Chapter 3 'Borderlines'
Lorelei
Yes indeed, it was Loki.
When he went outside the car, two other men went out of the same police mobil too. Yung isa nasa mid-thirties niya na yata habang medyo bata-bata pa yung isa. The three of them went to investigate the crime scene.
And here I am. Frozen still. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Tila may bagay na pumipigil sa akin na maihakbang ito. Bakit ganito? Parang pakiramdam ko na malayong-malayo si Loki sa kinatatayuan ko.
He looks like a beacon somewhere far in the middle of the darkness yet I couldn't reach it. I can feel my muscles tensed. Biglang naging kakaiba ang pakiramdam ko.
Masyado na bang matagal kaming hindi nagkita para maging ganito ako sa kaniya? We even stayed inside a one apartment unit. Back at those times, we're not into social interaction. Is that the reason why I'm feeling this?
Dahil ba sa pagiging seryoso niya sa mga bagay ay nagmukha na ba siyang manhid na tao? No. Bakit ba ako nag-iisip ng ganito? Hindi naman yata ganon ang tumatakbo sa isip niya. Baka gusto rin naman niyang makipagkiwentuhan kaso ayaw lang niya dahil sinasabi ng isip niya na isang pagsasayang lang ng oras ang mga nonsense na usapan?
Or maybe it's all because I missed him?
Nakatayo lang ako sa tabi ng tindahan ni ate. Nakatingin lang ang mga mata ko sa kung ano ang ginagawa ni Loki. Parang may spotlight sa kinapaparoonan niya. Para siyang isang ispesyal na tao na bumisita sa isang malaking handaan.
Ang pagtingin niya sa mga ebidensiyang naiwan sa crime scene, ang mga mata niya na noo'y walang buhay ngunit puno ng interes sa nangyayari sa bawat pag-iimbestiga niya, he is fascinated to the world of crime and justice.
I hate to admit this pero para siyang anghel na nakasuot lang ng isang simpleng kasuotan. Naaalala ko kung paano niya solusyunan at pag-isipan ang mga bagay-bagay. Parang may gumagabay sa kaniya na ganito ang dapat niyang gawin.
In a moment, my mind was clouded by emotions.
Malapit lang kami sa isang crime scene kung saan ay may babaeng pinatay ng mga riding in tandem. I should be serious about this case. Everything should be put into proper place and right now, emotions about the past should be set aside and I should be having to do my work here.
I'm here to document what happened. I'm going to write about this killing. The way this woman was killed, she needs to be given the justice she'd needed. Her life has swept away in an instant. Her path has ended right here.
On the cold concrete floor, lay the lifeless body of this woman. On that very spot, her future disappeared.
More minutes had passed and they were finished gathering some evidence from the crime scene. Karamihan sa mga pulis na naunang dumating ay nagsisimula na ring magsibalikan sa kani-kanilang police mobil.
May dumating na ring sasakyan galing sa isang funeral service upang kunin ang bangkay ng babae. Ang tanging naiwan sa crime scene ay isang guhit ng chalk na sumusunod sa porma ng bangkay at pati na rin ang namuong dugo sa bandang ulunan nito.
Then I saw Loki walking back to their own police mobil along with the young lad. Naiwan pang nakikipag-usap yung kasama nilang pulis sa iba pang mga pulis na tila nagpapalitan sila ng mga nakalap nilang impormasyon.
Pasakay na sana si Loki sa loob ng kotse nang bigla ko na lang naisigaw ang pangalan niya...
"Loki!"
And suddenly, he stopped moving as if he heard something so important. Dahan-dahan siyang napalingon sa kinatatayuan ko. Nagkatagpo ang aming mga mata. At sa tagpong iyon, tila nakita ko sa kaniya ang malaking pagbabago...
Nagsimula akong maglakad palapit sa kaniya.
"Lorelei?" tanong niya, may bakas ng pagkagulat sa kaniyang boses.
Ngumiti ako. "Yes. Ako nga. Ngayon lang tayo ulit nagkita." tumingin ako mula sa kaniyang ulo hanggang sa kaniyang paa, mas lalo pang lumaki ang ngiti sa labi ko. "You've changed a lot."
Tumingin si Loki sa isang poste ng ilaw malapit sa amin.
"Time flows. It's inevitable. We're going to grow older."
"You have a stubble. Your biceps has its own built up. Sa wakas, isa ka ng ganap na lalaki."
He looks at me as if I told him something insulting.
"What do you mean? Am I not a man when we're younger?"
Natawa ako, "I mean. You became a man finally. Kaya mo ng tumayo bilang isang ama. May trabaho. Malakas. Marami pang puwedeng gawin. You have every opportunities ahead of you."
May sasabihin pa sana si Loki nang biglang bumukas ang bintana sa tabi niya. Sumilip mula sa loob ang kasama ni Loki na medyo bata-bata pa ng kaunti sa kaniya.
"Ikaw ba si Ms. Lorelei Rios?" tanong niya sa akin.
I nod to him. A smile flashed on his face instantly. There's a hint of teasing on it as he look to Loki's now astounded reaction.
"Wow! Tama nga ang lahat ng ikinukuwento ni Mr. Mendez sa akin tungkol sa-" Loki disrupted the young lad's words as he cover the young man's mouth by his hand.
"Close the window now or I'll punish you by not paying attention to whatever you do." sabi ni Loki sa kaniya at agad naman nitong isinara ang pinto ngunit nag-iwan pa rin ng maliit na siwang habang nakasilip sa amin.
Habang ginagawa iyon ni Loki, medyo nahiya ako sa narinig ko. Ikinukuwento ako ni Loki sa kasama niya? Ano kayang mga ikinukuwento niya tungkol sa akin? Based on Loki's personality, baka sinasabi niya sa kasama niya ang mga embarrassing moments na nangyari sa amin.
Matapos pagsabihan ni Loki yung kasama niya, humarap na ulit siya sa akin. Seryoso na ang kaniyang itsura. Medyo kakaiba ang intimidation niya dahil sa mga pagbabago sa itsura niya.
"So what are you doing here Lorelei? Sa tingin ko hindi coincidence na nandito ka sa crime scene ng walang dahilan."
"Well, kung hindi mo maitatanong. Isa na akong journalist. Sa totoo nga niyan, malapit lang dito ang workplace ko at tsaka kaya ako nandito dahil yung babaeng napatay dito ay yung nang-snatch ng cellphone ng isa sa mga katrabaho ko."
He looks surprised.
"You're a journalist?"
"Yup."
"So there's a possibility that you will write an article about this case?" he looks worried.
"O-oo. Bakit? Parang nagulat ka?" tanong ko sa kaniya.
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. Kakaiba sa pakiramdam ang mahawakan ng kaniyang dalawang kamay. Hindi na ito ang dating kamay na lagi kong nakikita noon. Malaki at medyo magaspang na ito dulot yata ng mga ginagawa niya sa trabaho niya ngayon.
"I must warn you." he said, dead serious.
"Wait Loki," I put off his hands away from me. "Anong meron? Bakit parang kabado ka?"
Tumingin siya sa crime scene na inaasikaso na ng iba pang pulis .
"Yung babaeng pinatay dito. Napatay siya ng isang riding in tandem. At base sa mga sunod-sunod na kasong iniimbestigahan namin... Konektado ang lahat ng ito sa kumakalat na tsismis tungkol sa isang sindikato na tinatawag nilang 'Ghoul Organization'."
"Tsismis. I see."
Bigla ko tuloy naalala ang kakatapos ko lang na article kanina. Tungkol iyon sa Ghoul Organization na sinasabi naman ni Loki na isang tsismis lang. Napaisip tuloy ako na baka tama si Loki na baka tsismis nga lang ito o baka totoo nga sila.
At isa pa, base sa mga sinabi niya, alam kong nag-aalala siya sa akin. It's reasonable for how dangerous my life really is. Ang bansa natin ay isa sa pinakadelikadong bansa para sa mga journalist na tulad ko. Maraming gustong iexpose ang katotohanan pero may laging handa upang patahimikin sila 'permanently'.
"Base sa reaksiyon mo masasabi kong itutuloy mo pa rin ang gusto mong mangyari."
Napatingin ako sa mga mata niya. "It's still a murder case Loki. Why don't we solve this one?"
"Lorelei..." he sounds a bit reluctant. "This is not the same as before. We're dealing with something much bigger than Moriarty's organization. This is our country problem."
"I know. Pero puwede naman nating subukan? Kung nagawa mo ang mga bagay noon para ma-unveil kung sino si Moriarty, sigurado akong makakaya mo pa rin ang mga kaso tulad nito."
"What do you mean? Tulad ng QED Club? Lorelei, it's done already. Wala na ang dating QED Club. Maraming nagbagong mga bagay at hindi iyon madaling maibabalik lalo na sa tinagal ng panahong lumipas. Wake up, we're not a highschool detectives anymore. We're living outside of the box now." hindi ko alam kung ano bang isasagot ko sa kaniya. Hindi ko nga inasahan na iyon ang magiging sagot niya.
Para sa kaniya, tapos na ang QED Club.
"Why don't you think over it. You're acting like it's all just a dream. Just a false memory your mind has created. Ikaw ang dapat gumising sa katotohanan. May nangyayaring mga ganitong bagay sa paligid pero hindi mo ito binibigyang-pansin. Why don't you give it a try? Why don't you try digging the truth kung totoo ang Ghoul Organization? Tulad ng dati, yung paghahanap mo kay Moriarty. Why don't you be like that again?" I wish he will say something hopeful for my part as a reply. I really needed him. Mukhang hindi lang isang coincidence ang muli naming pagkikita.
"Because what is happening right now don't have any connection to Moriarty." he answered as if we're talking casually. Mukhang seryoso siya na sa mga sinasabi niya sa akin ngayon. Nakaramdam tuloy ako ng para bang naiibang tao si Loki, na parang siya yung Loki na una kong nakita na walang pakialam sa mundo bukod sa pagiging obsessed niya sa paghahanap kay Moriarty.
Gusto kong makita ulit yung Loki na hindi ko magawang kausapin dahil ayoko siyang kausapin, yung Loki na malakas ang mystery effect pero alam mo naman na marunong magpahalaga sa mga tao sa paligid niya, at higit sa lahat ay ang Loki na nakilala ko bilang isang magaling at strategic club president. Habang tumatagal ang pagsasama namin noon, mas lalo akong nagiging panatag na magiging malapit ang ugnayan namin sa isa't-isa.
But as he answer my questions, unti-unti ko na ring napapansin na nabago na ng panahon ang perspective niya. Tama siya, we're not the famed highschool detectives way back then anymore. We're on our different ways.
"Is that it? Because it's not connected to Moriarty anymore?"
"You don't understand Lorelei. Whatever we do, we will always see the false thing. Moriarty is a proven manipulator but whoever this criminal mastermind is much worst. Isang bansa ang nasa kamay niya. Bawat sulok nandiyan ang mga tauhan niya. And his generals. May matataas silang rank sa propesyon nila. That's why you need to beware of them. They're not Moriarty's deeds anymore."
"I see. So hindi ka against sa idea na bumuo ulit ng panibagong QED Club?" tanong ko sa kaniya. Kaya pala siya ganito kung sumagot dahil nag-iingat siya. Tama nga naman siya, isang malaking sindikato ang nasa likod ng mga nangyayaring krimen sa ngayon. At hindi tulad noon, mas matataas ang ranggo ng mga generals ng mastermind ng organization nila.
"Let me think about it. Sorry Lorelei but I need to go now. Aasikasuhin pa namin ang mga nakalap naming impormasyon sa nangyari." sabi ni Loki, nakatingin siya doon sa kasama niya na isang inspector na papalapit na sa aming direksiyon.
Because it looks so urgent, agad kong kinuha ang wallet ko at may hinugot akong isang calling card mula roon. Ibinigay ko yung calling card kay Loki at tinanggap niya naman ito kahit may bakas ng pagtataka sa mukha niya.
"That's my calling card. Tawagan mo ako kung kailan mo gustong pag-usapan ang bagay na 'to."
"Ok. Mag-ingat ka." he said as he slid inside their police mobil.
Nakalapit na yung inspector na kasama niya at nginitian niya ako.
"Mukhang kilala ka ni Loki. Ang pangalan ko ay Inspector Thomas Cordova. I'm his mentor." nakipagkamay siya sa akin. "I'm glad I met you. But we are in a hurry. I hope we see you again."
Pumasok na siya sa kotse nila at narinig ko ang mga bulungan nila. Sunod naman ang pagtunog ng kanilang makina at saka ito agad na umandar palayo.
"Bye Miss. Rios!" bumukas pa ang bintana sa hulihan nito at nakita ko ang binatang kasama ni Loki na kumakaway pa sa akin. I waved back to him.
However, Loki didn't glance back to me. Kahit papaano, siya pa rin talaga ang nakasanayan kong Louis Kingsley Mendez.
~~~
In the end, bumalik ako sa office ko. Nagulat nga ako dahil naabutan ko pa rin sina Portia at Satyr na naghihintay lang sa workplace namin. Mukhang maayos na rin naman ang lagay ni Portia sa tingin ko.
"Anong nangyari?" unang tanong na bumungad sa akin nang makaupo na ako sa swivel chair ko. I sighed as I look to the window, madilim na talaga sa labas lalo na at ginagabi na kami.
Tumingin ako kay Portia na kasalukuyang nagliligpit na ng mga gamit niya. "Isa na namang kaso na konektado sa mga riding intandem."
"So konektado rin to sa Ghoul Organization?" tanong ulit sa akin ni Portia.
"Isa lang naman yatang tsismis yung tungkol sa Ghoul Organization." komento ni Satyr.
"Wala pa akong masasabi tungkol sa kanila pero ito lang ang masasabi ko. Hindi isang biro ang mga nangyayaring patayan. At pisibleng meron nga talagang mga tao sa likod nito."
"Bakit naman? To be honest, baka mga normal na kaso ng revenge yung nga nangyayari. Like away sa mga nakarelasyon nila, o kaya naman may mga nakaaway sila." sabi pa ni Satyr.
"I met Loki back there." sabi ko.
Nanlaki ang mga mata ni Portia sa narinig.
"Si Louis Kingsley Mendez?! For real? Ank ba yan. Dapat pala sumama ako." may bakas ng panghihinayang sa reaksiyon ni Portia. Masyado ko yatang naipamukhang 'hero' si Loki sa kaniya paea ganito siya kung mag-react kapag nababanggit ko ang pangalan ni Loki.
Tumawa naman si Satyr dahil sa sinabi nito, "Kasalanan mo rin yan Portia. Kung hindi ka sana naging shocked sa nangyari kanina edi nakasama tayo." then his attention turns to me, "So anong sinabi niya sa iyo?"
"Sabi niya, may posibilidad na konektado ito sa Ghoul Organization. He even warned me not to write an article about them for the sake of my safety." sagot ko. Naalala ko tuloy ang mga nangyari sa amin ni Loki kanina. Realization hits me, nag-aalala si Loki sa akin.
"Kilala kita Lorelei. Despite of every warnings you hear, you are still too stubborn to continue doing what you had started. I'm sure itutuloy mo pa rin ang pagsusulat tungkol sa kanila right?" sabi sa akin nj Portia. Nakasukbit na sa kanang kamay niya ang bag niya.
Natatawa naman ako sa sarili ko. Ganoon ba talaga ako ka-predictable? But she's right. I'm too stubborn.
"Sa tingin ko itutuloy ko pa rin ang pagsusulat ng article tungkol sa kanila. At isa pa, nasimulan ko na ang pagsusulat sa kanila."
Walang umangal sa kanila. Kilala na nila ako. Kung ano ang nasimulan ko, tatapusin ko.
"Ok, aside from that. Ano pang napag-usapan ninyo ni Loki?" tanong ni Satyr sa akin.
"Don't tell me susulatan ml kami ng article ha?" natatawa kong sagot sa kaniya. Simpleng ngiti lang ang ipinakita niya. "Anyway, ayun. Sinabihan ko siya kung puwede kaming gumawa ng club ulig para imbestigahan naman ang Ghoul Organization."
"Cool! A new club? Puwede bang sumali?" tanong ni Portia.
"I don't know. May kutob ako na hindi rin siya papayag sa offer ko. Dahil base sa mga sinabi niya, magiging lubhang delikado para sa amin kung itutuloy namin yun. And maybe he's right. Lighting the thread to Ghoul Organization is a dangerous idea..." I said.
But deep inside me, I want to feel the thrill again. I'm started to get bored. I need the person whose a magnet of trouble. I wamt to solve cases again.
Tulad ng dati, I want to unveil the mask of the criminal mastermind behind the corrupted doings which has surrounded us.
Like Loki's hunger to catch Moriarty, I feel the hunger to expose the criminal industry...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro