Chapter 10 'Primadonna'
JAMIE
Kaliwa't-kanang mga flash ng camera ang sumalubong sa akin pagkalabas ko ng rehearsal venue. Most of my fans are waiting for me outside. Most of them are holding huge tarpaulins of their message for me, while the rest are shouting their sincere thoughts to me.
I waved my hand at them and it added another loud wave of shouts and screams all around the venue. Ang daming humahanga sa akin bilang Rhiannon Mendez.
Ang daming nagkagusto sa katauhang ipinapakita ko sa camera. The picture of almost perfect beauty along with my charming smile. I almost had the chance to grab the international attention that other artists couldn't achieve easily.
Pero nananatili pa rin akong nakatapak sa lupa. Dahil kahit gaano man karami ang mga manunuod ng aking palabas, kahit gaano kadaming fans ang nagsisigawan sa aking harapan, at kahit gaano pa karaming mga mensahe ang natatanggap ko sa social media accounts ko... wala pa rin akong nakikitang pag-asang makuha ang attention niya.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. He rejected me not just once, not just twice, but every time na aamin ako sa kaniyang gusto ko siya.
I really hate how Loki's heart turns harder than before. Mula nang maghiwalay ang aming mga landas, I kept him under my surveillance. Sinusubaybayan ko ang lahat ng ikinikilos ni Loki.
At sa bawat taong lumilipas, I never found him thinking about me. Mahirap man tanggapin, si Lorelei pa rin ang gusto niyang makasama.
Ano ba naman ako para sa kaniya? I'm just a tool for his club before. My photographic memory helped him catch Moriarty. But after that? After everything that had happened?
Anong nangyari?
We just had our own different pathways. Kahit si Lorelei, napunta na rin sa gusto niyang puntahan. While me? Heto, I did my shot to achieve my dream as an actress.
I had numerous projects after my successful audition in a primetime show. May talent manager na nakadiskubre sa akin at ang manager na iyon ang siyang may hawak sa mga 'stars' ng showbiz industry.
He asked me to become one of his talents. Grabbing the opportunity, agad niya akong binigyan ng atensiyon. Hanggang sa sunod-sunod ang dating ng mga projects para sa akin.
Considering how I acted well with my television projects, I did a great job to become an instant superstar.
Pero bago pa nangyari iyon, I undergone a detailed interview about my whole past. Tinanong ng manager ko kung sino ang mga mahahalagang tao sa buhay ko, kung ano ang mga pangarap ko sa buhay, at kung sino nga ba ako para maging isang artista.
I answered every question as sincere as I can.
Hanggang sa dumating kami sa puntong nag-iisip na siya ng screen name para sa akin. I told him I don't want to change my screen name but he insisted to change it because of my past.
Whatever his reason is, he never said it to me.
Pero mabuti na lang at binigyan niya ako ng chance na makapag-isip ng sarili kong screen name. Then Loki popped up inside my mind, I remembered the girl he was enamored before.
Rhiannon...
I told my manager that Rhiannon sounds fine for me. He didn't disagree. Sumunod naman ang pag-iisip ng apelyido ngunit hindi na ako nahirapan pang bigyan siya ng kasagutan tungkol dito.
I immediately told him Loki's surname and my manager agreed immediately.
Right at that moment, Rhiannon Mendez, the aspiring primadonna, has been born.
"I love you Rhiannon!" I heard lots of chanting from my fans saying the same thing over and over again.
Given the time of my appearance, mamaya pa talaga ang show na sisiputin ko. I just went to the location for a rehearsal. Kakanta kasi ako sa introduction ng show kaya minabuti ko nang alamin ang lahat ng gagawin ko.
The spots where I would stand, the path where I should go, and every other cues that I should remember when the show starts rolling on live television.
Patungo na ako ngayon sa sasakyan kung saan ako nagpapahinga bago ang mga kailangang gawin sa location. I had bodyguards around me that's why I came safely in my safe haven.
Kasama kong pumasok sa sasakyan ang assistant kong si Danielle. She's the one assessing my clothes and needs whenever we have something to do.
Sa ngayon ay abala siya sa pagtanggap ng mga regalo para sa akin mula sa labas pero nang makapasok kaming dalawa ay isa-isa naman niya itong inayos sa isang tabi.
"Ang dami ni'yo ho talagang fans miss Rhea," sambit ni Danielle sa akin habang nakatanglaw siya sa labas ng bintana.
I just nodded. "Well, I think I deserve the attention. Mahirap umarte kung wala kang talent, mahirap ipilit ang bagay na hindi para sa'yo." I smiled at her.
Tumango-tango si Danielle. "Hangang-hanga nga po ako sa pag-arte ninyo, hindi na ako magugulat kung maika-cast ka sa mga international films."
My eyes twinkled from what she had said. "That's one of my dream, but I'm not ready to achieve something like that yet."
"Ba't naman ho?"
Tumingin ako sa aking mga kuko na bagong linis. "Because there are some dreams that you can't just achieve easily. Besides, I'm getting what I wanted at the moment. There's no need for me to become greedy of more projects. Kaikangan ko ring magpahinga," napahawak ako sa aking mga pisngi. "I don't want to look weary on cam. Masyadong haggard kapag pinapanuod na ako sa TV."
Magsasalita na sana si Danielle nang makatanggap ako ng tawag. I fished my phone out of my purse and I saw my associate's name registered on the screen.
Brandon.
"Danielle, can you give me a moment? Importanteng tawag lang." I asked my assistant politely.
Tumango si Danielle, alam niyang importante itong tawag ko kaya hindi na siya nagtatanong pa kung sino ang kakausapin ko. Besides, it's not her business to ask about my personal calls.
Agad na lumabas si Danielle at naiwan ako sa loob ng sasakyan. Nang masiguro kong wala nang makakarinig sa usapan namin ni Brandon, I immediately answered his call.
"How's Loki, Brandon?" I asked him.
"Maayos naman si Mr. Mendez," aniya.
"Then why are you calling me? May nangyari ba?" I asked him again. Commonly kasi, ako ang tumatawag sa kaniya para alamin ang kalagayan ni Loki.
"May nangyari kagabi, nagkaroon ng barilan sa starbucks malapit sa area kung nasaan kami. Sigurado akong magugulat ka kapag nalaman mo kung sino yung nakita ni Mr. Mendez," his voice started to sound excited.
"Sino?"
"Si miss Lorelei! Grabe, ang ganda pala ni miss Rios sa personal—"
"What happened to her? Don't tell me si Lorelei ang nabaril?"
"Hindi hindi, it's not what happened. Pero base sa imbestigasyon ng mga pulis, si miss Rios ang main target ng riding in tandem na umatake sa starbucks kagabi."
Napatakip ako ng bibig sa gulat. "Ba-bakit naman nahantong sa gano'ng sitwasyon si Lorelei?"
"Posibleng konektado to sa kaso ng Ghoul Syndicate. Lorelei is writing an article about them."
"That woman, hindi talaga siya natatakot sa peligro. Kamusta na si Lorelei?"
"Kasalukuyan siyang nasa bahay ni Mr. Mendez. She's in good condition."
Nakahinga naman ako ng maluwag sa aking narinig. "Ba't ngayon mo lang sinabi to?"
"I'm investigating the case kasama si inspector cordova. I also need to do my job."
I sighed, tama nga naman siya. "Okay, salamat sa impormasyon."
"Pupuntahan mo ba sila?"
"Hi-hindi siyempre... Hindi pa ko handa. I can't face them yet..." naramdaman ko ang pamumula ng aking mga pisngi. I really can't face my old friends that easily.
"Si-sige, kung yan ang desisyon mo."
"Ok, salamat." I ended the call as fast as possible.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa aking nalaman. Nagkita na sina Loki at Lorelei. Matapos ang sampung taon, nagkaroon na silang muli ng koneksiyon.
Agad na nasundan ng sumunod pang ring ang cellphone ko. I thought Brandon was calling me again but it came from my manager.
"Hello po," I greeted my manager as I accepted the call.
"Jamie, you have a new appointment to consider. I'll send an email for you to think if you'll accept the invitation or not," sabi ng manager ko at base sa kaniyang pananalita ay nasa loob siya ng kaniyang sasakyan, he must be tired at this moment.
"Okay po, salamat." I smiled even he can't see my face.
"Sige, mag-ingat kayo diyan. It's not really safe to go outside alone, lalo na at may pangalan ka." He gave me some advice.
"Okay po, salamat po ulit Sir."
"Sige," then the call had ended.
I immediately checked my email inbox and I found something from my manager. Binasa ko ang mensahe na patungkol sa akin at nagulat ako sa aking nabasa.
It was an invitation from a famous company here for a partnership ceremony with Alistair's company.
This is not happening... we're gonna see each other again. I'll gonna see another familiar face, another piece of my life.
Am I going to see the club again?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro