Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

ANGELO IV

Continuation. . .

"Don't leave," mahina man pero sigurado naman ako sa narinig ko. Ano daw? Don't leave?

Kyaaaaah!

Biglang nanlamig ako habang hawak-hawak ni Angelo ang kamay ko. Napadako ako sa mata niya at nakita kong bahagyang nakabuka ito. Shocks! Gising siya? Ibig kong sabihin, may malay at nasa huwisyo siya habang hinubaran at pinunasan ko siya kanina?

Halaka! Anak ng palaka! Halos magwala na'ko sa isip-isip ko. Nakakahiya!

"Ah---ahm. . .ano, kukuha lang ako ng tu-tubig para mapainom ka ng ga-gamot," tila naipit yung dila ko dahil nagkandabulol-bulol na'ko.

Hindi siya sumagot pero tumango naman siya.  At kinuha ko bigla yung kamay ko sabay karipas nang takbo pababa sa kusina. The flash activated, bes!

Nang marating ko ang kusina ay agad akong kumuha ng isang basong tubig at nilagok ito nang isang inom lang.

"Ay kutchinta! Si Angelo nga pala dapat uminom nu'n," nang mapagtanto kong ako pala ang uminom ng tubig na para sa kanya.

Naku Victoria! Ano'ng nangyayari sa'yo? Ikaw yata ang may sakit at tila nagdidiliryo kana. Umayos ka talagang babae ka! Para na'kong gaga dito na pinapagalitan ng sariling konsensiya.

Nagsalin nalang ulit ako ng tubig sa baso at agad na bumalik sa taas.

Nasa may hallway na'ko sa taas sa mismong labas ng aking kwarto nang biglang napatigil ako. Medyo nakonsensiya ako sa panghahalay sa utak ko kanina kay Angelo. Sere nemen!

"Hays," buntong-hininga ko at nagpatuloy nalang ako papunta sa kwarto ni Angelo.

Pramis! Magpapakatino na'ko!

"Ahm---Angelo, inumin mo muna itong gamot." saad ko sabay abot sa kanya ng gamot at nung tubig. Ang kaso, tinitigan lang niya ako.

Ano'ng problema niya? May dumi ba'ko sa mukha? Hala!

"May problema ba?" nagtataka naman ako habang nakatingin sa malamya niyang mata, halatang nanghihina.

"Can you help me up?" paos na tugon niya. Halos bulong na nga ito pero narinig ko naman.

Hoooo! Akala ko pa naman kung anon'ng problema niya. Kaya naman pala hindi inabot yung gamot ay hindi siya makabangon.

Nag-aalangan pa'kong tulungan siya dahil nahihiya akong lumapit sa kanya pero alangan namang pairalin ko pa itong pagka-gaga ko? 'Wag lang sana akong magtulo laway nito, este, tulo pawis pala.

"Si-sige," lumapit ako sa kama niya para matulungan siyang makabangon.

Hinawakan ko ang braso niya habang nakaalalay naman yung isang kamay ko sa likurang bahagi ng ulo niya. Dahan-dahan ko siyang pinaupo.

Sobrang nakakailang! Dahil medyo mabigat siya, medyo nahirapan akong iangat siya. Jusme! Ang sobrang lapit namin tuloy. Ito na naman ako, parang kakapusin ng hininga. Send help! Tawagin ko kaya yung mga binatilyo sa baba?

Mas lalo tuloy akong hindi mapakali sa loob-loob ko dahil nararamdaman ko ang init ng katawan niya. Literal na init ha? Baka ano na naman isipin niyo.

"Thanks," bigla siyang nagsalita matapos ko siyang maiupo. Ang kaso hindi pa'ko nakakalayo sa kanya, kaya halos sa mukha ko na siya nagsalita.

OMG! Hindi parin talaga ako makapaniwala na kasama ko Angelo ngayon. Tapos ang lapit-lapit pa namin sa isa't isa. Hindi nga perpekto yung timing pero dream come true parin.

Kyaaaaah! Totoo talaga ito, hindi ito panaginip. Kasama ko talaga si Angelo.

"I'm okay now," pukaw-pansin ni Angelo sa'kin. Hindi ko pa pala siya nabibitawan.

Ano ba naman ito, lumilipad na naman yung utak ko. Kasalanan talaga ito ni Angelo, naloloka na yata ako.

"Ay sorry! Ito pala gamot mo at tubig, sige inumin mo na." Diretsang saad ko sa kanya at bumalik na'ko sa bangko.

Dahil sa hiya, napayuko nalang ako habang bumubulong para kutusan ang sarili ko.

"Are you saying something?" biglang saad niya. Napansin niya siguro ang pagka-aning ko.

"Ha? Wala! May naalala lang ako. Hindi pa pala ako nakakakain ng hapunan," mabilis konv palusot sa kanya. Ba't ang galing ko talagang magpalusot?

Pero teka! Tama naman ako eh! Hindi pa talaga ako nakakapaghapunan. Baka nga si Angelo rin hindi pa.

"Oo nga pala, nakakain kana ba? Teka pagluluto kita ng sopas. Pasensiya kana, nauna pa yung gamot kaysa pagkain. He he," suhestiyon ko sa kanya. Saka ko lang din naramdaman yung gutom ko.

"I'm fine. I just want to get rest," sagot niya.

"Sure ka? Baka mas lumala yang sakit mo dahil wala kang kain?" nag-aalala lang talaga ako sa kanya.

"You can go now," yun lang sagot niya.

Hays! Parang nabokya na naman ako. Pinapalayas na ako ni Angelo.

"O-okay. Sige, alis na'ko. Pagaling ka ha?" saad ko sa kanya sabay tayo na.

Dahan-dahan akong humakbang papalabas ng kwarto niya. Nanghihinayang ako syempre dahil mapuputol na naman yung tyansang magkasama kami.

Pero bago pa'ko makalabas ay bigla siyang nagsalita.

"Thank you, Victoria." mahina niyang saad.

Huwaaaaat?

Oh my gulay!

Alam ni Angelo ang pangalan ko?

At saka ako kumaripas ng takbo papunta sa kwarto ko.

Kyaaaaaah!

To be continued. . .

***

A/N: Pasensiyahan niyo na,  hindi ko alam paano magpakilig. Haha. Kaya short update lang muna dahil alam kong sabaw akong gumawa ng kilig moments, baka mabagot lang kayo. Teehee. Sa tingin niyo kailan magkaka-moment talaga sila Victoria at Angelo? Mwehee *taas-baba-yung-kilay*

Nagmamahal,
Otor na korni XD

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro