ANGELO V
Continuation. . .
"Hoo! Kakapagod," agad na reklamo ko sabay upo sa upuan sa kusina.
Dito na 'ko dumiretso sa kusina matapos ang buong araw na trabaho ko sa QQ Cosmetics. Nananakit na kasi yung mga paa ko dahil sa soot-soot na high heels.
"Kung bakit pa kasi required mag high heels," dagdag ko pa habang hinuhubad ang sapatos.
Napadaing naman ako sa paghubad ko ng sapatos dahil may konting sugat pala ako sa parehong likod ng paa. Nagkapaltos tuloy ako tapos sobrang hapdi at kumikitot pa. Kawawa ang lola niyo.
Ininda ko muna yung sakit at tinungo ang ref na nakapaa para kumuha ng tubig, nauuhaw kasi ako. Nasa kalagitnaan ako nang pag inom ng tubig nang biglang bumulaga si Angelo sa harapan ko. Nasamid tuloy ako.
Ba't ba kasi bigla-bigla nalang siyang sumulpot? Ni wala akong narinig na yabag pababa ng hagdan. Ku-mi-creepy na siya ha.
"Excuse me," saad ko sabay ubo. Ikaw kayang mabilaukan ng tubig, mas masakit pa kaya kaysa mabilaukan sa pagkain.
Mabilis pa sa kidlat na narating ni Angelo yung kinatatayuan ko at agad niyang hinagod ang aking likod. Bigla tuloy akong natuod. Kyaaaaah!
"Are you okay?" tanong niya habang patuloy sa paghagod sa likod ko.
Napatitig ako sa kanya at ganu'n naman siya. Humeyghad! Ang lapit-lapit namin, jusko! Ako lang ba o parang iba na yung hagod niya?
Biglang bumagal yung hagod niya sa likod ko pababa sa bewang at biglang hinapit niya ako. Wala akong nagawa dahil tila naestatwa ako sa kakatitig sa kanya.
"Hey! I'm asking if you're okay?" kuno't-noong tanong niya ulit.
"Ha-eh! Okay lang ako," agad naman akong kumalas sa kanya nang mapagtanto ko ang sitwasyon namin. OMG! Hinapit niya ako. Nagkasakit lang siya kagabi tapos ngayon nanghahapit na. Yung totoo, sinapian ba si Angelo?
"Okay," tipid niyang sagot.
Bumalik ako sa upuan para kuhanin sana yung sapatos ko at makaakyat na sa taas dahil medyo awkward na dito. Teh! Ikaw kayang hapitin nalang bigla ng crush mo, 'di ka kaya ma-o-awkwardan?
"Hey," biglang saad ni Angelo nang magsimula na akong humakbang paalis.
"Ene yen?" ay iba rin! Ang traydor talaga ng bibig ko, tila nag-pa-cute na sagot. Kadiri!
"Aakyat kang naka-paa?" tanong niya sabay titig sa paa ko. Ano 'to te? Concern sa'kin si Angelo? As in trulalo?
Pero teka! Ngayon ko lang yata narinig na nagtagalog siya. Aba! Marunong din pala, akala ko kinain na ng sistema ng pagiging call center agent.
"May paltos kasi ako tapos masakit. Mas lalong sasakit ito kung isusuot ko ulit itong sapatos ko." dahilan ko sa kanya. 'Yun naman talaga ang totoo.
"You won't go upstair barefooted," biglang nag-iba yung tono ng boses niya, parang nang uutos.
"Ha? Eh, alangan naman na--- Hoy! Teka! Ano 'yang ginagawa mo?" reklamo ko dahil bigla niya akong binuhat. Oo, as in bridal style na pagkabuhat. Waaaaah!
"Ano ba Angelo, ibaba mo 'ko!" piglas ko sa habang pilit kumakawala sa mga bisig niya.
"Stay still," mahina niyang saad sabay titig sa'kin. Natuod na naman ako dahil para akong nahihipnotismo sa mga titig niya.
Wala na 'kong nagawa kundi magpaubaya nalang sa ginagawa niya. Pero beeees! Ano ba itong nangyayari kay Angelo? Ba't bigla-biglang nag-iba yung mga kilos niya. Dati rati hindi naman niya ako pinapansin.
Nagsimula ng pumanhik si Angelo sa taas. At ito ako, feeling prinsesa ang peg. Kyaaaah! Ang swerte ko yata bes! Parang nag paid off lahat ng ginawa ko kay Angelo kagabi.
O baka naman return of favor lang ito dahil tinulungan ko siya kagabi? Sa isip-isip ko. Baka nga noh? Ay bahala na! Chance na this!
Nasa tapat na kami ng kwarto ko pero hindi parin niya ako binababa. Ano'ng plano niya?
"Ahm--- pwede mo na akong ibaba," mahina kong saad pero nakayuko ako. Hindi ko na yata kayang tumingin sa kanya.
"Open the door," utos niya.
"Ha? Eh, kaya ko naman na," katwiran ko.
Sa totoo lang nangangawit narin ako dahil hindi ako makagalaw masiyado. Paano nalang kaya siya? Sigurado rin akong nangangawit siya since buhat-buhat niya ako.
"I said open the door." Hala! Nairita yata ang lolo niyo.
Dali-dali ko namang hinanap yung susi sa loob ng bag ko. Kung kailan ako nagmamadali, saka ko naman hindi makita yung susi. Saan ko kaya yun nalagay?
Mga mahigit dalawang minuto na siguro akong naghahalungkat sa bag ko pero hindi ko parin makita yung susi. Tapos biglang may narinig akong yabag patungo dito sa taas. Naku! Si Kuya Tom yata ito. Baka ano pa isipin niya. Ho-ho. Send help!
"Aheeem. Hindi naman ako nasabihan na may bagong kasal para dito. Hekhek." Si Kuya Tom nga.
Ito na bang sinasabi ko. Gaaaaahd! Nakakahiya! Agad namang tinungo ni Kuya Tom yung kwarto niya na katabi ko lang. So, mas malapit na tuloy si Kuya sa'min, kaya mas nataranta ako.
"Teka, nasa palda ko yata?" bulong ko kay Angelo. Feeling ko kasi nasa palda ko yung susi. Ano ba naman 'yan.
"Ibaba mo muna ako," dagdag ko pa.
Bumuntong hininga si Angelo at binaba naman niya ako. Kinapa ko yung palda at nandoon nga yung susi. Agad ko namang in-unlock yung pinto.
"V, good luck." saad ni Kuya Tom. Hindi pa pala siya pumapasok. Waaah! Kuya naman eh!
Agad naman akong pumasok at sumunod din si Angelo. Teka, ba't siya sumunod?
"Tsh, good luck?" mahina niyang bulong sabay sarado ng pinto.
Ano daw? Good luck?
Hala! Bakit parang iba na yata ito?
"Angelo?" Hindi ko na alam ang sasabihin ko dahil titig na titig ito sa'kin.
Nang biglang sumilay ang kakaibang ngiti sa labi ni Angelo at otomatiko akong napalunok sa laway.
Send help! Kyaaaah!
To be continued. . .
A/N:
Hahaha. Waley! Alam kong waley talaga! Hoho. Patawad naman. Alam kong masiyadong mabilis yung mga pangyayari. Sorry na, intended for short story lang kasi ito. Pero don't worry may mga appearance pa naman sila V at Angelo sa mga ibang series. Diba nga, interconnected ang series. Hehe. Malapit ng matapos ang main story nila V. So, meaning malapit na rin yung climax part. Igagapang ko muna yung pagbuo ng whole scene.
Nagmamahal,
Otor na gagapang *send help* 🤦🏻♀️🙊
P.S. Walang update sched. Kung kailan lang talaga maisipan mag update or kung kailan gumana ng tuloy-tulog yung utak ko. 😆✌🏻
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro