2 - LORELEI
Lorelei
"Done!" sigaw ko matapos kong maitipa sa keyboard ang article na kinakailangan kong i-submit sa publisher mamayang gabi. Iyon kasi ang magiging article ko sa column ko sa diyaryo kinabukasan. Hiwalay pa roon ang para sa news sharing site na mas maraming makababasang readers online.
Nagulat naman ang iba ko pang katrabaho sa nagawa kong pagsigaw. Mukhang hindi pa sila sanay sa ganitong pagkilos ko. Hindi naman kasi ako napapasigaw sa tuwing nakakatapos ako ng article.
Pero iba kasi ang article na ginagawa ko kanina lang. Tungkol ito sa isang bagay na ako lang ang nagmatapang na magsulat tungkol dito. Nagsulat lang naman kasi ako ng artikulo tungkol sa mga napapatay na mga drug addicts recently.
It's not just about extrajudicial killings but the people I mentioned is all connected about the infamous Ghoul Organization. Isang organisasyon na hindi malaman-laman ng mga awtoridad kung sino ang nasa ulo nito at ganito na lang kalaki ang mga casualties na idinudulot ng mga ito.
But I did write an article about them. The feeling of finishing it made me feel erratic to the point that it matches the feeling of having an orgasm.
Pakiramdam ko na sa isinulat kong exposé, may kapangyarihan akong taglay. Not exaggerating too much, but I was really hyped.
No. Maybe it's just the effect of the coffee that I drank last time. Sabi ko na nga ba at hindi talaga ako puwedeng magkape bago matapos ang isinusulat ko. Nagkakape lang naman kasi ako pag natapos ko na ang isinusulat kong article. And yet, Portia gave me two cups of black coffee recently.
"You're acting like that again Lori. Nakainom ka na naman yata ng kape bago magsulat?" tanong sa akin ni Satyr. Isang half Indian at half Filipino na katrabaho ko. His expertise is writing about entertainment controversy, he barely touches the gossips but his main focus is on the serious matters of the showbiz industry.
"Yes, binigyan kasi ako ni Portia ng dalawang tasa ng kape kanina. Yung isa, paper cup pa ang lalagyan." natawa ako.
Umiling-iling si Satyr, "Sabi ko na nga ba si Portia na naman ang may sala. Speaking of Portia, nasaan yung babaeng yun?"
"Oo nga. Nasaan na kaya siya? Natapos ko na ang article ko ni hindi ko man lang siya naramdamang mangulit man lang," sabi ko habang inililibot ng tingin ang buong office naming mga journalist sa team A.
"Weird. May tatapusin din yung article para sa deadline niya e. Ang alam ko hindi niya pa nasisimulan yun," ang sabi pa sa akin ni Satyr. Binuksan niya ang ibabang drawer ng lamesa niya at kinuha niya sa loob nun ang isang reading glasses.
"Tawagan ko na kaya?" I instinctively reached over my phone.
I started to feel like something wrong is about to happen, and I know once I feel something like this, this is really serious and I need to trust my instinct.
"Mabuti pa. Lagot siya pag di niya natapos ang article niya," ang sabi pa ni Satyr habang isinusuot ang reading glasses niya.
Agad ko namang dinial ang cellphone number ni Portia. Ilang ring ang narinig ko sa kabilang linya. Matapos ang panlimang ring ay may sumagot na rin sa kabilang linya sa wakas.
"Hello?" tanong ng taong nasa kabilang linya.
"Portia?"
"Hindi ako si Portia. Pero baka siya yung babaeng natagpuang patay dito sa Pendleton Street. Pasensiya na pero pulot ko lang ang cellphone na 'to malapit sa crime scene-"
Nabitawan ko ang cellphone ko. Biglang may tumulong luha sa mga mata ko. Napansin ni Satyr ang pagluha ko at agad niya akong tinapik sa kamay.
"Uy. May nangyari ba? Bakit umiiyak ka?"
"Satyr... Portia's dead." I tried to stop the tears, but I just can't.
Nanlaking bigla ang mga mata niya sa narinig.
"What? Seryoso ka ba? Baka naman nagpunta lang siya sa Starbucks? O kaya baka nagwindow-shopping siya, please tell me you're joking. Right?"
Hindi ako nakasagot. Umiling-iling na lang ako.
"This is crazy. Don't tell me you're really telling me the truth?"
"I'm not joking if it's all about murder. Yung nakausap ko sa kabilang linya, ang sabi niya, napulot niya ang cellphone ni Portia malapit sa isang crime scene sa may Pendleton Street."
Agad na tumayo si Satyr. "Tignan natin."
Agad akong tumayo at sabay kaming nagpunta sa labas ng office namin. Pagkalabas namin ng office, nakita namin ang iba pa naming katrabaho na nagsusulat pa rin ng kani-kanilang articles. Dahil mukha silang busy, hindi na namin sila inabala at dali-dali na naming nilisan ang main building.
Gabi na rin kaya mga poste ng mga ilaw na lang ang nagsisilbing liwanag sa mga kalyeng nalalakaran namin. Makulimlim kasi ang kalangitan kaya hindi rin masisinagan ng ilaw mula sa buwan ang paligid.
"Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi mo. Si Portia? Patay na? Kanina lang nasa office natin siya. Nakikipagkuwentuhan pa nga e, this is probably a kind of mistake," sabi ni Satyr. May kaunting pagmamadali sa paglalakad niya.
"Pasensiya na. Nakapokus kasi ako sa article ko kaya hindi ko namamalayan kung anong nangyayari sa paligid," bulong ko.
Lumiko kami sa isang kalye, isang shortcut papuntang Pendleton Street. Habang naglalakad kami, may nakita kaming isang babaeng nakaupo sa isang bench malapit sa isang lamppost habang may hawak na isang nebulizer.
"Wait. Si Portia ba yun?" tanong ko kay Satyr.
"May asthma si Portia. She must be that woman." Agad kaming tumakbo palapit sa babaeng iyon.
And to my surprise, she's really the Portia I've ever known. Hindi ko siya naiwasang yakapin nang ubod ng higpit. I just don't want to lose someone that is close to me ever again.
"Portia? Anong ginagawa mo rito?" tanong namin sa kaniya.
She looked to us with a surprise look in her eyes, "May nang-snatch ng cellphone ko. Isang babaeng naka-hoodie jacket. Hinabol ko siya kaso napakabilis niya. Kaso wala... Inatake na ako ng asthma ko kaya... nakaupo na lang ako rito kanina pa."
"Thanks God you're safe." I said. I felt a bit of relief and regret because there's another person who have died somewhere nearby.
Ligtas ang kaibigan ko pero yung nambiktima naman sa kaniya ay hindi nakaligtas. I need to see the crime scene. If it's a murder, I better need to write about it.
"Well, kaya ko naman ang sarili ko. At bakit nga pala kayo nandito? Ang alam ko nagsusulat pa rin kayo sa office a?" tanong sa amin ni Portia. She must be clueless on what has happened to her phone snatcher.
I sighed, "Napansin kasi namin ni Satyr kanina na wala ka sa office. Tapos sabi ni Satyr, may deadline ka ring kailangang tapusin kaya nagtaka kami kung bakit wala ka. And usually nagpapaalam ka sa amin kung aalis ka but this time you didn't."
Napangisi si Portia na medyo natatawa pa. Itinabi niya na rin ang nebulizer niya sa loob ng bulsa niya at huminga muna siya ng malalim.
"Ganon naman pala e. Thanks for the concern. Yung article ko? Tinapos ko na yung sa akin sa Starbucks. Dadalhan ko nga sana kayo ng kape kaso ayun nga, may biglang humablot ng cellphone ko tapos nagtatakbo yung snatcher. I run before her pero pasikot sikot yung dinaanan niyang lugar and I gave up once na nahirapan na akong huminga," pagpapaliwanag ni Portia sa aming dalawa ni Satyr.
Mukha ngang mahaba-habang habulan ang ginawa niya. Wala bang mga bystanders na sumubok man lang pigilan yung magnanakaw?
"There's another reason." I said bluntly.
"Ano yun?" tanong ni Portia, she really looks innocent to what had happened to her phone snatcher. Mabuti na lang talaga at hindi niya nasundan yung snatcher dahil baka napahamak din siya.
Medyo nagdadalawang-isip nga ako kung sasabihin ko pa sa kaniya yung nangyari. Baka kasi bigla siyang makonsensiya o kaya magalit sa nangyari. Lalo na at may asthma siya.
But truth must be told. So I'm telling it.
"Kung sino man ang babaeng humablot ng cellphone mo... natagpuan siyang patay sa Pendleton Street. Mga ilang blocks pa ang layo sa kinatatayuan natin ngayon."
Her eyes widened as she stood up. She put her hands on her mouth, covering it. "Seryoso kayo? Walang biro-biro?"
It's the time for Satyr to chime in. "Pinatawagan kita kay Lorelei pero ang sabi niya, ibang tao ang sumagot sa tawag niya."
"May lalaking nakapulot sa cellphone mo na nakita raw niyang nakakalat malapit sa crime scene. Ang sabi niya, baka ikaw raw yung babaeng iyon kaya kaagad kaming nagmadali na hanapin ka to be sure na kung ikaw nga ang babaeng iyon. But thankfully, you're fine. Grabeng kaba ang ibinigay mo sa amin," I explained to her.
She looks tearful after hearing my words. "Shocks... p-paano siya namatay?" tanong ni Portia.
"We are still not yet sure about that. Pupunta ako sa Pendleton street to see it firsthand. Gusto kong malaman ang nangyari," ang sabi ko.
Matapos ang ilang segundo, nakita kong medyo namumutla si Portia at parang nanginginig siya. Hinawakan ko siya sa balikat niya.
"Are you okay?"
"Oh my gosh. Nanginginig ang mga kamay ko..." medyo naluluha si Portia. That news really traumatized her.
I should be careful of telling her such kind of grave thing if something happens next time. She's too fragile.
I look over to Satyr and he understand what that look I just gave to him means. Agad niyang inakay sa kabilang balikat si Portia. He even put his jacket over her.
"You obviously don't look feeling well. Dadalhin kita sa clinic. Mukhang hindi kinakaya ng katawan mo ang traumatic news na iyon," ang sabi pa ni Satyr kay Portia.
Portia didn't resist. "Mukhang kailangan ko ngang pumunta sa clinic. Thanks, Satyr."
"Mauna na kayo. Pupunta muna ako sa Pendleton street," sabi ko nang magsimula na silang maglakad.
Tumingin si Satyr sa akin na may pag-aalala sa mukha niya. "Sigurado ka bang pupunta ka pa rin doon? Nakita na natin si Portia at ligtas na siya. Ipaubaya mo na lang kaya sa mga pulis ang nangyari?" dagdag pa niya.
I just smiled. I can see Alistair's figure on him. Gaya niya, Alistair is always concerned of my well-being.
"Well, I want to know kung anong nangyari. At isa pa, that is a good scoop for another article."
Napalingon si Portia sa akin. She's really pale right now.
"Mag-ingat ka Lorelei," she muttered with all of her force.
"Yes I will," pagtugon ko sa kaniya.
Then we parted ways.
~~~
Habang naglalakad ako, napapaisip ako kung ano bang mga posibilidad na nangyari doon sa babae. Paano ba siya namatay?
Naaalala ko tuloy ang mga kasong nasolusyunan na namin nina Loki. Those kinds of cases, like murders, coded messages, and blackmails. Nagawa naming matuldukan in an instant. We are not legends and superheroes, but we do tend to work with each other when solving them.
And the feeling of solving one is so good. Pakiramdam ko kasi na parang magagawa naming masolusyunan ang lahat ng kasong makaharap namin. Yung bagay na kapag kasama ko sila, walang imposibleng bagay na hindi namin mabibigyan ng eksplanasyon.
And now there's me. I walk on my own path just like them.
Ilang kanto na lang ang layo ko sa Pendleton street. Mula sa kinatatayuan ko, nakita ko na agad ang mga nag-uumpukang mga bystanders sa bukana ng Pendleton street. Karamihan sa kanila ay mga nag-uusyoso lang at wala naman talagang alam sa nangyari. Pero nakasisiguro ako na may iilan pa rin sa kanila na nakakita ng pangyayari.
I hope there's someone to talk about it. Kadalasan kasi kapag may mga ganitong kaso, natatakot ang mga prime witness para sa kaligtasan nila. Natatakot sila na kapag nagsalita sila, babalikan sila ng mga taong iyon. I understand their point but my only concern is to gain enough information to put a case closed.
Kapag walang nagsalita, walang mahuhuling mga salarin. Kapag walang nahuli, magpapatuloy lang sila ng magpapatuloy sa mga ginagawa nilang krimen. Bloodlust will never stop. They must tell what they know. They must try to help the force of the law.
Nakalapit na ako sa mga nagkumpulan na mga tao. Doon, nakita ng mismong dalawang mata ko ang isang babaeng nakadapa at nakahandusay sa sahig. There's a pool of blood on her head which means, whatever the thing was used to kill her must have hit her head point blank.
Lalapit pa sana ako para makita kong mabuti ang crime scene nang may marinig akong dalawang babaeng nag-uusap tungkol sa nangyari. They both witnessed what happened.
"Grabe mare, kitang-kita ko talaga yung pagbaril sa kaniya. Talagang tinutok sa likod ng ulo niya yung baril," sabi nung babaeng nagtitinda ng mga maruya at banana-que sa isang tabi.
"Mukhang pakay nga talaga siya ng mga riding in tandem na mga yun. Habulin ba naman siya hanggang dito?" sagot naman nung isa pang babae na kasalukuyang kumakain ng maruya.
Lumapit ako sa kanila. Para hindi ako magmukhang kahina-hinala, bumili muna ako ng isang banana-que. Tumayo lang ako malapit sa kanila at kunyari ay kumakain lang ako ng banana-que habang nakikiusyoso sa nangyari.
"Ale, ano pong nangyari doon sa babae?" tanong ko pa habang ngumunguya. Tumingin sa akin yung tindera, may excitement sa mukha niya. Mukhang gusto niya talagang magkuwento.
"May humahabol na riding in tandem diyan sa babaeng iyan. Takbo nga yan ng takbo tapos biglang tumigil dito sa street namin. Maya-maya may dalawang nakahelmet na lalaki na nakasakay sa motorsiklo yung tumigil malapit sa kaniya. Tapos yun, naglabas ng baril yung isa at tinutukan yung babae sa likod ng ulo at pinaputukan. Grabe nga eh, kawawa talaga," sabi nung tindera. Tumango na lang ako, sapat na yung impormasyong naibigay niya.
Pero bakit may napansin ako sa sinabi niya. Tumatakbo yung babae tapos biglang tumigil dito sa street na ito. Kung hinahabol siya ng mga nakamotor na mga lalaking iyon, dapat hindi siya titigil. O baka kaya tumigil yung babae dahil alam niyang hindi na siya hinahabol ni Portia?
Weird. There's something more in this case.
"Grabe, nakakatakot na talagang lumabas-labas ng bahay. Baka bigla ka na lang barilin ng mga dumadaan sa kalsada ano?" sabi pa nung kumakain ng maruya.
"Sinabi mo pa. Baka nga may sindikato sa likod ng mga nangyayaring patayan na 'to e." Dagdag naman nung tindera na kasalukuyan nang nagluluto ng paninda niya.
Then something caught my attention. May mga naririnig akong sirena ng mga pulis sa di-kalayuan. May mga police mobil na dumating na tumigil din malapit sa crime scene.
Isa-isang naglabasan yung mga pulis sa mga sasakyan nila. Then on the last police mobil, there's someone who caught my attention more. Pagkalabas niya pa lang ng police mobil, I know I knew him.
Kahit maraming nagbago sa physical features niya, alam kong siya pa rin ang taong iyon...
"Loki?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro