Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

(CHAPTER 9) 1.2.3

(Joo)

Abala kaming lahat saaming naka assign na gagawin. Yup sinabi ko na sa kanila ang gagawin ng bawat isa wala naman nag reklamo sa aking disisyon kaya nakapagumpisa kaagad kami.

Binigyan kami ng dalawang linggo para matapos ito. Kaylangan daw kasi matibay na matibay, balak kasi ihulog daw ito pamula Second floor hanggang sa Ground floor. So tatlong floor iyon kaya kaylang na matibay ang aming gawa.

"KUYA YUNG UPUAN KO SA KWARTO NAWAWALA ATA!" Biglang sigaw ng isang lalaki na kakababa lang ng hagdanan kaya halos lahat kami na na may ginagawa ay napatingin sa kanya kaya biglang lumaki ang aking mga mata, mas lalo itong lumaki ng mag tama ang aming mga mata.

Sh*t kuya? What the! siya? Bakit siya pa? At kuya niya si zack.

Ilang minuto ang aming tinginan at saka siya umiwas dahil ata nalaman na niya kung ano lang ang suot niya ngayon, napansin ko ang biglang pamumula ng kanyang pisngi ng makita niya ang kanyang suot.

Ang mga kaklase ko namang mga babae ay kinilig dahil sa kanilang nakita hahahaha.

At agad niyang hinanap ang kanyang kuya, si zack.

Bakit kasi sa diniraming tao ay siya pa yung naging kapatid niya.

Binalik ko nalang ang aking atention saaking ginagawa.

-----

(Luke)

SH*T LANG NAPAHIYA AKO KANINA!

Bakit hindi manlang sinabi ni kuya na magkakaron siya ng bisita at isa si joo sa mga bisita niya!? Tas ganito ako noong bumaba ako wow lang ha!

Ano bang suot ko? Naka short lang ako at wala pala akong pangitaas how great right!

Ng makita ko agad si kuya ay sinigawan ko siya.

"Kuya!" Kaya nagulat naman siya at napatingin kaagad saakin.

"O problema mo?! Buti naman at may balak ka pang bumangon sa higaan mo"

"Kuya! Bakit hindi mo sinabi!" Naiinis na sabi ko sa kanya.

"Ang alin?" Nagtatakang tanong niya saakin.

"Na magkakaron ka ng bisita at isa na duon si joo. Tignan mo nga ako. Naka short lang ako and wala akong pangitaas" Pagrereklamo ko sa kanya.

"Aba hindi ko problema yan. Hindi kanaman kasi nag tatanong saakin kung magkakaroon ba ako ng bisita diba" Abat binabaliktad ba niya! Ang galing eh.

"Ayaw mo noon nakita ni joo kung gaano ka..." Naputol ang sasabihin niya at tumingin siya saaking katawan.

"Oo na nangaasar ka lang naman eh. Edi ikaw na yung may six pack diyan sa tiyan po. Bwisit!" Sigaw ko sa kanya at saka ako umakyat sa taas. Nakita nanaman nila ako syempre dumaan ako sa tapat nila eh, ang mga kaklase ni kuya pati na din si joo.

-----

(Zack)

Talaga ba siyang may gusto siya kay joo? Seryoso siya hahahaha.

Ngayon ko lang kasi siya nakita na ganon eh. Totoo, oo nag ka girlfriends siya many times but today the way how he act, ng makita niya si joo.

-----

(Joo)

Hay... Kapagod buti nalang kahit papaano ay may natapos din kami.

"Oh sige bukas ulit!" Sabi saamin ni mea.

Kaya nag si kanya, kanya na sila ng kanilang lakad yung iba naman ay pumara ng jeep at tricycle yung iba naman grupo grupo sa paglalakad. So ako ba? Paano ako. Mag jejeep nalang kaya ako.

"Oy! Joo, Hahatid ka nalang daw ng kapatid ko" Nagulat naman ako dahil sa sinabi ni zack saakin na nasa likod ko. Seryoso ba siya?

Napatingin naman ako sa paligid ko at may mga kaklase namin ang nakarinig noon, Kaya alam ko na may tumatakbo nang masama sa kanilang mga utak.

Syempre tumanggi ako dahil hindi parin naalis ang mga bubuyog na nasa tabi tabi lang, na nag aabang ng maipuputak sa ibang tao. Ang ibig sabihin noon ay may maidaldal sa ibang ka estudyante nila.

Thats how they do it.

Pumara kaagad ako ng jeep at saka sumakay.

I know na pagkakataon ko na yun para mapalapit siya saakin, but this is not the right day and a right time.

----

(Zack)

"I know na biglaan ito katulad ng nangyari kay zack" Sabi niya saamin at tumingin siya saakin.

Pinatawag kaming tatlo ngayon ni daddy sa kanyang office may mahalaga daw siyang sasabihin kaya kaylangan daw niyang makausap kaming tatlo ng harapan, kahit gabi na.

"Ano yun dad?" Tanong ni zane sa kanya.

"Kaylangan na ninyong lumipat zane and luke sa school ni zack" Sabi saamin ni dad kaya nagulat naman kaming tatlo. Hindi kaya...

"Why dad? My problema ba sa company?" Nagtatakang tanong ni luke.

"Ha? Wala, kaylangan ko lang pumunta sa america for 2 years kaya naisipan ko na mas magandang mag kakasama kayong magkakapatid sa i'isang school, pati nanduon ang kuya zack ninyo kaya wala akong iisiping problema sa inyo dahil alam ko na ligtas kayo kasi kasama ninyo ang kuya ninyo" Sabi saamin ni dad.

"Ah okay" Sabay nilang sabi kay dad. Seryoso?! Payag sila?

Hindi sa ayaw ko silang makasama, pero imposible naman na bigla bigla silang papayag sa gusto ni dad if may kapalit. So may kapalit?

"Wow good to know" Gulat na gulat na sabi ni dad sa dalawa, at napatingin siya saakin.

"Okay lang ba sayo yun?" Tanong niya saakin kaya tumango naman ako.

"Mabuti naman. So eto yung pera kumain kayo sa labas kung nagugutom kayo. Yun lang naman ang sasabihin ko kaya pwede na kayo umalis" Nakangiting sabi niya saamin kaya umalis na kami. Nasaakin yung perang ibinigay niya para pang kain namin.

"So bakit kayo pumayag?" Nagtatakang tanong ko sa kanila ng makasakay na kami sa kotsye.

"Pumayag saan?" Tanong saakin ni zane.

"Sa gusto ni dad" Sabi ko naman sa kanya.

"Ha? Bakit kuya ayaw mo kaming araw araw makita sa school mo? or ayaw mong may man-" Natigilan si zane sa pag sasalita dahil biglang umimik si luke.

"Ikaw bata ka manahimik ka na nga lang nag dridrive si kuya eh!" What's with him now.

Nginitian lang ako ni luke. Ang weird niya.

-----

(Joo)

"Uy anong meron sayo ng kapatid ni zack ha ayieee!" Pangaasar saakin ng iba kong mga kaklase i mean ka grupo.

"Ha?! Ano naman yang mga kalokohan ninyo! Hahahha i don't even know the person" Sabi ko sakanila.

"Alam ninyo tapusin nalang ninyo yang mga ginagawa ninyo" Pagiiba ko ng topic sa kanila.

"Excuse me meryenda muna daw kayo sabi ni kuya zack" Biglang nag pakita ang pinaka cute na kapatid ni zack si zane. Kanina kasi pinakilala niya sa amin ang mga kapatid niya.

Nag taka naman ako ng lumapit siya saakin at may binigay na isang basong puno ng ice cream.

"Eto oh ate joo, special yan bigay nila kuya" Nakangiting sabi niya saakin.

Nagsitinginan naman saamin ang mga ka grupo ko. Nako may umiikot nanaman sa utak nila.

Tatanggapin ko ba o hindi?

Eh paburito ko pa naman yung flavor. Tse bahala sila sa mga sasabihin nila basta ako may ice cream ako, kaya kinuha ko ito.

Napangiti naman ako dahil sa ang sarap ng lasa ng ice cream. Sh*t ang sarap ♡~♡

----

(Luke)

"Bakit nila kuya? Diba ang sabi ko sayo ako ang nag bigay" Naiinis na sabi ko kay zane.

"Oy kuya! si kuya zack ang bumili ng ice cream at hindi ikaw" Mataray na sabi niya saakin.

Abat etong batang to.

"Eh sino ba nag lagay sa baso niya ha?" Tanong ko naman sa kanya kaya napatahimik naman siya.

"Uy! uy! Nag aaway ba kayo?" Biglang singit naman ni kuya.

"Eto kasi si kuya-" Agad ko tinakpan ang bunganga ni zane, iingay pa eh!

"Hahaha wala kuya sige aakyat na kami sa taas" Sabi ko kay kuya at higit higit ko si zane papuntang taas.

-----

(Joo)

Nagising ako dahil sa isang lagabog na mukhang galing sa baba.

Wala naman mama ngayon pati si ate? Hindi kaya mag nanakaw? Hala sh*t baka nga.

Nakaramdam ako ng kaba at takot. Narinig ko ang sunod sunod na batok ng aking aso.

Tang*na mamatay na ba ako?

Agad ko kinuha ang aking cell phone na nasa tabi ng aking higaan agad kong tinawagan ang number ni mama pero wala pala akong load. Putek! Bat ngayon pa!

Anong gagawin ko ngayon.

Napatingin ako saaking pintuan dahil narinig ko ang mga yabag ng paa na nasa hagdanan.

Agad kong nilock ang pintuan ng aking kwarto.

Sh*t sh*t sh*t Anong gagawin ko!

Ilang ulit na akong paikot ikot sa loob ng kwarto ko at hindi mapakali.

Ng may biglang kumatok saaking pintuan kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot.

Ilang ulit itong kumatok ng kumatok na parang gusto nang sirain ang aking pintuan.

Palayo ako ng palayo sa aking pintuan. Hindi ko alam kung bakit, ng biglang may lumiwanag sa aking harapan. Hala sino siya ang lakas ng dating ang lakas ng datin- Ano ba yan joo may gana ka pa talagang kumanta no! nasa kalagit naan kana ng kamatayan mo! Seryosohin mo naman!

"JooE My loves♡3♡" What the seryoso ba ito? Ang mysteryosong tao na nasa likod ng liwanag ay si zack?! WHAT THE! Kadiri siya! Ano bang pinagsasabi niya?

"Manahimik ka nga!" Naiinis na sabi ko sa kanya pero mas lalo niya diniin yung salitang LOVE na kasama pa talaga yung pangalan ko no!

"BEBE NAMAN!" Pabebeng sabi niya saakin. Shock lang tama ba itong naririnig ko?! Si zack ba itong kaharap ko hindi ba siya nadidiri sa mga sinasabi niya i mean the way how he treat me this days.

Hahalikan sana niya ako ng makakuha naman ako ng isang bagay na malapit lang saakin na pang hampas sa kanyang mukha kaya yun sapul at nakatulog ata sa sahig. Wahahahha nakaganti din ako sa isang mayabang na katulad mo na hindi naman pogi wahahhaha wahahahha.

"JOOE GISING NA MALALATE KANA!"

"Wahahaha....Zzzz"

"Nako pong batang ito. Talagang hindi ka gigising buhusan kaya kita ng malamig na tubig ha!" Parang may bubuyog na bumubulong saaking tenga kaya tinaboy ko ito gamit ang aking kamay.

"Ginagalit mo talaga ako ha!" Ayan nanaman yung bubuyog kaya binugaw ko ulit ito ng biglang....

"WAHHHHH!!!" Isang malakas na sigaw ang umalingaw ngaw sa loob ng aking kwarto.

"ATE NAMAN ANG LAMIG EH!" Sigqw ko sa kanya.

"Paano na iyan ate basa na yung higaan ko!" Pagrereklamo ko sa kanya.

"Hindi ko yan problema, Problema mo na yan ayaw mong gumising edi buhusan ng malamig na tubig"

"Ate naman!"

"Wag mo akong artihan ha! Kung gumising ka sana edi sana hindi nabasa ang higaan mo, kaya lumabas kana at ibilad mo yang higaan mo at pumasok kana dahil late ka na!"

"Ha?! Late na ako!? Nako ate ikaw na mag bilad ng hi-" Naputol ang sasabihin ko dahil tumaas na ang dalawa niyang kilay kaya bumangon na ako at inayos ko na yung higaan ko para ibilad sa labas.

Ang ibig sabihin kasi pag naka taas na ang dalawa niyang kilay ay sasabog na siya o mag wawala na siya pag hindi ko pa ginawa ang ipinapautos niya saakin.

Hay.... Nako ang lala ng napanaginipan ko ah!

-----

(Zack)

"Oh! Bat ang aga mo naman?" Nagtatakang tanong ko kay luke na nasa kusina na at naguumpisa nang kumain.

"Bakit may problema?" sabi niya saakin na may laman ng pagkain ang kanyang bibig.

"Nasaan si zane?"

"Tulog parin" Sabi niya saakin.

Ang totoo niyan ang dalawa kong magaling na kapatid ay nag papaligsahan pa pag parehas silang late, paligsahan sa banyo, sa pagkain at pagaayos ng gamit nila sa school syempre laging nanalo si zane. Masyado kasing pagong etong kapatid kong lalaki eh.

"Ano kuya luke paunahan" Napatingin naman kaming dalawa ni luke sa nag salita at si zane pala na kakababa lang at mukhang kakagising lang niya.

"Talo kana" Sabi ko sa kanya.

"Hahaha kuya luke rinig mo sabi ni kuya zack talo kana daw hay...." Inaantok na sabi niya kay luke. Mukhang hindi pa niya masyadong nakikita si luke dahil siguro ay inaantok pa siya.

"Sira! Ikaw ang talo tignan mo kaya ako dito sa kusina" Sabi naman ni luke kay zane kaya napamulat naman siya ng kanyang mata at pumunta dito sa kusina para tignan kung si luke nga ba itong nakain.

"Aba kuya bat ang aga mo ata ah?!" Nagtatakang tanong ni zane kay luke.

"Aba Zane pag hindi ka pa magaayos ay iiwanan ka nanamin" Sabi naman ni luke kay zane kaya agad naman itong kumilos para gawin ang ginagawa niya tuwing umaga.

----

Ilang minuto ang lumipas at sa wakas ay natapos na din si zane sa kanyang pagkain.

Ako na ang nag drive tutuusin naman ay wala naman kaming driver para magdrive ng sasakyan. Ang nag dridrive kasi kay luke at kay zane pag pumapasok sila ay ang driver ni dad, kaya minsan na lalate si dad sa meeting niya ay gawa noong dalawa dahil sa late na ngang gumising kaya late nakakabalik yung driver at kaya late na makakaalis si dad dito sa bahay.

--------------TO BE CONTINUE...

Hi everyone!
Pangako ko po sa sarili ko na tatapuain ko po ito hindi po pwedeng hindi.

Sorry for the wrong spelling cause i did not yet edit it.

So please vote and comment thank you guys!

January 5 2019

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro