad.
"No way. That crime syndicate is just a rumor."
"Rumor until proven its existence." seryosong saad ni Inspector. I started to feel the pressure building inside of me. They really want to push me on saying 'yes' to Lorelei's request. Or from the way she talked recently, it must be a demand.
"Besides, we are almost doing a day-to-day investigations of the same crimes again and again. Maging kayong mga pulis ay nahihirapang sugpuin ang mga kriminal na iyon."
"See, mabuti at napapansin mo na rin ang nangyayari. Kung iisipin mo, hindi lahat ng mga pulis ay mapagkakatiwalaan. Just like how a student police in your former school became one of the generals of that Moriarty. So why don't you put an end to it?"
"Dahil sa tingin ko ay masyado itong malaki para ihandle namin. We are not superheroes. Hindi ako si Sherlock Holmes na nagawang pabagsakin ang organisasyon ni Moriarty."
"But it's a small thing for a group of detective." pamimilit ni inspector. Akala ko si Brandon ang magpupumilit sa akin sa bagay na ito, si inspector pala. Ano bang rason niya para sa ipagpilitan ang bagay na ito? I just couldn't understand him right now.
"Hindi niyo ako maintindihan. Problema ito ng bansa." I said.
"Am I hearing this from the mouth of Louis Kinsley Mendez?" nakatingin sa akin ang mga mapanuring mata ni inspector sa may rearview mirror. Brandon is doing nothing but to look at me the same way as what inspector is doing right now.
They're cornering me. I couldn't utter any words. They sounded like I'm a once hero of a nation yet I'm not.
"This is your dream right? Then why don't you give it a try? Subukan mo, ninyo, na buuing muli ang club na ginawa niyo. At saka ninyo imbestigahan ang grupo ng mga kriminal na ito. Alamin ninyo kung totoo sila o hindi." sabi ni inspector. I admit, he has a point. We haven't given it a try, but we could.
"Pag-iisipan ko inspector. But there's no guarantee that the club will be brought back."
"Good. I'm counting on you. Now let's talk about the case of that woman..."
~~~
Malalim na ang gabi at kakahatid lang sa akin nina inspector sa tapat ng tinitirhan kong bahay. Nang makaalis na sila ay pumasok na ako sa loob kung saan ay unang tumambad sa akin ang isang malaking 'huggable' na teddy bear.
The one and only, Theodore.
"I met her again Theodore. And she's planning to bring back the club." sabi ko kay Theodore.
Kinakausap ko si Theodore paminsan-minsan. Lalo na kapag kailangan kong maglabas ng mga bagay sa isipan ko. Medyo napapansin ko na nga na unti-unti na ring naluluma si Theodore. But with a proper care, I maintained its quality.
I picked him up and I brought it upstairs with me.
Inilapag ko siya sa kama ko at umupo ako sa tabi niya.
"I wonder if she's right. Should I build a club and start a new arc again?" I tapped Theodore's head.
Even if he's not responding as every teddy bears should be, I still treated him as a part of me.
I picked up the remote of the tv and I turned it on. I was surprised upon seeing Jamie still performing on the show. Hindi pa rin pala natatapos ang show niya na kanina pa nagsimula pagkaalis ko ng bahay.
Hindi ba siya napapagod? Masyadong malaki ang mundong pinasok niya. Ang mundo ng showbiz. Her retentive memory really helps her when memorizing long scripts.
She's currently singing right now. Habang pinapanuod ko siya, bigla kong naalala ang mga bagay na nagawa namin noon. The way we play chess through mind, me losing to her on the game of generals, and not but not the least, the thing we did inside my room when Lorelei asked me why she's in our unit. That was a lot of memories to think about.
Tinapos kong panuorin ang pagkanta niya.
"Thanks Rhiannon for giving us that beautiful song." sabi nung host ng show kay Jamie. Nang marinig ko kung ano ang tinawag na pangalan ng host kay Jamie ay kumunot ang noo ko. Why?
"Rhea..." I whispered.
Kailan pa siya nagpalit ng pangalan?! At bakit Rhiannon pa ang screen name na ginagamit niya ngayon?
~~Twinkle twinkle little star~~
The image of Rhea's bloodied facade has flashed on my mind. Suddenly, my eyes shed tears of sadness... I don't know why. It just did.
"Rhea... I missed you."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro